You are on page 1of 16

11 Filipino

Learning Activity Sheets


Pagpapaliwanag ng mga Kaisipang
Nakapaloob sa Tekstong
Nabasa(Tekstong Naratibo)
Ikatlong Markahan-Linggo 5

Department of Education • Schools Division Office of Apayao

0
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Apayao
Capagaypayan, Luna, Apayao

Published by:
Learning Resource Management and Development System

COPYRIGHT NOTICE
2021

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall
be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version,
an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for
commercial purposes and profit.

Consultants: BENEDICTA B. GAMATERO PhD


Schools Division Superintendent

GINADINE L. BALAGSO
OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Chief Education Supervisor, CID: JOY D. SALENG

Division LRMS Supervisor: JULIET A. RAGOJOS

Education Program Supervisor: RICHARD B. SIMISIM

LAS Evaluators: RICHARD B. SIMISIM


JULIET A. RAGOJOS

Public School District Supervisor: MARISON T. CASTILLO


School Head: RONIE P. QUEDDENG

Writer: YVETTE M. PALIGAT


School: Pudtol Vocational High School

FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY


Subject for Copyright Evaluation

For inquiries or feedback, please write or email:


Department of Education - Schools Division of Apayao, Capagaypayan, Luna, Apayao
Email Address: apayao@deped.gov.ph

1
PAGBASA at PAGSUSURI ng IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
sa PANANALIKSIK-11
Ikatlong Markahan

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________

Baitang at Seksiyon: ___________________________________ Iskor: ___________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Pagpapaliwanag ng mga Kaisipang Nakapaloob sa Tekstong
Nabasa(Tekstong Naratibo)
KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakaloob sa tekstong binasa.

F11PB-IIId-99

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga
pangyayari sa isang
tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan
na may maayos na
pagkasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan.
MGA LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO:
1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o nakapagbibigay-
aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.
MGA HALIMBAWA:
1. Maikling kuwento
2. Nobela
3. Kuwentong-bayan
4. Mitolohiya
5. Alamat
6. Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan,
anekdota,parabula, science fiction

2
PANGKALAHATANG KATANGIANG TAGLAY NG BAWAT URI
NG TEKSTONG NARATIBO
A.May Iba’t Ibang Pananaw O Punto De Vista (Point Of View) sa
Tekstong Naratibo
1.Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang
nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o
naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
2.Ikalawang Panauhan- dito mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga
panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong
ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.Sa puntong ito ay
panibagong aralin nanaman ang matututunan ng ating mag-aaral.
Tulungan siyang ihanda ang sarili para samakabuluhang paglalakbay na
ito!
3.Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang
taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay
siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at nasa labas siya sa mga
pangyayari. May
tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:
a. Maladiyos na panauhan- nababatid niya ang galaw at iniisipng lahat ng
mga
tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya
ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
b. Limitadong panauhan- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa
mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
c. Tagapag-obserbang panauhan- hindi niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita
o naririnig niyang pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kaniyang
isinalaysay.

3
4.Kombinasyong Pananaw o Paningin- dito ay hindi lang iisa ang
tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang
mga pangyayari ay sumasakop ng mas mahabang panahon at may
maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.
B.May Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad ng mga Tauhan
sa Kanilang Diyalogo, Saloobin, at Damdamin sa Tekstong
Naratibo
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - ang tauhan ay direkta o tuwirang
nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay
ginagamitan ng panipi.
Hal: “Donato, kakain na ,Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y
abalangabala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang
ina sa kanyang kinalalagyan, “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo,
Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha? ”
2. Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag – ang tagapagsalaysay ang
naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong
uri ng pagpapahayag.
Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Hal: Tinatawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’y
abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang
ina sa kanyang kinalalagyan.
Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung
ano ba talaga ang balak niya.
C.May Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo
1. Tauhan - ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo
ang pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito.
➢ Paraan Sa Pagpapakilala Ng Tauhan
o Expository - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o
maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at
o Dramatiko - kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kaniyang
pagkilos o pagpapahayag

4
➢ Karaniwang Tauhan
o Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga pangayayari sa
kuwento simula hanggang sa katapusan
o Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan
o Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat o kalaban
ng pangunahing tauhan
o Ang May-akda - sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.
➢ Dalawang Uri ng Tauhan ayon kay E. M., Froster
o Tauhang Bilog (Round Character)- Isang tauhang may multidimensiyonal
o maraming saklaw ang personalidad.
o Tauhang Lapad (Flat Character) - tauhang nagtataglay ng iisa o
dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon - tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan
naganap ng mga
pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at
maging sa
damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari
tulad ng
kasayahang dala ng pagdiriwang, takot, romantikong paligid, matinding
pagod,kalungkutan at iba pa.
3. Banghay - maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
➢ Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo
o Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakilala ang
mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or introduction)
o Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan
partikular na ang pangunahing tauhan (problem)
o Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng
aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising
action)

