You are on page 1of 12

MALAY XVII (I AT 2)

AcosT0200J

AMBAG NI AMADO V. HERNANDEZ


SA REBOLUSYUNARYONG PANITIKAN
Gelacio Guillermo

ISANG taon pagkamatay ni Amado V Hernandez, sinabi ng manunulat-


gurong si Efren Abueg sa isang kumperensya sa Baguio noong 197I na ang
mga nobela ni Hernandez, tulad ng mga nobela nina Lope K. Santos, Faustino
Aguilar, at Lazaro Francisco ay mga akdang pro testa. Tiyak na isinama na
rin ni Abueg sa kategoryang protesta ang iba pang mga akda ni Hernandez
sa tula, dula, at sanaysay, gayundin ang lahat ng mga likhang pampanitikan
sa simula't simula pang lahat ng manu nul at, kilala at di kilala, nang idugtong
niyang "wala pang panitikang rebolusyunaryo sa Pilipinas." Sabi niya, HAng
panitikan, maging sa alinmang wika sa Pilipinas".ay 'protesta' lamang:' ("Ang
Pagsulat ng Panitikang Rebolusyunaryo;' Tungo sa Paglikha ng PanitIkang
Pilipino, 1972, p. 74)
Sa kanyang pagpapakahulugan, sinabi niyang Hang panitikang
nagpoprotesta ay yaong naglalantad lamang ng kalunus-lunos 0 kagimbal-
gimbal na kalagayan ng mga uri ng tao, lalo na yaong 'uring api' sa isang
lipunan," samantalang ang panitikang rebolusyunaryo ay yaong
"[ n Jagmumungkahi ng solusyon at ng siyentipikong pamamaraan sa paglalapat
ng solusyong iyon ... : (Ibid)
AM BAG NI AMADO V. HERNANDEZ SA REBOLUSYUNARYONG PANITIKAN

Hindi natin alam kung saan niya hinugot ang ganitong absolutong mga
pagpapakahulugan sa dalawang kategoryang pampanitikang ito na hang gang
ngayon ay ginagamit ng mga estudyante't kritiko ng panitikan, 0 kaya'y kung
ana ang katayuan ng mga ito sa kanya ngayong pagsusulat at pagtuturo ng
panitikan sa Pilipinas. Sa pagkaklasipika ng panitikan ng Pilipinas sa dalawang
kategorya, kakatwang ang lahat ng produksyong pampanitikan sa ating bayan
ay ihanay sa isang panig at walang iniwan kahit isa man lang para sa kabilang
panig! Walang silbi ang pagkaklasipika kung magkakatulad lamang naman
pala ang mga bagay na pinag-aaralan, maliban kung may intensyon ang
nagkaklasipika na siya ang magpuno sa binakanteng kategorya.
Maging si Virgilio Almario ay gumawa rin ng paghahati sa panulaang
Pilipino noong dekada '80 habang tumutupad ng tungkulin kay Marcos:
ang balagtasismo (tugma't sukat, tradisyunaL lokal) at ang modernismo
(malayang taludturan, makabago, kanluranin). N agiba ang kanyang iskema
nang sa kategorya ng balagtasismo ay gumawa siya ng (napakalaking)
eksepsyon para kay Hernandez!
Si Abueg ang sumulat ng kwentong "Ang Kamatayan ni Tiyo SamueL"
isang alegorya tungkol sa mga batayang problema ng lipunang Pilipino at
ang pakikibaka at pananagumpay ng mga saligang pwersa laban sa
imperyalismong US sa katauhan ni Tiyo Samuel (obvious ba?). Sumulat din
siya ng isa pang kwento tungkol sa isang estudyante/ aktibista na namundok
bilang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (tulad ni Virgilio
Almario, na sumulat naman ng tula na ang pinagsalitang persona ay isa ring
Pulang mandirigma). Kakatwang mga akda, dahil ang mga batikang manunulat
na ito'y hindi man lamang nakaamoy ng tunay na Pulang mandirigma sa
tanang buhay nila. Noong 1971, ang katulad nitong mga akda ay pinuna na
ng Panitikan para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA): nag-aastang
rebolusyunaryo pero kahit progresibo ay hindi.
May pinagmumulan ang ganitong pagtingirwa panitikan. Tawagin natin
itong teknesismo 0 pormalismo 0 estetismo na ri'"akaugat sa New Criticism,
isang paraan ng pagtingin sa panitikan na pinaIaganap ng imperyalismong
US sa panahon ng Cold War, at ngayon, sa panahon ng imperyalistang
globalisasyon, ay muling pinasisigla bilang panuntunan sa pagsasanay ng mga
bagong manu nul at sa mga sentro ng malikhaing pagsusulat sa mga
pamantasan, lalo na sa Unibersidad ng Pilipinas, at hindi lang sa hanay ng
mga manunulat sa Ingles, tulad ng sa naunang panahon. Batay sa pamantayan
ng New Criticism, ang isang akda ay tumitindig na mag-isa, buo, unibersal,

