You are on page 1of 1

Flores, Arizza Jhoana A.

BSN 2G

REPLEKSYON PATUNGKOL SA YUNIT 6:

ANG PANAHON NG HIMAGSIKAN

Ang tinalakay ngayong araw ay patungkol sa Yunit 6; Ang Panahon ng Himagsikan. Ayon sa ulat ni G.
John Fernandez, hindi pa rin ipinagkaloob sa mga pilipino ang mga pagbabagong hiningi ng mga
propagandista, Naisip nila na wala nang pagasa makamit ang pagbabago sa payapang paraan kung kayat
nagtatag sila ng isang rebolusyon. Itinatag nila ang KKK o Kataas taasang Kagalang galangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan o mas kilala sa tawag na Katipunan. Natutunan ko na may ibat iba itong layunin.
Una ay politikal o kasarinlan para sa bayan, pangalawa ay ang Moral o pagtuturo ng kagandahang asal at
ikatlo naman ay Sibiko o pagtatangol sa mahihina. Nasabi rin dito na ang Kalayaan ay ang opisyal na
pahayagan ng Katipunan. Ayon naman sa ulat ni Bb. Ana Mae Hunat, ang mga taluktok o pinakalider ng
tahasang paghihimagsik ay sina Andres Bonifacio, Emili Jacinto, at Apolinario Mabini. Nabanggit rito na si
Andres Bonifacio ang kinilala bilang "Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino". Ilan sa mga akda niya
ay ang Katapusang Hibik ng Pilipinas, Pagibig sa tinbuang lupa at Huling Paalam. Nabanggit rin dito ang
mga Dekalogo ng Katipunan na isinulat niya mismo upang maging kautusan sa mga kasapi ng lipunan.
Naiulat rin rito si Emillio Jacinto na tinaguriang "Utak ng Katipunan". Itinuring siyang military genius at
naging patnugot ng "Kalayaan" ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Ang mga piling akda niya ay
Liwanag at dilim, Pahayag, at La Patria. Tinalakay naman sa ulat nina Bb. Christine Cariaga at Janella
Rublico ang Kartilya ng katipunan na naglalaman ng mga kautusan ng mga kaanib ng Katipunan na tunay
ngang dapat alalahanin at isa puso. Naglalaman ang Kartilyang Katipunan ng Labing apat nakautusang
dapat ugaliin ng bawat kaanib. Sinabi rin rito na si Apolinario Mabini ay tinaguriang Dakilang Paralitiko at
Utak ng Robolusyon. Ang mga piling akda ni Mabini ay ang programa Consticucional de Republica
Filipina at El Simil de Alejandro. Ayon naman sa huling taga ulat na si G. Angelo Flores, si Jose Palma ay
isang makatang at sundalo na naging tanyag dahil sa pagsulat niya ng "Filipinas", na siyang na siyang
naging titik sa Espanyol ng pambansang awit. Ang mga piling akda ni Jose V. Palma ay ang Melancholias,
De mi Jardin, at Himno Nacional Filipina o ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Panghuli, iniulat rin dito
ang mga kababaihang miyembro ng katipunan kabilang na sina Gregoria d3 Jesus, Josefa Rizal, Melchora
Aquino, at marami pang iba.

You might also like