You are on page 1of 18

Dianopra, Dancy Mae N.

BSEF-II

Balangkas sa Pagsusuri

I- A. “Ang Guryon” (1900-1932)

ni Ildefonso Santos

Ang tula ay tungkol sa buhay ng tao. Inalintulad ito sa isang guryon dahil ang guryon ay
marupok, hindi gaanong matibay ngunit kapag napalipad mo na ito ng mataas, titingalain ito at
hahangaan. Katulad din ng sa buhay ng tao, may mga pagsubok na hindi natin inaasahan. Dapat na
maging matatag at may tiwala tayo sa ating sarili upang makamit natin ang ating mga pangarap at
huwag nating kakalimutan ang ating panginoon.

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob.

Si Ildefonso Santos ay isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong ika-23


ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.

Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo


Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay
Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay
humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang
sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.

Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang


Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College.
Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na
tagapagsaling-wika at makata.

Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon


ng Amerikano. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya.
Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga
tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na
mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May
mga tanaga rin siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init.
Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. and Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para
sa Arkitektura noong taong 2000.

II- Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan

Ang ―Ang Guryon‖ ay isang tula. Ito ay isang tulang pasasalaysay. Nagsasalaysay sa mga
pangaral ng isang magulang sa anak.

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob

B. Istilo ng Paglalahad

Ang tulang ―Ang Guryon‖ ay gumamit ng simpleng lipon ng salita para mas higit na
maintindihan ng mambabasa. Sapagkat ito‘y nakabatay sa Teoryang Imahismo, mayaman sa imahe
ang tulang ating nabasa na may karaniwang ideya lamang. Teoryang imahismo ang inilapat na teorya
dito sapagkat ang imahe ng kasalukuyang sitwasyon ay mababanaag sa tula. Ang pagtupad ng bawat
isa sa kanya-kanyang pangarap at ang paglaban sa mga tuksong nasa paligid lamang. Sinimulan ang
tula sa paglalarawan sa isang guryon. Winakasan naman ito sa paghahalintulad ng guryon sa tao. Ang
tula ay may sukat na lalabindalawahin at may tugmang karaniwan sapagkat ang bawat huling salitang
makikita sa taludtod ay may maluming bigkas.

Tanggapin mo anak, itong munting guryon

Na yari sa patpat at papel de- Hapon;

Magandang laruang pula, puti, asul

Na may pangalan mong sa gitna naroon.

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas


at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

C.Tayutay
 At baka lagutin ng hanging malakas.

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas


at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
(ikatlong saknong)

Ang hangin ay inihalintulad sa katangian ng tao kaya‘t tayo bilang mambabasa malalaman
natin kaagad na ganoon kalakas ang hangin.

Maari itong maiugnay sa ating buhay, ang hangin bilang mga tuksong nasa tabi nag-aabang at
nakahandang lumamon sa atin ng buo kung tayo ay nagpadala dito.

 At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
(ikaapat na saknong)

Ito ay naglalarawan sa kahinaan ng guryon. Maaari itong mawasak. Sa realidad, ang tao ay may
kahinaan din kaya hindi malayong madala tayo sa tukso.

 Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob

Inihalintulad ang guryon sa katangian ng tao upang mas lalong maipaliwanag ng may akda ang
katangiang taglay ng guryon. Ang kagustuhan nating sundin ang bawat pangarap sa buhay ang
maikonekta ko dito sa matalinghagang mga salitang ito. Kahit saan man tayo makarating ay gagawin
natin alang-alang sa ating mga ambisyon.

III- Sariling Reaksyon


A. Istilo ng Manunulat

Kahanga-hanga ang kariktan ng mga tula ni Ildefonso Santos dahil sa pananalitang ginamit
niya. Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula ayon sa mga kritiko. Ang
kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puno ng diwa at damdamin.

Tanggapin mo anak, itong munting guryon

Na yari sa patpat at papel de- Hapon;

Magandang laruang pula, puti, asul

Na may pangalan mong sa gitna naroon.

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas


at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

B. Mabisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

Ang pagkasulat sa akda ay sa simpleng paraan. Madaling maunawaan ng mambabasa.


Pero ang pinakamensahe nito ay hindi lantad. May mga simbolong ginamit ang may-akda
upang maiparating sa mambabasa ang kanyang mensahe. Ang mga simbolong nabanggit ay:
ang guryon na ang ibig ipahiwatig ay ang ating buhay; ang hanging malakas na sumisimbolo
sa mga tukso sa paligid; ang pagpapalipad na ang ibig ipahiwatig ay ang pagkamit ng mga
pangarap.

