You are on page 1of 460

------------------------------

TITLE: Steal thy heart (TO BE PUBLISHED BY BOOKWARE)


LENGTH: 15514
DATE: Jun 29, 2013
VOTE COUNT: 509
READ COUNT: 65769
COMMENT COUNT: 61
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: AnnSyvil
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2015-04-17 07:08:51

------------------------------

####################################
Chapter 1
####################################

Natalie

"Miss, saan ka nga papunta?"

I shot a dirty look at the cab's driver. Pambihira! Kanina ko pa sinabi sa kanya na
ihatid ako sa Remix bar. Bingengot ba to?

"Manong, sinabi ko na ho sa inyo, sa Remix bar, sa makati ho yun! Ano ho bang parte
ng Remix bar ang hindi nyo maintindihan nang maeksplika ko ho? Eh kung hindi nyo
naman pala alam yung lugar, sana sinabi nyo ho kanina pa, para nakahanap ako ng
ibang taxi." umirap ako. Mas lalo ko pang ikinainis ang nakita kong malisyosong
tingin nya sakin mula sa rearview mirror.

Uhg! Kung hindi ka ba naman kase sira, Natalie! Bakit ka nagsuot ng pagkaikli
ikling damit na yan? Alam mo naman na hindi mo forte ang pagpapasexy!

But I need to do this. Hindi magtatagumpay ang misyon ko kung hindi ako mageeffort.
Ngayong gabi ko lang naman gagawin to, pag nakuha ko na ang gusto ko, balik nanaman
ako sa pagiging Manang Natalie ko.

*sigh*

Oo, manang talaga ko kung pumorma. Ni hindi ko nga magawang magsuot ng masikip na
jeans eh. Not that I do not have the body, because I do! I swear, I do! Kaya nga
hindi magkamayaw tong matandang hukluban na driver na to sa kasisilip sa legs ko.
Napairap nanaman ako at ipinatong ko ang maliit na purse ko na hiniram ko pa sa
bestfriend kong si Libby. Halos wala rin namang natakpan sa legs ko pero maigi na
to, kesa wala.

Anyway, back to the topic. May katawan naman talaga ko, hindi ko lang ugali na
ipangalandakan yun. Mas komportable akong magsuot ng baggy jeans. Lalo nat sa
propesyon ko, hindi mo naman kailangan na maging maganda o sexy. Basta maganda ang
gawa mo, okay na. Kiber kung mukha akong mabaho at marungis. Diba ganun naman
kadalasan ang mga artists? Mga eccentric?

(No offense meant)

Nabanggit ko narin lang naman, oo, isa kong artist. To be exact, pintor ako.
Hindi nga lang ako bigtime. SA NGAYON. Dahil naniniwala akong balang araw, sisikat
din ako. Hindi pa nga lang sa ngayon.

Napailing ako at nagconcentrate na lang sa pagtingin sa daan na tinatahak ng taxi


na sinakyan ko.

So, now youre asking kung anong misyon ko? Na artist naman pala ko, pero bakit ako
nakaayos na parang bayarang babae? Mamaya malalaman nyo pag nakarating tayo sa Bar
na sinasabi ko. I crossed my fingers and prayed that I would see him there. Kundi,
malamang extended ang Natalie, bimbo version.

Maya maya ay natanawan ko na ang bar na pupuntahan ko. Inihinto ni manong driver
ang taxi sa halos tapat nito, nagbayad lang ako at agad nang bumaba. Hindi pa ko
nakakalayo ay narinig kong sinipulan ako ng bastos na mama.

Grr! Nakakapikon na talaga!

Hindi ako sanay na binabastos ako. Mas sanay ako na ilag ang mga lalaki sakin, o
mga lalaki lang ba? Fine! Pati mga babae. Dahil may pagka wirdo nga ako. Iniiwasan
nila ako, kung hindi naman ay umaakto sila na parang hindi ako nakikita o nageexist
sa mundong ibabaw.

Pers taym kong mapansin. Pero kung ang ibig sabihin ng mapansin ay mabastos at pag
nasahan ng hukluban na to ay di bale na! Mas mamatamisin ko pang maging invisible
na lang habang buhay!

Nakakita ako ng malaking bato sa gilid ng daan at kaagad na dinampot yun.


Pagkatapos ay binalikan ko ang bastos na taxi driver at inamba rito ang hawak ko.
"Ang tanda nyo na ho, nagagawa nyo pang mambastos!" nakita kong dali dali na
inistart nitong muli ang taxi. "Maghanap ho kayo ng ibang babastusin nyo!" pahabol
ko habang papalayo ito.

Bwisit na yon! Hinagis ko ang bato sa kung saan.

Ugh! Nakakaasar talaga!

Nagmartsa na ko papasok ng bar. Nakakainis kase mukhang mga susyal talaga yung mga
tao sa loob. Naiilang ako. Pakiramdam ko, ibang iba ako sa kanila. Pakiramdam ko,
they can all see right through me at nakikita nilang hindi ako nababagay sa mundo
nila.

I shook my head. Ano ka ba naman Natalie? Hindi to oras para magisip ka ng ganyan,
focus, okay? Isa lang ang pakay mo sa lugar na to. Si Caleb Damien Yung. Wala ka
nang ibang iisipin kundi sya lang. Okay? Focus!

I paved my way through the bar.

Agad na hinanap ng mata ko ang pakay ko. Kung hindi lang super reliable ang
nagchuchu sakin ng whereabouts ng Caleb na yun, hindi ako maglalakas loob na dito
sya hanapin. Pero dahil nga tiwala ako sa aking asset, heto na ko.

Sa sobrang daming tao dito ay hindi ko talaga sya mahahanap. Pumikit ako nang
mariin at pilit na inalala sa isip ko ang hitsura nya. He has this brown unruly
hair, brown eyes, proud nose, and thin lips. Hmmmm. He was goodlooking alright.

Hindi ko alam kung sadyang nagpapatawa ang tadhana pero nang sandaling magmulat ako
ng mata ay ang mukha nya ang una kong nakita. He was sitting alone in one corner, a
bottle of alcohol in one hand and a shot glass in another. I gulped. Anak ng pusit,
mas gwapo pala sya sa personal? Nakaramdam ako ng pangangatog ng binti nang makita
ko sya. Oo, mas gwapo sya sa personal pero hindi lang yun. He looks more
intimidating in person. Not because he looked masungit, pero every inch of him is
oozing with sex appeal and well, screaming RICH. Kinabahan ako. Kaya ko ba talaga?
Magagawa ko ba?

Huminga ko ng malalim. Hindi ito ang oras para kabahan ako. Hindi pwedeng ngayon pa
ko magback out.

Kaunti lang ang oras na meron ako.

Agad akong naglalakad papalapit sa kanya. Sakto namang napalingon sya sa direksyon
ko and seeing that i was looking at him, his eyebrows raised in unison. Bigla lalo
akong kinabahan.

Oh sht! Oh sht! Di ko kaya!

Imbis na dumiretso sa kanya ay umiba ako nang direksyon. Papunta sa pinakadulo ng


bar.

I gripped the edges of it and sat on the stool immidiately. Natalie naman! Umayos
ka! Naduwag ka naman agad? Para san pa't nageffort kang magdamit ng ganyan kung
magiinarte ka? Get a grip, please?

Kinawayan ko yung bartender. Oorder na muna ko ng alak, sabi kase nila, pag
nakainom ka, nawawala yung inhibitions mo, nagiging mas makapal ang mukha mo at
nagiging malakas ang loob mo.

Okay, i need this right now.

Actually, hindi ko naman pers taym uminom. Nakatikim na din ako ng beer pero konti
lang, kapag trip lang ng bestfriend kong si Libby. Yun ay pag sawa na sya sa
pakikipagsusyalan sa mundo ng modeling. Bumabalik sya sakin para ipaalala sa sarili
nya kung sino talaga sya. Anyway, hindi tayo nandito para pagusapan ang model kong
bestfriend.

Teka, eto na yung bartender!

"Drinks, my lady?" nakangiting bati nya sakin.

Oh la la! Ang pogi naman nya! Promise may hawig sya dun sa bida sa The Vow. Shemay!
Kasing sexy din kaya ng kay Channing Tatum ang pwet nya?

Nagblush ako sa sarili kong isipin. Kamusta ka naman Natalie? Ambastos ng iniisip
mo! Ano ka manyak?

"Miss?" untag ni Channing Tatum kalokalike.

"Ah eh.." hala? Ano bang dapat ko palang iorder? Parang di naman uso ang beer
ditey? Napalingon ako sa mga babeng nakaupo di kalayuan sakin. Ayun! May alak
silang hawak! Yun na lang!

"Uhh.. Yun! Gusto ko yun ininom nila, bigyan mo ko nun!" turo ko dun sa hawak ng
babae.

Muling ngumiti si Channing Tatum kalokalike. "Its a tequila, miss. Are you sure you
want that?"

Hindi ko alam kung nakikipagflirt ba sya sakin o anu. Nginitian ko na lang sya at
tumango ako. Hmmmm.. Tequila pala yun! Narinig ko na yung alak na yun, baka sabihin
nyo naman napaka ignoramus ko!

Maya maya ay sinerve na sakin ni CTK yung tequila. He again flashed me a


"makalaglag panty smile" saka umalis na. Napakibit balikat na lang ako at
binalingan ang inumin ko.

Luh? Bat ganun? May asin pa sa paligid ng baso tas may slice ng malaking calamansi,
i mean, lime? Tama diba? Lime ang tawag dito? Ew. Pinahid ko ang daliri ko sa
paligid ng baso para matanggal yung asin. Bah yan? Ganito ba talaga iserve tong
drink na to? Para san ba yun?

I brought the glass to my lips and took a sip on it.

PWEH!!

Grabe! Ang sama ng lasa!

Mas masahol pa to sa beer eh! Tsk.

Napansin kong lumapit sakin si CTK. He has this concerned look on his face. "Are
you okay, Miss?" sa lahat ba ng babaeng costumer, ganito sya ka attentive? O sakin
lang?

Wow, feelingera! Eh di ikaw na ang maganda!

"Ampanget ng lasa." reklamo ko at iniusog pabalik sa kanya ang baso ng tequila.

Natawa naman sya. "Let me guess, first time?"

"Hindi ah? Nakatry na ko ng beer!"

Tumawa ulit sya. "Then you should have just ordered a beer, available naman yun
dito."

"No, i need something stronger."

"Stronger huh?" he smirked. Inilapit nya sakin ang isang panibagong alak. "Here,
its a lemon drop, kung ayaw mo ng beer. You need something a bit tamer than a
tequila."

Napangiti na ko. Ang bait nya. "Thank you ha?"

"Anytime." he smiled yet again.

Paalis na sya nun tawagin ko ulit ang atensyon nya. "Kuya, kamukha mo si Channing
Tatum!"

With that, he laughed out loud. "Youre funny. Enjoy your drink."

Napangiti ako sa sarili ko. Huwaw! First time ko na makipagusap ng ganun sa isang
lalaki, maliban sa best friend/boyfriend ko na si Axel. Ooops, let me correct
myself, exboyfriend.

I sighed, nakipagbreak sya sakin dahil kay Heather. Kung makafirst name basis naman
ako, kala mo close eh no? Pero hindi. Hindi ko pa nakikita sa personal ang babaeng
yun pero marami na kong alam tungkol sa kanya. Alam kong isa syang international
supermodel at ex fiancee ni Caleb Damien Yung.
Naikuyom ko ang kamao ko. Kung hindi dahil sa kagagawan ng Caleb na yan, hindi
makikilala ng Axel ko ang Heather na yun! Kung hindi dahil sa kanya, hindi
magkakainlove-an ang dalawa at hindi ako iiwan ni Axel.

Huminga ko ng malalim.

Napagalaman ko na sinet up ni Caleb ang dalawa para hindi nya pakasalan si Heather.
Nakakagigil! Gusto nyang lusutan ang sarili nyang problema at the expense of
others?!

At ako pa? Ako pa ang nawalan? Ako na walang ibang meron kundi si Axel, si Libby at
ang condo ko lang?

Ang dami naman dyang iba! Bakit ako pa?

BAKIT???!!!!

Syet.

Ang drama.

Dahil sa ginawa ng Caleb na yun, nawala ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay
ko. Kaya naman babawian ko sya.

Ginamit nya ko para makalusot sa kasal nya, gagamitin ko naman sya para mabawi ang
dapat na saakin.

Lakas maka-Senyora Santibañez ng drama ko no? Wuhahaha!

A few minutes later..

Nakailang shots na ko ng lemon drop. In fairness, ang sarap neto, parang hindi
alak! Unti unti na kong nalalasing at unti unti ko narin nararamdaman na lumalakas
ang loob ko.

Imagine? Kanina sampung upuan ang pagitan namin ni Caleb, ngayon, five na lang! Oh
yesssh!

Achieve!

Muli kong tinapunan ng tingin si Caleb Damien Yung. Wow.. Bakit parang papogi ng
papogi ang dating nya sakin? He was still quietly sitting there and sipping his
drink. I watched as he slowly brought the shot glass to his lips. Is it just me or
pati kayo naiisip nyo na sana ako na lang yung shot glass? Para dumampi din sakin
ang labi nya?

Ano kayang lasa ng bibig nya? Siguro mas masarap dahil sa alak? O mas masarap yung
alak dahil nasa bibig nya?

Luh? Kamusta naman yung kalandian ko diba? Kailan pa ko naging ganito? Samantalang
dati ni hindi nakapagisip ng ganun kay Axel! May kasama atang pampalibog tong alak
na binigay ni CTK?!

O baka naman nasa aura ni Caleb yun?

Sexy nya kase..

Mukhang mahilig din tong lalaking to eh. Tamang tama pala ang get up ko!
Its time!

Kailangan gamitin ko na ang karisma na sinasabi ni Libby na taglay ko para maakit


si Caleb. At pag nakuha ko na ang atensyon nya, saka ko sya paaaminin ng kasalanan
nya.

At presto!

Magagamit ko na yun na pang blackmail sa kanya!

Yes! Im so briliiant!

May halo din atang pampahyper tong lemon drop na to ah?

Dinukot ko ang mini recorder na binili ko kahapon. Ang mahal pala neto! Waley na
nga kong datung ginastos ko pa para makabili nito. Di bale na, para naman to sa
pinakamamahal kong si Axel! Mientras mamulubi ako, basta andyan sya sa tabi ko.
Masaya ko. Ika nga nila, love will keep us alive!

(Medyo Bugak)

In-on ko na ang aparato at isinuksok sa loob ng damit ko. Sa may badang dibdib.
Maliit naman kase sya parang mp3 player lang kaya di mapapansin.

Inisang lagok ko ang pang-God-knows-kung pangilan shot ko ng lemon drop. Tapos


tumayo na ko at lumapit sa kinauupuan ni Caleb.

Hindi ko alam kung ano bang tamang approach ng isang babae sa ganitong sitwasyon so
I settled with, "Hi."

Agad naman akong nilingon nito. Ay por Dyos por santo! He had the most captivating
eyes I have ever seen.. I dont even know how to describe them. Basta ang napuna ko
lang nang mga panahon na iyon, ay kung paano bumaon sa pagkatao ko ang titig nya,
at kung bakit sa di maipaliwanang na dahilan ay parang may nagspasparkle na parang
ginto dito. Wow..

"Yes?" untag nya saakin.

"H-ha?" parang namamalikmata na napakurap kurap ako. Ako lang ba o sadyang may
mapangakit na tono ang boses nya? It actually made the hairs behind my neck stood
on its ends. "A-ah eh.." sht! I really couldnt find the right words to say!

Nainip marahil sya sa pagtayo ko doon na parang tanga kaya muli na syang nagbaling
ng paningin.

Palpak!!

Pero hindi ako susuko! Ako pa? Kahit anong mangyare, hindi susuko si Natalie
Gifford!

Atubiling naupo ako sa tabi nya. Tamang tama naman na nakamasid saamin sa di
kalayuan si Channing Tatum kalokalike. He had this amused look on his face while
watching us. I caught his eye and ordered another shot of Lemon drop.

Pampalakas ulit ng loob. Hehe.

"Uhh.. Hello?" i tried again. Pero sadya yatang na turn off na sakin si Caleb kaya
hindi na nya ko muling nilingon. Nanatili lang syang nakatingin sa malayo at
pinapaikot ang baso nya ng alak.
Ano ba naman to? Suplado!

Inilapag ni CTK yung alak sa harap ko. Dinampot ko iyon at inistraight. Napansin
kong medyo nagiging light headed na ko. Napaparami na ko ng inom. Umorder ako ng
isa pang round kay CTK, saka ko binalingan si Caleb. "Hi! Ako nga pala si Diane!"
magiliw na sabi ko. Syempre naman hindi ko binigay ang tunay kong pangalan.

Naghintay ako ng reaksyon sa kanya pero wala.

"Mag isa ka lang ba?" No reaction pa din. Teka? Baka hindi sya nakakaintindi ng
tagalog? Eninglish ko nga, "Are you alone?"

Wala pa din. Ano ba???

Hala, baka chinese lang naiintindihan nya? "Ni hao ma!" O japanese kaya?
"Arigatou!" ooops, thank you ata ibig sabihin nun? Mali. Mali.

Tintry ko na magbisaya, mag ilokano pero sadyang di nya ko pinapansin. Nawawalan na


talaga ko ng pagasa!

Uminom akong muli ng alak, baka matulungan akong magisip nito.

Nawala na sa isip ko na baka wala naman na kong pera pambayad sa mga nainom ko.
Sige lang kase sa pagserve ng alak itong bartender na to na kamuka ni.. Ni.. Sino
nga ba yun?

Aish! Nevermind!

Tumingin ako ulit kay Caleb, parang di na sya mapakali sa kinauupuan nya. Ano bang
gagawin ko para lang mapansin mo ko? Kailangan kong makuha ang impormasyon sayo!
Kailangan kita para tulungan akong mabawi si Axel kooo!

"Ano ba? Pansinin mo naman ako!" i cried. "Sige na, rapin mo na ko!"

Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang bagay na yun pero huli na para
bawiin ko pa. Besides, mukhang naging effective naman dahil agad syang napatingin
sakin.

Haaaay.. Definitely, hindi ko babawiin ang sinabi ko. Kung ganito ba naman kagwapo
eh sige, magpaparape na ko!

"Rape me, rape me please?" i looked up at him at ibinuka ang mga braso ko na parang
piniprisinta ang sarili ko. "I wanna make love with you tonight!"

"What the heck are you saying?" he looks at me in disgust.

Uh-oh.

A/N: Compared sa Book 2 ng Wicked Ways, much lighter ang mood nito kaya if ever
masyado kayong masiryosohan dun sa isa, eto na lang basahin nyo. hahahaha! I just
hope mapatawa ko kayo sa story na to. OO ALAM KO MAY PAGKA CORNY AKO MINSAN. OK
MADALAS! MADALAS CORNY AKO. Sorry naman. Patawad :DDD

Basta I will try my best para mapaganda ang story ni Caleb.

Pa comment naman oh, tell me what you think about it. :)


####################################
Chapter 2
####################################

Caleb

I am now officially free.

No commitments. No impending wedding. No irritating as hell fiancee.

I am now single, again.

And I am now here at, my friend, RD's bar, to celebrate my freedom. I am with no
one. Hindi ko na tinawagan ang mga barkada ko para samahan ako. Besides, wala
namang isa sa kanilang nakakaalam ng ipinagcecelbrate ko. Except RD.

Hindi ko ipinaalam sa kanila na may fiancee ako. Na nakatakda na kong ikasal. Only
RD knew about my lolo's insane idea of having me engaged with one of his
bestfriend's granddaughter. At kaya lang naman ito nalaman ni RD ay dahil malapit
na kamag anak din nya ang ex fiancee ko. I vowed him to secrecy. Alam naman naming
pareho na sa pangalawang pagkakataon, malulusutan kong muli ang kalokohang plano ni
lolo sa buhay ko.

But of course I have to be very discreet about it. My grandfather doesnt have to
know that I was the one screwing up his plans for me.

Why?

Dahil pag nagkataon, mawawalan ako ng mana. Simple.

I am the sole successor of the Yung clan. And I am not some special kind of an
idiot to let that go. Napakalaking kumpanya ang pagaari ng pamilya namin. We own a
5-star hotel, a resort and a casino.

Isang malaking kalokohan na bitawan ko yun. But I cant handle marrying someone I
dont love. Call me old fashioned or a pussy but thats the truth.

So, I did my best to get rid of Heather.

Actually, it was easy. I just had to lock her up in a cabin in one of our resorts
in palawan, with some stranger and have our parents bust them up. From there,
madali nang tanggihan ang kasal na pinaplano nila para saamin. Isa iyong malaking
eskandalo para sa kanila. Pero akalain mo na magkakagustuhan sila? At talagang may
mangyare sa kanila sa cabin na yun? Fate really works wonders.

And I am thankful for it is in my favor. Lets drink to that!

"Hi."

Agad akong napalingon sa tinig na iyon na tumawag sa aking pansin. Standing beside
me is a girl with pretty brown hair, her face covered with too much make up, and
wearing some pitiful excuse for a dress. Okay, balik tayo sa buhok nya, since yun
lang naman ang maganda sa kanya. "Yes?"

The moment na magtama ang mata namin ay parang natulala ang babae at hindi
nakapagsalita. She stuttered there like an idiot so I lost my interest completely.

What the hell happened to women these days? Kailangan ba talagang gawing coloring
book ang mukha para maging maganda? Kailangan ba magsuot ng ganyang klase ng damit
para maging sexy? Tsk. Nakakaawa.
At nakakaturn off.

I may sound so gay for being too picky with women but what can I do? I am not like
my slut friends, namely Ram, Liam and Drae, who fcks around with women. Be it
classy or not. I shook my head in disgust.

Naramdaman kong naupo sa tabi ko ang babae. She tried once again to catch my
attention by saying hello but I didnt mind her. Pinaka ayaw ko sa lahat yung mga
taong papansin. She kept on talking to me in other languages which made me want to
laugh. But I didnt. RD's watching us with this weird look in his face and I dont
like it. And he also kept on giving the woman some alcohol which earned him a
deathly glare from me. What the hell is he doing?!

He just shrugged which pissed me off some more. Effin weirdo. That is what my
friend is.

I tried blocking off the woman's voice by thinking of something else. But she just
kept blabbering right there. Konti na lang, masisira na ang gabi ko sa kanya! Ngali
ngali na kong umalis dito. Sana sa bahay na lang ako naginom.

"Ano ba? Pansinin mo naman ako! Sige na, Rapin mo na ko!"

I was beyond shock with what I heard the woman say. If she wanted to sleep with me
cant she be at least be discreet and subtle about it. Ano ba naman to? Napatingin
akong muli sa kanya.

That seem to gave her more courage.

"Rape me! Rape me, please?" she extended her arms as if to hug me. "I wanna make
love with you tonight!"

"What the heck are you saying?!" i hissed at her. I looked around and saw nobody
paying attention to us. Good. Kase nakakahiya. Damn it! Nung muli ko syang balingan
at parang napahiya na sya sakin. Nangingilid ang luha sa mga mata nya.

Oh sht. The last thing I wanted is to see a woman bawling in front of me.

What to do?!

I looked at RD for some support but he just stood there grinning at us. Asshole!

I looked at the girl once again. "Hey, Im sorrry for snapping at you, but can you
please not cry?"

She sniffed and brushed his hand under her eyes. "Sorry."

Noon ko natitigan ng maiigi ang mukha nya. Damn! Without those heavy make ups,
papasa naman syang maganda. No, scratch that! She's beautiful, i have never seen
someone look as innocent before. Natabunan lamang iyon ng makapal nyang make up,
kaya nagmukha rin syang matanda. But she looks young, probably, 18-20 years old or
something? What the heck is she doing in this place like this? Arent they suppose
to ask for IDs to get in this place?

"Whats your name again, Miss and how old are you?" I asked her.

"Ana, 25 years old." she sniffed again.

25? Youve gotta be fcking kidding me! Wait.. "I thought your names Diane?"
"N-no.. Its A-Ana.." she stuttered. Nagsisinungaling pa tong babaeng to. But
nevermind.

"Are you sure youre 25? Coz you look like youre 18."

"Im 25! How am I supposed to get in here if Im 18?!" she snapped at me.

I was taken aback. Did she just raise her voice on me? Napalingon ako kay RD na
tawa ng tawa sa gilid. Siraulong to, imbis na tulungan ako, kala mo nanunuod ng
sitcom, sarap upakan!

"Miss, nagtatanong lang naman ako."

She looked at me at parang natakot sya sakin. "S-sorry.. Kase.."

I sighed. If she will keep on looking at me under those thick lashes of hers and
with those innocent eyes, then, fck me dead, I am going to have to take her home
tonight! "You should go home, youre drunk." i tore my gaze away from her.

"I-I cant.."

"Why?" i looked at her incredulously. "Dont you have a car or something? You-"
hindi pa ko tapos magsalita ay dumukdok na sya sa may bar counter. Holy sht! Lasing
na talaga to! "Miss? Miss?" I hesitated if i should touch her or not. Pero i need
to wake her up, yun ay kung nakatulog na nga sya. Hinawakan ko ang balikat nya to
shook her and I groaned inwardly.

Ang lambot ng balat nya. Ang kinis.

Umayos ka Caleb Damien Yung! Magpakalalaki ka nga!

Pag nagpakalalaki ako, iuuwi ko talaga tong babaeng to! Singhal ko sa isang parte
ng utak ko.

"Miss, okay ka lang ba?" wala na syang naisagot sakin kundi isang ungol. Patay tayo
dyan!

I glared at RD, who's still watching us. "This is your fault, Ferrera! Hindi mo sya
dapat pinainom ng pinainom!"

"She asked for it." he shrugged.

Napanganga ako sa kanya. I wasnt used to RD acting like an asshole, he's always the
nice guy, the gentleman. "Ano ngayon ang gagawin natin sa kanya? We cant just leave
her."

"Take her home."

"I dont know her! Hindi ko alam kung saan sya nakatira!"

Nginisihan lang sya ni RD. "Thats not my problem anymore."

"What are you saying? Youre the one who got her drunk!"

"Yeah, I basically get everyone drunk in here."

What the hell is seriously wrong with this guy? Konting konti na lang huhulagpos na
ang pasensya ko sa taong to. What am I going to do with this girl now? Looks like
RD's not gonna help me one bit. Argh!

"Miss, do you have an ID or something, i need to see where you live." i told her.

She responded with muffled moans which pissed me off some more. I reached for the
purse she had on her lap but she snatched it back. "Ugh!" she groaned.

I took several deep breaths. RD magically disappeared into thin air. Humanda talaga
sakin yung lalaking yun! Suntok ang sasalubong sa kanya sa susunod na beses na
magkita kame. Napaka hudas!

"Miss, kailangan kong malaman kung saan ka nakatira!"

"I live nowhere." she said and then chuckled to herself.

What the fck?

Maya maya ay dumadausdos na sya sa upuan nya. Damn it! She's really drunk. I really
dont have a choice now but to take her home. Or at least i was convincing myself,
that I really do not have a choice.

Or I can take her to the hotel. Right, thats a better idea.

Walang anuman na ipinangko ko sya. Good thing the woman's skinny, madali para sakin
na buhatin na lang sya papunta sa kotse ko. Pagtalikod ko ay agad kong narinig ang
nakakalokong boses ni RD, "Take care of her, alright?"

"Mother fcker." I muttered.

I walked briskly to my car and strapped her in. "I am going to take you to my hotel
since you dont wanna tell me where you live, is that okay with you?"

All she managed to give me is a moan. She had her eyes closed and she was leaning
heavily on the car seat. Wala na to . Napailing na lang ako.

I walk towards my side of the car and got in.

***

After several minutes, we came stumbling to one of the rooms in our hotel. One of
the room attendants assisted me, hindi ko na kase magawang i swipe yung card key
dahil buhat buhat ko si Ana. Or Diane. Whatever.

Nang makapasok kami ay agad ko syang inilapag sa king sized bed. I had to shook my
head to drive away dirty thoughts as I watch her lying there. I pulled the
comforter and covered her exposed body parts. Damn! This woman's a temptation!

Naupo muna ko sa dulo ng kama para magpahinga sana nang marinig ko syang umungot. I
saw her clutching the hem of the comforter to her chest. Nd she was crying.

What the hell?

"Hey, whats wrong?" i asked curiously. I didnt bother getting up from the bed, coz
I am quite wasted myself. Nung hindi sya sumagot ay sinundot ko ng daliri ko ang
tuhod nya nakaumbok sa loob ng comforter. "Huy, okay ka lang dyan?"

"Axel.." she sobbed.

Axel??
"Please.. Wag mo kong iwan.." she continued sniffing.

Hell.. So she's broken hearted? Kaya sya nagiinom sa bar kanina? Maybe she thought
I cound be a distraction, s'why she approached me. I shrugged.

"Please.. Dont.."

I chuckled. "You know what, Ana? Or Diane.. If i were you, forget about your
asshole of a boyfriend. It wont do you good, having drinking spree over him. Just
move the eff on." i shook my head, grinning to myself. Lasing na talaga ko. Kung
anu ano nang sinasabi ko eh. "But you know what? Youre lucky. Coz you get to have a
choice. Ikaw mismo ang pipili ng mamahalin mo at makakasama mo habang buhay."

I sighed. It felt somewhat good spilling it to someone. Be that a stranger. Parang


gumaan ng konti ang loob ko. I looked at the woman and she stopped thrashing
already, she seemed asleep. "As for me, I dont have a choice for that matter. Si
lolo ang nagdedecide kung sinong mapapangasawa ko. Aint that some kind of a sht?
Ang tanda ko na pero dinidiktahan pa nya ko. He's using me, para lumaki pa lalo ang
negosyo namin. Bullsht. Like we aint rich enough."

"Anyway, to cut the story short, I got rid of my fiancee.." i really dont know why
Im saying this. "I set her up with another guy. I didnt knew it would work like a
charm, but it did. So, once again, Im a free man!" i grinned like an idiot.

But my smile faded and turned into confusion when the woman suddenly bolted
upright.

Napamaang ako. "Are you okay?"

She just grinned at me from ear to ear. What the fck? May dinukot syang kung anong
aparato sa dibdib nya. "I gotcha!"

"W-what?"

She jumped out of bed. Hindi ako nakakakilos dun, I remained sitting there watching
her. "Huli na kita. Youre so dumb Caleb Damien Yung, i recorded everything you
said."

How the hell did she know me?

Wait..

What?!

She recorded it?

Fck!

What have I gotten myself into?

A/N: So pano? Next week na lang ulit? :D

Comment and Vote. Thanks!

~Ann.
####################################
Chapter 3
####################################
Caleb

Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinarap ang babae. "What the hell are you saying?
Why did you do that? Are you some kind of a private investigator my lolo hired?"

She just shook her brown head and grinned at me like a shitless idiot.

"Or is it Heather?!" i demanded.

"No, just me.."

"What?!" agad akong lumapit para hawakan sya but she immidiately jumped back.
"Hindi ako nakikipagbiruan dito, Ana or Diane, or whatever! Bakit mo nirecord ang
mga sinabi ko?! Para saan yan?"

"Hawak na kita ngayon sa leeg." she laughed like a maniac.

What the---? "This is not a freakin joke, okay?!" dumadagundong na ang boses ko but
she doesnt seem to be moved, or affected even. "Let me guess, youre gonna use that
to blackmail me!"

"About time, Caleb! Akala ko talagang shopol ka eh." humalakhak sya.

"A-anong shopol?"

"Bobo, tanga, stupid, dumb?" i wanted to wipe that stupid ass grin off her face.

Naningkit ang mata ko. This woman! "Give me that!" i reached for the piece of metal
from her hand but she moved it away before i touched it and put it inside her bra
again. Sht!

"Ano ko bale? Bakit ko ibibigay to sayo?" she folded her arms in front of her. "Eto
lang ang paraan para mabawi ko ang boyfriend ko."

"Boyfriend mo?!"

"Oo, si Axel!"

"Ano namang paki ko sa Axel na yun? Anong kinalaman ko sa gulo nyo?!"

Naging isang linya ang mga labi nya. "Ikaw lang naman ang kumag na nagset up sa
boyfriend ko at sa Heather na yun!" her eyes burned with intense dislike.

"I-I.." naguguluhan ako. Boyfriend nya yung lalaking yun?!

"Oh ngayon, wala kang masabi?! Ganyan tayo eh! Gagawa ng kalokohan, pag
nagkahulihan, tahimik! Kala mo kung sinong santo!" she said, sneering.

"And who are you to speak to me like that?!" naiinis na sagot ko. Ayos to ah? Kung
makapagsalita, akala mo kung sino! Kala mo kung sinong perpekto na walang nagawang
kalokohan sa buhay nya ni minsan!

Does she even know me?!

"Ako lang naman yung nawalan dito! And all thanks to you!" she pointed her finger
at me na mas lalong nakapagpakulo ng dugo ko.
"Look, I dont care what youve lost! Its not my fault your boyfriend chose another
girl over you!"

Hindi sya nakaimik sa sinabi ko. She stood there staring at me while her sultry
lips quivered. It looks like she's gonna cry. Again.

Argh! This is so not fair! Bakit ba ginagawang weapon ng mga babae ang pagiyak iyak
na yan para mapasunod kameng mga lalaki? Dammit! Bigla akong nakaramdam ng
konsensya. No, Caleb! Hindi ka dapat makonsensya, yang babaeng yan ang dapat
makunsensya for deceiving you! Dont be such a pussy and give in to her whim!

"Wag mo kong iyakan dyan ha?" nagiwas ako ng tingin.

"S-sinong nagsabing iiyak ako?" i heard her sniff.

Psh. So now she's trying to be tough? Nice try. Naguguluhan na ko ngayon kung
maaawa ba ko o matatawa sa babaeng to. Ang wirdo nya! "Alam mo mabuti pa, umalis ka
na!"

"Hindi ako aalis hanggat di ko nakukuha ang gusto ko!" parang bata na napapadyak pa
sya sa sahig. Uhg! I really cant believe this!

"What do you want?!" i tossed my hair, exasperated. "Money? Magkano ba ang


kailangan mo? One million? Two?"

She rolled her eyes at me. "Hindi lang basta pera ang kailangan ko, Caleb Damien
Yung."

"Then what is it?"

"I want my boyfriend back. Kailangan mo kong tulungan na mabawi sya sa Heather na
yun."

"What?!" siryoso ba tong babaeng to? She wants her boyfriend back. That means, ako
naman ang magkakaproblema kay Heather. "No!""

"Okay," she smiled sweetly. Kala mo malditang bata na gumawa ng kagaguhan pero
hindi mo mapagalitan dahil sobrang cute nya. "Madali naman akong kausap eh, Ill
just have to take this recorder to your lolo. And presto!" she looked at me with a
wicked glint on her eyes. "Mawawalan ka ng mana."

"You cant do that." I said grimly.

"Dare me."

"You will do no such thing woman." nagtitimpi na sagot ko.

"Double dare me." she matched my scowl with a devilish smile.

I pursed my lips and started towards her, i shoved her to the door. "Get out of my
property. Get out!"

"This hotel is yours?" tila nagtataka pa na tanong nya.

"Yes! And I have every fcking right to kick your ass out of here, so go!" i shoved
her again towards the door, though not too hard. She's still a woman and I am not
the kind of guy na pumapatol sa babae.

Nasa labas na sya at may sasabihin pa ata nang isara ko ang pinto sa mukha nya.
God damn it! That woman! I locked the door and paced impatiently around the room.
Fck! Fck! What am I gonna do?! Naisabunot ko ang dalawa kong kamay sa aking buhok.

I reached for my phone and dialled RD's number. Kailangan ko ng mapagsasabihan ng


kalokohang to na kinasangkutan ko. Kailangan ko ng tutulong sakin. Hindi pwedeng
malaman ni lolo kung ano man ang ginagawa ko. He would spite me. And worst, he
would disown me. Lahat ng meron ako mawawala! And lastly, kailangan ko ng
mapagbubuntunan ko ng inis ko sa babaing yon! This is RD's fcking fault!

"Cal?"

"You asshole!"

"Whoa! Whoa! Kalma! Ano nanaman bang nagawa ko?" tatawa tawang sagot nito.

"Yung babae! That woman in the bar! It was a set up! It was a freakin set up!
Pahamak ka!" i shouted at him.

"Teka, what do you mean?" he asked. "Can you please calm down first before talking?
Hindi kita maintindihan e." I heard some shuffling sound and the banging of a door
in the other line. Malamang pumasok sya sa opisina nya sa bar.

I took a deep breath before starting to talk again. Sinabi ko sa kanya ang ginawang
kalokohan ng babaeng yung, ni hindi ko alam kung Ana ba talaga o Diane ang
pangalan. The more I listen to my every word mas lalo akong kinakabahan sa pwedeng
mangyare, paano kung dumiretso yung babaeng yun sa bahay ni lolo? Lagot na!

"Crap." was RD's response. "What are you planning to do now?"

"I dont know, man! Im friggin goin apeshit right now." muli kong hinagod ng kamay
ang buhok ko. "Im so fcked."

Matagal bago sumagot si RD sa kabilang linya. Mukhang nahulog din sya sa malalim na
pagiisip. "Bakit hindi mo na lang bayaran, pre?" he suggested.

"Gago ka rin e no? Di ka ba nakikinig? I told you she wants to have her boyfriend
back! And she wants me to help her do it!" i shouted. "She doesnt want the freakin
money!"

"Right." he sighed. "Its your fault din naman e, kung hindi mo pinairal yang
kalibugan mo! Bakit inuwi mo pa sa bahay mo?"

"Kaltukan kaya kita? Ikaw ang may kasalanan! Nilasing lasing mo!" naiiritang sabi
ko. "Besides, hindi ko inuwi yun sa condo ko! Were here at the hotel."

Tumawa si RD sa kabilang linya. "Aint the hotel like your home already?" he teased.

I scowled at my phone. "Ganyan ka tol eh, pinasa mo nanaman sakin! Pucha ka!"
muling sigaw ko. Nananakit na ang lalamunan ko sa ginagawa kong to. "Eh kung
patahimikin ko na lang kaya? Permanently?"

"Ugok! Ano? Pumapatay ka na ng tao ngayon?"

"I can hire someone to do it."

"Will you freakin listen to what youre saying, Caleb Yung?!"

I started pacing again. Nagpapanic na ko, i just hope na hindi dumiretso ang
babaeng yun kay lolo. But come to think of it, kung ibubuko nya ko kay lolo, she
wont be able to snag her boyfriend back. She's just trying to scare me. Huh! Akala
nya ha? Napatawa ako.

"Why are you laughing, dude?" confused na tanong ni RD sa kabilang linya.

"Coz Im pretty much sure she wont tell on me." i grinned. "Now., ill just have to
think of a plan on how to get that freakin recorder from her!"

Hah!

***

Natalie

Napanganga ako nang isarado ni Caleb ang pintuan sa mukha ko. Grabe! Napaka walang
modo naman ng lalaking yun! Sayang ang kagwapuhan nya kung ganyan kasama ang ugali
nya! Hmmp!

Tumalikod na ko at nagmartsa sa hallway ng hotel. Oh sorry, HOTEL NI CALEB nga


pala. Psh! Yabang!

Teka? Saan kaya yung palabas dito?

Medyo nahihilo pa ko sa dami ng nainom ko kaya pasuray suray ang lakad ko. From now
on, hindi na talaga ko iinom! I swear! Kung hindi lang naman talaga dahil sa
kagustuhan kong bawiin si Axel, hindi ko gagawin to eh!

Makailang beses akong natapilok. Anak ng tipaklong, asan na ba yung elevator? My


God, sobrang laki naman kase nitong hotel ng mayabang na si Caleb. Ang daming
pasikot sikot! Tinanggal ko ang sapatos ko at patuloy na naglakad, buti na lang
fully carpeted ang sahig. Tsk! Yaman talaga! Pero infairness ang lambot ha? Pwede
na kong matulog sa sahig nito eh!

Maya maya may nakasalubong akong room attendant.

"Hi!" bati ko dun sa babae.

Ngumiti naman sya agad sakin. "Good evening po ma'am."

"Uhh.. Alam mo ba kung saan yung elevator dito?"

"Diretsuhin mo lang etong hallway na to, sa dulo yung elevator." ngiting ngiti
parin na sabi nya sakin.

Nailang naman ako sa ginagawang pagtitig at pag ngiti nung babae na parang may alam
sya tungkol sakin. Kaya naman nagpasalamat at nagpaalam na ko sa kanya agad.

"Mam, kayo po ba yung girlfriend ni Sir Caleb?"

"W-what? Huh?" Ako? Girlfriend? Nung mayabang na yun? Oo, gwapo sya pero wititit ko
syang papatulan no! Yaks!

Ngumiti ng pagkalapad lapad yung babae. "Ang swerte nyo po, ngayon ko lang nakita
nagdala ng babae dito si Sir Caleb."

Hmmmm.. Baka bakla? Natawa ko sa sarili kong isipin.

"May nakakatawa po ba?" tanong nung babae.


Iwinasiwas ko ang kamay ko sa tapat ng aking mukha. "Wala, wala! Sige, mauna na
ko." nagmamadaling naglakad na ko patungo sa dulo ng hallway, kung saan naroon ang
elevator according dun sa babae. Mamaya kung ano pang masabi ko, mapurnada pa lalo
ang tagumpay ko kay Caleb.

Nang nasa elevator na ko ay noon ko naramdaman ang hapo. Sinipat ko ang wrist watch
ko at natagpuan kong alas dos na ng madaling araw. Haaaay. Isa lang ang nais ng
katawan ko ngayon, isang mahabang tulog.

