You are on page 1of 2

ACTIVITIES IN FILIPINO 10

A. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan


Ang dalawa sa tatlong salita ay halos kapareho o kaugnay ng salitang may salungguhit sa
parirala. Bilugan ang titik ng salitang may naiibang kahulugan.

1. nag-uugat sa malayong nakaraan.


a. nagmumula b. nanggagaling c. naiiwan
2. nakikipagtagisan sa mga tao
a. nakikipaglaro b. nakikipaglaban c. nakikipagpaligsahan
3. lumalapat sa sahig
a. sumasayad b. dumadapo c. umaangat
4. kaugaliang natatangi
a. naiiba b. walang kaparis c. pangkaraniwan
5. maraming putahe
a. prutas b. ulam c. paagkain

B. Nakikilala ang kasalungat na kahulugan ng salita


Basahin ang bawat pangungusap. Kilalanin mula sa iba pang salita sa pangungusap ang
kasalungat na kahulugan ng salitang nakasalungguhit.Isulat ang salita sa katpat na bilang.

1. Laganap pa rin sa bansang Espanya ang Katolisismo at hanggang ngayon ay kakaunti


lamang ang kabilang sa ibang sekta o relihiyon.
2. Sa mga unang buwan ng aking pagbisita ay nakaranas ako ng katamtamang panahon
subalit pagsapit ng buwan ng Hulyo ay naging napakainit na ng panahon.
3. Maraming maaaring matutuhan sa tanyag na si Antoni Gaudi ang mga di kilalang arkitekto
sa ating panahon.
4. Umaasa akong nasimot nila ang pagkaing nasa pinggan subalit nang tingnan ko ay marami
pa palang natira.
5. May mga kaugalian silang nahahawig sa atin subalit mas marami ang naiiba dahil sa ang
kultura nati’y bunga ng iba’t ibang impluwensiya at ng katutubo nating paniniwala.

You might also like