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob
(ikaanim na saknong)
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
(ikatlong saknong)

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob
(ikaanim na saknong)

b. Bisa sa Damdamin

Ang pagpapalipad ng guryon ay tulad din ng pagbalanse sa ating buhay. Ang buhay ayon sa
maraming palaisip ay patuloy na pakikipagsapalaran sa daigdig na ito. Sa pagsilang pa lamang
natin ay marami ng pagsubok ang nakaabang sa atin kaya kailangan na natin itong paghandaan.
Kailangang maging matatag tayo at maging matapang sa pagharap dito.

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob
(ikaanim na saknong)

c. Bisa sa Kaasalan

―Kung gaano kataas ang iyong paglipad, ganun din kababa and iyong pagkalagapak‖.
Isang tanyag na salawikaing maaring maiugnay sa tula.

―Ang mapagkumbaba ay kinalulugdan ng Diyos, kaya huwag magmataas‖ (Santiago 4:6)

Sa anumang pagsubok na dumating sa ating buhay, magpakatatag at dumulog sa Poong


Maykapal, tiyak ika‘y magtatagumpay.

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob
(ikaanim na saknong)
Balangkas sa Pagsusuri
I- A. “Isang Dipang Langit” (1932-1963)

ni Amado V. Hernández

Ang buong tula ay tumatalakay sa kung ano at paano ang buhay sa loob ng isang piitan o
kulungan.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahit buhay man ay patay.

Si Amado Vera Hernández (Setyembre 13, 1903—Marso 24, 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa
siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga
kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa
pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-
tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Noong kaniyang kabinataan,
nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay
nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga
sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay
napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang
Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng
samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na
sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga
manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng
kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.
Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha
ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang
"Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas.
Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang
makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas.
Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.
Noong 1973, tatlong taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si ―Ka
Amado‖ ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagama‘t matagal-tagal na rin mula nang
pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa lansangan ang
kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo,
Aking Bayan."

II- Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan
Ang ―Isang Dipang Langit‖ ay isang tula. Maari itong masasabing isang tulang elihiya dahil
ito ay nagsasaad ng matinding kalungkutan. Ang elihiya ay isang tulang tungkol sa matinding
kalungkutan at kamatayan.

Ako'y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko'y piitin,

katawang marupok, aniya'y pagsuko,

damdami'y supil na't mithiin ay supil.

B. Istilo ng Paglalahad

Ang ― Isang Dipang Langit‖ ay mas malalapatan ng teoryang biblyolohikal. Dahil ito ay
nagbibigay pansin sa totoong nangyayari sa buhay ng may-akda. Minsang napiit si Amado V.
Hernandez dahil sa salang sedisyon, at habang siya ay nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang ― Isang
Dipang Langit‖. Ang isa sa mga mahahalaga niyang tula si Amado V. Hernandez ay muling nakulong
dahil naman sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Si Elpedio Quirino ang
nagpakulong sa kanya.

C.Tayutay

 Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi't walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

(ikaapat na saknong)

Ang mga nagbabantay sa kanila ay hindi sila hinihiwalayan ng tingin. Mahahalintulad ito sa
mga taong nakapaligid na sa bawat kilos ay nakatanghod o nakabantay. Sapagkat ang mundo ay
tinitingnan ang panlabas na kaanyuhan ng tao at para matanggap ka nito ay kailangan na ikaw ay
maging perpekto.

 Sa munting dungawan, tanging abot-malas


Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.

(ikatlong saknong)

Inilarawan sa tula na maliit lamang ang kanyang lugar na kinalalagyan. Tulad sa pamumuhay
ngayon ng tao na pilit pinagkakasya ang maliit na kita para sa pamilya upang ang mga ito patuloy na
mabuhay. Sa mga mahihirap na pamilyang kahit marami ay pinagkakasya ang mga sarili sa isang maliit
na barung-barong para lamang magkasama-sama.

 At ito ang tanging daigdig ko ngayon -

bilangguang mandi'y libingan ng buhay;

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -

bilangguang mandi'y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

(ikawalong saknong)

Ang kulungan ang nagsisilbi niyang tirahan na maari pang ito ang lugar kung saan siya
mamamatay. Sa kalakaran ng buhay ngayon marami na ang nawawalan ng pag-asa kaya‘t sumusuko na
lamang sila. Kung mahirap silang lumaki mahirap din silang mamamatay. Pero mayroon namang iba na
nagsusumikap para makaahon sa kahirapan.