Pero ngayon,kahit paano, panatag ang magiging pagtulog ko.

Dahil bagamat ganun na lang ang ginawang pagtaboy ni Caleb sakin, alam kong
nagtagumpay ako. Alam kong magagamit ko sya sa gagawin kong pagbawi sa nagiisang
lalaking minahal ko, si Axel.

At dahil dun, kahit pa ang mahilo hilo ako habang naglalakad sa lobby ng hotel at
pinagtitinginan dahil wala akong suot na mga sapatos ay nakangiti ako.

A/N: Uhmmmm.. Wala kong masabi. Pa-vote na lang. Please please please? Sobrang
importante lang sakin ng mga votes nyo. Yun lang naman magpapasaya sakin eh.

Thanks!

Oh, by the way, Natalie on the multimedia :)

Muah! :**
####################################
Chapter 4
####################################

Natalie

Flashback*

"Youre kidding, Xel, right?" I nervously asked my boyfriend. We are both sitting
face to face in a restaurant and he's nervously fiddling on his fingers. I reminded
myself to breathe normally. Malay ko ba kung nagjojoke lang sya? No need to get
myself all worked up.

"Im sorry, Nana.."

My heart sank. So, siryoso talaga sya? Nakikipagbreak sya sakin? Why?

"Its just that.. We fell inlove.."

No.. No! No way he's gonna feed me that crap! Nagbakasyon lang sya sa palawan,
nainlove na sya? Natanggap ko nung sinabi nya sakin na one night stand lang.. Pero
eto? Hindi ko yata kaya! Hindi to pwede!

I glanced around the restaurant..

Puro mga lovers. Yung iba nagsusubuan pa. How could this be possible? Bakit ang
saya saya nilang lahat samantalang ako, eto nagpipigil ng luha. How could they all
be happy while Im barely keeping myself together? This is just so unfair!

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Bumakas ang pagaalala sa mukha ni
Axel. He reached out a hand to me. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko, and
squeezed it. He always does that to calm me down, to tell me that everything's
gonna be alright. Pero bakit parang wala yung epekto ngayon? Bakit parang nadudurog
ang puso ko, to the point that I just wanna curl up and die? Here. Dito mismo sa
restaurant na to. Coz i dont think aabot pa ko anywhere.

"Please dont cry, Nana.."

Hearing his petname for me just made it worse. I choked on my tears. Para kong bata
na umiiyak dito, parang inagawan ng candy. I clenched my fists on my lap as I
struggle to keep my sobs from escaping my lips.

"Nana.."

"What do you want me to do, Xel? Do you want me to beg?" iyak ko. "Gagawin ko ang
lahat, wag mo lang akong iwan!"

"I.. There's nothing to do, Nana.. I-I fell inlove with her, something happened to
us and.. And she wants us to get married." nakikita ko ang helplessness sa mukha
nya, pero kasabay nun ay nakita ko ring seryoso sya. He really loves her.

Who wouldnt anyway? She's a supermodel. She has long legs, a barbie doll face, a
sexy body. And to top it all, she's from a very wealthy family. All the things that
Im not. Hindi ako matangkad, hindi ako maganda, hindi ako sexy at hindi ako
mayaman. Anong panama ko?

Is Axel really willing to throw away years of friendship and relationship para sa
babaeng yun? Well, magtataka pa ba ko? Pero hindi ko naman kase inakala na ganun
syang klase ng lalaki. He had always been a nice guy, a gentleman. Paano nya nagawa
to sakin? Hindi lang naman ako basta girlfriend lang nya, bestfriend nya ko!

Hindi ko na napigilan pa na mapaiyak at mapahagulgol. Wala akong pakialam kung


pinagtitinginan ako ng mga tao at tila napapahiya si Axel. I just couldnt hold it
in anymore.

Tumayo ako. Plano kong magwalk out, at sa totoo lang ay iniisip ko na sana habulin
ako ni Axel.

Nakakahiya dahil pagtayo ko, sumabit pala ang table cloth sa zipper ng bag ko kaya
nahila iyon sa pagtayo ko at nagtumbahan ang mga baso sa sahig at nabasag. Sa
sobrangt pagkapahiya ko ay nagtatakbo ako sa labas.

At syempre si Axel ay naiwan para bayaran ang mga nabasag. What a rotten luck!
There goes my hope na sana habulin nya ko.

Nakakahiya.

Gumawa nanaman ako ng eksena.

*End of flashback

I stroked back and forth my canvass. Pero tila wala talaga sa isip ko ang ginagawa
ko. Ni hindi ko nga matandaan kung anung ipinipinta ko. Lagot! Ang mahal mahal pa
naman ng canvass.

I pouted.

Pambihira naman. Sadya ba talaga kong lapitin ng disgrasya at sa lahat na lang ng


pagkakataon nakakagawa ako ng eksena?
I remembered what happened that night at Remix bar. I sighed. I vowed that I would
never ever show my face in that place again. Sobrang nakakahiya! Panigurado may
nakarinig ng mga pinagsasasabi ko kay Caleb. Kakapakinig ko lang kase dun sa
recorder eh. At matapos kong gawin yun parang gusto kong pumunta kay Vicky Belo at
ipabago ang mukha ko.

Truth is, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Caleb ulit. Kumpletos rekados na
ang mga sandata ko, natatakot lang akong makipagdigma ulit. Puntahan ko nalang kaya
sya ulit ng lasing? Baka sakaling makalimutan ko mga kagagahan ko.

"Ay nako Natalie! Yan ka eh! Galing mong ipahiya ang sarili mo." umiling iling ako
habang kausap ang sarili ko. "Ikaw na! Ikaw na talaga!"

Nun ako nakarinig ng sunod sunod na katok sa pinto. "Natalie! Alam ko nandyan ka!
Buksan mo to!"

I blew out an exasperated sigh. "Diyos ko!" pasigaw pero mahinang sabi ko, na
tinaas pa ang magkabila kong kamay. "Bat ngayon mo pa pinapunta yan dito?!"

"I can hear you from here! Open up!" she continued pounding on my door.

Napairap ako at tinanggal ang nakapatong na palette sa kandungan ko at nilagay sa


lamesita. I stood up and walk towards my door, flip the lock and wrenched it open.
Tumambad sakin ang nakaismid na mukha ni Libby, my girl bestfriend.

"Finally!" she walked inside my condo without even waiting for an invitation.
Sumalampak sya sa couch at tinitigan ako ng masama.

"Anong problema mo?" ngumuso ako.

"I remember specifically telling you to call me last nnight!" tumayo sya at itinupi
ang braso nya sa dibdib nyang nagmumura ang cleavage. "I had to know if youre okay!
Pero hindi mo ko tinawagan. I had to go all the way from the location to here, just
to check on you. Ano ka ba naman?"

Nagkibit balikat lang ako at bumalik sa harap ng canvass ko. Sa labis na pagkainis
ko ay sumunod sya sakin. Ay nako! One word to describe my bestfriend? Persistent. I
rolled my eyes.

"What happened, bes? Nakuha mo ba yung evidence? Ano?"

Tumayo ako at nagtungo sa kwarto ko. Sumunod parin dun si Libby. Hinalungkat ko ang
bag ko, at initsa sa kanya ang recorder. Wala kong gana na ikwento sa kanya ang
buong pangyayare kaya pakinggan na lang nya. I sighed as I plopped on my bed,
looking at her.

"Whats this?" she held the thing in front of me. "Bakit parang ang sama ng kutob ko
Natalya sa itsura mo?"

"Pakinggan mo na lang yan."

She eyed me suspiciously and pressed the play button on the recorder.

Humiga ako sa kama at hinayaan na nakalaylay ang mga binti ko dulo ng kama. I
covered my face with my palm. Mas nakakahiya palang pakinggan yun pag alam mong may
ibang nakikinig. Damn!

"What the fudge?"Libby looked at me wide eyed while her manicured hand covered her
mouth. "Did you just tell him to rape you?!"
Nahihiyang tumango ako habang kagat kagat ko ang ibabang labi ko. Shemay! Gusto ko
nang maglaho sa mundong ibabaw!

Much to my irritation, Libby started laughing. "OMG! Im so sorry, bes. This is just
so funny!"

Napanguso ako. Geh lang! Salamat ha? Ambait naman talaga ng bestfriend ko. Sarap
lang tahiin ng bibig. Tss.

I sat there, disgruntled, as I let Libby listen to the whole conversation. At


matapos iyon ay binigyan nya ko ng isang malapad na ngiti at double thumbs up.

Napangiti na rin ako kahit alam kong hindi pa naman doon nagtatapos ang misyon ko.
But I know Im halfway there. Mababawi ko rin ang boyfriend ko kay Heather. Itaga
nyo yan sa bato! Sa stalagmite at sa stalagtite! Sa lahat ng klase ng matitigas na
bagay! Sa sungay ng elepante, sa bakal, sa diamond. Ipinapangako ko sa sarili kong
mababawi ko sya.

"In fairness, bes, gentleman sya ha?" ani Libby na nakiupo sa kama ko. "He could
have his wicked way with you pero hindi nya ginawa."

"I know, thats why, confident ako na tutulungan nya talaga ko." i said, smiling.

"Pero diba pinalayas ka nga nya sa hotel nya?"

"So?" tumagilid ako ng higa para mas makita ko sya. "Ang importante, hawak ko ang
alas. Pag hindi sya pumayag sa gusto ko, yari sya. Ako yata si Natalie Gifford,
wala akong inaatrasan! At hindi ako titigil hanggat di ko nababawi ang akin."

"Thats my girl." my bestfriend grinned at me and in return, I winked at her.

Totoo yung sinabi ko, hindi talaga ko susuko. Wala sa bokabularyo ko yun. Sa dami
ba naman ng pinagdaanan ko sa buhay? Ngayon pa ba ko susuko?

Sa murang edad ko, i already learn how to fend for myself. Ang nanay ko kase,
disgrasyada. Ang sama ko para sabihin yun pero yun ang totoo, naanakan sya ng
nilalandi nyang kano nung nagtatrabaho pa lang sya bilang waitress sa ibang bansa.
Well, nun una, sinuportahan naman kame ng 'ama' ko, kaya nga dala ko ang apelyido
nyang Gifford. Pero sa kasamaang palad, sa bandang huli, iniwan din nya kame kaya
napilitan kaming umuwi dito sa pinas.

Oh diba astig? Pinanganak ako sa ibang bansa! Half american ang lola nyo, beat
that!

Nung una, kaming dalawa lang talaga ni mama. At hindi naging madali ang lahat,
syempre nga naman, maalwan ang buhay namin nuon sa america tapos biglang, boom!
Waley na waley kame dito sa pinas. Kaya naman bata pa ko, naglalako na ko ng
paninda naming pandesal sa umaga. Sa tanghali naman, papasok ako sa school. At para
kumita ng pera, na pambaon, dahil si mama, naglalabada lang, ako ang gumagawa ng
mga assignment ng classmate ko. Mahilig akong magdrawing noon pa man kaya ninegosyo
ko yun sa classmates ko.

Pero dahil nga sa hirap ng buhay, kailangan nya ng makakatuwang kaya nagasawang
muli ang nanay ko. Medyo may kaya ang napangasawa nya. In good terms naman kame ng
pamilya ng napangasawa nya. Sa katunayan, si tito Dennis ang nagpaaral sakin. May
isang anak si tito Dennis sa nauna nyang asawa, si Kuya Nero. Tapos ngayon,
nagkaanak na din sila ni mama, si Patricia at Patrick. Kambal. Kaya yun, feeling ko
kalabisan na ko sa pamilya nila kaya bumukod ako matapos kong makagraduate.
Tamang tama naman, nabalitaan namin na nadedo na ang tunay kong ama. Dahil si Mama,
nagasawa ulit, wala syang natanggap na kahit singkong duling mula kay papa. Ako
lang. Na syang pinambili ko nitong condo ko.

Hindi na ko umaasa ngayon sa pamilya ng nanay ko. Pagdating sa pinansyal na aspeto


ng buhay ko. Kung ano man ang kinakain ko ngayon, lahat yun galing sa
pinagtrabahuhan ko. Kahit pa ang hirap minsan ng buhay ng isang artist, kinakaya
ko. Naniniwala ako na balang araw, makakaipon ako at makakapagbukas ako ng sarili
kong gallery.

Yun ang pangarap ko.

"Teka, bes, sigurado ka na ba talaga sa gusto mong gawin?" untag ni Libby sakin.

"What do you mean?"

"Do you really want Axel back?"

Napairap ako. Hindi kase ganun ka boto si Libby kay Axel. Medyo malamya daw kase.
At ang kailangan ko daw na tipo ng lalaki, yung kaya akong protektahan at
masasandalan ko. Hindi daw ganun si Axel.

"Pero bes, alam mo naman na mahal ko sya diba?" malungkot na sabi ko.

"Oo nga.." bumuntong hininga sya bago sya tumitig muli sakin. "Nakita ko sila ni
Heather sa photoshoot ko kahapon, ang sweet sweet nila. Ni hindi man lang nga
nahiya sakin si Axel eh, alam naman nyang bestfriend kita.."

Nagpuyos ang damdamin ko sa narinig ko. Never kameng naging sweet ni Axel sa isat
isa. Or should I say, never syang naging sweet sakin. Iniisip ko dati na dahil yun
sa hindi lang talaga lampong na lalaki si Axel. Pero ngayon na narinig ko to kay
Libby, parang gusto kong maiyak.

Kaya dapat, maumpisan ko na ang plano kong pagbawi sa kanya.

Pero bago yun, dapat mapapayag ko muna si Caleb na tulungan ako. Pupuntahan ko sya
sa bahay bukas!

Kailangan kong tawagan si Kuya Nero.

A/N: Sorry medyo sabaw saka walang Natalie-Caleb moments. hihi :"> Next week na
lang next update. Pasensya na ha? Mabilis sana ang update dito kung wala lang Book
2 ang Wicked Ways. Wahahaha!

Pavote na lang po!

Sino nga palang nakakaalala kay Nero? Kung meron man? :)

~Ann.
####################################
Chapter 5
####################################

Caleb

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na tunog ng doorbell sa condo ko. Goddammit!


Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at padaskol na tinanggal ang comforter na
nakabalot sa hubad na katawan ko.

Bumangon ako sa kama upang hagilapin ang tshirt na hinubad ko kagabi. I always
sleep with only my pajamas on. Matapos kong isuot ang tshirt ay pabalibag ko namang
binuksan ang pinto ng kwarto ko. Oh for God's sake! Hindi ba talaga sya titigil
kakapindot sa doorbell ko?!

I wrenched the door open and shouted to whoever is on the other side of it. "Ngayon
ka lang ba nakagamit ng doorbell ha?!"

Ngumisi lang sya sakin na parang walang anuman ang pagsigaw ko sa kanya. Oh this
crazy woman! I would soon have to disconnect that freakin doorbell, to save it from
abuse. At para matigil narin ang kabaliwan ng babaeng to, at ang pag gising ko ng
wala sa oras.

Ilang araw na kong pinepeste nitong bwisit na bubwit na to. Hanggang ngayon hindi
parin ako tinitigilan. Iniisip ko na talagang maghanap sa kikitil ng buhay nito pag
ako talagang napikon. Ang aga aga pa nyang pumunta dito, ni hindi ko nga alam kung
paano nalaman nitong babaeng to ang bahay ko. Talaga namang may pagkastalker to!

"Do you know what time is it?" naiiritang tanong ko sa kanya. "Its friggin six in
the morning!" tumingin ako sa digital clock sa may sala, "Oh its not even six yet,
at nambubulahaw ka na!"

"Sino kayang nambubulahaw sating dalawa? Ikaw tong malakas ang boses baka magising
ang mga kapitbahay mo." humalukipkip pa sya.

"Una sa lahat, wala akong kapitbahay dahil pagaari ko ang buong palapag na to,
pangalawa, wala kang karapatan na sagut sagutin ako." isasara ko na sana ang pinto
nang walang anu ano'y mas mabilis pa sa dagang naunahan nya ko at nakapasok agad sa
condo ko.

Oh I friggin dont believe this! Magkakauban ako sa babaeng to!

"In fairness! Ganda ng condo mo ha? Ang laki!!"

Mariin kong ipinikit ang mata ko at saka huminga ng malalim. "Get out of my damned
condo, now." pinipilit kong magpakahinahon pero sadyang sinasagad nya ang pasensya
ko. Sukat eh basta na lang naupo sa couch ko at parang bata na nagbounce bounce pa
sya dun.

"Wow! Ang lambot!"

Hinawakan ko sya sa braso at itinayo mula sa couch. "Did I invited you in? Lumabas
ka, wala kong panahon para sa mga bubwit na katulad mo."

"Makabubwit ka naman!" she snatched her arm from me. "Hindi naman ako ganun kaliit,
ang yabang mo. At saka wag mo nga kong mahawak hawakan, only belo touches my skin,
who touches yours?"

Nanliit ang mata ko sa babaeng to. Haay ibang klase! "First, yes, you are that
small. Second, i highly doubt if you can afford Belo, sa itsura mong yan-"

"Grabe ang yabang mo! May nakapagsabi na ba sayo ng dont judge a book by its
cover?" kununutan nya ko ng noo but she doesnt seem offended with anything I said.
"Ang hilig mo sa mga first, una, second, pangalawa, mga ganun no? Sa lahat na lang
ng sabihin ko, may sagot ka. Matalino ka siguro."

Napatitig ako sa babaeng hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang tunay na pangalan.
Napaka observant nya, parang lahat na lang nakikita nya. Lahat napapansin, at lahat
bibigyan nya ng komento. Nanatili syang nakatayo doon at palinga linga sa loob ng
condo ko na parang sobrang namamangha sya.

Noon ko lang nabigyan ng pansin ang ayos nya. She was wearing her brown wavy hair
down, may bangs din sya, at parang hindi nasuklay ng maayos ang buhok nya. And she
was wearing a jumper over a snug tshirt, and some sneakers. Malayong malayo sa
itsura nya nung una ko syang nakita sa bar.

But I have to say, she's a lot more prettier without make up, katulad nga nang
napansin ko noon. Ipinilig ko ang ulo ko , teka lang? Am I checking her out? Mali
ito, hindi ko to dapat ginagawa!

"Alam mo, miss, I have a long day ahead, kung pwede lumayas layas ka na, bago pa ko
magpatawag ng exterminator."

Natawa sya sa sinabi ko, nakita ko ang mapuputi at pantay pantay nyang ngipin. "Ang
OA mo rin eh no? But anyway, hindi ako aalis hanggat hindi mo ko tinutulungan sa
gusto kong mangyare."

I rested my hands on my hips and glared at her. "Hindi ka ba makaintindi? Sinabi


nang hindi ko gagawin ang sinasabi mo, wala kang mahihita sakin kaya kung ako sayo,
aalis na ko kase istorbo ka eh."

"Hindi ako aalis! Bleh!"

Natawa ko nang ilabas nya ang dila nya sakin. Eh kung hilahin ko kaya yung dila
nya? Ang kulit ha? "Teka nga, makatawag nga ng security," dinampot ko ang cordless
phone. "Maganda siguro kung dun ka magpalipas ng broken heart mo sa presinto? Im
sure doon, maraming willing na tulungan kang hilumin ang sugatan mong puso-"

She snatched the phone from me. "Sumosobra ka na ha? Wag mong ginagawang
katatawanan ang nararamdaman ko porket ikaw hindi pa naiinlove!"

"Hindi ko na kasalanan yun!"

"Kasalanan mo! Pati ako dinamay mo sa problema mo, kung ayaw mong magpakasal sa
Heather na yun, sana sinabi mo na lang hindi yung namemerwisyo ka ng lovelife ng
may lovelife!"

"Look who's talking? Sino kaya satin ang nandadamay sa sariling problema? At hindi
ko na kasalanan na marupok ang boyfriend mo!"

"Kasalanan mo!"

"Hindi!"

"Kasalanan mo!"

"Shut up!" I snatched the phone back. Akmang dadial na ko nang magsalita sya ulit.

"Hindi ka natatakot na ibigay ko sa lolo mo ang recorder?"

"Nope."

"Sure ka?"

"Oo." pinandilatan ko sya. Napakakulit talaga ng babaeng to!


"Kahit mawalan ka ng mana?" tinaasan nya ko ng kilay.

"Sinabi nang oo! Umalis ka na! Invasion of privacy na to o! Gusto mo bang idemanda
kita ng trespassing?"

She scowled at me. Hah! Akala ata ng babaeng to, matatakot nya ko sa ginagawa nya.
"You know what? May araw ka rin sakin. Tingnan lang natin."

"Blah blah!" hinawakan ko sya sa balikat at iginiya palabas ng condo ko. "Labas na,
ang dami mo pang sinasabi."

Pumiglas sya sakin. "Sabi nang wag mo kong hawakan! Grr!"

I laughed and tap her butt, which surprisingly felt firm and round against my palm.
Mas lalo syang nagalit dahil dun, at agad nya kong tinulak.

"Ang bastos mo! Idedemanda kita! Harassment yan! Sexual harassment!"

I was so amused I wanted to annoy her some more. "Oh talaga? May pambayad ka ng
abogado? At saka wag mong kalimutan na idedemanda din kita ng trespassing at hmmm..
Ang alam ko meron ding parusa para sa mga nambablackmail." hinimas ko ang baba ko,
habang nagiisip.

"Grr! Kainis kaaa!" she shouted at me with her fists clenched tight on her sides.

I burst out laughing. Did she just growled at me? Para syang kuting kung magalit,
ang cute lang! Ay, hindi, bubwit nga pala sya, hindi sya kuting! Hahaha! Nang
makalabas sya ay huminto parin sya at humarap sakin. Kinawayan ko nga, "Bye bye
bubwit!"

"Hindi pa tayo tapos!" yun lang at nagmartsa na sya palayo sa pinto ko.

Napabuntong hininga na lang ako at isinara ang pinto. Such a nuissance. Kailangan
ko na talagang makaisip ng paraan para mawala na sa landas ko ang babaeng yun!

Kahit pa nageenjoy ako sa pangungulit nya kung minsan.

Ooops, no. Thats not true!

***************************************************************

Natalie

Hindi ako makamove on sa ginawang pagtataboy sakin ni Caleb sa condo nya kahapon.
Kung sabagay, makailang beses narin naman nya ginawa yun. Palibhasa, wala syang
puso! Hindi na sya naawa sa isang katulad ko. Araw araw ako pumupunta sa bahay nya
para kulitin sya pero araw araw din nya kong tinataboy! Pero susuko ba ko? Nunca!
Ako si Natalie Gifford, at hindi ako basta basta magbaback down!

Anyway, andito ako ngayon sa main office ng Yung Incorporated. I have to take
drastic measures, iniisip ata ni Caleb, nagbibiro ako eh. Pwes! Malalaman nya
ngayon kung anong kaya kong gawin! Hrmp!

Pumuwesto muna ko sa malilim na parte dahil nasa labas pa ko ng building at tirik


na tirik ang araw. Nagpunas muna ko ng pawis at nagsuklay ng buhok. Mahirap na,
kailangan kong maging presentable, baka isipin ng mga tao sa reception, pulubi ako
at palabasin ako. Isa pa, isang bigating business tycoon ang kakaharapin ko.
Makakabawas sa kredibilidad ko kung mukha akong gusgusin.
Matapos kong magayos ng kaunti, nagtuloy na ko sa loob ng estalisyimento. In
fairness naman sakin, nakaayos ako ngayon, pinahiram ako ni Libby ng medyo formal
na blouse at skirt, tapos heels nanaman. Kanina pa nga ko natatapilok eh. Pero kung
walang tyaga, walang nilaga diba? Yun nga lang, hindi na ulit ako nagmake up.

Nakangiti ako nang humarap sa receptionist, nakakainis lang dahil ni hindi nya ko
nginitian. Sayang naman pagbrush ko ng teeth three times a day para mapanatiling
maputi ang ngipin ko, oh well, baka sya naman ang hindi nakapagtoothbrush kaya ayaw
ngumiti. Psh.

"Hi, Im here to see Mr. Frederick Yung." bati ko.

"Do you have an appointment with him?" masungit na sagot nung babae. Saglit lang
nya kong tinapunan ng tingin sabay balik ng atensyon nya sa pagtipa sa computer. If
I know, nagttwitter lang yan.

"Uhh.. Wala eh.." napakagat ako sa labi ko.

"Then Im sorry, kailangan mong makipag appointment muna sa kanya bago kita
paakyatin."

Hay! Badtrip naman! Bakit ba ganito sa business world? Kailangan pang


makipagappointment para lang makausap mo ang isang tao?

"Paano ba ko makakapagset ng appointment sa kanya?"

"Sa secretary nya." sagot nya na hindi man lang tumitingin sakin. Supladita! Kala
mo kagandahan!

"Nasaan yung secretary nya?"

"Nasa 17th floor." impatient na tiningnan nya ko. "Pwede bang sa ibang araw ka na
lang bumalik? Makipagappointment ka muna, hindi yang nangiistorbo ka.

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kilay ko sa sinabi ng babae. "Napaka rude mo


naman," sabi ko. "Diba dapat isa sa mga qualifications ng pagiging receptionist ang
pagkakaroon ng pleasing personality ? Mukhang wala ka naman nun, paano ka kaya
natanggap dito?"

Nainis ang babae at napatayo. "Eh ikaw? Paano nakapasok ang isang gusgusin na
katulad mo dito? Guard! Guard!"

Napanganga na lang ako sa sobrang inis ko sa babae. Grabe naman kung makapagsalita
to! Eh di hamak na mas maganda naman ako sa kanya pag naayusan ako! "Hindi mo
kailangan tumawag ng guard dahil kusa akong aalis dito!"

Saktong pagkatalikod ko ay bumangga naman ako sa isang matigas na bagay. Agad akong
napasinghap at naamoy ko ang samyo ng lalaking nakabangga ko. Ang bango! At ang
tigas ng dibdib! Hinawakan nya ko sa balikat to steady me.

"Whats going on here?"

Napatingala ako nang makilala ko ang boses na yun. Si Caleb! Lagot nanaman!
Siguradong papatapon nanaman ako nito! Or worst, ma baban ako sa opisina nila at
kailangan ko nanamang hingin ang tulong ni Kuya Nero para malaman ang whereabouts
ng lolo ni Caleb! Hindiiiiii!!!!!

"You?" sambit nya nang makilala ako. "What the hell are you doing here?"
"Nageeskandalo po dito yang babaeng yan, sir!" sumbong nung malditang receptionist.
Ugh! Sarap sabunutan!

Tumingin sakin si Caleb na tila hinihintay ang paliwanag ko. Nakakunot ang noo nya
pero mukhang hindi sya naniniwala dun sa maldita. "Hindi ko alam na naghahire pala
kayo ng mga walang pinagaralan dito." naiinis na turan ko. Kumawala ako mula sa mga
bisig nya. Mahirap na at baka masanay.

"What?" the woman shrieked.

Sya naman ang tiningnan ni Caleb, pero hindi tulad ng sakin, he was looking at her
sternly. "I will talk to you later, Ms. Diaz, go back to work."

Halatang napupuyos parin pero walang nagawang bumalik na lang sa trabaho si


maldita. Ako naman ang hinarap ni Caleb, "Ano nanaman bang ginagawa mo dito ha?"
mahina ngunit mariin na tanong nya.

"Ibibigay ko lang sa lolo mo yung-" hindi ko nanatuloy ang sasabihin ko dahil


tinakpan nya ang bibig ko.

"Are you serious?!"

"Uhmrp uhmp!" pilit kong tinatanggal ang malaking kamay nya na nakatakip sa bibig
ko. Ang bango din ng kamay nya, ang sarap kagatin!

Binitiwan nya ang mukha ko at hinawakan naman ako sa braso at hinila papasok sa
isang opisina. Nagtinginan samin ang mga empleyado roon pagkapasok namin.

"Everybody get out." utos ni Caleb na sya namang sinunod ng mga empleyado na dali
daling sumibat. Wow! Ang galing! Boss na boss lang ang dating! Hot! Hahaha!

Nang makalabas na ang pinakahuling empleyado ay isinara ni Caleb ang pinto, matapos
nyang siguraduhin na walang makikinig sa labas ng kwartong ito. Hinarap nya ko na
kunot na kunot ang noo. "Talaga bang pinipikon mo ko ha, bubwit?"

"Natalie ang pangalan ko kaya wag mo kong tawaging bubwit!" humalukipkip ako. "At
hindi kita pinipikon, trabaho lang, walang personalan."

Napabuga sya ng hangin at nilapitan ako. "Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Do you
know I can have you arrested for doing this? Blackmailing me? Stalking?"

"Yes, I know that," taas noo kong sagot. "But I also happen to know that you wont
do no such thing, dahil pag ginawa mo yun, ipapakalat ko ang ni record ko at
makakarating yun sa lolo mo, presto! Bye bye millions, or billions, whatever!"
nginisihan ko sya na syang nagpasingkit sa mga mata nya.

"Tuso ka rin talaga no?"

Tumango ako habang abot tenga ang ngiti. "Yep! Kaya kung ako sayo, wag mo na kong
kalabanin."

"Talagang hindi ka titigil.." aniya na parang sa sarili nya mismo sinasabi at hindi
sa akin. Huminga sya ng malalim at pinakatitigan ako. "Fine!"

"Fine?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Fine, meaning pumapayag ka ng tulungan
akong mabawi si Axel?"

"Yes." he rolled his eyes at me.


"Hell yeah!" i practically threw myself at him. Tapos ay nagtatalon ako. "Finally!"

"Jeez, shut up!" naiiling na sabi nya. "But I have conditions."

"What is it?"

"Walang makakaalam na tinutulungan kita, thats one," anito na inangat ang


hintuturo, pagkatapos ay ang sumenyas naman sya ng two. "At pagkatapos nating
'subukan' na bawiin ang boyfriend mo, hindi ka na magpapakita pa ulit sakin, it
would be as if we never knew each other. Deal?" inilahad nya ang kanang kamay sakin
na syang tinaggap ko.

"Deal."

We shook hands firmly.

"So, how are we gonna do this?" he asked.

****************************************************************

A/N: Napakababaw ko talaga. Pasensya na. Anyway, maguupdate lang ako nito kapag
masyado na kong nabobobo sa WW. Hahaha. Pavote na lang :)

~Ann.
####################################
Chapter 6
####################################

Chapter 6

Natalie

Nasa labas pa lang ako ng coffee shop na sinasabi ni Caleb na meeting place namin
ay palinga linga na agad ako. Namataan ko sya sa isang pangdalawahang mesa na
katabi ng bintana. Malayo ang tingin nya kaya siguro hindi nya 'ko nakita.
Nagmamadaling pumasok na lang ako sa loob dahil late na ko ng five miutes. Kabilin
bilinan pa naman ng mahal na hari na wag akong malelate maski isang segundo.

For sure, susungitan nanaman ako nito. As always!

Pagpasok ko pa lang ay kapansinpansin na ang babaeng pilit na nakikipagusap sa


kanya. Nakaupo ito sa upuang para sana sakin. Daldal sya ng daldal habang ang ubod
ng sungit na si Caleb naman, nakatingin lang sa labas ng bintana at hindi
pinapansin ang babae.

Hmmm.. Pasuplado epek talaga tong lalaking to! Chura!


Well, at least hindi lang pala ako ang pinagsusupladuhan nya. Siguro nga bakla 'to,
mukhang walang kahilig hilig sa babae eh. Pero ang barako naman nya kumilos eh, ang
laki pa ng katawan, for sure may six pack sya! Siguro naman hindi sya bakla. Choosy
lang talaga.

Pasimpleng lumapit na lang ako sa kanya, at dahil nakatalikod sa direksyon ko ang


babae ay hindi nya ako napansin. Hindi ko alam kung tatawagin ko ba sya? O
magkclear na lang ako ng throat? Nahihiya ako eh. Akalain mo meron pala ko nun?
Mabuti na lang, maya maya, nagbaling din ng paningin si Caleb, nakita nya kong
nakatayo sa bandang likuran ng babae.

"Excuse me." he said to the woman and stood up.

Napalingon sakin yung babae at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nginisihan ko
lang sya ng mapangasar, in return, inirapan nya 'ko. Inggit much? Ako ang kadate ng
lalaking hinaharot mo, sorry na lang di ka nya type !

Agad agad ko ring sinaway ang sarili ko sa mga salitang naisip ko. Ka-date?
Ambisyosa much, Natalie?

I snapped out of my thoughts when Caleb grab my arm and led me out of the coffee
shop. "Kanina ka pa ba?"

"Ha? Ah eh, medyo lang," sabi ko na sumusunod lang sa kanya. "Teka san ba tayo
pupunta ha? Bakit inaakay mo pa 'ko eh kaya ko namang maglakad mag isa?"

"Bakit di mo ako agad nilapitan?" nagpatuloy parin sya sa paglalakad na parang di


narinig ang sinabi ko. "You should have saved me from that man eater! Jesus! Why
are some women like that? Cant you guys take a hint? Hindi ko na nga pinapansin,
pacute pa rin ng pacute! Tsk."

Napaismid naman ako. "Oh bakit? Naligtas naman kita ah? Medyo nahuli nga lang, but
better latehan never. Besides, Why didnt you just tell her off?"

"You think that would work?" aniya. "Besides, I dont wanna be rude."

"Wooohh! Talaga lang ha? Pero pagdating sakin, kung makapagpakita ka ng


kagaspangan, ganun na lang." binawi ko ang braso ko na kanina pa nya hawak. Ayos
'to, kala mo close kame, nawiwili na sa kakahawak sakin.

"You're different." he said with a hint of a smile on his handsome face.

Handsome face?!

"Different?" napahinto ako sa paglalakad. "Sa paanong paraan naman?"

Impatient na tumigil din sya sa paglalakad at hinarap ako. "Different, because you
deserve to be treated like that, because you are one hell of an annoying human
being."

"Psh!" umingos ako. "Geh! I'll take that as a compliment na lang." nauna na ko sa
paglalakad, ang yabang kala mo naman kung sinong mabait. Bakit annoying din naman
sya ah? Tss.

Maya maya ay narinig kong tinawag nya ko. "Where are you going?"

Naiinis na hinarap ko sya. "Bakit? Saan ba?"

Itinuro lang nya ang isa pa ulit na coffee shop dun mismo sa hinintuan namin.
Padabog na bumalik na lang ako. "Bakit di mo sinabi na dito na pala?"

"Nagtanong ka ba?"

"Pilosopo."

"Are you mad?" he looked back at me dahil medyo nauuna syang maglakad sakin papasok
sa shop.

"No?"

"I would have to annoy you some more then." he smiled smugly and continued walking.
Hay naku! Nakakainis! So, sinasadya pala nya na mabwisit ako? Para ano? Para sumuko
ako? Well, sorry ka na lang Caleb Damien Yung, wala nang atrasan 'to, at kung
kinakailangan kong pagtiisan ang pambubuska mo araw araw, so be it! Keri lang.

Naupo sya sa isang pangdalawahan ulit na mesa. Sumunod naman agad ako. Napaka neto,
di man lang gentleman! Sana diba hinintay muna nya ko bago sya naupo? Buti pa si
Axel dati pinaghihila pa 'ko ng upuan.

"You have a plan already?" tanong nya habang umoorder ng maiinom namin.

"Order mo naman ako ng pagkain, nagugutom ako, hindi pa ko nagaalmusal eh."


nakangising sabi ko, makabawi man lang ako sa pangaasar nya. Magpapalibre ako!

Napailing na lang sya at umorder ng croissant at iba pang pastries. "Medyo makapal
din muka mo e no? Talagang nagpalibre ka pa ha?"

"Haler? Mahiya ka naman kung ako pa manlilibre sayo samantalang ang yaman yaman
mo." nakaingos na sabi ko habang nilalabas ko ang organizer ko.

"Yeah right." sagot naman nya. Pinatong nya ang magkabilang braso nya sa mesa at
inilapit ng kaunti ang ulo nya sakin. "Ano na ngang plano mo? Pano mo mababawi ang
boyfriend mo kay Heather?"

"Madame." nakangising sagot ko. Saka ko inisa isa ang mga balak kong gawin para
masira ang kung anu mang namumuong relasyon sa dalawa. Nobody knows Axel better
than I do. Ako ang bestfriend nya at alam ko kung ano ang mga gusto nya, i just
have to prove to him na mas deserving ako at mas bagay ako sa kanya kaysa sa
Heather na yun.

Caleb nodded as he listened to my plans. "Wicked. But I gotta warn you, hindi
simpleng babae si Heather, hindi yun papayag na basta mo na lang mabawi si Axel sa
kanya. At parang tuko kung makakapit yun, it wouldnt be easy to get her claws off
your boyfriend."

"Kaya nga tutulungan mo 'ko, kase aminado akong hindi ko kakayanin to ng magisa."
napasandal ako sa upuan ko. Kinakabahan ako. Paano kung tama si Caleb? What if
hindi ko na mabawi si Axel? Argh! No! Umiling ako. Wag kang nega Natalie!
Napatingin akong bigla kay Caleb at napansin kong nakatitig sya sakin. "Problema
mo?"

"You need a make over."

I suddenly burst out laughing. "Sorry kung tatanungin kita nito ha? Bakla ka ba?"

It was his turn to laugh. "What on earth made you think that? Porket sinabi ko lang
na kailangan mo ng make over, bakla agad?"

"No, seriously? Hindi ka kase mahilig sa babae and all that.." i trailed off as I
watched him laughing, staring in disbelief. God! Kung bakla talaga 'tong lalaking
'to, sayang talaga! Ang gwapo gwapo nya pag tumatawa sya. Para kong nakatingin sa
isang greek God. Humahalakhak na Greek God.

"Just because 'Im not into aggressive and slutty women, does not mean I'm gay,
Natalie." even the way he pronounce my name sounded so.. Enticing? Is he seducing
me? Aish! Ano ba Natalie? Get a grip ! At bakit ka naman niya iseseduce?

"Sigurado ka?" nakangiwing tanong ko.

"I'm 100 % straight."

"Talaga?"

He stared at me, amusement was painted all over his face. "Are you just trying to
tease me gay just so i would get pissed and prove to you I am not, by kissing you?
Lumang gimik na yan eh."

"H-ha?" napanganga ako. "Are you trying to say na gusto kong halikan mo ko?"

"Tama ba ko?"
"Ang kapal nito!" hindi ko na naawat ang sarili ko at nahampas ko sya sa balikat.

"Ouch!" he said and pulled back. "What the hell? What are your hands made of?
Steel? Damn." he said while rubbing his shoulder.

"Kapal ng muscles mo, nasaktan ka agad dun?"

"You hit hard, woman.!" he said, then his expression turned malicious. "Were you
trying to feel my muscles? Bakit alam mong makapal?"

I opened my mouth to say something but nothing came out. Aish! Napaka feeler naman
nitong lalaking to? Kapal talaga! Sobra! Kala naman nya, type ko sya? Psh. Oo, pogi
sya pero hindi ganyan ang mga type ko. Ayoko ng mga mamuscle, gusto ko yung katulad
lang ni Axel, lean! Yung mga ganun!

Naputol ang pagiisip ko nang dumating ang pagkain namin. Agad akong naglaway. Ang
bango naman! Bihira akong makakain ng mga ganitong pagkaing mayaman eh. Okay na
sakin kahit lage akong asarin nitong Caleb na 'to basta laging may libreng chibog!
Ohh yeahh!

"PG." I heard him muttering, but decided to ignore it. Inupakan ko na lang ang
pagkain sa harapan ko, minsan lang 'to!

"Kung makalamon ka, parang ilang araw kang di pinakain ah?" tudyo nya. "Babae ka
ba? Walang ka finesse finesse. Tsk."

"Alam mo, pagkain ang kaharap ko, wala nang arte arte pa!" kumindat ako matapos
kong sabihin iyon at natawa sya.

"That's cute."

Narinig kong may binulong ulit sya pero hindi ko na narinig pa kaya patay malisya
na lang ako. Pinanuod lang nya kong kumain habang sya naman ay nagkakape lang.
Diet? Hmmm. Yaan mo nga sya.

"How long have you been together with Axel?" tanong nya maya maya.
"Matagal na kameng magkaibigan ni Axel. Magbestfriend kame bago pa man kame
nagkaron ng relasyon." sabi ko habang patuloy parin ang subo ng pagkain.

"So, kilalang kilala mo na talaga sya?" inabutan ako ni Caleb ng tissue.

"May dumi ba?" takang tanong ko.

"Tingin mo?" binawi nya ang tissue bago ko pa man iyon makuha mula sa kanya.
Nagulat ako nang bigla nyang idampi sa labi ko iyon. Magaan na pinunasan nya ang
gilid niyon habang ako naman nakatitig lang sa kanya. Nagtataka ako kung bakit
bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

Shucks naman!! Ano ba nangyayare sakin? Nagkakacrush ba 'ko sa hudyo na 'to?!

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. He just smirked at me saka nya binawi ang kamay at
nilapag sa harap ko ang tissue. May kalanturan din pa lang tagalay ang lalaking to?
Charming sya, oo na! Pero hindi nya kailangan i-unleash sakin ang talent nya na
yon! Wala syang mapapala sakin, I'm way out of his league.

Saka nandito ako para mabawi ang boyfriend ko. Bakit ba kailangan ko pang ipaalala
yun sa sarili ko?

Nang mag-angat akong muli ng paningin ay napansin kong nakatitig sakin si Caleb.
"Ano ba? Bakit mo ba 'ko tinititigan? Dont you know it's rude to stare?"