125
G. GUILLERMO

angat sa konsiderasyon ng mga uri, at hindi kailangan ang ugnayang panlabas


para pagpasyahan ang panloob na kaangkinan a panlipunang halaga nita.
Umiinog ang sining para sa sining.
Ana ang istratehiya ngayon ng New Criticism bilang instrumento ng
imperyalismong US at ng mga kampon nito sa Pilipinas? Una, ilayo ang mga
manunulat sa mga usaping panlipunan at ilublob ang kanilang mga sarili sa
pribado nilang pagmumuni-muni at butingtingin ang kanilang mga gawa
batay sa pinakahuling panuntunang Kanluranin. Ikalawa, sa halip ng
tunggalian ng mga uri ( dahil Komunista iyan), itanghal ang kooperasyon ng
gobyerno, malaking negosyo, at civIi society. At ikatlo, sa halip umugnay sa
lokal/ pambansang tradisyong pampanitikan, mag-ambisyong maging world-
class (sapagkat wala nang mga pambansang bonderi dahil daw sa IT).
Sa katunayan, sa testimonyang iginawad kay Hernandez ng Cultural
Center of the Philippines noong 1973 bilang National Artist, gumana ang
impluwensya ng New Criticism na ito at masahol pa dahil may kasamang
konsyus na pambabaluktok. Si Hernandez at ang kanyang panlipunang
praktika sa panitikan ay tinaguriang paradigmatic pracdtioner of 'committed
art: ito ang taktika ng pagdidiin sa sining bilang sining para maihiwalay sa
pulitika. Ang terminong committed art ay inilantad na noon pang dekada
'60 sa kawalan nito ng mapagpasyang tin dig sa interes ng proletaryado. Sa
testimonya ring iyon, binanggit na sinuportahan niya ang Philippine Civic
Action Group (PHILCAG) na ipinadala ni Marcos noong 1966 sa timog
Vietnam para sa civic actIon kuno. Ang totoo; nang si Hernandez ay inimbita
ni Bertrand Russell, ang pilosopong Ingles, para kumatawan sa Pilipinas sa
International War Crimes Tribunal sa Stockholm, Sweden, noon ding 1966,
isang matinding ginawa niya roan (nang may tangkang ilista ang Pilipinas
bilang isa sa mga bansang dapat litisin dahil sa kanilang kriminal na
partisipasyon sa gera sa Vietnam) ay ang ihiwalay ang sambayanang Pilipino
sa programang anti-mamamayang Vietnames ng rehi,aleng Marcos. Sabi nga
niya: "Lagi nang ipagkakapuri ko ang bayang P~lipino, pero mahirap
ipagdepensa ang isang gobyernong papet."
Dahil nasa usapin tayo ng kategorisasyon at ng problema kung paano
ipuposisyon si Hernandez sa entablado ng mga manunulat sa Pilipinas,
banggitin din natin kung paano tiningnan si Hernandez ng muling-tatag
na Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pamamagitan ng isang
organisasyong masa nito bago ipataw ang batas militar noong 1972. May
ginawang distinksyon ang PAKSA nang sabihin nita: Mga

