You are on page 1of 43

ALAMAT NG MAKOPA

Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong
o batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng
mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar.
Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang
lugar na malapit sa gubat.

Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan


hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong.
Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon
ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.

Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao.
Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may
bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at
tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang
makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon
ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno.
Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan.
Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na
bungang hugis kampana ang mga taong-bayan
ALAMAT NG LANSONES

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman,


walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw
ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat
gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at
kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa
bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.

Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan.
Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya
pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng
lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na
mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para
lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong
kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita
ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason.
Kumain na kayo." At nawala ang babae.

Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At
naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.
GLOSSARY

Ada n. fairy

Bakas n. (1) print; a mark made by pressing or stamping, such as a footprint;


impression (2) stamp (3) trace; a mark lift (4) track (5) a mark or spot left on
something (6) imprint; a mark made by pressure; print (7) show; appearance (8)
tincture; trace; tinge

Batingaw n. large bell

Binata n. bachelor

Buhat prep. from

Bula n. foam; bubbles; froth; soapsuds

Kakaibang adj. (1) singular; strange (2) nondescript; not easily classified; not of any
one particular kind

Kahilingan n. (1) request (2) petition; supplication

Kampana n. bell

Karaniwang adj. (1) common; ordinary; not special

Kasaganaan n. (1) abundance; a plentiful supply (2) plenty; full supply; all that one
needs (3) wealth; large quantity; prodigality (4) prosperity; affluence

Kasawiang-palad n. adversity; misfortune; distress

Kinambatan

Kinaumagahan n., adv. the next morning

Kurot n. pinch; a squeeze between the thumb and the forefinger

Dali-dali adv. hurriedly; hastily; quickly; in a rush

Dinatnan v. to visit; to come upon (2) to catch someone in the act (3) to find someone
or something upon arrival

Diwata n. (1) muse (2) beautiful or lovely queen (3) nymph (4) fairy (5) goddess
Engkanto n. (1) charm; enchantment; spell (2) in local folklore; a spirit that can
enchant or charm people

Gayunman (1) however, nevertheless (2) at any rate (3) just the same (4) all the same
(5) still; and yet; but yet (6) in any case; anyhow (7) though

Gubat n. (1) forest; woodland (2) jungle; a thick forest (3) wilderness; a wild place;
the wilds

Hinawakan v. take hold of something specific

Hinahabol v. to hound; to hunt

Hiningi v. to ask for; to demand

Hinukay v. to excavate; to uncover by digging

Hugis n. shape; form; figure

Hugis-puso adj. heart-shaped

Ibinaon v. to embed; to fix or enclose in a surrounding mass; to bury

Inabutan v. to overtake someone; to find someone or something upon reaching a


place; to catch up

Inasahan v. anticipated; expected; hoped for

Ipinagtapat v. (1) to confide; to tell a secret (2) to avow; to declare frankly

Lumubha v. to grow or get worse; to degenerate

Lupain n. realm; region

Makaraan adj. (1) bygone; past; former; departed (2) former; past; long past (3) late;
recent

Maghigpit adj. (1) austere, severe or strict (2) hard; not yielding to influence; stern (3)
drastic; acting with force or violence (4) ironclad; very hard to change or get out of (5)
precise, meaning strict (6) rigid; not changing (7) stern; strict; severe; harsh (8)
stubborn; hard to deal with
Maitaboy v. (1) to be able to dispel; to dispel; to disperse (2) to repel; to drive back or
away

Malalapad adj. broad; wide; large across

Nakikinabang v. to profit; to get advantage from; to benefit

Nakabaon adj. buried; embedded

Nakatiis n. able to endure; undergo; stand or bear

Nagkakaloob v. to endow; to bestow; to furnish with; to award; to grant; to give

Naghinala v. to suspect

Nagmana v. to inherit physical or intellectual qualities

Nahintakutan

Nangahas v. took by force

Mangahas v. to take by force

Nangangamba v. (1) to be afraid; to feel uneasy about something (2) to be alarmed; to


be afraid (3) to apprehend; to expect with fear (4) to doubt; to be apprehensive of; to
fear in a mild sense

Napagawi (1)n. direction (2)v. veer in a certain direction

Napadako n. direction; way

Napalinamnam (1) n. savor; taste (2) adj. delicious; very tasty (malinamnam) (3) v.
to taste; to savor (namnamin)

Nasalubong v. met on the way

Pagkabigla n. shock; a disturbance of the nervous system; a start

Pagsalakay n. (1) attack; attacking (2) onset (3) assault (4) offense

Pagsisikap n. (1) zeal; an eager desire or effort; earnest enthusiasm (2) endeavor;
attempt (3) effort
Pook n. (1) place; locality; district; site; area; region (2) quarter; section; place of
dwelling

Pulubi n. (1) pauper (2) mendicant; beggar

Pumapansin n. (1) notice; heed; attention; advertence (2) a comment; a remark (3)
recognition; attention; favorable notice (4) critical view

Samakatwid conj. therefore

Sinapantaha

Tinikman v. to taste

Tulisan n. highway robber; brigand; bandit; outlaw

Tumutubo v. (1) to grow; to thrive; to live (2) to develop; to grow (3) to shoot; to
come forth from the ground; to grow rapidly

Ugat n. root; the part of a plant that grows in the soil

Wari'y (1)n. opinion; estimation; judgement (2)adv. (idiomatic use), it seems


Alamat ng Pilipinas
Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon
lamang maliliit na mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo ay may
nakatira ditong isang higante.

Ang kweba nya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang


naninirahan ang kanyang tatlong anak na babae na sina Minda, Lus at Bisaya.

Isang araw kinakailangang umalis ng amang higante upang mangaso sa kabilang


pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid kaya pinag sabihan niya ang
tatlo.

“Huwag kayong lumabas ng ating kweba,” ang bilin ng ama. “Dyan lamang kayo
sa loob dahil may mga panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.”

Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kweba ang magkakapatid.


Inayos nila itong mabuti para masiyahan ang kanilang ama.

Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi ito masunurin sa ama.
Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat. Hindi man lamang nagsabi sa
mga kapatid.

Tuwang-tuwa si Minda na naglalaro ng mga along nanggagaling sa dagat.


Namasyal sya at hindi nya napansin na malayo na pala sya sa tabi ng dagat.

Habang sya ay naglalakad, isang napakalaking alon na masasabing dambuhala


ang lumamon kay Minda. Nagsisigaw sya habang tinatangay ng malaking alon sa
gitna dagat.

“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni
Minda. Abot ang sigaw sa loob ng kweba kaya tumigil sa paggawa ang dalawa.

“Si Minda humihingi ng tulong!” sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa
pagkagulat.
“Oo nga! Halika na!” yaya ni Bisaya. “Bakit kaya?”

Mabilis silang tumakbo sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nila
sisinghap-singhap sa tubig ang kapatid.

“Hayon sa malayo!” sigaw sabay turo ni Lus.

“Hindi marunong lumangoy si Minda ah!” sabi ni Bisaya at tumakbo na naman


ang dalawa. Sabay iyak ni Lus.

Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila
sa kapatid. Pati sila ay nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay,
iyak sigaw at walang tigil na kawag. Sa kasamaang palad ang tatlong dalagang
higante ay hindi na nakaahon.

Nang dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang sumalubong sa
kanya. Dati-rati ay nakasigaw na sa tuwa ang tatlo nyang anak kung dumating
sya. Wala ang tatlo sa kweba, ni isa ay wala roon.

“Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong nya sa sarili. “Saan kayo Lus,
Minda, Bisaya!”

Walang sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila roon. Pinuntahan
niya ang ilang malapit na pulo, ni anino ay wala.

SEE MORE: Alamat ng mga Lugar


“Baka may pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng higante sa sarili.

Biglang umalon ulit at dumagundong, napalingon ang ama at naisip niya na baka
nalunod ang tatlo. Dumako pa sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante.

Nakita niya ang labi ng ilang pirasong damit na nakasabit sa bato. Para tuloy
niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo.

Naalala niya bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito. Tumalon sa
dagat ang higante. Sa isip lamang pala niya ang larawan ng tatlong kamay na
nakataas, nawalan siya ng lakas.
“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng ganang
kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo.

Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa


pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang
pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante.

Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga mata. May nakita
siyang wala doon dati. Tumayo bigla at tiningnan mabuti.

“Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?” Tanong
sa sarili, lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila.

“Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang malakas.

At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito
nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng
Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.

Aral:

• Ang pagiging matigas ang ulo ay nagdudulot ng kapahamakan sa tao.


Pagkaminsan pa nga ay kapahamakan din ang dulot nito sa iba.
• Ang pagsunod sa magulang ay hindi isang parusa. Bagkus ito ay nagpapakita
ng paggalang natin sa knila.
• Sumunod sa utos ng magulang upang makaiwas sa kapahamakan.
Alamat ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may
kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,


si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may
lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na
taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-
akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na
may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di
maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura
at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa
niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang


katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.

Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay


pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang
mga gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking


gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang
taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain.


Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang
diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa
ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang
kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at
kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan.

Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang


panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging
madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi


nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.

Aral:

• Walang mabuting naidudulot ang inggit.


• Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento
tayo at iwasang ikumpara ang sarili sa iba.
Alamat ng Mangga
Noong unang panahon ay may isang malupit ng hari. Kinatatakutan siya ng
kanyang mga nasasakupan. Siya ay si Haring Enrico. Sa isang banda ay gusto
naman ng mga tao ang ganoon. Nagkaroon kasi sila ng disiplina.

Maraming masasamang gawain ang maiiwasan dahil sa takot sa parusang


iginawad ng hari.

Isang araw may nakatakas na mga bilanggo sa kulungan ng kaharian.


Nagpaimbistiga si Haring Enrico. Nalaman niya na nakatulog pala ang kawal na
bantay kaya madaling nakatakas ang mga bilanggo.

Agad niyang ipinatawag ang kawal. Tinanong niya ito kung bakit natutulog sa
oras ng trabaho. Sinabi ng kawal na puyat ito dahil sa pagbabantay sa anak na
may sakit.

“Puyat ka pala, dapat nagpapalit ka para di tayo natakasan ng mga bilanggo!”


anang hari. Hindi nakasagot ang kawal. Alam nito na siya ang may pagkakamali.
Hinatulan ito ng hari na mabilanggo bilang parusa sa kapabayaan.

Napaiyak ang asawa at anak ng kawal dahil sa awa sa lalaki. Nakiusap sila na
pakawalan ang kawal ngunit hindi pumayag si Haring Enrico. Walang nagawa ang
mag-ina kundi ang umiyak.

Nang malapit na ang kaarawan ng hari ay nagpalabas siya ng isang patalastas sa


mga nasasakupan. Ayon sa patalastas, ang sinumang makapagdadala na wala pa
ang hari o pagkaing hindi pa natitikman ay makahihiling sa kanya at kanya
namang ipagkakaloob.

Natuwa ang asawa ng bilanggo dahil sa balita. Kaso wala naman itong maisip na
maaaring ibigay sa hari. Naisip nitong yayain sa gubat ang anak para maghanap
ng kahit anong maibibigay sa hari.
Inabot sila ng pagod at gutom. Pauwi na sila ng isang diwata ang lumitaw sa
kanilang harapan. May hawak na dalawang malalaking bunga ng halaman ang
diwata. Kulay berde iyon. Noon lang nakakita ang mga ito ng ganoong bunga.

“Ito ang ibigay ninyo sa hari,” sabi ng diwata. “Itago muna ninyo ito sa inyong
bigasan at ilabas mismo sa kaarawan ng hari.”

“A-ano po ba ang bungang ito?” tanong nila.

“Mangga ang tawag diyan. Wala niyan dito sa lupa. Sa aming daigdig lamang
meron niyan at itinuring naming sagrado ang bungang iyan.”

“Maraming-maraming salamat po!” sabi ng mag-ina at nagpaalam na sa diwata.


Tuwang-tuwa nag-siuwi ang mga ito.

Sinunod ng asawa ng kawal ang bilin ng diwata. Nang sumapit ang kaarawan ng
hari ay kinuha nito ang dalawang bunga. Nanggilalas ito nang makitang naging
dilaw ang bunga at mabangong-mabango.

Maging ang hari ay nanggilalas nang makita ang dalawang hinog na bunga na
nasa amoy palamang ay mukha ng napakasarap. Agad niyang kinain ang isa at
lubha siyang nasarapan.

‘Anong pangalan ng bungang ito ?” tanong ng hari.

“Mangga po”, sabay na wika ng mag-ina.

“Mangga? Ngayon lamang ako nakakita ng bungang ganito. Saan galling ito?”

“Bigay po sa amin ng isang diwata.”

“Dahil sa kakaiba at masarap na bungang dala mo, ipagkakaloob ko ang


anumang hilingin mo.” Sabi niya sa asawa ng kawal.

“Hinihiling ko po sa mahal na hari na makalaya ang aking asawa,” sabi ng babae.


“Matutupad ang iyong kahilingan.”

Noon din ay nakalaya ang asawa ng babae. Sa labis ng katuwaan ng hari ay


binigyan pa ng kaunting halaga ang mag-asawa.

Matapos kainin ang mga bunga ay ipinatanim niya ang mga buto ng mga iyon
upang muli siyang makatikim ng pambihirang bunga.

Nang tumubo at mamunga nang marami ang mga puno ay natikman iyon ng
kanyang mga nasasakupan. Nagtanim din ng mga buto ang mga tao.

Mula noon ay nakilala na ang prutas na tinawag nilang Mangga.

Aral:

• Kinalulugdan ng marami ang taong may isang salita at ang pagtupad sa


pangako ay isang magandang halimbawa na dapat tularan.
• Hindi masama ang pagkakaroon ng mahigpit na pinuno kung ito naman ay
makatutulong sa pag-unlad ng pamayanan at walang nasisikil na karapatan
ng taumbayan.
Alamat ng Sampaguita
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na
Liwayway ang pangalan.

Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan.


Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga
manliligaw.

Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina
Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-
ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang
lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.

Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.

Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang


niya. Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang
kamay ng dalaga.

Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.

Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng


pangako. Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay
wala siyang natanggap.

Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na
hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.

Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni


Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa
karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.

Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita!
Sumpa kita…”
Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni
Lwayway kay Tanggol.

SEE MORE: Alamat ng mga Bulaklak


Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang
mga magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi
matanggap ng binata na wala na ang babaing pinakamamahal.

Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang


puntod ni Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang
mabantayan ang puntod ng kasintahan.

Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May


tumubong halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha.
Nang mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango.

Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago
namatay. Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng salitang ‘sampaguita’.

Aral:

• Huwag makinig sa mga sabi-sabi. Gayundin naman, huwag gumawa ng hindi


totoong kwento tungkol sa iba dahil wala itong mabuting maidudulot
kaninuman.
• Kadalasan, ang paghihintay ay matagal. Ngunit kung tayo ay may tiyaga,
siguradong may magandang kahihinatnan ang iyong paghihintay.
Alamat ng Waling-Waling

Share

Tweet

Pin

3SHARES
Sa tabi ng ilog Daba-daba, na ang tubig ay umaagos mula sa Bundok ng Apo, nakatahanan ang
balangay ng Dayaw. Pinamumunuan ito ni Raha Musukul. Si Rani Waling ang magandang
asawa ng Raha. Siya ang nagdadala ng kaligayahan at kariktan sa Dayaw.

Magdadapit-hapon na nang may isang tauhan ng balangay ang nagmamadaling tumungo sa


tahanan ng Raha. Isang masamang balita ang inihatid nito. Ang nakababatang kapatid ni Raha
Musukul na si Datu Ambungan ay napatay sa Bundok ng Apo. Sinasabing habang nangangaso
ang Datu kasama ang kanyang tauhan, isang kasapi mula sa tribo ni Raha Makalisang ang
pumatay sa kanya.

Sa pagkarinig nito ni Raha Musukul ay sumiklab ang kanyang poot kay Raha Makalisang. Ang
tribong ito ay matatagpuan sa kabilang dako ng Bundok ng Apo. Agad-agad na pinatawag niya
ang kanyang tagapagpayo na si Datu Kinadmanon at ipinahanda ang isandaang mga sundalo. Sa
kanyang paghihiganti ay lulusubin niya ang tribo ni Raha Makalisang.
Subalit sa pagpapasyang ito ay hindi sumang-ayon si Datu Kinadmanon.

“Hindi mo maaaring pilitin na lumusob sa balangay ni Makalisang. Hindi tayo handa at


mapanganib ito para sa iyong buhay,” ang nag-aalalang sabi ng Datu.

“Ako man ay hindi nag-aalala sa sarili kong buhay. Pinatay nila ang pinakamamahal kong
kapatid at dapat babayaran ni Makalisang ang buhay niya ng sariling dugo,” ang pagtitimping
pananalita ni Raha Musukul.

“Ngunit paano ang iyong Rani? Papabayaan mo na lang bang iwan siya na walang katapatang
ika’y magbabalik?”

Dumating si Rani Waling at nagtangkang pigilan ang paglisan ng asawa.

“Mahal kong Raha, hindi ako makakapayag na ilagay mo ang sariling buhay sa guhit ng
kamatayan,” ang pag-iyak ng magandang Rani.

“Kailangan kong ipaglaban ang buhay ng yumaong si Ambungan. Mahal, sana’y maintindihan
mo ang pasya ko,” ang sagot naman ng Raha.

“Si Raha Makalisang ay kilala sa pagpapatay ng sinumang dayuhang lalampas sa kanyang


teritoryo nang walang permiso. Wala siyang binubuhay na nagkakasala,” pagmamakaawa ni
Rani Waling.

“Alam ko iyan. Datapuwat iya’y hindi makakapigil sa aking pagsalakay. Maghintay ka lamang,
magbabalik ako at ito ay isang pangako,” ang matamlay na pamamaalam ng magiting na Raha.

Nang gabing iyon ay lumisan si Raha Musukul kasama ang isandaang tauhan patungo sa
kabilang dako ng Bundok ng Apo. Maraming araw silang naglakbay sa kabundukan upang
makaabot sa tribo ng Raha Makalisang.

Maraming linggo ang dumaan at lubos na nag-aalala na si Rani Waling tungkol sa Raha.

BASAHIN DIN: Alamat ng Bahaghari


“Sa pagkakataong ito ay dapat nakabalik na sila mula sa labanan,” ang nababalisang sabi ng Rani
kay Datu Kinadmanon.

“Mahal na Rani, ika’y huwag mawalan ng pag-asa. Darating ang Raha, maghintay ka lamang,”
ang pananalig na pagsabi ni Datu Kinadmanon.

“Kailangang hanapin ko na siya ngayon. Ako’y nag-aalala sa kanyang kaligtasan.”


“Bilang paggalang mahal na Rani, hindi ako makakapagpahintulot na ika’y aalis at maghahanap
sa Raha. Mahigpit na bilin sa akin ng Raha Musukul na ika’y pananatilihin dito sa balangay.”

Sinikap ni Rani Waling na umasa at maghintay sa Raha ngunit paglipas ng dalawang buwan ay
muling umalab ang pag-aalala nito.

Nag-iiwan ng tanong sa mga isipan ng mga taga-Dayaw ang paglulusob ni Raha Musukul. Ito ay
dahil sa mahabang panahon na dumaan ay walang nakabalik mula sa labanan.

Isang gabi, nang tulog na ang Datu Kinadmanon ay pinatawag ni Rani Waling ang alalay na si
Kugihana. Napagpasyahan ni Rani na tumakas at hanapin ang Raha.

Tumungo sina Rani Waling at Kugihana sa Bundok ng Apo upang maghanap sa Raha.

Maraming araw silang naglakbay at naghanap ngunit wala silang natagpuang pahiwatig na
nabubuhay pa ang Raha. Buo pa rin ang loob ng Rani na buhay pa ang matapang na Raha at
magbabalik ito, dahil ito ay isang pangako.

Sa kapayapaan ng kagubatan ay lalong nagdurusa si Rani Waling sa nadadamang


pagdadalamhati. Umakyat siya sa isang matayog at malapad na punongkahoy. Buong araw siya
doon namalagi sa isa sa mga naka-usbong na mga bisig ng puno upang mas mainam niyang
matanaw ang maluwang na paligid sa pagdarating ng iniirog na kabiyak.

Sumapit ang isang hapon at naubusan na sila ng pagkain.

“Kugihana, hanapan mo tayo ng makakain. Magpapatuloy tayo sa ating paglalakbay ngunit


nangangailangan tayo ng pagkain at pahinga. Pumitas ka ng mga prutas mula sa mga
punongkahoy sa may tabing ilog ng Daba-daba,” utos ng Rani.

