You are on page 1of 1

"Huwag mong bitiwan kung di mo kayang

iwan"
By:Roziel M. Mangsat

Huwag mong tapusin ang laban,


Kung hindi mo pa sya kayang pakawalan
Huwag mong bibitawan,
Kung ang puso mo, siya ang nilalaman
Huwag na huwag mo siyang iiwanan
Dahil lang sa tingin mo ay di ka kawalan
Masakit aking kaibigan,
Na sa huli, siya ang iyong iniiyakan
Siya ang paulit-ulit na dahilan
Kung bakit ka luhaan
Dahil sa oras na simulan mong tapusin
ang laban,
Dapat sigurado kang kaya mong lumisan
Dapat kaya mong talikuran
Ang dati nyong mundo at ang nakaraan

Siguraduhin mo lang na 'di ka iiyak gabi


gabi
Siguraduhin mo lang na walang bahid ng
pagsisisi
Ang sa iyo ay gaganti.
Kaya payo lamang aking kaibigan,
Ang tao ay mahirap kalimutan kung
sapilitang binitawan
Huwag mong itakda kung kailan ang
hangganan
Hayaan mong ang panahon ang
magtalaga
Bago mo kalimutan ang paborito mong
kataga
Mahirap magsisi sa bandang hulihan
Dahil hindi na ulit maaaring simulan kung
ano man ang inyong mga pinagsamahan

You might also like