You are on page 1of 68

DAYAGNOSTIK TEST

SA
FILIPINO 10
Panuto: Basahin ang pahayag at tukuyin ang mga
salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan.

1. Si Venus ay nagkaroon ng inggit kay Psyche dahil sa


labis na kariktan nito. Natalbugan ng dalaga ang
kanyang kagandahan kaya siya ang labis na nagalit sa
dalaga.
a. inggit ~ nagalit c. inggit ~ selos
b. kagandahan ~ kabaitan d. kariktan ~ kagandahan
2. Hindi ikinatuwa ni Cupid ang pagtataksil ni Psyche sa
kanya kaya siya ay umalis at nilisan ang tahanan nilang
dalawa.
a. ikinatuwa ~ pagtataksil c. umalis ~ nilisan
b. ikinatuwa ~ umalis d. pagtataksil ~ nilisan
3. Matindi ang inggit ni Venus sa taglay na kagandahan
ni Psyche kaya’t siya ay naging sakim sa pagnanais ng
kapahamakan nito. Binigyan niya ito ng maraming
pagsubok.
a. inggit ~ sakim c. kapahamakan ~ kagandahan
b. pagnanais ~ pagsubok d. matindi ~ binigyan
4. Inutusan ng dalawang prinsesa si Psyche na tapatan
ng lampara ang mukha ni Cupid at saksakin ito ng
balaraw ngunit dahil sa kagwapuhan ng asawa hindi
nagawa ni Psyche ang iniatas ng mga kapatid.
a. lampara ~ balaraw c. tapatan ~ mukha
b. asawa ~ kagwapuhan d. inutusan ~ inatasan
Panuto: Basahin ang pangungusap at bigyang-kahulugan ang mga
mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto
nito.

5. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa kapatid nang


mapagtanto niya na ito pala ang dahilan ng kanyang
pagkasawi sa buhay.
a. inis na inis
b. ilang na ilang
c. tuwang-tuwa
d. galit na galit
6. Masyadong narahuyo si Mathilde sa mga
mamahaling bagay na hindi kayang ibigay ng kanyang
asawa na isang simpleng mamamayan lamang.
a. naakit
b. napahanga
c. nabighani
d. napasaya
7. Ibig na ibig niyang makatakas mula sa mundong
kanyang nakalakhan. Hindi niya ibig na mabagabag ang
kanyang isipan sa mga nangyayari sa kapaligiran.
a. magulo
b. matunton
c. masanay
d. mahirati
Panuto: Ayusin at kilalanin ang magkakaugnay na salita ayon sa antas o
tindi ng kahulugan.
8. ____
• silipin a. sulyapan b. tanawin c. silipin d. tingnan
• sulyapan silipin tingnan sulyapan tanawin
• tanawin tingnan silipin tanawin sulyapan
• tingnan tanawin sulyapan tingnan silipin
9.____
• iyak a. nguyngoy b. hikbi c. iyak d. hagulgol
• Hikbi hagulgol nguyngoy hagulgol iyak
• nguyngoy hikbi iyak ngungoy hikbi
• hagulgol iyak hagulgol hikbi nguyngoy
• 10 ____
• namayani a. namayani b. nangibabaw c. naghari d. namayagpag
• Nangibabaw nangibabaw naghari namayagpag namayani
• naghari naghari namayani namayani nangibabaw
• Namayagpag namayagpag namayagpag nangibabaw naghari
Panuto: Bigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya na inilalahad ng talata.

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo.


Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nang
marinig niyang muling ipininid ang pintong bakal ng istaked,
humilahod na ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon
at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin.
Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga
ito. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang
mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya
narinig na tila may gumigising sa kanya.
“Sipi mula sa Tata Selo ni Rogelio R. Sikat”
11. Makatarungan ba ang pagpapahirap na ginawa ng
mga pulis kay Tata Selo?
a. Oo, dahil may kasalanan siya.
b. Hindi, sapagkat sila lamang ang humusga rito at
nagbigay parusa.
c. Oo, sapagkat nakagawa siya ng isang krimen at dapat
niya itong pagbayaran.
d. Hindi, dahil dapat idaan sa tamang proseso ang
nangyari bago nila ito parusahan.
12. Ang pagmamakaawa ng anak na dalaga ni Tata Selo sa
mga pulis. Ano ang inyong gagawin?
a. Sasabihin ko sa pulis na ilabas siya sa loob ng piitan dahil
wala siyang kasalanan.
b. Sasama ako sa kanya sa loob sapagkat hindi ko nanaisin na
siya ay makulong mag-isa.
c. Hahayaang hustisya na lamang ang magdesisyon para sa
aking ama at susundin ang kaparusahan na ibibigay rito.
d. Magmamakaawa ako sa mga pulis at sasabihing matanda
na ang aking ama at baka pwede na hayaan na lamang
siyang “i house arrest.”
Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na na dapat gamitin sa pangungusap o
pahayag bilang aksiyon.

13. Habang sina Lucio ay naglalaro ng bola sa labas ng


bahay ay biglang may dumaan na isang motor. Nabigla si
Lucio sa pangyayari kaya siya ay tumakbong umiiyak.
a. nabigla
b. dumaan
c. tumakbong umiiyak
d. naglalaro ng bola
14. Tinawanan ni Enrico ang pagkadapa ng
kanyang kapatid sapagkat sumubsob ang mukha
nito sa putikan na kanilang dinaanan.
a. tinawanan c. sumubsob
b. pagkadapa d. dinaanan
Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na dapat gamitin sa pangungusap o
pahayag bilang karanasan.

15. Napaibig ni Eleonor si Errol dahil masarap daw itong


tumawa pero tumatawa lamang ito sa kuwento ni
Basya.
a. napaibig
b. tumawa
c. nagkuwento
d. tumatawa
16. Napapansin na ng Sambayanang Pilipino ang
pagbabago sa bansa sapagkat kumikilos na ang mga
tauhang itinalaga ng ating Pangulong Duterte.
a. kumikilos
b. napapansin
c. pagbabago
d. itinalaga
Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na dapat gamitin sa pangungusap o
pahayag bilang pangyayari.

17. Sa sobrang galit ni Frollo kay Esmeralda kumukulo


ang dugo nito kapag kanyang nakikita kaya’t umiiwas
siya rito.
a. galit b. kumukulo c. umiiwas d. nakikita
18. Naligo ang mga kabataan sa ilog malapit sa kanilang
bahay ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nalunod
ang isa sa kanila kaya sila ay humahagulgol na umuwi
ng bahay.
a. naligo b. umuwi c. nalunod d. inaasahan
Panuto: Itala at piliin ang salitang katulad at kaugnay ang kahulugan ng
salitang may salungguhit sa pangungusap.

19. Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa


munting gusgusing sopa at magpalahaw.

Alin sa mga sumusunod na mga salita ang katulad ang


kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. humiga b. napalugmok c. napaupo d. bumagsak


20. Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang
bigyang priyoridad ang mahabang panahong
pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay
lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa
darating pang henerasyon. Batay sa binasa, alin sa mga
sumusunod ang hindi kasingkahulugan ng salitang
kahirapan?
a. pagkadukha
b. pagkagipit
c. paghihikahos
d. pamumulubi
21. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa
wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa
luha. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang katulad
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. puno b. tangis c. malakas d. umaagos


22. Iniisip niyang umaalembong ang kaniyang asawa kung
kaya’t ito’y nagpagupit. Alin sa mga sumusunod na mga
salita ang katulad ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?

a. nagbabago b. lumalandi c. nag-iinarte d. nagpapaganda


Panuto: Bigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan/di-makatotohanan
ng mga pangyayari sa maikling kuwento.

“Hindi ba ninyo maipahahatid sa amin ang aking binili? Ako


ba ang inaasahan ninyong magbibitbit niyan?Isipin na
lamang ninyo ang magiging ayos ko na may bitbit na
bayong!” ang namumula sa galit na sabi ng binata.

