You are on page 1of 35

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Heograpiya ng Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Heograpiya ng Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cris Anthony A. Tagatac
Editors: John Lester B. Escalera, Emmanuel F. Gabriel, Ma. Teresa P. Yanson
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Antonio V. Amparado Jr. Rolex H. Lotilla, and
Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Karl Edward B. Panceles
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE – Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, A.P
Belen L. Fajemolin PhD – CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – EPS, LRMS
Bernardita M. Villano –Division ADM Coordinator
Antonio V. Amparado Jr. – EPS, A.P
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 228-8825/ (083) 228-1893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Heograpiya ng Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Self-Leaning


Module (SLM) para sa araling Heograpiya ng Daigdig .

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Heograpiya ng Daigdig .

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga teksto, gawain, pagtataya at mungkahing


gawain upang higit na mapabuti ang kasanayan ng mga mag-aaral ng Araling
Panlipunan.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng sumusunod na aralin:


• Aralin 1 – Heograpiya ng Daigdig
• Aralin 2 – Limang Tema ng Heograpiya
• Aralin 3 – Pisikal na Anyo ng Daigdig
Pagkatapos ng aralin inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong kasanayan:
1. Naiisa-isa ang mga bahagi ng pag-aaral ng heograpiya.
2. Natatalakay ang konseptwal na pundasyon ng batayang heograpiya.
3. Natatalakay ang limang tema ng heograpiya.
4. Natutukoy ang compositional at mechanical na estruktura ng daigdig.
5. Natatalakay ang mga imahinaryong linya sa mapa o globo.
6. Nakikilala ang mga paraan sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar.
7. Natutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar gamit ang mapa.
8. Naipaliliwanag ang dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang klima.
9. Naibibigay ang iba’t ibang uri ng topograpiya ng daigdig.
10. Nakabubuo ng deskripsyon ng heograpiya ng isang bansa.
11. Naitatala ang mga katangiang pisikal (yamang likas, yamang tubig, yamang
lupa, at klima) ng daigdig.
12. Nailalarawan ang pisikal na anyo ng daigdig.
13. Naiisa-isa ang mga kontinente ng daigdig.
14. Naitatala ang mahahalagang katangian ng bawat kontinente.
15. Nauuri ang mga anyong lupa at anyong tubig.
16. Nakababanggit ng tiyak na halimbawa ng anyong lupa at anyong tubig.
17. Natatalakay ang kahalagahan ng mga anyong lupa sa buhay ng tao.
18. Natatalakay ang mga proseso ng pagbuo ng anyong lupa.
19. Naiuugnay ang mga anyong lupa at tubig sa pamumuhay ng tao.
20. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.

1
Subukin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang heograpiya ay sinasabing reyna ng mga agham. Alin sa mga pahayag ang
sumusuporta dito?
A. Ang heograpiya ay batayan ng pag-aaral ng kasaysayan.
B. Saklaw ng pag-aaraal ng heograpiya ang iba’t ibang agham.
C. Maituturing ang heograpiya bilang maliit na bahagi ng agham.
D. Ang pag-aaral ng heograpiya ay nakatuon sa iilang sangay ng agham.

2. Alin ang isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng


daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
A. Lokasyon
B. Lugar
C. Paggalaw
D. Rehiyon

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang


isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel at silangan ng West Philippine Sea.

4. Ang mga sumusunod ay saklaw ng pag-aaral ng heograpiya, maliban sa


A. Anyong lupa at anyong tubig
B. Klima at panahon
C. Likas na yaman
D. Reaksyon ng mga kemikal

5. Tumutukoy ito sa matigas at mabatong bahagi ng planetang Daigdig.


A. Crust
B. Mantle
C. Core
D. Stratosphere

2
6. Ang malaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon, sa halip,
ay patuloy na gumagalaw.
A. Pangaea
B. Plate
C. Kontinente
D. Rehiyon

7. Linyang heograpikal na humahati ng daigdig sa hilaga at timog hemisphere.


A. Equator
B. Prime Meridian
C. International Date Line
D. Parallels

8. Ang pangkalahatang lawak ng katubigan ng mundo ay 361, 419, 000


kilometro kwadrado o katumbas ng 70.9 % ng saklaw ng surface ng daigdig.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Mas malawak ang kalupaan sa mundo.
B. Mas malawak ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.
C. Malalim ang katubigan ng mundo.
D. Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.

