You are on page 1of 10

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 10

W5-6 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT
COMPETENCIES (MELCs) – Week 5-6 (AP10IKL-III-d-6)
III. CONTENT/CORE CONTENT Karahasan at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQIA+
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 40 minuto Sa araling ito, ilalatag ang impormasyong nagpapakita ng diskriminasyon at
Panimula karahasan sa mga babae, lalaki, at LGBT. Nakapaloob din sa araling ito ang ilan
sa mga halimbawa ng mga nasabing diskriminasyon at karahasan sa ibat’ ibang
bahagi ng daigdig.

Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawain sa modyul na ito ikaw ay


inaasahang:

1. Nakatutukoy ng mga batas na nagbibigay proteksiyon at nagsusulong sa


kapakanan ng mga kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+

2. Nakapagpapaliwanag ng tugon ng pamahalaan at mamamayan sa


mga isyu ng karahasan at diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+

3. Nakapagpapakita ng kahalagahan sa pagtugon ng pamahalaan at ng


iba’t ibang samahan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon sa
kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+

Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan at LGBTQIA+

Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula
ito sa kanilang pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling edad, maging
bata man o matanda. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang
maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal. Marami pa ring mga
lalaking biktima ng karahasan ang nahihiyang lumantad at magbahagi ng
kanilang karanasan kaya walang malinaw na bilang kung ilan sa kanila ang
naging biktima ng pang-aabuso.

May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa


kanilang pamilya o mga taong pinagkakatiwalaan nila na maaaring
makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May mga pagkakataon na sila
rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner.

Karahasan sa Kababaihan

Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against


women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa
pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama
na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Hindi lamang limitado
sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women. Maaari rin itong sa
paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal.
Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang kanilang
kapangyarihan sa mga kababaihan. Ang pananakit na pisikal ay isang
halimbawa nito. Mula sa berbal na pang-aabuso ay nauuwi sa abusong pisikal.
Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal na pananakit ay biktima rin ng
iba pang anyo ng pang-aabuso.

Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,


Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa
iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian
nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang:

1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health, at
7. sex trafficking at prostitusyon.

Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan


2017 National Demographic and Health Survey (NDHS)

a. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas na
pananakit na pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga
nananakit ay ang mga kasalukuyang asawang lalaki o partner.

b. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na


pananakit.

c. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal


na pananakit.

d. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng


emosyonal na pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.

Karahasan sa LGBTQIA+

Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng


panawagan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015
mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015.

Ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat noong 2011
tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa
mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na
AntiHomosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang


relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay
biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling
makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal, seksuwal,
pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa heterosexual at
homosexual na relasyon.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga karahasan at
diskriminasyong ipinakikita ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.

Ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay makaranas o makasaksi ng karahasan
at diskriminasyong ipinakita sa mga larawan?

B. Development 80 minuto Sa pagkakataong ito mababasa mo ang isang tula na aantig sa iyong
Pagpapaunla damdamin. Unawain mong mabuti ito at sagutan ang pamprosesong tanong.
d
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?
2. Ilarawan ang mga tauhan sa tula.
3. Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
4. Bakit nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon ang iba’t ibang
kasarian?
5. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang mawakasan
na ang diskriminasyon at karahasan sa mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+?
B. Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin maaalis sa
ating lipunan ang patuloy na pakikibaka ng mga iba’t ibang kasarian upang
makaiwas sa mga karahasan at diskriminasyon. Sa bansang patuloy na
nangingibabaw ang batas, may pagkakataon pa kayang maipakita ng mga
kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+ ang angking husay nang walang
mararanasang diskriminasyon at karahasan?

Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang malaman mo kung paano


mabibigyang proteksyon at benepisyo ang mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+.
Sanggunian: Modyul ng Guro
Aralin:
1. CEDAW
2. Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act No.
9262)
3. Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)

Sa isinagawang pagtatalakay ay nagkaroon ka ng kamalayan sa konsepto ng


mga batas na may kinalaman sa karahasan sa kababaihan.

Gawain sa Pagkatuto bilang 3: Da-Hu?


Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa isang papel.

a. CEDAW
b. Pamahalaan
c. Marginalized Women
d. Magna Carta for Women
e. Women in Especially Difficult Circumstances
f. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

_____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.

_____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan


at anak nito.

_____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad ng batas na ito.

_____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at


prostitusyon.

_____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong
kakayahan, at maralitang-tagalungsod.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Hanep Salita
Panuto: Hanapin at isulat sa isang papel ang mga letrang nakatapat sa bawat
bilang upang mabuo ang mga salita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Mind Map ko ‘to


Panuto: Gumawa ng sariling Mind Map tulad ng nasa ibaba. Punan ito ng mga
tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga karahasan at diskriminasyong
nararanasan ng iba’t ibang kasarian. Ilahad kung paano ito makatutulong sa iyo
bilang isang mag-aaral.
C. Engagement 60 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Magkalinawan tayo
Pakikipagpali Panuto: Punan ang mga dialogue box sa ibaba, base sa mga tanong na sa
han kaliwang bahagi ng papel. Isulat ang iyong paliwanag sa 2-3 pangungusap. Isulat
ang mga ito sa isang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: I-minapang Konsepto


Panuto: Gumawa ng isang concept map ukol sa napapanahong isyu ng
kararahasan at diskriminasyon. Gawing basesahan ang nasa ibaba. Ibigay ang
maaaring tugon ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ito. Isulat
ang sagot sa papel.
Gawain sa Pagkatuto bilang 8: Aking Aalamin
Panuto: Magsaliksik sa internet o magtanong sa iyong mga nakatatandang
kasama sa bahay ng mga programa, samahan, batas o ordinansa na
nagtataguyod ng mga karapatan ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+
sa iyong pamayanan. Gumawa ng isang talahanayan upang mailagay ang mga
nasaliksik. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Wall ng Kaalaman


Panuto: Kopyahin ang graphic organizer sa ibaba at punan ito ng angkop na
mga kasagutan. Isulat ang sagot sa isang papel.
D. Assimilation 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Ikampanya mo na!
Paglalapat Panuto: Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipakikita ang iyong
pagpapahalaga sa mga tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng
kasarian at diskriminasyon sa lipunan? Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang
isang campaign slogan. Gamiting gabay ang pamantayan sa rubrik.

V. ASSESSMENT 15 minuto Sa bahaging ito ay masusukat mo ang iyong kaalaman ukol sa konseptong
(Learning Activity Sheets for iyong nabuo sa mga aralin.
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6) Gawain sa Pagkatuto Bilang 11
Panuto: Sumulat ng talata na tumatalakay sa kalagayan ng LGBTQIA+ sa ating
bansa.
VI. REFLECTION 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 12: Makatutulong ako!
Panuto: Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang maging
epektibo ang mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa iba’t ibang kasarian?
Isulat sa isang buong papel ang iyong kasagutan.

Prepared by: ROMMEL Z. DE LEON Checked by:


AP Teacher, Manuel I. Santos MNHS

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay
sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong
ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang
hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko
ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 5 Bilang 9
Bilang 2 Bilang 6 Bilang 10
Bilang 3 Bilang 7 Bilang 11
Bilang 4 Bilang 8 Bilang 12
MGA SUSI SA PAGWAWASTO:

You might also like