5
o Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang kasukdulan
(climax)
o Pababang pangyayari na humantong sa isang resolusyon o kakalasan
(falling action)
o Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
➢ Anachrony O Mga Pagsasalaysay Na Hindi Nakaayos Sa Tamang
Pagkakasunod-Sunod
o Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayaring
naganap sa nakalipas.
o Prolepsis (Flash-forward) - dito nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
o Ellipsis- may mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na
tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema - sentral na ideya kung saan umiikot ang mga
pangyayari sa tekstong naratibo
Gawain 1: Sagutin natin!

A.Sagutin ang mga katanungan ukol sa paksa:

1. Ano ang Tekstong naratibo ? Sa paanong paraan ito naiba sa isang


tekstong impormatibo?
2. Bakit maituturing na naratibo maging ang mga akdang di-piksyon
katulad ng talambuhay?
3. Bakit sinasabing bahagi ng pang-araw -araw na buhay ang naratibong
pagsasalaysay?
Sa anong pangyayari ito nagaganap?

B. Isulat sa loob ng kahon ang karaniwang bahagi ng banghay ng tekstong


naratibo. Ayusin ito ayon sa pagkasunud-sunod.

6
Gawain2: Basahin natin!
Suriin ang katangian at elemento ng akda.Sagutin ang mga katanungan sa
ibaba.
Sandaang Damit
Ni Fanny A. Garcia
May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin
ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa
isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap
ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa
kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang
kaiba ang kaniyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila
iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit
na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang
kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y
kupasin at punung-puno ng sulsi. Ilarawan ang pisikal at emosyunal na

7
kalagayan ng batang babae. Kapag oras na ng kainan at labasan na ng
kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago
niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy
subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang
dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya ang mga
pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas,
sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga
damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y
magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang
pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa
kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman
lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang
umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y
magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong hindi
makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong sasabihin
sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag
nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng
masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit. At lumipas
pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng
maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y
unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang
makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang
sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya
umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina. Sa
kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na
siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang
pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak
nila sa kaniyang isip. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa
buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang
babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang
laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang
pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman

8
ang kanilang tinutukso. “Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking
tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.” Nagkatinginan ang kaniyang
mga kaklase, hindi sila makapaniwala. “Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang
luma ang suot mo?” Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang
aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.” “Sinungaling ka! Ipakita mo
muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang
mahirap. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung
gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela,
kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.” At nagsimula na nga
siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’y may damit
siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog,
pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kaniyang
pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang
bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na
pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan
ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at
puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa
magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang
kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at
laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na may malapad na sinturon at
malalaking bulsa. Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase.
Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kaniyang
tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa
sandaang damit. Nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Naging masayahin
siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo’y
nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich,
isa o dalawang kendi. Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang
mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na
araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya
pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at guro. Isang araw ay
nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap.

9
Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat
na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang
lumang teheras at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala.
Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin
kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa
dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at
nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng
bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong
lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas
na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kaniyang
pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa
paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa
kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay. Sandaang damit na pawang
iginuhit lamang.Sandaang Damit | MP2012-2013 Wiki | Fandom

SURIIN ANG KATANGIAN AT KALIKASAN NG BINASANG TEKSTONG


NARATIBO AT SAGUTIN ANG MGA TANONG:

1.Bakit pinamagatang “Sandaang Damit” ang akda?Batay sa mga nabasa


mong pangyayari,akma ba ang pamagat na ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________
2.Sino ang tagapagsalaysay ng binasang akda? Sa anong pananaw o
paningin ito isinalaysay? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3.Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Siya ba’y tauhang bilog o lapad?

Patunayan ang sagot.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. May diskriminayon bang pangyayari sa nabasang kwento?
Patunayan._______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________
5. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunahingtauhan,ano ang gagawin
mo upang maiwasan ang panunukso saiyo?_______________________________.

10
Gawain 3:
Ang isa sa mga katangian ng tekstong naratibo ay ang pagkakaroon ng
maayos na banghay na magpapakita sa pagkasunod s-sunod ng mga
pangyayari .Buoin ang graphic organizer sa ibaba ng mga pangyayaring
bubuo sa banghay ng akdang “Sandaang Damit”.

