You are on page 1of 1

MARK BRYAN B.

TOLENTINO
BIT ET- 1HG1

KAHINAAN NG ADMINISTRASYONG KOLONYAL

Ang ating bansa ay nasakop ng Espanya ng higit tatlong daang taon kung kaya’t angating pag-
unlad sa lahat ng aspeto ay nakasalalay sa pamahalaang Espanyol.
Kung ating iisipin, sa napahabang panahon ng paghahari ng Espanya sa ating bayan, bakit sa panahon lamang niRiz
al nagkaroon ng matunog na rebolusyon? Sa aking palagay ay payapa at maayos angpamamalakad ng pamahalaan n
oong mga nakaraang panahon. Ngunit ang liwanag ay hindipermanente,
may panahong dadating ang dilim at ito maari ang sumpang naabutan ng atingbayaning si Rizal.

Noong magkaroon ng malaking isyung politikal sa Espanya ay nagkaroon ito ng makaling epekto sa pamamahala sa
mga nasakop nitong mga bansa at isa na dito ang bansangPilipinas. Dahil dito ay nagkaroon ng maya’t mayang palit
ang ng polisiya at
ng mgatagapamahala. Ang rigodon ng mga Gobernador Heneral ang isa sa naging dahilan ng paghina ng administra
syong kolonyal.
Ito rin ang isa sa gumising sa isip at puso ng mga Pilipino upanglabanan ang pamahalaan. Halimbawa na lamang ay
mula noong taong 1834 hanggang 1897, angPilipinas ay pinamunuan ng limampung gobernador heneral. Mayroong
pagkakataon na sa loobng
halos isang taon pa lamang ay nagkaroon na ng apat na gobernador heneral. Wari’ykasisismula pa lamang ng termin
o ng isang gobernador heneral at siya ay agad nang napapalitansapagkat ang mga ito ay korap, mahihina,
at walang kakayahang mamuno. Dahil dito sumiklabang pagnanais ng ating mga kababayan na makalaya sa adminis
trasyong ito.
Ang kahinaan ng administrayong kolonyal ay naging lakas ng mga Pilipino upanglabanan ang pananakop na ito.
Sa pagsasama sama ng ating mga bayani kasama ni Jose Rizal, nasimulan at naisakatuparan ang rebolusyon. Hindi
man nasilayan ni Rizal ang paglaya ng atingbansa sa Espanya, naging daan naman siya upang tayo ay magkaron ng
kasarinlan.

You might also like