“Ngunit, mahal na Rani, napakalayo noon at hindi kita maaaring iwan ng matagal. Mapanganib
dito sa bundok ng Apo,” ang nababalisang sagot ni Kugihana.

“Basta’t sundin mo ako at lumisan ka na upang makabalik ka bago magbukang liwayway,” ani
Rani Waling.

BASAHIN DIN: Alamat ng Makahiya


At nagsimula nang maglakad nang palayo si Kugihana habang maigi itong nagtataka sa mga
salita ng Rani. Subalit sa layong inilakbay ni Kugihana ay napagod siya matapos magtumpok ng
mga makakain. Dahil sa labis na pagkapagod, siya ay napaidlip sa lilim ng isang malaking
punongkahoy.
Samantala, nang makaalis na si Kugihana, nagdasal si Rani Waling na parang hindi siya
nagdadasal noon. Ito na ang nagmimistulang pinakamakapangyarihang dasal na naisabi niya sa
Bathala.

“Mahal na Bathala, ibalik niyo po sa akin ang sinisinta kong si Raha Musukul. Kailangang
matupad niya ang pangakong pagbabalik sa aking buhay. Ang kaluluwa ko’y hindi mamamayapa
hangga’t hindi ko siya makikita. Ako’y maghihintay sa buong buhay, masubaybayan lang ang
kanyang pagdating.”

Ang nagdadalamhating daing ng Rani ang siyang nangingibabaw sa kagubatan ng Bundok ng


Apo. Sa paghahagulhol ni Rani Waling ay dahan-dahang nagtumpuk-tumpok ang mga
nangingitim na mga ulap sa naninilim na himpapawid. Nagsimulang umulan, kumulog at
kumidlat, na tila sumasagot ang Bathala sa pighating paghihikbi ng Rani.

Buong gabing umiiyak si Rani waling, kasabay ang matinding unos na iniluluha ng kalangitan.

Kinabukasa’y napakaliwanag ng araw ngunit hindi namalayan ni Kugihana na umaga na pala.


Nang masilayan siya ng sinag ng araw ay nagising siya at sa kanyang pagkabigla ay agad-agad
siyang napatakbo patungo sa kinaroroonan ng Rani, taglay ang mga prutas na kanyang pinitas.

Ngunit nang makaabot siya sa pinag-iwanan niya kay Rani Waling, siya ay biglang napahinto.
Wala na ang Rani sa mayabong na punongkahoy na kinananatilihan niya kahapon.

Subalit sa sangang iyon na noo’y kinauupuan ni Rani Waling ay may taglay na kakaibang
bulaklak. Ito’y munti at ang mga lilang petal nito’y kabigha-bighani.

Dalawang araw na naghanap si Kugihana kay Rani Waling sa kagubatan, ngunit hindi niya ito
natagpuan. Umuwi na lamang siya sa balangay ng Dayaw upang humingi ng tulong. Sinabihan
niya si Datu Kinadmanon sa lahat ng mga pangyayari na sa pagkarinig nito’y madaling naghanda
ng mga tauhan upang tumungo sa gubat.

Sa kagubatan ay naghanap silang lahat kay Rani Waling sa loob ng tatlong araw. Walang ni
isang kaalaman ang naiwan ng Rani, maliban lang sa bulaklak na iyon. Sa pagkakita nito ni
Kugihana ay nabigla siya sa pagdami nito. Ang mga lilang bulaklak na iyon ay kumalat na
bumabalot sa punong iyon at sa mga katabing puno nito na wari’y may hinahanap.

“Ang bulaklak na ito’y kasingrangya at kaakit-akit ng magandang si Rani Waling. Siya ay ating
ipaubaya na sa makapangyarihan na Bathala, hanggang sa pakakataong matanto niya ang tanging
ninanais: ang pagbabalik ng iniirog na si Raha Musukul,” ang marahang pananalita ni Datu
Kinadmanon.

Magmula noon ay Waling-Waling ang tinatawag sa lilang bulaklak na iyon. Pinaniniwalaang


patuloy na naghihintay pa rin si Rani Waling sa pagbabalik ng sinta. Ito ay lalung-lalo na tuwing
umuulan at mabagyo kung kailan dumadami at kumakalat ito sa mga puno. At ang lilang kulay
nito ang kulay ng pagdadalamhati ni Rani Waling na hanggang ngayo’y hindi pa natatahan.

Aral
• Huwag gumawa ng desisyon kung galit upang hindi masakripisyo ang buhay at mga bagay sa iyong
paligid.
• Matutong makinig sa payo ng mga nakatatanda upang hindi mapahamak.
Alamat ng Rosas (4 Different
Versions)

Share

Tweet

Pin

78SHARES

Alamat ng Rosas (Version 1)


Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na
nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa
kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng mga
kalalakihan.

Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang
mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at
humihing ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman
siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio
lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang
naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin
ito.

SEE ALSO: Alamat ng Sampaguita


Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni
Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni
Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa
masugid na binata.

Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw
ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman
na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marinig niya ito habang kausap
ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa
kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig.

Hindi tumigil sa pag-iyak si Rosa habang siya ay pabalik sa kanilang bahay. Nag-
aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot
ang dalaga.

Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa mga sumunod na araw.

Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang


tagpuan nina Rosa at Antonio.
Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay
nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay
ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na
nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi
nasasaktan.

Aral:

• Pag dating sa pag-ibig ay hindi dapat pinaglalaruan ang puso ng kahit


sinuman dahil maaari itong magdulot ng poot sa damdamin ng taong
nasaktan.
• Kilalaning mabuti ang taong nais pag-alayan ng iyong pag-ibig. Hindi
kailangang mag-madali, sa halip ay hilingin at ipanalangin sa Diyos na ibigay
sa iyo ang tamang lalaki/babae sa tamang panahon.

Alamat ng Rosas (Version 2)


Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang ‘Rosa’, na balita
sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming
nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya
mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa


mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit
niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y
nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

SEE ALSO: Alamat ng Waling-Waling


Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa
takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo
sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito
ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay
nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil
niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga
tinik na tagapangalaga rito upang di pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

Aral:

• Huwag ipilit ang iyong sarili sa taong hindi ka gusto. Sa halip na kaligayahan
ang matamo ay maaring kapahamakan ang maidulot ng pilit na pag-ibig.
Alamat ng Rosas (Version 3)
Noong unang panahon ay may isang magandang dalaga mula sa malayong
bayan ng Tarlac na Rosa ang pangalan.
Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para
mapatunayan ang tunay na pag-ibig.

Ayon sa kwento, nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang may
malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila
para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.

Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na


baunin ang pag-ibig ng dalaga sa kabilang buhay.

Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang
nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon
nito sa pagtulog.

Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan
ng hininga.

Ang mga ngiti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario. Nang tanungin
kung bakit hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi niya.

“Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At
alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami at hindi na
maghihiwalay pa.”

Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni


Rosa sa katipan.

SEE ALSO: Alamat ng Makahiya


Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing.
Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng naging
mga bulaklak.
Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng
tunay ng pag-ibig.

Aral:

• Ang pag-ibig na ipinamalas ni Rosa ay isang halimbawa ng tunay na pag-ibig.


Ito ay mapagtiis, mapag-tyaga, puno ng pag-asa at walang hinihintay na
kapalit.

Alamat ng Rosas (Version 4)


Isang araw, may isang dalaga na nagtataglay ng angking kagandahan, siya ay si
Rosa. Mga buhok na abot hangang beywang, mapupulang labi, matatangos na
ilong at mala-anghel na mga mata ay ilan sa mga kaakit-akit na katangiang
tinataglay ni Rosa kaya hindi maipagkakaila na maraming nagkakandarapa sa
kanya.

Ngunit sa likod ng kagandahang taglay ni Rosa ay kabaliktaran din ang pag-


uugali nito. Iniwan sila ng kanilang ama at sumama sa ibang babae kaya gayon
na lamang ang kanyang pagkasuklam sa mag lalake. Ang kanyang ina na lamang
na si Aling Teresa at ang kaniyang bunsong kapatid na si Rosal na lamang ang
magkasangga sa buhay.

Gabi-gabi na lamang na may bumibisita sa kanila para umakyat ng ligaw sa


dalaga na may mga dalang kakanin at mga bulaklak. Mapa-mayaman man o
mahirap ang mga lalake ay nagkakasundo sa pagpila para sa panliligaw sa
dalaga. Ngunit hindi nila alam na si Rosa ay hindi na nakakaramdam ng pag-ibig
sa mga lalake simula noong iwan sila ng kanilang ama. Para sa kaniya laruan
lamang ang mga lalake at hindi dapat siryusohin. Ayaw ni Rosa na mangyari sa
kaniya ang nakaraan kung saan dumanas sila ng matinding unos.

Isang gabi, bago pa lang natapos kumain ng hapunan ang mag-ina ay may
narinig sila na kung anong ingay na naggaling sa labas. Tinignan ni Rosa at nakita
niya ang mga nagkukumpulan na lalake sa pagpipilahan. Limitado ang oras na
ibinigay ni Rosa sa kaniyang mga manliligaw kaya kung tapos na ang oras ay
wala na siyang tatanggapin na bisita. Nagmistulang hardin ang bahay ni Rosa
dahil sa napakaraming bulaklak. Isa lang ang naka-agaw pansin dito. Yun ay ang
“Pulang Bulaklak” na binigay sa kaniya ni Miguel, ang napakatagal na niyang
manliligaw. Si Miguel lang kasi ang nagbibigay sa kaniya ng pulang bulaklak kaya
nagtataka siya kung saan ito kinuha ng binata dahil madalas kasi ay pare-pareho
lang ang ibinibigay ng ibang manliligaw ni Rosa. Mahalimuyak ang pulang
bulaklak na ibinigay ni Miguel sa kaniya kaya gabi-gabi niya itong ina-amoy.

Kapag may kaharap na lalake si Rosa ay bumabalik ang mga pangyayari noong
iniwan sila at tila sumasariwa ang mga sugat nito. Dumating ang araw na sinagot
ni Rosa si Miguel hindi dahil sa mahal niya ang binata ngunit gusto niyang
paasahin at saktan ang puso nito. Sobrang saya ng binata sa naging desisyon ni
Rosa.

Naging masaya sila sa mga nagdaan na araw. Pinaparamdam ni Miguel kung


gaano ka-importante at kamahal niya si Rosa dahil siya ang pinili ng dalaga sa
lahat ng mga manliligaw nito. Pansamantalang nakatira muna si Miguel sa bahay
nila Rosa.

Isang araw, umuwi na si Miguel galing sa trabaho. Nakita niya si Rosa na may
kasamang lalake. Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan pa. Hindi niya ito
pinansin dahil inisip niya na baka matalik lang itong kaibigan ng nobya.

Ngunit naging sunod-sunod na ang mga pangyayari. Nakita niya itong


magkahawak kamay sa sala at magkatabi pa. Hindi na nakapag-pigil si Miguel.
Lumabas ng patakbo ang lalake na kasama ni Rosa.

SEE ALSO: Alamat ng Paru-Paro


Miguel: Rosa, naging masaya ka ba kahit kaunti sa pagsasama natin?

Rosa: Gusto mo bang malaman ha? HINDI!

Miguel: Minahal mo ba ako, Rosa?

Rosa: Hindi Miguel, kailanman ay hindi kita natutuhang mahalin.


Sa mga narinig na iyon ni Miguel ay hindi niya napansin na may tumulong luha
sa kanyang mga mata. Kahit hindi siya minahal ng dalaga ay lubos parin niya
itong minahal. Binigay niya kay Rosa huling “Pulang Bulaklak” para maalaala siya
nito dahil bibigyan niya ng oras ang dalaga para makapag-desisyon.

Ngunit paghawak ni Rosa sa bulaklak ay nawala ito bigla at naiwan ang pulang
bulaklak sa na may bahid ng dugo ni Rosa. Naguluhan si Miguel sa pangyayari at
sinabihan kaagad sina Aling Teresa at si Rosal.

Itinanim niya ang bulaklak sa kanilang bakuran. Unti-unti naman itong tumubo.
Dumarami ang mga bulaklak at tinik nito. Tinawag nila itong “Rosa” at hindi
naglaon ang “Pulang Bulaklak” ay tinawag na “ROSAS”.

Aral:

• Hindi porket pangit ang naging istorya ng pag-ibig ng ibang tao, ay ganoon
na rin ang mararanasan mo.
• Matutong mag patawad dahil walang magandang maidudulot ang
pagtatanim ng galit.
• Wag saktan ang damdamin ninuman dahil lang gustong maghiganti.
Alamat ng Bulkang Mayon (3
Different Versions + Aral)

Share

Tweet

Pin

26SHARES
Ang alamat ng Bulkang Mayon ay nagmula pa sa probinsya ng Bikol. Sa pahinang
ito ay mababasa ninyo ang tatlong bersyon ng kwento. Hindi na matukoy kung
alin sa mga ito ang orihinal na bersyon sa kadahilanang ito ay nagpasalin-salin na
sa iba’t-ibang henerasyon.

Para sa iba pang impormasyon kung ano ang alamat at iba pang mga halimbawa
nito, basahin ang: Ano ang Alamat, Mga Elemento, Bahagi, at Halimbawa ng
Alamat.
READ ALSO: Alamat ni Maria Makiling
Alamat ng Bulkang Mayon (Ver. 1)

Ang pinuno ng mga Bikolano ay si Raha Makusog. Mayroon siyang kaisa-isang


anak na dalaga, si Daragang Magayon na ang
ibig sabihin ay Dalagang Maganda.

Kilalang-kilala ang kagandahan ng prinsesa hanggang sa malalayong pook.