-Ang Tunay na Dakila


23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI makapagpapaliwag sa
pagiging makatotohanan ng akda?

a. May mga taong masyadong mataas ang pagtingin sa sarili


b. Ang tao ay nasisiyahan na makita ang iba na nahihirapan.
c. Kahiya-hiya para sa mga tao ang pagbibitbit ng bayong.
d. Hindi pantay ang estado ng ating lipunan
“Marami pa sa ating mga Pilipino ang hindi
nagpapaka- Pilipino. Ang kanilang gawa, diwa at
simulain ay naglalarawan pa rin ng pagkaalipin, na
wari bang nasisiyahan na sila sa ganong
kalagayan.”
24. Alin sa mga sumusunod ang makapagpapaliwanag sa
pagkamakatotohanan ng akda?

a. Marami ang hindi masaya sa pagiging isang Pilipino.


b. Nagnanais na maging dayuhan ang maraming Pilipino.
c. Marami ang hindi kayang manindigan na sila ay Pilipino.
d. Alipin pa rin ng impluwensya ng mga dayuhan ang
maraming Pilipino.
Lope K. Santos
(1)May angking pagmamahal sa wikang pambansa at mga gawaing pampahayagan,
naging tagapatnugot o tagapangasiwa siya ng labintatlong iba’t ibang pahayagan. (2) Noon
pa mang taong 1905, nang kasalukuyang abalang-abala sa pag-aaral ng wikang Ingles ang
mga mamamayang Pilipino, si Mang Openg naman, iyang ang tawag sa kanya ng kanyang
mga kaibigan, ay buong tiyaga nang nanaliksik, nag-aaral at bumuo ng isang gramatikang
Tagalog. (3) Baha-bahagi rin niyang ipinalathala ang mga ito sa mga pahayagan, Salamat na
lamang sa gamitong pagpupunyagi at nang ipahyahag ng Pangulong Manuel L. Quezon
noong taong 1937 na ang Tagalog ang saligan ng wikang pambansa, agad may naiharap na
isang gramatikang aklat na maingat na naisaayos sa loob ng humigit-kumulang sa
tatlumpu’t limang taon. (4) Sa pagsisikap niya ay umunlad ang palatuntunan ng
pamahalaan tungkol sa wikang pambansa. (5) Itinaguyod niya ang kinabukasan ng ating
wikang pambansa
(6) Ito si Ginoong Lope K. Santos- isinilang na dukha at namatay ring dukha. (7)
Hindi niya ginamit ang kaniyang katalinuhan sa pagpapayaman;(8) hindi niya sinamantala
ang mga katungkulang hinawakan sa pagkakamit ng limpak-limpak na salapi. (9) Ang
kaniyang walang sawang pagtataguyod ang maipampapatunay niya sa pagmamahal sa
wikang pambansa.
______ 25. Matapos basahin ang akda, aling
pangungusap ang nasa pokus tagaganap?
a. 1 b. 2 c. 5 d. 6

______ 26. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng


pandiwa na nasa pokus sa layon?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
Panuto: Suriin ang pokus ng pandiwa: ganapan at sanhi sa binasang kuwento.
1. Ikinaputol ng kawing ng mga gunitang iyon ni Mang Lope ang paghawak
ni Aling Nena sa kaniyang balikat upang tanungin kung hindi siya
mangingitid nang gabing iyon.
2. Nagsisilbing pangitiran ni Mang Lope ang malawak na karagatang biyaya
ng Diyos sa kanilang pamilya subalit hindi ito ang biyayang nais ni
Mang Lope para sa kaniyang anak na si Nilo.
3. Gayunpaman, ang pag-uusap ng mag-asawa ay ikinabalik ng dating saya
at pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa at ng kanilang anak.
4. Ang kanilang pamilya ay namuhay ng matiwasay at Masaya.
(mula sa “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente M. Bautista)
27.Ikinaputol ng kawing ng mga gunitang iyon ni Mang
Lope ang paghawak ni Aling Nena sa kaniyang balikat
upang tanungin kung hindi siya mangingitid nang gabing
iyon.

