Professional Documents
Culture Documents
ipinahahayag nito ang kahulugan ng pahayag bagamat sa karaniwang takbo ng buhay sa araw-araw,
ang ipinahahayag. Nagagamit din ito sa pagpapaalala sa mga nakakalimot ng tamang asal.
Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
C. KASABIHAN
D. IDYOMA
Ito ay matalinghagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito.
Natututunan pa rin ang kahulugan sa tulong ng malalim na pag-unawa sa diwa ng pangungusap.
Halimbawa: naniningalang pugad – nanliligaw
Kabungguang balikat – kaibigan
E. TAYUTAY
Anumang pahayag ay gumaganda kung katuwang nito’y mga tayutay sa iba’t ibang uri nito.
1. Patulad/Simili – Ang paghahambing ng dalawang bagay sa tulong ng mga salitang pahambing sa
masining na pahayag. Halimbawa: Simputi ng labanos ang binti ni Adela.
3. Personipikasyon – Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa
tulong ng pandiwa. Dito, pandiwa na kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan ay siya ring
ipinanlalarawan sa bagay upang mag-anyong may buhay. Halimbawa: Lumakad ang ulap sa kalawakan.
4. Paurintao – Uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pang-
uri. Ang pang-uring gamit ay pantao na ikakapit sa bagay kaya ang bagay na inilarawan ay waring may
buhay na’t gumagalaw. Halimbawa: Ang masinop kong sapatos, palagi akong dala-dala.
5. Sinekdoke – Uri nga tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan. Maaaring
bahagi ng katawan ang isang tao o bahagi ng bahay na kahit bahagi lang ang banggitin, tumutukoy na
ito sa kalahatan. Halimbawa: Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan.
6. Oksimoron – Sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat ang
kahulugan upang ipahayag ang diwa ng pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo o negatibo
ang hatid na kahulugan. Halimbawa: Hihiga’t babangon siya sa pag-aalala.
7. Metonimya – Ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang katawanin ang isang bagay o pangngalan.
Sa halip na payak o simpleng salita ang tukuyin, pinapalitan ito ng salitang matalinghaga. Halimbawa:
Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit sa sukat ngunit malaki ang puso.
8. Pagtawag – Ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi nakikita ay kinakausap o tinatawag na
parang may buhay at nakikita. Ang pagtawag sa salitang abstrak ay may himig ng pagnanais o ng parang
hinanakit. Halimbawa: Kaligayahan kay ilap-ilap mo.
9. Paradoks – Katumbas ito ng mga salawikain o sawikain, nagbibigay aral at puno ng kagandahang asal.
Madalas, nagsisilbing pampaalala sa nakakalimot ng kagandahang asal. Halimbawa: Kung may isinuksok
may madudukot.
13. Onomatopeya - Ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng kahulugan nito. Sa bagay na ito,
lubhang kailangang sensitibo sa tunog ng salitang ang nakikinig upang maiugnay sa tinutukoy.
Halimbawa: Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan.
14. Aliterasyon – Ang pag-uulit ng tunog-katinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag.
Pare-parehong tunog ng katinig ng simulang titik ang karamihan ng mga salita sa loob ng pangungusap
ang tinutukoy. Halimbawa: Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng bukang liwayway.
15. Asonansya – Ang maraming pag-uulit ng magkaparehong tunog-patinig sa simulang titik ng mga
salita sa loob ng pahayag. Dito’y pare-pareho naming titik ng patinig ang simula ng karamihan ng mga
salita sa loob ng pangugusap. Halimbawa: Aalis ako anak sa aking anyong aninag ang kasiyahan.
16. Alusyon – Ang pag-aalalang muli sa kaalamang patuloy na naiimbak sa likod ng utak ng taong may
pinag-aralan. Kabilang ang mga ito sa ating wikang frozen na naaalala’t nagagamit sapanahong talagang
kailangan. Ito ang mga salitang kapag nabanggit, agad ay matutukoy kung nasa kategoryang literatura,
mitolohiya o bibliya.
a. Alusyon sa Heograpiya – sa pangungusap ay may binabanggit na nauukol ang kaisipan sa
heograpiya. Halimbawa: Mt. Mayon ang Mt. Fuji sa Pilipinas.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education 3
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education
V. AKTIBITI:
A. PAANO: Tukuyin ang angkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Kadalasa’y gamit ng mga ______ ang matatalinghagang pahayag. _____________________
2. _______ ang sagot sa mga nakakalimot ng kagandahang-asal dahil punong ___________________
3. puno ito ng mga _______. __________________
4. Taglay rin nito ang aral ngunit mababaw lamang. ________________
5. Ang pahayag na di mahapayang gating ay may makahulugang ________. __________________
6. Gabundok ang kain niya. Ang uri ng tayutay nito ay ________. _________________
7. Ang mga salitang: tulad ng, kawangis, kawangki, kamukha ay gamit sa tuyutay na _________.
________________
8. Siya ang Sisa ng barangay naming (uri ng tayutay) _________________
9. Sila ang galamay ng sindikato. (uri ng tayutay) _________________
10. Bahagi lamang ng kabuuan ang tinutukoy ng tayutay na ito. ____________________
B. PAANO: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
1. Kawangki niya’y ahas na tulog. _________________
2. Di magkamayaw ang mga taong paroo’t parito. __________________
3. Sampung daliri ang nagtulong-tulong sa proyekto. ____________________
4. Venus siya ng Pilipinas. __________________
5. Tukso, layuan mo ako. __________________
6. Iduyan mo ako sa hangin. __________________
7. Maawaing tsinelas ang bigay niya sa akin. ________________
VI. AWTPUT:
Ipasa ang “soft copy” ng inyong kasagutan sa LMS ng asignatura o sa GMAIL ng guro.
VII. EBALWASYON:
Gawain A at B: Isang puntos bawat bilang na binubuo ng 20 puntos.