You are on page 1of 3

Pagsusulit 1: Talambuhay ni Jose Rizal

5 • Namatay sa Bagumbayan - 1896

3 • Nag-aral sa UST - 1877

4 • Nag-aral sa Unibersidad de Madrid - 1882

1 • Nag-aral sa Biñan, Laguna - 1869

2 • Nag-aral sa Ateneo de Municipal - 1872

1. Kailan naging Rizal si Jose?

Ipinanganak siya bilang Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Naging "Jose Rizal" na lang siya pagpasok sa Ateneo, kasi
ang kapatid niyang si Paciano Mercado ay malapit sa binitay na paring si Jose Burgos (ang BUR sa binitay na tatlong pari na
GOMBURZA). Natakot kasi si Paciano na baka di matanggap si Jose sa Ateneo kung malaman ang tunay niyang pangalan.
Matapos ang pagkamatay ni Jose noong 1896 nagpalit ng pangalan ang buong angkan.

2. Ano ang ipinangamba ng ina ni Jose na si Donya Teodora habang nanonood sila ng mga gamu-gamo na umiikot sa lampara?
Ang mga gamu-gamo ay umiikot at lumalapit sa apoy ng lampara, hanggang sa masunog ang kanilang mga pakpak.
Nangangamba ang ina ni Jose na baka matulad dito si Jose, mahaharap sa panganib o kamatayan sa paghahanap ng katotohanan
at sa pagsikap na maiangat ang kalagayan ng kanyang mga kapwa Pilipino.

Pagsusulit 2: Noli Me Tangere

1 • Sinimulang sulatin ang unang kalahati ng NMT. - 1884, sa Madrid, habang nag-aaral ng Medisina.

2 • Ginawa ang 1/4 na bahagi sa Alemanya - 1886

4 • Natapos ang libro habang nagtatrabaho siya sa isang doktor na Aleman. - 1887 (Pebrero).

5 • Nailimbag ang Noli me Tangere - 1887 (Marso 29)

3 • Nagkaroon ng rebisyon - 1886 (Pebrero)

1. Kanino inialay ni Jose ang kanyang unang nobela ?

Sa Inang Bayan

2. Ano ang kahulugan ng Noli Me Tangere sa Filipino?

Huwag Akong Salingin Nino Man (Nobody Dare Touch Me)

-galing sa mga katagang sinambit kay Maria Magdalena ni Hesus matapas ang kanyang muling pagkabuhay.

3. Ano ang wikang tinawag noon na wikang edukado?

Latin. Ang "Noli me Tangere" ay mga katagang Latin.


Kabanata 3: Noli Me Tangere

1. Bakit nagdadabog si Padre Damaso?

Sa naunang kabanata (2), hindi humalik sa kamay ng mga pari si Ibarra, at nagtangkang makipagkamay lamang. Ipinagluluksa din
ni Crisostomo ang amang si Don Rafael, na namatay sa kulungan ng paratangan ni Damaso ng pagiging erehe at pilibustero.
Sa hapag kainan, di magkasundo ang mga pari sa kung sino ang uupo sa tapat ng kabisera, at ang napuntang tinola kay Padre
Damaso ay leeg at pakpak lamang.

2. Bakit umalis si Ibarra sa hapunan?


Dahil ininsulto siya ni Damaso na ang kanyang pag-aral sa Europa ay pagaksaya ng salapi, at ang kanyang nalalaman ay kayang
malaman kahit ng isang paslit.

3. Bakit pinigilan ni Kapitan tiyago na umalis si Ibarra?

Dahil parating si Maria Clara at ang bagong kura.

4. Bakit sinundan ng Tenyente si Ibarra ng umalis ito?

Upang mapagkwentuhan ang ama ni Crisostomo, sapagkat batid ng Tenyente ay walang kaalam-alam si Crisostomo sa sinapit ng
ama.