9. Hango ang heograpiya sa salitang Greek na geo at graphein. Ano ang ibig
sabihin ng salitang geo?
A. Paglalarawan
B. Bahay
C. Daigdig
D. Pamamahala

10. Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o
pasilangan ay ______________________
A. International Date Line
B. Tropic of Cancer
C. Zero degree longitude
D. Equator

11. Ang kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa takdang oras.


A. Klima
B. Temperatura
C. Panahon
D. Season

12. Pinakamalaking dibisyon ng kalupaan ng mundo.

3
A. Isla
B. Bansa
C. Kontinente
D. Rehiyon

13. Kung ikaw ay nasa zero degree latitude, ang linya ng globo na iyong
kinaroroonan ay tinatawag na ___________________.
A. Prime Meridian
B. Equator
C. International Date Line
D. Tropic of Capricorn

14. Tumutukoy ito sa distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian


patungo sa kanluran o silangan ng Prime Meridian.
A. Longitude
B. Latitude
C. Grid System
D. Tropics

15. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anyong lupa, maliban sa isa


A. Bundok Everest
B. Tangway ng Siam
C. Baybayin ng Bengal
D. Talampas ng Tibet

Aralin

1 Ang Heograpiya ng Daigdig

Kumusta mag-aaral? Alam mo ba na ang pisikal na kaanyuan ng daigdig ay hinubog


ng maraming bagay sa paglipas ng panahon? Saglit nating lalakbayin ang nakaraan
upang sumiyasat ng maraming pisikal na katangian at kamangha-manghang bagay
tungkol sa heograpiya ng daigdig upang lalo natin itong mapahalagahan.

Balikan

Iayos ang mga ginulong salita upang mabuo ang tamang sagot.

1. Ang tawag sa mundo at ang naninirahan dito. ( AIGDGID )

2. Isang dambuhalang kontinente o supercontinent. ( EAAPNG )

4
3. Isang malaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. ( ATLEP )

4. Dalubhasa na nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig. ( NOGHEREAOCPRA )

Mga Tala para sa Guro


Ang mga teksto ay maaaring maging batayan para sa paglikha ng
worksheet na higit na magpapalinang ng kahusayan ng mga
mag-aaral.

Tuklasin

Basahin at unawain ang bawat katanungan. Ilagay sa patlang ang iyong sagot.

1. Ilarawan ang Pilipinas, saang bahagi ng daigdig nakatira tayong mga Pilipino?
Tukuyin ang kontinenteng kinabibilangan nito?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Tukuyin ang mga nakapaligid na mga bansa, mga karagatan, at dagat sa Pilipinas.

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

5
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng Pilipinas?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Suriin

Basahin at unawain ang teksto.

HEOGRAPIYA AT LIMANG TEMA NITO

Mahalagang bigyang diin sa ating pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig ang pisikal na


katangian nito sapagkat nakaaapekto ito nang malaki sa kilos at gawain ng tao.

Heograpiya ng Daigdig
Ang heograpiya ay nagmula sa salitang Greek na geo at graphein. Ang geo ay
nangangahulugan ng mundo at ang graphein ay nangangahulugan sumulat o
ilarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay ang pagsulat o paglalarawan ng mundo.

Ang sumusunod ay ang mga batayang kaalaman na nauukol sa pag-aaral ng


heograpiya ayon kay Gutierez:

1. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng pagkakaiba ng mga lugar (areal


differentiation) sa balat ng mundo.

2. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng likas na pag-uugnayan sa pagitan ng mga


tao at ng kanilang kapaligiran.

6
3. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng mga katangiang pisikal sa ibabaw ng mundo
at ng iba’t ibang gawain na nagaganap dito.

May dalawang kilalang sangay ng heograpiya, ang heograpiyang pisikal at


heograpiyang pantao. Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag
ng distribusyon ng mga anyong lupa ng mundo at itinatakda ang mga rehiyon na
patuloy na naaapektuhan ng mga pwersa at proseso ng kalikasan. Sa kabilang dako,
ang heograpiyang pantao ay nauukol sa distribusyon ng mga tao, ang kanilang
kultura at kanilang mga gawain sa ibabaw ng mundo.

Ang heograpiya ay nauugnay sa pag-aaral ng mga agham pisikal (natural sciences)


dahil nagkakaroon ng sandigan sa iba’t ibang larangan ng agham. Naiuugnay din
ang heograpiya sa mga agham panlipunan lalo na sa disiplina ng kasaysayan,
ekonomiks at iba pa. Dahilan dito, masasabing ang heograpiya ay hindi purong
agham na pisikal o purong agham panlipunan.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Saan nanggaling ang salitang heograpiya? Ibigay ang kahulugan nito.

