You are on page 1of 5

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

1. Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil


sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
2. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa.
3. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga
lokal na channel.
4. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay
mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs,
reality show at iba pang programang pantelebisyon.
5. ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling
programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan
kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang
Filipino.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO


 Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
 Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may
kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.
  Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman
sa tabloid.
  Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang
wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid:
 Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit
agad ang mambabasa.
 Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad
 Hindi pormal ang mga salita.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA


1. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
2. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
3. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa
kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.
4. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan ng
bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
5. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng
propesyonalismo.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR


FLIPTOP

 Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.


 Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa
fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay.
 Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan
ang mga inagamit na salita ay balbal at impormal at mga salitang nanlalait.
 Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang ingles
ay tinatawag na “Filipino Conference Battle
PICK-UP LINES

 Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinsagot ng isang bagay na madalas
naiuugnay sa pagibig at iba pang aspekto sa buhay.
 Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ring nasa wikang
Ingles o kaya naman ay Taglish.
HUGOT LINES

 Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines o love quotes.


 Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na na nagmarka sa
puso’t isipan ng mga mnunuod.
 Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

1. Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng


komunikasyon sa bansa.
2. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadalaat natatangap ng ating bansa kaya ito
ay kinilala bilang “Text Capital of the World”.
3. Madalas ang paggamit ng code switching at madala pinaiikli ang baybay ng mga salita.
4. Walang sinusunod na tuntunin o rule.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET


1. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.
2. Karaniwang may code switching.
3. Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.
4. Ingles ang pangunahing wika dito.
5. Naglalaman ng mga sumusunod
   Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan
 Mga akdang pampanitikan
 Awitin
 Resipe
 Rebyu ng pelikulang Pilipino
 Impormasyong pangwika
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN


1. Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon maging sa mga
dokumentong ginagamit
2. Gumamit rin ng Filipino kapag nagiindorso ng produkto sa mga mamayang Pilipino,
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN


1. Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA
bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito.
2. Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad
nahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino,
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON


1. DepEd Order No. 74 of 2009
  K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo.
 Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at Ingles)

Advertisements
REPORT THIS AD

You might also like