You are on page 1of 2

Gawain Bilang 1.

B
Pagsulat ng Rebyu. (Balikan ang aralin upang matukoy ito) gumawa ka ng rebyu ng
anomang teksto na nabasa mo tulad ng panitikan, artikulo, balita at iba pa. Pumili ng
isa upang maisagawa ang REBYU. Magpasa din ng orihinal na teksto at buod ng
ginawang rebyu. Maaaring encoded o sulat kamay na malinaw at mabasa ito. (300 na
salita lamang)
\

Rebyu
Rebyu sa tulang“Ang
sa Tulang “ang Guryon”
guryon” nini
ildefonso santos
Ildefonso Santos
“Ang Guryon”

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
na yari sa patpat at papel de Hapon; ay mapapabuyong makipagdagitan;
magandang laruang pula, puti, asul, makipaglaban ka, subali’t tandaan
na may pangalan mong sa gitna naroon. na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
ang guryon mong ito ay pakatimbangin; matangay ng iba o kaya’y mapatid;
ang solo’t paulo’y sukating magaling kung saka-sakaling di na mapabalik,
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling. maawaing kamay nawa ang magkamit!

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
at sa papawiri’y bayaang lumipad; dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
at baka lagutin ng hanging malakas. bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

___________________________________________________________________________________________

BUOD:

Ang tula ay tungkol sa isang ama na nagbigay ng isang guryong gawa sa patpat at papel de Hapon
sa kanyang anak. Ibinahagi ng ama sa anak kung paano paliparin ang guryon at sa huli ay inihalintulad
niya ang mismong guryon sa buhay ng tao.

___________________________________________________________________________________

Ang tulang ito ni Ildefonso Santos ay may labindalawang sukat sa anim na saknong at may apat
na taludtod. Ito’y gumamit ng simpleng lipon ng salita para mas higit na maintindihan ng mambabasa.
Sapagkat ito’y nakabatay sa Teoryang Imahismo, mayaman sa imahe ang tulang aking nabasa na may
karaniwang ideya lamang.

Ang tula ay tungkol sa buhay ng tao. Inihalintulad ito sa isang guryon dahil ang guryon ay
marupok, hindi gaanong matibay ngunit kapag napalipad mo na ito ng mataas, titingalain ito at
hahangaan. Katulad lamang ito sa buhay ng tao, may mga pagsubok na hindi natin inaasahan. Dapat na
maging matatag at may tiwala tayo sa ating sarili upang makamit natin ang ating mga pangarap at
huwag nating kakalimutan ang ating Panginoon.

Ang pagpapalipad ng guryon ay tulad din ng pagbalanse sa ating buhay. Ang buhay ayon sa
maraming palaisip ay patuloy na pakikipagsapalaran sa daigdig na ito. Sa pagsilang pa lamang natin ay
marami ng pagsubok ang nakaabang sa atin kaya kailangan na natin itong paghandaan. Kailangang
maging matatag tayo at maging matapang sa pagharap dito.

Ang aral na makukuha sa tula ay kung gaano kataas ang iyong paglipad, ganun din kababa and
iyong pagkalagapak. Ang mapagkumbaba ay kinalulugdan ng Diyos, kaya huwag magmataas (Santiago
4:6). Sa anumang pagsubok na dumating sa ating buhay, magpakatatag at dumulog sa Poong
Maykapal, tiyak ika’y magtatagumpay.

You might also like