2. Sang ayon ka ba sa pahayag na ang heograpiya ay ang reyna ng mga agham?


Ipaliwanag.

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa limang tema ng heograpiya.

Sa taong 1984 nang simulang balangkasin ang limang temang heograpikal sa


pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Association of
American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at simple
ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan at upang
mas madaling mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang ginagalawan.

Napapaloob dito ang limang tema ng heograpiya na pinabibilangan ng sumusunod:

1. Lokasyon. Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Ang sumusunod


ay ang dalawang pamamaraan ng pagtukoy nito:

a. Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng


latitude line at longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit
na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig;

b. Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa


paligid nito. Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa
ng tao.

2. Lugar. Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Ang


sumusunod ay ang mga paraan ng pagtukoy nito:

a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas


na yaman;

7
b. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o
dami ng tao, kultura, at mga sistemang pulitikal.

3. Rehiyon. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang


pisikal o kultural.

4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa


pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan. Sakop ng pag-aaral nito ang
kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang
pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.

5. Paggalaw. Ito ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang
lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng
hangin at ulan. Ang tatlong uri ng pagtutukoy ng distansya ay ang sumusunod:

a. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?

b. (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?

c. (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar?

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang mapapansin mo sa heograpiya ng Pilipinas batay sa limang tema nito?

2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang


pisikal ng bansa?

3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang
bansa?

Ngayong batid mo na ang heograpiya at ang limang tema nito, ang pag-aaralan sa
araling ito ay ang katangiang pisikal ng daigdig.

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga
konsepto ukol sa katangiang pisikal ng daigdig.

Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao


Ang pisikal na katangian ng daigdig ay binubuo ng kalawakan, kalupaan, klima,
katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Ang bawat isa ay may
impluwensya sa katangian ng mga ito. Halimbawa na lamang ang sistema ng
halaman o behetastasyon (vegetation cover) kung saan nakasalalay sa nagbabagong
klima na dulot naman ng nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang mga
hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang
hayop at lamang-dagat at lupa. Maging, ang mga halaman ay may benepisyong
nakukuha buhat sa mga tao. llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na
katangian ng nagbabagong daigdig. Upang lubusang maunawaan, tatalakayin natin
ang kaanyuan at galaw ng daigdig.

8
Ang compositional layer ng daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Crust ang
matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65
kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Ang bahanging karagatan naman
ay may kapal lamang na 5-7 km. Ang mantle ay isang patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Tinatawag na core
ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at
nickel. Ang mechanical layer naman ay may inner core, outer core, mesophere,
aesthenosphere at lithospehere. Lithosphere ang tawag sa pinakaibabaw at
pinakamatigas na bahagi ng daigdig. Ang asthenospehere ay may kapal na 100
kilometro at madalas na pinagdadaluyon ng bahagi ng mantle. Ang mesosphere ay
nasa bahagi ng lower mantle kung saan dumadaloy ang mga materyal nang mas
mabagal. Ang outer core ay ang bahagi ng daigdig na totoong likido at ang nagbibigay
ng magnetic field sa planeta. Narito ang paglalarawan ng mga bahagi ng daigdig.

SOURCE: http://www.ies-sierramorena.es/page/modulo3.1/ccss/structure_earth1.gif

Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa
posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa
mantle. Ang daigdig ay may apat na hating-globo (hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern
Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.

Umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon ang galaw ng mga plate.
Ngunit ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at
nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng
bulubunduking bahagi ng daigdig. Ito rin ang tinatayang dahilan kung bakit sa loob
ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-
bago.

PAMPROSESONG TANONG:
1.) Paano nakaaapekto ang mga plate sa pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng daigdig?

2.) Nakatutulong ba ang kaalaman sa pagbabago sa pisikal na anyo ng daigdig sa


pag-aaral ng pinamulan ng tao? Ipaliwanag.

9
Mga Espesyal na Linya sa Daigdig
Kung titingnan ang globo, maiisip mo na oblate spheroid ang hugis ng daigdig na
nagiging patag sa mga polo. Sa pagsusukat ng kinaroroonan ng isang lugar, naglagay
ang tao ng mga kathang-isip na guhit sa mundo.

