You are on page 1of 6

GE 13

SINESOSYEDAD/ PELIKULANG
PANLIPUNAN (SINESOS)
Department of Filipino & Foreign Languages
Silliman University
Building Competence, Character & Faith

GE 13| SINESOSYEDAD/ PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)

Gawain Blg. ___: Pagsusuri ng Dokumentaryo


Pamagat ng Dokumentary: I-Witness: “Silang Kinalimutan”
Pangalan ng Dokumentarista: Atom Araullo
Isang ‘humanitarian crisis’ ng Myanmar
Tema
Migrasyon at diaspora
Ang dokumentaryo ay umiikot sa mga refugees na nanggagaling sa bansang Myanmar na
kasalukuyang nasa Bangladesh. Ipinapakita ng dokumentaryo kung gaano kahirap ang kanilang
Paksa ng dokumentaryo
pamumuhay bilang residente ng Myanmar at ng kanilang buhay bilang refugees. Naipakita din nito ang
kagustuhan nilang makamit ang kalayaan at kagustuhang malagoasan ang pinagdadaanan
Sinopsis ng dokumentaryo Sa nagdaang mga taon, ang insurhensya ay nagpatuloy sa hilagang bahagi ng Myanmar.
Tinanggihan ng pamahalaang Myanmar ang pagkamamamayan ng mga Rohingya at ang kanilang kilos sa
loob ng bansa ay pinaghihigpitan ng mga lokal na awtoridad. Tinawag ng United Nations ang pang-
matagalang pang-aapi at ang mga kalupitan ng militar sa Myanmar bilang isang anyo ng "ethnic cleansing".
Patuloy ang sigalot na nangyayari sa Myanmar at dahil nga dito, pwersahang lumikas ang mga Rohingya sa
katabing bansang Bangladesh. Ang mga opisyal ng Myanmar ay matatag sa kanilang paninindigan na ang
mga Rohingya ay hindi mga mamamayan ng kanilang bansa habang itinuturing sila ng kalapit na
Bangladesh bilang mga imigrante na maaaring i-deport anumang oras sa lalong madaling panahon.
May mga Pilipinong natagpuan ang dokyumentarista na naghahanda ng mga relief goods na
ipamahagi para sa mga Rohingya sa pinakamalaking kampo ng mga refugees sa pinakatimog na bahagi ng
bansa. Naglakbay sila ng higit sa labing walong oras upang maabot ang kampo ngunit sa kahabaan ng daan,

DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;filipino@su.edu.ph | www.su.edu.ph
Department of Filipino & Foreign Languages
Silliman University
Building Competence, Character & Faith

nakaranas sila ng isang mapandaya at di malilimutang paglalakbay. Mahigit 620,000 mga refugee ang
tumakas sa Myanmar sa nakalipas na mga buwan dahil sa pag-uusig. Mahigit sa kalahati ng mga ito ang
mga bata. Sa ngayon, ang Rohingya ay ang pinakamalaking komunidad na walang-estado sa mundo, ang
pagtanggi ng pagkamamamayan ay nagdaragdag ng kanilang kahinaan sa anumang anyo ng pang-aabuso
dahil hindi sila karapat-dapat sa legal na proteksyon mula sa anumang pamahalaan.
Para sa amin, ang tatlong nangigibabaw na damdamin pagkatapos naming mapanood ang
dokumentaryo ay:
Una, yung pakiramdam na mapagmalaki. Ipinagmamalaki po naming ang kabayanihan at
kabutihang ginawa ng mga Pilipino sa pagbigay ng tulong ng mga refugees sa Bangladesh. Hindi nila
iniisip yung reyalidad na hindi nila ito kaano-ano kundi iniisip nila nan a dapat hindi pinipili ang taong
tutulungan. Pangalawa, ang pakiramdam na awa sapagkat hindi kaaya-aya ang sinapit ng ibang
Nangigibabaw na damdamin
mamamayan sa Myanmar. Naaawa kami dahil hindi sapat ang kanilang kinakain at karamihan din sa kanila
pagkatapos mapanood ang
na walang bitbit na mga damit dahil tumakas lamang ang mga ito. Meron ding mga bagong silang na
documentary (ipaliwanag)
sanggol at nakalapag laman kung saan-saan. Nakakaawa din dahil nawalan na sila ng mga tahanan dahil ito
ay sinunog ng mga kalaban. Pangatlo ay ang kalungkutan. Nakakalungkot talagang isipin na sila ang
walang pagpipilian kundi lumisan at iwan ang kanilang bayang sinilangan. Isa pa, nakakalungkot ang
katotohanan na hindi kinikilala ng estado ng Myanmar ang kanilang etnikong Rohingya at higit sa lahat,
nakakalungkot rin ang sinapit ng mga kababaihan doon kung saan sila ay pinagsamantalahan, labis na
pinapahirapan, at pinapatay din ang mga ito.
Tatlong positibong impormasyon o Tatlong positibong impormasyon o pangyayari mula sa dokumentaryo Mula sa dokumentaryo ang
pangyayari mula sa dokumentrayo mga positibong impormasyon o pangyayari ay:
Makikita ang pagtulu-tulungan sa mga tao sa buong mundo kahit anu-ano ang lahi ng mga tao.

DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;filipino@su.edu.ph | www.su.edu.ph
Department of Filipino & Foreign Languages
Silliman University
Building Competence, Character & Faith

Mikikita na hindi lang ikaw ay merong malaking problema at ikaw ay may magandang buhay. Dahil dito
malalaman mo na kahit gaano kahirap ang problema mo, may mga tao pa rin na nandiyan sa tabi mo at
handang tumulong sayo.
Una, magiging mataas ang porsyento ng malnutrisyon sa mga kabataan dahil walang sapat at
wastong pagkain. Magiging madali din ang pagkalat nang sakit na possibleng maging epidemya.
Tatlong nakakabahalang
Pangalawa, kung hindi magkakaroon nang pagkakaunawaan at hindi masosolusyonan ang problema,
impormasyon o pangyayari mula sa
magkakaroon ng walang katapusang gyera pagitan ng mga bansa o di kaya'y possibleng dahilang ng
dokumentaryo
rebolusyon o pag-aalsa laban sa gobyerno. Pangatlo, sa pangyayari malaki ang posibilidad na magkakaroon
ng problema sa Mental Health ng mga tao. Maaring makapigil sa progreso ng mamamayan.
Tatlong mahahalagang aral sa buhay Ang pagiging pagkamakatao ang una naming naisip ana aral mula sa dokumentaryo. Tayong mga
na napulot pagkatapos mapanood Pilipino ay likas na matulungin sa kapwa kahit sa maliit lang na paraan. Mas iniisip natin ang ibang tao kesa
ang dokumentaryo sa sarili. Sa madaling salita, hindi tayo makasarili at kayang ipagtanggol ang karapatan ng bawat tao sa
mundo. Pangalawa ay ang pagiging matatag at positibo sa anumang hamon sa buhay. Ang mga refugees
galing sa Myanmar ay nagpapakita ng lakas na loob. Kahit nasa kalagitnaan sila ng krisis ay nananatili
silang matatag para sa kanilang mga anak, pamilya, o mga kasamahan. At dahil ligtas na sila mula sa
karahasan, sila’y nagkakaroon ng pag-asa na balang araw ay makakamit din nila ang ganap na
kaginhawaan. Hindi tayo bibigyan ng mga pagsubok ng Diyos kung hindi natin kakayanin. Marahil din ay
isa itong instrument ng Diyos upang magkaisa ang buong mundo sa pagtulong sa kapwa tao. Pagmamahal
sa pamilya ang ikatlong aral na nakuha naming mula sa dokumentaryo. Makikita sa dokumentaryo ang
pagkakaisa ng bawat pamilya sa kalagitnaan ng krisis. Kahit gaano kahirap ay ibibigay ang lahat ng isang
magulang alang-alang lamang sa kabutihan at kaligtasan ng mga anak o pamilya. Gaya lamang ni
Mohammand, isang refugee, na kung saan dala-dala niya ang dalawang anak na nakasakay sa

DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;filipino@su.edu.ph | www.su.edu.ph
Department of Filipino & Foreign Languages
Silliman University
Building Competence, Character & Faith

magkahiwalay na basket na may tungkod o kahoy sa pagitan nito na ginagamit para mabuhat ni
Mohammad. Bakas sa mukha niya ang pagod at pananakit ng katawan dahil sa bigat na dala-dala at sa haba
ng nilakad nila. Pero ang lahat ng ito ay bale wala lamang sa kanya dahil ang mas importante sa kanya ang
kalagayan ng kanyang mga anak.
Sa aming probinsya, wala namang ganoong pangyayari. Pero kung babalikan natin ang kasaysayan
ng ating bansa, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang dating pangulong Manuel L. Quezon ay
Local na pangyayari sa lugar na tumulong sa mga biktima ng Holocaust. Pinalikas niya ang mahigit 1 200 na mga Hudyo at kinupkop sila
kinalakhan na may parehong ng Pilipinas upang makaligtas sila mula sa mapang-abusong kamay ng mga Nazis. Mabuti lang at ginawa ni
pangyayari o problema na pinakita Pangulong Quezon ang lahat ng kanyang makakakaya para matulunguan niya ang mga Hudyo. Ang
sa dokumentaryo pagtulong niya sa mga Hudyo ay isang bagay na mahirap gawin para sa kanya dahil kahit na siya ang
pangulo ng Pilipinas, nasa ilalim tayo ng Amerika sapagkat sinakop nila ang ating bansa at sila parin ang
masusunod.
Tatlong bagay na pwedeng gawin Mga karapatang pantao. Ang mga refugee ay may karapatan din na protektado sila sa anumang uri
para makatulong o mabigyang ng paglabag. Ngunit dahil sa pinakamalubhang rehimeng militar ng Myanmar, ang mga refugee ay walang
solusyon ang ganitong problema pakialam na pinarurusahan at pinahirapan sa pamamagitan ng pagsira sa kanilang mga tahanan, pagpatay sa
kanilang mga kapamilya, pagpaparusa sa mga tao, atbp.
Ang ibang mga bansa ay dapat tumulong sa bansa ng Bangladesh upang ang mga refugee sa bansa
ay suportahan sa mga supply ng pagkain, inuming tubig, at tirahan. Hindi lamang para sa mga
pangangailangan sa pamumuhay kundi pati na rin ang kanilang mga isyu at karapatan na dapat malutas
upang hindi ito mangyayari muli sa mga refugee.
Pagkapantay-pantay. Ang rehimeng militar ng Bangladesh ay walang karapatan na pahirapan ang
mga refugee kahit na sila ay sumusunod sa isang malupit na order. Ang mga ganitong uri ng mga isyu ay

DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;filipino@su.edu.ph | www.su.edu.ph
Department of Filipino & Foreign Languages
Silliman University
Building Competence, Character & Faith

dapat bigyan ng pansin upang maayos itong malutas para sa mga refugee na naghihirap mula sa isang
walang galang na pagtatangka mula sa rehimeng militar ng Myanmar.

DUMAGUETE CITY, NEGROS ORIENTAL 6200 PHILIPPINES. +63 35 4226002 LOC. 315;filipino@su.edu.ph | www.su.edu.ph

You might also like