You are on page 1of 7

IMMACULATE HEART OF MARY SCHOOL (BULACAN), INC.

Lourdes Grotto Compd. City of San Jose del Monte, Bulacan


S.Y. : 2021-2022

Modyul sa EsP 2
Yunit 1: Tungkulin sa Sarili at sa Pamilya
_______________________________________________________

Unang Markahan

Pangalan: ______________________________________________
Baitang at Seksyon: ______________________________________
Petsa: _________________________________________________

Subject Teacher: Ms. Victoria Angela B. Castro


Paano mo masasabi kung ang katawan ng isang tao ay malusog at
malakas?

Gumuhit sa kahon ng larawan ng isang malakas at malusog na bata.


Kulayan ang iyong iginuhit pagkatapos.

Mahalagang panatilihing malinis , malusog, at malakas ang iyong


katawan. Marami tayong magagawa kung ito ay aalagaan nating
mabuti. Maiiwasan nating magkasakit kung tayo ay malusog.

Sa panahon ng pandemya ngayon, dapat nating ugaliing maghugas ng


kamay, gumamit ng alcohol, mag facemask kung ikaw ay lalabas. Ugaliin
ding uminom ng mga bitamina at kumain ng masusustansiyang pagkain.
Ang Malusog na Bata

Buod ng kwento:

Si Lorenzo ay nag-aaral sa Ikalawang Baitang. Pagkagising sa


umaga, siya ay naliligo. Nagsusuot siya ng malinis na panloob at
uniporme. Kumakain siya ng masusustansiyang agahan. Bago siya
pumasok sa paaralan ay nagsesepilyo rin siya ng kaniyang ngipin.

Isang magaling na mag-aaral. Masigla siyang nakikilahok sa mga


gawaing pampaaralan. Mas nakikipaglaro siya sa kaniyang mga kaklase
kaysa sa kompyuter. Masusustansiyang pagkain din ang kinakain niya sa
recess at tanghalian. Kumakain siya ng tinapay, isda, karne, prutas, gulay,
at crereal. Umiinom siya ng juice mula sa sariwang prutas sa halip na soft
drink. Hindi rin siya kumakain ng junk food.

Dahil dito, si Lorezo ay isang malakas, malusog, at masiyahing bata.


Madalang siyang lumiban sa klase dahil siya ay nakinig sa payo ng
kaniyang mga magulang at guro na alagaan ang katawan.

Nagustuhan mo ba ang iyong nabasa?


Suriin ang mga pagkain sa ibaba. Bilugan ang iyong mga paborito
pagkain.
Mukhang masarap ang iyong napili! Sa tingin mo ba maganda ito sa
ating katawan? Pag-aralan ang larawan sa ibaba.

Tandaan!
Ang pagkain ng masustansiyang pagkain, pagtulog ng sapat,
at pag-eehersisyo ay ang mga bagay dapat gawin upang
mapanatiling malakas ang ating katawan.

Sa ganitong paraan, maiiwasan nating magkasakit. Ngayon na


may kinakaharap tayong pandemya, ang pangangalaga sa sarili,
tamang pag-iingat at pagsunod sa mga alituntunin ang siyang susi
upang di na kumalat ang virus sa lugar. Ibayong pag-iingat at
pangangalaga sa sarili ang siyang patunay na mahal mo ang iyong sarili
at pinahahalagahan at nirerespeto mo ang iyong katawan na
pinagkaloob ng Diyos sa atin.

Gawin Natin!

Sagutan ang mga katanungan sa pahina 5 ng iyong Lilok na


aklat at ilagay ang iyong sagot dito sa ibaba.

1. __________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

4. __________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

5. __________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

6. __________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Gawain 1
Bukod sa pagkain ng masusutansiyang pagkain, ano-ano pa
ang maaaring gawin upang mapanatilig malakas at malusog
ang iyong pangangatawan? Isulat ang iyong sagot sa loob ng
mansanas.
Gawain 2
Sagutan ang pahina 7 at ilagay ang iyong sagot dito:

1. _______
2. _______
3. _______
4. _______
5. _______

Gawain 3

You might also like