You are on page 1of 1

PAMANTASANG ESTADO NG ISABELA

SANGAY SA CAUAYAN
KOLEHIYO NG EDUKASYON

PLATA, SHAILA JANE SUGUITAN Ika-23 ng Setyembre, 2021


BSE 2 FILIPINO MEDYOR

GAWAIN 3 Sulating Mapagnilay, Pagbubulay-bulay ang Alay


PANUTO: Bumuo/Mag-isip ng sariling teorya na maaaring pinagmulan ng wika. Ipaliwanag kung
paano nagsimula ang pagkakaroon ng wika sa teoryang iyong naisip. Hindi na maaaring ilahad pa ang
mga teoryang natalakay at ilan pang teorya na nasa internet.

DIYOS NG KIDLAT
Sa isang mapayapa, tahimik, at napakalawak na lugar ay mayroong pinag-isang dibdib na babae
at lalake. Sa lugar na pinaglagyan sa kanila ay walang ibang naroon, at wala ring ibang mga nilalang.
Kung kaya’t napakarami nang tanim na pagkain ang kanilang nakukuha roon tulad ng mga prutas, at
hindi rin sila nauubusan ng maiinom na tubig na kinukuha nila sa iba’t ibang mga lawa. Tila ba’y wala
na silang dapat ipangamba pa.
Ngunit ang mag-asawa ay hindi nag-iimikan. Ito ay dahil sa wala silang sinasalitang wika. Ang
kanila lamang komunikasyon ay ang paggamit ng kilos ng kanilang kamay, pagtango, at pag-iling.
Natatapos ang kanilang araw sa paglalakbay at paglilibot sa napakalawak na lugar habang nangunguha
ng mga pagkain.
Habang sila ay naglalakbay at pinananatili nilang malusog ang kanilang sarili, lingid sa kanilang
kaalaman na pinanonood sila ng diyos ng kidlat o god of thunder na nagngangalang Thor, at ito ay
nakatira sa isa sa mga siyam na kaharian at ito ay ang kaharian ng Asgard.
Magmula nang mapunta ang mag-asawa sa lugar na iyon ay hindi pa nagkakaroon ng ulan. Kaya
naman, kinumbinsi ng diyos ng kidlat na si Thor ang diyosa ng ulan na si Bunzi, na sa pagsapit ng gabi
ay isagawa niya ang pinakaunang ulan sa lugar na mapayapa na kinaroroonan ng mag-asawa. At
kasabay ng ulan na ito, ay pakukulugin at pakikidlatin naman ni Thor ang kalangitan, upang makita nila
kung ano ang magiging reaksiyon ng mag-asawa at alamin kung dito na nga ba magmumula ang wika.
Habang muling naghahanap ng matutulugan ang mag-asawa dahil sa lawak ng lugar, napansin
nila ang unti-unting pagpatak ng ulan. Lumakas ito, at dito na nagkaroon ng saglitang pagliwanag ng
lugar dahil sa kidlat, at nagulat ang mag-asawa pagkatapos ay biglang naisigaw ng lalake ang salitang
“kidlat”, at pagkatapos ay sinundan ito ng kulog, na siya namang sinambit ng babae na may halong
takot. Lumakas pa ang ulan, kulog, at kidlat, at dali-dali na silang naghanap ng masisilungan habang
sinasabi pa rin ang mga salitang “kulog” at “kidlat”.
Dito na nga nasilayan ng diyos ng kidlat na si Thor ang pinaka-unang salita, at itinuring niya ito
at ng iba pang mga diyos na pinagmulan ng wika.

You might also like