Sanggunian: https://www.dummies.com/wp-content/uploads/0-7645-1622-1_0302.jpg

Grid ng Daigdig
Nagsisimula ito sa magkabilang dulo ng mga polo na may tawag na Timog Polo sa
bandang ibaba at Hilagang Polo sa bandang itaas. Ang guhit na makikita sa
kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at timog ay tinatawag na equator. Ang
maliliit na mga bilog na naka-parallel sa equator at ng polo. Tinatawag itong parallel
ng latitude dahil sa kanilang relasyon sa equator.

Meridian
Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang
polo. Sa wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng meridian, kaya lahat ng pook na
bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit meridian ay sabay-sabay na nakakaranas
ng katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa kanila ang sikat ng araw. Dito rin
kinuha ang salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay "bago
sumapit ang tanghali." Ang post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang
"pagkalipas ng tanghali."

10
Parallel
Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para sila
magsalubong. May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na daigdig
sa pamamagitan ng sinag ng araw. Ito ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of
Capricorn, at ang Antarctic Circle.

Latitude
Ito ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay may sukat
na 10° o 15°. Ito rin ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng equator.
Ang equator ang humahati sa globo sa northern at southern hemisphere. Ito rin ay
itinatakdang zero degree latitude. Ang Tropic of Cancer ang pinaka - dulong bahagi
ng northern hemisphere na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5o
hilaga ng equator. Ang Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong bahagi ng southern
hemisphere na direkta ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5o timog ng
equator.

Longitude
Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa kanluran o silangan ng Prime
Meridian na makikita sa Greenwich, England at sinusukat ng (o) degree at minute.
Sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa daigdig, nakasanayan nang sabihin
muna ang latitude, susundan ng longitude at daragdagan ng direksyon (kung timog,
hilaga, silangan, o kanluran).

Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras


Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang aksis habang umiikot ito sa araw.
Nakukumpleto ang pag-inog nito sa kanyang aksis sa loob ng 24 oras. Ang bilis ng
paggalaw ng mga puntos sa equator habang umiinog ito ay 1,609 kilometro bawat
oras. Nababawasan ang bilis na ito habang papalapit sa magkabilang polo. Inaabot
naman ng 365 1/2 araw, sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag-ikot ng
daigdig sa araw. Ang galaw na ito ay hindi natin nararamdaman dahil matatag at
napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga bagay. Tulad ng nabanggit, umaabot
ng 24 na oras ang isang pag-inog ng daigdig sa kanyang aksis. Kung magsisimula
ang pagtatala ng pag-inog na ito sa hatinggabi ay aabot ito hanggang sa susunod na
hatinggabi. Kaya gumagalaw ang daigdig ng 15 minuto bawat oras o isang galaw
bawat apat na minuto. Unti-unting pumapailanlang sa pakiramdam natin ang araw
sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran dahil umiinog ang daigdig patungo sa
silangan.

11
Sanggunian: https://swh-826d.kxcdn.com/wp-content/uploads/2010/08/01m.jpg

Ang Klima
Tanging ang daigdig ang planeta sa solar system na kayang sumuporta sa buhay.
Ang planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw (nasa
goldilock zone), init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman at hayop sa balat ng lupa.

Klima ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal


na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang
natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa
panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.

Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng


araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas
na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang
matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral
reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng
panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga
halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.

PAMPROSESONG TANONG:
1.) Ano ang klima?

2.) Bakit nagkakaiba-iba ang klimang nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig?

3.) Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa isang
lugar?

12
4.) Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

5.) Bakit malaki ang impluwensiya ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng


kabuhayan ng tao?

Mga Anyong Lupa at Tubig


Ang kalupaan ng daigdig ay binubuo lamang ng 29.2 bahagdan na kung titingnan
ay nahahati-hati sa apat na malalaking rehiyon: EurAsia-Africa (tripleng kontinente
ng Europe, Asia, at Africa); dobleng kontinente ng Timog at Silangang America;
Antarctica; at Australia kasama ang Oceania.

Ang mga masa ng lupa na ito ang bumubuo sa 93 porsyento ng 53.28 milyong milya
kwadrado ng kalupaan. Ang distribusyon ng mga ito ang naghihiwalay ng katubigan
sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan: Pacific Ocean; Atlantic Ocean at maliit
na Arctic Ocean; at Indian Ocean. Para sa mga oceanographer o mga dalubhasa na
nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang ang matatawag na
karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific Ocean ang
pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig.