Inilagay nya ang kamay sa labi nya, marahil pinipigilan nyang mapatawa. At dahil sa
ginawa nyang iyon, natuon ang pansin ko sa mga labi nya. It was reddish but not in
a feminine way. It was thin, smooth and. It. Looks. Delicious.

Ano kayang pakiramdam pag nahalikan ka ng isang Caleb Damien Yung?

"What are you thinking, Natalie?" ayan nanaman ang smooth na paghagod ng dila nya
sa pangalan ko. "Why are you blushing?"

"H-Ha?!" agad na lumipad ang mga kamay ko sa aking pisngi. Nagiinit nga iyon. Shoke
naman!! Kase naman, kakaisip ko 'to sa halik halik na 'yan eh! "Hindi kaya 'ko
nagbablush!"

"Nagbablush ka." he smugly pointed out.

"Ewan ko sayo!" i rolled my eyes heavenwards. "Hindi nga ako nagbablush, natural
yan. Rosy cheeks talaga 'ko!"

Sukat ay bumunghalit ng tawa si Caleb. Napapailing na tumingin sya sakin.


"Kailangan mong magayos, Natalie."

"Bbakit ba pinagpipilitan mo yan? I dont want a makeover! Okay na 'ko sa ganito!


Yung simple lang, ganito din ang gusto ni Axel!"

Ngumisi sakin si Caleb na parang nanguuyam. "Really? Then why is he with a


supermodel now?"

Napipilan ako sa sinabi nya. Bakit nga ba? Axel once told me that he likes me for
being simple. Simple lang din daw kase syang tao kaya bagay kameng dalawa. Pero
bakit nga nagustuhan nya si Heather? Na isang model? And she's very far from being
simple. She's super gorgeous. Hindi nga yata lumalabas ng bahay iyon ng hindi
nakamake up at naka designer clothes at burloloy.

Nagsawa na ba sya sa mga katulad kong simple lang? Mas gusto na ba nya yung mga
katulad ni Heather? As opposed to a plain vanilla like me?

Bakit ba kase hindi ko kayang makipagkumpitensya sa mga ganun? Bakit ang plain ko?

"Stop beating yourself up, Natalie." Caleb's husky voice interrupted my thoughts.
Mataman nya 'kong pinagmamasadan habang prente syang nakaupo sa harap ko. "I know
what you're doing. 'Wag mong ikumpara ang sarili mo kay Heather."

"Sino bang hindi-"

"And dont try to compete with her as well. Coz I'm telling you, Natalie," he stared
hardly at me. "There's no competition."
Nauunawaan ko. Naiintindihan ko. Malinaw na malinaw sakin ang sinabi nya. Alam ko.
Alam ko 'yun sa sarili ko. Kaya lang iba pala pag narinig mo sa ibang tao.

Masakit. Makirot.
####################################
Chapter 7
####################################

Natalie

"May date si Axel at Heather mamayang alas siete ng gabi sa Sariwon sa bonifacio
high street. Kailangan maunahan natin sila dun." iyan ang bungad ko kay Caleb
matapos nya akong pagbuksan ng pinto ng condo nya.

Ayoko pa nga sana syang makita pero matapos kong malaman ang impormasyon na ito ay
dali dali kong nilunok ang pride ko at pinuntahan sya sa bahay.

Hindi ko na hinintay na imbitahin nya 'ko sa loob at pumasok na ko. Diretso ako sa
napakalambot nyang couch at naupo roon. Hmmmmmm. Gusto ko talaga ng ganitong couch.

"Aba naman kung makapasok akala mo sarili mong bahay ah? Feel at home po ha?"
sarkastikong sabi nya.

Nagangat ako ng paningin. He was wearing a Guns n' Roses Tshirt and some cargo
pants. Bahagya pang basa ang kulay brown nyang buhok. And who would miss his
masculine scent na tila pinaghalong sabon at aftershave? Na kahit pa aburido ako sa
katabilan ng dila nya kahapon, i couldnt freakin resist to take a sniff. Isa lang
ang salitang gagamitin ko para idescribe sya today. Yummy.

Umasim bigla ang mukha ko.

This person doesnt deserve to be complimented. Aba! Ang sama sama ng ugali nya. He
should be outlawed!

Oo, siguro masyado akong OA para masaktan sa sinabi nyang iyon kahapon. There is no
competition. Psh! Alam ko naman kaya yun, hindi na nya kailangan ipamukha. Para
kaseng isinampal pa nya yon sa mukha ko eh. It hurts, you know? Sana tumahimik na
lang sya. Magpaka polite kumbaga. Kaso hindi eh! He was so arrogant, callous even.
Ugh! Hindi talaga mawala yun sa isip ko!

Masyado akongbaffected eh!

Here I am thinking na kakampi ko sya.. Yun pala.. Hays.

Maya maya napansin kong nakatayo lang sya sa harapan ko at hindi parin kumikilos.

"Ano ba? Di ba sabi ko kailangan nating mauna dun?" paangil na tanong ko.

"Well, I'm ready," ibinuka nya ang dalawang braso. "Ikaw lang naman ang prenteng
prente sa pagkakaupo dyan eh. Hiyang hiya nga ako sayo eh."

"Ganyan ka lang?"

"Oo naman!" aniya. "It's not as if I'm taking you out on a date."

Ayan nanaman sya sa mga mapanginsulto nyang salita. Grr! Yabang!

"Unless, thats your plan?"

Walang kibo na tumayo ako at nagtungo na sa pinto.

"Wait!" naulinigan ko na dinampot nya ang susi nya at humabol sakin. "What's wrong
with you? PMS?"

Tuloy tuloy lang akong lumabas ng condo ni Caleb at hindi na pinansin pa ang sinabi
nya. Purely business lang. Ayoko nang makipag chummy chummy pa sa kanya. Nahehurt
lang yun feelings ko sa kasamaan ng ugali nya.

Naramdaman ko na lang na nakahabol na sakin si Caleb at nasa kanan ko na sya. Nang


tunguhin namin ang elevator ay saka sya muling nagtanong. "So how did you found out
that they had a date today?"
"I have ways of finding out things." simpleng sagot ko.

"Oo nga pala, may stalker tendencies ka. At hindi lang yun, violent tendencies din.
Naalala ko pa yung ginawa mong paghambalos sakin kahapon. Tsk."

"Ang daldal mo naman!" naiiritang sabi ko. Tiningnan ko sya ng masama habang sya
maang lang na nakatitig sakin. "Hindi ka ba makapagmove on dun? Hanggang ngayon,
daing ka parin ng daing?"

He grinned at me. "Well, my skin's kinda delicate, and I bruise easily." he


shrugged.

"Sus, bakla." ismid ko.

"Gusto mo nanaman magpahalik?"

"No way!"

"Nasa lift pa naman tayo. Have you heard of the elevator magic?"

"Nu yun?"

He smirked down at me. "Why are you interested?"

Inirapan ko sya. Kabuwisit talaga tong lalaking to! Akala ko talaga dati, masungit
sya. Yun tipong nabibili ang ngiti at hindi gaanong masalita. Mas okay pa siguro
kung ganun sya. Hindi yang ganyan na mapangasar. Feeling sobrang gwapo pa.

Oo na, sobrang gwapo na talaga. Pero di na kailangan magfeeling. Wag na


ipangalandakan. Konting modesty naman sana.

"Ang sungit mo talaga ngayon,"puna nya paglabas namin ng lift. "Di'ba tayo bati?"
Di makapaniwala na napatitig ako sa kanya. Seryoso? Gumagamit pala sya ng mga
ganung term? Napantastikuhan naman tuloy ang lola mo.

"Ano?"

Nagbawi na lang ako ng tingin at sinundan sya sa parking lot ng condominium.


Inabala ko na lang ang sarili ko sa panghuhula ng kung anong sasakyan ang gamit
nya. Kaysa naman isipin ko na kahit pala isa syang de kalibreng business man na
naguumapaw ang pera sa bank account, kahit paano simpleng tao lang sya. Kung
manamit, kala mo bibili lang ng suka sa kanto pero ang yummy parin. Kung magsalita
kala mo lumakibsa isang normal na neighborhood instead of sa isang de security
guard na mansion na may aircon sa bawat sulok.

Sa malayo aakalain mo na snob sya, pero mabait naman sya, medyo mayabang lang ng
konti at masungit--sa iba--dahil parang di naman sya ganun kasungit sakin. Pero
mabait sya. Tutulungan ba naman sya ang isang pobreng katulad ko? Nililibre pa nga
ako ng agahan. Di ko nga yun deserve dahil blinackmail ko lang sya. Pero kita mo
naman? Sarap talaga nung croissant na nilibre nya sakin.

Yung mga ganitong lalaki yung tipong nakakainlove---Ok! Balik tayo sa usapang
kotse!

Toyota kaya? BMW? Mercedez?

Argh! Naisip ko ba.talagang nakakainlove sya?

Kakakilala lang? Nakakainlove agad? Lakas maka PBB teens, hala ka? Natalie, you're
so ABSURB!*

"Natzkie!"

Napapitlag ako sa biglang pagtawag ni Caleb sa aking pansin. "Anong Natzkie? Saka
bakit ba? Makasigaw ka?"

"Ang lalim ng iniisip mo," he gestured towards his car. "Lets go."
Bago pa ako makahuma ay tumambad sa aking mga mata ang isang magarang kotse.
Hala!!! Audi R8! Shucks, dagdag pogi points!!

"Tara na, ano ba?"

Noon ako tila natauhan. Nagsusungit na po sya! Nagkukumahog na sumakay ako sa kotse
nya. Grabe. Ang ganda din ng interior! Ang hihg tech! Ang dameng pindutan.
Nakakatakot hawakan, baka mangain!

"Whats with you? Patanga tanga ka?" untag ni Caleb.

"Makatanga, wagas?" inirapan ko sya. "Eh sa nastarstruck ako sa chikot mo eh."


gusto ko sanang hawakan ang makintab na dashboard pero pinigilan ko ang sarili ko.
Baka mayamot si Caleb sakin. Bigla na lang kase sya nagiging masungit, kanina naman
chill lang sya. Sya ata may PMS. Napaingos ako.

"Did you hire someone to investigate on your ex? How'd you know bout his
whereabouts?"vtanong nya kapag kuwan. Nasa byahe na kame nun pa taguig.

"Hmmmm. Parang ganun na nga." kibit balikat na sabi ko. Hindi ko na sinabi na kuya
kuyahan ko ang nagiimbestiga kay Axel, at sa kanya narin. Ayoko naman mapahamak ang
trabaho ni kuya Nero. Lagot ako dun!

"Effort huh? You must really love this guy."

"Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi."

Napabuntong hininga 'ko. Isa talaga ako sa mga taong gagawin ang lahat sa ngalan ng
pag-ibig. Ewan ko ba? Laking hassle na nga nito lalo na sa trabaho ko.
Kinakailangan ko pang iturn down ang mga pinapatrabaho sakin para lang may time ako
sa pagsunod sunod sa ex ko. I sighed. Lakas talaga maka tanga ng pag ibig.

**********************************************
"Sige na, tanggapin po na 'to." pilit kong inaabot sa babaeng waiter ang two
hundred pesos. "I cancel mo na yung reservation ni Axel Allegre."

"Hindi nga ho pwede, ma'am. Matatanggal ako sa trabaho sa ginagawa mo eh." masama
ang tingin sakin nito.

Ugh! Gigil na 'ko at gusto kong mapapadyak. Gusto kong maging inconvenient para kay
Axel at Heather ang date na 'to. Baka sakaling mairita ang pasusyal na si Heather
na sanay sa may mga pareserve ek-ek at marealize nya na hindi si Axel yun tipo ng
lalaki na para sa kanya.

Kaya lang ayaw naman makipagcooperate ng waitress na 'to! Kajirits talaga!!

"Miss magkano ba? 500? Eto," dumukot ako sa wallet ko ng dagdag na pera. Tsk. Bye
bye, masarap na hapunan mamaya. Kailangan ko nanamang magpalibre kay Caleb. Lunok
lunok ulit ng pride. Hays.

"Ma'am, hindi nga-"

"Here."may iniabot na makapal na tupi ng pera si Caleb sa babae. Sa wakas naman at


naisipan nyang makialam no? Pa display display lang kase ang drama kanina. "Just
cancel their reservation, sagot kita." anito na sinamahan pa ng kindat.

Napalunok naman ako. Hindibako yung kinindatan pero parang nanlambot ang tuhod ko
dun ah? Napailing iling ako. Easy ka lang, may ganyan talagang effect si Caleb sa
mga babae, di ka nagiisa sa nararamdaman mo. Bigla tuloy akong naawa sa waitress na
nakatanggap ng full impact ng charm ni Caleb. Baka mamaya himatayin to?

Tinitigan ko ang babae at nakita kong namumula ang pisngi nya, tapos parang di sya
makahinga. "Huy miss," untag ko pero ang mata nya ay nakapako lang sa lalaki sa
tabi ko.

Geh! Invisible ako dito!

"Sige na, miss," ani Caleb. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nyang palambingin
ang boses nya. Baka mamatay tong kausap namin. "I'm counting on you, okay?"
Wala sa sarili na napatango na lang si girl. OA much? I sneered. Niyakag ko na si
Caleb sa isang table na inuupuan namin kanina. Kanina, nakakuha kame ng mesa kahit
walang reservation, ngayon, nasuhulan namin yung waitress. Iba talaga pag mayaman,
tsk.

"Makahila ka naman? Whats wrong with you?" kunot.noo nitong tanong.

"Di mo na dapat ginawa yun sa babae!" pagalit ko.

"Bakit? Selos ka nanaman?"

Inirapan ko sya. " Spell asa, dude! Naawa lang ako, parang aatakihin sa puso si
ateng,"

"At least nagawa natin ang gusto mo diba? Masaya ka na?"

"Sasaya lang ako pag hiwalay na sila." humalukipkip ako at sumandal sa upuan ko.
Sinimsim ko ang tea na hinain samin kanina. "Pwe!walang lasa."

Natawa bigla si Caleb. "I'm sure Heather will get pissed once they get here."
luminga sya sa loob ng restau. "She loves eating here. At mukhang malabo na
makakuha pa sila ng mesa."

I smiled. Tama sya, jam packed kase dito. Masarap siguro kumain dito. Sayang lang
di ako makakatikim ng pagkain nila dito. Mukhang mahal eh.

Maya maya nainip siguro si Caleb kaya umorder ng pagkain. Pinigilan ko naman ang
sarili ko na mapangiti. Grabe, sobrang pagkapatay gutom ko na yun no? Keri lang,
Natalie, wag ka pahalata.

Tahimik lang siya habang kumakain kame. Nakamasid lang habang niluluto ng waitress
ang pagkain namin. Ang astig lang sa harap pa talaga namin niluluto. Mas
nakakatakam tuloy! Gumagamit sya ng chopsticks (Malamang chinese sya kaya marunong
sya, no?). At nahiya nanaman ako kase di ako marunong gumamit non.

Napansin siguro ni Caleb kaya nanghingi sya ng kubyertos at walang kibo na inabot
sakin. Akala ko pa naman aasarin nya ko o yayabangan.

Saktong alas siete dumating si Heather at Axel na nakaakbay pa sa nauna. Para 'kong
dinibdiban habang minamasdan ko silana nakatayobsa labas at kausap ang isang babae.
Ang ganda ganda ni Heather. Magmumukha akong paa kung tatabi ako sa kanya. Tapos si
Axel, ang gwapo din. Ayos na ayos sya, poging pogi. Ni minsan di sya gumayak ng
ganun sa mga date namin.

Yung unang beses na dinala nya ko sa isang fine dining restaurant, nakipagbreak sya
sakin. Ouch diba?

Marahil nasense ni Caleb ang kalungkutan ko kaya naramdaman kong inabot nya ang
kamay ko at mahinang tinapik iyon. I looked at him and he smiled kindly at me. He
gestured towards the couple with a sly smile.on his face.

Nakikipagtalo na si Heather sa hostess.

"What do you mean?!" ang bilis ng pagkakaenglish nya kaya hindi ko na masyado
naintindihan yung iba. Yung what do you mean lang talaga ang nagets ko. Then, tila
batang nagtatantrums na nilayasan nya ang babae at ang Axel ko.

He was apologizing at the hostess nonstop. Gusto ko sanang tumayo at lapitan sya
para icomfort. Lalo na nung nakayukong umalis sya at sinundan si Heather.

"Axel.."

"Stay here, Natzkie, and just enjoy the food." ani Caleb. "Believe me, they wont be
going anywhere. Kilala ko si Heather, magyayaya na lang umuwi yun."

Hindi ko naman inaalala yun eh. I just wanna be with Axel. Miss na miss ko na kase
sya. Kailan pa ba yung huli naming paguusap?

I sighed. Muli ko na.lang sinubukan na kumain pero parang nawalan na ako ng gana.
Lumilipad yung utak ko kina Axel at kay Heather. Malamang ihahatid sya pauwe ni
Axel. And God knows kung ano pa ang sunod na mangyayare.

Which brings me the think..


"M-May nangyare na ba sa inyo ni Heather noon?"

"What do you mean?" Caleb asked. His chopsticks were halfway to his mouth.

"I-I mean.. Alam mo na yun!" napayuko ako para itago ang pamumula ng pisngi ko.

Hindi agad siya sumagot. Napansin ko na lang na panay ang kuha nya ng pagkain. Wala
sigurong balak sumagot. Why? Masyado bang private yung mga ganung bagay? Sorry
naman.

"I dont kiss and tell, Natzkie."

"Bakit ba tinatawag mo kong Natzkie?"

Hindi nito pinansin ang protesta ko bagkus ay nagpatuloy lang sa pagsasalita. "I
really don't like Heather, I mean, sometimes I like her as a person but never in a
romantic way. So, dun pa lang, siguro naman nafigure out mo na ang sagot ko?"

"So.." tinusok tusok ko ng tinidor ang bahagi ng laman ng baka sa mangkok ko. "Ibig
sabihin, virgin sya nun nakuha sya ni Axel?" malakas na tanong ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang biglang tumawa si Caleb. "You're so naive."

"Ha?"

"Nothing." pailing iling na sabi nito pero nakangiti parin.

"Sabi mo walang nangyare sa inyo? Eh di si Axel nga nakauna sa kanya?" i asked


indignantly.

"Tone down your voice," saway nya sakin. "Hindi porket walang nangyare samin does
it mean--you know." he shrugged. "Saka pwede wag na natin pagusapan ang ang
virginity na kasing extinct na ata ng mga dinosaurs."

"Grabe ka naman!" naeeskandalo na sagot ko. "M-Marami pa namang babae na


nagpapahalaga sa v-virginity no."

Caleb gave me a knowing smile. Tapos pangiti ngiti na bumaling syang muli sa
pagkain nya na tila siyang siya sya sa isang bagay.

Napalabi na lang ako at bumalik na din sa pagkain ko.

"I thought we're already living in a world where losing your phone is more dramatic
than losing your vcard. Glad to be corrected." he grinned like there was no
tomorrow.

***********************************************************************************

A/N: Oh baka may mapagmagaling dyan na pupuna sa Absurb. ayos mukha ha? Katuwaan
lang 'to at NO. Hindi si Natalie yung TANGA. Horayt? Loveyah all! *flyingkiss*
####################################
Chapter 8
####################################

Natalie

"Dalian mo nga!"

Parang toro na sumugod ako papunta sa kabilang building kung saan pinarada ni Caleb
ang kotse nya. Kase naman eh! Bakit kase ang layo?! Tapos ang tagal tagal pa nung
bill namin kanina. Sarap takasan at wag na lang magbayad eh. Kung bakit ba naman
kase napasarap ang kain namin kanina!

"'Wag mo nga akong madaliin."

Napatirik ang mata ko. Uhg! Naman! Bakit ngayon pa nya napiling magsungit? Sala sa
init sala sa lamig talaga ng lalaking 'to. Ang hirap pakisamahan. Kanina pangiti
ngiti, kala mo mapupunit na yung.mukha nya sa sobrang saya nya, tapos ngayon,
salubong nanaman ang kilay. Nagdadabog pa habang naglalakad! Kung kailan may
emergency! Napakawrong timing ng mood swings nya.
Madaling madali na nga ako dahil tumawag si Libby sakin at nakita daw nya sa White
Plains sila Axel at Heather. Natuloy parin ang date nila, imagine that? Buset naman
kase 'tong si Caleb, ang sabi nya uuwe na daw ang dalawa kaya naman nakumbinsi ako
na 'wag nang sundan ang mga ito. Kamukat mukat ko, nasa White Plains na at doon daw
nagdidinner.

Ang pinaka masaklap pa sa lahat, feeling daw ni Libby, magpopropose na si Axel.


Kanina pa daw parang siryosong kinakausap nito yung mga staff ng restaurant. Parang
may pinaplano.

Hindi maaari yon!

Hindi sya pwedeng ikasal kay Heather, dapat sakin lang!

Alam ko namang mangyayare 'to, may advance warning na 'ko mula kay Axel na gustong
magpakasal ni Heather. Pero hindi ko alam na ganito kabilis. Akala ko magagawa ko
silang paghiwalayin bago pa man sya makapagpropose.

Ni hindi nga ako aware na may ipon na si Axel para sa pagpapakasal eh. Kase kame
noon. Malayo pa yun sa isip namin. Kahit pa matagal na kaming magkarelasyon.

"Caleeebb!!" gigil na hinarap ko sya habang sya naman ay prenteng kala mo


namamasyal sa mall.

"What?" sikmat nya sakin.

Aba't sya pa talaga ang may ganang magalit /mainis samantalang kanina ko pa sya
pinapabilis sa paglalakad, pero deadma lang sya. Nananadya ata 'tong bugok na 'to
eh. Kaasar!

"Sa tingin mo sa bagal mo na yan maaabutan pa natin sila?" i demanded of him.


Sinamahan ko pa iyon ng pameywang. "Hindi! Wala na! Makakapagpropose na si Axel!
Uhg!"

Patay malisya na tumingin lang sakin si Caleb at huminto sa harapan ko. He gave me
a blank stare. He was taunting me! Sinasabi ko na nga ba, sinasadya nanaman nyang
inisin ako. Ano kayang napapala nya sa ginagawa nya?!

"Pag nakasal yung dalawa, kasalanan mo!" nakahalukipkip na tumalikod na 'ko at


patuloy na naglakad. "Magpapakamatay ako tapos mumultuhin kita!"

Nagulat na lang ako nang bigla nyang hablutin ang braso ko. "Aray, ano ba?!
Problema mo?"

"What did you just said?" kunot na kunot ang noo nya sakin at halos magisang guhit
na ang mga lips nya. Ano bang kinakagalit neto?

"Sabi ko pag nakasal sila, kasalanan mo!" nakangusong sabi ko.

Binitawan nya ang braso ko. "No, the other one."

"Uhh? Magpapakamatay ako at mumultuhin kita?" nagugulumihanang tanong ko.

"Tsk." he gritted his teeth and walked past me.

What the hell?

Atubiling sumunod ako sa kanya. Ngayon ang bilis naman nyang maglakad. 'Tong
lalaking 'to talaga! May pagkamongoloid! Palihim na itinirik ko ang mata ko. Ano
kayang nakakagalit sa sinabi ko? Psh. Pa tsk tsk pang nalalaman.

Teka lang..

"Aha! Alam ko na!" bulalas ko. Patawid na kame ng kalye noon.

Nanliliit ang singkit nyang mata nang tumingin sya sakin.

"Alam ko na kung bakit nagagalit ka!" itinuro ko pa ang mukha nya.


Umingos lang sya at hinawakan ang galang ko. Pagkatapos ay hinila nya ako patawid
sa daan.

"Siguro, takot ka sa multo no?" tudyo ko nang nasa kabila na kame.

Padaskol na ibinaba nya ang braso ko. Salubong parin ang kilay nya. He looked at
me, full of disgust. " Will you stop being absurd, Natalie?"

I fought the urge to swoon when he mentioned my name. Kahit galit sya, it still
sounded like a carress. Ipinilig ko ang ulo ko. Tama na, Natalie! You have more
urgent matters in your hands right now! Pinapagalitan ka na nga, may pa swoon swoon
ka pa? San ka nakakita ng ganyan?

Humalukipkip ako muli habang paakyat kame ng hagdan. "Kung ayaw mong multuhin kita,
umayos ka. Tulungan mo 'kong paghiwalayin sila."

"Ano pa nga bang ginagawa ko?" puno ng pagkadisgusto ang tinig nya. Dirediretso sya
sa nakapark nyang sasakyan. Balak pa ata nya 'kong iwan.

"I mean, dont do it half heartedly!"

May binubulong bulong sya pero dahil nasa kabilang panig sya ng sasakyan, kaya
hindi ko sya marinig ng maayos. Basta na lang sya pumasok sa loob, kaya ganun narin
ang ginawa ko. Napakislot pa 'ko nang pabalibag nyang isara ang pinto.

"Huy, ano ka ba? 'Wag mong pagdiskitahan yung sasakyan!" parang gusto ko tuloy
himasin ito na parang alagang hayop. Pakiramdam ko kase nasaktan sya sa sobrang
lakas ng pagsara ni Caleb ng pinto.

"Shut up, Natalie."

Back to calling me Natalie again? Kanina lang, may pa Natzkie Natzkie na syang
nalalaman. Akala ko pa naman close na kame, tas ngayon, back to first name basis?

Walang kibo na basta na lang pinaandar ni Caleb ang sasakyan. Pati ang nakangiting
taga tanggap ng bayad sa parking sinungitan nya. Ang bagal bagal daw kaseng
kumilos.

"Next time, pakibilisan," anito. "Nagmamadali kase 'tong kasama ko." pasaring nya
sakin.

Aba naman! Sino kayang nananadyang mabagal maglakad kanina? Sarap kutusan nito!

Nanatili lang akong nakapoker face sa byahe. Pero ang totoo, natatakot ako. Ang
bilis nya kaseng magpatakbo. Kulang na lang mapahawak ako sa magkabilang gilid ng
upuan ko. Isinuot ko narin ang seat belt ko.

Gosh, Lord. Ayoko pa pong mamatay!

Pakiramdam ko, ano mang oras, babangga kame sa sobrang bilis nya magpatakbo. Scared
pa naman ako sa mga ganito. Kaya pag sumasakay ako sa mga patok na jeep, nagagalit
ako pag masyado nang kaskasero ang driver.

"Ayusin mo nga yang mukha mo, nakakadistract."

Napamaang ako sa kanya. Hala? Ano bang problema nya? Saka bakit? Magulo ba ang
mukha ko? Nanlalait nanaman ba sya?

"Inaano ba kita?!" hindi ko na napigilang magprotesta.

"Sinabi ko, ayusin mo yang mukha mo, nadidistract ako sa driving ko!" hindi ko alam
kung siryoso ba talaga sya sa sinasabi nya o nangaasar!

"Nilalait mo nanaman ako! Kala mo kung sino kang gwapo!" napatingin ako sa labas at
halos blurred na ang mga tanawin don sa sobrang bilis nya magpatakbo. "Ano ba
Caleb?! Dahan dahan!" napatili ako at isinara ko ang mata ko.

Shucks, kinakabahan talaga 'ko sa ganito! Pakiramdam ko magkakapanic attack ako!

"'Wag mong sinasabi na magpapakamatay ka para lang sa lalaking 'yon." maya maya ay
biglang sambit nya na nagpagulat sakin. "Siryoso ka ba, Natalie ha? Siryoso ka na
magpapakamatay ka pag natuloy na magpakasal si Axel kay Heather?"

Bakas sa gwapo nyang mukha ang labis na galit. Halos madurog ang manibela sa diin
ng pagkakahawak nya rito. "J-joke lang naman y-yun eh, syempre hindi ko yun
gagawin!"

"Well then dont joke about things like that!" sigaw nya. "Suicide isnt something
you should make fun of! Seryosong bagay yun, Natalie!" bumaling sya sakin. "And
committing suicide because of a guy? Because of that guy? Seriously?! Fck!"

Napapiksi ako sa sobrang takot ko sa kanya. Pero nang mapatingin ako sa daanan
namin ay mas lalo akong nahintakutan.

Basta alam ko na lang napatili ako at napatakip ako ng dalawa kong kamay sa mukha
ko. Halos manginig ako sa narinig kong pagingit ng mga gulong, at nakakabinging
tunog ng busina.

Sumunod na nangyare ay ang muntik ko nang pagsubsob sa dashboard ng kotse, mabuti


na lang nakaseat belt ako kundi baka tumilapon ako palabas ng sasakyan katulad ng
napanood ko sa pelikulang The Vow. Oh my gosh, wala akong planong mawalan ng
memories!

Unti unti kong dinilat ang mata ko. Ang nabungaran ko ay isang poste at ang medyo
yupi na bumper ng R8 ni Caleb. May usok din na nalabas mula roon. Napangiwi ako.
Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko, medyo masakit lang ang dibdib ko gawa ng seat
belt. Pero okay lang ako. Konting shock lang 'to. Bumaling ako kay Caleb.

He was just looking ahead of him. Motionless. Nakaawang din ang labi nya at halos
di sya kumurap. Hala? Okay lang ba sya?

Dali dali kong tinanggal ang seat belt ko. Napansin ko rin na sa wakas ay gumalaw
na sya. Ginaya nya 'ko at bumaba na sya sa sasakyan. Sumunod naman ako.

Mga ilang segundo din nyang tinitigan ang sirang harapan ng sasakyan saka
napabuntong hininga. He looked at me. "Are you okay? May masakit ba sayo?"
nilapitan nya 'ko at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Are you hurt, Natzkie?"

Umiling ako ng paulit ulit. Hinawakan nya ko sa braso, pinilig nya yon kaliwa't
kanan, at tiningnan kung mag galos o mga pasa ba doon. "I'm okay! Medyo masakit
lang sa dibdib dahil sa seat belt pero okay ako. Ikaw ba?"

"I'm fine." bumitaw sya sakin. "Sigurado kang okay ka ha? I can take you to the
hospital if you want?"

Muli ay umiling lang ako.

Pinakatitigan ko sya habang nakatingin sya ulit sa nangyare sa sasakyan nya.


Mukhang okay pa naman ito, medyo nayupi lang ang harapan at may mga gasgas. Basag
din ang isang headlight nito. Pero all in all, okay pa. Magagamit at aandar pa.

Parehas kaming nakatulala sa sasakyan kaya nagulat ako nang bigla syang sumigaw.
"See? See what you did?"

"H-ha?" napaatras ako. "S-Sinasabi mo bang kasalanan ko 'to?!"

"Eh kanino pa?" he folded his arms in front of his chest.

"Aba? Sino bang may hawak ng manibela?!" hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Ayos
ah? Sya 'tong kala mo siraulo sa bilis magdrive tapos ako ang sisisihin nya.

He narrowed his eyes on me. "Kung hindi ka parang abno na nagbibiro tungkol sa
isang siryosong bagay katulad ng suicide, hindi sana 'ko madidistract! Ugh! This is
your fault! You're a menace!"

"Bipolar ka ba ha? Kanina okay ka, concern ka pa nga tas ngayon, sinisisi mo ko?
Wilab ka eh no?"

"Anong wilab?!" tanong nya. "Saka totoo naman na kasalanan mo!"

Para itong bata na nagtatantrums. Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero wala
akong maisip na sabihin. Napatingin lang akong muli sa sasakyan nya. Napakagat ako
sa labi ko. Naiintindihan ko naman kung bakit sya nagagalit, siguro kung ako rin
ang nagmamay ari ng ganito kagarang sasakyan na mababangga dahil sa taong
tinutulungan ko na nga pero sadyang panay kamalasan ang hatid sa buhay ko, malamang
magwala nga ako
Pero kase hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang sya kaaffected sa sinabi
ko.

Alam ko namang hindi magandang joke yun pero.. Why so serious, diba?

I watched as Caleb took out his phone and dialled some number. Hindi ko magawang
lumapit sa kanya, saka mahina lang yung boses nya sa kausap nya, kaya di ko alam
kung anong pinaguusapan nila. Nanatili lang akong nakatayo dun, at parang bata na
pinipilipit ang mga daliri ko.

After talking in his phone, he took his keys and other valuables from the car and
closed it. Hindi parin ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Baka kase maling hakbang
ko, makasira nanaman ako.

"Lets go." tahimik na sabi nya.

Hindi ko alam kung tama ba na sumunod ako sa kanya. All I want right now is to go
home. Kahit yung pagpopropose ni Axel kay Heather, hindi ko na magawang alalahanin
pa ngayon. Si Caleb. Nahihiya ako sa kanya!

"What are you standing there for? I said let's go!" bahagya parin syang iritable.
Oo bahagya na lang, kahit kase nakakunot parin ang noo nya, at least, hindi na
nagtatagis ang mga bagang nya.

Walang nagawa na sumunod na lang ako sa kanya. Nakita kong pumara sya ng taxi. Agad
namang huminto iyon sa harap namin.

Nauna syang lumapit at binuksan ang backseat ng taxi. "Sa Pasig. Dont argue. I'll
double your meter." he said to the driver sternly. Bumaling sya sakin. "Get in,
Natalie."

"C-Caleb.. Yung--"

"Tss." he rolled his eyes at me. "Get inside the cab, Natalie. My assistant will be
here in a few and he'll take care of the damn car. Uuwi na tayo."

"P-pero--"

"Cut it out!" naiinis na wika nito. "Stop stammering, its not cute. Sumakay ka na
at gabi na, It's been a long night. You need to rest. 'Wag mo na kong galitin."

Nakita kong naniningkit nanaman lalo ang mga mata nya kaya napilitan na kong
sumakay ng taxi. He slid in beside me. "Ihatid muna natin sya sa Kapasigan, then
take me to Crescent Condo in Ortigas. Got it?"

Ngitinging ngiti naman ang driver. Tiba tiba ba naman sya eh. "Areglado, boss!"

Caleb rested his head on the back of his seat, while I was rigid postured beside
him. Hindi ko kase alam ang irereact o sasabihin ko para mapakalma sya. Although
mukhang kalmado naman na sya ngayon.

"Caleb--" I started.

"'Wag mo na uulitin yun, Natalie." napamaang lang ako sa kanya. Nakapikit na sya
ngayon. "No matter how tough it gets, never ever think of commiting suicide.
Please." naramdaman kong gumapang ang kamay nya sa kamay ko at pinisil iyon. "You
dont take your life just because of a man."

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hanggang ngayon kase hindi
parin malinaw sakin kung bakit ganito na lang sya kaapektado. But in a way, parang
naiintindihan ko narin.

*message alert tone*

Gamit ang isang kamay ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Hindi ko kase
magawang bawiin ang kamay ko kay Caleb, parang tulog na kase sya.

It was a text message from Libby.


Hindi nagpropose si Axel. Hihi. False alarm! ^_^v

Pinaalala ko sa sarili kong kakalbuhin ko ang bestfriend ko sa susunod na magkita


kame.

**********************************************************************

A/N: Votes and comments please? :)


####################################
Chapter 9
####################################

Natalie

I kept wringing my fingers like a kid while nervously glancing up the condominium
where Caleb lives. Oo, ilang beses na 'kong nakarating dito. Actually, nakakalabas
pasok nga ako dito ng walang problema. Pero iba ngayon. Hindi ko alam kung mga what
time ko makukumbinsi ang sarili ko na pumasok na sa loob at tigilan na ang
pagiinarte ko dito sa labas bago pa 'ko abutan ng ulan.

Aish! Kase naman eh! Kinakabahan ako!

Tinitigan ko ang maliit na kulay purple na box na hawak ko. Ang totoo nyan,
nahihiya lang talaga 'kong humarap kay Caleb ngayon. I know he's still pissed at
me. Kahit pa sabihing magkaholding hands kame sa taxi kagabi, ramdam ko parin ang
coldness nya. Kasalanan ko naman talaga kung bakit kame nabangga kagabi. Well, its
not entirely my fault, syempre kasalanan din nya, pero property naman kase nya yung
nasira kaya heto ko ngayon, hiyang hiya sa pagmumukha ko.
"Ma'am Natalie?" nalingunan ko ang security guard ng naturang condo. Medyo naging
kavibes ko na sya dahil kinulit kulit ko sya noong first time kong pumunta dito.

"Kaw pala kuya Jovit!" nakangiting sabi ko. "Kakaduty mo lang?"

"Oo eh. Ano bang ginagawa mo dyan?"tanong nya. "Di ka pa ba papasok? Aba'y
makulimlim na baka abutan ka ng ulan dyan?"

Napangisi ako ng pilit. 'Di ko nga malaman kung itutuloy ko ba 'tong plano kong 'to
o hindi eh. "Ah eh, papasok narin ako, maya maya, pahangin lang ng konti."

"Baka hinihintay na kayo ni Sir Caleb nyan!" may kasamang panunudyo na sabi nito.

Nabanggit ko ba na ang akala ni manong guard, syota ako ni Caleb? Kase naman
nawalan na 'ko ng idadahilan nun para papasukin nya 'ko. Sinabi ko na lang na
girlfriend ako ni Caleb at isusurprise ko sya dahil anniversary namin kunware.
Akalain mong hopeless romantic pala si kuya at napaniwala ko sya? Eto ba namang
itsura na 'to gegelprenin ni Caleb?

'Di rin!
Alam kong cute ako pero aminado naman akong hindi ako ka type type ng mga katulad
ni Caleb. Like duh? Hindi naman ganun kahaba ang hair ko.

So, back to the topic. Tama ba talaga na umakyat na 'ko sa taas at humingi ng
dispensa sa kanya, kahit pa labag na labag sa kalooban ko lalung lalo na sa pride
kong mataas pa sa mount fuji? Paano kung sungitan lang nya 'ko?

Bahala na nga!

Kumaway lang ako kay Kuya Jovit bago ko dumiretso sa loob ng condo. Maya maya,
alumpihit na 'kong nakatayo sa tapat ng pinto ni Caleb. Ilang beses kong tinaas ang
daliri ko para pindutin ang doorbell pero sa huli ibaba ko rin yon. At kelan ka pa
naging shy type, Natalie Gifford? Ayos muka, ne!

Pipindutin ko na sana ang doorbell, at totoo na 'to this time, nang biglang bumukas
ang pinto.

Niluwa niyon ang makalaglag panty na si Caleb-- teka? Sinabi ko bang makalaglag
panty? Mali! Mali! Makalaglag panga! There, that's better.. Whew! Nakasuot sya ng
gray sweater hoodie, walking shorts at rubber shoes. Paakyat na sana ang mata ko sa
mukha nya nang muling bumaba iyon. Ang laki huh? Ng paa nya.
"Uh, excuse me? Are you done checking me out?"

Agad akong nagtaas ng paningin. Nakataas ang mga kilay nya na tila naghihintay ng
sagot ko. Napansin ko rin ang earphones na nakalaylay sa kuwelyo ng hoodie nya.

"Earth to Natalie?"

"H-ha?"

Napailing sya. "Anong ginagawa mo dito? Sabi ko sayo kagabi itext mo na lang ako
kung may lakad tayo?"

"A-Ah. Ano kase.."

Kumunot ang noo nya. Tapos napayuko sya at napatingin sa box na hawak hawak ko.
"What's that?"
"A-alin?" agad kong tinago sa likod ko ang box.

"Psh." inabot nya ang box na nasa likuran ko at inagawa yun sakin. "This." tinaas
nya ang maliit na box sa level ng mukha ko. "Ano 'to?"

"Wala yan!" aagawin ko na sana sa kanya ang box pero bigla na lang syang pumasok sa
loob at sinara ang pinto. "Hoy! Buksan mo 'to!" kinalampag ko nga.

Maya maya bumukas din iyo. "Sorry." he was grinning at me like a kid. Kala mo
napakacute ng ginawa nya. Aba! Muntik na kayang tumama yun pinto sa mukha ko.
Gagong 'to! Pasalamat ka, pogi ka!

Dali dali akong pumasok sa loob ng condo nya tapos nakita ko syang hawak hawak na
yung keychain na laman ng box. "Ang kapal neto! Bakit mo binuksan? Sayo ba yan?!"

"Uhh.. I think so?" itinaas nya ang isang sticky note na nakadikit sa loob ng box.
"It says here, sorry bout last night, Caleb. So, I assume its for me?"

Napanguso ako. Hays! Bakit ba kase nilagyan ko pa ng note sa loob? Katanga!


"Who's this dog? I think I saw it somewhere?"

Napahagikgik ako dahil si Courage the cowardly dog yung keychain na binigay ko sa
kanya. Hindi ko alam kung bakit yun, natripan ko lang kase cute. Kamuka nya.

Lumapad ang ngiti nya at lumapit sakin. "Thank you and you're forgiven."

He lowered his head towards me habang ako naman napaatras. "H-Hoy! Ano ba?!"

"Stop moving away!" hinila nya yung braso ko.

Pumalag akong ulit. "Ano ba? Caleebb!!" napatili ako at pilit na nilalayo ang
sarili ko sa kanya. Shucks! Hanu beh?!! Hahalikan nya 'ko! Ayokooo!!

Napapangiting binitawan na lang nya ko. "Wag na nga, ang arte mo."
"Hrmp!!" humalukipkip ako. Loko lokong 'to! "Manyak!"

Napahalakhak sya sa inakto ko pero hindi na nagkomento pa. Tumungo sya sa coffee
table at dinampot ang susi ng kotse nya. Kinabit nya dun ang keychain na bigay ko.
"Salamat dito, Natzkie." he grinned at me and that made my heart skip a bit. Buset!
Ba't ba kase ganun sya?

"Walang anuman, sorry sa atraso ko." nakangusong sabi ko.

"Dont mind it," sagot naman nya. "So?"

