You are on page 1of 23

a g-

a a
a mah
a

ri n NA
I
g

P
P

I
laa

GBI
n
BIL
I
4
DI
P
N
HI

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 6 Linggo 6:
Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri
ng Pananim at Hayop sa Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan - Modyul :6 Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa
Pilipinas
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Development Team of the Module

Author: Liwayway M. Dawadias

Editor: Nicolasa R. Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Chona Dilangen
Susan Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 6 Linggo 6:

Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri


ng Pananim at Hayop sa Pilipinas

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ngEdukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
3
Panimula

Ang Modyul na ito ang ginawa para sa mga mag-aaral ng


ikaapat na baitang sa asignaturang Araling Panlipunan.

Masasabi mo bang kaaya-aya ang Pilipinas? Oo nga, “It’s more


fun in the Philippines” dahil nakabibighani talaga ang mga uri ng
pananim at iba’t-ibang uri ng hayop na dito lang makikita sa ating
bansa.

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kinalaman ng klima ng ating


bansa sa mga uri ng pananim at hayop na nakatira dito. Inaasahang
pagkatapos mapag-aralan ang aralin, maipapaliwanag ng mga mag-
aaral ang kinalaman ng ating klima sa mga uri ng pananim at hayop sa
Pilipinas. Matututuhan nila kung ano-anong mga hayop at mga
halaman ang nabubuhay sa bansa. Masasagot din kung bakit
nabubuhay ang mga halamang ito sa atin at kung bakit may mga hayop
na dito lamang sa Pilipinas makikita.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa


paggamit ng modyul sa Araling Panlipunan ng
Ikaapat na baitang.

4
Alamin

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang makakamit


mo ang layunin sa pagkatuto.
.

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Mapapaliwanag na ang klima ay may kinalaman sa uri ng


mga pananim at hayop sa Pilipinas.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

5
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

6
Subukin

Pagtambalin ang hanay A at hanay B at isulat ang letra ng tamang


sagot sa puwang.

A B

______1. Isa sa pinakamaliit na A. Kalaw


isda

______2. Pinakamakamandag na B. Pigeon Luzon


ahas Heart

______3. Ibon na mahilig kumain ng C. Pandaka pygmaea


pili

______4. May kulay pulang D. Cobra


balahibo sa gitna-
gitnang dibdib
E. Bougainvillaea
______5. Hindi kalat na halaman

______6. Isa itong orkidyas F. Palmera

______7. Tumutubo sa mga baybay- G. Zamboanga


dagat Del Sur
______8. Lalawigan na may malaking H. Sanggumay
maisan

______9. Lalawigan na may I. Cebu


pinakamalaking niyogan

______10. Tumutubo ito sa lahat ng J. Palay


dako ng bansa
K. Philippine Eagle

7
z

Aralin Ang Kinalaman ng Klima sa mga

6 Uri ng Pananim at Hayop sa


Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal na biniyayaan ng


magandang klima at matabang lupa. Dahil dito, iba’t-ibang uri ng
halaman ang tumutubo at natatangi ang mga uri ng hayop at ibon na
nabubuhay rito.

Balikan

Tingnan mo ang iyong kapaligiran, ano-anong mga halaman ang iyong


nakikita? ________________________________________________.

May alaga ka bang hayop?_______ Anong hayop ito?____________.


Ano pang mga hayop ang makikita mo sa iyong
komunidad?_______________________________.
Isulat ang iyong mga sagot sa patlang.

Tuklasin

Kantahin ang awiting ito sa tono ng “Kung Ikaw ay Masaya”

Klima
ni: Liwayway Maganding Dawadias

May kinalaman ang klima ng bansa ha-ha


Sa mga pananim at hayop sa bansa ha-ha
Palay, Abaka, Mais,
Haribon, Kalabaw, Tarsier,
Tamaraw, Pilandok at marami pa. ha-ha

8
Suriin

Kilalanin mo ang mga nasa larawan sa ibaba at isulat ang pangalan ng


mga ito sa patlang.

Ang iba’t-ibang uri ng klimang nararanasan ng mga lugar sa bansa ay


nakaaapekto sa mga uri ng pananim at hayop na mayroon tayo.

Mga Pananim sa Bansa

Palay- Tumutubo ito sa lahat ng dako ng bansa lalo na sa mga lupang


di- gaanong malagkit kung maputik. Idagdag pa rito ang maulan at
mainit na klima sa bansa na nakatutulong upang ito ay lumaki.