126
AMBAG NI AMADO V. HERNANDEZ SA REBOLUSYUNARYONG PANITIKAN

rebolusyunaryong tula [Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan" at


"Ang Panday"] ng isang dakilang makabayang manunulat
(Rebolusyunaryong Panununng Masa sa Sining at Panitlkan, Kalikasan
Press, 1992, pp. 51-52). Ganito ba ang ibig sabihin nito:
"rebolusyunaryong tula" dahil nagdadala ng pambansa-demokratikong
adhikain ng rebolusyon sa pamumuno ng proletaryado; "makabayang
manunulat" dahil kahit dala-dala niya ang pambansa-demokratikong
adhikain ng rebolusyon (anti-imperyalismo, anti:'pyudalismo, anti-
burukratang kapitalismo) ay hindi naman tiyak kung sang-ayon siya sa
kaparaanan ng digmang bayan 0 tunguhing sosyalista, bukod pa marahil
dahil hindi siya mula sa uring proletaryo 0 pormal na kasapi ng Partido
Komunista 0 anumang yunit nito sa armado 0 ligal na pakikibaka. Sa
ibang pagkakataon, pwede bang sabihin: mga rebolusyunaryong tula ng
isang rebolusyunaryong manunulat? Katulad ba ito ng pagsasabing, "Ang
anumang sulatin ng isang rebolusyunaryo ay rebolusyunaryo?"
Sa mensahe ni Jose Maria Sison sa mga myembro ng UP Writers
Club noong 1985 habang siya'y isang bilanggong pulitiko, sinabi niya na
ang sentro ng ideolohiko na pamumuno sa rebolusyunaryong panitikan at
sining ay ang proletaryado. Kaalinsabay, anya'y dapat kilalanin ang pwedeng
maging ambag ng mga manunulat na naiimpluwensyahan ng ideolohiya ng
kaliwang kawing ng liberal burges, na anti-imperyalista at anti-pyudal. Ang
mga akda ng mga manunulat na ginagabayan ng ideolohiyang ito ay
karaniwang tinatawag na "progresibo" (katumbas ng "makabayan") at
"reaksyunaryo" naman ang tawag sa mga likha ng mga nasa maka-Kanang
kawing (pro-komprador, pro-panginoong maylupa, pro-burukratang
kapitalista, anti-rebolusyon).
Kaakibat ng pagkilala sa proletaryado bilang sentro ng ideolohiko na
pamumuno sa rebolusyunaryong panitikan at sining ay ang pagsunod sa
estetikang panuntunan ng pagiging tTl&lapit sa masa, ng pakikiisa at
pagsusulong ng kanilang pakikibaka para sa' kanilang pun darn ental na interes.
Sa ganitong batayan, alarn na natin kung ana ang magiging desisyon ng
kasaysayan tungkol sa lugar ni Hernandez sa panitikang Pilipino at sa
kasalukuyang rebolusyon. "Pero matagal pa iyon;' ang sabi nga ng isang tauhan
sa isang kwento ni Levy Balgos de la Cruz. Mainam nga sigurong unahan na
ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pagdidisisyon tungkol sa usaping ito.
Maniwala 0 hindi si Efren, ang isang kolum ng kanyang listahan ay hindi
maaaring bakante sa habang panahon.