Marami siyang manliligaw at isa na rito si Pagtuga, isang mayaman, bantog na
mandirigma ngunit masama ang ugali pagdating sa kayamanan.

Nakarating sa katagalugan ang usap-usapan tungkol sa magandang dalaga.


Nabalitaan ito ni Ginoong Alapaap na anak ng isang lakan. Maganda ang
kanyang tindig, matalino at magalang. Ibig niyang mapatunayan ang kagandahan
ni Daragang Magayon kung kaya’t siya ay naglakbay patungong Bikol.

Matagal na nagmasid si Alapaap sa ilog na ayon sa nagsabi sa kanya ay doon


madalas maligo si Daragang Magayon. Nagbunga naman ang kanyang
pagsisikap. Minsan ay naligong mag-isa si Daragang Magayon sa ilog, ngunit sa
kasamaang-palad ay na dupilas ang dalaga at nahulog sa tubig na may kalaliman.
Mabilis na tumalon sa tubig si Alapaap upang iligtas ang babae.

“Sino ka?” tanong ng dalaga. “Ano ang ginagawa mo rito?”


“Huwag po ninyong ikagagalit. Isa po akong hamak na Tagalog buhat pa sa
malayong lugar upang masilayan lamang ang iwi mong kagandahan. Ibig ko
sanang makasama ka habang-buhay,” magalang na tugon ni Alapaap.

“Baka nangangarap ka?” ang nakangiting tugon ng dalaga.

Sa maikling kuwento ay nagkaigihan ang dalawa. Nagkasundo silang pakasal.


Umuwi si Alapaap upang sunduin ang kanyang mga magulang. Nabalitaan ni
Pagtuga ang balak ng dalawa kaya’t gumawa siya ng paraan upang sagkaan ito.
Tinipon niyang lahat ang kanyang mga tauhan at binihag si Raha Makusog.
Sinabihan niya si Daragang Magayon na pakakawalan lamang ang kanyang ama
kung siya ay papayag na pakasal kay Pagtuga. Napilitang sumang-ayon ang
dalaga alang-alang sa kaligtasan ng ama.

Samantala, hindi ito nalingid kay Alapaap. Siya sampu ng kanyang mga tauhan ay
lumusob bago naisakatuparan ang kasala nina Daragang Magayon at Pagtuga.
Napatay ni Alapaap si Pagtuga ngunit sa kasamaang-palad ay tinamaan nang
hindi sinasadya si Daragang Magayon. Sa pagtulong ni Alapaap kay Daragang
Magayon, siya ay nahagip din ng isang saksak ng tauhan ni Pagtuga. Ang tatlo ay
sabay-sabay na namatay sina Daragang Magayon, Alapaap at Pagtuga. Silang
tatlo ay sabay-sabay ding inilibing sa gitna ng malawak na bukid. Lahat ng hiyas
at kayamanan ni Daragang Magayon ay kasama sa hukay niya pati na ang mga
regalo sa kanya ni Pagtuga.

Pagkalipas ng tatlong gabi, nagulat ang mamamayan sa lakas ng lindol sabay ng


tunog ng malalakas na kulog at kidlat. Kinabukasan ay nagisnan nilang tumaas
ang ipinaglibingan ni Daragang Magayon at ng dalawa niyang mangingibig.
Tumaas nang tumaas ang puntod natila isang bundok. Nagkaroon ito ng
magandang hugis at naging bulkan. Ayon sa pari ang magandang bulkan ay si
Daragang Magayon ang maitim na usok ay ang maitim na budhi ni Pagtuga na
labis ang kasakiman sa kayamanan. Naroon pa siya at gustong bawiin ang mga
iniregalo kay Daragang Magayon. Maganda ang bulkan ngunit ito’y pumuputok
at nag-aapoy sa galit kapag naaalala nito ang kasakiman ni Pagtuga. Unti-unting
pumapayapa ito kapag nararamdaman niyang nasa piling niya si Alapaap at
patuloy na nagmamahal sa kanya.
Mula noon ang bulkan ay tinawag na Mayon. Ang bayan na kinatatayuan ng
bulkan ay tinawag na Daraga bilang pag-alaala kay Daragang Magayon.

Alamat ng Bulkang Mayon (Ver. 2)

Noong unang panahon sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang


Raha. Siya ay may anak na kaakit-akit. Ito ay si Daragang Magayon na ang
kahuluga’y “Magandang Dalaga.”

Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga


datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa
mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Raha sa kanugnog na kaharian.
Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo
ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay
magiging kanya pagdating ng araw.

Mula sa malayong Katagalugan, narinig ni Gat Malaya ang nabalitang


kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig
ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan malapit sa munting
ilog, nakita niya ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya’y ang
binibini’y nagtampisaw sa batis. Ang binata’y nagparinig ng himig ng masayang
awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata’y
nginitian.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito’y nagsalita, “Magandang
Mutya, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at makita ang tangi mong
kariktan!”

“Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!”

“Ako’y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang
bulaklak at ako’y masisiyahan na!”

Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at


ito’y kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.

“Maaari bang kita’y makitang muli?”

At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.

“Isang araw,” mungkahi ng lalaki, “kita’y iniibig. Tayo’y pakasal!”

“Ngunit ang Raha? Ang aking ama?” may alinlangang paliwanag. “Dapat niyang
malaman!”

“Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!”

Pumayag ang Raha. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat


magalang at nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Raha ang kasal sa
pagbibilog ng buwan, matapos ang anihan.

Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang


itinakdang kasalan. Kakaunin niya ang ama’t ina at silang tatlo ay babalik sa
Albay.

Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang dibdib.


Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si
Daragang Magayon.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: “Kung hindi kita
makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!”

Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama.


Siya’y sumagot, “Ako’y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!”

Nagtumulin ang mga araw at mga linggo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa
si Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga’y nakaupo sa
duruwangawan at naghihintay.

Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay
Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan, kainan at sayawan.

Sa gitna ng kasayahan ay dumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang.

“Ako’y naparito upang angkinin ang aking nobya!” sabi ni Malaya.

“Hindi maaari!” tugon ni Kauen.

Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malaya ay subok sa espada


subalit si Kauen naman ay malansi at mapaglalang.

Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo


upang pumagitna at sawayin ang dalawa. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay
tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng
katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.

Nagluksa ang Raha at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa’y
ilagak na magkasama sa isang hukay.

Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay
tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis.
Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
Alamat ng Bulkang Mayon (Ver. 3)

Ang Mayon na isa sa pinakamagagandang bulkan sa Pilipinas ay ipinagmamalaki


ng mga taga-Albay. Pero paano nga ba nagkaroon ng Bulkang Mayon?

Ayon sa isang matandang alamat, sa Albay ay may isang kagalang-galang na


raha na sinusunod ng lahat. May anak itong dalaga na hinahangaan dahil sa
taglay nito ng kagandahan at kabaitan. Daragang Magayon ang kilalang bansag
sa anak ng raha. Daraga na nangangahulugang dalaga at magayon na ang ibig
sabihin ay maganda.

