You are on page 1of 8

PERFORMANCE TASKS IN ARTS 3

FIRST QUARTER

GURO KO CHANNEL

Performance Task 1

Iba’t – Ibang Laki ng Tao sa Larawan

Mga kagamitan: lapis, bond paper, krayola


Pamamaraan:
1. Magisip at gumuhit ng isang lugar na malapit sa sakahan o taniman.
2. Dagdagan ito ng larawan ng mga tao na iba’t iba ang laki ayon sa layo o distansiya ng
tumitingin.
3. Kulayan ang iyong iginuhit.
4. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong natapos na likhang-sining.

5. Ipakita mo ito sa iyong mga kaklase at isalaysay ang tungkol sa iyong iginuhit na larawan.

GURO KO CHANNEL

Ilusyon ng Espasyo
Performance Task 2

Ipakita ang ilusyon ng espasyo sa pamamagitan ng pagguhit ng mga larawan sa


loob ng kahon.

Teksturang Biswal
GURO KO CHANNEL
Performance Task 3

Still Life Drawing na Ginagamitan ng Cross Hatch Lines at Pointillism


Mga Kagamitan: lapis, colored pencils, bond paper
Pamamaraan:

1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit.


2. Ayusin ang mga bagay na iguguhit (Hal. Iba’t ibang uri ng prutas, mga bote,
atbp.) sa tamang pagkakahanay upang gamiting modelo.
3. Gumamit ng lapis sa pagguhit.
4. Pumili kung ano ang teknik o pamamaraang gagamitin, cross hatch lines o
pointillism, para makita ang tekstura ng mga bagay na iguguhit. Gumamit ng
isang teknik lamang.
5. Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan.
6. Lagyan ng pamagat ang iyong natapos na likhang sining.

GURO KO CHANNEL
Performance Task 4

Pagguhit ng Tanawin

Maging Malikhain!
Pagguhit ng Tanawin
Mga Kagamitan: bond paper, lapis, pambura, krayola
Pamamaraan:
1. Umisip ng magandang tanawin sa inyong lugar na gusto mong iguhit.
2. Pag-isipan kung ano ang mga bagay na dapat isama sa iguguhit.
3. Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng mga sumusunod: harapang bahagi,
gitnang bahagi, at likurang bahagi.
4. Iayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang balance sa kaayusan ng
larawan.
5. Kulayan ang iyong iginuhit at lagyan ng pamagat.

GURO KO CHANNEL
Performance Task 5

Pagguhit gamit ang lapis o anumang uri ng panulat.

Pagguhit gamit ang Lapis o anumang uri ng Panulat


Mga kagamitan: bond paper, lapis at pambura
Pamamaraan:
Gumuhit ng isang uri ng hanapbuhay na matatagpuan sa iyong probinsya o
rehiyon. Gawin ito sa bond paper gamit ang lapis o anumang panulat.
Halimbawa:

GURO KO CHANNEL
Performance Task 6

Uri ng Linya at ang Katangian Nito

Mga kagamitan: bond paper, lapis, pambura, krayola


Pamamaraan:
Gumuhit ng isang larawan na ginagamitan ng iba’t-ibang uri ng linya o
disenyong geometric, maari din sa paraang Doodle Art.
Halimbawa:

GURO KO CHANNEL
Performance Task 7

Tekstura at Hugis

Symmetry Art
Pamamaraan:
1. Tapusin ang larawan gamit ang iba’t-ibang uri ng tekstura at hugis
2. Iguhit ang nawawalang detalye nito.
3. Kulayan ito at pagandahin pa.

GURO KO CHANNEL
Performance Task 8

Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali

Pamagat: Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o Gusali


Kagamitan: Bond Paper, Lapis at Krayola
Pamamaraan:
1. Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o gusali sa probinsiya o rehiyon.
2. Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t ibang uri ng
linya at hugis.
3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo.
4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa foreground, middle ground,
at background.
5. Lagyan ito ng kulay.

You might also like