III- Sariling Reaksyon

A. Istilo ng Manunulat
Si Amado V. Hernandez ang maituturing na pangunahin sa mga makatang may kamalayang
panlipunan. Ito ang dahilan upang siya ay makilahok sa mga nagaganap sa kanyang paligid. Nakulong
siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Sinalaysay ni Hernandez sa
kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan
siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang
Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. Siya ay may katangiang pukawin ang
damdamin ng mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan ng buhay. Mapapansin na karaniwan sa mga
isinusulat niya ay tungkol sa pakikipaglaban tungkol sa karapatan ng bawat tao, nagsusuri sa kalagayan
ng bayan, nagsisiwalat ng mga katiwalian sa tula, tahasang lumalabag sa kagandahang asal
(panunungayaw at may karahasan sa pananalita). Mayamang maglarawan at magpahayag ng
katotohanan, kung ano ang anumang mangyari sa buhay. Siya ay malikhain, at may kasiyahan sa
pagkatha (humor). Samakatuwid, teoryang humanismo ang mailalapat sa tula. Ito ang kanyang
pinaiiral sa isip sa pagbubuo ng tula, isang pamaraang humahalungkat sa karanasang pinapaksa upang
mabigyang katibayan ang mensahe ng makata.

B. Mabisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

Ang kabuuhan ng tula ay pawing matatalinghagang salita na nagdudulot ng malalim na pag-


iisip upang lubos na maunawaan. Kailangan din intindihing mabuti ang tula upang makukuha ang
mensaheng napapaloob sa tula.

Ako'y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko'y piitin,

katawang marupok, aniya'y pagsuko,

damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ito ay isang saknong ng tula na magbibigay impresyon sa mga mambabasa sapagkat dito
nailalarawan ng makata ang tunay na kalagayan ng mga taong nabibilanggo.

b. Bisa sa Damdamin

Kalungkutan ang pangunahing damdaming nangingibabaw. Ito kasi nais iparamdam ng may-akda.
Ipinaparamdam nito ang hirap na dinaranas ng isang bilanggo at ang kanyang hangaring makalaya.
Tulad na lamang ng pakikibaka sa buhay nahihirapan tayo at gusto nating guminhawa kaya gagawin
natin ang lahat npara makaahon.

b. Bisa sa Kaasalan

Nagbigay ito ng mensahe na ayusin ang mga ugali o kilos dahil hindi makakabuti ang
kasamaan. Ipinahiwatig ng tula na dapat na gumawa ng mabubuting asal para sa kapakanan ng pamilya
lalo na sa sarili at sa mga gusto pang gawin sa buhay.

Karapat-dapat na tularan si Amado V. Hernandez bilang isang matapang na lider ng


manggagawa sapagkat ginawa niya ang lahat upang mawala ang himdi pagkapantay-pantay ng mga tao.
Balangkas sa Pagsusuri

I- A. “Sa Mga Kuko ng Liwanag”

ni Edgardo M. Reyes

Si Edgardo M. Reyes isang magsasaka. Namatay ang ama sa panahong kailangan ng


suporta.natagal na napatira sa lugar ng mga iskwateer sa Tatalon, Tundo. Pagapang-gapang sa pag-aaral
at kadalasang tatlong beses lang kung pumasok sa paaralan sa loob ng isang linggo noong nasa hayskul.
Sumasama sa isang kontratistag gumagawa ng poso upang matustusan ang pag-aaral. Dahil sa
karamihan sa mga mag-aaral ay may kahinaan sa pagsulat ng tagalog, naisipan niyang kontatahin ang
mga ito at siya ang gagawa ng mga sulatin (theme paper) o sanaysay sa klase at magpapabayad siya ng
sapat na halaga upang matustusan lamang ang sarili sa panahong wala siyang mapagkakitaan. Dahil sa
hindi matustusan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, naglayag siya at nagtrabaho sa isang mumurahing
kasa sa miseracordia bilang utility boy ngunit hindi siya nagtagal dito. Nag-ala-balagtas sa isang
malapit na kamag-anak upang manilbihan bilang alila at nang maipagpatuloy lamang ang pag-aaral sa
kolehiyo. Dito siya nagsimulang mag-aral ng commerse sa university of the east. naging atsoy ni ira
davis, general manager ng "on" Radio Center, Manila Brodcating Company (sa perokil: nakatalaga,
nagbabaklas at nagkakabit ng riles nagpapala ng mga buhangin at graba, nagkakarga ng mga mabibigat
na bagay). naging constraction boy. Nakatalaga siya s ahukay dahil sa walang alam sa
pagkokonstruksyon. Naging tubero sa Phil-am Homes Quezon City, taga kabit ng lahat ng inidoro sa
mga bahay na ipinapatayo. Upang madagdagan ang kaalaman, nagbabasa siya ng mga akda ng mga
kilalang awtor gayun din ang pagsasaulo ng mga salita sa diksyunaryong tagalog at ingles