Mga Masa ng Lupa


May iba't ibang pagkakabuo at kaanyuan ang ibabaw na bahagi ng lupa. Ang mga
prosesong exogenous at endogenous ang sanhi ng pagbabago ng kalupaan.

Ang endogenic forces ay nagmumula sa kaloob-looban ng mundo. Itinuturing itong


tagahubog dahil ang puwersang ito ay sanhi ng pagkakabuo ng mga anyong lupa at
tubig sa ibabaw ng mundo. Ang exogenic forces naman ay kadalasang nangyayari sa
ibabaw na bahagi ng mundo. Ito ay itinuring na mapanirang puwersa dahil ito ay
kadalasang sanhi ng pagkasira ng mga anyong lupa at tubig dahil sa weathering at
erosyon.

Ngayong batid mo na ang mga pwersa na humubog sa ating daigdig sunod mong
aalamin ang pisikal na anyo ng lupa at ang mga bahaging tubig.

Pisikal na Anyo ng Lupa


Sa ibabaw ng lupa ginagawa ng tao ang malaking bahagi ng kanyang mga gawain.
Kabilang sa mga uri ng kalupaan ay ang mga bundok, burol, kapatagan, lambak,
talampas, bulkan, baybayin, at disyerto.

Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.

13
Ang ilan sa mga anyong lupa ay ang sumusunod:

a. Bundok- Matataas na pook ang bundok na binubuo ng bato at lupa. Maaaring


napakataas nito tulad ng Bundok Everest sa Himalayas, ang pinakamataas na
bundok sa mundo. May taas itong 8,848 metro mula ibabaw ng sea level.

Sanggunian: https://philnews.ph/2018/11/14/anyong-lupa-uri-anyong-lupa/

b. Burol- Malaking umbok ng lupa ang burol o gulod. Higit itong maliit kaysa
bundok. Karaniwan, bahagi rin ng mga bundok ang burol at nasa mababang bahagi
nito.

Sanggunian: https://philnews.ph/2018/11/14/anyong-lupa-uri-anyong-lupa/

14
c. Kapatagan- Isang malawak at mababang masa ng lupa ang kapatagan. Angkop
na angkop ito sa pagsasaka at pangangalakal.

Sanggunian: https://philnews.ph/2018/11/14/anyong-lupa-uri-anyong-lupa/

Kalupaan
Upang pag-aralan at pangkat-pangkatin ang kalupaan, ang mga heograpo ay
gumagamit ng sistema ng klasipikasyon na tinatawag na slope. Ito ang degree ng
pagkakaiba ng ibabaw ng lupa mula sa kaligiran at nag-iiba-iba mula 0 hangang 90
degrees. Maaari itong sukatin sa angular na degree, porsyento, o sa isa hanggang
310 metro.

Apat na Tipo ng Kalupaan


Gumagamit din ang mga heograpo ng pamamaraang relief at elebasyon. Relief ang
sukat sa pagitan ng pinakamataas at pinakamababang lawak ng lugar, samantalang
ang elebasyon ang taas mula sa sea level.

Ang Mga Kontinente sa Daigdig


Sa pakahulugan ng mga siyentipiko, mayroon lamang apat na kontinente. Subalit
dahil sa nakasanayan na ng tao, may itinuturing ang daigdig na pitong kontinente.
Mapupuna na nag-iiba-iba ang sukat ng kalupaan dahil sa paiba-iba rin ang paraan
ng pagsukat ng kani-kaniyang nasasakupan. Ang pagkakaiba, halimbawa, ay kung
kasali ba ang mga panloob na katubigan at mga baybayin o hindi.

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.


May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng
katubigan.

Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory,
dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea.

15
Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang
kasalukuyang mga kontinente.

Sanggunian: https://www.tiverton.bham.sch.uk/wp-content/uploads/2015/09/continents.jpg

ANG PINAGMULAN NG MGA KONTINENTE


Batay sa teoryang continental drift, nang may 200 milyong taon na ang nakaraan,
ang mga kalupaan sa daigdig ay magkakadugtong at bumubuo ng isang
dambuhalang kontinente sa gitna ng dagat Panthalassa. Kung tawagin ang
kontinenteng ito ay Pangaea. Pagkaraan ng 100 milyong taon, dahil sa tinatawag na
continental drift nahati ang Pangaea sa dalawang malalaking sub-continent sa
hilagang hating-globo. Ang ikalawa ay tinawag na Gandwana Land, na napaanod
naman sa timog hating-globo at nahati sa mga kontinente ng South America at
Africa.