"Ah! May lakad ka ba? Nakakaistorbo ba 'ko?"

"No, actually, I'm on my way to the gym. Gusto mo bang kumain muna?"

Ngumiti ako. "Sige, tara, pero para makabawi ako sayo, lilibre kita!"
"Silly, I told you not to mind it. Hindi mo 'ko kailangan ilibre--"

"Tama na ang satsat! Tara na!" i grabbed him by the wrist and pulled him out of his
condo.

*****************************************

"Teka!" hinablot ko ang braso ni Caleb nang nasa akto na syang papara ng taxi.
"Magfx na lang tayo papuntang Shaw tapos MRT! Mahal ng taxi eh."

"What? You think I'm gonna make you pay for it? Wag ka ngang baliw, tara na!"

Muli kong hinila pababa ang kamay nya. "Stop it! My treat, okay? May atraso 'ko
sayo, babawi lang ako. Hayaan mo na ko para hindi ako nakokonsensya sa gabi."
hinila ko na muli sya papalapit sa sakayan ng FX.

"Will you stop dragging me, I can walk." binawi nya ang kamay nya saka nya iyon
pinatong sa balikat ko. "There.. That's better."

"Ano ba? Wag mo nga 'kong akbayan!" i shrugged his arm off.

"Ang arte mo, akbay lang eh!" muli nyang pinatong ang braso sa balikat ko habang
yung isa naman ay inabot ang kabilang kamay upang sa ganon, mayakap nya 'ko. "Stay
there."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko nang marealize ko na niyayakap nya 'ko in


public. Gravity!! Alam ko hindi ko dapat nararamdaman 'to pero may kilig eh! May
kilig ng slight! Kahit kelan hindi ako yung tipo na mahilig mag PDA. Pero--
"Nakakainis ka!" pilit ko syang tinulak. "Wag mo nga 'kong yakapin! Yuck!"

Mas lalong namula ang pisngi ko nang makitang tinitingnan kame ng mga barker ng FX.
Nanunudyo yung tingin nila samin. Hanu beh?! Nakakainish nemen ehhh! Lumayo ako sa
baliw na si Caleb, ngiting ngiti sya. Inirapan ko nga. Tapos nagmartsa na 'ko
papunta sa FX na sasakyan namin. Naramdaman kong nakasunod sya sakin.

"LQ, ser?" tanong ng isang barker sa kanya.

"Deh, nahihiya lang yan." sagot naman ng hudyo. Grr!


Naiinis na nagsumiksik ako sa dulo ng FX habang sya ngingisi ngising tumabi sakin.
"Did you hear that? Sabi nung manong, bagay daw tayo."

Nanlaki ang mata ko. Gagong 'to, wala namang sinabing ganun ah? Siraulo. "Nek nek
mo!"

"Why are you so mad at me?" he asked like it was something very amusing.

"Niyakap mo 'ko eh!"

"So?"

"Anong so? Mamaya may makakita satin!"

"Kung makapagsalita ka naman, parang luging lugi ka naman sakin? Besides, whats
wrong with that? Single ako. Single ka. Walang magagalit." kibit balikat na sabi
nya.
I punched him lightly on his thigh. "Hoy! Wala akong balak makipagsomething
something sayo! Kay Axel lang ako!"

"Right." he answered with a pursed lip.

Buong byahe, uncomfortable si Caleb. Bukod kase sa hindi gaanong malakas ang aircon
ng FX, siksikan pa dahil puno na nga, ang laking tao pa nya. Napangisi ako sa loob
loob ko. Buti nga, nakaganti na 'ko sa pambubuska nya kanina.

Nang makarating kame sa MRT station ng Shaw boulevard ay nanatiling tahimik si


Caleb. Kunot noo lang nyang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid nya. Himala na
hindi man lang sya nagreklamo sa haba ng pila sa pagkuha ng ticket. Habang
hinihintay namin ang train ay saka nya ko kinalabit.

"Oh?"

"You think we would fit inside the train?" nagaalalang tumingin sya sa mga tao sa
paligid namin. Medyo marami ngang tao ngayon, considering na tanghaling tapat
naman.
"Kasya yan! Sardinas nga napagkakasya, tayo pa kaya?"

Napangiwi si Caleb pero hindi na lang nagkomento. Napabungisngis ako.

"Hey? Why are you sneakering? Are you laughing at me?" masungit na tanong niya
sakin.

"Hindi po!" sabi ko na nakangisi parin.

"Then why are you grinning? What's so funny?"

Nilawakan ko ang ngisi ko. "Ang cute mo kase."

Nakita kong parang pinipigilan nyang mapangiti sa sinabi ko. Kunware ay yumuko na
lang sya at ipinasak ang earphone sa tenga nya. Sows! Patay malisya pa, eh
kinikilig naman ang kumag! Gusto ko tuloy mapahalakhak pero baka ma-bad mood
nanaman sya kaya pinigil ko na lang ang sarili ko.
I just stood there and stared at him while he's humming tunes.

Nang mahuli nya 'kong nakatingin, pinandilatan nya 'ko kaya inabangan ko na lang
kunware yung train.

After a few seconds, dumating din yung hinihintay namin. Hinawakan ko si Caleb sa
braso dahil baka maiwan sya ng train. Babagal bagal kase. Nang sa wakas sumara ang
sliding door ng tren, daig pa namin ang sardinas sa sobrang pagkakasiksik namin.

Shucks! Wrong move yata na mag MRT kame ah?

Tiningnan ko si Caleb. Kinailangan kong tumingala para makita ang mukha nya na
naiirita sa sobrang daming tao. Napangiwi ako. Hindi pa naman sanay ang isang to sa
siksikan at sa initan. Patay ako neto mamaya.

"Are you okay?" tanong nya sakin ng mahuli akong nakatingin.

"Okay lang. Ikaw?" nakangiwing tanong ko. Hinanda ko na ang tenga ko sa maririnig
kong sermon nya.
"I guess so." uneasy na nilingon lingon nya ang mga tao. Aba? Himala, di sya
nagalit?

Pagdating namin sa Ortigas station, mas naging siksikan na. May mga bumaba pero mas
marami ang sumakay. At dahil halo halo ang bunk na sinakyan namin. May mga manong
na walang habas na nakipagtulakan para lang makapasok sa loob ng tren.

Di sinasadyang may isang bumangga sakin at muntikan na 'kong masubsob sa kabilang


pinto ng MRT. Mabuti na lang naagapan agad ni Caleb at nahila nya ko patungo sa
kanya. Pero magkagayunman, sige parin sa pagtutulakan ang mga tao hanggang sa may
isa nanamang bumalya sakin.

"A-aray!"

Naramdaman kong niyapos na 'ko ni Caleb at dinikit ang ulo ko sa matipunong dibdib
nya. Oh sht! Nanlambot ata bigla ang tuhod ko. At wala 'yung kinalaman sa
pagkakatulak sakin. Ang bango kase niya!

Maya maya ay tumama nanamang braso sa likod ko.

"Will you stop pushing her?" iritableng sita ni Caleb sa kung sino man yun na
gumigitgit sakin.
"Ay, sorry po, sorry."

"Okay ka lang ba dyan, Natzkie? Stay close to me, alright?" bulong niya sakin.

"Mmm. Hmm." came my reply. Wala nang lugar para makasagot ako ng maayos sa kanya.
Basta feel na feel ko nang sumubsob sa dibdib nya habang buhay.

******

"We're riding a cab." anunsyo ni Caleb.

"Ha?! Wala sabi akong pera!"

"Stop arguing with me! Ako ang magbabayad kung nagkukuripot ka." kunot noong
naghihintay sya ng paparahing taxi. Pauwi na kame ngayon galing sa panananghalian
sa one of the best carinderia in the whole wide universe! Pagaari yun ng dating
girlfriend ni kuya Nero nung college. Madalas ako dun simula ng ipakilala ako ni
kuya kay ate kengkeng. Talaga namang napakasarap nyang magluto. Kahit ang pihikang
si Caleb,napaungol sa sarap ng kaldereta ni ate keng.

Pero ngayong pauwe na kame, parang nawala nanaman sa isip nya ang masarap na ulam
namin kanina.

"Mag MRT na lang ulit tayo!"

"What? At magpapatulak ka nanaman sa mga taong yun? No! No way!"

"Eh di mag bus na lang?"

"I said no, Natalie. We're taking a cab." he said sternly. "Do you do that
everyday? Ride that thing? You should get yourself a car!"

Inirapan ko sya. "Duh? Di naman ako mayaman katulad mo! Pang taxi nga, wala ako
eh."
"I'll give you one then."

"What?" napamulagat ako. "Bibigyan mo ko ng sasakyan?"

"Yes. Pero utang yon. May mga mumurahin kaming sasakyan na binebenta. That'll do.
Kesa naman makipagsiksikan ka sa mga lalaki sa MRT."

Umingos ako. "Kala ko naman bibigyan mo talaga ko ng sasakyan."

"Bakit? Girlfriend ba kita?"

"Hindi! Bakit sinabi ko ba?" inangilan ko sya.

Tumawa lang ang loko. "Saka hindi naman ako marunong magdrive, tapos mahal pa ang
gasolina--"
"Oh for God's sake! Dame mong reklamo! You dont know how to drive, ang dame dameng
tutorials dyan. Namamasahe ka rin naman araw araw--"

"Hep!" tinakpan ko ang bibig nya. "Di nga yun ganun kadali! Wag ka ngang dada ng
dada, talsik mo lumalaway!"

Kumunot ang noo nya. "Sht, it's raining!"

Napatingala ako at totoo nga, umuulan. At wala kaming dalang payong!

Tumakbo kame sa malapit na waiting shed. Hindi pa man lumalampas ang isang minuto.
Parang bagyo na kalakas ang ulan. Napatulala na lang ako. Anyare? Delubyo?

"Crap, that's one helluva hard rain." ani Caleb sa gilid ko.

Napalabi na lang ako. Sobrang lakas nga ng ulan. Paano kaya kame makakauwi nito?
Ang dalang pa ng taxi na dumadaan. Kung meron man, may sakay na. Malayo pa naman
ang hi way yung mismong sakayan ng bus dito.
Mga ilang sandali pa ang lumipas napapahimas na 'ko sa mga braso ko sa sobrang
lamig. Naulanan pa naman kami kanina bago kame nakasilong kaya medyo basa ako at
ang damit ko. Ginawin much pa naman ako.

"Here, wear this." nakita kong tinanggal ni Caleb ang hoodie nya at iniabot sakin.

Napanganga ako nang makitang naka itim na sando lang pala sya sa ilalim nun. "Hala!
Baka ginawin ka nyan? Wag na!" pilit kong tinutulak pabalik sa kanya ang hoodie.
"Okay lang kaya 'ko."

"You kept shivering there and you say you're okay? Cut the bullsht, Natzkie. Wear
it." sya pa mismo ang nagsuot ng ulo ko sa butas ng damit. "Dalian mo na, wag mo
'kong pikunin." banta pa nya.

Kahit pa gustong gusto ko syang tanggihan, napaka inviting naman ng mainit init pa
nyang jacket. Saka naalala ko pa kung gaano kabango yun kaya pumayag narin akong
suotin yun. At dahil di hamak na mas malaking tao sya sakin, abot hanggang hita ko
ang hoodie nya.

"There," he said, appraising me. "You look so hot on my hoodie."


Hindi ko napigilan, naitulak ko sya. Nagkunware akong may tinitingnan na something
sa paa ko para maitago ang pamumula ng pisngi ko. Hot daw ako? Eh tagong tago nga
hubog ng katawan ko dito? Pero hot padin ako? Niloloko ata ako ni Caleb.

"Nahiya pa kunware." bulong ng gago.

Mga ilang minuto pa ulit ang lumipas at napansin kong sya naman ang nilalamig.
Kahit gaano naman kakapal ang muscles ng lalaking to siguradong lalamigin parin sya
sa lakas ba naman ng ulan. Pasimpleng dumikit ako sa kanya para kahit paano maibsan
ko ang ginaw nya. Konti pa, Natalie, konti pa..

"If you want, you can just hug me. There's no need to be shy about it." biglang
sabi nya. Halos mapalundag tuloy ako.

"Oy! Di kita pinagnanasahan ha?"

"May sinabi ba 'kong ganun?" he challenged, grinning from ear to ear.

"Tss. Naawa lang ako sayo kase nilalamig--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko
dahil bigla nya 'kong hinila payakap sa kanya. "Ca-Caleb.."
"Hmmm.." he pulled me tighter.

Napatingala lang ako sa kanya habang sya nakatingin sa malayo. Sana wag nang
tumigil yung ulan.. I sighed dreamily. Wala akong pakialam if I wasnt supposed to
feel that way, pero ang sarap kase talagang mabalot sa bisig ni Caleb. I feel safe.
Contented.

"Hey!"

I almost jumped out of my skin when I heard that booming voice. I whirled only to
see a Lexus parked in front of the waiting shed. Nakasilip sa bintana ng passenger
seat ang isang pamilyar na mukha. Holy-! Si Channing Tatum kalokalike!

"Oh joy! 'about time, Ards!" Caleb called.

"Sorry, I was stucked in traffic! Tara na, next time na kayo magmoment dyan!"

Napamaang ako kay Caleb. "You know him?"


"Yeah, he's RD. The bartender at remix? Remember him?"

"Tinawagan mo sya?"

"No. I texted him saying we need a lift, busy ka kase sa pagsinghot sa sweater ko
kaya di mo napansin." namula nanaman tuloy ako sa sinabi nya. Nahuli pala nya
'kong inaamoy amoy yung jacket nya? Grabe nakakahiya talaga! Hinarap nya 'ko at
tinalukbong ang hood ng sweater nya sa ulo ko. Pagkatapos ay ginagap nya ang kamay
ko. "Lets go."

Pinagbukas nya ko ng pinto ng backseat then he slid next to me.

"Hi, remember me?" nakangiting bati sakin ni CTK. "We met at the bar, where you.."

"Oo naalala kita." nahihiyang wika ko.


"I'm RD," pumihit sya paharap sakin para iabot ang kamay nya.

Tinanggap ko naman yun. "Nat--"

"Natalie, I know." agaw nya sa sasabihin ko ngumisi sya kay Caleb na nakakunot
naman ang noo sa kanya.

Paano kaya neto nalaman ang pangalan ko? Kinukwento ba 'ko sa kanya ni Caleb?

"Lets go, RD, ginaginaw na 'tong isang 'to." noon ko lang napansin na nakaakbay
pala sya sakin, tapos bigla nya kong hinigit palapit sa kanya.

Hay Caleb.. Ano ka ba? Bakit ganito na lang ang lakas ng tibok ng puso ko dahil
lang ilang beses mo 'kong niyakap ngayong araw na 'to? Ano bang nakain mo?

****************

A/N: at bakit sa backseat lage ng sasakyan natatapos ang chapter ko?


####################################
Chapter 10
####################################

Chapter 10

Natalie

Nakapangalumbaba ako habang mataman kong pinagmamasdan sina Heather at Caleb, ilang
mesa ang layo saakin. I took out the phone Caleb let me use and snapped pictures of
them while Heather's laughing incessantly at whatever joke he had said, while the
brute was grinning at her from ear to ear.

I couldn't help but snort. So, capable naman pala syang maging nice? Bakit saakin
hindi nya magawa yun? Bakit pagdating saakin, napaka bipolar nya?

I snapped another picture as Caleb's hand rested behind Heather's seat. Pinagmasdan
ko sila habang naghaharutan sila sa kabilang mesa. Again, I snorted.
Paano ba naman kaseng hindi ako magrereact ng ganito? Parang kahapon lang, ako ang
nilalambing ni Caleb. He hugged me.. Heck! He almost kissed me, for God's sake!

Alam ko namang walang ibig sabihin yun eh.. I sighed. Nakakainis lang dahil kanina
nung magkita kame, buong akala ko magiging warm sya ulit sakin katulad kahapon.
Pero hindi eh! Isang matinding pagsusungit nanaman ang inabot ko matapos kong ituro
sa kanya kung anong dapat nyang gawin ngayon!

Gusto ko lang naman na kunwaring makipaglapit sya kay Heather - nalaman ko kase na
pupunta nga sa restaurant na 'to si Heather, kung paano ay 'wag na kayong
magtanong. Kunwari ay by chance meeting lang ang mangyayari. Caleb will act
friendly, tapos kukuhanan ko sila ng pics then i will send it to Axel - anonymously
- planting seeds of doubt in the poor guy's mind.

Caleb just said that it was a good idea then he ignored me the rest of the way
towards here.

Uhg! He's so freakin' bipolar!

At ako naman 'tong si tanga na umasa!


Napayuko ako at dinutdot ang pagkaing nakahain sa harapan ko. Pinilit ko pa syang
iorder 'to para sakin kanina. Pero ngayon parang wala nang appeal sakin yung
pagkain. Ngayon pang nakikita ko silang maglandian sa harap ko?

I tortured the beef on my plate. I hate Caleb. Ang landi nya! Ang landi landi nya!

I stared at the poor meat as it grew brown hairs and chinito eyes popped in it. Mas
lalo akong nanggigil. Tinusok tusok ko iyon hanggang sa malasog. Yan ang dapat sayo
Caleb Damien Yung. Durugin. Tusukin. Gutayin!

Ibinaba ko ang kubyertos at sumimsim ng apple shake. Bakit ba kase ako affected? I
shouldn't be feeling this way! I shouldn't be bitter! Gusto kong mapaantanda.
Jusko! Mukhang nagkakacrush pa ata ako sa bipolar na si Caleb. Sa dinami dami ng
tao sa mundo, bakit sa kanya pa 'ko humanga?

Hindi naman sya gwapo. Hindi sya macho. Hindi sya matalino. Hindi sya malambing.
Hindi sya mabuting nilalang!

Yeah right. Amalayer.


The thing is, Caleb's gorgeous. He is dangerously gorgeous. And what the hell do I
mean by that? If your heart's not guarded enough, you might fall in love with him.
And that is just wrong in so many levels! Una, may jowa ako; Although hindi sya
aware na jowa ko parin sya. Pangalawa, hindi kami magkalevel. Kulang pa kung
sasabihin kong langit at lupa ang pagitan namin. We're like light years apart!
Sobrang yaman ng mga Yung. Nakakalula, ever! Samantalang ako, eto, mas mahirap pa
sa daga.

Hindi ko narin kailangan aminin pa na macho si Caleb diba? Shucks! Those biceps are
to die for! Nun niyakap nya 'ko sa waiting shed.. Heaven forbid. Talagang i feel
safe inside his arms. Hindi ko narin kailangan pang uliting sabihin na mali yun,
hindi ba?

Caleb's smart. Hindi lang sa paraang aral, kundi street smart din sya. At kataka
taka iyon considering na he grew up sheltered. Laking aircon, kumbaga.

I sighed. At kung gugustuhin nya, he could be a very nice person. Minsan parang
sinasadya lang nyang magsungit sakin pero deep inside, mabait talaga sya.
Nagsusurface yun sa mga panahon na unguarded sya. He would do nice things such as
offering you his jacket, ihatid ka sa bahay, yakapin ka pa nilalamig ka, iorder ka
ng pagkain pag nagugutom ka.. I sighed again.

After mentioning those things, masisisi mo ba 'ko kung magkacrush ako kay Caleb?

Hanggang crush lang naman eh. Syempre si Axel parin ang mahal ko.
Kaya hindi dapat akong mabitter kung sakaling pinapairalan ako ng sala sa init sala
sa lamig attitude ni Caleb, dapat cool lang. Naaawang napatingin akong muli sa
kinakain ko. Sorry, meat, hindi dapat ikaw ang pinagbubuntunan ko ng inis sa taong
yun.

Nang sumunod na magangat ako ng paningin at tingnan kung anong ginagawa nila Caleb
ay patayo na sila. Hala? Saan balak pumunta ng mga 'to?

Caleb's hand rested on the small of Heather's back as they paved their way towards
the exit. 'Ni hindi ko napansin na nakapagbayad na sila ng bill nila. At saka wala
sa usapan na sasama si Caleb kay Heather! Ano yun? Iiwan nya 'ko dito?

Mukhang ganun na nga, Natalie!

I watched as the two of them disappeared outside the door. Napanganga na lang ako.
What the-? Are they planning on.. You know?

Uhg! Gusto kong banlawan ng zonrox ang utak ko sa mga naiisip ko! Caleb and
Heather, in the bed, doing the deed!
Galit na hinablot ko ang inumin ko at tinungga iyon hanggang sa maubos. I hate
Caleb! I hate him! I hate him! Wala naman sa usapan yun eh! Wala akong sinabi sa
kanya na dapat may mangyare sa kanila ni Heather! I dont want them to actually
cheat on Axel. Oh my God, my poor baby! But in a way, pabor nga sakin yun. Why
didn't I think of that? Sana nga magkabalikan na lang silang dalawa!

Kaya lang nagpoprotesta parin ang kalooban ko.

Hinablot ko ang bag ko na nasa kabilang upuan at naiinis na tumayo. Ano ngayon kung
balak nilang magchuk chakan? Bayad naman na yung inorder ko - na hindi ko naman
nakain. Isa pa, may pamasahe naman ako pauwi, hello? To hell with them.

I was ready to leave but as I turned my back, saka naman ako bumangga sa isang
matigas na bagay.

"Whoa! Careful!" pumulupot ang mga braso nya sa newng ko upang di ako matumba.

Agad akong napatingala nang marinig ko ang pamilyar na tinig na 'yun. "A-Axel?"
what is he doing here? Awtomatikong napalingon ako sa main door ng restaurant.
Nakita kaya nya yung dalawa?
"Huy, Nana, okay ka lang ba?" binitawan nya ang bewang ko nang sa tingin nya ay
hindi na ko matutumba pero hinawakan parin nya 'ko sa siko para alalayan.

"Ka-kanina ka pa ba?" hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba nangangamba


ako? Diba yun naman ang dapat mangyare? Ang makita ni Axel yung dalawa para
magselos sya at marealize na ako lang ang para sa kanya? Natatakot lang siguro ako
na masaktan sya. "San ka galing? San ka dumaan?"

He looked at me, confused. "Uhh.. Sa main door?"

"Oh, yeah, right." Nais kong batukan ang sarili ko. Stupid, Natalie! Malamang sa
main door! Wala namang ibang daanan papasok dito eh.

"What are you doing here? May kasama ka ba?" nakangiting tanong nya sakin.

I fought the urge to sigh. Ang gwapo parin talaga nya. Gwapong saktong sakto lang,
nasa ramang timpla. At ang bango pa! I don't want to swoon pero parang yun na ang
ginagawa ko. Oh God! I miss my Axel! Gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Yun tipong
hindi ko na sya pakakawalan pa!

"Nana?" untag nya.


Oh sht! Kausap nga pala nya 'ko. Natalie, will you please get a grip? Stop acting
like a moron! You need to impress him! Mateturn off sya sa ginagawa mong paanga
anga riyan eh!

"Uhh, wala eh. Care to join me?" i even batted my eyelashes. 'Yan, tama yan!
Magpacute ka Natalie, seduce him!

Napakamot ng ulo at napangiwi si Axel. "You know, nana, that i would love to,
right?" napatango tango ako. "Kaya lang Heather's waiting for me outside."
napalingon siya sa main door.

Kung hindi lang ako naka-lean sa table na binakante ko kanina ay malamang na


natumba na ko. What the hell did he just say? Hinihintay sya ni Heather sa labas?
Paano nangyare yun? Ibig ba nyang sabihin nakita nya itong kasama si Caleb?

At mukhang okay lang sa kanya?!

"At saka ang akala ko paalis ka na?" he eyed my food suspiciously. Sana hindi nya
mapansin na lasog lasog na ang ulam ko. Napapikit ako ng mariin.
"Yeah, oo nga pala." naikuyom ko ang palad ko. Oh I got an idea! "So, nagkita kayo
ni Heather? P-parang nakita ko nga sya kanina na may ka-kasamang kumain?"

Naging blangko bigla ang mukha ni Axel.

Gotcha!

"Y-Yeah.. She said she bumped into her.. Uhm.. Ex-fiance' at kumain sila,
nagkakwentuhan.." bakas ang lungkot sa mukha at boses ni Axel.

"Do.. Uhm.. Do you wanna talk about it?" napakagat labi ako. Please say yes! Please
say yes! I crossed my fingers behind my back.

He looked hesitant. Tumingin sya sakin na parang gusto nya talagang magconfide
sakin. Syempre, ako ang best friend nya, ako lang ang maaasahan nya in times like
this! "Sorry, Nana, hinihintay na kase talaga ako ni Heather eh."

Nanlumo ako. Wala ba talaga 'kong kalaban laban sa Heather na yun? For a moment
right there, i wanted to cry. Wala na ba talagang pag asa na mabawi kita, Axel?
Gusto ko yung itanong sa kanya. I just couldn't find my tongue!
"Next time, Nana, I promise!" hinawakan nya ang magkabila kong balikat, sensing my
despair. I'm pathetic, I know. "Magkita tayo sa friday, I'll make it up to you.
We'll catch up." nag angat ako ng paningin and I saw him smiling at me. Parang bula
na naglaho lahat ng pagaalala ko.

I smiled brightly at him. "Sure! Friday!"

Lumuwag ang ngiti nya at tila nakahinga sya nang maluwag nang makitang ngumiti na
ako. That's my Axel! Oh my God! Gusto kong mapatili! Ganito si Axel eh. Ayaw nya
'kong malulungkot! Jusko! May pag asa pa!

"I'll just text you the details, alright?" he smiled sweetly at me, mirroring me.
"May maghahatid ba sayo? Gusto mo bang sumabay na lang samin?"

Gustuhin ko man, Axel, kasama mo naman si Heather! Di bale, masosolo ko naman sya
this coming friday, I'm so excited!! Kulang na lang magkorteng puso o stars ang mga
mata ko. Halos amoy ko na ang tagumpay! "Hindi na siguro, magkita na lang tayo sa
friday?"

"Okay.." nagulat ako nang biglang tumaas ang kamay nya patungo sa mukha ko at
hawiin ang buhok ko. "Nana-" he hesitated.
Matagal kaming nagtitigan doon habang nakatayo sa gitna ng restaurant. Umaasa akong
sasabihin nya na sana ako na lang, sana ako na lang ulit. Katulad sa eksena ni
Popoy at Basha pero hindi dumating yun. Instead, he said, "Magiingat ka lagi ha?"

Dismayado man akong nakatanaw sa kanya habang papalabas sya ng pinto ay may nakapa
naman akong pagasa sa dibdib ko. Mababawi ko pa sya. Maitutuloy pa namin ang
naudlot naming love story dahil sa biglang pag dating ni Heather sa buhay namin.
There's still hope. Alam kong may nararamdaman pa sya para sakin. Naguguluhan lang
si Axel. Pero konting push pa, marerealize din nya na kami ang para sa isa't isa.

"Ano't nakatanga ka dyan?"

I snapped out of my fantasy when I heard Caleb's voice. Hindi ko napansin na nasa
harapan ko na pala sya. Agad ko syang inirapan. "Anong ginagawa mo dito? Bakit
bumalik ka pa? Akala ko ba makikipagchuk chak chenes ka kay Heather?"

"Chuk-Chak-What?" he asked as he took a seat on our table.

Humalukipkip ako. "Bakit ba bumalik balik ka pa?" bwisit na 'to. Istorbo sa


daydreaming ko.
"Axel saw us."

"Nakita nya tayo?!" dali daling napaupo ako sa harapan nya.

"No! Us! Heather and me." naiinis na wika nya. "He doesn't seem to mind though.
Nung sinabi ni Heather na ex fiance nya 'ko, parang tuwang tuwa na nakilala ako ng
loko." he waved at the waitress and ordered some unfamiliar sounding drink.

I rolled my eyes at him. "Syempre, kunware lang yun, para mukhang cool."

"I know," he said simply. "What are you standing there for? Sit down."

Kapal talaga nitong lalaking 'to! Kala mo palamunin nya 'ko kung makapag utos!
Well, technically, Natalie, parang palamon ka nga nya dahil sya ang nagbabayad ng
kinain mo kanina.

Hindi ko pinansin ang utos nya at patuloy lang na tumayo dun nang nakahalukipkip.
"Sana pinakitaan mo na kaya mong agawin si Heather sa kanya, tell him she was yours
first!"
"And what? Hurt your ex-boyfriends pride? No thank you. Baka saktan mo nanaman ako
gamit yang kamao mo." inabala ni Caleb ang sarili cellphone nya. Where's the phone
by the way? Let me see the pictures."

inabot ko ang cellphone sa kanya. "Bakit naman kita sasaktan, aber?"

"Kase nga po, masasaktan ko ang pride ng minamahal mong ex. I know how over
protective you are of him." binalik nya ang phone sakin sabay sabing, "ampapanget."

Iningusan ko sya, pinili kong ignorahin na lamang ang huling komento nya. "Sus! Eh
kung sa ikakaganda ba ng takbo ng plano natin, bakit hindi? Jusko ang hina mo
Caleb!"

Sinamaan nya 'ko ng tingin. Ooopsie. I didn't mean to get in his bad side nanaman,
and what? Bawiin nya ang tulong na binibigay nya sakin? No way. Ang laki naman kase
masyado ng bunganga ko eh!

"Diba sinabi kong maupo ka?" kunot na kunot ang noo nya. Napaka bossy talaga ng
lalaking 'to! I begrudgingly sat on my seat and glare at him.
"At saan ka nga pala pupunta? Akala ko isesend pa natin yung pics kay Axel? I have
a spare sim right here." bumaling sya sa wallet nyang hindi ko napansing nilabas
nya.

"Para saan? Para sa pambababae mo?" naiinis na bulong ko.

"I heard you." he pointed out while looking for his stupid sim.

"Good for you."

Impatient na hinarap nya 'ko. "Hindi naman porket may spare sim gagamitin na sa
pambababae. Besides, I don't have a girl friend, which means I can contact any girl
I want, at hindi pambababae ang tawag dun."

"Mamatay na nagtatanong." nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Kung


makapagexplain naman kala mo hiningi ko ang paliwanag nya. Psh. Eh sa totoo namang
sa pambababae nya gagamitin yun. Why else does he need a extra sim for, diba?

I heard him smirk kaya napalingon ako sa kanya and I sent him a questioning look.
"Why does my fidelity issues concern you anyway?" he said with a teasing smile.

"It doesn't. Sinasabi ko lang naman!"

"Well, I did not ask for your opinion either." tinitigan nya 'kong maigi. Hindi sya
nakangiti pero alam kong nakangiti sya! Kita ko yun sa mga mata nya. "Mamatay na
rin ang nagtatanong."

Napanganga ako sabay naningkit ang mata. Nakakabwisit talaga 'tong lalaking 'to!
Itinaas ko ang kamay ko at kunwaring dudurugin sya nang bigla syang tumawa ng
malakas.

"You look so cute when you're pissed." he said.

Naspeechless ako. Badtrip naman oh! Guguluhin nanaman ng lalaking 'to ang sistema
ko! Okay na sana eh. Naestablish ko na sa sarili ko kanina na si Axel lang ang
gusto ko. Pero pag ganitong pinapaandaran ako ni Caleb. Di ko maiwasan na kiligin.
Kahit hindi naman dapat.
Tumingin ako kay Caleb habang sumandal naman sya at inenjoy ang kulay dilaw na
inumin. Kung di lang sumpungin 'tong bugok na 'to.. Perfect na sana sya..

Kung posible lang sana na magkagusto ang isang prince charming na katulad nya sa
gaya kong commoner lang. Hayahay sana ang buhay. Kaya lang.. I sighed.

"You haven't answered my question yet. Where are you going? Before you bumped into
your ex?" matamang nakatitig sya sakin.

"Uuwi na. Saan pa?"

Kumunot ang noo nya. "Lalayasan mo 'ko? Hindi mo na ko aantayin, ganon?"

"Aba malay ko bang babalik ka? Ang akala ko may balak kayong magchuk chak chenes ni
Heather." i looked at him intently. "Malamang yun talaga ang balak nyo kung hindi
kayo nakita ni Axel no?"

Mas lalong nangunot ang noo nya. "Don't tell me, you think..?" tinitigan nya ko
maigi hanggang sa matawa na lang sya. Halos manakit ang tiyan ng loko kakatawa. Na
kahit pa pangingkitan ko sya ng mata ay di parin sya tumigil. Konti na lang
bubuhusan ko na ng juice 'tong siraulong 'to!
"You can't honestly think I will have sex with Heather!"

"Hoy?!" i reached out and covered his mouth, pagkatapos ay hinampas ko sya sa
dibdib. "'Wag ka ngang maingay, grabe nakakahiya ka!" i looked over to other
patrons inside the restaurant, may ilang napapatingin samin. "Hindi po ako ang may
sabi nun!" depensa ko. Mas lalong natawa ang hudas.

"Hindi nga ikaw ang nagsabi pero inisip mo naman!" he said in between laughs.

Badtrip! Naupo akong muli sa upuan ko at tinakpan ang mukha ko. This is seriously
embarrassing! Nakakahiya 'tong si Caleb! Ang lakas lakas pa man din ng boses nya. I
felt blood creeping up my face. Ano na lang ang iisipin ng mga taong 'to sakin?

"Why are you covering your face? Are you crying?" nanunudyo pang sabi nito.

"Shut up!"
Gigil na gigil ako't gusto ko na syang sapukin. Argh! Mapapatay ko 'tong lalaking
'to!

"So, that's what chuk chak chenes means?" he mused.

Natigilan ako. Did he just..? Ibinaba ko ang mga kamay ko mula sa pagkakatakip sa
mukha ko. I stared at him in disbelief while he grinned widely at me. "Chuk chak
chenes means sex?" Nalaglag ang panga ko. Hearing him say those words. Parang gusto
kong mamangha. Nagbago bigla ang pakiramdam ko. Kung kanina ay gusto kong magwala,
ngayon naman parang gusto kong ngumiti. At unti unti na nga akong napapangiti. Damn
it! He's so cute!

"I can't even talk to her in one solid hour, she's so self absorbed and she laughs
at her own jokes." napailing si Caleb, hindi yata napansin ang pag-iiba ng mood ko.
"Much more, sleep with her.. I can only imagine what its like. Teka, nawawalan na
'ko ng gana. Hey! Why are you smiling like an idiot?"

Napailing din ako. Pilit kong pinapalis ang ngiti sa mga labi ko. This guy.. He's..
I dont think the right word to describe him has been invented already. He could
really be mesmerizing at times.

"Anyway, hindi kita ipagpapalit kay Heather.."


Muntik na kong mabilaukan sa sarili kong laway. Naman naman! Please stop Caleb!
Please lang! Yung puso ko nagririgudon!

"Ano nga palang napagusapan nyo ng ex mo?" pagiiba nyaagad ng usapan. Mukhang
napansin nya ang uneasiness ko sa sinabi nya. Paano naman kaseng hindi? Hello?

tumikhim ako. "Magkita daw kame sa friday.." mahinang sagot ko.

That's when his face turned sour.

####################################
Chapter 11
####################################

Natalie

Aligaga ako habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang repleksyon ko. Nakalugay
ang kadalasang nakapusod o nakatali kong buhok. Naglagay rin ako ng kaunting make
up upang magkakulay ang mukha ko at nagsuot ako ng dress na courtesy, again, ng
mahal kong bestfriend.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. Kalma ka
lang, Natalie.
Marahan akong naupo sa gilid ng kama ko upang wag magusot ang damit ko. Nakakahiya
naman kay Axel kung mukha akong gusgusin. Dress to impress ako ngayon, ika nga!

I checked my watch and realized it was almost time to go. I took another look at
the mirror and sighed. Wala na talaga, hanggang ganito lang ang kaya ko. At least
presentable na 'ko.

Dali dali akong lumabas ng condo ko.

Nang makarating ako sa meeting place namin ni Axel ay namangha ako.

Halaaa..

Ang ganda dito!!

Isang four star restaurant pala ang lugar na sinabi sakin ni Axel. Bakit naman nya
'ko naisipang dalhin dito? Ganun na ba ka-bigtime ang ex ko? Never pa nya 'kong
dinala sa mga ganitong klaseng lugar mas high end pa 'to kumpara dun sa restaurant
na pinagdalhan nya sakin nung nagbreak kame.

You wouldn't want to go there, If I were you, Natalie. Babala ko sa sarili ko.
Papano naman kase, hindi ko maiwasang ma-teary eyed sa twing maaalala ko yung araw
na yun!

Hindi ko alam kung papasok na ba 'ko sa loob o hindi. What if hindi ako siputin ni
Axel?

Pero kaysa naman tubuan ako ng ugat at matuyuan ako ng dugo sa katatayo dito,
nagpasya na 'kong tumuloy sa loob.

"May reservation po kayo, ma'am?" tanong sakin nung receptionist.

Patay. Hindi ko alam kung nagpareserve ba dito si Axel or what. I started to panic
and was about to turn my back when somebody laid his hands on my shoulder and said,
"Yes, under the name of Axel Cuevas."

"For a minute, sir." ngumiti ang receptionist samin.


Nilingon ko si Axel at matapis na ngiti ang sumalubong sakin. "Hi, Natalie, you
look ravishing tonight."

Napalunok ako. Syet!! Ang gwapo nya in his black button up shirt. Maayos na maayos
rin ang makintab na buhok nya. Bakit parang mas pumogi sya ngayon kesa noong kame
pa? "Ahh.. H-hi, Axel.. You-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang lumapit samin ang waitress at
giniya kame patungo sa nireserve na table ni Axel. Table for two, no less!

Napakagat labi ako lalu na nang ipaghila ako ng upuan ni Axel. Gusto ko tuloy
mapakanta, haba-ng-hair-nagrejoice-ka-ba-girl?

Naupo sa harapan ko si Axel, ngiting ngiti parin sya hanggang ngayon. "A-Axel..
Grabe naman.. Parang.. Masyadong mahal dito. Okay na sana ko kahit sa Mcdo o
Jolibee lang."

Axel laughed. "Don't be ridiculous, Nana!" he took a deep breath and stared
intently into my eyes. "Hindi ko ito nagawa para sayo nung tayo pa, hayaan mo 'kong
bumawi ngayon dahil kaya ko na."
Marami pa 'kong gustong itanong pero pinigilan ko muna ang sarili ko. Ayoko namang
isipin nya na napaka nosy ko. Mabuti na yung sa kanya manggaling yung salita at
hindi sakin.

"Kamusta ka na nga pala?" he asked while nagseserve yung waiter. "Yung painting na
ginagawa mo nuon? Yung lalaki sa manila bay? Tapos na ba?"

Ang tagal tagal na nung painting na yun. Natapos ko yun bago pa man kame
maghiwalay. Sa pagkakatanda ko, nasabi ko na yun sa kanya. Nakalimutan nya siguro.
O baka ako yung nakalimot na sabihin sa kanya? Ewan. "Yeah, natapos ko na.." sabi
ko habang nilalaro ang dulo ng table napkin sa kandungan ko.

"Did someone already bought it?" he smiled eagerly at me.

Napayuko ako. Hindi ko yun binebenta. Alam kong nasabi ko na 'yun sa kanya. Alam
nyang hindi ko yun ibebenta dahil sya ang inspirasyon ng painting na 'yon! It was
our first date, for God's sake! Bakit ba hindi nya alam ang detalyeng yun? Sinabi
ko na yun sa kanya! Gusto kong magmaktol pero pinigilan ko ang sarili ko. "H-hindi
ko yun binebenta, Xel." mariing sagot ko. Pinagmasdan ko sya habang hinihimay nya
ang karne sa pinggan nya.

"Why?"he asked curiously. "Interested pa naman ako at gusto ko yung bilhin."


Napatitig ako sa kanya. "Really?"

"Yes." he said. "It reminds me of our first date."

Sinubukan kong tumingin sa malayo upang pigilan ang nagbabantang luha sa mata ko.
He doesn't remember what I told him but it reminds him of that. Malaking bagay na
'yun sakin. My heart's starting to rejoice. Pero bago pa man ako makasagot kay Axel
ay tumunog ang CP ko.

*Caleb calling*

***

Caleb

What the hell is going on?


Why is Natalie rejecting my calls? No one have enough guts to fcking reject my
calls!

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at sinikap kong ibaling sa iba ang atensyon
ko. I tried to engaged in a conversation with the boys but my situation with
Natalie just keeps on nagging at me. Damn that girl! She shouldn't be getting under
my skin!

Sinabi nyang makikipagkita sya sa ex nya at nagaalala ako. Oh yes, you damn heard
it right! The great and elusive Caleb Damien Yung, nagaalala sa isang babae.

But who wouldn't? Kahit naman papaano, Natzkie's my friend. She maybe a bit on the
crazy side, but fck me dead - I really don't wanna admit this - I care for her.

Like a friend normally does.

Who the hell are you kidding Caleb?


Fck you!

Nagaalala talaga ako sa babaeng 'yon, she's so naive! Ang dali dali nyang mauto!
Isipin mo naman, anong klaseng lalaki ang makikipagkita sa ex nya habang in a
relationship sya sa ibang babae? What the hell? He's an ass! He doesn't deserve
even an ounce of Natalie's attention, let alone, her love! Wala syang kwentang
lalaki! Pinaglalaruan nya ang damdamin ni Natalie- But then again, who am I to even
judge him? Hindi rin naman ganoon kaganda ang reputasyon ko when it comes to women.

Naputol ang pagiisip ko nang bigla akong sikuhin ni RD. Kinunutan nya 'ko ng noo as
if asking me what's going on. Luminga ako sa paligid ko, masayang nagkukwentuhan
ang mga ugok kong kaibigan.