Niyog- mainam ang temperaturang hindi bababa sa 21°C at hindi


naman tataas sa 32°C sa pagtatanim ng puno ng niyog. Sa Luzon, sa
Bicol, Laguna at Quezon makikita ang mga niyogan. Sa Mindanao, sa
Zamboanga del Sur at buong Davao makikita ang pinakamalalaking
niyogan.

Tubo- Kinakailangan ang katamtamang dami ng ulan sa pagpapalaki


ng tubo. Hindi dapat na bababa sa 30°C ang temperatura upang
matiyak ang paglaki nito. Ang lupa at klima ng Negros Occidental,
Lambak ng Koronadal, Pampanga at Tarlac ay angkop sa pagtatanim
ng tubo.

Mais- Makikita ang masaganang ani ng mais sa Davao, Cotabato at


Cebu. Nasa lalawigang ito ang malalaking maisan ng bansa. Sa
Mindanao, sa Davao, Cotabato, Bukidnon at Surigao ito sagana.

9
Abaka- Katamtamang patubig lamang at kailangang
mataba ang lupang pagtatamnan ng abaka. Kailangang
nakakubli ito sa hangin sapagkat may kababawan
lamang ang ugat nito. Sa Luzon, sa Rehiyon ng Bicol sa
mga lalawigan ng Sorsogon, Catanduanes, Albay,
Camarines Norte at Camarines Sur makikita ang tanim
Abaka
na ito. Sa Visayas, sa Leyte at Samar naman may Araling Panlipunan 4 pahina 39
taniman.

Mga Punongkahoy

Mamasa-masa at makapal na lupa ang kailangan upang


mabuhay ang mga punongkahoy.

• Sa Luzon, sa Palawan, Quezon at Lalawigang


Bulubundukin makikita ang malalaking kakahoyan.
• Sa Mindanao, sa Lanao, Agusan at Bukidnon naman ito
matatagpuan.

Ang Mayapis, Tanguili, Yakal, Apitong at Lawaan ay ang mga


puno na bumubuo sa 75 bahagdan ng puno sa makakapal na gubat ng
bansa. Umaabot sa 200 talampakan ang laki ng mga puno. Kadalasang
sa ibaba ng mga punong ito ay mga Pako at makakapal na Punla at
Baging. Makikita rin sa ibang kagubatan ang puno ng Molave.

Ang mga puno ng Pawid, Baging at Bakawan ay kalimitang


nabubuhay sa mga latian at bunganga ng ilog. Ang mga Palmera,
Agoho at Talisay naman ay makikitang tumutubo sa mga baybay-dagat.

Ang mga ugat ng mga puno sa kagubatan ang sumisipsip ng


tubig-ulan. Pinipigil nito ang pagbaha sa mga lambak at kapatagan.
Nakakatulong din ang mga puno sa kagubatan sa pagpigil ng pagguho
ng lupa. Kumakapit sa lupa ang mga puno upang hindi ito gumuho.

10
Iba pang mga Halaman

Isa ang bansa ng Pilipinas sa buong mundo na may pinakamaraming


uri ng halaman.

• Ang Waling-waling ang sinasabing


pinakamaganda at pinakamalaking
orkidyas na makikita sa Mindanao.

• May mga orkidyas naman na laganap sa


buong bansa tulad ng orkidyas na
Sanggumay, Vanda Inginis, at
Waling-waling Dendrobium.
Kapaligirang Pilipino 4 pahina 50

Ang Gumamela, Morning glory, Santan, Lantana, Chichirica, Rosal,


Sampaguita, Sunflower, Bougainvillea, Lily, at Daisy ay mga halamang
hindi kalat. Namimili ito ng mga lugar at klima.

Mga Hayop sa Bansa

May kinalaman ang klima sa kung bakit natatangi ang mga hayop na
sa Pilipinas lamang makikita. Sa kasamaang palad, dahil sa pagkasira
ng ating kalikasan, namamatay at unti-unting nauubos ang mga ito.
Tungkulin nating iligtas ang likas na tirahan ng mga hayop kung nais
nating huwag silang tuluyang mawala.

Araling Panlipunan 4 pahina 42


Tamaraw- ang hayop na ito ay sa Mindoro lamang makikita. Mas maikli
ang sungay ng tamaraw kung ihahambing sa kalabaw na sinasabing
kahawig nito. Dahil kaunti lamang ang bilang ng tamaraw, mahigpit na
ipinagbabawal ang paghuhuli at pagpatay dito.

11
Pilandok o Mouse deer – ito ay sa Isla ng Balabac sa Palawan
naman matatagpuan. Kahawig sa daga ang mukha nito at sa baboy
ang mga paa nito.