Sa paglipas ng mahabang panahon, ang patuloy na pag-kakaanod at


pagkakahiwalay ng mga kontinente, ang bumuo sa pitong (7) kontinente. Ito ay ang
mga sumusunod:

Asia- Pinakamalaking kontinente sa daigdig ang Asia. Halos sakop nito ang ikatlong
bahagi ng tuyong kalupaan ng mundo. Sa bandang hilaga nito ang Karagatan ng
Arctic at inihihiwalay ito ng Red Sea sa kontinente ng Africa. Ang pinakamalaking
Karagatan ng Pacific ay malalaking bahagi ng tubig na lumilibot sa kalakhan nito.

Europe- Higit na maliit at hindi regular ang korte ng Europe kaysa Asia.
Matatagpuan din ito sa Hilagang Hemispero. Ang Iberian Peninsula (binubuo ng
Spain at Portugal), Italy, at ang Balkan Peninsula ay ilan lamang sa mga tangway na
makikita dito.

16
Africa- Pangalawang pinakamalaking kontinente sa mundo ang Africa. Nakalatag ito
nang halos pantay ang distribusyon ng lupain sa magkabilang bahagi ng equator.
Sa kontinente makikita ang pinakamalawak na disyerto sa daigdig, ang Sahara
Desert.

North America- Malawak ang Hilagang America mula silangan patungong kanluran.
Mahaba rin ito mula hilaga hanggang timog dahil sa mga pulo ng Arctic. Binubuo
ito ng malalaking bloke ng lupain na may sukat na 6,437 kilometro mula silangan
patungong kanluran kung magmumula sa Cape Race, Newfoundland hanggang
Cape Prince of Wales sa Alaska.

South America- Tulad ng Africa, nakalatag din ang Timog America sa equator. May
sukat itong 7,725 kilometro. mula hilaga hanggang timog. Mula silangan naman
hanggang kanluran, ito ay may sukat na 5,150 kilometro.

Australia- Binubuo ito ng mga lupain ng Australia at kadalasang sinasama ang New
Zealand, at mga pulo sa mga karagatan sa silangan. Nahahati ito sa Micronesia,
Polynesia, at Melanesia. Ang Australia ay itinuturing ding isang bansang kontinente.

Antarctica- Ang hugis nito ay isang tila madahon subalit baluktot na puno at hindi
ito nakasentro sa Timog Polo. Mayroon din itong hugis baywang na may sukat na
1,609 kilometro. Dito matatagpuan ang Palmer Peninsula na nasa 63° Silangan na
nasa pagitan ng Dagat Ross at Weddell.

KAHALAGAHAN NG HEOGRAPIYA SA KASAYSAYAN


Sa ngayon, tutulungan ka ng araling ito upang tukuyin ang kahalagahan ng
heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan. Wika nga ng isang manunulat, "Mahalagang
malaman ang tungkol sa pisikal na aspeto ng daigdig dahil tahanan ito ng tao."
Sumasang-ayon ka ba sa pahayag?

Mahalaga ang kaalaman sa heograpiya ng daigdig sapagkat makatutulong ito upang


lubos nating maunawaan ang mga pangyayari sa kasaysayan. Tulad ng ibang
disiplina ng Agham Panlipunan (antropolohiya, sosyolohiya, agham pampolitika,
sikolohiya, ekonomiks, at linggwistika) ang heograpiya ay lubos na nakakaapekto sa
mga tao at pangyayaring nagaganap sa kasaysayan. llan lamang ang sumusunod na
mga paliwanag sa maraming kaugnayan at kahalagahan ng heograpiya sa
kasaysayan ng daigdig. Maaaring marami ka pang matutuklasan mula sa iba't ibang
babasahin.

17
PAMPROSESONG TANONG:
1.) Bakit mas maraming naninirahan sa kapatagan kaysa sa kabundukan?

2.) Paano naapektuhan ng mga pagbabago sa anyo ng mundo ang pamumuhay ng


tao?

3.) Ipaliwanag kung bakit ang kasalatan ng likas na kayamanan ay hindi hadlang sa
pagpapaunlad ng kabuhayan?

4.) Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan?