127
G. GUILLERMO

Dakong 1974, sa isang munting pulong ng mga e1ementong andergrawnd


ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Maynila-Rizal, isang kasapi, si Rigoberto
Tiglao (binabanggit lamang siya dito para ipakita kung paano umuunlad ang
isang tao) ang sa kung anong kadahilanan ay nagsabing, "Bakit ba dinadakila
ng kilusan si Amado Hernandez? Hindi naman siya manggagawa ni kasapi ng
Partido?" Hindi noon nasagot ang tanong, na marahil, kahit ngayon ay
itinatanong din ng mga bagong pwersa ng kilusan, bagamat sa diwa ng pag-
alam at hindi sa astang arogante ng isang inte1ektwal, myembro man ng Partido
o hindi. Sa katunayan, nauna na ang sagot sa tanong na ito. Si Maxim Gorky
ay dinakila sa Unyon Sobyet dahil sa kanyang mga akda, lala na ang nobe1ang
Ina. Mula siya sa uring proletaryong lumpen. Hindi siya kasapi ng Partido
Komunista at sa katunaya'y kasapi siya sa isang samahang salungat sa dang
palisi ni Stalin. Sa Tsina, bago magtagumpay ang rebolusyong pambansa-
demokratiko, si Lu Hsun ay impluwensyal sa pagsusulong ng rebolusyonaryong
panitikan ng mga kasapi at simpatisador ng Partido sa kalunsuran. Bilang
pagpaparangal, ipinangalan sa kanya ang isang akademya na itinatag sa Yan' an
nang magbase ang Partido Komunista ng Tsina doon. Sa Akademyang Lu Hsun
sa Sining idinaos ang isang buwang Panayam sa Yan'an noong 1942, anim na
taon pagkamatay niya. Hindi siya kasapi ng Partido. Mula siya sa panggitnang
uri, sa hanay ng mga propesyonal. Sa ating bayan, sa konteksto ng noo'y
rebolusyunaryong ideolohiya ng burgesyang liberal, dinakila si Jose Rizal ng
Katipunan kahit siya'y ilustrado at hindi kasapi ng Katipunan.
Ayon sa isang kontemporaryo na si Cesar Lacata, awtot ng
awtobayograpiyang Sa Tungki ng lIang ng Kaa way (Linang, 1988, p. 127) at
taga-Tundo rin, si Hernandez ay mula sa panggitnang uri at hindi kasapi ng
lumang PKP nang pamunuan niya ang Confederation of Labor Organizations
(CLO). Hindi tin siya naging kasapi ng muling-tatag na Partido (1968).
Kasapi siya sa Movement for the Advancement of Nationalism (MAN) na
itinatag noong 1967, isang ligal na organisasyong pulitiko na pinamunuan
ng mga elemento ng lumang Partido, na hindi naman rtagtagal ang buhay sa
pangunahing dahilang wala itong mahnaw na programa sa pagkilos na akma
sa pagsusuri nita sa mga pundamental na problema ng lipunan. Namumunong
kasapi si Hernandez sa Komite sa Kultura niyon.
Maaga pa rito, nang mapawalang-sala si Hernandez sa bintang na
rebelyon noong 196 I pagkaraan ng limang taong pagkakapiit, dumadalo
siya sa mga progtama ng Student Cultural Association of the University of
the Philippines (SCAUP) na itinatag ni Jose Maria Sison noon ding 1961.

128
AM BAG NI AMADO V. HERNANDEZ SA REBOLUSYUNARYONG PANITIKAN

Sa ganitong mga pagtitipon at organisasyon, nakakahalubilo ni


Hernandez ang mga luma at bagong pwersa ng rebolusyong Pilipino, siya
bilang kilalang manunulat at dating lider-manggagawa at bilanggong
politikal na mapaghahanguan ng mga aral at gabay, at bilang mag-aaral sa
bagong tibok ng pagblos ng mga kabataan para sa pambansang demokrasya.
Sa kanyang mga sanaysay, mauulinigan, kahit hindi binabanggit ang mga
lunan. ang mga ideyang pampanitikan mula sa "Panayam sa Yan'an" ni
Mao Zedong at sa Lembaga Kebudayaan Rakyat (LEKRA). ang
rebolusyunaryong organisasyon sa panitikan at sining sa Indonesia bago
ang madugong kudeta ni Suharto noong I966 laban sa mga
rebolusyunaryong pwersa.
Sa dalawang pandaigdigang kumperensya sa labas ng bansa na dinaluhan
niya bilang kinatawan ng Filipinas. tumimo sa kanya ang pandaigdigang
kahalagahan ng pakikibaka laban sa imperyalismong US at lahat ng reaksyon
sa pamamagitan ng panitikan at pulitika. Tungkol sa dinaluhan niyang Afro-
Asian Conference sa Beijing, anya:

