You are on page 1of 2

Magagalang na Pananalita

Piliin ang angkop na magagalang na pananalita ayon sa sitwasyon.


1. Nais mong magpaalam sa iyong magulang upang makapaglaro
pagkatapos mag-aral. Ano ang iyong sasabihin?

a. Maglalaro ako pagkatapos mag-aral.

b. Nais ko maglaro pagkatapos mag-aral.

c. Maaari po ba ko maglaro pagkatapos mag-aral?


2. Ang iyong tiya ay aalis na pagkatapos ng iyong kaarawan. Ano ang
sasabihin mo sa iyong tiya?

a. Paalam na po

b. Kamusta ka na po?

c. Walang anoman po.


3. Binigyan mo ng regalo ang iyong kaibigan dahil kaarawan niya. Ano ang
sasabihin sa iyo ng iyong kaibigan?

a. Salamat.

b. Paalam na po.

c. Kamusta na po?
4. Nais mong malaman ang direksyon papunta sa simbahan ng San
Bartolome. Ano ang sasabihin mo?

a. Saan dito ang simbahan?


b. Samahan mo ako papunta sa simbahan.
C. Maaari po bang magtanong? Saan po ang papunta sa
simbahan?
5. Nagpasalamat ang iyong nanay dahil binantayan mo siya nung siya ay
nagkasakit. Ano ang iyong sasabihin?

a. Walang anoman.
b. Salamat po sa inyo.

c. Magandang umaga po.

TEACHER LUCY

You might also like