Isang manggagawa bago mapabilang sa unang hanay ng bagong dugo, isang samahan ng
mga batiko at magagaling na manunulat ng Liwayway. Premyado sa palanca sa larangan ng maikling
kuwento at dula gayundin sa liwayway sa mga nobelang ‖Sa Kagubatan ng Lungsod‖ at sa mga ‖Kuko
ng Liwanag‖. Aktibong kolumnista at direktor-manunulat ng iskrip.
II- Buod ng Nobela
Si Julio ay isang mangingisda sa Marinduque na napadpad sa lungsod sa paghahanap sa
kasintahang si Ligaya na pinilit ng kanyang mga magulang na sumama sa isang Mrs. Cruz upang
mailayo sa isang nayong wala siyang mapapangasawa kundi isang mangingisda. Si Atong, si perla at
kanilang lumpong ama ay naging iskwater sa Sunog-Apog na Isla de Balut matapos palayasin sa
lupang matagal na nilang sinasaka. At ang ambisyon ni Imo bagama‘t inamin na kay hirap ng buhay sa
Maynila, ay desidido pa ring mag-aral at magsumikap habang nagtatrabaho sa konstruksyon dahil
daw ‘sa probonsya pag ipinanganak ka sa araro, e tiyak mong doon ka rin mamamatay‘. Mula sa mga
tauhang ito, unti-unting nabuo ni Reyes ang ideological conception ng mga probinsyano. Ang
probinsya para sa kanila ay walang dalang kaunlaran. Ang umiiral na sistemang panlupa noon ang
nagpapahirap sa buhay ng mga manggagawa sa bukod na nagtatrabaho sa ilalim ng mga mapang-aping
panginoon maylupa.
Ang nobela ay may hagod ng ayon sa mga pangyayari sa sarling karanasan sa buhay ng may-akda.
Masinop ang paglalarawan at ipinakilala ang positibo, potensyal na katangian ng mga pangunahing
tauhan, tulad ng likas na pagtutulungan at pagdadamayan ng mga dukha sa mga oras ng kanilang
matinding kagipitan at trahedya. Detalyado ang panlilinlang at pagsasamantala sa mga tauhan gaya ng
sistemang ‖Taiwan‖ o pagkikilo sa suweldo ng mga manggagagwa, ang mekanismo o ugnayan ng
pagsasamantala at pang-aapi di lamang sa mga konstruksyon kundi gayundin sa mga hukuman,
institusyon gaya ng nagyari sa pamilya ni Atong na inagawan ng lupa ngunit natalo sa kaso) sa mga
lansangan, sa mga kasa at sa bahay ni Ah Tek. Nagalugad niya ang buong lugar ng kamaynilaan kaya
hindi siya nahihirapang pangalana ang mga lugar s anobela. Nanggaling ang objectivity ng nobela kay
Evelyn Waugh (lalaki) isang manunulat na hinahangaan niya ang mga akda. Ang nobela ay sinimulang
maserye nang dala-dalawang kaban ata sa lingguhang Liwayway Magasin noong Nobyembre 13, 1967
at natapoos nang Enero 22, 1968. Ang mga kabanata ay nasa book form, nasa gitna iyon ng magasin
bilang insert, pull-out. Bilang gimik sa promosyon, pwedeng tanggalin ng mga mambabasa ang mga
kabanata, lipunin ang mga iyon at pag nakumpleto ay maaaring dalhin sa Liwayway Publishing at sila
ang magba-bind ng libre at may pirma pa ng awtor. Mula sa orihinal na sipi, binago niya ang mga
salitang onomatopoeia, sa dahilang ibig ma-establish na mabuti ang atmospera ng paligid o mga tunog
sa paligid. Dahilan sa sensura noong mga panahong iyon, pinalitan ang mga bulgar na mga salitang
ginamit ni Reyes gaya ng mga pagpupura at malalaswang salita.
III- Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan

Ang “Sa Mga Kuko ng Liwanag” ay isang nobela. Sa nobelang ito ang mga suliraning
panlipunan ay hindi lamang tinatalakay kundi iniugnay din sa kawalan ng hanapbuhay,
prostitusyon, at problema sa iskwater sa Maynila noong dekada sisenta at isang bihasang
manunulat sa Pilipino na tulad ni Reyes. Ang kanyang paninirahan at paggala sa iba‘t ibang
bayan sa Gitnang Luzon at ang kanyang lower middle class status marahil ay nakatulong ng
malaki sa kaniyang pag-unawa at kamalayan ng mga suliraning panlipunan. Makikita ito sa mga
dinanas ni Julio sa ilalim ni Mr. Balajadia, ang kapatas sa konstruksyon ay hindi lamang
paglalarawan ng kabiguang sinasapit ng mga Julio pagdating nila sa Maynila na para sa kanila
ay simbolo ng pag-asa at pag-unlad. Higit pa dito, nais ng may-akda na balikan ng ilang sandali
ang buhay ni Julio sa probinsya, sa Marinduque, bilang isang mangingisdaa't iugnay ang buhay
ni Perla na isa ring probinsyanang manlalakbay patungo sa Maynila sa pag-asang umunlad at
makatulong sa kaniyang mga magulang. Ang layunin ng mag-akda kung magkagayon ay nag
linawin sa nasabing paraan ng paglalahad ang hindi pagsusuri ng mga suliranin ng lipunan
kundi ang hanapin din ang ugat ng mga ito.

B. Istilo ng Paglalahad.

Ang layunin ng mag-akda kung magkagayon ay nag linawin sa nasabing paraan ng


paglalahad ang hindi pagsusuri ng mga suliranin ng lipunan kundi ang hanapin din ang ugat ng
mga ito. Sa kabila ng ganitong antas ng kamalayan at pag-unawa ni Reyes, kakikitaan pa rin ng
ilang kakulangan ang kaniyang nobela bagama‘t nagtatalakay na nga ito ng ilang isyung
panlipuan sa kalimitang laman ng iba niyang akda. Bunga marahil ito ng pansariling pananaw
ng may-akda kasama ang kanyang mga personal na limitasyon, lalung-lalo na yaong may
kaugnayan sa kanilang pormal na edukasyon. Sa isang bahagi ng nobela ay nabanggit ni Atong
kay Julio ang pagpaplayas sa kanila ng isang milyunaryong kastila(simbolo ng problemang
pang-agraryo). Maikli lamang ang usapan dito. Subalit ang paglalahad ng may-akda sa buhay
nina Atong sa Estero Sunog-Apog, ang kaniyang pagkamatay, ang pagkakasunog ng kanilang
barung-barong, ang sinapit ni Perla ay mahaba at malalim. Ang negatibong pananaw ni Edgardo
M. Reyes at ang kapwa niya manunulat sa isang dekadang naging saksi sa maraming uri ng
kahirapan at pagpapakasakit, na nadama hindi lamang ng mga taga-probinsya kundi ng mga
taga-lungsod na rin ay lumabas sa nobela.
Mapapansing walang anumang nabanggit na may kaugnayan sa imperyalismong amerikano na
sa dekadang sinulat ang nobela ay madalas itong paksain sa mga pamantasan at kolehiyo, sa
mga talumpati ng mga nastonalista tulad ni Recto. Inilarawan ni Reyes ang dayuhan o ang
pagkontrol ng intsik sa ekonomiya tulad ng sinapit ni Ligaya Paraiso ngunit nakaligtaan ang
relasyon ng dependensya ng Pilipinas sa isang metropolitang ekonomiya tulad ng Estados
Unidos na kumokondisyon sa pambansang ekonomiya. Si Reyes ay hindi nakatapos ng kolehiyo,
ay nagkaroon ng kakaibang pananaw sa mga intelektwal ng dekada sisenta. Hindi gaanong
malinaw kay Reyes ang ganitong mga usapin na kalimitang usapin sa mga unibersidad at
kolehiyo. Isa pa ay ang pagiging hindi pagiging kasapi niya sa alinmang kilusang makabayan at
pampanitikan noong panahong yaon.
Maraming paraan upang suriin ang isang akda lalo na ang nobela. Isa na rito ang paggamit ng
pagdulog na marxismo. Layunin ng marxismo na ipaliwanag ang panitikan sa pamamagitan ng
kondisyong pangkasaysayang bumubuo dito. Hindi lamang paglalapag ng pagdulog
pangkasaysayan sa literatura o kaya‘y pag-uugnay ng mga anyo, estilo at mga kahulugan ang
marxismo. Nauusisa rin sa kahalagahan ng kasaysayan na naglalarawan ng mga puwersa, salik
at pangyayari na humuhubog at bumabago sa lipunan, ang tunggalian ng mga uri sa isang
partikular na kasaysayan, at ang relasyon at impluwensya ng lahat nang ito sa nasabing akdang
pampanitikan. Maaari ding ilapat ang Teoryang Realismo sa nobela. Ang Realismo ay
tumutukoy sa makatotohanang pagtatanghal na umiiral, kontemporyong realidad – mga
kaaasalan ng mga tao, bagay-bagay o pangyayaring nagaganap sa paligid, lipunan at panahon.
III- Sariling Reaksyon