'~a mga binasangpahayag hinggil sa kani-kaniyang bayan at lipunan,


lumitaw na halos magkakawangis ang kamJang mga problema
nasyonal Pawang mga dating kolonya 0 kolonya pa hanggang
ngayon kaya may gapos pa ang kalayaan ng malaking bahagi ng
sambayanan mabuway ang demokrasya, laganap ang inhustisya
sosyal, at napakalaki ng pagitan ng mga pinagpala at ng mga
sawimpalad. Kung pagsasanibin, ang kamJang mga problema
nasyonal ay isang pangkalahatang usaping internasyonal, na
kautangan ng lahat at bawat makabansang manunulat at artista ang
tumulong sa paklklhaka at pagtatagumpay." (~ng PIlipino sa
Panitlkan, "Magkabilang Mukha ng Isang BagoL UP Press, p. 252)

Alam na natin ang ginawa niya sa Stockholm, Sweden.


Ang ganitong tao ay babt hindi dadakilain ng isang rebolusyunaryong
kilusang ang ipinaglalaban ay nauna na niyang ipinaglaban?
Bilang iginagalang na manunulat, masiglang nakikisalamuha si
Hernandez sa mga seryosong kabataang manunulat sa Filipino at Ingles.
Ginabayan niya ang kanilang pag-unlad sa gitna ng pamamayani ng
komersyalismo sa mga publikasyon at New Criticism sa mga unibersidad,
lalo na sa Unibersidad ng Pilipinas at Silliman University. Sa isang panayam

129
G. GUILLERMO

noong 1968 sa Manuel L Quezon University, kanyang iniharap ang tatlong


tungkulin para sa mga bagong manunulat. Anya:

Sa ganang akin, tadong bagayang dapat taglayin, na parang agimat,


ng mga mangangatha at artista sa wlkang PIlipino lubha pa yaong
mga umaasang mabuhay sa kamlang pan ula t at sining.

Una, kamulatang panlipunan 0 social consciousness na katambal


ang diwa ng nasyonalismo;

1kaiawa, diwa ng paklklbaka at kaunlaran upang maging mabisang


kawal ng panitJkan;

1kado, dapat silang magbuklod sa isang malakas na katipunan


upang makapanindigan magkaroon ng boses sa pangangalaga sa
kamlang kalayaan at karapatan, at nang hindi sa habang panahong
hamak silang upahan na ang trato ng mga magasing komersyal at
ng mga publisher ay mabutI'pa ang trato sa isang labandera. n (Ibid.,
p. 251.)

Isang mahalagang sangkap sa pagtugon sa mga tungkuling inilatag ni


Hernandez ay ang pag-alam sa radikal na tradisyon sa panitikan ng ating bansa.
Sa ganito, naiuugnay ang kasalukuyang panitikan sa nakaraan bilang isang
makasaysayan at pambansang karanasan, at nagbibigay ng inspirasyon sa
kasalukuyang manunulat para sa makabuluhang pagsusulat. Ani Hernandez:
"Ang tradisyon ng mga Balagtas, Rizal, at Plaridel [Marcelo H. del Pilar] ay
pamanang nag-aatang ng banal na tunglmlin sa kasalukuyang salin ng mga
manunulat na Filipino. Ipinakita nila, lalo na sa panahon ng Propaganda, na
sila'y isang pangkat ng mga Don Quijote na sumalakay sa mga lJiganteng molino
de viento dito sa ating lupain at sa Espanya" (Ibid., p. 248). Binanggit din niya
sina Bonifacio, Mariano Ponce, Emilio Jacinto, Pedro Serrano Laktaw, Pascual
Poblete, Lope K. Santos, Sofronio Calderon, at Jose N. Sevilla (Ibid, p. 245).
Nilinaw niya ang ugnayan ng manunulat at pagkilos sa politika. Sa liberal-
burges na pag-iisip, karaniwang pinaghihiwalay ang dalawang ito. Halimbawa:
"Nabilanggo siya hindi dahil sa kanyang panulat kundi dahil sa kanyang pagkilos
sa pulitika kaya hindi ipaglalaban ng PEN [Poets Essayists Novelists] ang
kanyang paglaya." Para kay Hernandez, ang dalawang bagay na ito ay pinag-