Batay sa pangyayaring inilahad, ang pangngusap ay


nagpapakilala ng pokus sa_______.

a. ganapan b. layon c. kagamitan d. sanhi


28.Batay sa binasang teksto, aling bilang ng pangungusap
ang gumamit ng pokus ng pandiwa na ganapan?
a. pangungusap 1
b. pangungusap 2
c. pangungusap 3
d. pangungusap 4
29.Sa huling pahayag sa talata, malinaw ang konsepto na
mahalaga ang pag-uusap upang maibalik ang dating sigla
sa ugnayan ng pamilya. Aling salita ang nagsilbing dahilan
ng kilos o aksiyon sa pangungusap?

a. pahayag b. malinaw c.maibalik d. pag-uusap


30. Batay sa binasang teksto, aling bilang ng pangungusap
ang gumamit ng pokus ng pandiwa na sanhi?

a. pangungusap 1
b. pangungusap 2
c. pangungusap 3
d. pangungusap 4
Panuto: Suriin ang nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikan na
angkop dito.

“Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na


nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may
mga tagpi na ang siko at paypay”
-Tata Selo
31. Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay
ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento.
ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na
nangyayari sa lipunan. Batay sa pahayag sa itaas, ang
pinakaangkop na sitwayon sitwasyon ang kaugnay rito ay
ang______.
a. pagbawi sa lupang sinasaka ni Tata Selo
b. pagtaga ni Tata Selo sa may-ari ng sakahan
c. pandaraya sa kanya ng may-ari ng sakahan
d. pagkakulong ni Tata Selo dahil sa pagtatanggol sa
kanyang karapatan
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal
ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya
ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya
diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng
kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa
paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi
rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya
pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na
sinama siya sa kuwarter. Noli Me Tangere
32. Ang pagiging malupit ng mga sibil ay sinasabing isang
halimbawa ng Realismo sapagkat ito ay maihahalintulad sa mga
taong ______

a. mapagsamantala sa kahinaan ng nakakarami


b. walang pakialam sa damdamin ng kapwa sapagkat sila’y
makasarili
c. mahihina na hindi kayang maipagtanggol ang kanilang sariling
kapakanan
d. may posisyon ngayon sa lipunan na ginagamit ang
kapangyarihan upang gawin ang nais nilang gawin
• Marumi ang mundo. Maraming kasuklam-suklam na
pangyayaring gawa ng tao.Natural sa tao ang manakit ng
kapwa lalo na kung ito ay mahina at walang lakas
lumaban. Ito ay nagpapatunay na ang buhay ay
mabangis, karumal-dumal at walang awang kagubatan.
Noli Me Tangere

• Read more on Brainly.ph -


https://brainly.ph/question/954343#readmore
33. Batay sa pahayag, ang teoryang pampanitikang
ginamit dito ay ______.
a. realismo
b. naturalismo
c. humanismo
d. eksistensyalismo
Marahang-marahang
Manaog ka irog, at kata’y lalakad
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat
-Sa Tabi ng Dagat
34. Ang saknong na binasa ay ginamitan ng teoryang
Romantisismo sapagakat____.
a. pinapaksa ang relihiyon
b. pinagtutununan ng pansin ay ang katotohanan
c. pinag-uukulan ng pansin ang emosyon at damdamin
d. pinag-uusapan ay ang mga rebolusyonaryong gawain
Panuto: Ibigay ang katumbas na salita ng mga sumusunod na salita mula sa
akda.

35. Emiio Aguinaldo: Cavite ; Jose Rizal : _________


a. Dapitan b. Laguna c. Batangas d. Fort Santiago

36. Cavite: _________; Nueva Ecija: bigas at sibuyas


a. mais at palay b. tahong at talaba
c. durian at marang d. niyog at kopra
37. Bangus: Dagupan ; ________: Tagaytay
a. dilis b. danggit c. tawilis d. talakitok

38. Luneta: Monumento ni Rizal ; _________: Aguinaldo Shrine


a. Kawit b. Tanza c. Dasmariñas d. Trece Martires

39. Rehiyon 4-A: ________; Rehiyon 4-B : MIMAROPA


a. CAR b. NCR c. ARMM0 d. CALABARZON
Panuto: Gamiitin ang angkop na mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

