You are on page 1of 20

2

Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mga Likas na Bagay at Mga
Bagay na Gawa ng Tao
Arts – Ikalawang Baitang Alternative
Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Likas na Bagay at Mga Bagay na Gawa ng Tao Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Bernadette G. Lising


Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagasuri: Edquel M. Reyes, Alma T. Bautista,PhD
Marlon S. Fernandez, Remedios C. Gerente
Sonny N. De Guzman,EdD, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagaguhit: Isagani D. Tique, Norman B. Cruz
Tagalapat: Armando Deogines A. Garcia, Norman B. Cruz
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong,PhD, CESO V, Ronilo Al K. Firmo,PhD, CESO V
Librada M. Rubio,PhD, Ma. Editha R. Caparas,EdD
Nestor P. Nuesca,EdD, Engr. Edgard C. Domingo,PhD, CESO V
Leondro C. Canlas,PhD, CESE, Elizabeth O. Latorilla,PhD
Sonny N. De Guzman,EdD, Remedios C. Gerente

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 8
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mga Likas na Bagay at Mga Bagay
na Gawa ng Tao
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts- Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Likas na
Bagay at Mga Bagay na Gawa ng Tao.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag- aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts Baitang 2 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga Likas na bagay at Mga Bagay na Gawa ng
Tao.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag- aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

ii
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Napag-iiba ang mga likas na bagay at gawa ng tao na
maaring gamitin sa paglikha ng isang print (A2EL-IIIa).

Subukin
Panuto: Gumuhit ng puso ( ) kung ang mga nakalarawan
ay galing sa ating kapaligiran at tatsulok ( ) kung ito naman ay
ginawa ng tao. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

1.

2.

3.

iii
4.

5.

Aralin
Mga Likas na Bagay at Mga Bagay na Gawa ng T
1
Ang paglikha ng likhang - sining ay hindi lamang natatapos sa
papel, lapis at mga pangkulay. Kung gagamitin natin ang ating
imahinasyon ay napakaraming bagay sa ating paligid na maaari nating
gamitin sa paggawa ng isang likhang sining.
Ang mga bagay na maaari nating gamitin sa ating likhang -
sining ay regalo sa atin ng kalikasan kaya marapat lamang na gamitin
natin ang mga ito sa pagpapaunlad ng ating kakayahan sa sining.

2
Balikan
Panuto: Gumuhit ng tsek (✓ ) kung ang mga nakalarawan ay
nanggaling sa kalikasan at ekis () kung
gawa ng tao. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel .

1.

2.

3.

4.

5.
Tuklasin

Nakapunta ka na ba sa isang exhibit? Ano-ano ang mga bagay


na makikita mo sa isang exhibit? Ano-ano ang mga bagay na
ginamit sa mga likhang - sining na naka-display? Balang araw gusto
mo bang makita ang iyong likhang - sining sa isang exhibit?
Basahin ang kuwento at alamin kung ano-ano ang mga
likhang - sining na kayang gawin ng isang batang katulad mo.

Miyerkules, Araw ng Pagguhit ni


Bernadette G. Lising

Araw ng Miyerkules at isa ito sa pinakahihintay na araw sa


klase nina Pipoy dahil sila ay gagawa ng isang likhang sining.
Para sa aralin natin sa Sining, ang gagawin natin ngayon ay gagamit tayo ng iba’
Maari ninyo bang sabihin sa akin ano ang nakikita ninyo sa inyong paligid na m

Barya po

Dahon po

Mahusay! Ang sagot ninyong dalawa ay parehong tama. Maari nating gamitin s
Ang dahon po ay galing sa kalikasan at ang barya ay gawa ng tao.

Mahusay! Ang mga bagay na galing sa kalikasan ay


tinatawag nating likas na bagay at ang ibang bagay naman
ay gawa ng tao. Bago tayo magsimula ay pagmasdan muna
natin ang mga halimbawa ng mga likhang sining na gawa
mula sa mga likas na bagay at gawa ng tao.
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot
sa hiwalay na sagutang papel.
1. Ano ang mga bagay na ginamit ng mga bata para sa kanilang
likhang - sining?
2. Ano ang pinagkaiba ng likas na bagay sa mga bagay na gawa ng
tao?
3. Ano-ano sa paligid mo ang likas na bagay?
4. Ano-ano ang mga bagay sa iyong paligid ang gawa ng tao?
5. Paano mo mapapaunlad ang iyong kakayahan sa pamamagitan
ng mga likas na bagay at mga bagay na gawa ng tao?
Suriin
Ang mga likas na bagay ay mga bagay na makikita natin sa
kalikasan. Ang mga ito ay hindi gawa ng tao.
Ang halimbawa ng mga likas na bagay na maaring gamitin sa mga
likhang sining ay: dahon, bulaklak, bato, mga sanga, prutas, gulay at
iba pa.
Ang gawa ng tao ay mga bagay na nilikha ng tao mula sa mga
bagay sa kanyang paligid. Ang halimbawa ng mga ito ay: barya,
papel, krayola, tali, at iba pa.

Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Isulat ang letrang L kung likas na bagay at letrang T kung


gawa ng tao. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang
papel.
1. barya
2. bulaklak
3. dahon
4. sanga
5. papel
Gawain 2

Panuto: Sa isang papel gumuhit ng tatlong kahon na may halimbawa


ng likas na bagay at dalawang 2 kahon na may bagay na
gawa ng tao na maaring gamitin sa paggawa ng print.

Mga Likas na bagay

Mga Bagay na Gawa ng Tao

Mga bagay na Gawa ng Tao


Gawain 3

Panuto: Basahin ang sumusunod na bagay sa loob ng kahon at


tukuyin kung saang pangkat sila nabibilang. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
bulaklak dahon papel kalamansi tali

Likas na Bagay Gawa ng Tao

Isaisip
Gamit ang Venn Diagram, ano ang pinagkaiba ng mga likas
na bagay sa mga bagay na gawa ng tao?
Isagawa
Panuto: Gamit ang krayola, bakatin ang dahon upang makagawa ng
isang likhang - sining. Ilagay sa isang malinis na papel
ang iyong likhang - sining.

Mga Hakbang sa Paglilimbag gamit ang dahon (Leaf Rubbing):


1. Pumili ng tatlo hanggang limang dahon na nais mong gamitin sa
iyong likhang sining.
2. Ayusin ang mga dahon ayon sa disenyong nais mo para sa
iyong likhang sining.
3. Ilagay ang malinis na papel sa itaas ng mga dahon at gamit ang
krayola, kulayan ang papel hanggang sa lumabas ang disenyo ng
mga dahon.

Panuto: Gamit ang lapis , bakatin ang barya upang makagawa ng


isang lihang - sining . Ilagay sa isang malinis na papel ang
iyong likhang - sining.

Mga Hakbang sa Paglilimbag gamit ang barya (Coin Rubbing):


1. Pumili ng barya na nasi mong gamitin para sa iyong likhang
sining.
2. Ayusin ang mga barya ayon sa disenyong nais mo para sa
iyong likhang sining.
3. Ilagay ang malinis na papel sa itaas ng mga barya at gamit ang
lapis, kulayan ang papel hanggang sa lumabas ang disenyo ng
mga dahon.
Tayahin

Panuto: Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang titik ng tamang


sagot

1. Alin sa mga sumusunod ang likas na bagay?


A. barya B. kamote C. papel
2. Alin sa mga sumusunod ang gawa ng tao?
A. kalamansi B. bato C. tali
3. Ano ang maari mong gamitin sa leaf rubbing?
A. dahon B. bato C. okra
4. Ang mga sumusunod ay ginagamit sa coin rubbing maliban sa
isa:
A. barya B. lapis C. pitaka
5. Ano ang tawag sa bagay na magagawa mo gamit ang mga
likas na bagay at gawa ng tao?
A. likhang sining B. larawan C. exhibit

Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang watercolor, gumawa ng paglilimbag gamit ang
okra, kalamansi o kung anong gulay ang mayroon sa inyong
tahanan. Ilagay sa isang malinis na papel ang iyong likhang
– sining.
Mga Hakbang sa Print Making/Paglilimbag

1. Pumili ng gulay na nais gamitin. Hatiin ito sa dalawa (Humingi


ng tulong sa nakatatanda sa paggamit ng kutsilyo sa paghiwa
ng gagamiting gulay.)

2. Basain ng tubig ang kulay na nais mong gamitin sa iyong


water color.

3. Gamit ang brush, bigyan ng kulay ang hinating gulay at idikit ito
sa papel ayon sa nais mong disenyo.
Susi sa Pagwawasto

1
4
Sanggunian
Aklat

Most Essential Learning Competencies (MELC) KG – Arts-


Ikalawang Baitang. p.277
Ilagana, Amelia M. et.al (2013) Patnubay ng Guro sa Music, Arts,
Physical Education and Health- Ikalawang Baitang.pp. 138-
140 Pasig City: DepEd-IMCS

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bon
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4
Email Address: *

You might also like