130
AMBAG NI AMADO V. HERNANDEZ SA REBOLUSYUNARYONG PANITIKAN

uugnay ng, at pinagsisilbi sa, paninindigan sa buhay ng manunulat. Iniu1at ni


ang engkwentra sa isang kapwa manunu1at sa 1aab ng bi1angguan. Anya:

l'vang unang linggo ko sa Muntinlupa noong AbrIl ng 1952


(kaarawan ng makatang Francisco Balagtas nang ako y dipat doon
buhat sa Camp Crame) pinakipagkitaan agad ako ni Magtanggol
Asa (Aurelio S. Alvero) na nooy nakabllanggo rin. Sinabi niya sa
akin: "Amado, wala kang kasalanan sa mga paratang sa iyo, ngunit
nagkasala ka sa ating wlka at pam'tlkan. Pagkat nang mapa/ulong
ka sa kdusang manggagawa at sa pulitJka ay itinabimo na ang iyong
pluma. Kaya habang narito ka ay sumulat ka, tunlUla kang muiJ: JJ

Mlinaw ko kay Magtanggol Asa na mali ang kanyang akala. Ang


pagsangkot ko sa larangan ng paggawa at pulitJka ay hindipagtalikod
sa panitJkan, manapa y tahas na pagsasakatuparan ng aking mga
simulain at pananalig sa buhay. Ayokong basta sumulat mula sa
ivory tower. Ang makata t mananulat ay hindi tagapanood lamang
sa mga tunggalian sa sinapupunan ng demokrasya. (lIang Sulyap
sa Lumipas at Tanaw sa Darating/' Magkabilang Mukha ..., pp.
118-9).

Inilista ni Hernandez ang mga paksang dapat harapin ng mga seryosong


manunulat, pero kasabay niyo'y idiniin niya kung paano tinitingnan ang mga
ito ng mga manunulat: Ana ang gawi (punta de bista, tindig, aryentasyon).
Ipinaliwanag niya ang 1ugar ng paksa sa ugnayan ng porma at nilalaman. Anya:
"Lahat ng kathang pampanitikan ay dapat pagtambalan ng dalawang esensiyal
na elementong ito [porma=sining, nilalaman=diwa], at sa ibabawniyan ay
tumutukay at naglalarawan ng mga problema ng bayan at lipunan [paksaJ sa
kanilang panahon." ("Ang Pilipino sa Panitikw," Magkabllang Mukha ... , p.
246).

Ang mga paksa:

Ana ang namamalas natin ngayon sa pulutong ng mga manunulat


sa ating wlka? Nagawa ba mlang itangha/ sa hagdanan ng templo
ang mga sakit ng gobyerno at kabulukan ng sosyedad? Nalhllad
ba mJa ang magkalhayong daigdig na gayong abot-sigaw sa

131
G" GUILLERMO

magkab1iang panig ng daan ay tJla may agwat na siniayo ng lupa


sa buwan? ...

Ano ang kamlang gawi sa batas sa Land Reform na nakasulat sa


buhanginan, gayong ito ang tanging lunas sa kanser sa
pagsasamahan sa lupa sa Gitnang Luson? Ano ang gawi mia sa
paghamak ng puhunan sa minimum wage at "walong oras na
paggawa na ang libu-libong despa tsa dora 't ka wani ay
JJ

pinapagiIlingkod sa sampu-Iabindaiawang oras isang araw at


pinasasahod ng tatio-apat na piso lamang? Ano ang kamlang gawi
sa pagtatangi ng mga dayuhan, na kung pasahun"'y dapat limang
ibayo nang sa Pdipino, gayong pareho ng katungkulan at magkauri
ng gawain. Nasaan ang kamlang boses sa genocide ng Estados
Unidos sa Vietnam? Manonood na lang ba s11a sa pagpatay ng
mga guwardiyang Amenkano sa mga binintangang P11ipino, at sa
sari-saring abuso, smuggling at Ibang mga krimen sa mga base
mditar, nang ang mga salaring banyaga ay hindi man madala sa
ating mga hukuman?

