You are on page 1of 20

PC

Webcam Chat Free Video Chat Rooms Free iPhone 3GS Cellphone Blog
Wallpapers

Symbianize
Registe
Forum Guidelines FAQ Arcade Log in
r

Go to Page...

Log in
User Name User Name
Remember Me?
Password Log in

login

Register for a free account now!


Forgotten Your Password?
Symbianize » Symbianize Lounge » General Chat » [Pinoy Trivias!] Exclusibong pang Pinoy!

Hello, Guest! Welcome to Symbianize forums.

Most of our features and services are available only to our members. So we encourage you to
login or officially join us by registering a new account. Registration is free, fast, and simple.
You only need to provide a valid email address so we can minimize spammers. As a
Symbianize member you'll have the following privileges:

 Gain access to private forums and restricted features


 Reply and create new topics or polls
 Download free applications, games, themes, graphics, tones, videos, etc.
 Ask question or support related to mobile phone, computer, and multimedia
 Private messaging (PM) with fellow members
 Communicate instantly or real-time with currently online members via Shout Box
 Play hundreds of addictive flash games in Symbianize Arcade

All that and more, so what are you waiting for, join us now! Ito ang site na ginawa ng pinoy
para sa pinoy!
General Chat Indulge yourself into some non-technical discussions with our fellow
Symbianizers. From deep, contemporary conversations to meaningless, shallow chitchat.

Page 1 of Last
123>
4 »
Thread Tools
 
  #1  
3rd Dec '07 Mon, 17:55
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
[Pinoy Trivias!] Exclusibong pang Pinoy!

Since Symbianize.com is exclusively for the filipinos worldwide, I decided to make thread
about Filipino Trivias. Yung mapapa "talaga?" ka..

here's the first one.

Kanino galing ang bansag na ‘Juan de la Cruz’


Kung “Uncle Sam" ang bansag sa Amerika, “Juan de la Cruz" naman ang sa Pilipinas. Pero
alam nyo ba na galing sa isang dayuhang mamamahayag ang bansag na ito sa ating mga Pinoy.

Taong 1900’s nang bansagan ng Scottish-born na si R.McCulloch-Dick, na “Juan de la Cruz"


ang mga Pinoy. Nagsusulat noon si McCulloch sa Manila Times, nang mapuna nito na
kadalasan nakatala sa blotter ay pangalang,“Juan de la Cruz."

Kadalasang ipinapangalan noon ng mga magulang sa kanilang anak ang “Juan de la Cruz"
dahil na rin sa impluwensiya ng mga Kastila na sumakop sa Pilipinas sa halos 300 taon at
nagdala ng Kristiyanismo sa bansa.

Kinilala ang mahalagang bahagi sa Catholic reformation ni San Juan de la Cruz o " Saint John
of the Cross" kung tawagin siya sa English.

*post rin kau para masaya


Last edited by trinokim; 3rd Dec '07 Mon at 18:50..

The Following 2 Users Say Thank You to trinokim For This Useful Post:
PINOY_RADICAL, vlad888
trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
Other Resources

  #2  
3rd Dec '07 Mon, 17:57
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!

Rebulto ni Bonifacio
Alan ba ninyo kung ilan ang pigura na makikita sa monumento ni Gat. Andres Bonifacio na
idinisenyo ni Guillermo Tolentino sa Monumento circle sa Caloocan City?

Taong 1933 nang ipakita sa publiko ang monumento ni Bonifacio bilang pagkilala sa kanyang
katapangan. Mayroon itong 23 pigura na naglalarawan sa paghihirap at pakikipaglaban ng mga
Filipino laban sa Kastila. Kabilang sa mga pigura ay sina Emilio Jacinto, at ang tatlong martir
na pari na sina Gomez, Burgos at Zamora.

Last edited by trinokim; 3rd Dec '07 Mon at 17:57..


