You are on page 1of 1

“Nena at Neneng”

Nagsimula ang nobela sa pagpakilala sa magkaibigang Nena at Neneng. Inilarawan dito


ang pagsasama nilang maagkaibigan na higit pa sa tunay na magkapatid ang turingan sa
isa’t-isa. Sinabi rin sa kwento na kapwa sila ulila na sa mga magulang. Ang nag-alaga kay
Nena ay ang kanyang ale na si Aleng Inday samantalang kay Neneng ay ang kanyang
kuya Pepe na nag-asawa bago paman siya magdalaga. Kapwa pananahi ang kanilang
hanapbuhay. Magkasabay pumasok sa panahian at kung sa hapon naman ay sabay
silang lumakad pauwi.

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumukat sa moralidad
ng isang tao, ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad ng pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinalda ng lipunan. Sa madaling sabi ang moralidad ay napagkakasunduan
ayon na rin sa kaantasan nito. Ito naman ay ipinamalas sa iba’t ibang paraan ng tao
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakihan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang ipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Sa tradisyonal
naman ay ipinakita at ipakilala sa mga hindi nakakaalam ang isang kultura o tradisyon.
Ibinabahagi ng may akda ang mga kaugalian, paniniwala at tardisyong minana upang
maipasa sa susunod na henerasyon.

Ang nobelang Nena at Neneng ay nagpahayag ng huwarang pagkakaibigan. Na nag


isang kaibigan ay nasusukat hindi lamang sa kaginhawaan kundi maging sa panahon ng
kagipitan. Ito rin ay nagpapahayag ng mga kaugaliang Pilipino sa larangan ng kultura at
paniniwala. Ilan sa mga ito ay ang paniniwala sa mga hula at kahulugan ng panaginip at
ang paghingi ng permiso sa mga magulang ng babaeng liligawan. Nagpapakita rin ito ng
mga kagandahang asal sa mga pangunahing tauhan sa kwento tulad ng pagdadamayan
at maayos na pagtanggap sa bisita.

You might also like