You are on page 1of 2

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK NG WIKA AT PANITIKAN

Pananaliksik- nangangahulugan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa pananaw, teorya o paglutas ng


suliranin.

Kahalagahan ng Pananaliksik (Evasco et.al)

1.Maglarawan ng isang bagay o pangyayari na di- karaniwan

2.Magpaliwanag ng mga dahilan ng mga pangyayari.

3.Magsagawa ng ebalwasyon.

4.Magtaya ng mga mangyayari

Pamagat ng Saliksik

Nararapat na maging tiyak ang pamagat ng saliksik dahil ito’y tutugon sa ilang layunin gaya ng mga
sumusunod:

1. Nilalagom nito ang paksa ng buong pag-aaral

2. Ito ang batayan ng buong pag-aaral.

3. Maaangkin ang pag-aaral

4. Ito’y makatulong sa ibang mananaliksik na sumangguni sa ginawang saliksik.

Balangkas ng Pananaliksik

KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG KAPALIGIRAN NITO

1.1 PANIMULA - Inilalahad dito ang mga dahilan kung bakit kailangang isagawa ang pag-aaral, bakit ito
napapanahon, at bakit kailangang isagawa ang pag-aaral sa panahong ito.

1.2 BATAYANG TEYORETIKAL - Ito ang saligan o teorya batayan sa pag-aaral

1.3 KONSEPTWAL NA BALANGKAS -Ito ang bue print ng pag-aaral. Tutukuyin dito ang input
(pinagbatayang teorya sa pag-aaral) proseso-(ang mga hakbang sa isinagawa sa pag-aaral) at output
( produkto ng pag-aaral.)

1.4 PAGLALAHAD NG SULIRANIN- Iniisa-isa ang mga layunin o mga katanungan sasagutin sa pag-aaral

1.5 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL- Tinutukoy dito ang mga makikinabang sa pag-aaral at anu-ano ang
mga kapakinabangan nila rito.

1.6 SAKLAW AT LIMITASYON- Tumutukoy sa lawak at hangganan ng saliksik. Halimabawa’y ang bilang
ng pinag-aaralan, tagpuan at panahon ng pag-aaral at ang limitasyon ng pag-aaral
KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

1.1 MGA KAUGNAY NA LITERATURA- Tumutukoy ito sa mga kaugnay na aklat ,ulat , sanaysay papel na
binasa sa panayam, komposisyon, pelikula, programang pantelebisyon at dokumentaryong maaaring sa
isinasagawang pag-aaral. Maaaring tukuyin ang mga detalye na makakatulong sa ginagawang
pananaliksik

1.2 MGA KAUGNAYN NA PAG-AARAL- Tumutukoy ito sa mga kaugnay na tesis at disertasyon.
Ipinaliliwanag dito ang pagkakaiba at pagkakatuladng mga teksto at disertasyon sa ginagawang pag-aaral

KABANATA III METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PANANALISIK

Tintalakay sa kabanatang ito ang pamamaraang ginamit ng mananalisik at mga hakbang na ginamit sa
isinagawang pag-aaral

KABANATA IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPALIWANAG NG MGA DATO

Detalyadong sasagutin ang mga layunin at suliranin ng pag-aaral.

KABANATA V BUOD , KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilahad dito ang buod ng natuklasan, konklusyon na hango sa buod ng natuklasan at rekomendasyon na
hango sa mga natuklasan.

ABSTRACT

Ito ay naglalaman ng imalawak na saklaw na buod ng pag-aaral na inilalagay sa unahan ng panimula ng


isang pananaliksik.

* Ito ay naglalaman ng paglalahad ng suliranin , pamamaraan bilang at uri ng saklaw,


instrumentation,mga natuklasan, konklusyon , rekomendasyon APPENDICES  Mga dukomentong
pansuporta na nabanggit sa katawan ng saliksik .

VITA

Isinasaad dito ang mga karanasang pangpropesyunal ng sumulat ng saliksik na nakapang –ambang sa
kakayahan niyang isagawa ang saliksik . Kadalasang sinasama sa maikling talambuhay ang edukasyon,
mga kaugnay na gawain, publikasyon at pagiging kasapi ng mga samahang pangpropesyunal

You might also like