You are on page 1of 1

Lhester O.

Imperial

KAHIRAPAN

REAKSYONG PAPEL

Kung meron mga pinakamahirap lunasan sa mundong ito, ito ay ang


kahirapan. Karamihan sa mga tao dito sa mundong ito nararansan ito lalong lalo na
dito sa ating bansa. Layunin ng manunulat ng akda ay ang imulat tayong mga
Pilipino kung gaano kahirap ang mabuhay sa mundong ito, tinuturuan tayong
bumangon at magsikap upang makaahon sa hirap. Ipinapahayag ng manunulat na
ang dahilan ng kahirapan ay dulot ng pabayaan at kasamaan ng ating gobyerno at
pati na rin ang ating sarili.

Marami akong natutunan mula sa aking nabasan akda. Isa sa mga natutunan
ko ay ang mga dahilan kung bakit mahirap ang ating bansa. Aking din napagtanto
kung gaano kahalaga ang pagsisikap at di pagsuko sa panahon ng kahirapan.
Napakaraming pwedeng gawin upang iwasan ang kahirapan. Nariyan ang pagtulong
sa simpleng paraan para sa ating kapwa lalo kung tayo ay may kaya. Pakikipagkaisa
sa proyekto ng namamahala lalo kung ito ay sa ika aayos ng ating bansa. Ang
pagiingat sa mga likas na yaman ay isa rin sa mga paraan para makaiwas o
malampasan natin ang kahirapan sa ating buhay. Ang likas na yaman ang
magbibigay sa atin ng oxygen at pagkain na makukuha natin ng libre. Ika nga nila
walang taong naghihirap, kung lahat ng tao nagsusumikap.

You might also like