Mamag o Tarsier- Ipinagmamalaki ito ng mga taga-Bohol. Kasinglaki


ito ng daga ngunit may mahahabang daliri sa kamay, paa at may
malalaking mata.Tanging sa liblib na kagubatan lamang makikita ang
mga ito. Sila ay nakatira sa mga butas ng kahoy.

Mga Natatanging Ibon


Natatangi ang mga ibon sa bansa dahil sa tropikal na klima rito. Ang
mga uri ng ibong namumugad sa bansa ay umaabot sa 325. Sa
dinarami-rami ng ibon sa bansa, tatlo lamang ang pinakanatatangi –
ang Pigeon Luzon Heart, Kalaw, at ang Philippine Eagle.
Pigeon Luzon Heart- ito ay may kulay
pulang balahibo sa gitnang dibdib bilang
pinakamagandang bahagi nito. May
mahabang binti ito at ang buntot nito ay
maiksi. Matatagpuan ang ibong ito sa Polilio
Island sa Quezon.
Araling Panlipunan 4 pahina 43

Kalaw- makikita ito sa lalawigan ng


Marinduque, Basilan, Bohol, Leyte at Samar.
Ang laki nito ay mula 36 hanggang 38
sentimetro at ito ay may pulang tuka. Mahilig
kumain ng Pili ang kalaw.
Araling Panlipunan 4 pahina 43

Philippine Eagle- ito ang tinaguriang hari ng mga


ibon sa bansa. Kilala ito sa tawag na haribon. Ito
ay may malaking tuka, pinagsamang kulay abo at
tsokolate ang katawan at kulay asul ang mga
mata. May kalakihan ang agila na umaabot ng
tatlong talampakan hanggang isang metro.
Makikita ito sa kagubatan ng Mindanao at
Araling Panlipunan 4 pahina 43
kabundukan ng Sierra Madre. Unggoy ang
karaniwang pagkain ng haribon. Kumakain din ito ng Musang, isang
mabangis na uri ng pusa; Tapilac, isang uri ng squirrel na lumilipad; at
Caguang, kapamilya ng unggoy na lumilipad.

12
Iba pang mga Hayop

Walang kamandag ang karamihan sa mga ahas sa bansa.


Karaniwang matatagpuan ito sa mga kagubatan at kapatagan.
Makikita rin sila sa mga taniman at sakahan, lalo na sa mga lugar na
malapit sa ilog o sapa.

• Cobra - ang pinakamakamandag na uri ng ahas.

Humigit-kumulang mayroong 2,000 uri ng mga isda ang makikita sa


Pilipinas.

• Pandaka pygmea o Tabios – ang isa sa pinakamaliit na isda sa


buong mundo na matatagpuan sa Pilipinas.

• Sagana rin ang bansa sa mga isda tulad ng bangus, tilapia,


lapu-lapu, tanguigue, talakitok at maya-maya. Mayroon ding
butanding at dugong sa karagatan ng Pilipinas.

May ilang sapa at ilog sa bansa na kakikitaan ng mga buwaya.

• Ang estuarine ang sinasabing pinakamapanganib at


pinakamalaki sa hanay ng mga buwaya sa bansa.

• Sinasabi na ang pinakamaking buwaya sa bansa ay si Lolong


na nahuli sa Bunawan, Agusan del Norte.

13
Pagyamanin

Hanapin sa kahon ang mga pananim at hayop na inilalarawan sa


bawat bilang. Ito ay nakasulat ng pababa at pahalang.

P X K A L A W T
A I M A M A G A
L Y L B R N P L
A Z R A U V T I
Y Q M K N Z U S
W A S A T D B A
T N I Y O G O Y
B A K A W A N K

1. Tumutubo sa mga lupang di-gaanong malagkit kung maputik.

2. Ang temperaturang hindi bababa sa 21°C at hindi naman tataas


sa 32°C ay mainam sa pagtatanim ng puno na ito.

3. Sa pagpapalaki sa pananim na ito, kinakailangan ang


katamtamang dami ng ulan.

4. Ang ibon na ito ay may laki na 36 hanggang 38 sentimetro at may


pulang tuka.

5. Sa pulo ng Balabac, Palawan makikita ang hayop na ito.

14
Isaisip

Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa kahon.

Caguang makapal mais

Agoho puno palay

1. Mamasa-masa at ___________ na lupa ang kailangan upang


mabuhay ang mga punongkahoy.

2. Makikita ang masaganang ani ng ______ sa Davao, Cotabato at


Cebu.

3. Nakakatulong ang mga _______ sa kagubatan sa pagpigil ng


pagguho ng lupa.