40. “A house divided against itself cannot stand”


a. Kailangang magsama-sama ang buong pamilya
b. Magkaisa tungo sa ikatatagumpay ng anomang gawain
c. Hindi makakatayo ang isang bahay kapag hindi kompleto
ang pamilya
d. Lahat ng kabilang ay nararapat lamang na magkaisa at
magtrabaho bilang isa upang magtagumpay
41. “Leopard can’t change his spots”

a. hindi kayang baguhin ang ugali ng tao


b. hindi magbabago ang balat ng isang tao
c. mahirap nang baguhin ang kinasanayan
d. mahirap nang itama ang mga maling gawain
42. “A piece of cake”
a. mabusising gawain
b. matagal tapusin ang gawain
c. mahirap tapusin ang gawain
d. kayang-kayang tapusin ang gawain
43. “A blessing in disguise”

a. magandang pagkakataon
b. magandang balitang dumating
c. magandang pangyayaring hindi inaasahan
d. magandang pangyayari na hindi napuna noong umpisa
Panuto: Gamitin ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa
damdaming nangingibabaw sa akda.
44. “Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.” Ang damdamin sa loob
ng pahayag ay _____
a. pagkagalit b. pagkapoot c. pagkainis d. pagkamuhi

45. “Alam n’yo”, aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may


sandaang damit sa bahay.”
Ang pahayag ay nagpapakita ng damdaming______.
a. pagmamalaki b. pagmamayabang c. pagkamasaya d. pagkatuwa
Panuto: Bigyan ng kaukulang pagpapakaluhugan ang mahahalagang pahayag
ng awtor/mga tauhan sa akda.
46. “Sabihin ninyo sa kanya na ang tubig ay matabang at naiinom,
ngunit nakatatalo sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy, na
kapag pinainit ay naging dagat na malawak at minsa’y magwawasak
ng sangkatauhan at magpapayanig ng sandaigdigan” –Isagani
Ang pahayag ay nangangahulugang______________
a. Hindi kailanman matatalo ng apoy ang tubig.
b. Mas mabuting uminom ng tubig kaysa sa alak.
c. Kayang gapiin ng mga Pilipino ang mga kastila kapag pinainit.
d. Ang alak ay nagiging apoy na maaaring magwasak sa
sangkatauhan.
47. Ah! Nais kong mamatay, iwanan ang aking bayan ng
isang dakilang pangalan, ipagtanggol siya sa mga dayuhan”
-Isagani.
Ang pahayag ng tauhan ay nangangahulugang nais niyang
_______
a. magapi ang mga dayuhan
b. mamatay nang lumalaban
c. mag-iwan nang isang dakilang pangalan
d. mamatay nang ipinagtatanggol ang bayan
48. “Babalik tayo sa alabok, Itay, at tayo ay ipinanganak na
walang baro,”- Kabesang Tales.
Ang pahayag ay nangangahulugang______________

a. Ang mga tao ay nagmula sa alabok.


b. Tayo ay mamamatay nang walang pag-aari.
c. Ipinanganak tayo at nakatadhana ding mamatay.
d. Tayo ay ipinanganak na pantay- pantay sa mundo.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa
nabasang nobela.

49. “Ang wika ay ang pag-iisip ng bayan”. Ang mga


sumusunod ay pagpapakahulugan sa wika MALIBAN sa
___________
a. sumasalamin sa isang bansa.
b. simbolo ng kalayaan ng bayan.
c. pagkakakilanlan ng isang bansa.
d. magdidikta sa kapalaran ng bansa.
50. “Ang Pilipinas ay tunay na lupain ng panukala”. Batay sa
nabasa, ano ang pagpapakahulugan sa mga Pilipino ng
matalinghagang pahayag?

a. puro salita lamang.


b. lubhang mapanuligsa.
c. mapaghanap ng pagbabago.
d. magaling lamang sa umpisa.
Panuto: Tukuyin ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:
pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan,
pagtukoy sa wakas.