The Following User Says Thank You to trinokim For This Useful Post:
lookly_12
trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
  #3  
3rd Dec '07 Mon, 18:01
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!

Sino ang modelo ng UP oblation


Hubo’t hubad na rebulto ng lalaki, nakadipa ang kamay habang nakatingin sa kalangitan, ito
ang estatwa na simbulo ng University of the Philippines. Pero totoo nga ba na isang dating
sikat na aktor ang naging modelo ng nasabing debuho?

Naging maugong noon na si Fernando Poe Sr, ama ng kinikilalang Hari ng Pelikulang Pinoy
na si Fernando Poe Jr ang sinasabing modelo ng UP oblation. Ngunit sa isang libro, lumitaw na
hindi si Poe Sr kundi si Anastacio Caedo ang modelo ng debuho.

Si Caedo ay sinasabing estudyante ni Professor Guillermo Tolentino ang lumikha ng debuho


noong 1935. Nais umanong ipakita ni Tolentino sa kanyang obra ang nasyunalismo ng isang
Filipino. Ang hubo’t hubad na katawan habang nakadipa ang mga kamay ay pagpapakita ng
pag-aalay nito ng sarili para sa bayan.
Hindi naglaon, si Caedo ay naging fine arts professors at sinundan ang yapak ni Tolentino sa
paglilok. Kabilang sa mga ginawang rebulto ni Caedo ay ang monumento ni Dr. Jose Rizal sa
Idelstien, Germany.

trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
  #4  
3rd Dec '07 Mon, 18:03
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!

Ang 'tres' kay Manny Pacquiao


Sa limampung laban ni Manny “Pacman’ Pacquiao, tatlong ulit pa lang siyang natatalo at
dalawa rito ay sa pamamagitan ng knockout. Pero alam nyo na ang kanyang pagluhod sa lona
ay kapwa nangyari sa parehong round.

Unang nakatikim ng talo si Pacquiao sa kababayang Pinoy na si Rustico Torrecampo noong


Pebrero 9, 1996 sa "3rd round." Isang matulis na suntok sa panga ang pinatama ni Torrecampo
sa nagsisimula pa lamang noon na si Pacquiao.

Pagkalipas ng "tatlong" taon matapos matalo kay Torrecampo, nalasap ni Pacman ang
ikalawang pagluhod sa lona noong Setyembre 17, 1999 sa kamay ni Medgoen Singsurat ng
Thailand. Isang suntok sa sikmura ang pinatama ni Singsurat kay Pacquiao para tapusin ang
kanilang laban sa "3rd round."

Ang pagkatalo ni Pacquiao sa dalawang laban na ito ay pinapaniwalaang dahilan sa kanyang


pag-angat sa timbang.

Sa kamay ni Mexican boxing hero Erik "El Terrible" Morales natikman ni Pacman ang
"ikatlong" pagkatalo noong Marso 19, 2005 sa pamamagitan ng desisyon. Hindi man natalo si
Pacquiao sa "3rd round," ang kanyang pagkatalo ay nangyari sa "ikatlong" buwan ng taon.
trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
  #5  
3rd Dec '07 Mon, 18:05
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!

Lalaking ‘Darna’
Ang unang “Darna" na nasilayang lumipad sa telon ay si Rosa del Rosario noong 1952. Ngunit
alam nyo ba na ang seksing Pinay superhero ay ginampanan din ng lalaki sa pelikula at hindi
lang isa kundi dalawang ulit.

Ang seksing karakter na “Darna" na nilikha ng sikat na nobelistang si Mars Ravelo ay unang
lumipad sa pelikula sa direksyon ni Poe Sr, ama ni Fernando Poe Jr, na tinaguriang Hari ng
Pelikulang Pilipino.

Si Chiquito o Augusto Pangan ang unang lalaki na lumunok ng "mahiwagang bato" upang
maging “Darna" sa pelikulang “Terebol Dobol." Kasunod nito ang Hari ng Komedya na si
Dolphy sa pelikulang “Darna Kuno."

