You are on page 1of 4

I.

Layunin
1. Nasusuri ang pangunahing tauhan sa maikling kwento.
2. Napapahalagahan ang pagkakasunud-sunod ng maikling kwento.
3. Nakalilikha ng “role playing” at balita ayon sa maikling kwento.
II. Paksang Aralin
A. Paksa
“Ang Ama” Salin ni Mauro R. Avena
B. Sanggunian
Lunday (Wika at Panitikan Baitang 10)
Pahina 214-219
C. Kagamitan
Larawan
Sipi ng Kwento
Tarpapel
III. Pamamaraan
A. Aktiviti
1. Panimulang Gawain
1.1. Pagbati
1.2. Pagtatala ng Liban
2. Pagganyak
Pangkatang Gawain

Panuto:

Buuin ang bawat larawan na nakaatang sa bawat grupo, ilagay sa pisara (blackboard).

Pagmasdan at suriin ang 3 larawan upang malaman ang kaugnayan ng mga ito.

1 2 3
B. Analisis
Pagtatalakay sa Aralin (Pangkatang Gawain)
Pagsusuri ng sa maikling kwento

Panuto:

Magbibigay ang guro sa bawat isang grupo nang enbelop na naglalaman ng mga talata.
Babasahin ito ng mga mag-aaral at pagsunod sunudin upang mabuo ang diwa ng maikling
kwento. Ilagay sa graphic organizer na nakalagay sa Tarpapel na nasa loob ng enbelop at ipaskil
ito sa pisara. Magkakaroon ng presentasyon ang bawat grupo.

C. Abstraksyon
Pangkatang Gawain
Pangkat I.
Bumuo ng isang kwento na magkahalintulad ng kwentong “Ang Ama”. At
ibahagi sa paraang Role playing.

Pangkat II.
Bumuo ng isang kwento na magkahalintulad ng kwentong “Ang Ama” at ibahagi
sa paraang Pabalita.
D. Aplikasyon
Ano ano ang mga gampanin ng halihi ng tahanan sa kanyang pamilya? Bilang
asawa? At bilang ama?

E. Ebalwasyon
Maikling Pagsusulit
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano ang katangian ng ama ang nangingibabaw sa kwento?
3. Anong pangyayari sa kwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali
ng ama?
4. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?
5. Paano nagwakas ang kwento?

IV. Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik sa pahayagan o magasin ng mga isyu ng pang-aabuso ng
magulang sa kanilang mga anak. Alamin kung ano-anong pang aabuso ang
nangyayari sa loob ng tahanan. Maaaring gumupit ng larawan bilang patunay sa
inyong pananaliksik. Ilagay ito sa inyong notebook.

V. Puna.
PAKITANG
TURO
SA
FILIPINO
Inihanda ni:

AUBREY KRIS M. VILLAMIN

You might also like