51. Masakit mang makitang ikasal ang minamahal sa iba, hindi


nakatiis si Isagani na pumunta sa kasal ni Paulita at Juanito sa
pagnanais na makita sa huling pagkakataon ang babaeng iniibig.
Base sa pangyayari sa pahayag, pinapakita ni Isagani na
___________
a. Walang maaaring humadlang sa isang taong umiibig.
b. Maaari pa ring masaya ang taong pinagpalit ng iniibig.
c. Di bale nang masaktan masulyapan lamang ang iniibig.
d. Ang tunay na nagmamahal ay nagtitiis para sa kaligayahan ng
iniibig.
52. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kanyang planong
pabagsakin ang mga Kastila sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
kilusang lalaban sa mga ito. Hindi sang-ayon si Basilio sa plano ni
Simoun. Naniniwala siya na ang edukasyon ang susi sa pagkakaroon
ng magandang ugnayan ng mga Pilipino at mga Kastila.
Ang papel na ginampanan nina Basilio at Simoun sa kanilang naging
tunggalian ay ipabatid sa mga Pilipino na____
a. kailangang labanan ang mga mananakop
b. dapat pinagpaplanuhan ang bawat hakbang na gagawin
c. tayo ay may iba’t- ibang paraan sa pagtatanggol sa ating bayan
d. palaging may mga hahadlang sa ating mga pinaplanong gawin
Panuto: Gamitin ang malalim at mapanuring pag-unawa sa akda upang
mapahalagahan at kalugdan ito nang lubos.
53. “Pagkatapos na pumasok sa monasteryo si Maria Clara, unti-
unting nagbago ang pananaw ng Kapt. Tiyago sa kanyang buhay.
Nawala ng unti-unti ang kanyang pag-asa hanggang sa siya ay
malulong sa masamang bisyo na siyang naging sanhi upang siya ay
unti-unting lumapit kay kamatayan.” Batay sa pag-unawa sa akda,
ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa sa buhay?
a. maglalayo sa tao sa kamatayan.
b. maglalayo sa tao sa masamang bisyo.
c. makapagpapabago sa pananaw ng tao.
d. kakapitan ng tao upang magpatuloy sa buhay.
54. Si Basilio ay isang batang ulila na may pangarap na buhay.
Subalit sa hirap ng buhay ay hindi niya magawang makapag-aral.
Lumuwas siya ng Maynila upang magpaalila at makapag-aral tulad
ng ibang kabataan. Namasukan siya sa bahay nina Kapitan Tiyago
upang may ipangtustos. Nilalayuan siya ng kanyang mga kamag-aral
maging ng mga gurong Domiko. Sa kabila noon, ipinagpatuloy pa rin
niya ang kaniyang pag-aaral. Batay sa malalim at mapanuring pag-
unawa sa akda, anong karapatan ang binibigyang-pagpapahalaga ng
tauhan?
a. matuto at makapag-aral.
b. mabuhay ng maginhawa.
c. magkaroon ng pangarap sa buhay.
d. magkaroon ng magandang kinabukasan.
55. “Ang eskwelahan ang batayan ng isang lipunan, ang
eskwelahan ang librong kasusulatan ng kinabukasan ng mga
mamamayan,”sambit ni Simoun. Batay sa pagsusuri sa sinabi
ng tauhan,mauunawaang pinahahalagahan na ng mga
Pilipino ang edukasyon noon pa man dahil ito ang____
a. pinakamagandang kontribusyon ng mga Espanol.
b. magiging daan para sa ikatatag at ikasusulong ng bansa.
c. magiging paraan para makatuklas ng pagbabago at
imbensyon.
d. magbibigay ng kakayahang maipagtanggol ang lipi mula sa
mga Espaňol.
56. “Mabuting ipaubaya ninyo sa pamahalaan ang mga bagay na iyan.
Mahusay na kayong mangastila, ano pa ang nais ninyong matutunan? Mag-
aral silang tulad ng ginawa mo at gumawa ng tulad ko, at huwag manangan sa
pangangailangan ng guro ng akademya. SIya na gusting matuto ay matututo at
magiging marunong.” Batay sa malalim na pagsusuri sa pahayag, alin sa mga
sumusunod na kaisipan ang nais ipabatid ng tauhan patungkol sa mga mag-
aaral?
a. mahilig maki-alam sa pamahalaan ay walang pag- unlad
b. kailangan nang makuntento sa pagkatuto ng wikang kastila
c. hindi na dapat maki-alam pa sa mga usaping pampamahalaan at
pagtuunan na lamang ang pag-aaral
d. kinakailangan ng masusing pag-aaral nang sa gayon ay maging
karapatdapat maging bahagi ng pamahalaan
57. “Hindi, ibig kong karunungan ang taglayin noong dapat magtaglay,noong
makapag-iingat sa kanya,” sagot ni Padre Florentino. “Kapag nagpakita ang
mga mag-aaral ng katibayan ng pag-ibig sa kanya,kapag nagkaroon na ng
mga binatang may pananalig,mga binatang marunong magtanggol sa
kanilang karangalan at igalang ito,ay magkakaroon ng mga gurong may
paglingap.”Batay sa pagsusuri sa pahayag ni Padre Florentino,anong
pagpapahalaga tungkol sa edukasyon ang mabubuo rito?
a. May mga taong may pribilehiyong makapag-aral lamang.
b. Kailangang sumailalim sa mga pagsubok ang sinumang nais makapag-aral.
c. Ang karunungan ay para sa taong naghahangad nito at buo ang
determinasyon.
d. Ang kaalaman ay mailap sa taong umaasam lamang nito ngunit di buo
ang loob.
Panuto: Ipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop
na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/damdamin.