Umiling ako sa kanya. What am I doing? Napagdesisyunan kong lumabas ngayon, coz I
wanted an out. I wanted to chase Natalie's thoughts away. Lately, parati ko na lang
syang naiisip and it's so friggin' irritating! Napailing ako. Maybe I should just
get drunk and get the hell over this. There's no use thinking about someone who's
not even answering my fcking phone calls. Magsama sila ni Axel. Yung payatot na
yun!

I looked down on my phone when it started vibrating.

"Why are you calling?! I'm on the operation steal my boyfriend back, 'wag mo muna
akong kulitin!"
Nang mabasa ko ang mensahe nyang iyon ay napanganga ako. How dare she?! Sya pa ang
may ganang magalit ngayon? Wow ha? Ikinuyom ko ang kamay ko. She's such a nut
crack! Ugh!

Napatingin akong muli sa mga kasama ko. Busy sila na pagusapan yung ex girlfriend
ni Zeve - na sobrang kinababaliwan parin nya hanggang ngayon - at yung recent
boyfriend nya.

Naalala ko tuloy si Natalie.

Gusto ko sanang sabihin kay Zeve that he's better off without her and just move on
pero hindi ko magawa. Just like I couldn't tell Natzkie those words. Some people
are just too sappy for words. Some are going to walk through hell and back just for
love.

Ah, love!

Ano bang meron at humaling na humaling ang mga tao sa pag-ibig na yan?
I wonder what it feels like?

Bakit willing silang pagdaan lahat ng pagsubok na yun para lang sa pag-ibig. That's
just so ridiculous. Insane!

Napailing ako.

Dinampot ko ang kape ko saka ako humigop mula roon. Saka naman biglang nagsalita si
Drae, "And let's call that operation break them up!" muntik kong maibuga ang kapeng
nasa bibig ko sa mukha nya. What the hell? Kasasabi lang ni Natalie nun ah? Damn
it! Natalie again?!

"Okay ka lang, pre?" RD asked.

I just nodded at him and continued sipping on my coffee while stealing anxious
glances on my phone. Hindi ko naman kailangan magalala dahil nagtext naman si
Natalie. That couldn't mean she's having sex with Axel right now, right? No. She
can't do that. Natawa ko sa loob loob ko. Naalala ko kase yung chuk-chak chenes.
Damn, that is so funny!

Napansin kong tinatapunan ako ng kakaibang tingin ni Ram habang naguusap usap sila.
I composed myself and pretended I was listening to their conversation. I even
butted in and volunteered my crazy ass cousin as the bait - they are planning some
sort of scene, para paghiwalayin ang ex ni Zeve at ang recent boyfriend nya.

Maya maya, they were into some game. Ewan ko, naghahanap yata sila ng chicks at
kung sinong maka-score ng date sa chick na yun, wins ten thousand grand. Childish.
And can I just mention that it was Ram's idea? Yeah, the resident manwhore.

"Look at that girl, bro," pumalatak si Ram. They were all eyeing a girl wearing
skin tight pants and some pair of shoes that looks illegal to me. "I can almost
feel my d!ck inside her."

"Baboy mo, Ram!" reklamo ni Ika, best friend ni Liam.

"What?" Ram protested. "It's true! See how she sticks her butt like that? And the
way she's twirling her hair?" he chuckled. "She's trying to catch my attention. I
saw her staring at me before she even stepped outside that restau."

Napailing na lang kami ni RD at Zeve sa kagaguhan ni Ram. Sana isang araw makahanap
ng katapat 'tong tarantadong 'to. Oh di kaya makakuha ng herpes, para mas masaya.

***
"What are you talking about? Zambales? Do you even know where that place is?!" i
tossed my hair as I went out of the comfort room. Tumawag bigla sakin ang magaling
na babaeng ito para lang sabihin na kailangan naming pumunta ng Zambales next week.
So what am I now? Her fckin chauffeur?

"Of course I know where it is! Duh? Magaling ako sa geography!" I honestly don't
know what I should feel right now. Naiinis ako na natatawa. Gusto kong sakalin si
Natalie. Seryoso.

Pagkatapos nyang ireject ang mga tawag ko, ngayon pipilitin nya 'kong pumunta ng
Zambales dahil lang magbabakasyon daw dun si Heather at Axel? Great. Just great!
Ginagawa nya 'kong uto-uto!

"Sige na kase, Caleb!" pagmamakaawa nya sa kabilang linya. "Gagawin ko lahat para
lang samahan mo 'ko dun! Sige na! Sige na!"

I looked pointedly at my phone. "And you expect me to fall for that? Hindi,
Natalie. No can do."
"Grabe naman! Akala ko ba tutulungan mo kong mabawi si Axel?" malungkot na sabi
nya.

"Yeah, but not to this extent." tinigasan ko ang boses ko. I'm not gonna give in to
her whims. No. Bahala syang magcommute papunta sa liblib na lugar na 'yon. Basta,
I'm not taking her there! "Hindi mo 'ko alila, Natalie ha? Itanim mo yan sa utak
mo." nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa lobby ng hotel kung saan kame
nagdidinner magbabarkada.

Kami kami na lang ni Drae, RD, at Zeve ang naiwan. Si Ram, ayun sumama na sa babae
nya. Habang si Liam naman ay nagpaalam na ihahatid si Ika. Babalik daw sya pero
malamang hindi na. Gagaya rin kay Ram yung siraulong yun, maghahanap ng kakamot sa
kati nya. Please remind me why am I friends with those sluts.

"Matitiis mo ba 'ko, ha, Caleb? Hahayaan mo 'kong magbyahe mag-isa?"

"'Wag ka nang magpaawa. I told you, I'm not going. I'm a busy person, Natzkie.
Kailangan ako sa opisina." i lied. Of course hindi ako kailangan sa opisina. The
hotel's earning good even without my supervision. So is the car dealership. I can
go wherever hell I want and there's still going to be money in my bank account.
Nagpapahard to get lang talaga 'ko.

No. Hindi! Hindi ko talaga sya sasamahan! Anong hard to get ang sinasabi mo, Caleb
Damien Yung?!
"Sows! Kailangan ka sa opisina? 'Wag ako, Caleb! Ang yaman yaman mo na, hindi mo na
kailangan magtrabaho!" So, she can see through my lies now? Damn it! What is it
with this girl? Bakit ba nauuto nya 'ko ng ganito. This is so fcking not me!

"Tigilan mo na 'ko, Natalie. I'm not going near Zambales. That's light years away
from here."

"Utot mo! 'Wag kang exagge! That's just seven hours from here!"

"See? Seven hours? You're gonna make me drive for seven hours? Bah, sinuswerte ka!"
napalakas na ng kaunti ang boses ko at napapansin kong napatingin na sakin ang mga
hotel attendant.

"May driver ka naman eh." tuloy na pagmamaktol nito sa kabilang linya.

I rolled my eyes heavenwards. Napaka kulit ng babaeng 'to! Kung sana kanina
sinasagot nya ang mga tawag ko at hindi ako nirereject, baka pinagisipan ko pa kung
sasamahan ko talaga sya.

What the hell? No! That's not true. Tell me, Caleb, you didn't just consider that!
Fck. I swear! This woman will be the death of me!
"Geh na! Wag ka na magpakipot dyan!"

"Hindi ako nagpapakipot!"

"Nakakainis naman 'to oh.. Maawa ka na.. Wala akong pamasahe papunta dun! You're my
only chance! So, please? Please, Caleb!"

I sighed. "No, Natalie. Sorry."

"Caleb-"

Hindi ko na sya binigyan pa ng pagkakataon na sumagot at pinindot ko na and end


call button ng cellphone ko. Why? I know she has this certain power.. That the
longer you guys talk, mas madali ka nyang makukumbinsi or should i say mauuto na
gawin ang gusto nya. That woman had some kind of super powers.
Although ngayon naman nakokonsensya ako na pinagbabaan ko sya ng telepono. I'm a
goner.

Pailing iling na naglakad na 'ko pabalik muli ng restau nang masalubong ko si RD.
He's looking at me at grinning like he knew something's up.

"Why are you looking at me like that?" i snapped at him.

"Si Natalie ba 'yun?" panunudyo nya.

"No." sabi ko lang at nilagpasan na sya.

He laughed and caught up with me. "She's really something, huh?"

"Ewan ko sayo." hindi ko na lang pinatulan ang pangungulit nya. I don't wanna talk
about that woman. Gusto ko na nga syang mawala sa sistema ko eh. Sadly, para syang
malaking tae na hindi ko maiflush sa toilet ko.
"Si Natalie yun, diba?"

"Hindi nga! Ba't ba ang kulit mo?" binilisan ko ang paglalakad, hoping na hindi na
sya sumunod.

"It's her." he said with finality. "You're wearing that same exasperated look you
have everytime the two of you talks." sinabi nya iyon na nilakipan pa ng
nakakabwisit na tawa. What the hell's funny?!

"Nakakaasar sya, pare! She's one manipulative.. b-bitch."

Natawa lalo si RD nang maupo kame sa mesa namin kanina. Wala na yung dalawa. Baka
nakahanap nanaman ng babae. "Why did you stutter with the 'bitch'? Di mo maatim na
tawagin sya ng ganoon?"

Napailing ako. Coz Natalie's not a bitch. She may be irritating and insufferable
but she's nice. Whoever calls her a bitch is one huge asshole. Like me. Nagtagis
ako ng bagang.

"Ano bang problema, pare? Last time you guys are together, handa ka ng lapain yung
babae." he chuckled. "Man, I've never seen you look at a woman ravenously, like you
wanted to eat her up. Tell me, is she messing with your head already?"
Oh, mother of all fckery. I wanted to say yes! She ain't just messing with my head,
she's screwing it! But I knew better than to give my friends a cue. Alam kong hindi
nila 'ko patatahimikin once na malaman nilang may kinalolokohan akong babae. Not
like, kinalolokohan ko nga si Natalie.

Hindi nga ba? I let out an exasperated breath. Hindi ko na alam kung anong
nangyayare sakin. Naalala ko yung sinabi ni RD na huling beses nya kaming nakita.
Yun yung time na nastranded kame dahil sa lakas ng ulan.

He was damn right. I wanted to ravage her that time. I wanted to kiss her
senseless. I wanted to pull her towards me, hug the life out of her, touch her in
places she have never been touched before and the list of the dirty things that
went through my mind that time goes on.

Ang gago ko.

I shouldn't feel that way. Napaka inosenteng babae ni Natalie! I feel awful that
I'm thinking wicked things about her. Nakakakonsensya!

"Huy, ano na?"


Napa-tsk ako. Bwisit na buhay 'to oh! Bakit ba kase hindi na lang kame ang
magkasama ngayon? Why did I chose to be with my moronic friends? Wala naman pala
silang maidudulot na maganda sa pakiramdam ko. Mas lalo ko lang namimiss ang
lukaret na babaeng 'yon!

"By the way, wag kang mawawala sa welcome party ni Zeve ha?"

Bakit ba kailangan pa ng lintek na welcome party na 'yan? May isang buwan na rin
ata si Zeve dito sa bansa? "Bahala na. Baka di ako makapunta?"

"Ha? Bakit? Pucha naman, pare, tagal nang nakaplano nito, ngayon ka pa mang
iindian?"

"May pupuntahan ako." i gathered my keys and phone from the table and stood up.

"Saan naman?"

"Sa Zambales."
####################################
Chapter 12
####################################

Caleb

Ang hirap palang magpanggap na bwisit na bwisit ka kapag masaya ka?

Yan ang tumatakbo sa isipan ko habang tinatahak namin ni Natalie ang daan patungo
sa liblib na lugar ng Zambales. She was literally bouncing on her seat right now. I
stifled a grin. She looks like a child na unang beses makakapunta sa Manila Zoo.
She's so cute I wanted to pinch her rosy cheeks, but that would blow up my cover.

"Will you please stop moving, fidgeting, whatever?" kunwa'y inis na sabi ko.
"What?" she grinned at me happily. "Natutuwa lang ako kase first time kong
makakapunta ng Zambales!"

Para talaga syang bata.

"Oh? Akala ko nga dun ka nagmula sa gubat dun eh."

Inirapan nya 'ko. Oh how I enjoy pissing her off. I don't know why I find it so
hard to resist when she grumbles and roll her eyes like that. Lalo na pag
ngumunguso sya. "Ay, mamaya ipapakita ko sayo yung mga kamag-anak mo dun!" tatawa
tawang sabi ko nang maalalang marami nga palang nagkalat na unggoy sa daraanan
namin.

"Alam mo, nuknukan ka ng sama!" ang talim ng tingin na ipinukol nya sakin. She
hrmped and folded her arms in front of her chest.

"Anong masama? Do you even know what I'm talking about?" natatawang tanong ko. I
don't know why, but my eyes suddenly strayed to her chest. Damn, sa laki ng mga
iyon ay naipit sa gitna ang seat belt nya. Shit! Shit! Those tits could cause an
accident! Dahil kung hindi pa 'ko titigil sa katititig sa mga iyon, baka bumaliktad
ang sasakyan na gamit ko!
"Of course!" tila confident na confident na sagot nya.

Napangisi ako. Good, I was already sidetracked. She haven't been to Zambales, I
doubt if she really knew what I was talking about or she's trying to be stubborn.
"Oh sige nga, ano?"

"Ang yabang mo talaga!" I knew it! Ha-ha.

Nais ko syang pagtawanan ng pagtawanan. Just so I could see how her nose flares up
and how her cheeks and, well, her chest redden. Damn, I'm such a perv!

"Oh there! Right there!" itinuro ko sa kanya ang dalawang unggoy na nakatambay sa
gilid ng kalsada. "There you go," binagalan ko ang takbo ng kotse. "Wait a minute,
is that your sister or your brother? Coz they kinda look the same!" i mused.

Nagulat na lang ako nang bigla nya kong hampasin sa dibdib. "Aww! What the fck? I
was just kidding!"

Bago pa 'ko makahuma ay tinanggal na nya ang seat belt nya at bumaba sa sasakyan
kahit hindi ko pa iyon tuluyang inihihinto. "Oh for christ's sake!" hinigit ko ang
hand break saka lumabas na rin ako ng sasakyan. Naabutan ko syang nakatalungko
malapit sa mga unggoy. Inaabutan nya ng pagkain ang mga yun.
"Hey! You're not supposed to feed them!"

"What?" nilingon nya ko. Sakto namang lumapit ang isang unggoy at hinablot ang
pagkaing kanina lamang ay inaalok nya rito. "Aahh!" Sa labis na pagkagulat at
napaupo sya sa kalsada.

"Natalie!"

Dali dali akong lumapit sa kanya para maalalayan sya. "Are you okay?" i asked her
as I helped her get up. I pulled her into my arms and we both backed away from the
evil monkey. Damn it, muntik na nyang kagatin si Natalie! "Are you hurt?"

"Di naman." sapo sapo nya ang dibdib habang nakatingin sa mga papalayong unggoy.
Mukhang na shock din sya sa nangyare.

At ako naman, prenteng nakayakap sa kanya. God! She feels so good inside my arms.
She's so soft.. And cuddly.. And..
My thoughts were interrupted when she suddenly exclaimed. "Are they always like
that?!"

"What do you expect? They're wild animals." my eyebrows furrowed. What the hell am
I doing, hugging her in the middle of the fckin' highway like that? I let her go.
Kahit pa may nakapa akong panghihinayang sa dibdib ko. "You should know better next
time. Hirap kase pag ignorante.."

I earned another slap in the chest for that.

"Nakakarami ka na ah!" reklamo ko.

"Kasalanan mo! Ang sama sama ng ugali mo!" binirahan nya ko ng talikod at nagmartsa
pabalik ng sasakyan.

"Ako na masama, lagi naman eh!" naiinis na turan ko.

"Eh alangan naman ako? Ako ba mapangasar at mapanuya sating dalawa?"


"Ewan ko sayo!" pinigilan kong mapangiti. Why do I feel so giddy whenever we argue
like that? "Taga bundok!"

"Taga impyerno!" balik sigaw nya na syang nakapagpatawa sakin. Hindi ko na


napigilan.

I may be from hell but I know now exactly what heaven must feel like.

***

Manghang mangha si Natalie nang marating namin ang hotel/resort na syang


pagbabakasyunan nila Axel at Heather. It's a five star. It's almost as prestigious
as my own hotel. Only it was located in a paradise like place, which made the
ambiance even more magical.

Well, I'll be damned. Kahit ako, naappreciate ko ang ganda ng lugar.

Which brings me to a thought. Mukhang maganda rin na maginvest ako at magtayo ng


panibagong hotel. Maybe here in Zambales, too? Maari rin namang sa ibang probinsya,
like in Palawan? Basta malapit rin sa dagat.

"Close your mouth, darling. Baka pasukan ng langaw 'yan." nakangising tudyo ko kay
Natalie.

She doesn't seem abashed, though. She looked at me with those twinkling eyes and
wide toothed smile. "Grabe, Caleb! Ang ganda dito!" impit syang napatili.

I grinned at her. "Yeah.." luminga ako at pinagmasdang muli ang lugar.

Hindi gaanong maraming tao dahil off season. Pero iyon nga ang ikinaganda non. It
was serene. Peaceful, even. Perfect for honeymooners. Kaya siguro dito napiling
magbakasyon ni Heather. It was a high class and sophisticated place.

"Look!!" parang bata na itinuro nito ang isang fountain sa gitna ng lobby ng hotel.
"Wow.. It's so.."

"Beautiful.." dugtong ko sa sasabihin nya. But, guess where I was looking?


"Yes.."

Agad kong binawi ang tingin ko nang mapagtanto ko ang ginagawa ko. For crying out
loud, Caleb Damien Yung! You are so not supposed to feel that way. Fck. Hindi ko
alam kung dahil ba 'to sa haba ng byahe o sadyang kinulang lang ako ng tulog
kagabi. I'm out of my friggin mind!

Inabala ko ang sarili ko sa paghila ng bagahe ko habang bitbit ko naman ang kay
Natalie sa kabilang balikat ko. Iniwan ko na syang nakatunganga parin sa fountain.
Lintek na fountain 'yan.. Nakakasira ng ulo!

Nagtuloy na 'ko sa front desk para mag check in na sana nang abutan ako ni Natalie.

"It's so nice in here, isn't it?" puno parin ng excitement ang tinig nya. "I can't
wait to see the whole place! You know, Axel never brought me to places like this!"

"I'm not surprised.." wala sa loob na sagot ko. I was so preoccupied by my earlier
thoughts. Hindi ko napansin ang biglang pagtahimik nya.

Nang lingunin ko si Natalie ay nakasimangot na sya. No, she looks sad. Broken.
Shit! Did I say something wrong?
Right. Ang tanga tanga mo, Caleb! Malamang naoffend sya sa sinabi ko. "W-well..
Now, I'm taking you here." i tried smiling at her to ease her discomfort. Pero lalo
lang syang nalungkot. Napangiwi ako. Oh sht.

"Pero hindi ka naman si Axel, eh." aniya. "And this is not for romantic purposes."

Hindi ko alam kung saan nagmula ang kirot na 'yon sa dibdib ko. Dahil ba mas
gugustuhin nyang makasama yung payatot na 'yon kaysa sakin or simply because she
mentioned his name? Whatever the reason may be, i decided to shrug it off. I don't
deal well with these kinds of emotions. Selos ba 'yon?

Nah. Hindi naman siguro.

"Wag ka nang magreklamo, at least nakarating ka." matabang na sabi ko.

"Yeah, you're right." she said in an equally flat tone. Nagpatiuna na syang
maglakad habang ako naman naiinis na naiwang nakatayo doon.
Damn her.

Naiinis ako sa nararamdaman ko. Naiinis ako lalo dahil pati sya, nawala na rin sa
mood. This is probabaly going to be one of the longest weekend of my life!

Nang sundan ko sya sa front desk ay naghahalungkat sya ng gamit sa loob ng


messenger bag nya. "Y-yung maliit na room lang ha? Yung kasya yung-" she looked
helplessly at me. "Yung pangdalawahang tao." napayuko sya at ipinagpatuloy ang
paghahalungkat sa bag, habang parang impatient na naghihintay ang receptionist.

I really don't like it when other people treats her this way. Alam kong sa ganitong
lugar, people like Natalie, doesn't get treated as well as people like me. They are
not priveleged and most of all, they sometimes get treated rudely.

And it pisses me off.

Naiiritang lumapit ako at inabot ang card ko. "Here, take my card. We're taking a
suite."

"Huh? W-what?" alanganing tanong ni Natalie sakin.


"Cmon, Natzkie. I'm not going to make you pay. Don't be silly." naiinis parin ako.

"Pero k-kase.."

"Pupunta punta ka kase dito, wala ka pa lang pambayad." mahina ngunit mariin na
sabi ko. What can I do? I was so ticked off. Pero ayoko parin namang mapahiya sya
kaya hindi ko nilakasan 'yon.

She seemed to have regained her composure coz she lifted her chin and squared her
shoulders. Tumingin sya sakin ng paangas. "That's what you're here for."

Naginit ang tenga ko at nagtagis ang bagang ko. "Ang ganda ng role ko ha?" padabog
na kinuha ko ang hotel suite key na inaabot ng receptionist sabay binitawan ko ang
travelling bag nya. "Geh, buhatin mo yang bag mo."
####################################
Chapter 13
####################################

Natalie

Napanguso ako matapos kong ibaba ang binoculars na sinisilip ko kanina. Hinawi kong
pasara ang kurtina saka ako pumihit upang harapin ang hudyong si Caleb.

"What do you think you're doing?!"

Tawa ng tawa ang siraulo. "What?" pabagsak syang nahiga sa kama ko na kanina lamang
ay inuupuan lang nya.

"Imbis na tulungan mo 'ko. Nangunguyakoy ka lang dyan! Ano ba, Caleb?!" hinablot ko
ang unan ko na bigla na lang nyang niyakap. "Mangangamoy ikaw yan eh!"

"What's so wrong with that?" he asked, his eyes dancing with amusement. "You like
how I smell. Gustong gusto mo nga pag niyayakap kita eh, diba? Diba?" sinundan nya
iyon ng nakakayamot na tawa.

Alright, alright. Hindi sya nakakayamot. In fact, I love the sound of his laugh.
Crisp, and.. God, I really don't wanna admit this.. Sexy..

Hindi ko alam kung anong problema ng nilalang na 'to. I mean, he was all grumpy a
few hours ago. And I can fully understand that. He was offended. Naoffend sya sa
sinabi kong ang role lang nya sa operasyon naming ito ay taga supply ng pera.
Financer.

Eh bakit ba? 'Yun naman ang totoo diba?

Heto nga at dahil din sa pera nya, nakuha namin ang suite na katapat ng suite nila
Axel, na nasa kabilang wing ng hotel na 'to. Kaya ngayon, malaya ko silang
namamatyagan.

"Kung tulungan mo na lang kaya akong-"

"What? Mag-spy? Alam mo bang voyeurism yang ginagawa mo?" he said snatching my
pillow back and putting it under his head. Hinayaan ko na lang sya this time.
"Besides, hindi ka ba nasasaktan sa mga nakikita mo? They kiss, they hug, they -
eherm - aren't you even jealous?"

Natigilan ako. "I-I don't know.." i hesitated.


Bumangon sya mula sa kama at hinawakan ang braso ko. He slowly pulled me towards
the bed. Napaupo ako doon.

"What do you mean you don't know?" his dark eyebrows were pulled together.

Nagkibit balikat lang ako. Sa totoo lang, parang wala naman nang dating sakin yung
nakikita kong ka-sweetan nung dalawa. Hindi ko talaga maintindihan. Siguro sa
tinagal na nakikita ko silang ganoon, nawawalan na ng epekto sakin. Namanhid na 'ko
kumbaga.

Shit! I really don't understand myself anymore!

"Hindi ka nagseselos - so that means you're probably over him, right?" usisa ni
Caleb. "Eh di nagaaksaya lang pala tayo ng oras dito?!" nahampas nya ang sarili
nyang mga hita.

"Hindi yun ganun!" naiinis na angal ko. "Maybe - maybe I'm just.. Baka namanhid na
'ko."
Even I, was not sure of my own answer. How in hell are you going to convince him,
Natalie?!

"Or maybe you don't love him anymore." Caleb deadpanned. "Oh baka naman-" hinarap
nya 'ko, a mischievous grin plastered on his handsome face.

"W-what?" parang di ko ata gusto yung tono nya. Panigurado, may kasamang
pambubwisit ang sasabihin nya.

"Baka naman sakin ka na inlove?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ang kapal mo naman! Ilusyunadong 'to! Feeler
much?!" hinampas ko sya sa balikat.

Sya naman ay napahigang muli sa kama ko sa katatawa. "Ako pa talaga ang ilusyunado
ha? Oh God, Natzkie, you could really be funny sometimes!"

Inirapan ko sya. Letse 'tong lalaking 'to! Hindi porket naamin ko na sa sarili ko
na crush ko sya, ibig sabihin na nun, may chance na mainlove ako sa kanya! Nunca!
Asa! Nganga! Kay Axel lang ako! Si Axel lang ang mahal ko. At si Caleb, hanggang
crush lang, kahit pa sobrang sama ng ugali nya kung minsan..
Sige lang, Natalie, kumbinsihin mo ang sarili mo!

"Wala namang kaso sakin kung inlove ka na sakin eh." he said thoughtfully
afterwards, he was scratching his stubbled chin while looking at the ceiling. "Just
say it. Let it out. Let it go."

Inignora lamang nya ang pagpoprotesta ko at patuloy sa mga sapantaha nyang wala
namang basehan. God! This guy! Nasobrahan ata sa hangin ang utak nito!

Hindi kaya ng powers ko ang bilib nya sa sarili nya! What is he? God's gift to
women?

Bakit? Hindi ba?

Minsan talaga may kontrabidang part 'tong utak ko eh. Lakas maka bipolar!

"Masama yung pinipigilan mo yung nararamdaman mo, Natzkie. It's like.. Like taking
a dump.." patuloy nya. Tumingin sya sakin ng makahulugan. "Mas lalo mong
pinipigilan na matae, mas lalong nagpupumilit na lumabas diba? Hanggang sa sumakit
na lang yung tiyan mo."

I giggled.

"What?" nakangiting tanong nya sakin. Itinukod nya ang siko nya sa kama at
tumagilid ng higa.

"You know, for someone as rich as you.. You sure sounded like you were raised in
the gutters." sabi ko. Sa totoo naman eh! Kung makapagsalita sya minsan kala mo sa
squatter sya nakatira.

Natawa naman sya. "Bakit? Porket laking aircon ako, bawal na 'kong gumamit ng words
like, tae? Are you kidding? What else should you call your feces?"

"You can use a term like, dumi, or something like that."

"Dumi?! Who the hell uses words like that? Those are terms used by pussies." tawa
sya ng tawa. "Anyway, enough of this. Naiinip na 'ko!"
Bumangon sya mula sa kama at hinigit ang dalawang kamay ko, sanhi para mapatayo
ako. "What are you doing, Caleb? Ano nanaman ba naisip mo? May gagawin pa tayo!"

"We're at the beach, Natzkie!" he pointed out. "Let's go swimming! Nakakainip ka


nang panuorin na silipan ang ex boyfriend mong payatot."

"Hey!" protesta ko. "Hindi ko sila sinisilipan, I'm spying! At hindi sya payatot,
okay? Hindi lang sya batu bato na katulad mo."

Kay lakas ng halakhak na pinawalan ni Caleb. "Batu-bato? Stop making me laugh,


Natalie, I know you dig hunk guys like me. No need to be sour graping about it."

"I'm not sour graping." I pouted.

"You are."

Kinindatan nya 'ko bago sya tumalikod.


--

"I told you," Caleb said outside the dressing room. "This stalking thing ain't
gonna get us anywhere, Natzkie. Nagaaksaya lang tayo ng panahon sa kakasunod sa ex
mo."

"I have plans." my voice was muffled by my tshirt.

"What?"

Hinubad ko ng tuluyan ang tshirt na suot ko bago ko sya muling sinagot. "I said, I
have plans!"

"And what are those, if I may ask?"

"I'll discuss it with you later!" i called out. I was busy fumbling with the knot
of my bikini. Kung bakit naman kase pumayag akong bilhan ako ng mokong na 'to ng
bikini ay hindi ko maintindihan. Pwede naman kase akong magsuot na lang ng tshirt
at shorts, bakit kailangan pang nakabikini?

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. I was wearing a navy blue two piece. Strapless
ang pang itaas niyon at sa tingin ko mahuhulog at luluwa ang dalawang
pinakaiingatan ko.

"Are you done, Natzkie? Ang tagal naman."

"W-wait!" I gathered my tshirt and covered my body with it saka ko binuksan ang
tabing ng dressing room.

Naabutan ko si Caleb na nakatayo sa tapat niyon at taas ang kilay na nakatingin


sakin. "W-what do you think?"

"Maybe I'll be able to give an unbiased opinion if you stop covering yourself up
like that." he walked towards me and unceremoniously pulled the tshirt off me.

Sabay kaming natigilan sa nangyare. He was staring down at my body while I was
holding my breath, waiting for him to say something. His eyes sparkled as he took
on my physique. He looked at me as if I was something of great discovery. Like I'm
a new element from the periodic table.
Hanggang sa magbago ang tingin nya na iyon, nagdilim ang kanyang mga mata. He
looked as if he wanted to devour me,consume me. Nakaramdam ako ng pamumula ng
pisngi. Tila noon naman sya natauhan.

"Uhh.. You need something to - Uhh, cover you up." tumalikod sya at hinablot ang
isang kulay itim na cover up. Iniabot nya iyon sakin.

Kanina hinablot nya yung tshirt na pantakip ko, ngayon I need to cover up? Bipolar
much?

Hindi na nya pinagaksayan ng panahon na panuorin akong suotin iyon. He looked


anywhere but me. Nahiya naman tuloy ako kaya binilisan ko ang pagsusuot. When I
finished, saglit lang nyang sinulyapan ang ayos ko at tumalikod na. He paid for the
swimsuit and left. Kinailangan ko pang tumakbo para mahabol sya. Hindi ko na
nagawang hubarin ang suot kong swimsuit at magpalit dahil sa pagwowalk out nya.

"Hey, sandali naman!"

"Bilisan mo, nagugutom na 'ko." yun lang at tila sya hinahabol ng sampung demonyo
sa bilis nyang maglakad.
What on earth was up with that?

---

"What's that?"

Inilahad ko sa kanya ang ilang pirasong mga litrato namin ni Axel nung kami pa.
Nginisihan ko si Caleb habang sya naman ay kumunot ang noo sakin.

He raised his eyebrows as if waiting for me to explain. Bumuntong hininga naman ako
at inilapat ang mga palad ko sa mesa kung saan kami kumakain. "For a multi
millionaire, Caleb, you sure are dense."

He doesn't appear perturbed with what I said and just casually leaned on his chair
and waited for an explanation.

"I had someone take this from Axel's apartment." i casually said.
"You-What?" he sputtered. Tinitigan nya 'ko nang maigi, as if inaarok kung totoo ba
ang sinabi ko. "That's trespassing-"

"Relax! Ano ka ba? Sinabi ko ngang pinakuha ko sa iba diba?"

"Pero kahit na-"

"Shh." i leaned over the table and planted the tip of my finger on his lips. Ang
lambot. Agad ko ring binawi ang daliri ko at pinalis ang isipin na iyon sa ulo ko.
"'Wag kang magalala, hindi ka sasabit dito."

Napabuntong hininga sya at humalukipkip. "So, what are you planning to use that
for?"

I grinned at him. "Mamaya mo malalaman." may nilabas pa 'kong botelya mula sa bag
ko at nilapag iyon sa lamesa.

"Ano naman 'yan?"


"Laxative." balewalang sabi ko.

"Laxative?"

"Ano ba? Hindi mo ba alam yung laxative? Pampatae? Diba mahilig ka sa tae?"

"Mahilig ako sayo? Hindi ah!" tatawa tawang sagot nya.

Heto nanaman po ang hudyong 'to sa pang iinis nya. Kanina akala mo sinisilihan ang
puwet nya na nagmamadaling umalis dun sa binilhan namin ng swimsuit. Sabi nya gutom
na daw sya pero ang tagal tagal naman nyang umorder. Makailang ulit ko syang
nahuling nakatitig sakin. Akala ba nya hindi ko mahahalata? Bah? Kala nya sakin?
Mapagmatyag kaya 'to!

Of course, hindi naman ako shungaers para di isiping.. Uhm, masyado ba 'kong
assuming at feelingera kung sasabihin ko na nagandahan sya sakin? O nasexy-han, to
be exact? Kung Oo, sige, sabihin na lang natin na naappreciate nya 'ko.
Kinikilig ba 'ko?

Syempre! Yes! Oo! Naman! Plangak!

Hello? Caleb Damien Yung na 'yan! Aarte pa ba?

Naguumapaw tuloy ngayon ang confidence ko. Stomach in, Chest out ang peg!

Pero true. Kinilig talaga 'ko. Sumagi pa nga sa isip ko na medyo akitin sya, you
know? Haha.

Kaya lang, syempre, wala sa plano si Caleb. At hindi ako ganung klase ng babae.
Faithful ako no! Excuse me!

"So, para saan mo nga gagamitin yang laxative na 'yan?" untag nya.
I smiled smugly at Caleb. "Gagamitin ko para sirain ang bakasyon nila."

####################################
Chapter 14
####################################

Caleb

I nervously watched Natzkie as she navigated her way towards the table of Heather
and Axel. Binayaran namin ang isang waiter na niyakag kunware ang ex nya para
pumirma sa isang non existent raffle coupons habang si Heather ay nagpaalam na
pupunta sa restroom.

She sneaked towards their table and took out the small bottle of laxative from the
pocket of her cut off jeans. Pasimpleng luminga sya bago binuksan ang botelya at
ibinuhos ang laman niyon sa inumin ni Heather.

I gotta hand it to her, this woman is devious.

Ang dami nyang alam na pakulo. Hindi ko alam kung saan nya natutunan ang mga
kalokohan na sinabi nya sakin kanina lamang. Pero isa lang ang masasabi ko. She's
pure evil.

You wouldn't wanna mess up with this woman.


Magiging impyerno ang buhay mo kung nagkataon.

Patakbong bumalik sya sa pinagtataguan namin matapos gawin ang binabalak. Nakangisi
pa sya sakin na tila isang demonyitang bata. Sarap tuloy nyang paluin sa puwit!
Pilya! She was doing a happy dance when she got back to me.

"Did anyone see me?"

"Bakit sa inumin lang ni Heather mo nilagay yung gamot?" sita ko sa kanya.

Tiningnan nya 'ko na parang nahihibang ako. "Alangan lagyan ko din yung kay Axel?
Para 'tong timang."

I scoffed. "Sus!" yun lang ang nasabi ko. I was pissed off a little. Halata naman
na pinoprotektahan nya si Axel. At bakit naman kase hindi? He was still after all,
the love of her life. I scowled. What in the name of all that's holy did she see in
that guy? Psh. He's not at all good looking! Mukhang lalampa lampa pa!
I mentally punched myself.

I have been doing a lot of camparing lately. Bakit ba kailangan kong ikumpara yung
sarili ko sa lalaking 'yon? Yeah, I 'm buffer, I'm richer, I'm better looking! But
there shouldn't be a fcking competition!

Kaya lang nakakabwisit!

Bakit habang tumatagal na nagkakasama kami ni Natalie, I have this growing feeling
that I wanted to be noticed by her. I want her to like me! For Christ's sake! I'm
turning into a pussy!

I get that Axel's the love of her life. Heck! He was her best friend and her first
fcking love! Pero hindi ba sumagi sa isipan nya, kahit minsan lang, that she could
have someone better? That she deserves someone better.

Someone who's a better lover.

Someone who could protect her.


Someone who won't fall for another woman who just got trapped with him in a
freakin' hotel room!

Someone who won't hurt her!

Someone like - me..

Oh God.

I'm screwed.

I'm so screwed am I not?

Dito naguumpisa 'yun eh. Sa mga selos selos na 'yan. Then, you'd start comparing.
Then, you talk to yourself that you're better and that you won't even try to hurt
her.
Next thing you know, you were already fantasizing about having a relationship with
that woman!

Hell and damnation. I'm already seeing it in f-ucking action!

F-uck. F-uck. F-uck.

Sa susunod nito, magiisip na 'ko tungkol sa pagibig na 'yan.

Diyos ko pong mahabagin. 'Wag naman sana.

I would have to soon get out of this sh-ithole I'm in. Bago pa lumala kung ano mang
sumpa ang dumapo sakin. Ganito din ba ang nararamdaman ni Zeve sa ex nya? This sure
is scary!

Napapitlag ako nang bigla na lang impit na tumili si Natalie sa tabi ko. Napatingin
ako sa kanya. She had her fists under her chin and she was bouncing with joy.
Nilingon ko sila Heather at Axel sa di kalayuan. Heather's taking a long sip from
her juice.
I saw her scrunch up her nose and say something to her boyfriend. Axel said
something back and Heather just shrugged. Ipinagpatuloy nya ang pagsimsim ng juice.

Maya maya ay kapansin pansin ang pagiiba ng timplada nya. Namutla sya at tila
pinagpapawisan.

She looked at Axel with panic written all over her face.

Nagaalalang tumingin ako kay Natalie.

"How much did you put on her drink?"

"All of it."

Bigla akong kinabahan. All of it? I gulped. "Don't you think that's too much? Will
she get killed?"
Nagtawa si Natzkie. "Oh, don't be silly!" tinapik nya 'ko sa braso. "Hindi naman
nya naubos ang juice nya eh. Tama lang 'yung naconsume nya para masira ang bakasyon
nila."

"If you say so." nakangiwing binalikan ko ng tingin ang dalawa. Natakot na 'kong
kontrahin si Natalie. Who knows what else she got in her purse? She might have some
potent poison of some sort and spike my drink with it just like what she did with
Heather. I don't wanna die just yet.

We watched as Heather stood up clutching her tummy. Napatayo na rin si Axel upang
alalayan ang nobya. Oh crap, here it goes. Nagmamadali silang umalis sa restau but
I doubt kung aabot pa sa hotel si Heather. Napapalatak ako.

"What?" Natalie asked, grinning from ear to ear.

"You are so mean." I narrowed my eyes at her.

"I know, right?"


---

"Ako na! Ako na talaga!" Natalie exclaimed.

We high fived each other as we watched the love birds in their hotel room. Ngumisi
sya sakin matapos ibaba ang binoculars sa coffee table. Nakakahawa talaga ang
lukaret na 'to. Pati tuloy ako napangisi dahil nagtagumpay kame sa kalokohang
ginawa namin.

God!

Natutulad na 'ko sa kamalditahan nya!

I latched beside her on the couch. Ipinatong ko ang braso ko sa sandalan niyon saka
sya binalingan. "So, what's next?" i asked. "You already ruined their vacation.
Heather's so pissed with Axel right now. She's like that when things get out of her
hand. Lahat, pinagbubuntunan nya ng galit."

"Marerealize din ni Axel na hindi 'yang mga ganyang klase ng babae ang dapat na
minamahal nya." she said bitterly. "She's shallow, bitchy, and a spoiled brat. One
day, he's gonna get tired of her. Babalik sya sakin."
I just hope that when that time comes, you'll realize, Axel doesn't have a backbone
and you'll choose me over him. Yun sana ang sasabihin ko pero pinili kong manahimik
na lang.

I smiled at her when she gave me a fleeting look. Sumandal sya sa backrest ng sofa
at idinantay ang ulo sa braso ko. That gave me a chance to have a better access to
her face. Natalie may not be conventionally beautiful, admit it, she's not beauty
queen material. She's not like Heather who's face landed on several magazines
worldwide. Natalie's face had character, though. She had large eyes, na bumagay
naman sa hugis ng mukha nya. She sometimes looked slightly disheveled but that only
made her look even more natural. She may be quite innocent looking, angelic with
those cupid bow lips, but she's feisty. Sya yung tipong kahit ilagay mo sa isla na
kasama ang mga leon, magsusurvive.

Character wise, I wholly prefer women like her.

Hindi high maintenance. Although, she can be pretty silly at times, with all this
shits we've been involving ourselves in. Medyo may sayad ng konti ang babaeng 'to.
But I think, once she've learn her lesson.. Matatauhan din sya.

I'm not giving up on her. She may be pretty hung up on that stupid ex of hers but I
know she'll get over it somehow. Sooner rather than later, hopefully.
Tinutulungan ko sya hindi para mabawi nya yung bugok na payatot na 'yon. I wanted
her to realize what really is good for her. I want her to want what she deserve not
someone she thinks she deserve.

"So, on to the next plan.." pinaglaruan nya sa kamay nya ang mga litrato nila ni
Axel.

"You know, you still haven't told me what are these for," inagaw ko yung litrato sa
kanya. "And please refrain from touching them." kinuha ko ang tissue sa coffee
table at pinunasan ang mga litrato. "Baka makakuha pa ng finger prints dito."

Humagikgik si Natalie. "You're smart."

I rolled my eyes at her. "You're not the only devious one here."

---

I nervously tapped my foot on the tiled floor of our suite as I watched Natalie on
the other wing of the Hotel. She was looking stupid, whistling while she's walking
towards Axel and Heather's room. Nakakainis lang dahil kahit pa mukha syang tanga
sa ginagawa nya, nacu-cute-an parin ako sa kanya.
Ibinabako nang kaunti ang binoculars para makita ko naman ang lovebirds na
naglalampungan sa swimming pool. Mukhang maigi igi na ang kalagayan ni Heather
dahil nakakapagswimming na ito.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Natalie. She's still wearing that swimsuit we bought
earlier. Damn those tits are so gorgeous, it's a sin not to look at them! Why on
earth does those tits belong to someone as skinny as her? Although hindi naman
panget tingnan, they actually look perfect. Grabe lang.