A. Mga Tauhan

Pangunahing Tauhan

Julio Madiaga – lisang maralitang mangingisdang taga-Marinduque na nagtungo sa Maynila upang


hanapi ang nawawalang kasintahan.
Ligaya Paraiso – isang probinsyanang kasintahan ni Julio na napilitang magtungo ng Maynila dahil sa
pangakong tabaho bumasak siya sa white slavery sa mga Instsik sa Binondo, Maynila
Pol – kaibigan ni Julio na naging kasa-kasama niya sa pagtuklas ng kanyang problema
Atong – matalik na akibigan ni Julio na ang pamilya ay inagawan ng sariling lupa.
Imo – kasamahan sa trabaho ni Julio sa konstruksyon na may mataas na pangarap sa buhay
Perla – kapatid na dalaga ni Atong
Mr. Balajadia – foreman nina Julio sa konstruksyon
Mrs. Cruz – ang matabang pandak na babaeng recruiter na nagdala kay Ligaya, Edes at Saliung sa
Maynila
Ah Tek – ang instsik na napangasawa ni Ligaya

Mga Katulong na Tauhan

Benny – Bicolanong kasama ni Juli sa konstruksyon, may pinakabatang edad sa mga trabahador at
masayahin
Kadyo – ang kontratistang kaibigan ni Pol na laging pinupuntahan nila Julio upang maghanap ng
pansamantalang mapagtatrabahuan
Omeng, Gido, at Enteng – kasama nina Julio sa konstruksyon
Frank – ang mestisong negrong kasama nina Julio sa konstruksyon
Edes at Saling – naging kasama ni Ligaya pagpunta sa Maynila
Giazon – miyunaryong nang-agaw sa lupa nina Atong at Perla
Mang Pilo – paralitikong ama nina Atong at Perla
Toro – ang makahamunan ni Julio ng suntukan s aBarberya]
Mr. Manabat – ang may-ari ng gusaling itinatayo nina Julio
Aling Etang – ang ―Mama Sang‖ na may-ari ng kasa sa Makati na pinasukan ni Perla matapos
masunog ang bahay ant ang ama
Manag Baste – matandang trabahador sa konstruksyon

Doray – katulong ni Ah Tek

B. Mga Simbolismo sa Nobela

Si Julio Madiaga ay sumisimbolo ng katapangan at kaligtasan. Hango sa pangalan ni Julius Ceasar na


isang hari sa Roma. May ilang katangiang napailanlang sa katangian ni Julio at ni Julius Ceasar.
Maiuugnay din sa planetang Jupiter ang pangalan ni Julio na sumisimbolo sa pansariling prionsipyo,
katarungan at moralidad na naddadala sa kanyang mga paniniwlaa ng mabuting hangarin sa buhay.
Dahil sa labis na kabiguan at lupit na naranasan sa buhay, nagbago si Julio. Isang katibayan nito ay
nang kumapit siya sa pagnakawa ang isang estudyante at aksidenteng napatay. Ang naranasan niyang
pagnanakaw sa kanya ng isang pulis na pera nila ni Pol para katy Perla at ang paghahanon niya ng
away kay Toro.

Ligaya Paraiso – kung susuriin nating mabuti ang pangalan ay nagpapakita ng kaligayahan ngunit
kabaligtaran ang lahat ng kanyang naranasan sa Maynila. Sa paniniwala na ang Maynila ay isang
paraiso na magdadala sa kanya ng kaligayahan at pag-asenso na hindi niya nakita at naranasan sa
probinsya ay nagdulot sa kanya ng paghihirap at kabiguan. Sa huli, namatay siya.