Totoo ang balitang magpapakasal si Paulita kay


Juanito Pelaez. Parang bulang naparang ang pag-ibig
ng dalaga sa dating kasintahang si Isagani. Sa
pagiging aktibo ni Isagani sa akademya,
nagdalawang-isip si Paulitang baka madamay pa siya
sa malaking problema.
58. Ano ang iyong paniniwala ukol sa ginawang hakbang ni
Paulita sa binasang teksto?

a. Palagay ko, mahal ni Paulita si Isagani.


b. Sa ganang akin, nabulag lamang si Paulita sa pag-ibig.
c. Sa aking pananaw, pabago-bago ang isip ni Paulita.
d. Sa paniniwala ko, natakot lamang si Paulita na
mapahamak.
Sinabi niyang dapat lang na matuwa sila sa
tagumpay ng mga mag-aaral. Ang bayan ay
mangmang at mahina pa ngayon ngunit bukas ay
iba na. Ang paglakas ay di mapipigil, sapagkat
minamahal nila ang katwiran.
59. Sa iyong pagsusuri, ano ang iyong paniniwala ukol sa
pahayag?

a. Sa paniniwala ko, nasa bigat ng katwiran ang


ikapapanalo.
b. Sa ganang akin, kapag may katwiran di mapipigilang
ipaglaban.
c. Sa aking pananaw, matutong mangatwiran sa ano mang
larangan.
d. Sa aking palagay, nasa kamay ng mga mag-aaral ang
lakas ng pamahalaan.
Walang kabuluhan ang kamatayan ng
marami kung ang kapalit ay katahimikan at
kaligtasan ng bayan, ang matatag na
paliwanag ni Simoun.
60. Sa iyong pagsusuri, ano ang iyong paniniwala ukol sa
pahayag?
a. Sa aking pananaw, sa buhay ng tao kung minsan ay
kailangang ang katahimikan ay kaligtasan.
b. Sa ganang akin, sa buhay ng tao kung minsan ay
kailangang may mamatay upang may makinabang.
c. Sa aking palagay, sa buhay ng tao kung minsan ay
kailangang ang kamatayan ay inilalaan para sa bayan.
d. Sa paniniwala ko, sa buhay ng tao kung minsan ay
kailangang magsakripisyo para sa mas mabuting
kalalabasan.

You might also like