You are on page 1of 2

Name: __________________________________ Puntos:____________

Baitang at Pangkat:______________________

Lagumang Pagsusulit Sa Filipino


Bilang 1

I. Makinig sa kuwentong babasahin ni Nanay.


Sagutin ang mga tanong.Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ang mag-asawang Mang Roming at Aling Rema ay mahilig mamasyal. Isinasama nila ang
kanilang walong taong gulang na si Marlon. Marami na silang lugar na napasyalan sa Pilipinas tulad ng
Baguio, Tagaytay, Bicol, Ilocos, Cebu, at Bacolod. Bawat lugar na kanilang pinupuntahan ay
kinukuhanan nila ng litrato. Mayroon silang kuha na naliligo sa talon, namimitas ng strawberry, at
kumakain ng hilaw na mangga. Aliw na aliw sila sa magagandang tanawin at produktong kilala sa isang
lugar. Kaya naman tuwing sila’y uuwi marami silang dalang pasalubong sa kanilang mga kamag-anak.

Piliin ang letra ng wastong sagot.Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Sino ang mahilig mamasyal?


a. Mang Roming at Aling Rema c. Marlon
b. Mang Roming

2. Ilang taon si Marlon?


a. 6 b. 8 c. 10

3. Ano ang ginagawa nila sa lugar na kanilang pinupuntahan?


a. Hindi na nila binabalikan
b. Ipinagmamalaki nila sa kanilang mga kaibigan
c. Kinukuhanan nila ng litrato

4. Dalawa sa mga lugar na kanilang pinuntahan ay_____ at _____.


a. Pampanga at Laguna c. Cebu at Bacolod
b. Baguio at Batangas

5. Paano nila nagustuhan ang mga lugar na napuntahan?


a. tinatangkilik nila ang produktong gawa
b. nagdadala sila ng maraming kaibigan
c. hindi sila umuuwi agad

II. Alin sa mga salita sa ibaba ang tumtukoy sa tanong na sino,saan ,kailan at paano. Isulat ang S kung
sino,SN kung saan, K kung kailan at P kung Paano. Isulat ang sagot sa patlang.
________6. mabilis na tumakbo
________7. Reynaldo
________8. palengke
________9. masayang nagkukuwentuhan
________10. kahapon

III.Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapakita sa paggamit ng telepono at Mali kung hindi wasto. Isulat ang
sagot sa patlang.

______11. Sinisigawan ko ang aking kausap kapag hindi ko gustong makipag-usap.


______12. Masaya kong sinasagot ang tawag sa telepono.
______13. Binabagsakan ko ng telepono ang tumatawag sa akin.
______14. Hindi ko ibinibigay ang tawag para sa aking ate at kuya.
______15. Inililista ko ang iniiwang impormasyon ng tumatawag na hindi para sa akin.

III. Piliin ang angkop na pagbati.Bilugan ang titik ng tamang sagot

16. Nasa plasa kayo isang hapon. Nakita ninyo si Kgg. Lucy Villaran, ang kapitan ng barangay.
a. Kayo pala ang aming kapitan
b. Magandang hapon po, Kapitana!
c. Bakit po kayo narito.

17. Sabado ng tanghali ng makasalubong mo ang iyong Ninong .


a. Saan po kayo pupunta ,ninong?
b. Saan po kayo nanggaling, ninong?
c. Magandang tanghali po, ninong!

18. Gabi, nagluluto ang nanay mo.


a. Magandang gabi po Nanay!
b. Nanay, anong ulam?
c. Matutulog na ako Nanay!

19.Isang umaga kasama ka ng iyong tiya sa pamamlengke nanag makasalubong ninyo ang inyong guro.
a. Saan ang punta mo?
b. Anong bibilhin mo Bb. Burgos?
c. Magandang umaga po, Bb. Burgos!

20. Mayroong nag-uusap sa daraanan mo.


a. Makikiraan po
b. Pasensiya na po
c. Maraming Salamat po.

You might also like