Ah Tek – ginamit ang pangalang ito upang ipakita ang pananalapi. Ah Tek na gamitin at tawag sa pera
noong panahong naisulat ang nobela. Noong panahong iyon ang mga Instsik ang may salapi. Pinakita
sa nobala ang pagkontrol ng mga Intsik sa mga Pilipino maging sa ekonomiyan ng bansa .
C. Istilo ng Manunulat

Si Edgardo M. Reyes ay tubong San Ildefonso, Bulacan ngunit nanirahan siya sa maraming
bayan at hindi nakapag-ugat sa alinman. Sa kaniyang pananaw ang buhay ay isang patuloy na pagkilos
at paggala. Nag-aral siya sa Manuel L. Quezon University ng pamamahayag, subalit hindi siya nagtagal
ng isang semestre dito. Noong 1962, isa si Reyes sa mga bagong dugong manunulat na sinanay ng
magasing Liwayway sa ilalim ni A. C. Fabian bagama‘t bago pa man ito naganap ay may ilang
maikling kuwento na rin siyang nasulat. Sa pagitan ng 1962 at 1968, ang mga akda ni Reyes ay
kuminang sa Liwayway at iba pang magasin. Katibayan nito ay ang pagwawagi niya ng ilang
gantimpala mula sa Liwayway at palanca para sa maikling kuwento at nobela kabilang dito ang ‖Sa
Mga Kuko ng Liwanag‖ na nagwagi ng pangalawang gantimpala sa timpalak Liwayway noong 1966.
At marahil bunga na rin ng likot ng kanyang diwa, muala sa pagkatha, bumaling siya sa iba pang anyo
ng panulatan: sa mga satirikong artikulo at sanaysay, katatawanan at iskrip sa pelikula.

Inilarawan ni Reyes sa nobela ang pangkalahatang pananaw ng lipunang Pilipino ng mga taga-
probinsya, lalung-lalo na ang mga katulad ni Julio at Ligaya Paraiso na lumuwas ng patungong lungsod
sa pag-asang uunlad. Si Julio ay isang mangingisda sa Marinduque na napadpad sa lungsod sa
paghahanap sa kasintahang si Ligaya na pinilit ng kanyang mga magulang na sumama sa isang Mrs.
Cruz upang mailayo sa isang nayong wala siyang mapapangasawa kundi isang mangingisda. Si Atong,
si Perla at kanilang lumpong ama ay naging iskwater sa Sunog-Apog na Isla de Balut matapos
palayasin sa lupang matagal na nilang sinasaka. At ang ambisyon ni Imo bagama‘t inamin na kay hirap
ng buhay sa Maynila, ay desidido pa ring mag-aral at magsumikap habang nagtatrabaho sa
konstruksyon dahil daw ‘sa probonsya pag ipinanganak ka sa araro, e tiyak mong doon ka rin
mamamatay‘. Mula sa mga tauhang ito, unti-unting nabuo ni Reyes ang ideological conception ng mga
probinsyano. Ang probinsya para s akanila ay walang dalang kaunlaran. Ang umiiral na sistemang
panlupa noon ang nagpapahirap sa buhay ng mga manggagawa sa bukod na nagtatrabaho sa ilalim ng
mga mapang-aping panginoon maylupa. Mula sa ganitong pananaw ng kahirapan at ang kaugnay na
konsepto ng ‗magandang buhay‘ sa lungsod ay naipakita ni Reyes kung bakit tumutungo sa lungsod
ang mga probinsyano. Pagsapit dito ay pumapaloob sila sa isang sistema. Mahirap maghanap ng
trabaho sa lungsod lalo pa‘t isan kang baguhan, walang natapos at isang taga-probinsya ang tangi
niyang nalalamang gawin ay ang pagsasaka at pangingisda.
IV- Mabisang Pampanitikan
A.Bisa sa Isipan
Ang relasyong sosyal ang nagbago sa mga ideya at saloobin ng tao. Ang kahalagahan ng
edukasyon bilang susi sa pag-unlad ng tao lalo na sa lungsod ay ipinakita ni Reyes sa kaso ni Ino na
nagsumikap na makapagtapos sa kolehiyo. Namasukan sa isang malaking advertising company at doon
na umasenso, nagkapaera at naging mayabang sa kanyang mga dating kasama sa konstruksyon.
Makikita sa nobelang ‘Sa Mga Kuko ng Liwanag‖ ang tinatawag na sistemang kapitalista na
siyang basehan ng lipunang Pilipino bago pa man sumapit ang dekada sisenta. Ang sistemang ito ay
may tatlong pangunahing katangian: (1) institution of private property (2) wage-labor; at (3) free
enterprise.
Isang pribadong pag-aari ay napakahalaga sa isang sistemang kapitalista sapagkat ito ang
nagtutulak sa mga tao na maging bahagi ng pangkabuuang proseso ng produksyon. Inilarawan ni Reyes
ang pag-aari ng lupain, mga gusali at iba pang produksyon sa lungsod sa simula pa lamang ng kuwento.
Si Julio ay gumala sa buong kamaynilaan upang maghanap ng panibagong trabaho nang matapos ang
gusaling kanilang itinayo sa Cubao. Napadako siya sa Isaac Peral kung saan may konstruksyon sa
kabila ng daang kinatatayuan. Pribadong pagmamay-ari ang malawak na lupang pinagtatayuan ng
gusali dahil, ayon kay Reyes ito ay ‘nababakuran ng mga kupi at kalawanging yero na pinagdugtong-
dugtong na patayo. Sa isang sistemang kapitalista ang produksyon ay kalimitang nakatutok sa profit-
making at pagpapalawak ng negosyo. Pagmamay-ari ni Manabat ang lupa at gusaling ipinapatayo na
kinontrata ang kompanya ni Obes sa pagpaplano ng gusali na magbibigay ng mga kagamitan, at
makinarya na kakailanganin s akonstruksyon, at maghahanap ng trabaho. Mismo ang mga trabahador
tulad nina Omeng, Benny at Atong ay may kanya-kanyang gawain.

