You are on page 1of 2

Portinto John Carlo D.

GNED04
BSEF 2-2

1-20. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan? Ipagkumpara ang


pagkakatulad at pag kakaiba ng Primaryang Batis at Sekundaryang Batis.

Ang kasaysayan ay ulat na nakabatay sa mga kaganapan ng ibat ibang nag daang
panahon an tumutulong sa kasulukuyan upang malutas ang mga suliraning naganap na
at maiwasan ang mga pangyayaring maaring maganap muli. Ang kasaysayan ang
siyang bumubukas sa bawat kaisipan ng mga indbidwal upang maunawaan ang mga
bagay na nakikita o nararanasan nila sa kasulukuyan at ang kasaysayan din ang
nagbibigay kasagutan sa bawat katanungang patungkol sa pinagmulan ng isang bagay,
rason sa mga pangyayaring di inaasahan at iba pa. Mahalaga ang kasaysayan sapagkat
ito ang susi na nabubukas ng pinto ng pagiging ignorante, ito ang nagbibigay solusyon
na tumutulong sa pagunlad ng indibidwal maging ng buong bansa. Ang kasaysayan
ang nagbibigay impormasyon sa atin kung ano ang nagyari sa nakaraan, nagbibigay
daan upang mas mahalin natin ang mga lugar kung saan tayo nagmula, natutuklasan
natin ang mga bagay na kapakipakinabang, nalalaman natin kung paano at saan
naganap ang mga pangyayari na mahalaga, at nagbibigay ng kaalaman sa atin.

Ang Primaryang Batis ay mga bagay at mga naglalaman ng impormasyon na galing


mismo sa bagay o tao na pinag-uusapan sa kasaysayan at ang Sekondaryang Batis
naman ay binubuo ng mga lathala na ang impormasyon ay mula sa pangunahing batis
o Primaryang batis. Ang primaryang batis ay galing mismo sa tao o bagay sa
pangyayari sa kasaysayan ngunit ang sekondaryang batis ay galing sa primaryang
batis.

21-30. Paano nakarating ang mga Espanyol sa lupain ng Pilipinas at paano


tinanggap ng mga Pilipino ang mga dayuhang manlalakbay?

Marso 17, 1521- Nakita ng Magellan ang mga bundok ng ngayon ay Samar.
Kinabukasan, inutusan ni Magellan ang kanyang mga tauhan na mapunta sa isla ng
Homonhon maalagaan ang may sakit. Nagpahinga na, nagpatuloy si Magellan sa isla
ng Limasawa, nakipagkaibigan siya sa rajah na pinangalanang Rajah Kulambu at ang
kanyang kapatid na si Agu, at tinatakan nila ang kanilang pagkakaibigan gamit ang
pakikipagkamay dugo.Ito ang unang pakikipagkamay dugo sa pagitan ng mga
Pilipino at Mga Kastila.

Marso 31, Easter Sunday, nag-utos si Magellan ng isang misa upang ipagdiwang sa
isla na pinamunuhan ni Padre Pedro de Valderrama. Pagkatapos, umorder na siya
upang itanim ang krus sa tuktok ng burol na tinatanaw ang dagat at siya kinuha ang
pag-aari ng pagbibigay ng pangalan sa mga isla bilang Archipelago ng St.Lazaruz.
Ang Unang Pagbinyag petsa Abril 8, 1521- ang mga barko ng Magellan ay pumasok
sa daungan ng Cebu. Si Rajah Humabon- ang pinuno ng Cebu, tinanggap ang mga
Espanyol at maya-maya ay sumunod ang pakikipagkamay dugo sa pagitan nila ni
Magellan at nagpalitan ng mga regalo.
Abril 15, 1521- ipinagdiwang ang misa sa Cebu. Itinayo ang isang krus at hinimok ni
Magellan ang mga Cebuano na maging mga Kristiyano, ang 800 mga katutubo ang
naging mga Kristiyano sa araw na iyon. Iniharap ni Magellan si Juana naisang imahe
ng sanggol na Hesus, ngayon, ang sanggol na Hesus ang kanilang Patron ng Cebu.

31-40. Magbigay ng tatlo hanggang limang panglan ng manglalayag at


ipaliwanag ang mga kanilang ruta at lugar na nadiskubre.

Si Christopher Columbus- Isang tubong Genoa, Italya, ay nagtungo ng Espanya at


inalok ang kanyang serbisyo sa Hari at Reyna. Sa paglalayag mula sa Espanya,
natuklasan niya ang Hilagang Amerika sa taong 1492. Naisip niya na ang malaking
lupain nakanyang natuklasan ay ang Asya.

Pedro A. Cabral- Natuklasan ang bansang Brazil taong 1500

Si Prince Henry- tinawag bilang "The Navigator". Sa kanyang ekspedisyon,


natuklasan niya ang mga isla ng Madeira at Azores sa baybayin ng Africa noong 1421
at di nagtagal ay binuo o napaunlad sa mga kolonya ng Portugal.Gumamit siya ng
mga instrumento para sa nabigasyon noong siya ay humantong sa paglalakbay sa
Western Africa, tulad ng astrolabe, ang windrose compass, at ang caravel.

51-60. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pag-mamahal sa


bansang Pilipinas?

Bilang isang Pilipino nais kong bigyang pagpapahalaga ang mga likas na yaman na
mayroon ang Pilipinas, sikaping maging isang disiplinadong mamamayan at bigyang
respeto ang kapwa liban sa kanilang edad, estado, o anupamang katayuan. Maging
magandang halimbawa tayo para sa mga susunod na lipon ng henerasyon sapagkat
ano man ang ginagawa natin ngayon ay ang magsisilbing tamang gabay para sa mga
kabataan sa susunod pang henerasyon at gamitin at mahalin natin ang ating sariling
wika waring itoang magiging susi sa ating pagkakaisa sapagkat ito lamang ang isa sa
mga bagay na tao lamang mga Pilipino ang mayroon, pagyamanin ito at wag
ipagpawalang bahala dahil ito ang ating identidad at tatak ng pagiging isang Pilipino.
Sumunod sa batas at bigyan ng boses ang mga naabuso ang mga naapi at patuloy na
ipatupad na walang sinuman ang nakaka angat sa batas.

You might also like