Professional Documents
Culture Documents
ACTIVITY SHEET
WEEK 6 (THIRD
QUARTER)
NAME:
GRADE
ENGLISH
Recounting Events
Read the short story then follow the instructions given.
Being Like Jesus
Veda Anne E. Chavez
Leo is very excited, his eyes are twinkling with joy. Today is an event he always looks
forward to every year. It is an event he always attends with his grandmother.
Leo and his family live in Pasig City. One of the grandest cultural celebrations of
Pasig City is the Bambino Festival. It is held in honor of the child Jesus.
As soon as he opened his eyes, he immediately stood up and fixed his bed. He
hurriedly went to the other room and knocked at the door to wake up his
grandmother. He knocked three times, then knocked more loudly again, but there
was still no answer.
“Lola, I will open your door and come in okay?”, Leo said.
He slowly crept in after he opened the door. He found his grandmother still lying on
the bed. She’s not feeling well. “Leo, apo, I’m sorry, I know how excited you are every
year for this but I think I can’t go with you to the festival today. I have a slight fever
so I have to rest.”
Leo felt a pang of disappointment, but he disregarded it right away. He remembered
what his Lola told him before. She said that the person they are honoring at the
festival is more important than the festival itself. Jesus’ example of being forgiving,
obedient, selfless, and loving should be followed not just by the people who attend
the festival but by everyone.
“Don’t worry Lola, just take a rest today. I will go down and prepare your food
and medicine. I know that’s what Jesus wants me to do this time.”, Leo said
sincerely. He hugged his grandmother and smiled at her.
Directions: Recount the events that happened in the story according to its
sequence by writing 1-5. Write your answers on the space before the sentence.
______ He comforted his Lola and told her to rest.
______ He saw his Lola still lying on bed, not feeling well.
______ Leo’s eyes twinkled as he opened his eyes, stood up and fixed his bed.
______ He knocked at the door of his Lola’s room, but no one answered.
______ His ola can’t go to the festival with him.
AP
Kahalagahan ng Ginawang Pakikipaglaban ng
mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol
ISANG PAGPUPUGAY SA ATING MGA BAYANI AT SA
PAMANA NILANG KALAYAAN
by Ferdinan S. Gregorio
Noong ika-12 ng Hunyo 1898, sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-5 ng hapon, idineklara ni Hen.
Aguinaldo sa kanyang bahay sa Cavite el Viejo (Kawit) ang kalayaan ng Pilipinas. Iwinagayway sa
bintana ng bahay ni Hen. Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na tinahi ni Marcela Agoncillo sa Hong
Kong, at tinugtog ang pambansang martsa na noo’y wala pang mga titik. Binasa ni Ambrosio
Rianzares Bautista sa mga Pilipinong naroroon sa harap ng bahay ang Acta de la proclamación de
independencia del pueblo Filipino.
Kung tayo’y magbabalik-tanaw sa mga pangyayaring naganap bago ang paghahayag ng ating
kasarinlan noong makasaysayang araw na yaon, ang labis na pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga
Pilipino ang pangunahing dahilan kaya’t ang ating mga bayani ay lumaban sa pamahaalang kolonyal.
Sa higit tatlong siglong pananakop ng Espanya, nakalasap ang mga Pilipino ng iba’t-ibang uri ng
pagmamalabis gaya ng sapilitang paglilingkod sa sistemang Polo, mataas na buwis, sistemang bandala,
pagsupil sa karapatang makapagpahayag ng mga opinyong salungat sa mga polisiya ng pamahalaan at
iba pang anyo ng pang-aapi. Bagamat ang pormal na deklarasyon ng kalayaan ng ating bansa ay
ipinahayag noon lamang ika-12 ng Hunyo 1898, marami nang mga pag-aalsa ang naganap sa simula
pa lamang ng pananakop ng mga dayuhan. Labis ding nakapagpaalab ng damdaming makabayan ang
pagbitay sa GOMBURZA (GOMEZ, BURGOZ at ZAMORA) noong 1872 at pagbaril kay Jose
Rizal noong 1896.
Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay
para sa ating kalayaan. Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang
pinakadakilang anyo ng pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mgaisipa’t damdamin na ang pagkakaroon ng
sariling pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa – isang pamahalaang kinikilala, iginagalang
at ipinagmamalaki ng mga nasasakupan. Kaakibat ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang
pagbalangkas ng saligang batas na magiging batayan ng mga alituntuning susundin ng mga
mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang kanilang ginagalawan. Naging inspirasyon ang mga
ninuno’t bayani natin upang tayo’y mangarap at gumawa ng mga hakbang tungo sa mga repormang
kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa. Ang bayaning tulad ni
Apolinario Mabini ay nagpakita na hindi hadlang ang kapansanan upang makapag-ambag sa mga
adhikaing isinusulong para sa kabutihan ng bayan. Si Melchora Aquino o Tandang Sora nama’y
hindi ininda ang katandaan sa paglilingkod sa kapwa Pilipino.
Kung sina Rizal, M.H. del Pilar, Lopez-Jaena at iba pang mga propagandista’y gumamit ng pluma
at papel sa pakikipaglaban, sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo nama’y gumamit ng
sining upang gisingin ang nasyonalismong Pilipino. Ipinamalas ni Bonifacio na ang kakapusan ng
mataas na antas ng edukasyon ay hindi maaring makapigil sa pag-usbong ng damdaming makabayan.
Ginamit naman nina Lapu-Lapu, Sultan Kudarat, Diego Silang, Emilio Aguinaldo, Gregorio del
Pilar at mga Katipunero ang kanilang lakas upang ipaglaban ang ating kalayaan. Nakita natin sa ating
mga bayani ang pagnanais na makawala sa gapos ng pananakop – bagamat magkakaiba sila ng
pamamaraan ng paglaban, iisa ang kanilang layunin – ang maging malaya ang ating bansa.
Si Andres Bonifacio ay sumagisag sa karaniwang Pilipino na nagnais magkaroon ng pagbabago sa
lipunan. Una siyang sumapi sa La Liga Filipina at nang mabuwag ang samahan, pinamunuan niya
ang pagtatatag ng Katipunan upang makamit ang minimithing kalayaan. Nagsulat rin siya ng mga
sanaysay at tulang gaya ng Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog at Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na
lalong nakapagpaalab ng nasyonalismong Pilipino. Napakahalaga ng bahaging ginampanan ni Andres
Bonifacio noong panahong kasukdulan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan.
Pinangunahan niya ang pagpunit ng sedula bilang hudyat ng paglaban sa mga mananakop.
Nagkaisa ang mga Pilipino noon na lumaban para sa kasarinlan hanggang sila’y magtagumpay. Sa
kasalukuyang panahon, bagama’t wala na tayo sa ilalim ng pamumuno ng mga dayuhang mananakop,
dapat tayong magkaisa upang labanan naman ang kakapusan ng wastong edukasyon, pagkagutom,
kawalan ng maayos na hanapbuhay at korapsyon upang matamo natin ang kaunlaran at makalaya tayo
sa kahirapan.
Ang pansariling disiplina at pagsunod sa ipinatutupad na batas ang isa sa mga pangunahing hakbang
upang mabigyang saysay ang pagdiriwang ng ating Kalayaan. Ang kalayaan ay hindi nagangahulugan
na malaya tayong gawin anuman ang ating naisin, bagkus ay may kalakip na responsibilidad bilang
mamamayan. Hindi sapat na sabihin lamang nating tayo ay nagmamahal sa bayan. Dapat na may
kaakibat itong gawa. Dapat ring tayo ay maging masipag at produktibong mga mamamayan upang
tuluyang magapi ang kahirapan. Ang mga kabataan nama’y dapat na pagbutihin ang kanilang pag-aaral
nang sa gayo’y magkaroon sila ng maayos na trabaho sa hinaharap at kung magkapamilya ay mapag-
aaral rin nila ang kanilang mga anak. Kapag nagkagayon, unti-unting mawawakasan ang kahirapan,
kakulangan ng wastong edukasyon at korapsyon sa ating bansa.
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Kung si Jose P.Rizal ay lumaban gamit ang kanyang pluma at papel, sino naman sa mga
sumusunod na bayani ang gumising sa kamalayan ng mga Pilipino gamit ang Sining?
