You are on page 1of 1

PLATA, SHAILA JANE SUGUITAN

BSE 2 FILIPINO MAJOR


INTRODUKSIYON SA PAG-AARAL NG WIKA

GAWAIN 1

1. Ano ang pagkakatulad ng mga kahulugan ng wika ayon sa mga klasikong


linggwista?

Ang pagpapakahulugan ni Robert Hall (1968) sa wika ay ito raw ang institusyon
kung saan ang mga tao ay nakikipagkomunikasyon at nakikipag-ugnay sa bawat isa sa.
Katulad ito sa sinabi ni Edward Sapir (1921) na ang wika ay eksklusibong para sa tao at
hindi likas na pamaraan ng paghahatid ng mga ideya, emosyon at mga kagustuhan. Itinuring
ng dalawang linggwista na nabanggit na ang wika ay institusyong pantao lamang.

2. Ano ang pagkakaiba ng mga kahulugan ng wika na ibinigay ng mga linggwista?

Batay sa pagkakasunod-sunod ng mga nabanggit na klasikong kilalang linggwista sa


talakayan, ang kaibahan ng kahulugan ng wika ni Edward Sapir (1921) ay ayon sa kaniya,
ang hindi sinasadya at natural na mga sigaw o palahaw ay hindi maituturing na wika.
Binigyang diin din niya na ang wika ay binubuo ng mga simbolo na mayroong tunog na
kapag pinagsama-sama ay makabubuo ng letra, na siyang makabubuo muli ng mga salita.
Bahagi naman ng kahulugan nina Bernard Bloch at George Trager ang paglilimita sa
pasalitang wika. Naiba ang kanilang kahulugan sapagkat binigyang diin nila ang
panlipunang gamit ng wika. Ang kaibahan naman ng kahulugang ibinigay ni Robert Hall
(1968) ay ginamit niya ang institusyon bilang representasyon ng wika. At ayon naman kay
Noam Chomsky (1957), lahat ng mga katutubong wika, pasalita man o pasulat ay
masasabing wika sa kaniyang kahulugan. Sapagkat, masasabi itong wika kung ito ay
binubuo ng mga makabuluhang tunog at ipinalalagay na mayroong sistema ng pagsusulat.

You might also like