Nakaapat na pelikula bilang "Darna" ang gobernadora ng Batangas na si Vilma Santos. Habang
tig-dalawang pelikula naman bilang “Darna" sina Rosa Del Rosario at Liza Moreno.
trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
  #6  
3rd Dec '07 Mon, 18:07
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!

Presidente na dating drayber ng ambulansya

Alam nyo ba na isang dating pangulo ng bansa ang nagtrabaho bilang drayber ng ambulansya
sa National Mental Hospital noong dekada 50 kung saan nya nakilala ang kanyang
napangasawa.
Bakasyon nang maisipan ni dating Pangulong Joseph Estrada na magsideline bilang drayber sa
mental hospital kung saan nakilala nya si dating Senadora Luisa Loi Pimentel Ejercito na isang
psychiatrist doctor sa pagamutan.

Pinasok ni Estrada ang pagiging drayber ng ambulansya bago pa siya pumalaot sa mundo ng
showbiz. Nang magsimulang mag-aartista, napilitan si Joseph na gamitin ang apelyidong
“Estrada" sa halip na “Ejercito" (tunay niyang apelyido) dahil tutol ang kanyang magulang na
mag-artista sya. Kabilang sa mga pinakaunang pelikula ni Estrada ay "Kandelerong Pilak"
noong 1954.

Pero ang pelikulang hango sa buhay ng isang siga sa Tundo na si “Asiong Salonga" ang
nagpasikat kay Estrada noong 1961. Si Estrada na ipinanganak din sa Tundo ang gumanap sa
papel ni Salonga.

Si Estrada ang kauna-unahang artistang FIlipino na hinirang bilang Best Actor Hall of Famer
ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) noong 1982.

trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
  #7  
3rd Dec '07 Mon, 18:11
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!
Taas ni Pangulong Arroyo

“Small but terrible." Ganito marahil ilarawan ng marami si Pangulong Gloria Macapagal
Arroyo, ang itinuturing pinakamaliit na presidente sa bansa. Alam nyo ba kung ano ang
kanyang height o taas?

Si Pangulong Arroyo ang ika-14 na presidente ng bansa. Siya ang nag-iisang pangulo na anak
ng dati ring pangulo – si Diosdado Macapagal (ika-siyam na pangulo ng Pilipinas).

Si Gng Arroyo ang ikalawang babae na naging presidente ng bansa (una si dating Pangulong
Corazon Aquino) – pero unang babae na naging bise presidente ng Pilipinas (kay dating
Pangulong Joseph Estrada).

Sinasabing 4’9 ang taas ni Gng Arroyo at hindi bababa sa tatlong pulgada ang takong ng mga
isinusuot niya paa. Noong 2005, nailista siya na pang-apat sa pinakamakapangyarihang babae
sa buong mundo ayon sa Forbes Magazine.

trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
  #8  
3rd Dec '07 Mon, 18:13
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!

Sablay sa pera

Alam nyo ba na hindi ang P100 “Arrovo" bill na kumalat noong Nobyembre 2005 ang unang
pagkakataon na sumablay ang imprenta sa pera ng Pilipinas.

Naging isyu noong Nobyembre 2005 ang bagong imprenta na P100 bill dahil sa halip na Gloria
Macapagal-“Arroyo" ay Gloria Macapagal-“Arrovo" ang lumabas sa nasabing pera. Sa kabila
nito, hindi naman ipinag-utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bawiin sa serkulasyon
ang “Arrovo" bill na karamihan ay ginawa na lamang “koleksyon."
Pero bago pa man ang “Arrovo" bill, sumablay rin sa spelling ang pag-imprenta sa 50
sentimong coin sa scientific name ng agila na ginamit na disenyo noong 1983. Sa halip na
“Pitheco(p)haga jefferyi" ang isulat sa coin, ang nailagay ay “Pitheco(b)haga jefferyi."

