You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Niyog (The Legend of the Coconut)

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa
kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu
ang kanyang anak, talagang nahirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang
ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: “
Sino na ang magpapakain sa amin?” tanong ng pinakamatandang anak.

“Sino na ang mag-aalaga sa amin?” tanong ng ikalawang anak. “ Sino na ang maglalaba ng ating damit?”
tanong ng ikatlong bata.

sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya’y maganda at maputi. “ Huwag na
kayong umiyak” sabi niya. “ Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at magbantay kayo sa
kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo
ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay
nananaginip lang sila.

Sumunod naman ang sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang
libingan araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na
tumubo. Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa
taas ng puno at sa dami ng bunga nito.

“Marahil aakyatin ko na lamang itong puno.” sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyat at
pumitas ng bunga. “Mga ulo ninyo,” ang sigaw niyang babala sa itaas. “Ibabagsak ko ito at buksan
ninyo.” Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.

“Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,” sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay “Ang puti at
kay sarap naman ng lasa ng bungang ito.” ang wika ng ikaapat na anak.

Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyat sa itaas ng puno. Nagkainan at nag-inuman nakita
nila na di sila magugutom pang muli. Ang bungang iyon ay kauna-unahang niyog dito sa daigdig. Iyan ang
alamat ng niyog.

You might also like