You are on page 1of 3

Hero raw si Jose Rizal kasi matalino siya.

  Hero siya kasi marami siyang alam


na wika.  Hero raw si Rizal kasi marami siyang tsiks.  Pero sa dinami-dami ng
minemorya natin sa Rizal course, simple lang talaga ang sagot sa tanong na
bakit naging hero si Rizal ng bayan natin, at hindi yan dahil lang sa namatay
siya para sa bayan. 

Hero siya dahil may binasag siyang ideya.  Hero siya dahil may binuo siyang
bagong ideya sa kanyang binasag.  Hero siya dahil siya ang pangunahing
bumuo ng ideya ng nasyon sa Pilipinas.  At hindi niya magagawa ito kundi
siya naging historyador.

Ang kanyang mga sinulat ukol sa kasaysayan ang siyang nagbigay-


depinisyon sa kung ano ang ating pagkakakilanlan bilang mga mamamayan,
isang ideyang pauunlarin at gagawing mas Pilipino ni Andres Bonifacio.

Mayroong mga Pamantayan sa pagpili ng Pambansang Bayani:


1) Isang Pilipino,
2) Yumao na,
3) May matayog na pagmamahal sa bansa, at
4) May mahinahong damdamin.

Bukod kay Jose Rizal, marami ring pinagpilian na mga bayani tulad nina
Emilio Jacinto,
Graciano Lopez-Jaena,
Antonio Luna, at
Marcelo H. Del Pilar,

ngunit si Rizal ang napilisapagkat siya ay tumulong pagkaisahin ang mga


Pilipino laban sa mga Kastila, lumaban para sa kalayaan o kapayapaan ng
Pilipinas sa hindi madugong paraan, at madua ang pagkakamatay.

Makatwiran ang pagpili sakanya, sapagkat maliban sa siya ay nagtataglay ng


mgakatangian ng isang bayani, siya ay lumaban sa mapayapa at hindi
madugong paraan,pinagkaisa ang mga Pilipino gamit lamang kanyang mga
likha at akda, at nagbuwis ngkanyang buhay para sa bayan
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
 (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896)
ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng
pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya
ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa
mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at


ikapito siya sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-
aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer
ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo
Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad
Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa
Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng
pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan
ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta,
pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang
pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tángere, at
ang kasunod nitong El filibusterismo.Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa
ng dalawampu't dalawang wika.

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa


pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, na isang lihim
na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na
naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo.
Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong
pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan,
na susuportahan lamang ang karahasan bilang huling opsyon. Naniniwala si
Rizal na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon
nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga
mamamayan, at winika niya "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay
magiging maniniil ng hinaharap?" Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng
mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak
upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Anak si Rizal nina


Francisco Rizal Mercado (1818–1897)[9] at
Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay
pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"), 
na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa
isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Ikapito sa
labing-isang magkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng) (1850–
1913), Paciano (1851–1930), Narcisa (Sisa) (1852–1939), Olympia (1855–
1887), Lucia (1857–1919), María (Biang) (1859–1945), José Protasio (1861–
1896), Concepción (Concha) (1862–1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945),
Trinidad (Trining) (1868–1951) at Soledad (Choleng) (1870–1929).
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-
co Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co
si Inez de la Rosa, na isang Sangley ng Luzon.

Mayroon ding lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo na
ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na ang ngalan ay
Lorenzo Alberto Alonzo.
 Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, na inanak ng
isang Hapones.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng
abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay
tumuntong ng siyam na taon ay ipinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-
aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang
nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya
sa Maynila. Noong nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de
Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan na bumubuo sa kaniyang
buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano Rizal at ng
pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose
Protasio Rizal". Dahil dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang
"hindi lehitimong anak".
Ginawa ang pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal,
at mailayo ang kaniyang koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang
nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza. Mula pagkabata ay nakakarinig na si
Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga kaisipang pulitikal ukol sa
kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng pamahalaan. Sa kabila ng
pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose bilang "Rizal" sa
mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga guro
sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa
pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga Kastila
ukol sa sinaunang lipunang Pilipino.

You might also like