B. Bisa sa Damdamin
Ang namayaning damdamin sa nobela ay pagpapahalaga sa mga materyal na bagay at pera. Sa
madaling sabi ang pagkagahaman.
Ang pagiging materyalistiko ng mga tao sa lungsod dahil sa umiiral na puwersa at relasyon sa
produksyon, ang pagiging mapagkakompetisyon ng mga ito sa loob ng isang lipunang limitado ang
oportunidad para s apagsulong ng kabuhayan at kinakailangan. Nang dyan ang pang-aabuso ni Mr.
Balajadia, ang sistemang Taiwan, ang pandaraya nito kay Julio at sa iba pang trabahador sa
pamamagitan ng sapilitang pagpapapirma ng payroll na ang rate na nakatala ay iba sa kanilang
sinasahod. Nagpapadama ito ng impersonal at di-tuwirang relasyon ng kapitalista na kinatawan ni Mr.
Manabat na siyang nagmamay-ari ng means of production at ang mga trabahador na kahit na walang
pag-aari ay silang pangunahing puwersa ng produksyon. Nababago ang pag-iisip ng mga tao sa
sistemang wage-labor na kung saan nakapaloob sa sistemang kapitalista. Unti-unti silang nagiging
materyalistiko at ambisyoso.
Mahirap ang buhay sa Maynila, sa lungsod. Pangkaraniwang tanawin ang mga iskwater na tulad
nina Atong at perla. Maraming nawawalan ng trabaho. Iba‘t ibang uri ng krimen ang nagaganap tulad
ng di inaasahang pagkakapatay ni Julio sa isang lalaki sa Agrifina Circle o ang pagkakanakaw ng isang
pulis sa pitaka niyang naglalaman ng perang ibinigay nila ni Pol kay Perla. Sa ganitong sitwasyon
lalong nagiging mapagkakompetisyon ang mga tao. Si Imo ay nagtatrabaho sa konstruksyon sa umaga
at nag-aaral naman sa gabi. Nang makapasok siya sa isang malaking advertising company, nagbago ang
kaniyang pananaw sa buhay. Ayon sa kanya ngayo‘y sa natapos hinuhusgahan ang tao, na para bang
pag may natapos kay may laman na nga ang ulo mo‘. Ang pagpapahalaga naman sa pera ay malalagom
sa mga sinabi ni Atong. Masarap daw at kaakit-akit ang buhay sa lungsod kung may pera kang
gagastusin. Ngunit kung wala ay patay-patayan ka.
C. Bisa sa Kaasalan
Sa nobela, mahalaga ang values ng pakikisama, damayan, at utang na loob katulad ng
pagtutulungan nina Julio at Pol upang mabuhay. Isa ring asal sa kanila ang pagsasawalang kibo o
passivity at pagpapasailalim sa nakatataas tulad ni Mr. Balajadia upang di mawalan ng trabaho. At ang
mga kaasalan at paraan ng pag-iisip na ito ang nakaimpluwensya at nakapagpabago sa mga gawain at
pagkilos ng tao. Halimbawa nito, dahil wala nang kasama at katulong sa paghahanap-buhay matapos
mamatay at matupok ng apoy ang kaniyang ama at kanilang bahay; at dahil na rin sa wala siyang
maaasahang dadamay, ay napiling maging puta si Perla – ang pinakamadaling paraan upang kumita at
mabuhay. Lumitaw ang kahalagahan ng pera o ang magandang puwesto upang mabuhay ng marangal
sa loob ng isang lungsod na kung saan ang mga tao ay walang tigil na nakikipagsapalaran at
nakikipagkompetisyon sa isa‘t isa upang umasenso at umunlad.

You might also like