4. Karaniwang tumutubo sa mga baybay-dagat ang Palmera,


______________ at Talisay.

5. Ang __________ ay pagkain ng haribon na kapamilya ng unggoy


na lumilipad.

15
Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1-3. Isulat ang T kung tama ang mga ginagawa sa pangungusap at M


naman kung mali ito.

_____1. Si Ana at Maria ay naglalakad pauwi ng makakita sila ng pugad


ng ibon sa puno ng mangga. Ito’y kanilang binato hanggang
sa ito’y tamaan at nahulog.

_____2. Sinuway ni Susan si Marie ng makita niya itong pumipitas ng


mga bulaklak sa parke.

_____3. Halos araw-araw ay pumupunta si Mang Ambo sa bundok


upang magtanim ng mga punongkahoy.

4-5. Ano ang iyong gagawin upang mapangalagaan at mapanatili


ang kaayusan ng mga likas na kapaligiran ng mga pananim at
hayop sa bansa?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

16
Tayahin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pananim na ito ay kailangang nakakubli sa hangin sapagkat


may kababawan lamang ang ugat nito.
A. Mais B. Abaka
C. Tubo D. Mangga

2. Angkop sa pananim na ito ang lupa at klimang nararanasan sa


Negros Occidental at Lambak ng Koronadal.
A. Tubo B. Niyog
C. Palay D. Abaka

3. Ito ay isa sa mga puno na kalimitang nabubuhay sa mga latian at


bunganga ng ilog.
A. Molave B. Apitong
C. Palmera D. Bakawan

4. Ano ang tawag sa pinakamaganda at pinakamalaking orkidyas na


makikita sa mga kagubatan ng Mindanao?
A. Dendrobium B. Gumamela
C. Vanda Inginis D. Waling-waling

5. Ang hayop na ito ay may malaki at bilugang mata na ginagamit


nila sa tuwing gumagala sa kadiliman ng gabi. Ipinagmamalaki ito
ng mga taga Bohol.
A. Tarsier B. Kalabaw
C. Tamaraw D. Mouse deer

6. Sa Mindoro lamang makikita ang hayop na ito. Mas maikli ang


sungay nito kung ihahambing sa kalabaw na sinasabing kahawig
nito.
A. Mamag B. Kabayo
C. Pilandok D. Tamaraw

17
7. Ito ang tinaguriang hari ng mga ibon. Kilala ito sa tawag na
Haribon.
A. Kalaw B. Luzon Heart
C. Tapilac D. Philippine Eagle

8. Ito ay kinakain ng Philippine Eagle na isang uri ng squirrel na


lumilipad.
A. Tapilac B. Unggoy
C. Musang D. Caguang

9. Isa ito sa pinakamaliit na isda sa buong mundo.


A. Tabios B. Talakitok
C. Tilapia D. Lapu-lapu

10.Anong hayop ang estuarine na sinasabing pinakamapanganib at


pinakamalaki sa hanay ng mga ito.
A. Isda B. Buwaya
C. Ibon D. Kalabaw

18
Karagdagang Gawain

A. Gumawa ng talaan ng mga pananim at hayop na makikita sa


inyong lugar.

Mga Halaman Mga Pananim


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

B. Sa iyong palagay, ano ang kinalaman ng klima sa mga uri ng


pananim at hayop na nabubuhay sa bansa? (5 Puntos)
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

19
20
Karagdagang Gawain:A. (tanggapin ang
ibang sagot)
Mga Halaman Mga Hayop:
1.gumamela 1. Kalabaw
Tayahin:
2.mais 2. kanding
1. B 6. D
3.niyog 3. maya
2. A 7. D
4.saging 4. baka
3. D 8. A
5.mangga 5. pato
4. D 9. A
B. (Iba-iba ang sagot ng mga bata)
5. A 10. B
Isaisip:
Isagawa
1.makapal
1. M
2. mais
2. T
3. puno
3. T
4. Agoho
4-5 (iba-iba ang sagot ng mga bata)
5. Caguang
Subukin
1. C
2. D
3. A
4. B
5. E
6. H
7. F
8. I
9. G
10. J
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Adriano, M. G.V., M. A. Caampued , C. A. Capunitan., W.F. Galarosa,


N.P. Miranda, & E.R. Quintos (2015). Araling Panlipunan-Ikaapat
na Baitang. VIBAL Group Publishing, Inc

Anda, Menardo O. (2006) Makabayan: Kapaligirang Pilipino, Batayang


Aklat sa Ikaapat na Baitang, LG&M Corporation

21
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

22

You might also like