You are on page 1of 1

Perez, Majerlie Sigfried M.

Si Dr. Jose Rizal ang ating pambansang bayani na nakipaglaban sa


mga dayuhang Espanyol ng walang dahas. Nagawa niya ito sa
pamamagitan ng pagsusulat ng kanyang dalawang nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo na nagpasiklab ng mga damdamin ng mga
Filipino. Ayaw ni Rizal magkaroon ng madugong rebolusyon dahil alam
niyang matatalo ang mga Filipino dahil gamit lamang nila ay bolo at itak
laban sa mga kanyon at baril. Nais ni Rizal na maging probinsya ng
Espanya ang Pilipinas upang kahit papaano ay magkaroon tayo ng
Kalayaan mamuno at mamuhay ng mapayapa.
Sa dinami dami ng mga nagawa at gustong pang magawa ni Rizal para
sa bansa, ‘di maalis sa ating isipan kung paano kung nangyari itong bagay
na ‘to at hindi ang mga nakatala sa ating mga libro. Maraming bunga ang
puwede nating isipin kagaya ng mga ito:

• Kolonya ng bansang Espanya ang Pilipinas.


• Nasa pananakop pa rin tayo ng mga Espanyol.
• Magkasundo ang dalawang panig: Filipino at Espanyol.
• Walang gyera ang naganap kung hindi maayos na usapan lamang,
at matagal nabuhay si Rizal upang tagapagsalita ng mga Filipino.
‘Di ko lubos maiisip kung lahat ng ito ay puwedeng mangyari sa
panahon ng mga Espanyol. Maraming puwedeng maidulot ito positibo
man o negatibo. Ngunit kailangan parin naten pahalagahan ang
nakaraan upang ‘di natin makalimutan ang pagsasakripisyo ng ating
mga bayani upang mapalaya lang ang ating bansa sa mapang-api.

You might also like