You are on page 1of 2

ikaTLONG Lagumang Pagsusulit

sa Araling Panlipunan 6
Ikatlong Markahan

I - Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang .Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ito ang binubuo ni Manuel Roxas upang matulungan mga tao at mga pribadong kompanyang makapagsimula
muli at makapagsimula muli at makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng digmaan.
A. Rehabilitation Finance Corporation
B. National Abaca and Other Fibers Corporation
C. National Finance Corporation

2. Paano nagwakas ang panunungkulan ni Manuel Roxas?


A. Namatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan
B. Namatay siya dahil sa sakit sa puso
C. Namatay siya dahil binaril siya ng di kilalang tao
3. Siya ang ikalawang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
A. Carlos P. Garcia B. Ramon Magsaysay C. Elpidio Quirino

4. Alin sa mga sumusunod ang suliraning kinakaharap na suliranin ni Elpidio Quirino sa simula ng kanyang
panunungkulan?
A. Pagbubuklod sa mga Pilipino na noo’y nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon
B. Pag-aangat ng kabuhayan ng bansa
C. Pagpapanatili ng pambansang seguridad.
5. Paano tumugon ang Estados Unidos sa paghingi ng tulong pinansyal ni Elpidio Quirino?
A. Sa pamamagitan ng agarang pagpapahiram ng pera
B. Sa pamamagitan ng Bell Mission
C. Sa pamamagitan ng Malayang Kalakalan
6. Sino ang unti-unting nagpasuko sa mga Huk?s
A. Panloob na panganib
B. Panlabas na panganib
C. Digmaan

7. Anong katangian mayroon si Ramon Magsaysay?


A. matapat
B. matulungin
C. makamasa
8. Ano ang sani ng pagkamatay ni Ramon Magsaysay?
A. atake sa puso
B. pagbagsak ng eroplanong sinasakyan
C. Paglubog ng barkong sinasakyan
II. Suriin ang mga sumusunod na mga programa at patakaran ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtukoy kung
sinong pangulo ang nagpairal at nagpatupad ng mga sumusunod na ito. Isulat ang
MR-Manuel Roxas , EQ - Elpidio Quirino , at RM -Ramon Magsaysay.

9. Pinagtibay ang Land Tenure Law .


10. Pagtatag ng President’s Action Committee on Social Amerlioration upang matugunan ang
pangangailangan ng mahihirap na mamamayan.
11. Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law
12. Pagsasanay sa mga gawaing Bokasyonal.
13. Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas.
14. Pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang kalakaran ng transportasyon.
15. Pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
16. Pagpapatayo ng Farmers Cooperative Marketing Association
17. Pagpapagawa ng mga daan at tulay upang maidugtong ang baryo sa kabayanan
18. Nagpatibay ng Parity Rights.

III. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa patakaran ng napili mong pangulo at ang mga naging ambag
nito sa pag-unlad ng ating bansa. ( 2 puntos )

19-20 _____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like