Professional Documents
Culture Documents
Balangkas NG Pabula (Kuneho at Pagong)
Balangkas NG Pabula (Kuneho at Pagong)
I. Panimula
a. Pamagat: Si Kuneho at Si Pagong
b. May Akda: Ito ay isinulat ni Aesop. Siya ang ama ng pabula na nakapagsulat ng higit sa 200
na pabula. Siya’y isang kubang alipin at siya’y pinayagan naman ng kanyang amo na maglakbay
upang mangalap ng maisusulat na mga kuwentong pabula. Ang kanyang mga pabula ay
tinatawag na Aesop’s Fables.
II. Tauhan
a. Kuneho- Ang mapanglait sa pagong.
b. Pagong- Ang nilalait ng kuneho.
III. Tagpuan
- Ang tagpuan ay ang bundok na kanilang pinag paligsahan.
V. Buod
- Isang araw may isang kunehong nagmamalaki sa kanyang kakayahan na mabilis tumakbo at
walang makakatalo. Pinakikinggan lamang siya ng kanyang kaibigan na pagong habang nilalait
niya ito. Inaya siya ni pagong sa isang paligsahan upang ipakita sakanya na hindi tama ang
sinasabi ni Kuneho. Tinawanan siya ng Kuneho at tinanggap ang hamon nito, kaya’t sila ay nag
paunahan na makapunta sa itaas ng ikatlong bundok. Sa inaasahan, nauna ang Kuneho sa
pagtakbo at naiwan nito ang kaibigang pagong. Ngunit naisipan muna nito na mag pahinga at
matulog sa ilalim ng puno sa gitna ng paligsahan dahil alam niyang matagal bago pa makarating
si pagong sa kabilang bundok. Nang magising ang Kuneho, napansin niya na wala na sa ibabang
bundok si Pagong kaya’t dali dali siyang tumakbo upang tapusin na ang paligsahan. Laking gulat
niya nang makita niya na ang Pagong ay nasa itaas na ng ikatlong bundok. Nano ang pagong sa
paligsahan at ang Kuneho naman ay humingi ng pasensya sa panglalait niya kay Pagong.
VII. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan: Pabula
b. Sariling Reaksyon: Ako ay nayabangan sa Kuneho sa unang parte ng pabula dahil para
saakin hindi dapat ginagawang kakompetensya ang sariling kaibigan. Ngunit ako’y natuwa
naman sa huli dahil na natunton ng Kuneho na ang kanyang mga ginawang hindi maganda at
sinabi ay hindi tama.
c. Aral: Hindi dapat binabase ang nauunang pwesto sa pagkapanalo. Kahit dahan-dahan mo
ito maabot, basta’t tuloy-tuloy lang ang pagsisikap ay kaya mong abutin at mapagtagumpayan
ang ano mang hamon ng buhay sa iyong sarili.