Ayan ang mga tanawin at pangyayan~ ang katotohanan ng istoryang


nagaganap sa adng mga paning1n. Ayan ang mga paksang
humahamon sa pagdtJndig ng malusog na panit1kan! (Ibid., pp.
248-9).

Inihanay din ang mga paksang kinahuhumalingan ng para sa kanya'y


mga reaksyonaryong manunulat. Anya:

MadaiIng makdatis ang isang mangangathang reaksiyunaryo.


Ano ang kanyang mga paksa? Superstisyon, ~ababalaghan,
misteryo, pagpapayabong sa mga bisyo at lisyang asal,
pagsusulsol sa kamangmangan, karuwagan at kalup1"tan,
pagpapalubha sa panat1S1smo at obskurantism 0,
pagpapatJngkad sa mga halagang artipisyal, pagtatanggol sa
status quo, pagsamba sa bala ng banyaga, pagbaka sa
nasyonalismo. Kalaban sda ng pamahayag, ng mga unyon, ng
mga aklasan, at wala nang lag1ng sangkalan sa paglason at
pagsugpo sa malulusog na kllusang-bayan kund1" ang

132
AMBAG NI AMADO V. HERNANDEZ SA REBOLUSYUNARYONG PANITIKAN

pangangalaga sa mga batas at sa peace and order. Sa maikling


sabiy taglay mia ang mentalidad ng isang Ranger.

Humaling sa mga hugis at balangkas na hungkag at sa tekmk na


palsipIkado, habang walang bahala sa diwa at kalamnan.
Nakakasagupa sa kabi-kablla ng mga paksang humahanap ng mga
awto~ ngunit ang mga awtor ay hindi nakakIkIiala ng ginto, lalo
na kung may kasamang iupa, at minamagaling pa ang tingga at
plastIk." (1bid., p. 250)

Sa esensya, hanggang ngayo'y ito pa rin ang mga paksa/problemang


kinakaharap ng mga mamamayan at manunulat sa bansang mala-kolonyal at
rnala-pyudal. Ang kaibhan: hinaharap ngayon ang mga problema sa konteksto
ng rebolusyon at kontra-rebolusyon sa panahon ng imperyalistang
globalisasyon at mas rnatinding panghihimasok ng irnperyalisrnong US sa
mga internal na usapin ng ibang bansa, kasama na ang Filipinas, sa balatkayo
ng gera laban sa terorisrno.
Para ilarawan ang patuloy na pagiging konternporaryo ni Hernandez,
narito ang kanyang sinabi hinggil sa isang rnainit na usapin ng kanyang
panahon:

Nabunyag [sa Symington Report} na hindi totoong ang


PHILCAG ay ipinadala sa giyera sa Vietnam alang-alang sa
espiritung makatao at sa demokrasya. Lumitaw na ang ating
gobyerno ay tumanggap ng mIiyon-milyong dolyar ng Kano,
kahalintulad ng supot na pIlak na ibinayad kay Hudas.

Nabunyag din na ang US Arm~ 0 ang kanyang mga eroplano,


abyado~ potograpo, at Iba pa, ay katuloIJ6tng ating PC sa pagdurog
sa mga HUK. Ang rebelyon ng mga mai~asaka sa Gitnang Luson
na binansagang mga HUK ay isang asuntong panloob ng mga
PIlipino, at isang pagtampalasan sa acing sanJing soberanya na
katulungin ang mga kagamitan ng US Army sa Clark Field at
Okinawa sa operasyon ng PC at AFP. ffila tayong iniwan sa isang
duwag na sa basag-ulo ng pamllya ay nag-anyaya pa ng
panghIhimasok ng I'bang tao. (UAusterity: Ukol Kanino/'
Magkabilang Mukha ... , pp. 167-8)