Sapagkat ubod ng ganda, maraming binata ang dumadayo pa sa Albay makita


lamang ang anak ng raha. Kabilang sa mga mangingibig ni Daragang Magayon
ay mga binatang anak ng mga raha rin mula sa Camarines Norte, Camarines Sur,
Catanduanes at Sorsogon.

Bagama’t kalat na kalat sa kabikulan ang nababalitang kariktan ni Magayon,


pinagtiyap lang ng pagkakataon kung bakit nalaman din ng isang binatang mula
sa napakalayong lugar sa katagalugan ang kahali-halinang kagandahan. Ang
binata ay si Ulap na anak ni Raha Tagalog ng Quezon. Isa siyang abenturerong
manunudla ng mga hayop gubat kaya siya napadpad sa kabikulan.

Minsang nakatulog siya sa kagubatan ay ginising siya ng halakhakan ng mga


kadalagahan mula sa batis ng Rawis. Nakita niyang naglulunoy sa malinaw na
tubig ang magagandang dilag. Pinakamaganda rito si Daragang Magayon. Hindi
nagpakilala si Ulap sa inibig na kaagad na dilag. Sapagkat nalaman ng binatang
buwan-buwang naglulunoy ang magkakaibigan sa batis ay pinagsasadya niya
ang nasabing lugar upang masilayan lamang ang pinakamamahal. Sa tuwing
nagsisiahon ang mga dalaga sa kristal na batis ay gustung-gusto na sanang
makipagkilala ni Ulap kay Magayon subalit nag-aalala siyang baka sabihing siya
ay pangahas.

Minsang napansin niyang may mga binata ring nakipaligo sa bukal Rawis ay
nakiligo na rin si Ulap. Sa sobrang pagmamahal kay Magayon ay sinikap niyang
mapansin siya ng dalaga.
Naging madalas ang pakikilunoy ni Ulap sa mga kabinataan upang mapalapit
lamang kay Daragang Magayon.

Minsang nagpapahinga na sa talampas si Ulap at paakyat na ang dalaga ay


napansin ng binatang isang malaking ahas ang umuusad papalapit sa damuhang
nilalakaran ng kaniyang diyosang sinasamba. Patakbo siyang sumaklolo at sa
isang kisapmata ay natagpas ang ulo ng ahas na nagkikisay sa paanan ni
Daragang Magayon. Laking pasasalamat ng dalaga.

Iyon ang pagkakataon upang makipagkilala na si Ulap sa dalaga. Lagi at lagi na


silang nagkikita. Mga sariwang prutas lang ang inihahandog nito sa kanya. Akala
ni Daragang Magayon na ordinaryong mamamayan lang si Ulap sa kanilang
bayan. Wala kasi itong yabang sa katawan.

Nang masukol sa kuwentuhan ay naipagtapat niyang anak din siya ng sikat na si


Raha Tagalog sa Tayabas.

Lalong humanga sa pagpapakumbaba ni Ulap si Daragang Magayon.

Naikumpara niya ang binata sa manliligaw niyang si Iriga, matandang balong


pinuno ng Camarines Sur. Pawang nagkikinangang alahas ang inihahandog nito
sa kaniya. Magarbong matanda si Raha Iriga na kinatatakutan ng lahat pagkat
kilala ito sa kawalan ng katarungan, raha ng mga magnanakaw at puno ng
kasamaan.

Nagkaibigan si Ulap at si Daragang Magayon. Upang patunayan ang


pagmamahal sa dalaga ay pinagsadya niya sa kaharian ang ama nito at malakas
na itinulos ang matulis na sibat bilang pagpapatunay sa masidhi niyang
pagmamahal kay Daragang Magayon. Iyon ay paghamon din sa sinumang nais
magpahayag ng pag-ibig kay Daragang Magayon. Humanga sa tapang ni Ulap si
Raha Makusog. Nag-usap sila. Ipinagpaalam ng binatang papupuntahin ang mga
magulang niya upang pormal na hingin ang kamay ni Daragang Magayon upang
sila ay makasal sa lalong madaling panahon. Pumayag ang mabait na ama ni
Magayon. Bago sumagot ay nagpasya na si Raha Makusog na isauli na ang lahat
ng alahas na handog ng ganid na si Raha Iriga.

Nakarating kay Raha Iriga ang nalalapit na pamamanhikan at kasalan.

Habang papauwi si Ulap upang sunduin ang mga magulang ay nilusob ni Raha
Iriga ang baranggay ni Raha Makusog.

Bilang benggansa, binuhay niya bilang alipin si Raha Makusog at itinakda ang
kasal nila ni Magayon sa pagbibilog ng buwan. Nagpakatanggi-tanggi ang
dalaga subalit tuso si Raha Iriga.

Ipapapatay daw niya ang ama kung hindi pakakasal sa kaniya ang dalaga.
Kumagat sa patalim si Daragang Magayon na dasal nang dasal na sana ay
dumating na ang binatang pinakamamahal.

Naghahanda na sa maringal na pamamanhikan si Ulap at ang mga magulang


nang makarating sa binata ang balitang sinapit ni Magayon. Galit na galit na
isinama niya kaagad ang mga kawal.

Ang paghaharap ni Ulap at Raha Iriga ay tunggalian ng lakas sa lakas. Sapagkat


katarungan ang ipinakikipaglaban kaya lalong lumakas si Ulap na sa huling
malakas na taga ay napatay ang Raha ng Kasamaan. Tuwang-tuwa si Daragang
Magayon na patakbong yumakap sa tagapagtanggol. Sapagkat napagitna ang
magkasintahan sa mga kawal na nagdidigmaan ay di napansin ni Daragang
Magayon ang ligaw na sibat na tumama sa dibdib niya. Natulala si Ulap na
sumapo at yumakap sa mahal niyang diyosa. Napakabilis ng pangyayari. Hindi na
nakapagpaalam pa ang magandang dalaga. Sa isang kisapmata ay sinugod
naman ng tagapagtanggol ni Iriga si Ulap. Tumagos sa dibdib ng binata ang may
lasong sandata. Nang makita ni Raha Makusog ang katampalasanan ng alipin ay
tinagpas niya ang ulo ng buhong.
Nagapi sa digmaan ang ilan sa mga tauhan ng ganid na raha. Ang karamihan na
naniniwala pa rin sa katarungan, kapayapaan at pag-iibigan ay nagsiluhod at
pumayag na paampon sa mga matatapat na kawal ni Raha Makusog na
inalalayan ng mga mandirigma ni Ulap mula sa katagalugan.

Bagama’t nauwi sa pagdadalamhati ang kasalan ni Ulap at ni Daragang Magayon


ay nagyuko na lang ng ulo si Raha Makusog bilang pag-alinsunod sa itinakda ni
Bathala.

Bilang pagbibigay pahalaga ng ama sa nag-iisang anak, pinagsama niya ang


bangkay ng magsing-irog sa lugar na malapit sa batis Rawis na unang
pinagtagpuan ng dalawa.