Pagyamanin

Gawain 1

Gamitin ang mapa na may mga guhit sa ibaba. Gamit ito, sagutan ang mga tanong
sa ibaba upang higit mong maunawaan ang paraan ng pagtutukoy ng isang lugar.

I
G E

C
J
F A

Sanggunian: https://i.pinimg.com/originals/67/05/58/670558feba252b33ca7dd56818553364.jpg

18
1.) Ang isang eroplano ay lumapag sa 40° Hilaga at 80° Silangan. Alin ang letrang
tinutukoy na nilapagan ng eroplano? _________________.
2.) Ano ang kontinente na nasa 10° timog at 70° kanluran?
_________________.
3.) Ang 0° latitude at 0° longitude na kung saan nagtatagpo ang equator at prime
meridian ay katatagpuan ng anong karagatan? _________________.
4.) Ang iyong kaibigan na naglalakbay sa isang cruise ship at nasa 20° Timog at 100°
Silangan. Saang karagatan ang kanyang kinaroroonan?
_________________.
5.) Ano ang letra kung ang lokasyon mo ay nasa 50° Hilaga at 120° Silangan?
_________________.

Panuto: Gamit ang mapa sa naunang gawain, kumpletuhin ang talahanayan sa


ibaba. Isulat ang latutide at longitude na kinaroroonan ng bawat tuldok. Tingnan
ang ilang ibinigay na halimbawa bilang iyong gabay.
Titik Latitude Longitude
A 20° S 100° K
B
C
D
E
F
G
H
I

19
Gawain 2

Dito idikit ang larawan ng


iyong napiling anyong lupa o
dagat

Gawain 3

20
Gamitin ang mapa upang tukuyin ang mga kontinente at karagatan sa bawat bilang.

MGA KONTINETE MGA KARAGATAN


MGA KONTINETE

Sanggunian: https://images.slideplayer.com/27/9250526/slides/slide_18.jpg

PAMPROSESONG TANONG:

1. Anu-ano ang mga kontinente at karagatan sa daigdig?

2. Anu-ano ang makikita natin sa mga

3. Bakit mahalagang malaman ang mga nakapalibot na anyong lupa at tubig sa


ating pamayanan?

Isaisip

21
Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba.

1.) Ang limang tema ng heograpiya ay nakatulong sa pag-unawa sa heograpiya ng


isang bansa sapagkat ____________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2.) Nakaaapekto ang mga plates sa pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng daigdig


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3.) Ang klima ay higit na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao sa isang lugar dahil
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4.) Malaki ang impluwensiya ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan


ng tao sapagkat __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

22
Isagawa

Pumili ng isang bansa at ibigay ang detalye ng limang tema ng heograpiya nito.
Isulat ang sagot sa loob ng dahon ng halaman.

Bansa: ____________________

Tanong:
1.) Mas mainam ba na gumamit ng limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng mga
bansa? Ipaliwanag.

23
Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa takdang oras.


a. Klima
b. Temperatura
c. Panahon
d. Season

2. Ang heograpiya ay sinasabing reyna ng mga agham. Alin sa mga pahayag ang
sumusuporta dito?
a. g heograpiya ay batayan ng pag-aaral ng kasaysayan.
b. Saklaw ng pag-aaraal ng heograpiya ang iba’t ibang agham.
c. Maituturing ang heograpiya bilang maliit na bahagi ng agham.
d. Ang pag-aaral ng heograpiya ay nakatuon sa iilang sangay ng agham.

3. Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o


pasilangan ay ___________________.
a. International Date Line
b. Tropic of Cancer
c. Zero degree longitude
d. Equator

4. Pinakamalaking dibisyon ng kalupaan ng mundo.


a. Isla
b. Bansa
c. Kontinente
d. Rehiyon

5. Alin ang isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng


daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
a. Lokasyon
b. Lugar
c. Paggalaw
d. Rehiyon

6. Tumutukoy ito sa matigas at mabatong bahagi ng planetang Daigdig.


a. Crust
b. Mantle
c. Core
d. Pangaea

7. Ang mga sumusunod ay saklaw ng pag-aaral ng heograpiya, maliban sa isa.

24
a. Anyong lupa at anyong tubig
b. Klima at panahon
c. Likas na yaman
d. Reaksyon ng mga kemikal

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang


isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristyano.
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel at silangan ng West Philippine Sea.