133
G. GUILLERMO

Ano ang bago sa pagkatuta ni Gloria at sa panggegera sa ibang bayan ni


George?
Ang halaga ni Hernandez sa bagong-demokratikong rebolusyon
ay nakalugar sa Rebolusyong Pangkultura, isang matagalang kampanya
sa edukasyon at propaganda para sa pagsusulong ng kilusang pambansa-
demokratiko. Sa halos isang dekada mula nang lubos siyang makalaya
noong 1961 hanggang sa kanyang pagkamatay noong Marso 1970,
hinarap niya, bilang manunulat, kolumnista at guro, ang samutsari't
napapanahong usaping panlipunan. Inugat niya sa mga patakarang
imperyalista at pyudal ang pananatili at pagtindi ng mga pundamental
na problema sa politika, ekonomya, at kultura ng bansa. Ang kawalan
ng makabansang industriyalisasyon, ang hindi pagpapatupad ng reporma
sa lupa, ang oportunismo ng mga partidong politikal, ang
antikomunistang isterya ng mga disipulo ni McCarthy, ang pananatili
ng mga base militar ng US, ang Amerikanisasyon ng edukasyon at
kultura-ito ang mga problemang kanyang inusig sa kanyang mga
sulatin. Inilantad niya ang rebisyonismo ng Unyon Sobyet at hinangaan
ang pag-unlad ng sosyalistang Tsina sa pamumuno ni Mao Zedong.
Kaisang-diwa niya laban sa imperyalismong US ang mga progresibong
dayuhang manunulat at pantas na nakadaupang-palad niya sa mga
pandaigdigang kumperensya. Masigla siyang nakikipagpanayam sa mga
kabataang paglao'y magiging aktibo sa muling-pagtatatag ng Partido
Komunista ng Pilipinas para isulong ang pambansa-demokratikong
rebolusyon na bagong tipo. Sa twina'y itinanghal niya ang paggamit at
pagpapaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa, at isinulong ang
pagsusulat ng panitikang nakikisangkot sa mga usaping panlipunan. Sa
dekada '60, nag-iisa siyang haligi ng panulatang Pilipino sa gitna ng
pamamayagpag ng panitikang Ingles na aral, hindi sa makasaysayang
tradisyon ng radikal na panulatang Pilipino at na~aalsang lipunan,
kundi sa "seven types of ambiguity/ pitong klase -cng kalabuan" ng
Greenwich Village, Vermont, at Iowa.
Malugod niyang sinalubong ang Unang Rebolusyunaryong Sigwa
noong Enero 1970, at sa kanyang pinakahuling tula, isang pagpupugay
sa pitong estudyante/ aktibistang martir, inilatag niya ang panimulang
mapa ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa pamumuno ng PKP
at Bagong Hukbong Bayan. Anya:

134
AMBAG NI AMADO V. HERNANDEZ SA REBOLUSYUNARYONG PANITIKAN

Isang higanteng naghahaiIkwas na paa y Central Luzon


at ang ulo y SIerra Madre,
nagsIsigaw sa sinukoh:
MakIhaka, huwag matakot!
Sa inyo'y walang mawawala hhan sa kadena ng
Pagkahusahos!
MakIhaka, huwag matakot,
Hanggang sa ang hulok na sosyedad ay humagsak at
Madurog!

("Enrique Sta. Brigida, Paghahatid sa Imortalidad," MagkahIlang


Mukha ... , p. 264)
Balana'y tumatawag kay Amado V. Hernandez ng Ka Amado, noon pa.

Bibliograpiya

Hernandez, Amado V. "Ang Pagsulat ng Panitikang Rebolusyunaryo:' Sa


Tunga sa Paghkha ng Pam'tIkang PIlipino. Np: np, I972.
Hernandez, Amado V. "Ang Pilipino sa Panitikan." Sa MagkahIiang Mukha
ng Jsang Bagol at Jba pang Akda ni Amado V. Hernandez. Inedit ni
Rosario Torres-Yu. QC: U of the Philippines P, I997.
Lacara, Cesar. Sa Tungking llong ng Kaaway. Metro Manila: Linang, 1998.
Rebolusyunaryong Panunuring Masa sa Sining at PanitIkan. Maynila:
Kalikasan Press, 1992.

135

You might also like