You are on page 1of 2

Pangpang National High School

Pangpang, Sibalom, Antique


Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan IV

Pangalan __________________________________________________ Taon/Baitang at Pangkat ____________________________

Unang Bahagi. PAGPIPILI: Basahin at unawain ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang tamang sagot at isulat lamang ang titik sa
patlang bago ang bilang.
_______ 1. Tumutukoy ang maykroekonomiks sa kaugnayan ng mga desisyon o pagpapasyang isinasagawa ng bawat mamimili at ng
_______________.
a. bahay-kalakal b. sambahayan c. monopolista d. industriya
_______ 2. Ang demand ay tumutukoy sa takdang dami ng kalakal na handa o kayang bilhin ng ______________ sa iba’t-ibang
halaga o presyo.
a. prodyuser b. mamimili c. nagbibili d. sambahayan
_______ 3. Pinagsama-samang dami ng demand ng bawat indibidwal sa isang produkto.
a. price elasticity ng demand c. market demand
b. iskedyul ng demand d. kurba ng demand
_______ 4. Ang mga sumusunod ay hindi tumutukoy sa ceteris paribus, maliban sa
a. ang pagbabago sa isang variable ay katumbas ng pagbabago sa isang variable
b. ang mga variable ay parehong nagbabago batay sa mga nakakapektong salik.
c. ang antas ng pagbabago sa isang variable ay katumbas ng anatas ng pagbabago sa isang variable
d. malaki ang pagbabago sa bawat variable dulot ng pagtaas ng presyo sa pamilihan.
_______ 5. Ang paglipat ng kurba ng demand ay positibo kung
a. ang paglipat ay pataas c. ang paglipat ay pakanan
b. ang paglipat ay pababa d. ang paglipat ay pakaliwa
_______ 6. Ito ang demand para sa isang kalakal sa bagong sitwasyon.
a. D1 b. D2 c. D3 d. D4
_______ 7. Ang kurba ng demand ay kumikilos mula itaas, pababa at pakanan o downward sloping. Ito ay nagpapakita ng
a. Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand.
b. Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand.
c. Negatibong ugnayan ng presyo sa antas ng produksyon.
d. Positibong ugnayan ng presyo sa antas ng produksyon.
_______ 8. Ang pagbaba o pagtaas ng dami ng demand ay nagaganap lamang sa _________________ kung hindi magbabago ang
sitwasyon.
a. iisang kurba b. dalawang kurba c. paglipat ng kurba d. magkaibang kurba
_______ 9. Ang lumang kurba ng demand ay
a. D1 b. D2 c. D3 d. D4
_______ 10. Ipinapahiwatig ng pakanan ng paglipat ng kurba ng demand ang
a. pagtaas ng demand c. pagbaba ng demand
b. pagbabago sa demand d. pagkiling ng demand
_______ 11. Nakakaapekto ang mga sumusunod sa pagbabago ng demand maliban sa
a. panlasa ng mamimili c. kita ng mamimili
b. posisyon ng mamimili d. bilang ng mamimili
_______ 12. Paano nakakamit ang equilibrium price?
a. Kapag parehong kontento ang mamimili at nagbebenta sa presyong napagkasunduan nila.
b. Kapag ang demand ay mas mataas kaysa suplay.
c. Kapag ang mamimili ang nagtatakda ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa pamilihan.
d. Kapag ang suplay ay mas mataas kaysa demand.