And for someone who has seen enough boobs for his lifetime, that would be saying a
lot.

And to think those are real?

F-uck.

I shook my head and decided it's best to concentrate on the matters at hand.
Mahigpit na bilin ni Natalie na bantayan ko ang dalawang nasa ibaba para hindi sya
mahuli sa tangkang pagpasok nya sa suite ng mga ito.
Again, courtesy of my endless supply of money - Natalie's words, not mine -
Sinuhulan namin ang staff ng hotel para magkaron kami ng access sa kwarto ng
dalawa.

Remind me to take a thorough investigation regarding my hotel's staff. Ayokong may


isa sa mga 'yon ang nagpapabayad para sa mga kung anu anong pabor. Talk about
double standards. Tsk.

I saw Natzkie putting the pictures in Axel's open baggage. Inayos nya iyon sa
parang nakasilip nang bahagya ang isang sulok nito para madaling makita. Napailing
ako. Diabolical.

Napakunot ang noo ko nang magikot ikot pa sya sa loob ng kwarto. What the hell is
she doing? Baka maabutan pa sya nung dalawa dun. Nalintikan na. She opened some
cabinets and was bending over something. Sa puntong ito ay napako ang mata ko sa
pangupo nya.

Sh-it. She doesn't only have a beautiful rack but some ass to match, too. I'd
definitely tap that!

Napapalatak ako.
Masyadong inagaw ng tanawin na 'yon ang paningin ko kaya hindi ko napansin na
palabas na ng elevator sina Axel at Heather.

Mother of all f-ucks!

Siguradong maabutan nila si Natzkie at pag nangyare 'yon, masisira na ang lahat ng
pinaghirapan namin!

I dashed out of our suite and went towards Natalie's direction. I don't know what's
taking her so long in there. Sh-it, sh-it, sh-it!

Tamang tama naman na may nakasalubong akong bell boy at humahangos ko syang
inapproach. "Hey, I saw a couple over the elevator, they asked me if I saw a
bellboy. They looked like they could use some help." humahangos na sabi ko sa
lalaki.

Tumango sya. But then he asked, "Okay lang ho ba kayo, sir?"

Pinahid ko ang pawis na naglandas sa sentido ko dahil sa pagtakbo. "Yeah, I'm


fine.. I just.. I need to use the rest room."tumakbo na 'ko ulit. "Hurry up, those
two need you." i called over shoulder.
Nasa kabilang wing na 'ko ng hotel, hindi ko sigurado kung sinong mauuna samin nila
Heather na makaabot kay Natalie. Binilisan ko ang takbo ko. Just when I was about
to take the turn, nakita kong paliko na rin ang dalawa. Putsa! Magkakasalubong
kami!

"Ma'am, Sir!" narinig kong sigaw nang bellboy na nakausap ko kanina.

Heather and Axel turned and walked back and disappeared. Sakto namang palabas na si
Natalie ng hotel room ng dalawa. I took the run and picked her up like a sack of
rice saka tumakbo muling palayo.

Pagliko namin kung saan siguradong di na kami makikita ng dalawa ay saka ko lamang
binitiwan si Natzkie at sabay kaming napaupo at napsandal sa ding ding ng hotel.

"What the hell was that?"

"Did you manage to shut their door?" i asked breathlessly.


"Yes."

Oh thank f-uck!

Humihingal na tumingin ako sa kanya. "Muntik ka na nilang makita."

"What?! Sabi ko sayo bantayan mo sila!"

"It's your fault, dahil nagtagal ka pa dun!" and you distracted me with your ass!

Instead of arguing with me she grinned at me. "Buti na lang, di nila ko nahuli."

"Magpasalamat ka sakin." inirapan ko sya at pinahid ang pawis sa noo ko. Hindi sya
agad sumagot kaya naman tiningnan ko sya.
Her smile broadened. "You really are my hero."

####################################
Chapter 15
####################################

Caleb

The plan was a huge success. Axel and Heather had a really huge fight after
Natalie's stunt and it seems like they were about to break up. Hindi ngayon
maipinta ang mukha ni Natzkie sa sobrang kagalakan. Pagkalapad lapad ng ngiti nya.
Kala mo wala nang bukas.

Pinipilit ko rin namang maging masaya para sa kanya. After all, parters kami dito
hindi ba? So instead of acting surly, I tried to fake enthusiasm. I even suggested
that we party tonight as a celebration of her job well done. Only I was feeling
devastated inside.

I struggled to keep the feigned grin on my face as she looked back at me. Nais kong
mambasag ng mukha nang ngumiti sya sakin ng pagkatamis tamis, so sweet her eyes
seemed to twinkle. Naglalakad sya sa buhanginan at kulang na lang kumandirit sya sa
sobrang saya nya. Argh! Nakakainis 'tong nararamdaman ko. Why am I acting like
this?
She already took off running to a nearby bar when I came into a realization.
Naiinis ako, hindi dahil basta ayoko lang sila magkabalikan ni Axel. Hindi lang
dahil undeserving ang lokong 'yon sa pagmamahal at loyalty ni Natzkie. But because,
I wanted her for myself! I want her to be mine!

Malinaw na ngayon iyon sakin.

Gusto kong magwala. Gusto kong tadyakan ang buhangin na nilalakaran ko. Pero
ayokong madisappoint sakin si Natalie. She's too happy. Too elated. I don't wanna
ruin this for her.

Oh God. Nasapo ko ang noo ko. This can't be happening to me! Not now! I have so
many things ahead of me. I have an empire to run. Walang lulugaran ang ganitong
feelings sa buhay ko. This will only ruin me. At lalong hindi dapat kay Natalie!
Hindi dahil sa hindi sya maganda o hindi sya mayaman.. But because..

"Huy, okay ka lang?"

Napaatras ako nang biglang pumitik si Natalie sa tapat ng mukha ko. "You're spacing
out." nakangusong sabi nya.
I tried faking another smile. Pero alam kong ngiwi ang kinalabasan nun. "I'm
just.." paano ko ba sasabihin sa kanyang hindi ako natutuwa na nagtagumpay kami?
Hindi ako natutuwang may pag asa nang magkabalikan sila ni Axel? Paano ko sasabihin
na nagkakagusto na ko sa kanya? Anak ng pating naman! "May iniisip lang ako." sabi
ko na lang.

"Naman naman, Caleb Damien Yung, akala ko ba magsecelebrate tayo? Eh mukha kang
namatayan dyan?" humalukipkip pa sya.

Pakiramdam ko nga naghihingalo ang puso ko dahil sayo.

What the hell, Caleb? Ang corny mo, gago.

I sucked in a deep breath before grabbing her hand. Gusto nyang magcelebrate, fine!
I'll humor her. Alam kong wala sa plano ang magkagusto ako sa babaeng 'to, but what
the heck? It feels so fu-cking good having her with me and it felt like it just
rained chocolates having her hand in mine. Screw this. If I'm going down the drains
after this, I might as well enjoy the ride.

Pumasok kami sa loob ng madilim na bar. It was crowded and full of dancing and
drunk people. Binitawan ko ang kamay ni Natzkie para ipulupot ang braso ko sa
bewang nya. I held her close to my body. Mahirap na, baka mawala pa 'tong babaing
'to. She doesn't seem to mind that i was almost hugging her, though. In fact, her
right hand was nesting on my chest and she snuggled closer.
Naupo kami sa bar kung saan wala gaanong tao. "One tequila on the rocks please,"
ani ko sa bartender. "Anong sayo?"

"Uhm?" pinanlakihan lang nya ko ng mata.

"Ah!" bigla akong natawa. Naalala kong hindi nga pala sanay uminom 'tong babaeng
'to. "Punch na lang sa kanya." baling kong muli sa waiter pagkatapos ay tumalilis
na ito.

"Remember the first time we met, Natzkie?" i teased.

Even under the dim lights of the bar, I saw her blush scarlet. "Ano ba? 'Wag mo na
nga 'yon ipaalala!"

I laughed. "I have never met any woman who could capture my attention that way."
pailing iling na sabi ko. It's true. Unang pagkakakilala naming dalawa, Dianne o
Ana pa ata ang pangalan nya n'on, I knew already she's unique.
Walang tatalo sa linya nyang, "Rape me! Rape me please!"

Sure I was pissed that time, but dang if it doesn't amuse me everytime I remember
that!

"Bwiset ka talaga!" she pouted.

Inihain ng bartender ang inumin sa harap namin na kaagad naman naming sinimsim.
"Seriously, I have never seen Heather as mad as that," I stated. "It's like, all
hell broke loose."

"Yeahhhh.." aniya na nakangisi. "I was not expecting her to see those pictures just
yet. Mabuti na lang pala at may sa pakialamera ang ex fiancee mo ano?"

"And it was a genius move on your side, placing our engagement ring in the
bathroom. Mabuti rin at may pagka-vain ang ex mo. He easily found the ring on the
sink." i ordered for another shot of tequila.

"Matanong ko lang.. Bakit 'di mo binawi yung singsing?" hinarap nya 'ko. "Nagulat
ako nung makita ko yun sa drawer ni Heather."
I shrugged. "Hindi man lang ba dumapo sa isip mo na baka hindi 'yun ang engagement
ring namin? Na baka plano na ni Axel magpropose sa kanya?" nakangising tanong ko.

"I'm not dumb." she picked up her glass, but instead of taking a swig, pinaglaruan
lamang nya iyon sa kamay nya. "It's a huge diamond right there, there's no way Axel
could afford that."

"Well.." muli akong nagkibit balikat.

"But why though?"

"Why what?"

"Bakit di mo nga binawi?" impatient na tanong nya.

I smirked. "She didn't gave it back, napaka ungentleman ko naman if I demand it


back, diba?"
Natawa sya. "Wow ah? May pa-gentleman gentleman pang nalalaman? Big word!" she
drunk the rest of her punch then shoved the empty glass away from her. "Curious
lang ako, bakit ayaw mo magpakasal kay Heather?"

It was my turn to laugh. "I don't love her. Why would I marry her?"

Parang nabigla pa sya sa sinabi ko. She looked straight at me as if trying to


figure me out. Nailang na lang ako sa paraan nya ng pagtitig at kusa nang nagbaba
ng tingin. God! What the hell is happening to me? Hindi naman ako dating ganito ah?
The old Caleb Damien Yung will never be caught flustered by a woman. Pero sabi nga
nila, makakahanap ka din ng katapat mo.

Is it really Natalie for me?

Sya ba talaga yung katapat ko?

Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko. Tangina.


Pailalim na sinulyapan ko sya. She's not looking at me anymore. Nilalaro na nyang
muli ang basong ininuman nya kanina. Damn it. Why do I have this sudden ache to
touch her? I mean, ilang araw ko narin namang nararamdaman 'to. It was only
intensified by that - shit, this is so fu-cking gay - magical moment when she told
me I was her hero.

Simula nun, pakiramdam ko na ako si Batman. Not superman or Spiderman coz I don't
have super powers like that, but you know, I'm insanely rich. Like Bruce Wayne. So,
Batman, it is.

Parang gusto ko na talagang panindigan ang pagiging hero ko sa kanya. Putres na


'yan, pusong puso ka Caleb Yung! Shit ka! Gago!

I can be Natalie's hero. I wanted to be. I wanted to protect her, to shield her
from pain..

As if on cue, biglang tumigil ang techo music sa bar at napalitan ng kantang Hero
ni Enrique Iglesias.

Hey, God, are you taunting me? Gusto kong mapatingala.


"You wanna dance?" i asked her.

She stared at me like I lost my mind or something.

"Ano?" untag ko. Hindi ko na inintay ang sagot nya. Basta ko na lang kinuha ang
kamay nya at hinila sya patayo. "Cmon, Natzkie, akala ko ba magcecelebrate tayo?"

"H-hindi ako marunong sumayaw, Caleb!" there was some tinge of panic on her voice.

Hindi ko sya pinansin, bagkus tuluyan ko na syang hinila sa gitna ng bar na 'yon.
We stopped on the middle of the dancefloor and I pulled her close to me. Inilagay
ko ang kamay nya sa balikat ko pagkatapos ay inilagay ko naman ang akin sa bewang
nya. I almost sighed. She fits me perfectly. God damn it. Walang ibang babae ang
nagkaroon ng ganitong epekto sakin noon. It's like, finding my other half.

"I'll teach you." i whispered to her ear.

"I might step on your toes, I might - fall."


I held on her waist tighter and stared intently into her beautiful eyes. "Don't
worry I got you.."

Sumayaw lamang kami doon sa saliw ng musika. Parang nanunudyo talaga na tugmang
tugma ang lyrics ng kanta sa nararamdaman ko. Nakakainis!

Am I into deep? Have I lost my mind? I don't care.. You're here, tonight..

Natalie cleared her throat. Na awkward-an siguro dahil masyado kaming tahimik.
Paano naman kase masyado kong ninanamnam yung moment. Bihira ko naman kase syang
mahawakan ng ganito. When I'm holding her near like this, it felt like she belonged
to me. Like she's mine and mine alone.

"Tell me something about yourself." she whispered. Hindi nya makuhang tumingin sa
mukha ko. Wala tuloy akong matitigan kundi ang bumbunan nya. Ano ba naman 'tong
babaeng 'to?

"What do you wanna know?"

"Where are your parents?"


Bahagya akong natigilan sa tanong nya, pero agad din naman akong nakabawi. I sucked
in a deep breath. This is one topic I tried so hard to avoid. I don't even discuss
this with my friends. "My mother died when I was a kid. 'Yung tatay ko, hindi ko
nakilala."

Noon sya napatingin sakin. "Weh?"

Natawa ko sa reaksyon nya. Kahit kelan talaga! She always had a way to break
tensions like this. "Yeah. My lolo never talked about it. He rarely talks about my
mother as well. Sa mga katulong lang sa bahay ko nalaman ang mga impormasyon na
'yun about my parents."

"That must have.."

"Sucked? Big time." tumango tango ako.

"Hindi kayo close ng lolo mo?" usisa pa nya.


"Nope."

"Eh sino lang close mo sa kamag anak mo?" usisa nya.

I shrugged. "Well, I have a second degree cousin, her name's Ava. Anak sya ng
pinsan ni mom. I have alot of second degree cousins. Nagiisang anak kase si mom,
pero marami syang pinsan, hence all those second degree cousins. I think there are
at least thirty of them? Dami no? Sa lahat sa kanila, kay Ava lang ako naging
malapit. She taught me all the.. Uhh, what do you call that? Kabalahuraan? Sya ang
nagturo sakin ng kalokohan." I chuckled remembering that witch.

"That explains kung bakit kakaiba ka minsan magsalita!" she exclaimed. "I wanna
meet this Ava. She seems cool."

"Ava studied in a public school, unlike most of us." sagot ko. Pero wala akong
balak na ipakilala si Natalie sa pinsan ko. Like I said, she's a witch. A mad
scheming bitch. Kasundo ko sya, oo. But I don't want her filthy claws near my
Natalie. "Your turn."

She smiled at me. "I was born in the states. My father's a foreigner, inanakan si
mama. Umuwi kami dito sa pinas, tapos dito, nakilala nya yung napangasawa nya. I
have a step brother and a twin half brother, and sister. That's it."
"Where are they? Kasama mo ba sila?"

Umiling sya. "Nagsarili na 'ko. Matagal na panahon na. May pamilya na kase silang
sarili, ayokong makigulo sa kanila. Besides, kaya ko naman na eh."

"Don't you get lonely? Being alone?" sinuri ko ang mukha nya. Hindi naman 'yon
kababakasan ng anumang emosyon. She's too guarded.

"Hindi no? Saya nga eh!" tumawa sya ng pagak.

Kumunot ang noo ko. I know, kahit di nya sabihin, she's sad. Malungkot sya na mag-
isa. That's why she's holding on to Axel for her dear life. Like he's her life
line. Like she wouldn't survive without him.

But she doesn't need him anymore. Now that she's got me. Hindi ko hahayaan na
makaramdam pa sya ng kalungkutan. Hindi na sya nag-iisa. As cheesy as it sounds, I
will always be here for her no matter what. I can be her anchor. She has me now.

"Natzkie.." i called.
"Hmm.."

"Kung nakilala mo 'ko bago si Axel.. Would you like me?"

Nanlalaki ang mata na tumingin sya sakin. "Ha?!"

"You heard me." i said, rolling my eyes.

"I-I.."

"You..?" I prodded.

"H-Hindi ko alam.." napayuko sya.


"Bakit di mo alam?"

Muli syang tumingin sakin. Matalim na ang mata nya, this time. Nakabawi na sya sa
pagkahiya nya kanina. "Eh sa hindi ko nga alam eh, anong magagawa ko? Saka hello?
I've known him since forever! Ibig sabihin bata pa ko nun-"

I silenced her by planting my forefinger on her soft lips. Lips I'm dying to kiss
right now. "Eto na lang.. What if I tell you.. I like you?"

Matagal syang nakatitig sakin na tila hindi humihinga. I looked expectantly at her.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas, malamang ramdam na din nya yun
dahil sa nakalapat ang dibdib nya sa dibdib ko.

"Natalie?"

Nagulat na lang ako ng bigla nyang tanggalin ang daliri ko sa labi nya. Sukat ay
niyakap nya ko ng pagkahigpit higpit at isinubsob ang ulo nya sa dibdib ko. The
next thing I knew, she was giggling there non stop. Sh-it, is she just drunk or
what? Pero nakaisang baso lang naman sya ng punch?!

God, what am I gonna do with this woman?


####################################
Chapter 16
####################################

Natalie

I'm feeling guilty.

I really should get a rope right now and tie it around my head and just.. Choke
myself to death.

That's how guilty I felt.

Why?
Dahil kinikilig ako.

Hindi naman dapat ako kinikilig diba? Diba?

Kung kiligin man ako, dapat dahil yun sa nagtagumpay ang plano. Nagaaway ngayon
sila Axel at Heather at mukhang maghihiwalay sila!

Hindi dahil nakayakap ako sa nuknukan ng gwapong si Caleb! Hindi dahil ang bango
bango ng kili kili nya (did I say that out loud?) at lalong hindi dahil nagssweet
dance kame o dahil sinabihan nya 'ko na gusto nya 'ko!

Well, he didn't totally said that he likes me. He just asked me what would I say if
he says that he likes me. Pero parang ganoon na rin yun diba?

Gusto nya 'ko.

Bakit?
Kung minsan bet kong maghalughog ng screw driver sa kung saang lupalop para
higpitan ang kung anu mang turnilyo ang maluwag sa utak nitong si Caleb. Why would
he like me? Anong ka like like sakin?

I'm not a skinny supermodel. Hindi ako heredera ng isang sugar magnate at hindi rin
ako maganda! Cute. Okay. Let's give myself that. Sabihin na nga nating cute ako.
Pero sapat ba 'yun para gustuhin ako ng isang demigod? Hello? Caleb Damien Yung
'yan, pa choosy pa?

Rapunzel lang ang peg? Sobrang haba ng hair?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't napabungisngis ako. Maigi na 'yun kaysa yung
naisip kong mag patalon talon with matching tili at cartwheel diba? Masyado na ba
'kong halata? At ang lakas lang maka commercial ng napkin ng ganung eksena.

So, balik tayo sa topic about my guilt.

Seriously? What am I gonna do? Am I supposed to, like, restrain myself from feeling
this? Dapat ko bang pigilan? Dapat pa ba 'kong magdeny na kung anuman ang
nararamdaman ko para kay Caleb, hindi na lang basta crush?
Ultimate crush?

Nah.

Pero ano ba talaga?

A few hours ago, I was so sure that I am still in love with Axel. Why, all of a
sudden, parang nagdowngrade sya sa puso ko?

Dahil ba sa pa rescue rescue drama namin ni Caleb kanina? Yung tipong nageffort
talaga sya na iligtas ako? Pwede naman nya 'kong pabayaan na lang na mahuli nung
dalawa. That way, tapos na ang problema nya sakin. Pero mas pinili nyang takbuhin
yung kinaroroonan ko at iligtas ako sa tiyak na kahihiyan. Mababaw man, nakita ko
yung effort.

And it isn't everyday that a multimillionaire and an abso-fuckin-lutely gorgeous


guy comes to your rescue.

Minsan hindi na rin kaya ng powers ko yung sobrang kagandahang taglay ko eh.
Echos lang!

"Natalie, can you stop giggling right there and say something?"

Nakagat ko ang hintuturo ko upang mapigil ang panibagong daluyong ng bungisngis ko.
God, Natalie, could you please get a grip? "I-I'm sorry.." I stuttered.

"Nababaliw ka na ba dyan??"

Lumayo ako ng kaunti kay Caleb although we are still at a hugging distance.
"Sorry.. Eh kase naman eh.."

"Kase ano?"

"Wala!" i couldn't look him in the eye. I focused on his white t-shirt that is
stretched deliciously on his fine muscled chest. Haay grabe.. Hotness overload..
Pamaypay, please?

"You know, sometimes, I wanna break that thick skull of yours just so I can read
what you're thinking." Caleb sighed frustratedly. "Here I am, telling you that I
like you and you respond with a fits of giggle."

There. Right freakin' there. He professed his undying like for me. Gusto kong
mapatili pero kinontrol ko ang sarili ko. Maano bang magpakipot ako ng kaunti diba?

Charing lang! Sorry, ang landi ko ba?

"Ano?" untag ni Caleb. "Di ka ba talaga sasagot dyan? Ganun na lang 'yon?"

"Eh k-kase.."

"Kase ano nga?" hinawakan nya 'ko sa magkabilang balikat at bahagyang inilayo sa
kanya. Sapat lang para magtama ang mga mata namin. Gorgeous gorgeous eyes. Haay
Caleb. Kung mas nauna lang sana kitang nakilala kaysa kay Axel. Siguro ang
pinaplano ko ngayon, hindi ang bawiin ang ex ko kundi kung paano kita pipikutin.
Buhay nga naman! This is the ultimate example of bad timing. Pero hindi pa naman
huli ang lahat diba? Or is it?

"Wala man lang ba 'kong makukuhang 'I like you, too'? Pambihira ka." ngumuso na
parang bata si Caleb at tumingin sa malayo.

"Seryoso ka ba?" napakagat ako sa labi ko. Teka lang naman kase, baka mamaya naman
niloloko lang ako netong bugok na 'to!

He looked pointedly at me. "Ay, hinde! Nagjojoke lang ako!" naiiritang tinalikuran
nya 'ko.

Buong akala ko iiwan nya 'ko sa gitna ng dance floor na 'yun pero matapos lang ang
ilang hakbang, padabog na bumalik sya at hinablot ang kamay ko.

"Alam mo, nakakainis ka!"


Halata sa boses nya ang pagkayamot habang kinakaladkad nya 'ko palabas ng bar na
'yon. Nang nasa beach na ulit kame saka nya 'ko hinarap. "Akala ba ninyong mga
babae, madali lang magconfess ng nararamdaman naming mga lalaki? Para sabihin ko
sayo, ha? Mahirap po! Para kong constipated. Hindi ko alam kung ilalabas ko na ba
talaga o hindi dahil natatakot ako sa laki at tigas ng tae ko!"

And here he goes with his fecal references again.

Napapangiti na ko kaya inipit ko ng hintuturo at hinlalaki ko ang mga labi ko.


Nakatingin lang ako sa kanya habang sya inis na hinihila ang dulo ng mga buhok nya.

"Say something, Natalie! Ngayon mo ilabas ang daldal mo!"

"Nasspeechless ako!"

"Ngayon pa? Putres naman!" nakakatuwa syang panuorin habang inis na inis sya don.
Ang cute. Syet. I wanted to pinch his cheeks and hug him tight tapos ilagay sa
bulsa ko. Ganun sya ka-cute pag frustrated sya.

I flinched when he suddenly grabbed my cheeks and stared at me intently. For a


second there, I thought he was going to kiss me but he didn't.
Sayang.

Joke! Hahaha!

"Fine." nahulog ang mga kamay nya sa tagiliran nya. "I'll give you time to process
your thoughts. Alam ko nabigla ka and all that shit, plus you have alcohol in your
system, which we both know, doesn't go well with your brains." he sighed. Pinaalala
nanaman nya kung gaano ako kabugok pag nakainom. Lokong 'to. "Tara na, let's head
back. Magpahinga ka na."

He did all the talking. Ni wala ata akong nasabing matino sa loob ng ilang mga
minutong yun. All I did was giggle like some school girl in her pig tails. Oh
Caleb, don't you think you're liking the wrong girl?

----

Caleb
I pushed another plate in front of Natalie. "Ubusin mo 'yan." nakangising sabi ko
sa kanya.

She pouted but obliged. Hindi na namin itinuloy ang plano naming paglalasing.
Instead, I figured we should just pig out on food. Nakakatuwa naman panuorin ang
babaeing 'to habang inuubos nya ang inorder namin.

"Nasasayang yung pagkain. Order ka ng order, hindi mo naman pala kayang ubusin."
she scolded me.

Hindi ko sya pinansin. Bagkus ay natuon ang mata ko sa flat nyang tiyan. "I don't
know where you put all those things. Wala ka namang tiyan, ang payat mo pa. Di kaya
may bulate ka?" napangisi ako. Gusto ko sanang sabihin na ang lahat ng kinakain nya
napupunta sa boobs nya kaya lang baka sampalin ako. Masabihan pa akong bastos.
Nagpapagood shot na nga e.

"Mabilis lang akong magmetabolize." initsa nya sakin ang nilamukos na tissue paper.
"Ikaw nga 'wag mong ibahin ang usapan! Hindi porket mayaman ka, dapat ka na
magaksaya ng pera at pagkain. Alam mo ba kung ano ang paghihirap ng mga magsasaka
bago maging bigas 'yang kanin na kinakain mo?"

I smiled widely and sat back my chair. Eto yung gustong gusto ko sa kanya. Hindi
sya katulad ng ibang babae na walang pakialam sa ginagastos ng mga lalaki sa
kanila. She isn't materialistic. I remember how she refused adamantly that I buy
her that cute bracelet in the night market.

Hindi sa masyado syang ma-pride kundi hindi mahalaga sa kanya yung mga ganung
bagay. Mas gusto nyang gumawa kami ng mga bagay na hindi nagiinvolve na gagastusan
sya. Although marami na nga akong nagastos sa punyetang misyon nyang 'to.

Pero maano ba't matatapos din 'to. At kung ang kapalit naman ng lahat ng nagastos
ko ay ang puso nya, bah, okay na okay na! Barya lang naman ang lahat ng 'yon!

Para tuloy ang tunog, binibili ko ang puso nya.

I sighed.

Naputol ang pagiisip ko nang marinig kong sinisimot nya ang inumin nya. Lakas lang
maka-rated PG. Pero tuwang tuwa naman ako. May makakapagpaturn off pa ba sakin sa
babaeng 'to?

"What?" reklamo nya nang mapansing titig na titig ako sa kanya.


"Nothing. Masama ka bang tignan?"

"It's rude to stare, Caleb."

"Ang ganda mo kahit patay gutom ka." wala sa loob na nasabi ko.

"Ano?!" biglang namula ang buong mukha nya at pinandilatan ako. I don't know if
she's embarrassed or she's mad. It's hard to tell when it comes to this woman.
She's a ball of emotions.

Natawa ako. "I'm sorry, did I just say that out loud?" i said just to tease her.

"Ang sama sama talaga ng ugali mo! Oo na, ako na patay gutom!" she crossed her arms
in her chest and pouted. Leche! Gusto ko syang halikan sa ginagawa nya eh! "Ubusin
mo yang mga inorder mo! Panget! Grr!"

Tawa ako ng tawa sa kanya. Hanggang sa maubos iyon at nakatitig na lang ako sa
kanyang mukha. Ang hirap alisin ng paningin ko sa kanya. Just a second she's out of
my sight, my eyes crave for her. She's the most beautiful thing I have ever laid my
eyes on.
"Ano bang tinitingin tingin mo dyan?" iritable paring tanong nya kahit pabalik na
kame sa hotel room namin. Nakahalukipkip sya at kung makatingin kala mo ang laki
nyang tao.

I grinned at her. "I'm not looking at you, Natalie, don't flatter yourself."

She hrmped and turned to march towards the elevator. That gave me a chance to look
at her firm ass. Parang ang sarap sarap nun paluin? Teka? What if, paluin ko nga?
Just a little tap. Will she get mad? I just wanna make sure if it really is as firm
as it looks like?

God, did I just got a hard on?

Oh hell, yes. Napatingin ako sa ibaba ko. Right there, an evidence of my lusting
after this cute as a button woman.

I couldn't remember turning myself this on just by thinking about tapping some ass.
It usually took a lot to make me hard. But this woman.. Ahh! I'm a fu-cking goner.
Tumikhim ako nang tumabi ako sa kanya sa elevator. She was still scowling. Pag ako
hindi parin pinansin nitong babaing 'to, wag nya kong sisisihin kung anu man ang
magawa ko sa kanya sa loob ng elevator na 'to!

Sinamaan lang nya ko ng tingin pagkatapos nyang pindutin ang numero ng palapag kung
saan kami bababa. May isa pang lalaki na sasakay kaya pinindot nya ang button na
magbubukas sa elevator. That's when she almost screamed.

"Oh my god! Si Axel!"

Mabilis na napatingin ako sa labas ng elevator, totoo ngang papalapit ang ex


boyfriend nyang patpatin. At siguradong makikita kaming dalawa nito!

"Caleb! Do something!"

I saw the panic in her face. Dahil doon hindi na ko nagisip pa. I pushed her into
the corner of the elevator and kissed her.

Dahil nakatalikod ako sa elevator at nahaharangan ng malaki kong bulto si Natalie,


I'm pretty sure hindi kami nakita ng ex nya. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng
elevator at ang pag angat niyon.

Noon ko lang napagtanto ang ginawa ko. When I opened my eyes, I saw her staring at
me, wide-eyed. Pinakiramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Her lips were the softest
lips I ever had the privelege of tasting. It was plump and I ached to take a bite.
And so I did.

I knew in that instant, there are only two possible things that'll happen. It's
either Natalie would push me away - creating a scene and exposing herself to her
asshat of an exboyfriend - or she would kiss me back, which I was urging her to do
right now.

Of course my little doll didn't disappoint me. She was doing this testing type of
kissing. Patikim tikim ba. I don't want that. I want her to kiss me back properly.
I cupped her neck and brought her lips closer into my mouth. I realized, I don't
just want a teenybopper kiss. I want a real kiss, with some fu-cking tongue!

Give it to me!

Tumikhim ang isang lalaki, siguro yung sumakay pagkatapos namin. "Wala na yung
pinagtataguan nyo, you can stop trying to lick each others face off now." he said
with a chuckle.
Noon ako biglang tinulak ni Natalie.

####################################
Chapter 17
####################################

Caleb

She's not talking to me.

Eversince we got off that fu-cking elevator, hindi na nya 'ko kinausap ng matino. I
tried to explain to her na ginawa ko lang 'yun dahil ayokong mabulilyaso ang misyon
nya, but she didn't listen. She just stood there, nodded and silently went to her
room.

That's it. Ni ha, ni ho, wala! Nothing!

Who the hell am I kidding anyway?


Hindi ko lang ginawa yon dahil ayokong makita sya ni Axel o para protektahan ang
lintek na misyon namin, ginawa ko 'yon kase gusto ko! Gusto ko syang halikan! I'm
dying to kiss her! Lalaki lang ako! And I like her. And I was so turned on! What
the hell am I supposed to do? She said, Caleb, do something!

Ginawan ko ng paraan..

And now she's mad at me?

Oh hell fu-cking no!

Nabubwisit ako! At sa sobrang bwisit ko, guess what? I called my menace of a


cousin, Ava. Alam kong pagsisisihan ko ito sa bandang huli, but I've got no choice,
I'm taking my chances.

"Hi, my handsome cousin, what's up? To whom do I owe this pleasurable call of
yours?"

I groaned as I heard her purr on the other end of the line. Napailing ako. This
woman is a whack job. Napabuga ako ng hangin. Here goes nothing.. "Listen, Ava, I
have a situation.."

"What? Are you in jail?" she asked, chuckling. Ni hindi man lang kababakasan ng
pagaalala ang tinig nya.

Sometimes, I wanna crowbar this little piece of sh-it. Kung hindi ko lang sya
kadugo, masasaktan ko sya eh. At kung hindi ko lang kailangan ng makakausap ngayon,
na maaaring makaintindi sa kung anong nararamdaman ni Natzkie ngayon, I wouldn't
call her. May saltik ang babaeng ito. She even told me once, she had a crush on me.
Nakakarimarim.

"No, Ava. I kissed a girl."

"What the f-uck is the matter, it certainly isn't your first kiss. I am-"

"Shut up!!" suyang suya na saway ko. Sh-it! I knew it! I shouldn't have called her!
Pero wala naman kase akong choice! Wala akong kaibigang babae! I'm not going to
call my exes, I'm not that crazy! At lalong hindi ko tatawagan ang mga gago kong
kaibigan. That would be insane. Suicidal, even. At oo! Fuuuuuck! Ava's my first
kiss.

Napailing ako. Don't ask me why, when, where or how. Just f-ucking don't ask me!
It's creeping me out! Hinimas himas ko ang mga braso ko dahil pinananayuan ako ng
balahibo.

"Eh sa totoo naman eh." she said in a teasing voice.

Napaupo ako sa kama ko. "Pwede ba Ava, wag na nating pagusapan 'yan? Forget about
it! May problema 'ko and I need your advice, be a good cousin to me, alright?"

"Okaaay.." she giggled. "Hindi ko na ipapaalala sa'yo that I was the one who taught
you how to kiss."

I let that pass. Hindi ko hahayaang idistract ako ng babaing ito. Mas importante si
Natalie kaysa sa katotohanang pinsan ko ang first kiss ko. I took a deep steadying
breath. "So, here it goes.. I kissed a girl.. And I don't think she liked it."
hininaan ko ang boses ko dahil baka marinig ako ni Natalie. Baka lalo pa syang
magalit sakin.

The next thing I knew, Ava was laughing like a maniac on the other line. Hay bwisit
'tong babaeng 'to! Ano bang nakakatawa? Ngali ngali ko nang ihagis ang cellphone ko
sa dingding!

"She didn't like it? You mean you sucked at kissing? Ew Caleb! What happened to
what I thought you? Had I known na hindi ka naman pala natuto, sana rumound two pa
tayo!" she said. Hindi parin sya matigil tigil sa katatawa. Gago talaga. Siguro
dapat si RD na lang ang tinawagan ko? At least kung tawanan man nya 'ko,
matatanggap ko. Coz that's what bros do. They laugh at your shi-t but still would
end up helping you. Hindi katulad ng bwisit kong pinsan! Hell, why did I ever
thought of her helping me? Demonyita nga pala ang babaeng ito!

"Stop it, Ava!" gigil na sabi ko. "I mean.. Hindi nya gusto na hinalikan ko sya,
not that she didn't like it coz I sure as hell she did!"

"Oooh! Yabang!"

"Tumigil ka na ha? Napipikon na 'ko."

"Alright, jeez! Keep your hair on, couz!" tumawa ulit sya. "Why do you think hindi
nya nagustuhan na hinalikan mo sya? Did you force her? Ohh! Don't tell me, you
planned on raping her?"

"Don't be an idiot!" ikinuwento ko sa kanya ang nangyare. Simula umpisa kung paano
ako blinackmail ni Natalie into helping her snag her boyfriend back. I can't
believe I feel kind of relieved right now. Parang may malaking tinik sa lalamunan
ko na biglang natanggal.

"Wait a minute?" ani Ava. "Let me make this clear, okay? She blackmailed you and
now you're helping her so she could have her boyfriend back who you set up with
Heather so you could get away from your engagement?"

I nodded. "Yes."

"And now, you end up liking her? How in hell are you going to help her kung gusto
mo na sya?!" she shrieked. "Paano na yan? Are you still going to help her? Sh-it! I
don't want you getting hurt, couz! Just sh-it! Patay ka dyan!"

It was my turn to laugh. Tama naman sya, patay talaga 'ko sakaling magkabalikan nga
'yung dalawa. Hell, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mangyare man 'yun.
Pero as of now, I'm determined to make her fall for me. I'm gonna make her realize
that guy isn't even a half of the man that I am!

But first, I gotta get out of this sh-it I'm in. Kailangan ko maintindihan. Ano ba
talagang nangyare kay Natalie? She responded with my kiss, for heaven's sake! Hindi
mo pwedeng sabihin na ayaw nya na halikan ko sya! Kase tumugon naman sya eh! Sh-it
talaga, naguguluhan ako! Ang hirap intindihin ng mga babae! Fu-ck, women should
come with an instruction manual!

"Are you gonna help me, or are you just gonna keep on yakking there?" naiiritang
tanong ko.
"She's probably just confused, my dear cousin." she.lazily answered. "You said,
she's still after her ex. What do you expect her to feel? Or do? Jump from one guy
to another?"

She had a point. Hindi ang tipo ni Natalie ang basta basta na lang magpapalit ng
lalaki. She's likely thinking right now. Baka naguguluhan nga sya. "What do i do?"

"Give her some space, man!"

I sighed. Space? Kaya ko kayang ibigay 'yon? Parang hindi yata. What if bigyan ko
nga sya ng space? Knowing Natalie, baka kinukumbinsi na nya ang sarili nya ngayon
na mahal nya si Axel at hindi nya dapat nararamdaman 'to para sakin. That is, kung
may feelings nga sya para sakin. I can feel she's attracted to me - coz, seriously?
Who in her right mind wouldn't be?

Pero anong laban ng attraction sa love?

"Seryoso ka ba sa ginagawa mo? Ha, Caleb?" untag ni Ava sa kabilang linya. "Alam mo
ba 'yang pinapasok mo?"

I fiddled with my fingers. "I honestly don't know, Ava."


"Hindi mo sigurado? Dude, if you're not sure, you might as well back off a little."
aniya. "Magiging rebound ka, Caleb Damien, okay lang ba sayo 'yun? Sa totoo lang,
yun na nga ang pinakamagandang scenario na pwedeng mangyare. Pwedeng maging panakip
butas ang labas mo nyan. Papayag ka ba?"

Sh-it.

Panakip butas? No! Fu-ck no!

"Hinay hinay lang," payo ni Ava. "I know, for sure, this girl is attractive. Para
ma-hook ka ng ganyan?"I heard her sigh on the other line. "You're my cousin, Caleb.
Ayokong masaktan ka."

Nahulog ako sa malalim na pagiisip matapos ang usapan namin na 'yon ni Ava. Pati
ako ngayon, naguluhan na. What if maging panakip butas nga ako ni Natalie? Rebound?
No biggie. I can deal with that! Pero yung maging panakip butas? That's gonna hurt
like a motherfu-cker.

---
Natalie

Nakakabingi yung katahimikan sa loob ng sasakyan ni Caleb habang pauwi kami ng


maynila. Kulang na lang talaga yung effects na kuliglig. Kahit pa gusto ko sana
syang kausapin, hindi ko naman magawa. Wala kase akong maisip na sabihin. Parang
kahit anong sabihin ko, magiging mali sa pandinig nya. Isa pa, mukhang wala sya sa
mood. Base na rin sa pagiging tahimik nya at nakasalubong ang mga kilay nya. Baka
barahin nanaman nya 'ko.

Nakuntento na lang ako sa pagsasight seeing. I didn't dare look at him. Ayoko.

Maaalala ko nanaman kase yung halikan namin sa elevator. I blushed furiously.


Tumingin na lang ako sa labas at baka mapansin pa ni sungit na namumula ako.

Never in my life have I been kissed that way. Sumasasal ang tibok ng puso ko just
by thinking of it! Hindi naman iyon ang first kiss ko, at kung minsan nake-carried
away din kami ni Axel sa mga make out sessions namin. Pero yung paraan ng paghalik
sakin ni Caleb kagabi.. Hindi ko maidescribe! Nanginig ng husto ang tuhod ko nun!
Naramdaman ko yung dila nya sa labi ko! At kung hindi pa nagsalita yung lalaking
kasama namin sa elevator, baka nadevirginize na ng dila nya ang bibig ko!!

Hindi ko pa nasubukan ang french kiss.. Sa twing tatangkain ni Axel na gawin 'yon,
umiiwas na 'ko. That's how far my experiences get. Nakakadiri naman kase yung
magta-tongue to tongue kayo, tapos maghahalo ng husto ang mga laway nya. Yucks!
Kaya hindi talaga ako pumapayag na halikan ako ni Axel ng ganon.

Ang kaibahan lang, si Axel pinipigil ko dahil ayoko. Si Caleb pinigil ko, dahil
gustong gusto ko!

Grabe ka, Natalie!!

Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon ng mga panahon na 'yon, like something funny
was going on in the middle of my body. When we got back to our hotel suite.. The
evidence of my arousal was there.. My wet panties.

Naikuyon ko ang mga palad ko sa aking kandungan, iyon nanaman.. Nararamdaman ko


nanaman! Tuwing pipikit nga ako, naiimagine ko ang mga kahalayan thoughts ko kay
Caleb! I even had a wet dream last night, and it was all about him!Shucks!! Hindi
naman ako dating ganito. Pero simula nun dumating si Caleb sa buhay ko, nagiba na
ang pakiramdam ko towards the.opposite sex. Napailing ako. Nakakaramdam na 'ko
ngayon ng pagnanasa!

Pinagnanasahan ko ng husto ang lalaking ito!