Ang lugar na iyon na pinaglibingan kay Daragang Magayon ay kapansing-


pansing tumataas taun-taon. Sa kinatagalan ay lumaki ito nang lumaki at naging
isang bundok. Bilang pagpapahalaga sa dakilang pag-ibig na inialay kay
Daragang Magayon, ito ay tinawag na Bundok ni Daragang Magayon na ngayon
ay naging Mayon.

Sa panahong tila humahaplos ang maninipis na ulap sa tuktok ng bundok,


sinasabi ng mga matatanda na hinahagkan ni Ulap ang pisngi ni Magayon. At
kapag marahang dumadaloy ang ulan sa gilid ng bundok, iyon daw ay pagluha ni
Ulap na nangungulila sa pagmamahal na hindi nabigyan ng katuparan.

May mga taga-Bicol na naniniwala pa rin sa nagngangalit na kaluluwa ni Raha


Iriga. Sinasabi nilang sa pagnanais nitong makuhang muli ang mga alahas na
inihandog kay Magayon ay nag-aapoy ang bulkan ng Mayon.

Iyan ang alamat ng Bulkang Mayon.

Aral:

• Huwag humadlang sa dalawang taong tunay nag-iibigan. Magparaya at


huwag maging matigas ang puso. Kung ayaw sa iyo ng isang tao ay tanggapin
ito ng maluwag sa kalooban. Hilingin mo sa Diyos na dumating nawa ang
tamang panahon na ipagkaloob niya sa iyo ang nararapat na tao sa iyong
pagmamahal.
Alamat ng Bulaklak

Share

Tweet

Pin

51SHARES
Isinulat ni Secret XD galing sa Wattpad.
Noong unang panahon may isang prinsesang may napaka-gandang buhok na
iba’t iba ang kulay. Siya’y nagngangalang Prinsesa Buna na umiibig ng palihim sa
kanilang hardinero na si Lakal.

Araw-araw ay pumupunta ang prinsesa sa hardin. Iniisip ng kanyang ama na


mahilig lamang talaga ang prinsesa sa mga bulaklak kaya ito ay laging naroroon.
Ngunit lingid sa kaalaman ng ama ay hindi iyon ang pinupunta ng kanyang anak
sa hardin. Pinupuntahan ng prinsesa si Lakal na laging gumagawa ng sari-saring
pabango na gustong-gusto niyang amuyin at gamitin dahil sa kakaibang amoy
ng pabangong gawa nito.
Ngunit isang araw, nahuli ng hari ang dalawa na naglalakad sa hardin ng
magkahawak ang kamay. Agad na nagalit ang hari dahil ang isang prinsesa ay
umiibig sa isang hardinero kaya isinikreto niya sa kanyang anak ang plano niyang
pamamaslang kay Lakal.

BASAHIN DIN: Alamat ng Bulkang Mayon


Inutusan ng hari ang isang kawal na pagdating ng gabi ay dapat ipatapon si Lakal
sa kagubatan at iwanan doon hanggang mamatay. Ginawa ng kawal ang utos ng
hari at agad na iniwan si Lakal sa gitna ng gubat.

Si Lakal ay namatay at ang prinsesa ay inintay ang pagdating ni Lakal sa hardin


ngunit hindi niya nakita ang binata hanggang magdilim.

Ilang araw na nag-intay si Buna at hindi siya kumain o naligo. Ni hindi rin siya
natulog at kinaumagahan ay inaantay pa rin nya si Lakal.

Isang araw ay naisipan ng prinsesa na umalis sa palasyo at hanapin si Lakal.


Ngunit siya’y nang hihina na.

Paglipas ng ilang araw ay hinanap ng hari ang kanyang anak na si Buna. Pumunta
siya sa hardin kung saan nagpupunta si Buna upang intayin si Lakal. Ngunit ang
nasilayan niya lamang ay ang isang malagong halaman na may iba-t ibang kulay
at iba’t ibang uri. Napansin din niyang ito ay kakulay ng buhok ng kanyang anak.
Kasing bango rin ng mga gawang pabango ni Lakal ang mga halaman. Nasa huli
plagi ang pagsisisi. Nalungkot ang hari at walang nagawa kundi alagaan ang
natitirang bunga na naiwan bilang alaala sa anak. Pinangalanan niya ang halaman
na Bunalak at kalaunan ay tinawag na Bulaklak.

Aral:

• Kausapin ang anak kung hindi sang-ayon sa taong iniibig nito. Bago gumawa
ng aksyon ay pag-isipan muna ito ng maka-ilang ulit kung ito ba ay
makakabuti o makasasama sa sitwasyon.
• Huwag maglihim sa magulang, ito man ay tungkol sa taong nagpapatibok ng
iyong puso o iba pang mga bagay. Hingin ang kanilang payo kung tama pa ba
ang iyong ginagawa upang hindi mapariwara.
Alamat ng Butiki
Noong araw sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng
kakahuyan.

Ang ina na si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at
sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago
sumapit ang dilim.

Ang anak na si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang


sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit
saan sya naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa
tapat ng kanilang bahay.

Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa. Natutuwa naman siya at naging
mabait ang kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at
paghahanap ng mga makakain.

Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay


naging isang makisig na binata.

Si Aling Rosa ay nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga,


samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw.
At kahit mahina na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang
magdasal.

Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae


ang kanyang nakilala; si Helena.

Si Helena ay lubhang kaaki-akit kung kaya’t agad umibig dito si Juan. At dahil sa
panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.

“O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-
orasyon,” ang wika ni Aling Rosa sa anak.
Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa
gubat,” ang pagsisinungaling ni Juan.

Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang


damdamin ni Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni
Helena.

“Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa


akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita.”

“Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking
pag-ibig. Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko,” ang pagsusumamo ni Juan.

“Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng
iyong ina na nasa iyong mga palad!” ang matigas na wika ni Helena.

Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan


siya ng taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago
maghatinggabi

Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na
mag-orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit
habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan.

Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang
itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at
kahit nanghihina na ay nagsalita ito.

“Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit
humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong
sariling ina,” ang umiiyak na wika ni Aling Rosa.

“Diyos ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na
nagbalik sa katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw
ang kanyang ina.

SEE MORE: Alamat ng mga Hayop


Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging
isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-
unahang butiki sa daigdig.

Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang


makita niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto.
Humalakhak itong lumapit.

Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa


kisame.

Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba’t ibang uri ng
kulisap at insekto, at naglaro sa paligid.

Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya.


At dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na
lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap.

Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina,
sinasabing si Juan at ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa
lupa bago dumilim upang mag-orasyon.

At hanggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang


mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga engkanto.

Aral:

• Kilalanin muna ang taong iniibig at huwag magpadala sa panlabas na


kagandahan lamang.
• Walang makapapantay sa pagmamahal ng magulang sa anak kaya naman sa
ating mga anak ay gantihan din natin sila ng pagmamahal na nararapat sa
kanila.
• Iwasan ang pagsisinungaling sa magulang man o sa kapwa.

You might also like