A. Marcelo H. Del Pilar C. Graciano Lopez Jaena
B. Juan Luna D. Andres Bonifacio
2. Anong tula ang isinulat ni Andres Bonifacio na nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino?
A. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa C. Noli me Tangere
B. Me Ultimo Adios D. El Filibusterismo
3. Saang lugar sa Pilipinas iwinagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo ang ating watawat?
A. Pangasinan B. Tarlac C. Batangas D. Kawit, Cavite
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang ginawang pakikipaglaban ng ating mga
bayani para sa kalayaan?
A. Ang pagkakaroon ng sariling disiplina at pagsunod sa ipinatutupad na batas.
B. Panonood ng mga pelikulang tungkol sa mga bayani.
C. Pakikilahok sa mga protesta ng ating mga kakabayan.
D. Pagbili ng mga aklat ng tungkol sa ating mga bayani.
5. Hindi hadlang ang kanyang edad upang mapaglingkuran ang kanyang Inang bayan at tumulong sa
mga sugatang katipunero. Sino ang tinutukoy dito?
A. Gabriela Silang C. Melchora Aquino
B. Gregoria de Jesus D. Teodora Agoncillo
MATH
ARTS
Physical Education
Gawain Dahil alam mon a ang Sayaw na Carinosa, maari mo
bang praktisin ito at isend sa aking ang inyong napagpraktisan?
Kung walang pang video ay maari kang magsulat ng iyong
karanasan
Health
GatewayDrug
Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga bagay na
maaring gawin upang makaiwas sa gateway drugs. Gawin ito sa
isang short bond paper at tignan ang rubrics sa baba ubang maging
gabay
ESP
Gawin nating ang pagiging maalaga sa loob ng isang lingo ang inyong gagawin ay maging
isang masipag bata.magtanim ng isang halaman sa inyong bakuran. Alagaan ito hanggang
lumaki at gumanda. Magpakuha ng litrato kay Nanay at Tatay at magsulat ng repleksyon sa
Gawain na ito.:)
EPP
Baka
Kulungan at bakod na may sukat na 1 ½ hanggang tatlong metrong kuwadrado.
Lubid pantali.
Kawayan at pawid.
Sementadong sahig para madali itong linisin.
Lugar para sa pagkain at tubig na may padaluyan ng dumi.
Partisyon upang hindi magambala ang baka kapag ginagatasan.
Baboy
Kawayan, nipa o pawid na nagpapanatili sa temperatura ng kulungan.
Konkretong lapag upang madaling linisin at ligtas sa parasitiko at sakit.
Painuman at iba pang gamot.
Ilaw upang painitan ang mga bagong silang na biik.
Kambing
Kulungang may sukat na dalawang metro ang haba at apat na metro ang lapad.
Kawayan, nipa, kugon upang makatipid sa gastos.
Timba, kahon, o batyang gagamitin.
Manok (layer)
Kulungan na may sapat na bentilasyon at malayo sa ingay.
Patukaan, painuman, at salalayan ng dumi.
Asin para sa magandang pangingitlog.
Manok (Broiler)
Ilaw o bombilyang may 50 watts para mailawan ang bagong pisang sisiw.
Lalagyan ng inumin.
Tuyong dahon para sa bahay ng mga sisiw.
Patukaan sa loob ng kulungan na gawa sa yero, kahoy, o biyak na kawayan.
Kalapati
Kulungan na mataas para hindi maabot ng mga daga, pusa at ahas.
Tuyong dahon sa loob ng kulungan.
Painuman.
Paliguan kung mainit ang panahon.
Pugad para sa pangingitlog at sa pagpipisa.
Pugo
Kulungan ng pugo na may sukat “4 x 8 x 1“talampakan.
Sahig na may ¼ pulgadang wire mesh
Pantakip sa ibabaw tulad ng lawanit o plywood.
Wire mesh o bamboo splits
Tilapia
Kawayan
Lambat o nylon net
Fish pen
Hito
Bakod na yari sa kahoy, adobe, kawayan o iba pang katutubong materyales.
Lambat o nylon net
Fish pen