You are on page 1of 2

St.

Adelaide School – Philippines


Don Matias, Burgos, Pangasinan

GABAY SA PAG-AARAL 5-6 SA ARALING PANLIPUNAN 6

ANTAS/BAITANG 6
PAKSA/PAMAGAT Aralin 4- Pananakop ng mga Amerikano
WEEK/S: Unang Markahan
Week 5-6
September 06-17, 2021
PANGKALAHATANG PANUTO: Tiyaking basahin ng may pang-unawa ang nakasaad dito. Gawin lahat ang mga iniatang na
gawain at sundan ang mga hakbang na inilahad upang mas matamo ang pagkatuto para sa mga aralin.

I. PANIMULA
Ang modyul na ito ay naglalahad ng mga pangyayari hinggil sa tuwirang pagsisimula ng alitan sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano na pinagsimulan ng digmaang Pilipino-Amerikano. Isa itong malawakang digmaan na tumagal nang mahigit sa
dalawang taon. Dahil sa mga makabagong armas at kasanayan sa pakikihamok ng mga sundalong Amerikano, madaling nagapi
ang mga rebolusyunaryo. Nakubkob at napasailalim ang Pilipinas sa panibagong mananakop: ang bansang Amerika.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang mapanuring pagunawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang
kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay
sa lokasyon nito sa mundo.
Ngayon ay handa ka na para sa aralin. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng may pang-unawa sa mga kasunod na
konsepto. Galingan mo! Inaasahan kong kakayanin mo ang Gabay sa Pag-aaral na ito.

II. SAKLAW NG GABAY SA PAG-AARAL


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:
ARALIN 4: Pananakop ng mga Amerikano
 Paksa: Pananakop ng mga Amerikano
 Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kalayaan, Nasyonalismo

Kakailanganin mo rin ang mga sumusunod na kagamitan para sa pag-aaral. Kung ikaw ay gagamit ng ONLINE LEARNING
sa pag-aaral kailangang may: Gabay sa Pag-aaral, worksheets, laptop o cellphone, aklat at internet connection upang
maisakatuparan ang mga gawain. Sa kabilang banda, kung ikaw ay gagamit ng OFFLINE LEARNING, kailangang may: Gabay
sa Pag-aaral , aklat, worksheets at mga files sa flash drive na ibinigay sa iyo.
Palalalimin din natin ang iyong pang-unawa sa katanungang Paano natin mapapahalagahan ang mga ginawa ng mga
makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan?
Ang mahalagang tanong na ito ay magiging gabay mo sa pagbuo at pagtuklas ng mahalagang konsepto o pag-unawa sa
Gabay sa Pag-aaral na ito.

III. INAASAHANG MGA KASANAYAN


Narito ang mga kailangan mong matutunan sa araling ito:
1. Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa simula ng pananakop ng Amerika sa bansa;
2. Napahahalagahan ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at ang Deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas;
3. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano;
4. Natutukoy ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa digmaan ng mga Pilipino laban sa Amerika;
5. Natatalakay ang Kasunduang Bates; at
6. Nabibigyang-halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan AP6PMK-Ih-11.

IV. PAGTALAKAY SA ARALIN


A. Pagtuklas

1|Page
Sa ilalim ng patakarang Benebolenteng Asimilasyon, iba’t ibang patakaran ang pinagtibay ng Pamahalaang Amerikano
upang hadlangan ang Nasyonalismong Pilipino. Nagdulot ng maraming pagbabago ang mga patakarang ipinatupad ng bagong
pamahalaang Amerikano sa lipunang Pilipino. May mga Pilipinong nasiyahan, ngunit hindi lahat ng mga Pilipino ay natuwa sa
pamamaraan ng pananakop ng mga Amerikano. Nagkaroon din ng mga Kilusang Mesianiko na lumaban sa kanilang mga
pamamalakad. Ang lahat ng iyan ay liliwanagin sa moyul na ito. Marahil ay handang handa ka na.

Pero bago natin itong tuklasin ang ating tatalakayin ngayon linggo ay balikan nating muli ang mga mahahalagang
katanungan na kailangan mong maunawaan sa pagtalakay ng ating aralin: Paano natin ipagtatanggol ang ating bansa sa
oras ng pananakop?

B. Paglinang
Tara, atin na itong tuklasin buksan ang iyong aklat at basahin ang napapatungkol sa pagsakop ng mga Amerikano sa
ating bansa simulant natin ang pagbabasa sa pahina 57-65.

C. Pagpapalalim
Palalimin pa natin ang iyong karunungan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nilalaman patungkol sa kung paano
nga ba nagsimula ang digmaang Pilipino at Amerikano alamin natin ito sa pahina 66-71.
Pasasaan pa’t hindi natin makakamtam ang ating inaasam na kalayaan kung wala itong mga kilala nating matatalino at
matatayog nating mga bayani
Ipagpatuloy ang pagbabasa sa pahina 72-74 kilalanin ang ilang natatanging Pilipinong Nakipaglaban para sa kalayaan
noon.
-Gawain 1: Pagkatapos ay handa ka ng sagutan ang mga katanungan sa pahina 76 titik B sa worksheet (sagot lamang)
-Gawain 2: Buksan ang aklat sa pahina 77 at sagutan ang titik C sa worksheet. (sagot lamang)

D. Paglalapat
Alam kong handa ka na para gawin ang iyong pangwakas na gawain sa araling ito. Gawin na natin ang inaasahang
gawain.

V. PAGTATAYA/EBALWASYON
INAASAHANG GAWAIN: Ngayong natutuhan mo na ang mga aral tungkol sa mga paraang ginawa n gating mga ninuno
upang,ilahad kung paano natin mapananatili ang ating kalayaan sa pananakop ng mga dayuhan. Ipaliwanag ang mga
katanungan na nasa baba.
1. Sumulat ng dalawang na paraan kung paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtutol sa pananakop ng
mga Amerikano.
2. Magbigay ng dalawang paaran kung paano nasupil ng mga Amrikano ang mga Pilipino sa pakikipaglaban?

Ngayon ay balikan natin ang mahalagang tanong at atin itong sagutan.


Paano natin ipagtatanggol ang ating bansa sa oras ng pananakop?
Maipagtatanggol natin an gating bansa sa pamamagitan ng pagsasama-sama o isang pusong lahing Pilipinong lumalaban
at ipaglalaban ang karapatan para sa bansang kanyang minamahal at kailan man ay ' di pasisiil.

VI. SANGGUNIAN
Aklat: Antonio, Eleanor D.; Banlaygas, Emilia T.; Dallo, Evangeline M. (2017). Kayamanan 6. Rex Book Store. p.56-82.

PUPIL/STUDENT’S ACTIVITY TRACKER

Week no. 3-4


MGA GAWAIN LAGYAN NG TSEK KUNG NATAPOS NA
ARALING PANLIPUNAN 6 ANG MGA GAWAIN
Gawain 1
Gawain 2
Inaasahang Gawain

2|Page

You might also like