Isang biologist ang sinasabing nakasilip sa naturang pagkakamali na tumawag sa pansin ng


BSP.

trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
  #9  
3rd Dec '07 Mon, 18:20
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!

Unang Pinay sa Playboy Magazine


Bago pa man pagkaguluhan ng mga kalalakihan ang men’s magazine na FHM, unang
kinahumalingan ng mga Pinoy ang US magazine na “Playboy" na nagsimula noong 1950’s.
Kilala nyo ba kung sino ang unang Pinay actress na nag-pose sa magazine na ito?

Taong 1982 nang maging kontrobersiyal si Techie Agbayani dahil sa “mapangahas" niyang
pag-pose ng hubo’t hubad sa German edition ng Playboy.

Ngunit hindi si Techie kundi si Marissa Delgado ang sinasabing unang Pinay actress na nag-
pose sa US edition ng Playboy noong 1965. Ngunit hindi sa centerfold ng magazine nasilayan
ang kagandahan ni Marissa. At likuran bahagi lamang ng kanyang katawan ang kanyang
"ipinasilip."

Ang unang Pinay na sinasabing nag-pose para sa centerfold ng magazine ay si Lourdes Estores
na nakabase sa Hawaii. Ang iba pang Pinay o dugong Pinay nakita na sa men’s magazine na ito
ay sina Pia Reyes, Motley Crue, Brandi Brandt, Kim Herrin at Lana Asanin.

trinokim
View Public Profile
Find all posts by trinokim
Find all threads started by trinokim
  #10  
3rd Dec '07 Mon, 18:23
Join Date: Feb 2007
Location: trinotowndavao.multiply.com
trinokim Posts: 2,258
trinotowndavao.multiply.c om   Thanked: 101 (59 posts)
Reputation:
Total Awards: 1
  » view all
Re: Pinoy Trivia!

Unang pangulo ng Katipunan

Kapag sinabing Katipunan, si Andres Bonifacio kaagad ang pumapasok sa ating isip. Pero alam
nyo ba na hindi si Bonifacio ang unang pangulo ng Katipunan?

Hindi nga si Bonifacio kundi si Deodato Arellano, ang unang pangulo ng Katipunan. Nangyari
ito noong 1892 nang ihayag ng pamahalaan ng Espana ang pagpapatapon kay Dr. Jose Rizal.

Dahil sa napipintong pag-exile kay Rizal, agad na itinatatag nina Arellano, Bonifacio, Teodoro
Plata, Jose Dizon, Ladislao Diwa, at Valentin Diaz ang Katipunan. Sa ginawang botohan ng
Supreme Council, si Arellano ang inihalal nilang pangulo.

Nang pumutok ang digmaan noong 1896, sumama si Arellano sa mga katipunero sa Bulacan
kasama si Gen. Gregorio H. del Pilar.

Sinasabing sa sakit na tubercolosis bumigay ang kalusugan ni Arellano noong panahon ng


pakikidigma sa puwersa ng Amerika sa kabundukan ng Cordillera. Inihimlay ng mga kapwa
katipunero ang kanyang labi sa La Trinidad, Benguet.
trinokim

View Public Profile

Find all posts by trinokim

Find all threads started by trinokim

Page 1 of Last
123>
4 »

« Previous Thread | Next Thread »

Thread Tools
Show Printable Version
Email this Page
Posting Rules
You may not post new
threads
You may not post replies
You may not post
attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On Forum Jump
HTML code is Off General Chat

Forum Rules Go
All times are GMT +8. The time now is 19:02.

Symbianize - Sitemap - Privacy Policy - Top


Mobile
Website Web Design Banner Research MP3 Mobile Phone
Phones
Builder Melbourne s Repository Ringtones Insurance
Online
vBulletin ©2000 - 2010, Jelsoft Enterprises Ltd.
Symbianize.com ©2006 - 2010, Symbianize PH

You might also like