SIMULA

SULIRANIN/
WAKAS SAGLIT NA
KASIGLAHAN

KAKALASAN KASUKDULAN

Pagtataya :

Sumulat ng salaysay tungkol sa iyong karanasan sa paglaganap ng


pandemyang COVID-19. Isaalang-alang sa pagsulat ng naratibo ang
sumusunod:

 Punto de vista ng teksto


 Elemento ng teksto naratibo
 Malinaw ang personal na reaksiyon sa pangyayaring ito
 Pumili ng kawili-wiling pamagat

11
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG TEKSTONG NARATIBO
Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Malinaw ang paglalahad ng mga 5
elemento ng tekstong naratibo
Malinaw na nailahad ang layunin sa 5
pagsulat ng teksto
Nakapupukaw ng damdamin o anumang 5
reaksiyon mula sa mambabasa
May kawili-wiling pamagat 5
Sumusunod sa wastong balarila, baybay 5
at panuntunan sa pagsulat
KABUUAN 25 puntos

PANGWAKAS/REPLEKSIYON

Batay sa binasang halimbawa at mga sinagot mong tanong ukol sa mga

gawain,paano napatutunayan ang kapangyarihan ng tekstong naratibo sa

pagpaparating ng mahahalagang mensahe?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto:

12
Gawain 1:

simula

wakas

suliranin

kakalasan

Saglit na kasiglahan

kasukdulan

Gawain 2:
1. Ito ay pinamagatang Sandaang damit dahil ito ay dahilan kung bakit naging kaibigan
ng batang babae ang mga kbatang tumutukso sa kaniya,sila’y nanging interesado sa
kwento ng bata ng mayroon siyang isandaang damit na nakatago sa kanilang bahay.
2. Ang nagsasalita sa kwento ay ang manunulat.Ito ay nasa ikatling panauhan sapagkat
ang panghalip na ginamit sa pagsasalaysay ay siya.
3. Ang mahirap na bata ay maituturing na tauhang bilog sapagkat nagkaroon siya ng
lakas ng loob para sagutin ang panunukso ng ibang bata sa kaniya isang araw.Biglang
nagkaroon siya ng malaks na tinig at may pagmamalaking pagkukuwento nito sa
kaniyang isandaang damit,na kung saan dati rati’y tahimik lamang ito at umiiyak sa
isang sulok tuwing siya ay tutuksuin.
4. Oo ,mayroon dahil sa kaniyang damit naluma at hindi masarap na baon na
pagkain,tampulan siya ng panunukso ng kaniyang mga kaklase.

Gawain 3

13
1.May isang batang mahirap. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang-imik.
Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.

2.Palaging siya ang tampulan ng panunukso dahil sa kanyang lumang kasuotan at baon na hindi
masarap na pagkain

3. Isang araw ang batang mahirap ay nagkaroon ng lakas ng loob o tinig at ikinuwento niya na
siya ay may isandaang damit na itinatago sa loob ng kanilang bahay ,ito ang dahilan kung bakit
luma ang kaniyang suot araw-araw sapagkat ayaw nitong agad na kumupas ang mga ito.
Namangha ang kaniyang kakalse sa bawat detalye ng paglalarawan sa kaniyang isandaang damit.

4. Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at
sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyang kuwento tungkol sa
sandaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy
pa rin ang kanyang pamamayat kahit na nabibigyan siya ng kapiraso ng kanilang baong
mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi mula sa kanilang baon.

5. Napagpasiyahan ng kanilang guro at mga kaklase na bisitahin ang batang mahirap dahil sa
matagal nitong hindi na pagpasok sa paaralan. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan
ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang
lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay
di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na
nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Tunay ngang may isandaang
damit ang batang mahirap na pakaingat ingatan na pawing guhit lamang.

Talasanggunian
Aklat
Alma M. Dayag , Mary Grace G. Del Rosario , Pinagyamang Pluma
,Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik, Quezon City, Phoenix Publishing
House,Inc.2016, pages 49-68

Mga website
Sandaang Damit | MP2012-2013 Wiki | Fandom

Inihanda ni :YVETTE M. PALIGAT


Guro sa Filipino

14
DITUY KAYO AGANSWER
SAGUTANG PAPEL sa FILIPINO-11
Pangalan :_______________ Seksiyon:__________
Barangay :_______________ Cp number:________
Guro sa Filipino-11:YVETTE M. PALIGAT

Pagtataya :

Sumulat ng salaysay tungkol sa iyong karanasan sa paglaganap ng


pandemyang COVID-19. Isaalang-alang sa pagsulat ng naratibo ang
sumusunod:

 Punto de vista ng teksto


 Elemento ng teksto naratibo
 Malinaw ang personal na reaksiyon sa pangyayaring ito
 Pumili ng kawili-wiling pamagat.
 Hindi bababa sa sampung pangungusap ang bubuuing salaysay.

15

You might also like