You are on page 1of 2

Bacayana, Niecel Lou R.

Fil 77 – YA
Sintesis
Ang natutunan ko sa:
Unang pangkat ay nag talakay tungkol sa Iskrip at Storyboard. Nakasaad doon na ang iskrip
ay isang dokumento na nagbibigay ng isang balangkas at paglalarawan ng pelikulang
gagawin, ito ay ang nakasulat na teksto ng isang dula. Tinalakay din nila ang tungkol sa
proseso ng pagsulat ng iskrip. Ang iskrip ay importante para sa maayos na daloy ng pelikula.
Napag-usapan din nila ang tungkol sa storyboard. Ito ay nagsisilbing biswal na balangkas
para sa isang pelikula. Ang story board ay nagsisilbing gabay sa pelukila, ito ay isang hanay
ng mga sunud-sunod na guhit upang magkwento. Ang proseso ng kung paano ito ginawa ay
tinalakay pati na rin ang paglalapat ng parehong mga paksa sa isang pelikula.
Ikalawang pangkat ay nagtalakay tungkol sa Kostyum at Pag me-make up. Ang isang
kostyum ay isinusuot ng isang artista, ginagawa ito upang maniwala ang madla na ang bawat
tao sa isang pelikula ay totoo. Tinutulungan nito na magbigay ng dramatikong aksyon at
interpretasyon. Tinalakay din nila ang proseso ng paglikha ng mga kostyum na partikular
para sa isang tauhan. Sa pagme-make up lumalabas ang inaasahang hitsura ng isang aktor
batay sa kanayang karakter. Tinalakay nila ang dalawang kategorya ng pagme-make up, ang
tuwiran at ang karakter na nagbibigay buhay sa tauhan ng pelikula.
Pangatlong pangkat ay nagtalakay tungkol sa Shooting sa mismong lokayson at Shooting
ng mga special effect. Ang shooting sa mismong lokayson ay nagbibigay buhay sa mga setting
na pareho sa setting sa totoong mundo, maaari itong panloob o panlabas. Tinalakay nila ang
mga gampanin at benepisyo sa paksang ito. Ang shooting ng mga special effect naman ay ang
mga illusyon na ginawa para sa mga pelikula at telebisyon sa pamamagitan ng props, camera
works, at computer graphics. Tinalakay rin nila ang iba’t-ibang mga uri ng special effects at
ang aplikasyon nito.
Pangapat na pangkat ay nagtalakay tungkol sa Pagrerekord ng musika at Pagsasama-sama
ng mga Tunog. Tinalakay ng pangkat ang tungkol sa iba’t-ibang uri ng tunog na ginawa sa
loob ng pelikula, kung paano niatala ang mga tunog na ito, at kung paano silang lahat
nagtutulungan upang magbigay buhay sa pelikula. Ipinaliwanag din nila ang tungkol sa
nakikita at di nakikitang tunog.
Panglimang pangkat ay nagtalakay tungkol sa Animation na ginagawa sa pamamagitan ng
kompyuter at Pag i-edit. Ang animasyon ay isang dynamic na daluyan kung saan ang mga
imahe o mga bagay ay minanipula upang lumitaw nilang gumagalaw na larawan. Tinalakay
nila ang mga uri ng animasyo, pagkakaiba ng 2D at 3D, at proseso sa paggawa nito. Ang pag
i-edit naman ay ang pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga clip na kinuha sa pag
shoot.
Pang anim na pangkat at nagtalakay tungkol sa Pag-arte, Layunin ng isang aktor, at mga
Teknik sa pag arte. Tinalakay nila ang kahalagahan ng pag-arte, mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pag-arte. Ang pangunahing tungkulin ng isang aktor ay ang mabisang
pagsasalita ng tauhang ginagampanan nila. Sila ay isa sa mga pangunahing elemento na
nagpapaganda ng pelikula, ang mga ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit matagumpay
ang isang pelikula.

You might also like