II. Bigyan ng pahiwatig.

1. Crisostomo Ibarra - ang tila inosenteng tagapagpalaganap ng mga damdamin ni rizal ukol sa kolonyalismo. Sa una'y naniniwala
si Ibarra na bagama't ang mga prayle at ang pamahalaang Kastila ay may kabulukan, sila'y nagbibigay ng kinakailangang suporta
at istraktura ng bansa. Ito'y taliwas sa karakter ni Elias, na gustong buwagin ang pamamahala ng mga Kastila. Naniniwala si Ibarra
na ang mga reporma ay kinakailangan, ngunit sa bandang huli ay pinagbintangan siyang Erehe, at dahil dito'y nakakapareho na
niya ng pananaw si Elias.

2. Tenyente Gueverra - mga taong naglalayong ipaalam ang katotohanan at bagamat nasa poder ng pamahalaan ay gusto ang
wastong pamamahala.

3. Damaso - simbolo ng mapagmataas na mga prayle na ganid sa kapangyarihan. Tinuring na kaibigan ng ama ni Ibarra, ngunit
ipinakulong si Don Rafael Ibarra sa di pangungumpisal at pagnais na magkaroon ng mga reporma.

Mahabang Pagsusulit

4. Ano ang kahulugan ng Rizal? Luntiang Bukirin (mula sa Recial, "green field").

5. Anong apelyido ng angkan ni Jose ang pinalitan ng Mercado?


Tungkol sa "Apelyidong Rizal": Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria ang lahat ng pamilyang Pilipino na
magrehistro ng bagong apelyido para sa pamilya nila. Pipili sila mula sa isang listahan na ibinigay ng awtoridad na Espanyol. - ang
Catálogo alfabético de apellidos. Pinili ni Francisco Mercado ang pangalang "Rizal" para sa pamilya niya, at siya'y naging
Francisco Rizal (hindi kasama ang pangalang Rizal sa listahan na ibinigay). Subalit, dahil kilalang negosyante/mangangalakal si
Francisco, nalito ang mga kasama niyang negosyante dahil kilala nila si Francisco bilang "Francisco Mercado", at hindi "Francisco
Rizal". Kaya naman tinawag ni Francisco ang sarili bilang "Francisco Rizal Mercado". Pinili naman ng mga anak ni Lorenzo Alberto
Alonso ang pangalang "Realonda". Kaya naman si Teodora Alonso (nanay ni Rizal) ay naging Teodora Alonso Realonda. Dito
nanggaling ang apelyidong Rizal at ang pangalang Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Sa madaling salita, Rizal talaga
ang apelyidong ng buong pamilya, hindi kay Jose o kay Francisco lamang. Ngunit bago naging Mercado ang pamilya Rizal, ang
tinuturing na ninuno nila na nanggaling ng Fujian, China, ay si Lam-Co.

6. Ano ang tawag sa sakit ng lipunan? Korapsyon at katiwalian.

7. Anong buwan ng barilin si Rzal sa Luneta? Disyempre (30, 1896).

8. Saang bansa isinulat ang pinakahuling ikaapat na bahagi ng una niyang Nobela? Alemanya/Germany.

9. Sinong kaibigan ang tumulong kay Rizal upang mapalimbag ang una niyang Nobela?

Si Maximo Viola ay nagbigay ng P300 kay Rizal upang mailimbag ang 2,000 kopya ng libro. Kalaunan ay nagpadala ng P1,000 ang
kuya ni Jose na si Paciano, at binayaran agad ni Rizal ang P300 na pinahiram ni Viola.

10. Ano ang tanyag na kahulugan ng Noli me Tangere sa Ingles? Touch Me Not.

III.

3. Ang padreng maingay sa handaan - Padre Damaso

11. Ang suot ni Ibarra nang dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago - kulay luksa. Ipinagluluksa niya ang pagkamatay ng ama.

12. Ang pumuri sa ama ni Crisostomo - T

You might also like