9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anyong lupa, maliban sa


a. Bundok Everest
b. Tangway ng Siam
c. Baybayin ng Bengal
d. Talampas ng Tibet

10. Ang malaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon, sa halip,
ay patuloy na gumagalaw.
a. Pangaea
b. Plate
c. Kontinente
d. Rehiyon

11. Linyang heograpikal na humahati sa daigdig sa hilaga at timog hemisphere.


a. Equator
b. Prime Meridian
c. International Date Line
d. Parallels

12. Ang pangkalahatang lawak ng katubigan ng mundo ay 361, 419, 000


kilometro kwadrado o katumbas ng 70.9 % ng saklaw ng surface ng daigdig.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Malalim ang katubigan ng mundo.
b. Mas malawak ang kalupaan sa mundo.
c. Mas malawak ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.
d. Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.

13. Kung ikaw ay nasa zero degree latitude ang linya ng globo na iyong
kinaroroonan ay tinatawag na.
a. Prime Meridian
b. International Date Line
c. Equator
d. Tropic of Capricorn

25
14. Tumutukoy ito sa distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian
patungo sa kanluran o silangan ng Prime Meridian.
a. Longitude
b. Latitude
c. Grid System
d. Tropics

15. Hango ang heograpiya sa salitang Greek na geo at graphein, Ano ang ibig
sabihin ng salitang geo?
a. Paglalarawan
b. Bahay
c. Daigdig
d. Pamamahala

Karagdagang Gawain

Ikaw ay isang turista, ibabahagi mo sa isang pangkat ng tao ang iyong karanasan.
Gagawin mo ito gamit ang isang travel journal na naglalaman ng mga kinahihiligan
mong bahagi ng iyong paglalakbay.

Ang sumusunod ay bahagi ng iyong travel journal

1. Pamagat: ___________________________________________________________
2. Mga pinuntahan o binisitang lugar na may kalakip na detalye.
3. Larawan ng mga tanawin/ bagay na makikita dito.

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Nilalaman ng Mahusay na naipakita ang impormasyon sa 10


travel journal napiling lugar.

Disenyo ng Malikhain ang gawang travel journal, angkop 10


travel journal ang disenyo at malinaw ang paglalarawan.

Kabuuan 20

26
27
Balikan
1. Daigdig
2. Pangaea
3. Plate
4. Oceanographer
5. Africa
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. B 1. E 1. C
2. D 2. South America 2. B
3. A 3. Atlantic Ocean 3. A
4. D 4. Indian Ocean 4. C
5. A 5. I 5. D
6. B A 20S 100E 6. A
7. A B 80N 0 7. D
8. B C 0 140W 8. A
9. C D 40S 40W 9. C
10.A E 40N 80E 10.B
11.C F 20S 20E 11.A
12.C G 40N 100W 12.C
13.B H 20N 40E 13.C
14.A I 50N 120E 14.A
15.C 15.C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Agno, L., Balonso, C., Taderna, R., & Gutierrez, D. (1998). Batayang Heograpiya
(1st ed.). Quezon City: JMC Press, Inc.

Cruz, Thelma, Rebecca Reyes, and Ma. Theresa Lazaro. 1992. Araling Panlipunan
IV (Ang Kasaysayan Ng Daigdig). 1st ed. Quezon City: Vicente Publishing House.

Blando, Rosemarie, Michael Mercado, Mark Alvin Cruz, and Angelo Espiritu. 2013.
Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Pasig.

Modyul

"EASE Modyul 1: Heograpiya Ng Daigdig". 2014. Deped LR Portal.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6035.

Larawan

Heatwole, Charles, and Ruth Shirey. 2020. The Basics Of The Global Grid.. Image.
Accessed June 10. https://www.dummies.com/wp-content/uploads/0-7645-1622-
1_0302.jpg.

Triverton Academy. 2015. The Continents. Image.


https://www.tiverton.bham.sch.uk/wp-content/uploads/2015/09/continents.jpg.
schoolworkhelper.net. 2020. Image. https://swh-826d.kxcdn.com/wp-
content/uploads/2010/08/01m.jpg.
legallandconverter.com. 2012. World Map With Latitude And Longitude Grid.
Image.https://i.pinimg.com/originals/67/05/58/670558feba252b33ca7dd568185
53364.jpg.
Blank Map of Continents and Oceans.
Image.https://images.slideplayer.com/27/9250526/slides/slide_18.jpg
Artikulo
Ghaz, Sandy. 2018. Image. https://philnews.ph/2018/11/14/anyong-lupa-uri-
anyong-lupa/.

28
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like