_______ 13. Paano masasabing umiiral ang perpekto o ganap na kompetisyon sa pamilihan?
a. Kapag ang isang kalakal o serbisyo ay pagmamay-ari ng isang bahay-kalakal.
b. Kapag walang partisipasyon ang gobyerno at wala sa kamay ng iisang tagakontrol sa pamilihan ang sapat na
lakas para sa pagtatakda ng presyo.
c. Kapag ang mamimili ang nagtatakda ng galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
d. Kapag ang gobyerno lamang ang nagtatakda ng galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
_______ 14. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng inflation?
a. Pagdagsa ng mga produkto sa pamilihan
b. Pagbagsak ng presyo ng mga produkto at serbisyo
c. Pagtaas ng demand sa isang produktong mababa ang supply.
d. Pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo kumpara sa dati nitong halaga.
_______ 15. Paano nagaganap ang cost-push inflation?
a. Kapag tumataas ang presyo ng mga produkto at serbisyo dulot ng pagtaas ng mga sangkap tulad ng petrolyo.
b. Kapag bumababa ang presyo ng mga produkto at serbisyo dulot ng pagtaas ng mga sangkap tulad ng petrolyo.
c. Kapag maraming nailimbag na salapi ang BSP na nagiging dahilan ng labis na paggasta ng mga mamimili.
d. Kapag maraming mamumuhunan sa bansa ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
_______ 16. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng pagsusuri sa Makroekonomiks maliban sa
a. Mapataas ang produksyon c. Mapatatag ang presyo sa pamilihan
b. Mapaunlad ang patakarang piskal d. Mabalanse ang dayuhang kalakalan
_______ 17. Ang pagganap ng allocative role kapalit ng pamilihan ay napapabilang sa anong antas ng panghihimasok ng
pamahalaan?
a. Aktibong pamahalaan c. Natural Monopoly
b. Hindi Aktibong pamahalaan d. Masinop na pamamahala
_______ 18. Kung ang absolute value ng coefficient ng price elasticity ng demand ay 2.38 ito ay nangangahulugang ang demand ay
a. Elastic b. Inelastic c. Relaitvely Elastic d. Unit Elastic
_______ 19. Elastic ang demand sa isang produkto dahil
a. Marami ang substitute ng isang produkto. c. Ito ay pangangailangan
b. Limitado ang gamit ng isang produkto d. Maliit ang budget ng gastusin sa produkto
_______ 20. Ang pagbabago o paggalaw ng suplay sa iisang kurba ay dulot ng
a. Pagbabago sa dami ng produkto c. Pagbabago sa presyo ng produkto
b. Pagbabago sa demand sa produkto d. Pagbabago sa mga salik ng suplay

Ikalawang Bahagi: PAGKIKILALA. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat lamang ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
___________________ 1. Direksyon ng kurba ng suplay.
___________________ 2. Sa direksyong ito mahihinuha na negatibo o bumaba ang demand batay sa kuba ng demand.
____________________ 3. Kalagayan ng balance, maayos, matatag o hindi nagbabago kung saan nagkasundo ang mamimili at ang
bahay-kalakal.
____________________ 4. Ito ay tumutukoy sa magkaugnay at magkatulad na antas ng pagbabago sa mga variable na presyo at
dami ng produkto.
___________________ 5. Presyo ng produkto sap unto ng ekilibriyo.
___________________ 6. Tumutukoy ito sa reaksyon ng ng isang bagay sa nailapat na puwersa.
___________________ 7. Walang sinuman sa bahay-kalakal at mamimili ang maaaring makakontrol sa presyo.
___________________ 8. May iisa lamang bahay-kalakal na gumagawa ng produkto na walang malapit na kahalili.
___________________ 9. May maliit na bilang ng bahay-kalakal na nagbebenta ng magkatulad na produkto.
___________________ 10. Pagkakataon na hindi kayang iwasto ng pamilihan ang sarili nitong sistema.

Ikatlong Bahagi: PAGTATAMBAL. Pagtambalin ang mga pahayag na nasa Hanay A sa mga termino na tinutukoy nito sa Hanay B.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
A B
_________ 1. Ideyal na sistemang pang-ekonomiya a. kurba ng demand
_________ 2. Patakaran sa paggasta ng pamahalaan b. kakulangan
_________ 3. Mahabang panahon ng negatibong paglago ng ekonomiya c. inelastic
_________ 4. Hindi sadyang naibunga ng gawain ng kalahok sa pamilihan d. unit elastic
_________ 5. Proseso ng paglikha ng bagong produkto e. monopsony
_________ 6. May iisang mamimili lamang na kumukontrol sa presyo f. produksyon
_________ 7. Pantay na digri ng price elasticity ng demand o suplay g. externality
_________ 8. Mababang digri ng price elasticity ng demand o suplay h. depression
_________ 9. Mas mataas ang ekilibriyong presyo sa umiiral na presyo i. piskal
_________ 10. Grapikong paglapat ng iskedyul ng demand j. pamilihan
k. ekilibriyo

Ikaapat na Bahagi: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.


1-3 Mga salik na nakakaapekto pagbabago ng suplay
4-5 Mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng demand
6-10 Antas o digri ng price elasticity ng demand o suplay

Ikalimang Bahagi. Tayain ang Elastisidad ng Suplay at ng Demand (Ilahad ang solusyong matematical).

(1) (2)
D1 = 201 S1 = 32
D2 = 215 S2 = 45
P1 = Php. 15.75 P1 = Php. 19.00
P2 = Php. 19.25 P2 = Php. 25.75

You might also like