Kung malalaman lang ni Caleb ang mga naiiisip ko, iyon na siguro ang pinaka
nakakahiyang mangyayari sa buhay ko! I'm so glad that eventhough he's my hero, he
have no special powers like reading minds. Ang special power lang siguro nya ay ang
kapangyarihang iseduce ako! He had seriously potent power over my ovaries!

"Natalie, whatever you're thinking, just please, stop.." he said in a strangled


voice.

I looked at him in horror. Had I said any of those things out loud?! Nakita ko kung
gaano nya kahigpit hawakan ang manibela. Taas baba din ang adam's apple nya, at
pulang pula ang pisngi nya na animo sinabuyan ng atsuete. "H-ha?"

Hininto nya ang sasakyan sa tabi ng daan at may kinuhang kung ano sa likod ng
sasakyan. It was my scarf.

He threw it at me.

"W-what-" noon ko lang napagtanto nang yumuko ako ang dahilan ng pamumula ni Caleb.
I was wearing a thin blouse at dahil nagmumura na sa laki ang boobs ko, hindi ko
kailangan ng mga bra na makapal ang padding.

Sh-it. My nipples are puckering at halatang halata iyon sa suot ko!


This is so embarrassing!!

####################################
Chapter 18
####################################

"Do you have any news regarding my grandson's whereabouts?"

"He's in zambales, sir."

"Zambales? The hell is he doing there?"

"I'm not sure, sir, but he is with someone."

"Who?"
"I investigated about her and it turns out her name is Natalie Gifford, she's an
artist, daughter of Narcissa Martinez, and-"

"A nobody."

"Yes, sir."

"Hindi ko maintindihan kung anong kagaguhan nanaman ang pumasok sa utak ng batang
'yan. Find out more things about that woman, where she lives, her contact number,
everything. And find out what my grandson is up to."

"Yes, sir."

---
I miss her. I so fu-cking miss her.

Nilaro laro ko ang keychain na hawak ko habang nakatayo ako sa sidewalk. Hinihintay
naming magsimula yung drag racing na sinalihan naming magbabarkada. Actually, it's
just me and Aramis. The guys are here to bet on us, afterwards, plano naming
tumuloy sa isang bar to unwind and relax.

But my mind had other plans.

Parang tinatamad na 'ko. All day, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi si
Natalie. I remember how she eats, I can hear her talk in my mind, I can feel her
soft touch and the warmth of her body against mine. I'm going nuts.

May ilang linggo na simula nung huli kaming magkita. Sapul noon, hindi na rin nya
'ko tinawagan o tinext man lang. Hindi ko alam kung paano ako nakatiis na hindi sya
makita sa loob ng mga panahon na 'yon. Sobrang namimiss ko na sya. I'm actually
thinking of going to her house just to see her. Pero nalimutan kong hindi ko nga
pala alam kung saan sya nakatira. Alam ko lang taga pasig sya. Yun lang! Noon
hinatid namin sya ni RD, nagpapababa lang sya sa palengke sabi nya malapit na sya
dun. Dapat pala sinundan namin sya!

Or maybe, I can just have a little chat with Scor. Tama!


Siguro naman pagbibigyan nya 'ko kung ipapahanap ko ang location ni Natzkie? Or
will I owe him another luxury car? Damn. Kung hindi lang ako nadedesperadong makita
ang babaeng iyon!

True, I could just text or call her. Pero 'yung pagkamiss ko sa kanya, hindi iyon
maiibsan ng basta tawag o text lang!

"Magkano ba 'yang kanyon na yan nang mabura ka na sa mapa?!" narinig kong sigaw ni
Ram sa di kalayuan.

Panay ang tuksuhan ng mga kaibigan ko kay Ram at sa bago nyang babae. Napangisi
ako, mukha kasing seryosohan na ito. They couldn't even keep their hands off each
other. Kung magtinginan sila, daig pa ang bukayo sa tamis. Yun lang. Mukhang
tinamaan na talaga ng magaling si Aramis. Nakakatawa.

Sya na yata ang huling taong maiiisip kong maiinlove. Hindi nga bagay sa kanya eh,
o baka hindi lang ako sanay? Ang baduy nya kasing tingnan.

Nilapitan ko sya dahil maguumpisa na ang karera. Ang mas nakakatawa pa nito, he's
having a fu-cking hard on, just by hugging the girl, imagine that? This guy's a
goner.

Wow, big words coming from the guy who got a hard on just by watching a woman walk.
Aaand, don't forget the nipple incident.

Well, fu-ck.

Naalala ko nanaman. Naglalakad na 'ko papuntang sasakyan ko at nasa likod ko si


Aramis. I tried readjusting myself, without him noticing. Panigurado ako naman ang
pagbabalingan nya ng pangaasar. I already had enough of Drae teasing me because of
the keychain Natalie gave me. Sh-it, this hard on just won't freakin die! Kung
bakit naman kasi naalala ko pa ang bagay na iyon.

Nacurious nanaman ulit ako.

What could she be thinking? Anong pwede nyang isipin para maarouse sya ng ganoon?
Kulang na lang butasin ng nipples nya ang blouse nya! I know it was kind of rude to
call it out to her, but I can't drive and be distracted by those nips! Baka
maibangga ko nanaman ang R8 ko ng wala sa oras! Those nipples are trouble as if her
cup Cs aren't enough!

Tangina, if I don't stop thinking about her fu-cking tits, i will end up in an
emergency room after this!

Pero ano nga kayang iniisp nya nang mga panahon na 'yon? Was she fantasizing about
me? Was she having dirty thoughts about me, too? Katulad din ba ng mga
napapanaginipan ko tuwing gabi? Like having her bent over my couch or my kitchen
counter? Or maybe under the shower or in the jacuzzi, that would be fun. Those fu-
cking tits would be perfect against my chest or even against my door. Or.... Ah,
putangina! Caleb Damien Yung, stop torturing yourself! Ang kulit mo!

Alam ko naman na lahat ng mga iyon ay hanggang imahinasyon ko na lang. I will never
have her! I can never have sex with her!

Badtrip!

Nasa ganoon akong.isipin hanggang sa matapos ang karera. Hindi ako nanalo. I was so
pissed at myself, asang asa nanaman ako. Hopiang hopia!

Ni hindi ko pa nga sigurado kung magugustuhan ba 'ko ni Natzkie, tapos ang nasa
isip ko na, maka-sex sya? I'm being too crude. Nahahawa na ako sa kamanyakan ng mga
kaibigan ko. Maybe I should stop hanging out with them?

Ahh! This is ridiculous!

Nagpasya na lang akong umuwi kaysa sumama pa sa mga barkada ko na uminom. I will
just get jealous of Ram and Charlie - his lady love. And maybe even of Liam and Ika
- ang dalawang todo deny na may relasyon pero kitang kita naman ang mahahalay
nilang titigan sa isa't isa.
Man, I wish I'm with Natzkie. Sana isinama ko sya para hindi ako naiinggit sa mga
kaibigan ko.

Kaya lang, baka maging awkward lang kami. Katulad nung maghiwalay kami galing
zambales. Alam kong bukod sa binabagabag parin sya ng ginawa kong paghalik sa
kanya, napahiya rin sya sa pagpansin ko sa nipples nya.

God, why am I turning into such a pervert? Hindi naman ako ganito dati!

"Bakit umuwi ka agad? Akala ko ba iinom pa tayo?" 'yan ang bungad sakin ni RD nang
tawagan nya 'ko pagdating ko sa condo.

"Wala 'ko sa mood." pasalampak akong naupo sa couch ko. I'm still holding the
keychain Natzkie gave me. Maybe I should really call up Scor. Kailangan ko nang
malaman kung saan nakatira ang babaeng 'yon! Kung ayaw nyang magpakita o
magparamdam sakin, ako na mismo ang lalapit sa kanya. Hindi pwede yung ganito!

"Wala ka sa mood o may pupuntahan ka nanaman? MIA ka na lang palagi, pre. The guys
are starting to think you're hiding something."
"Ano namang itatago ko sa inyo? Wag nga kayong paranoid!" inis na turan ko. "You
guys are beginning to sound like clingy housewives!"

"Nagtatanong lang, pre. Relax, ok?" sinamahan nya iyon ng tawa.

"Ikaw eh."

"I was just asking, bro. Bihira ka na naming makasama o makita man lang, what do
you suppose we'd think? Akala nga namin nung nakaraan nakipagtanan ka na sa
Zambales, sino ba kasing kasama mo dun?"

Napailing ako. "Seriously, RD? Kung sasabihin kong babae ang kasama ko, magseselos
ka ba?"

"Tado!"

"I thought so!" tumawa ako. Nababakla na ata sakin ang mga kabarkada ko.
"Nga pala, did your cousin Ava called you already?"

"No, why?" napakunot ang noo ko. Itataas ko na sana ang paa ko sa coffee table.pero
napatigil ako.

"We bumped into her awhile ago and she's looking for you. Importante yata eh."

I tilted my head on one side. Why would Ava come looking for me? I'm sure she was
not able to call me earlier at the race. Nakaugalian ko na kasing patayin ang cell
phone ko pag ganon na nasa karera ako. Kakabukas ko nga lang nito nang tumawag
sakin si RD.

"Tatawagan ko na lang sya, bro. Thanks for the heads up." sabi ko.

"No problem. Ikamusta mo na lang ako kay Natalie." he chuckled on the other line.

Hayan nanaman sya sa pambubuska nya. I'm already missing Natzkie as it is. Hindi na
nya dapat pang pinaalala ang babaeng iyon. Natutuliro lang ako.
Matapos kong putulin ang tawag ni RD ay agad ko namang kinontact si Ava. Ano kayang
kailangan ng babaeng 'yon? Hindi na kami nagusap ulit matapos ko syang tawagan noon
sa resort. Nawalan na 'ko ng gana kausapin sya gawa ng panay ang pagaalala nya
sakin, kung di naman, bubwisitin ako sa mga kalokohan nya.

"Lolo's been keeping track on you." iyan ang bungad nya sakin.

Napatuwid ako ng upo. Why?

Shit! Hindi nakatiis na napatayo ako mula sa couch at nagpalakad lakad sa loob ng
condo ko. He's keeping tabs on me? Ilang araw ba akong nawala para mapansin ng lolo
ko na wala ako? Noon naman wala syang pakialam kahit saan ako magliwaliw. Bakit
bigla yata na naging concern sya sa mga kilos ko? And does that mean he knows about
Natalie as well?

"Cal, andyan ka pa?"

"Yes, yes." nasapo ko ang noo ko. "When did you find out all these? Papaano?"
"I went to the mansion last night and I heard him talking to his alipores." she
said. "Kung ako sa'yo, couz, magiingat na 'ko. You know what lolo wants for you."

Napapikit ako ng mariin. I need to talk to Natalie. Hindi ko alam kung anong
maaring gawin ng lolo ko once he finds out. Ngayon lang naman kase nangyare na
mahumaling ako sa isang babae na hindi namin kalevel ng status.

Pero alam kong hindi matutuwa ang lolo ko. Katulad na lang sa nangyari sa mga
magulang ko.

Shit.

I badly need to talk to Natalie! I have to see her!

But it turns out na hindi ko na kailangan pang tawagan si Scor para malaman kung
saan nakatira si Natalie. Because the next day, she showed up in my apartment.

"Bakit para ka namang nakakita ng multo?" nakangusong sabi nya. She was stading
right outside the door wearing her usual clothes. Tshirt at jumper. Her hair's tied
up in a messy bun, giving her an uncharacteristic sexy look. Napalunok ako. Totoo
ba 'to? After one million years, nandito sya sa harapan ko.

Ang OA ko.

"W-what are you doing here?"

She smirked at me. My heart did this drumming feeling again. I yearned to touch her
face and make sure she's really there. Oh, hell, I'm fucked.

"Babawi lang ako sa pagiging MIA ko, tara!" hinablot nya ang kamay ko at isinara
ang pinto ko.

Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko para sa babaeng ito.

####################################
Chapter 19
####################################
Natalie

Makailang beses akong napalunok bago ako nagkaron ng lakas ng loob para pindutin
ang door bell ni Caleb. Jusko, Natalie! Si Caleb lang 'yan! Bakit ba uber ang kaba
mo? Hindi si Obama 'yan, hindi rin si Pnoy! Relax ka lang! Nakipagpalitan ka na nga
halos ng saliva sa kanya, kung kabahan ka, para kang nasa isang graded recitation!

I bit my lower lip. Iyon na nga ang problema! Naghalikan kami. Hindi ko magawang
itatak sa isip ko na wala lang ang halik na 'yon kase nga para sakin, may meaning!
Tagos sa laman, hanggang lalamunan!

Kaya lang, miss na miss ko na sya.

Oo, sobrang namimiss ko ang sometimes masungit, sometimes alaskador na si Caleb.


Umaabot pa sa punto na hindi na 'ko makatulog sa gabi kakaisip ko sa kanya ang sa
mga labi nyang mapanghalina.

Matagal bago bumukas ang pinto. Kase naman ke aga aga ko nanamang nambulahaw.
Malamang tulog pa 'yon!
O baka naman wala sya sa bahay?

Baka may night out sya kagabi. O baka may kasama syang babae?

Shit! Bakit di ko naisip yon? Papaano nga kung may kasama pala si Caleb tapos
istorbo ako ngayon dito? Papaano kung yung babae nya ang magbukas ng pinto? Isang
half naked na babae? Paano ako magrereact?

Goodness gracious, Natalie! You're over thinking!

Malay mo naman kung nasa banyo lang sya?

Noon biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang halatang kagigising lang na si Caleb.
He was wearing a white shirt and green striped pajamas. Trumiple ang bilis ng tibok
ng puso ko. Jusme. Ganito ba ang mga elite na utaw? Kahit kagigising lang, mukha
nang yummy? Ang unfair non! Kase ako, siguradong mukhang tungaw pagkagising sa
umaga, tipong may muta muta at kung minsan may tulo laway pa.

Kalurks!
Pero si Caleb, heto at ke aga aga, itsurang greek god na. Kahit di pa nakapagtooth
brush at hilamos, pwede nang ipanglaban agad sa Mr. Pogi!

Tila hindi rin makapaniwala si Caleb na nasa harapan nya ako ngayon. Kumurap kurap
sya at kinusot ang mata nya.

Good! Dahil at least hindi nya napansin ang paghagod ko ng tingin sa kabuuan nya.
Nangangati pa nga ang kamay ko para haplusin ang dibdib nya. Syet, ang macho kase!

Ang tagal bago natauhan ni Caleb. Napanguso ako. "Bakit para ka namang nakakita ng
multo?" Akala siguro nya namatay na 'ko dahil nga ang tagal kong hindi nagparamdam.
Ang totoo nyan, hindi ko na lang kase napigilan ang pagkamiss ko sa kanya.
Kinokonsensya pa 'ko ng hitad na Libby na 'yon. Matapos daw ng lahat ng ginawa para
saakin ni Caleb, ganon na lang daw ang igaganti ko. Anong klase daw ba 'ko?

Sadyang napaka user ko daw ba talaga at hindi man lang marunong tumanaw ng utang na
loob.

"W-what are you doing here?"


'Ta mo 'tong lalaking 'to? Parang ayaw na talaga akong makita! Sabi ko na hindi
tama 'to eh!

But I won't back down. I have to ease my conscience, even just a bit!

"Babawi lang ako sa pagiging MIA ko," dinakma ko ang malaki nyang.. Kamay. "Tara!"

Ako na ang nagsara ng pinto dahil hanggang ngayon tila hindi pa nakakarecover si
Caleb sa shock nya. Para lang syang robot na sumusunod sa sasabihin ko.

"Where are we going?" he asked, finally.

Nilingon ko sya at nginitian. Sa wakas naman at natauhan na sya. Nananaginip pa ata


ang lalaking ito! "Dyan lang sa baba, I'll treat you breakfast. Masarap naman
siguro yung pagkain doon, ano?"

He looked at me horrified. "What?! I can't go down there looking like this!"


"What's wrong?" pinasadahan ko sya ng tingin. "You look okay to me."

"I look like shit, Natalie!" reklamo nya. Oh, there goes the Caleb I know.
Reklamador ng bayan. Numero unong napakasungit. Namiss ko talaga ang kumag na 'to.
Sa sobrang pagkamiss ko, gusto ko syang akapin ng mahigpit, pisilin ang magkabila
nyang pisngi at halikan sya!

Now, that ain't a good idea. Mauulit nanaman be ang elevator scene namin? I
scrunched my nose.

"What?" sikmat ni Caleb. "Do I smell? Jesus, you didn't even let me brush my teeth
first!"

Napailing ako napangisi. Nasa elevator na kami nun. "Ano ka ba? Brushing your teeth
before breakfast is like washing your ass before taking a sh-it. Kaya okay lang
'yan, wala namang hahalik sayo dun!"

Sukat ay bumunghalit ng tawa si loko. Grabe nakakamesmerize talaga sya pag ganon.
Saka in all fairness, hindi naman sya bad breath kahit di pa sya
nakakapagtoothbrush. Pwede pa nga yata akong tumira sa loob ng bibig nya eh.
Momolestyahin ko yung tongue nya.
Por dios por santo, Natalie! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!

"Namiss ko ang pagiging siraulo mo." he said. Maluha luha pa ang mga mata nya sa
katatawa.

Napamaang ako nang marinig ko 'yon. Teka lang, nanlalambot ang tuhod ko ha? Namiss
nya ko? Totoo ba 'yon? Oh my gulay! Pwede bang magtumbling sa loob ng elevator?!
Hindi ko keri yung kilig ko!

"Ako ba, namiss mo, Natzkie?" bulong nya maya maya.

Nang tingnan ko sya ay nakatutok ang mga mata nya sa mga numero sa kanang panig ng
elevator. Hindi ako agad nakakibo. Baka kase masabi kong miss na miss ko sya, tapos
akalain nyang patay na patay ako sa kanya.

Bakit, hindi ba?

Hindi kaya!
Crush nga lang sya!

Go ahead and try to sound more convincing.

Kung bakit naman kase kinokontra ako ng sarili kong isipan! Napalunok ako habang
minamasdan parin si Caleb. Talagang tutok na tutok sya sa punyetang pindutan sa
harap nya. Bakit ba ayaw nyang tumingin sakin?!

"Tinatanong kita, Natzkie. Namiss mo din ba 'ko?"

Teka lang, pwede bang huminga muna?

"Oo, namiss kita." kagat labing sabi ko. Pinipigilan ko kasing mapatili sa
kalandian ko.

Hindi parin sya tumingin sakin. Talagang mas nagagandahan ata sya sa pindutan ng
elevator. Pagsisipain ko kaya 'yan? Ngumisi ang damuhong si Caleb. Yung ngising
tuwang tuwa talaga. Ngising kinikilig.
Nagulat pa nga ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. He interlaced our fingers
and held my hand tight. Sh-it. Nasa ganitong level na ba talaga kami? May pa-
holding hands holding hands na talaga. Ang harot lang! Iba naman kase yung ginawa
ko kanina, hinablot ko lang yung kamay nya tapos binitawan ko rin naman agad!

Iba ngayon, holding hands na talaga!

At kinikilig ako!

Ang laki at ang tigas.. Ng kamay ni Caleb. Ang warm pa. Ang sarap hawakan! Hindi
sya malambot at hindi rin magaspang at makalyo. Tamang tama lang. Iyon bang
gugustuhin mong humaplos sa bawat parte ng katawan mo.

Hoy, Natalie! Tumigil ka! Ang utak mo, nagiging berde na!

Maiiwasan ko ba naman 'yon? Eto naman kasing katabi ko, sa sobrang pogi at macho,
ang sarap lapain! Sino ba naman hindi magkakadirty thoughts diba?
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko habang hinihintay namin na bumukas yung
elevator. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti. Ang daming magagandang nangyayari
samin pag nasa elevator kami. Bakit kaya hindi na lang Elevator Love Story ang
title nito?

Dito ang first kiss namin, first holding hands. Dito na din dapat kami gumawa ng
first baby namin! Kileegs!!

"Nakangiti ka." puna ni Caleb.

"Masaya 'ko e, bakit ba?" sikmat ko. Istorbo sa pagdedaydream naman 'to!

Tumawa naman sya. Tapos tumingin sya sakin habang naglalakad kami palabas ng
condominium. Kay lapad lapad ng ngiti nya, pati ako nahahawa. "Masaya din ako."

---

Nagpumilit si Caleb na magpunta sa isang convenience store sa baba rin ng


condominium na tinitirhan nya. Bumili sya ng toothbrush at sinamahan ko naman syang
bumalik sa loob ng condo para makigamit ng CR.
Paglabas nya, all smiles nanaman sya sakin.

"Fresh breath na 'ko, pwede na kitang halikan."

Agad na umasim ang mukha ko. "Pwede ba, Caleb Damien Yung, 'wag mo nang mabanggit
ang punyetang halik na iyan!" inis na humalukipkip ako. Nagmartsa na ako palabas ng
condo papunta sa restaurant.

Napagusapan kase namin kanina habang bumibili sya ng toothbrush ang tungkol sa
halik na 'yon. Ako ang nagopen ng topic. Sabi ko, kalimutan na lang namin 'yon gawa
nga ng naiilang ako. Hindi sya sang ayon. He said, that kiss was bound to happen
and nothing can ever make him forget that. Cause that was our first kiss. Memorable
daw iyon.

Gigil na gigil ako sa kanya at nagbantang lalayasan sya pag hindi sya nagtigil ng
kakatudyo sakin.

Bigla na lang tumawa ang gago at nang umalis ako, he hugged my waist from behind
and kissed my head. Ang sweet, takte. Kinikilig pa nga ako. Kung umakto kase si
gago, kala mo magjowa na kami. Samantalang hindi pa nga tapos ang misyon namin na
bawiin ang boyfriend ko.
Ang nakakaloka pa nito, hindi ko alam kung gusto ko parin bang bawiin si Axel.

Binulungan nya ako na wag na akong magtampo at sisikapin nyang wag na akong asarin
tungkol sa kissing scene namin. At bilang deads na deads sa tukmol na 'to - Sige
na, aaminin ko na. Nauulol ako sa sobrang kilig sa lalaking ito - umamo naman agad
ako. Easy to get, hmp!

"Napaka dakilang pikon mo, Natzkie." inakbayan nya 'ko palabas ng condo.

"Mapangasar ka e, subukan mong wag akong inisin baka hindi ako mapikon." mataray na
sagot ko.

Tumawa sya lang siya.

Napapangiti ako habang tinititigan ko si Caleb. Ang saya saya nya. Halata iyon sa
ning ning ng mata nya. And knowing na ako ang dahilan sa likod ng kasiyahan na
iyon, parang hindi ako makahinga. Parang hindi kase totoo.

"Kanina ka pa titig na titig sakin."


Papanong hindi, e ang sexy mo kaya kahit naka pajama ka?

"Parang ang saya mo kase," sabi ko na lang.

Ngumisi syang muli. "Because I missed you, Natzkie. And now you're here." inabot
nya ang kamay ko. "Thank you for making me happy."

Umingos ako. Too good to be true talaga. Pero kung nagiilusyon man ako, lulubus
lubusin ko na! Once in a lifetime ata ito! Oo, ordinaryong babae lang ako pero
napansin ako ng isang Caleb Damien Yung. At hindi lang 'yon! Gusto nya pa ako!

"Ang pogi mo, tae ka!" napahagikgik na sabi ko.

He threw his head back and laughed. Napantastikuhan ako.

"Hey, alam mo bang muntik ko nang tawagan ang kaibigan kong may private
investigation company?" biglang sabi nya kapagkuwan.
"Ha? Bakit?"

"Because I don't know where you live, Natzkie." aniya sa seryosong tinig. "I
terribly missed you, at parang wala ka talagang balak na magpakita o magparamdam
man lang sakin. I feel so damn helpless! So I decided, to just pay you a visit.
Gustong gusto na kitang makita, at hindi ko gusto ang ginawa mong pagpapamiss."

Hanube!!

Napayuko ako at pilit na itinatago ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na kaya 'to!
Papatayin ako sa kilig ni Caleb!!

"Show me where you live, Natzkie. Para alam ko kung saan kita hahanapin tuwing
namimiss kita."

May say pa ba ako?


####################################
Chapter 20
####################################

Natalie

Maingat na ibinukas ko ang pinto ng condo ko. Shit! Hindi ko matandaan kung
nakapaglinis ba ako ng matino kanina! Sa mga nagdaang araw kase, puro pagmumukmok
at pag eemo ang ginawa ko. I tried painting, but I was easily distracted. Hindi ko
nga alam kung ilang araw na ba ang lumipas na puro si Caleb lang ang nasa isip ko.

Hindi ko na naalala na maglinis ng bahay ko.


Kase naman kung bakit pumayag payag pa 'ko na pumunta si Caleb dito! Kung makapang
hipnotize naman kase 'yung mga mata nya, ganon na lang!

Ang daya!

"What are you doing? Let me in." that's when I realized I was blocking the way.

Napaka demanding nito kahit kelan. Slow motion na pumasok ako sa loob ng condo ko.
Nang mamataan ko ang maruruming damit sa paanan ng kama ko ay agad kong dinamba
iyon. Mabilis na hinagis ko ang mga damit sa hamper sa pinakasulok ng kwarto.
Dinakma ko lahat ng kalat na nakikita ko at mabilisang niligpit iyon. Susme! Bakit
ba napakaburara ko?

Nagulat na lang ako nang bumagsak ang malaking bulto ni Caleb sa ibabaw ng kama ko.
I stared at him horrified. Please, sana naman mabango pa ang bed sheets ko! Feel at
home naman kase masyado ang lalaking ito!

But now seeing him there..

Ay sus! Yummy sa ka-yummy yummy-han! Parang ang sarap magpagulong gulong sa kama
kung ganyan din lang naman ang nakalatag!
Dahil nga hindi na nagawang magpalit ng damit ni Caleb ay ang puting tshirt at
pajama parin ang suot nya - mabilis lang naming dinakma ang susi ng kotse nya at
kumaripas na kami dito. Umangat ang laylayan ng tshirt nya, at nahantad ang
kalahati ng itinatago - itinatago nga ba? - nyang abs. At hindi lang 'yon! Wait
there's more! Yung V shape sa ibabaw ng garter ng kanyang pajama, nakahantad din!

Pasimpleng pinahid ko ang gilid ng labi ko para makasiguro na walang laway na


tumulo doon.

Susmarya! Ingat na ingat akong huwag nang bumaba pa mula roon ang mga mata ko at
baka iba na ang makita ko! Tuluyan ng mababahiran ng kaberdehan ang utak ko! Utang
na loob, tukso layuan mo ako!

"Liked the view?"

Mula sa gitna ng katawan ni Caleb ay lumipad ang mata ko patungo sa mukha nya. He
was grinning at me. Hudyong 'to! Nagawa pa 'kong buskahin!

"Tse!" awtomatikong napa-about face ako at tinungo ang work area ko. Nagkunwari
akong nagliligpit ng mga kalat mula roon, pero ang totoo, pilit ko lang naman na
itinatago ang pamumula ng pisngi ko.
Kung bakit kailangan na lang ako laging mahuli ni Caleb na tinititigan ang katawan
nya? At kung bakit hindi ko rin naman mapigilan ang titigan sya? Ang hirap ng
kalagayan ko. Ang hirap pigilan ng nararamdaman ko!

"Wow."

My head whipped as I heard Caleb's awed voice. He was standing at a life size
painting of a naked woman. It was of color black, yellow and blue. Her hair's
cascading down her curvy body, her arms are extended as if freely giving herself
in. Ang pinakapaborito kong parte ay ang mukha nya. Her lips to be exact, she had
this mysterious and yet naughty smile promising love and at the same time, passion
and pleasure.

Napangiti ako. Ginawa ko iyon siguro mahigit isang taon na ang nakakalipas, I was
so happy back then - so inlove and so loved- iyon ang highlight ng relationship
namin ni Axel. Binuo ko iyon nang inakala ko ay handa na 'kong ibigay ang lahat
lahat sa kanya.

"You're fu-cking good, Natzkie!" humarap sya sakin. Yung mga mata nya,
nagniningning na parang proud na proud sya sakin.

It warmed my heart. Nobody had ever looked at me like that. Sure, nagagalingan
sakin ang bestfriend kong si Libby, sya ang number one fan ko eh, number two lang
ang nanay ko. Madalas pinupuri din naman ako ni Axel, pero hindi ganito. Hindi
ganito yung feeling na parang gusto na 'kong patayuan ng rebulto nitong kaharap ko.
Siguro dahil ramdam ko na sinsero talaga si Caleb? Na hindi nya sinasabi ito dahil
kailangan nyang sabihin. Totoong nagagalingan talaga sya sakin.

"Do you have, like, a gallery or something?" aniya. "I'm sorry, I'm not really much
into art. But this," itinuro nya ang painting. "This is amazing."

Nahigit ko ang hininga ko habang unti unti syang lumalapit sakin. His hands found
my face. "You are freakin' amazing, Natalie." titig na titig sakin ang kulay brown
niyang mga mata. His milk chocolate eyes hipnotized me yet again. Kusang bumaba
iyon sa labi kong nakaawang ng mga panahon na 'yon. I wet my lips with my tongue,
nakoconscious ako sa ginagawa nyang pagtitig sa mga labi ko. Magsisinungaling ako
kung sasabihin ko na ayaw kong halikan nya 'ko.

Gusto ko, in fact, kaunti na lang, I will stand on my toes and bring my lips to
his. Magpapakaaggressive na 'ko!

Sayang lang, kase biglang tumunog ang cellphone nya.

Napapadyak ako nang tumalikod sya para sagutin ang tawag. At ang pagpadyak ko na
iyon ay lumikha ng maliit na ingay but enough to catch Caleb's attention. Nahuli
nya ang disappointed expression ko sanhi para matawa sya.
Mas lalo akong pinamulahan ng pisngi. Damn it! Why does he have to see me do that?
Ano na lang ang iisipin nya sakin?!

Oo, patay na patay na 'ko sa kanya pero hindi na nya dapat pang malaman 'yon!

Lahat na ata ng bagay na nakakahiya, nangyari na sa akin!

"Hey," maya maya ay untag ni Caleb. Nakaupo na 'ko noon sa stool sa harap ng
canvass ko. Tinutusok tusok ko ang natuyong pintura sa paleta ko. "I'm sorry, that
was my assistant. May kaunting problema sa hotel."

I looked at him from under my lashes. He was standing on my right, his eyes were
fixed on the canvass. "Kailangan mo bang pumunta ng hotel?"

Kagyat na napatingin sya sakin. "No. Kaya na nila iyon." tumalungko sya sa gilid ko
at hinawakan ako sa balikat upang iharap ang katawan ko sa kanya. "Besides, hindi
kita iiwan lalo na't alam kong nabitin ka." sinamahan nya iyon ng makalaglag panty
na kindat.

Ang lalaking ito!


"Hoy, super kapal mo naman, Caleb Damien Yung! Nabitin ka dyan!"

Umingos sya. "Sus! Bakit ba napaka pakipot mo, Natzkie? Why can't you just say that
you like me, too?"

"U-Uhh, eh.. H-ha?" kandautal na sabi ko.

Caleb laughed, showcasing his perfectly white and aligned teeth. "Cmon, Natalie,
let's not play dumb here. I already told you, I like you. So much. And we both know
you like me as well. Gusto ko lang marinig mula sayo na so much din ang pagka like
mo sakin."

My lips quivered at pinigilan kong matawa.

Umasim ang mukha ni Caleb. "'Wag mo 'kong tatawanan, maiinis na talaga ako sayo!
Just fu-cking tell me you like me, too, Natzkie! It kills me to not know!" he
grabbed my shoulders and pulled me in a standing position. Inilapit nya ang mukha
saakin at pinakatitigan ako. He was so close, halos maduling na ako. "Sabihin mo
sakin na gusto mo 'ko, Natalie, bigyan mo ako ng rason para hindi na kita ibalik sa
ex mo."
Binuksan ko ang bibig ko para magsalita, pero walang lumabas na sound. Speechless
ako sa mga pinagsasabi ni Caleb.

"Please, just say it, Natzkie." he looked at me expectantly.

Kumibot kibot ang labi ko. OMG. Kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko!

"Say it." he urged. "Or do I have to kiss you first?" nakangisi na sya this time.

Natorete naman ako. Mabilis pa sa alas kwatro ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"G-gusto din kita!! Gustong gusto!"

Caleb's smile widened as I said those words. Nangislap ng husto ang mga mata nya.
Segundo lang ang pagitan nang higpitan nya ang hawak sa mga pisngi ko at bumaba ang
labi nya sa labi ko.

He kissed me tenderly. Iyong tipong parang dampi lang ng bulak ang nararamdaman ko.
Tanging ang nasa isip ko lang ng mga panahon na 'yon ay ang kaalamang
nagkakagustuhan kaming dalawa ni Caleb. Hindi lang pala nagkakagustuhan kundi
sobrang nagkakagustuhan! Kinikilig ang mga matres at bahay bata ko!
Naramdaman ko na lang ang pagkawala ng labi ni Caleb sa labi ko. Nakapikit pa 'ko
noon. When I opened my eyes, I saw him staring at me like I am the most beautiful
girl in the world. My heart swelled. Para akong dinuduyan sa sobrang saya na
nararamdaman. Parang may clouds, rainbows and butterflies sa paligid, ganon kasaya!

Nagulat pa ako nang bigla nya akong pangkuhin. I giggled as I put my hands around
his nape. I couldn't take my eyes off him. Araw araw ko atang aalalahanin ang
expression ng mukha nyang ito. Napabuntong hininga ako. Haaay.. Ang sarap naman na
may isang Caleb Damien Yung na nagbubuhat sa patungo sa... Kama.

Oh sh-it! Dinadala nya ako sa kama ko!

Anong binabalak nya? Ngayon na ba? Kakasabi ko pa lang na gusto ko sya! Ready na ba
ako na makipag chuk chak chenes sa kanya? Teka! Nagpapanic na 'ko!

In like pa lang naman kami sa isa't isa! Hindi pa in love! Dapat in love muna bago
in lust! Napakabilis naman ng lalaking ito!

He gently laid me in bed. He was grinning at me from ear to ear. Ayan na! Unti unti
syang lumapit saakin at sumampa sa kama. Gusto ko sanang sabihin na hubarin muna
nya ang damit - este, tsinelas nya kasi marurumihan ang bed sheet ko. Pero
napipilan ako. Alam kong dapat pinipigilan ko na sya sa ginagawa nyang paghalik sa
noo ko - teka! Seryoso? Sa noo talaga? Ano 'ko lola?!

Caleb was chuckling as he settled himself beside me. "What sweetheart? Why do you
look so disappointed?"

Napanganga ako. Ang hudyong 'to! Hindi nakapagpigil na hinampas ko sya sa dibdib.
Napaigik ang loko.

Hahampasin ko pa nga sana ulit nang hulihin nya ang kamay ko. "Ang sakit, Natzkie
ha? Isa pa, rereypin na talaga kita!"

Nandilat ang mata ko, kasabay niyon ay dumapo muli ang palad ko sa matigas nyang..
Dibdib.

####################################
Chapter 21
####################################

Natalie

Hindi ko alam na sa loob ng ilang taon na inilagi ko sa mundong ibabaw, may


ikikilig pa pala ako simula nung nagsabi saakin si Caleb na gusto nya ako.
Nandito kami ngayon sa isang fine dining restaurant. Idinate nya ako. Ano nga ba
namang nakakakilig doon? Sinalubong lang naman ako ng lahat ng waiter at binigyan
nila ako ng tag iisang bulaklak, tapos nung makarating ako sa table na pinareserve
ni Caleb, nandun sya, looking so dashing in his blue button down and with a bouquet
of pink roses in his hand.

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Tapos sa lips.

God!! Nakatingin lahat ng mga tao sa restaurant saamin. PDA much kami!

Caleb was perfect. I couldn't imagine him being like this. Akala ko puro
pagsusungit at pamumwisit lang ang alam nya. I didn't take him for a hearts and
flowers guy. Maybe because I really didn't think much of him in a romantic way. I
looked at him as a means of getting Axel back. Heck, I saw him as an enemy! Isang
malaking buwisit sa buhay ko. Ang dahilan kung bakit ang dating maayos kong buhay,
hindi na kaseng ayos ngayon.

But I realized, I was happier this way. Happier na mas magulo nga ang buhay ko
dahil sa pagkakainvolve ko kay Caleb. Magulo pero mas makulay.

"Why are you smiling like that?"

"Smiling like what?" ni hindi ko nga napansin na nakangiti pala ako. Ano ba? Ganito
ba talaga ang feeling? Lakas maka-PBB teens!

"Smiling like a moron?"

Natawa ako. I already got used to Caleb's way with words. Minsan kahit hindi naman
nya kase intensyon, nagiging offensive yung tunog. Pero ayos lang! Siya yan eh.
Kahit pa siguro may almoranas ang lalaking 'to, tanggap ko parin sya at perpekto
parin sya sa paningin ko.

"May iniisip lang ako." sagot ko.

"Ano nanamang iniisip mo? Ako nanaman? Nasa harap mo na nga ako, iniisip mo pa
'ko!"

"Sira!"

"My, Natzkie, ganyan ka ba ka-patay na patay sakin!"

Akma ko syang babatuhin ng kutsara. "Baliw! Akala ko, Chinoy ka? Di ko alam na Fil-
Am ka pala?"

"Anong Fil-Am sinasabi mo dyan?" kunot noong tanong nya.

"Half Feelingero, Half Ambisyoso!" sabi ko na nakaingos.

Halos mag-disappear ang mga mata nya sa kakatawa. Lalo kasing lumiliit ang singkit
nyang mata! Ang cuuute!! How adorbs! Mas nakakainlove sya pag ganyang nakatawa sya.

Jusko, Natalie! Pinagsasasabi mo dyan? Kilabutan ka nga! Inlove inlove ka pang


nalalaman!

"Are you done eating, Natalie? Bilisan mo kase may pupuntahan pa tayo." he glanced
at his wrist watch.

"Now na?"
"Oo sana, kaya dalian mo na kumain."

Inirapan ko sya. "Grabe naman, baka mabilaukan naman ako sa gusto mong mangyare!"

"Kaya mo 'yan!" nakangising saad nya.

"Saang lupalop ng daigdig ba tayo pupunta?" tanong ko matapos uminom ng iced tea.
Hindi ko malunok lunok ang mga kinain ko. Ang dami naman kase! Pakiramdam ko tuloy,
bochog na bochog ako!

Parang gagambang kumain ng sampung langaw!

"Basta!" he winked at me.

Napanguso na lang ako. Pag ganyan na pakindat kindat sya, wa na 'ko ma-say. Go with
the flow na lang. I wish I could say that I wasn't completely under Caleb's spell.
That I wasn't charmed. But I am. Hulog na hulog na 'ko sa kanya, wish ko lang hindi
ako lumagapak at mabasag ang ulo ko sa sahig.

Wish ko lang, hindi ako masaktan.

---

Kung inaaakala nyo na hulog na hulog na 'ko sa hudyong si Caleb, nagkakamali kayo.
Kase nagkamali din ako. Hulog na hulog na hulog pala! Laglag ang panga ko nang
pumasok kami sa isang gallery. Nagtataka pa nga ako noong una kung anong ginagawa
namin doon.

Napalunok ako dahil pamilyar sakin ang lugar na iyon! Nakita ko na 'yon sa TV!

At nang makita ko ang mga paintings at mga sculptures na nasa loob. Halos maluha
ako. Nakadisplay sa gallery na iyon ang gawa ng sikat na pintor at iskultor na si
Mariano Diaz! Ang idol ko!

May ilang segundo at na natulala ako sa pintuan ng malawak na gallery. Caleb had to
hold my hand and remind me to breathe. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko sa
sobrang pagkabigla. Hindi ako makapaniwala na dadalhin ako ni Caleb sa ganito ka
prestihiyosong lugar! Ang buong pagaakala ko, sa panaginip lang ako makakarating
dito! This is the closest i'll ever be to a paradise.

"Magsalita ka naman, Natalie, you're scaring me sweetheart." bulong nya sa tainga


ko.

"I-I can't believe it.."

Caleb chuckled as he gently nudged me to take a step inside. Once na naihakbang ko


na ang paa ko ay wala na iyong tigil. Hindi ako magkamayaw sa pag inspeksyon ng mga
obra na nasa loob. Oh my god! Fan girling mode talaga ako!

I was closely eyeing a certain painting of a beautiful scenery when I felt Caleb's
hands on my waist. "Hindi talaga ako nagkamali na dalhin ka dito, Natzkie. The
expression of your face alone right now is priceless. Kung gusto mo, araw araw
tayong tatambay dito just so I could see that look everyday."

Napatingin ako sa kanya. Titig na titig sya sa mukha ko. Whatever was in there was
all his fault! Kagagawan nya kung bakit ako masayang masaya ngayon at kung di lang
ako marami pang balak gawin sa buhay ay baka sabihin kong pwede na 'kong mamatay!
Yumakap ako kay Caleb. Nakatuntong na 'ko sa gallery ng idol ko.. I have in my arms
this beautiful person who adores me. What more can I ask for?
"Okay ka lang ba, Natzkie?"

Tumango ako. Natatakot akong magsalita dahil baka pumiyok ako!

"Are you sure? Coz shit's about to get serious."

Napatingala ako't napamaang sa kanya. Noon ko namataan ang dalawang lalaki. Ang isa
ay middle aged at ang isa ay halatang may edad na gawa ng maraming uban sa buhok
nito. Both of them were smiling at us.

"I want you to meet, Mr. Dorian Jimenez, the owner of this gallery and Mr.
Mariano-"

"Diaz." I uttered.

Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko
ng mga panahon na iyon. Masayang masaya ako. Hindi lang iyong tipo na
mapapatumbling ka, kundi yung saya na parang lumulutang ka. Parang nakarating ka sa
ikapitong langit! Caleb really is an angel for doing this for me. Napakarami ko
nang utang sa kanya. Pero sa lahat ng iyon, ito lang yata ang hindi matutumbasan ng
kahit gaano karaming pera sa mundo. He is right, this is priceless.

Napagalaman ko na si Dorian Jimenez na syang may-ari ng gallery, isang art fanatic,


at pamangkin ni Mariano Diaz ay kaibigan ng kaibigan ni Caleb na si Zeve.

Kaya pala nung isang araw ay tinatanong ako ni Caleb kung sino ang paborito kong
pintor. Kung sino ang idol ko. Naikwento ko sa kanya na gustong gusto kong makilala
si Mariano, and that it would be a dream come true. Hindi ko naman akalain na
tutuparin ni Caleb ang pangarap kong iyon.

At hindi lang iyon..

"Mr. Yung here, mentioned that your works were really superb, Ms. Gifford." ani
Dorian.

"Naku!" napahawi ako sa bangs ko at pasimpleng tumingin kay Caleb na kausap naman
si Mariano sa harap ng isa sa pinakasikat nitong painting. "Walang wala po ako sa
level ni Sir Mariano."

Natawa si Dorian. "I would like to see them, Natalie."

Natigagal ako. "Talaga po?"

"Yes, and if I liked them, pwede bang idisplay ko rin sila dito sa gallery ko?"

---

Nakaalis na kami sa gallery at patungo na kami sa kotse ni Caleb nang bigla ko


syang dambahin sa likod at paghahalikan sa pisngi. "Sh-it!! This is the best date
ever!!"

Tawa ng tawa si Caleb nang makababa ako sa likuran nya at harapin nya 'ko. He gazed
lovingly at me and whispered, "Tell me to kiss you, Natzkie."

And so I did.

Mabilis na bumaba ang labi ni Caleb sa akin at agad ko iyong tinanggap. I kissed
him with all the gratefulness I feel inside. I will forever remember this day and
the way he made me feel. Habang buhay kong ihihingi ng salamat ito sa kanya. This
was beyond imagination! Pangarap ng lahat ng artist na makasalamuha at makadaupang
palad ang mga idolo nila. And Caleb just made that happen!

Hindi ko alam pero hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko para sa lalaking


ito!

"Bakit mo 'ko dinala dito, Caleb, please tell me." I asked breathlessly when we
stopped kissing.

"Because I wanted to see you happy." he smiled down at me. "Because I saw what
you're hiding in your condo and I realized, how under rated you are. How you
deserve so much more and," hinawakan nya ang magkabila kong pisngi. "I wanted the
world to see how beautiful and how gifted and talented my girlfriend is."

I swooned. My heart is melting at every word he uttered. Ang sarap sarap pakinggan!

Gifted at talented daw ang girlfriend nya. 'Wag na 'yung beautiful kase matagal ko
nang alam iyon. Pero gifted at talented - whut? Ano daw nya 'ko? Girlfriend?!

"Hoy!!" mukhang nagulat si Caleb sa biglaang pagsigaw ko. "Anong girlfriend ha?
Sinagot na ba kita? Nanligaw ka ba?!"

Caleb rolled his eyes. "You like me.I like you. That makes you my girlfriend."

"I doesn't work that way!" mariing protesta ko.

"It does for me!" pinandilatan nya ako.

Luko luko ang lalaking ito. Kung maka-claim naman na girlfriend nya 'ko ganon na
lang? Ni hindi man lang nagsabi sakin! Di man lang nagpaalam. At oo! Nagpoprotesta
ako! Bakit ba? Eh choosy ako!

"Listen, Natalie." he guided me towards his car. Napasandal ako doon at itinukod
naman nya ang mga braso nya sa magkabilang gilid niyon, trapping me. "I admit I am
not a huge fan of this kind of set up. I don't do relationships Natalie. I date but
I don't like being exclusive with someone."

Napakagat labi ako at nakinig na lang sa mga sasabihin nya.

"But when it comes to you," huminga nya ng malalim. "When it comes to you, I want
everything understood. Gusto ko malinaw ang stand natin at claim sa isa't isa. I
can't just let you loose. Hindi pwedeng hindi exclusive. Baka makuha ka pa ng iba
kaya babakuran na kita."

Oh my god.

Hindi ko gusto ang mga lalaking possessive, pero kung gusto akong posasan ni Caleb
at ikabit sa bewang nya.. Sige na nga!

"Ano? Payag ka nang maging girlfriend ko?" tanong nya.

Bubuka pa lang ang bibig ko para sumagot ay sumingit agad sya. "Pero sinasabi ko
sayo, wala ka talagang choice. You'll be my girl whether you like it or not."

Siya naman talaga ang mapilit. Ganda ko talaga!


####################################
Chapter 22
####################################
Natalie

"Watdapak??"

Sinimangutan ko si Libby matapos nyang sumigaw ng pagkalakas lakas. Itong babaeng


ito, kala mo naman kulang pa ang pagiging maganda nya para hindi sya mapansin sa
loob ng coffee shop, kailangan pa talaga nya gumawa ng eksena.

"Seryoso ka ba, Natalie Gifford? Kayo na ni Caleb Damien Yung?!"

Agad akong napaigtad at kusang umangat ang mga kamay ko upang takpan ang bibig ng
bestfriend ko. "Lukaret ka! Diba sinabi ko, 'wag kang maingay? Baka may makarinig
sayo!"

Pinandilatan nya ako kaya napilitan akong tanggalin ang kamay na nakatakip sa bibig
nya. "Sshh ka lang, pwede?"

"Bakit kailangang manahimik, bes?" she rolled her eyes. "Caleb Damien Yung yan!
Tagapagmana ng naglalakihang hotels at casino! Dapat proud ka! Ipagmalaki mo, bes,
ibang klase ang level ng kagandahang taglay mo!"
"Hindi nga kase ganun yun!"

Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas ng coffee shop. Humigop ako ng


frapuccino tapos bumuntong hininga ulit.

"Why don't you explain it to me, my dear friend?" humalukipkip si Libby at


tinitigan ako ng mataman. Nakakainis ang babaeng ito, kahit pa galit sya mukha
parin syang nagpopose sa harap ng isang photographer.

I took a deep breath and gave her a steady gaze. "Alam mo naman na hindi basta
basta si Caleb. He's a known personality!"

"Eh ano naman ngayon?" nakataas ang kilay na tanong ni Libby.

"Syempre, pinoprotektahan lang namin ang image nya!"

"So, you're saying na dapat itago ka nya sa publiko dahil masisira ang image nya
pag nalaman ng taumbayan na may girlfriend syang artist?!"

"Ganun na nga.." malungkot na sabi ko.

"Gaga ka ba?!" Libby snarled. "Hindi ka nya dapat itago o ikahiya! What the F,
Natalie? He said he likes you, if so, then he should be proud of you! Marapat ka
lang idisplay, bes! Hello? Bakit ang tunog e parang minemenos mo ang sarili mo?
Bakit ikinakahiya ka ba ng Caleb na yan ha?"

Frustrated na napabuga ako ng hangin. "You don't understand!"

"Talagang hindi ko maintindihan, Natalie!" gigil na sagot nya. "Humanda sakin 'yang
Caleb na 'yan. I'm gonna give him a piece of my mind! Teka, bakit ba ang tagal
nyang boyfriend mo?"

I swooned at the thought of having Caleb as my boyfriend. Hindi parin ako


makapaniwala sa ngayon. Ibang klase talaga 'ko. Ibang leveling na ang kagandahan
ko, out of this world!

"He's late. Naku! Bawas points nanaman 'yan!" di parin matapos tapos ang
paglilitanya ni Libby. Habang ako naman, nakangisi habang nakatingin sa kawalan.
Namimiss ko na agad ang boyfriend ko. Kahit pa sabihin na kahapon lang naman kami
huling nagkita.
Eh sorry naman! I couldn't get enough of him and his highly addictive kisses.
Parang rugby lang. Woohhoo!

"Naku! Naku! Naku! Kung makikita mo lang ang itsura mo, Natalie, mukha kang
nababaliw!" sabay irap sakin. "Kilig na kilig e, kala mo first time!"

"Eh bakit? First time ko naman talaga magkaboyfriend ng saksakan ng gwapo ah?"

"Saksakan ng gwapo talaga?"

Napaigtad ako nang marinig ko ang baritonong tinig ni Caleb sa likuran ko. I
whipped around in time to see him grinning smugly at me. Okay, lalaki nanaman ang
ulo ng lalaking 'yan!

He bent down to kiss me on the cheek. Bigla akong bumaling kaya naglanding ang labi
nya sa nguso ko. Agad akong pinamulahan ng pisngi lalo na nung biglang bumungisngis
si Libby. Caleb just grinned and pinched my cheek.
"What a gorgeous blush, girlfriend. I like that." kinindatan nya 'ko bago sya
bumaling sa bestfriend ko. "You must be Libby? My girlfriend's best friend? I'm
Caleb." he extended his hand to Libby.

"Kailangan paulit ulit mong sabihin na girlfriend mo sya?" nakangising sabi nito na
walang anuman na tinanggap ang nakalahad na kamay ni Caleb. "Ikaw na talaga!"
kinikilig na bumaling sakin si Libby.

Napangiti na rin tuloy ako. Pinagdidiinan nga naman kase ni Caleb na girlfriend nya
'ko. Feel na feel lang? Syet.

"Magpasalamat ka, kinikilig itong bestfriend ko sayo kaya palalampasin ko ang


pagiging late mo." nakaingos na sabi ni Libby. Ang gaga kunwari pa, pero ang mata
nangingislap! Kurutin ko singit nito eh!

"Your bestfriend happens to like me so much, I doubt if whatever you will say's
gonna change that." Caleb answered smugly.

Napanganga ako. "Hoy, sobra ka! Anong tingin mo sakin? Patay na patay sayo?"

"Hindi ba?"
Hindi agad ako nakasagot. Ano ba, Natalie? Sige na, sabihin mong hindi! Minsan ka
lang magsisinungaling eh! Save your face! "Hi-hindi k-kaya!"

Nagkatawanan ang dalawang kasama ko. "You're stammering because you're lying to my
face, Natzkie." ani Caleb sabay kindat. "Don't worry, patay na patay din naman ako
sayo."

Sa digmaang ito, inaamin ko nang olats ako. Talo na 'ko. Suko na. Taas na nga ang
mga kamay ko eh. Hindi kaya ng kapangyarihan ng bangs ko, nahuhulog na talaga ako
kay Caleb. Papaano ba 'to?

"Kuu, di man lang nagpakipot ang isang 'to!" tudyo ni Libby na syang tinawanan
naman ni Caleb.

Tama nga ako na magkakasundo ang dalawang 'to. Parehas nila 'kong binubully!

Hindi ko alam kung anong meron ng mga sandali na 'yon dahil bigla na lang na sabay
sabay kaming napalingon sa bumukas na entrance ng coffee shop. Naunang pumasok ang
naka stomach in, chest out, na si Heather. Naka kulot ang dati rati ay madalas na
tuwid nyang buhok. Nakasuot din sya ng magarang kinang kinang na dress. Kasunod nya
si Axel. Si Axel. Holy sh-it!
"Oh, hi, Caleb! You're here!" maarteng bati ni Heather.

Pareparehas naming hindi inaasahan ang pagdating ng dalawa kaya naman hindi na kami
nagkaoras na bumawi ng tingin. Namataan tuloy kami nitong si Heather.

"Heather," Caleb acknowledged.

"Girlfriend mo?"

Sukat ay ininguso ni Heather si Libby. Bigla akong nanliit. Talaga bang hindi ako
mukhang girlfriend ni Caleb? Para mapagkamalang si Libby ang jowa nya kahit ako
naman ang katabi nya. Napayuko ako.

Caleb grabbed my hand from under the table. Napatingin ako sa kanya. "Nope," he
said. Itinaas nya ang magkasalikop naming mga kamay. "Meet my girlfriend, Natalie.
Natalie, Heather, a friend of mine."
Inabot ni Heather ang kamay sakin na napilitan ko namang tanggapin. "Ex fiancee,
actually." she said. "Nice to meet you Natalie."

"S-same here."

"Oh, the two of you have met na, right?" bumaling muli si Heather kay Caleb.
Umabrisyete sya kay Axel na ngayon ko lang napansin na nakatitig pala sa kamay ko
na hawak na ulit ni Caleb. "This is Axel, my boyfriend."

"H-hello."

Awkward. In capital letters, bhe.

"Hello, Axel." mataray na sabad ni Libby.

Axel's eyes shifted from me to my bestfriend. Tila nagmamakaawa ang tingin niya sa
kaibigan ko. Mataman lang syang tinignan ni Libby na parang sinasabi na
pagbabayaran nya ang ginawa saakin.
Napatingin na lang ako kay Caleb at sa kanya umaasa ng lakas ng loob para
malampasan ang nangyayari na ito. He looked down on me and smiled. With that,
nakalimutan ko lahat ng awkwardness. Sa ngiti nyang iyon ipinaalala na okay ang
lahat. Walang problema.

Teka, bakit nga ba 'ko mamomroblema? Dapat idisplay ko si Caleb sa ex ko! Eto ang
pinalit ko sa'yo, boy! In your face!

"Nice bumping into you, Caleb." maarteng sambit ni Heather na tinapunan pa ako ng
mapanginsultong tingin.

I didn't budge. Habang hawak ni Caleb ang kamay ko, feeling ko ako ang
pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Parang si Mirabella habang hawak ang
dilaw na bulaklak. Halos matapakan ko na ang buhok ko sa haba ng hair ko!

Tumalikod na si Heather at tanging si Axel ang nanatiling nakaharap pa sa amin. He


stared at me, communicating something I don't understand. Ito yata ang hindi
kakayanin ng powers ko.

Noon tumikhim si Libby. "Ehem? Boyfriend here."


Saglit na napatingin syang muli kay Libby ngunit bumalik din sa akin. Naramdaman
kong hinigpitan ni Caleb ang hawak sa kamay ko. Magkagayunman, nanatiling nakapako
ang mata ko sa ex ko.

Bumuka ang bibig nya ngunit walang salitang lumabas mula roon. Nagbuga lang sya ng
hangin at nagbaba ng tingin. Hanggang sa narinig kong bumulong sya. "Nana, we need
to talk."

####################################
Chapter 23
####################################

Natalie
"'Wag mong sabihin sakin na may balak kang makipagkita sa lalaking 'yon?"
Painosenteng tumingin ako kay Libby habang nagdidinner kami sa condo ko. "Ano bang
sinasabi mo?"
"Naku, Natalie!" ibinaba nya ang mga kubyertos nya. "Don't act as if I don't know
you, okay? Kilala kita! Simula nung nakita natin sila Axel sa coffee shop natahimik
ka na! Akala mo ba ikaw lang ang nakarinig ng sinabi ng kumag na 'yon? Hello! Hindi
bingi si Caleb, narinig din nya."
Napayuko ako sa pinggan ko. I am not actually thinking that I should talk to him,
right? Dapat isantabi ko na lahat ng thoughts ko tungkol kay Axel. May Caleb na
kaya ako!
Pero kase nung makita ko yung lungkot sa mga mata nya.. Hindi ko maiwasan ang
maawa. Gusto kong lapitan sya at yakapin para maalis ang lungkot na iyon. What is
Heather doing to him? Para bang nginangatngat at hinihigop ng babaeng iyon ang
kaligayahan sa katawan ni Axel.
I couldn't stand seeing him like that!
"Axel has Heather now. You have Caleb!" she tossed her hair. "Gaga ka, ang swerte
swerte mo na kay Caleb, wag kang umarte dyan! Sasabunutan talaga kita!"
"Hindi naman kase sa ganun.."
"Kawawa si Caleb, Natalie." tumingin sya ng diretso sa mata ko. "That guy will take
a fu-cking bullet for you! Nakita mo ba kung paano sya tumingin sayo? He's nuts for
you, Natalie! Don't go breaking his heart! Wag mo syang lokohin!"
"Hindi ko sya lolokohin!" protesta ko.
Hindi ako ganung klase ng babae. Ang akin lang, naaawa ako kay Axel at gusto ko sya
makausap. Gusto kong malaman kung ano bang lagay ng kondisyon nila ni Heather.
"Masasaktan sya pag nalaman nya ang binabalak mo."
"Wala akong gagawing masama, Libby. Gusto ko lang makausap si Axel!"
Napatayo si Libby at tinitigan ako ng masama. "Sana kung hindi ka pa sigurado,
hindi ka muna umoo kay Caleb, Natalie! Pero nakikita ko naman na gusto mo talaga
sya eh. You want him." aniya. "Ito lang ang sasabihin ko sayo.. Nasa sayo na yung
taong kaya kang paligayahin habang buhay, wag mo nang pakawalan pa. Don't screw it
up. Okay?"
---
Napatingin ako sa gilid ko habang tinatapos ko ang isang portrait painting inorder
sakin. I saw Caleb wrapped up in his laptop. Sa kagustuhan ng lalaking ito na
ispend ang araw nya na kasama ako ay dinala na lang nya ang trabaho dito. He gazed
up at me and gave me a boyish grin.
Ang sarap sarap nyang panuorin habang nakasalampak sa sahig. Ang suot nyang long
sleeve ay bukas ang limang butones at nakarolyo ang manggas hanggang sa siko. May
kaunting bahid din ng pintura ang harapan niyon dala ng biglang pagyakap nya sakin
kanina noong dumating sya.
Tumitig ng maigi sakin si Caleb. Then, he scooted closer to me. Isinandal nya ang
ulo nya sa hita ko - nakaupo ako sa isang stool. "There, that's better." he said.
"But I can't see your face!" mahinang ungot ko.
Tumingala sya at ngumiti muli sakin. "You should concentrate on what you're doing.
You shouldn't be staring at my face. Baka mukha ko ang maipinta mo riyan."
Natawa na lang ako at bumalik sa pagpipinta. Iginalaw nya ang ulo nya sanhi para
makiliti ako ng konti sa buhok nya.
"I just wanna feel you near me, it relaxes me, you know." he said softly.
Napangiti naman ako. Ang sweet talaga ng boyfriend ko! Kung hindi lang ako puno ng
pintura, yayakapin ko sya. Kaya lang ayoko nang madagdagan ang mantsa sa damit nya,
mukha pa namang mamahalin!
"Anyway, sweetheart, do you wanna go out? Let's have dinner with my friends."
Napamaang ako. "Ipapakilala mo na 'ko sa mga kaibigan mo?"
Muli ay napatingala sya sakin. "Ayaw mo ba?"
"Gusto!" ngumiti ako ng malawak. "Mga gwapo ba sila tulad ni CTK?" tudyo ko.
Sumimangot si Caleb. "Sinong CTK?"
"CTK stands for Channing Tatum kalokalike! Si RD!" sagot ko.
He pursed his lips and unglued his eyes from me. Bumalik sya sa laptop at nagtype
ulit ng kung anu ano doon. "Ahh."
Kumunot naman ang noo ko. Ibinaba ko ang paleta at paint brush ko. Humarap ako at
ibinuka ang hita ko, his head latched between my thighs. Yumuko ako upang
inspeksyunin ang mukha nya. "Anong Ahh?"
"Nothing." he said.
"Okay ka lang ba?" i poked on his forehead. Nakakunot iyon. "Kunot na kunot nanaman
ang noo mo, sunget!"
"I'm working, Natalie, can you please not bother me?" he said rather curtly.
Napanganga ako. "Ahh ganon?" yumuko ako ng husto at pinupog ng halik ang mukha nya.
"Hmm.. Hmm.. Don't bother you pala ha?"
"Natalie!" saway nya.
I continued kissing his face when he suddenly twisted towards me and pulled me into
his lap. Nahulog ako mula.sa stool at muntik nang madaganan ang laptop nya. "Caleb,
yung laptop mo!" tili ko.
"The hell with that laptop!" he growled. He laid on the ground and pulled me with
him. Nakakubabaw ako sa kanya at nakalapat ang labi ko sa labi nya.
Umatras ako ng kaunti. Caleb's eyes were hooded with so much desire. I gasped when
I felt something poking my tummy. Oh my freakin' god! Iyon ba 'yon? Holy sh-t! It
is! It's Caleb and it feels so hard.. And.. Gigantic..
Really, Natalie? Gigantic talaga?
Tumahip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. His thing's poking
me! He's hard! Ibig sabihin ba nun naaarouse sya sakin? Oh my goodness, bakit ganun
ang pakiramdam ko? May kiliti akong nararamdaman down there, tapos parang.. Para
akong maiihi!
"T-teka, Caleb!" pumiglas ako ngunit nakayakap sya sa bewang ko. Mas lalo tuloy
dumiin ang pututoy nya sa balat ko. Namula ng husto ang pisngi ko. "I-I think.. I-I
wanna p-pee!"
He chuckled. "Relax, Natzkie. You're just aroused."
"A-aroused? A-ako?"
"Yes, you." biglang pumihit si Caleb upang kubabawan ako. Napatili tuloy ako.
Dikit na dikit parin ang mga katawan namin. At jusko!! Mas napifeel ko na ang
pagkalalaki nya ngayon. It was pressing on the top of my mound. Mas lalo kong
naramdaman ang pagkaihi, napaigtad ako. Napaungol naman si Caleb sa ginawa ko. Nang
tingnan ko sya ay nakapikit ng mariin ang mga mata nya na tila ba hirap na hirap.
"Ma-masakit ba?"
"No! Christ!" he pressed his lips on a sensitive spot in my neck. Napasinghap ako.
"God, you feel so good, Natalie. I don't know if I can.. Shit! I can't hold it back
anymore!" yun lang at sinakop nya ang mga labi ko.
Nang mga panahon na iyon ay parang kinulang ako sa hangin, at ang hangin na iyon ay
makukuha ko lamang sa bibig ni Caleb. I kissed him hungrily, torridly. I felt him
licking my lower lip, urging me to give him entrance. Ibinuka ko ang bibig ko and
Caleb wasted no time, he invaded my oral cavity with his soft and warm tongue.
At first, hindi ko pa alam ang gagawin ko, I was reponding to his kissing
awkwardly. But Caleb gently put his hand on my nape, the other one on my cheek and
slowly guided me. Our tongues tangled as his other hand moved to my hair, gently
pulling.
His mouth surprisingly tastes like chocolate just like the color of his eyes.
Sweet. Yummy. Hindi ko matandaan na kumain sya ng chocolate kanina, pero iyon
talaga ang lasa!
Napaigtad ako nang maramdaman ko ang kamay nya sa ribs ko. Gumagapang iyon pababa
sa bewang ko hanggang sa maramdaman ko na ang mainit na kamay nya sa balat ko.
His lips strayed to my jaw, nipped it then moved to my neck. Nanayo ang mga
balahibo ko sa sensasyon na dulot ng mga labi at kamay nya. I can already feel his
hand on the edge of my bra. "Ca-Caleb!" sh-t! I feel so out of breath! Natatakot
ako pero at the same time, inaanticipate ko ang mga susunod nyang gagawin.
Sisinghap singhap ako habang dinarama ko ang kiliti na dulot.ng labi nya sa leeg
ko. He was kissing and nibbling and licking my neck, making my spine tingle in
delight. Namigat ng husto ang pantog ko, lalo na nang pumailalim sa underwire ng
aking bra ang daliri ni Caleb. Lumiyad ako. I wanted more. I want him to touch my
nipples. Oh god! What the hell is happening to me?!
"Sh-t!" narinig kong biglang bulalas ni Caleb pagkatapos ay umalis.sya sa
pagkakadagan sakin.
"W-wha--"
"Sorry,Natzkie." he rubbed his hands unto his face and pulled on his hair. "Hindi
dapat ako nagpadala,I'm so sorry!" he looked at me and I see a pained expression on
his face. Tila ba hirap na hirap sya.
Dahan dahan akong bumangon at ibinaba ang damit kong nalilis kanina. I don't know
why I feel so disappointed. Argh! Ano ba, Natalie? Mahiya ka nga! Kung hindi
nakapagkontrol si Caleb malamang isinuko mo na ang bataan! Uhg! Imoral ka! Mabuti
pa si Caleb marunong magpigil, ikaw hayok na hayok ka sa laman!
"I have to go." walang pasabi na tumayo sya at lumabas ng condo ko.
"Eehh! Natalie naman eh!" napatili ako at isinubsob ang mukha ko sa kamay ko nang
mawala na si Caleb. Bakit naman kase nagpatukso ako? Nuknukan ka kase ng
kagarutayan!
Parang bata na naglupasay ako sa sahig ng condo ko. Inis na inis ako sa sarili ko.
Papaano kung makipagbreak sakin si Caleb dahil masyado akong aggressive para sa
taste nya? Ang gusto nya iyong mahinhin na babae, yung hindi ma-L! Bigla ko atang
nakalimutan ang ginawa nyang pagtanggi saakin noong unang beses naming magkita.
Hindi ba't inalok ko ang katawan ko sa kanya at tahasan nya iyong tinanggihan? OMG,
Natalie! You're so stupid!!
Nanlulumo na bumangon na lang ako sa sahig at naupo sa sofa. Makikipagbreak kaya
sakin si Caleb? Pwede naman ako magpaliwanag sa kanya na nabigla lang din ako at
nadala sa sitwasyon! Hindi ko naman sinasadya.
Kumislot kislot ako sa sofa at nagkataon yata na naupuan ko ang remote ng tv kaya
bumukas iyon. Napanganga ako sa balitang tumambad sakin.
Heather Alvarez, one of the philipines finest supermodels and daughter to a
telecommunications mogul, finally tying the knot.
Lumabas sa screen ang larawan ni Heather na nakatutop ang mga kamay sa bibig at si
Axel naman ay nakaluhod at isinusuot ang isang singsing sa daliri ng babae.
For real?
They are getting married? I thought..?
Bigla akong nalungkot. Bakit ganon? Axel and I used to be bestfriends.. Ni hindi
man lang nya nabanggit sa sakin na magpapakasal na sila? Na may balak na syang
magpropose? I feel kinda left out. No! I feel so left out.
Heto sya at magpapakasal na samantalang ako.. Ayun! Sa hindi malaman na dahilan ay
nilayasan ako ng boyfriend ko! He should be with me right now! He should be siiting
here beside me telling me it's okay.. Hindi ko naman hinihiling na sana pakasalan
na rin nya ako agad agad! Sana man lang nandito sya para ipakita na hindi ko
kailangan magselos kay Axel at Heather!
Wala sa loob na naluha ako.
Wala ako sa lugar. Alam ko, I shouldn't be asking Caleb that.. Hindi ako dapat
magdemand na nandito sya sa tabi ko sa oras na malaman kong ikakasal na ang ex ko.
Hindi sya panakip butas dito! Sinagot ko sya dahil gusto ko sya at hindi para
ipamukha sa ex ko na may ipinalit na 'ko sa kanya at nakamove on na 'ko!
That is just so cruel..
Pero iyon na nga yata ang ginawa ko.
Sunod sunod ang naging pagluha ko. Kung anuman ang dahilan ng pagiyak ko na iyon ay
hindi pa malinaw sakin. Was it because of Axel's coming wedding or Caleb's absence
or my guilt? I don't have a freakin' idea. I just wanted to cry.
Sumubsob ako sa sandalan ng sofa at doon ibinuhos ang luha ko. I jumped when I felt
someone touching my back. I turned and saw Caleb staring down at me. He looked so
concerned. What the hell is he doing here? I thought he'd left already?
"Why are you crying? Are you hurt?" dinaluhan nya ako sa sofa at niyakap. "Was it
because.. Was it because of what I did?"
Naiyak akong lalo nang maramdaman ko ang pagyakap nya. Parang bata na napahagulgol
ako sa dibdib nya, pero hindi ko parin talaga alam anong iniiyak ko.
"I'm so sorry, sweetheart.." he pressed his lips into my head, paulit ulit nya
akong hinahalikan doon. "I'm sorry.."
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi nya kasalanan. That I'm probably losing my
mind coz I can't figure out why am I crying and that he was wonderful. He came back
and I'm so glad that he's holding me right now. Pero bago ko pa masabi iyon ay
bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Libby.
"Nabalitaan mo na ba? Axel's getting married! I saw it on TV!" sabay kaming
napatingin ni Caleb kay Libby. Natigilan naman sya nang mapagtanto ang eksenang
naabutan nya. "W-why are you crying?"
I was not able to answer her. Ang atensyon ko ay nasa mukha ni Caleb. And that
pained look on his face.
####################################
Chapter 24
####################################

Natalie

It turns out na naiwan ni Caleb ang laptop nya kaya ito bumalik. Oo nga naman, dala
ng kagagahang taglay ko, nagpagulong gulong kaming dalawa sa sahig na nalimot na
namin ang laptop nya na muntik pa yata naming madaganan. Or something like that.

He laid me down to sleep. Gusto ko syang kausapin at itanong kung bakit tahimik sya
but I couldn't find the courage to do so. Para akong nautal nang mga panahon na
'yon. Dapat yata akong magpaliwanag sa kanya, pero di ko naman alam kung saan
maguumpisa. Paano ko ieexplain ang pagiyak ko? Eh ni hindi ko nga alam kung bakit
ako umiiyak! Nasisiraan na yata ako ng ulo.

Matapos ang ginawang paginterrupt samin ni Libby ay agad din naman syang umalis.
Walang sali salita. As in napa-about face sya and the next thing I knew, sumara na
yung pinto.

At iyon nga, pinatulog ako ni Caleb. He just kept on kissing my temple as he laid
down beside me. No words were said between us. Pareho kaming nagiisip.

Nakatulog ako noon na hawak ang kamay nya at nakasubsob ang mukha sa dibdib nya.
Ngunit nang magising ako ay unan na lang ang katabi ko. Napabuntong hininga ako.

The next day, tumawag sya sa akin na susunduin daw ako at may pupuntahan kami.
Hindi kababakasan ng ano mang sama ng loob ang boses nya. In fact, he sounds...
Happy.

"Let's go, sweetheart." nakangiting sabi nya at ginagap ang kamay ko.
"Caleb.." i started as he ignited the engine of his Audi R8. Tumingin sya sa akin
ng nakangiti at nakataas ang dalawang kilay.

"What is it, sweetheart?"

"Galit ka ba sa kin?" nakangusong tanong ko.

He smiled and then laughed like I was being silly. He moved in to kiss my forehead.
"There's nothing you can do to make me mad at you." aniya. Umayos sya ng upo at
pinaandar na ang sasakyan. "You are my first girlfriend, Natalie, I really don't
wanna screw this up but I might. Sana tulungan mo 'ko, mas beterana ka sa larangan
na 'to."

"Sobra ka naman makabeterena! Parang edad sixty na 'ko sa tunog nun ah!"

Tumawa sya. "You kinda look like you're in your sixties, anyway."
Inirapan ko sya pero tumawa lang ulit sya. He took my hand. Ang higpit ng hawak nya
sakin at kahit pa kailangan nya mag shift ng gears ay hindi nya binibitawan iyon.
It felt comforting. At least ngayon alam ko na hindi sya galit sa akin o
nagaalinlangan sa relasyon namin.

Caleb wants me. And I want it to stay that way.

It's nice to feel that somebody wants you. Na mayroong taong handang tanggapin ka
sa anumang kahinaan mo at walang balak na iwan ka anuman ang mangyari.

Humantong kami sa luneta park. Nakangangang tumingin ako sa kanya habang sya ay
ngumisi lang. He parked his car along with the others. It was funny how his luxury
car stood out. Parang sya lang. He was wearing a simple blue plaid polo and maong
pants pero animo isa syang artista sa lugar na iyon.

"Why here?"

Agad na ginagap nya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad. He was smiling from
ear to ear and it was so infectious I'm starting to smile as well. Kahit wala naman
talagang kangiti ngiti sa sitwasyon.

"I haven't been here," he said. "And since first girlfriend kita, gusto ko gawin
natin yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon. I want you to be with me every
step of the way, Natzkie."

Tuluyan na akong napangiti at pinisil ko ang kamay nya. "Kahit saan pa yan,
sasamahan kita."

"Promise ha?"

"Oo naman!" kumindat ako at bumunghalit naman sya ng tawa. Pinisil nya ang ilong ko
at inumpisahan na naming libutin ang lugar. Mabuti na lang at hindi gaanong maaraw,
kawawa naman ang kutis ni Caleb kung magkagayon.

"Ang laki laki mo na, hindi ka pa nakakapunta dito?"

Ngumiti ng pagak si Caleb. "My lolo is a very strict man. Ayaw nya na kung saan
saan ako pumupunta. I even have body guards when I was young. He said, I am his
heir and he is prepairing me to take over our businesses. He doesn't want me
spending time over trivial things. Kailangan parating nakaconcentrate ako sa
pagaaral ng negosyo. I barely have time for fun. Natuto lang ako mag good time nang
makilala ko ang mga kaibigan ko. But before that, I was a nerdy kid with a
permanent wedgie."

"Grabe!" natawa ako. "Hindi ko maimagine na nerd ka!"


"Not the thick glasses-braces type of nerd! Napaka stereotypical mo!"

"Eh sorry, masyado kang gwapo para maging nerd! Naiimagine ko sayo nun bata bata
ka, yun mga tipong jock, ganun!"

Natigilan ako dahil nakatingin lang sya habang nakangisi. "Ano nanaman?"

"Ang sarap lang kase pakinggan pag sinasabi mong gwapo ako, isa pa nga!"

"Tse!" iningusan ko sya. "As if naman hindi mo pa alam na gwapo ka?"

"Iba parin kase pag galing sayo. Nakakakilig."

Natawa ako at wala sa loob na nahampas ko sya sa braso. "Nako, wag ka nga Caleb
Damien Yung! Kilig kilig ka dyan, para kang bata! Ay hinde, para kang chicks!"
"Eh sa kinikilig ako sayo eh." inakbayan nya ako. "Ikaw kase yung tipo na hindi
mahilig magsabi ng mga bagay na sweet, kung hindi pa kita pipilitin o hahalikan,
wala akong mahihita sayo. Kaya pag kusang loob mo sinasabi na gwapo ako, o namimiss
mo ako, o gustong gusto mo 'ko, kinikilig ako. Ano namang akala mo sa mga lalaki,
bato? Walang pakiramdam?"

"Leche, dami mong sinabi!" kinurot ko sya sa tagiliran.

"Sabihan mo pa 'ko ng kahit anong sweet, Natzkie, para memorable ang date natin."
ungot nya.

"Ehhh! Ano ba, hindi ako sanay!" pakipot ko pa.

"Dali na, grabe ka naman, minsan lang humiling."

Inirapan ko sya. "Ano bang nararamdaman mo pag kinikilig ka? Para ka din bang
maiihi?"
Natawa sya. "No, Natzkie, it's nothing like that."

"Eh paano nga?" pangungulit ko pa.

Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay iyon sa ibabaw ng dibdib nya. Nararamdaman
ko sa palad ko ang mabilis na tibok niyon. "I feel funny right here, Natzkie.
Nararamdaman kong masaya ang puso ko. Ganun ako kiligin sayo."

Namula ang mukha ko. Bumilis din ang tibok ng puso katulad kay Caleb. Is it
possible I've already fallen in love with him?

Napagod kakalakad ang loko kaya nagyayang maupo muna sa mga bench sa gilid ng
lagoon. Sana gabi na lang nya ako dinala dito para merong dancing fountain. Ang
cute kaya panuorin nun! Bumili kami ng ice cream at nagkasya na kami sa pagkain
noon habang nagpi-people watching.

"Ang dami naman nito, Caleb." ani ko habang pinapapak ang isang matayog na tumpok
ng ice cream in cone.

"Kaya mo 'yan, masiba ka diba?" tudyo nya.


"Baka magtulo 'to!"

"Bah, ikaw kaya ang takaw mata na umorder nyan."

"Di ko akalain na ganito kadami, share tayo!"

Pinunasan ni Caleb ang gilid ng labi ko at nginitian ako. Nakakainis kase kinikilig
talaga ako pag ginagawa nya 'yun sakin. Kung makatitig pa naman ang lalaking 'to,
sobra!

"Caleb, wag ka sana maooffend ha?"

"Bakit?"

"Wala ka bang balak hanapin ang tatay mo?"


Natigilan sya habang hawak hawak ang ice cream cone nya. I waited for him to answer
but he wasn't able to do so. He looked so lost in his thoughts. Napansin ko na lang
na tumutulo na ang ice cream sa kamay nya. Tarantang kumuha ako ng tissue at
pinunasan ang kamay nya.

"I-I'm so sorry.." nakangiwing sabi nya. Ang lagkit tuloy.

Ngumiti ako sa kanya. "Naku, ano ka ba? Ba't ka nagsosorry?" Caleb grew silent.
Naasiwa tuloy ako. Pakiramdam ko, nasira ko yung mood dahil sa mga tanong ko.
"Sorry, Caleb.."

He didn't answer. Mukhang naoffend talaga siya.

"Caleb, sorry-"

"I already found him, Natzkie." he said silently.

Napamaang naman ako.


"He's already dead. Kasama na nya ang mama ko, kung nasaan man sila ngayon." he was
staring blankly ahead. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. "Ni hindi na sya
nakapagasawa ulit. My mother was his first and last love, do you know how sweet
that is?" ngumisi sya ngunit alam kong pilit iyon. Ni hindi man lang umabot sa mga
mata nya. Ramdam ko na malungkot sya sa sinapit ng mga magulang nya.

"What's the story Caleb?" I'm dying to know! Gusto kong malaman bakit hindi
nagkatuluyan ang mga magulang nya. He said na hindi nya nakilala ang tatay nya. I
thought first na tulad ng nanay ko, may ibang pamilya ang tatay nya. Ngunit heto at
sinasabi nyang ang first at last love ng tatay nya ay ang nanay nya. Kung ganon,
bakit? What kept them from their happy ever after?

Umiling si Caleb. "Saka na, Natzkie. I'll tell you some other time. I want us to
enjoy our day." he looked at me and he smiled. My heart squeezed at the sight of
that sadness in his eyes.

Nagpapanggap lang syang masaya, but deep inside, he's incomplete.

Pinilit ko ring ngumiti. He's right. We should just enjoy our day. Kung anuman ang
mga bagay na nagpapalungkot sa kanya ay kakalimutan namin sa araw na ito. Whatever
void there is in his heart, I would gladly fill.

Hindi rin naging ganoon kasaya ang kabataan ko. I knew how hard it is to grow up
having an incomplete family. Nang magaasawa naman muli ang mama ko ay naramdaman ko
ang pakiramdam na parang hindi ka belong. The feeling that whatever you do, you
just couldn't fit in. Marapat lang na tulungan namin ni Caleb ang isa't isa. We may
be unhappy and incomplete alone but we could be happy together.

"Nana?"

Agad na napatingala ako upang tingnan kung sinong tumawag sakin. "Lexi?" napatayo
ako.

"Nana! Ikaw nga!" lumapit sa akin ang may kaliitang babae at yumakap. "Grabe, ang
laki ng ipinayat mo, kamusta ka na?" she held me at arms length and examined me.

"Okay naman ako, ikaw? Sila tito at tita kamusta?" i asked her. Lexi is Axel's
older sister. Naging close na din kami sa katagalan ng pagkakaibigan namin ng ex
ko. She was a bubbly and enthusiastic woman. Sobrang masiyahin at walangya nya, as
opposed sa pagiging mahiyain at introverted ni Axel. "Nga pala, Lex, si Caleb,
boyfriend ko."

Caleb was already standing beside me. He held his hand out which Lex almost
reluctantly shook. "Pleasure to meet you, Lexi?"

"I'm Axel's sister." imporma ni Lexi kay Caleb.


Awkward.

"Oh." iyon lamang ang nasabi ng boyfriend ko bago sya ngumiti kay Lexi. "Still,
it's a pleasure Lexi."

Tumango lang si Lexi at bumaling nang muli sa akin. "Mama and Papa are fine, in
fact, they missed you a hell lot. Minsan pumunta ka naman sa bahay. Dun ka maglunch
or dinner, whatever you want. Just like the old times! Andyou know I wouldn't take
no for an answer." she narrowed her eyes on me.

Napangiwi ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lexi na hindi tamang
imbitahan nya ako sa bahay ng ex ko habang kaharap ang boyfriend ko. Ewan ko ba sa
babaeng ito, alam naman nya na break na kami ni Axel! At saka, hello? Engaged na
kaya kay Heather ang kapatid nya!

"Ikaw ang gusto ko para sa kapatid ko." bulong nya sa akin bago sya nagpaalam.

"Pasensya ka na.." nakayukong sabi ko kay Caleb nang maupo kaming muli sa bench.
"What for?" he asked. Hinawakan nya ang baba ko at iniangat iyon.

Napanguso ako. "Eh kase naman napakataratitat nong si Lexi!" reklamo ko. "Baka
naoffend ka lang sa mga sinabi nya."

"Of course not. There's nothing wrong with her inviting you for lunch, right? I
take it that the two of you have been friends, too. I'm not offended at
all,Natzkie."

"Sigurado ka?" tumango sya. Mabuti na lang understanding ang BF ko. Ano ba 'yan?
Napakaswerte ko namang talaga. Pogi na, mabait pa? Kung hindi ba naman nakakainlove
talaga! "Di bale, di naman ako pupunta, sabihin ko na lang marami akong ginagawa."

"You don't need to do that." ani Caleb.

"No, Cal, respeto na lang sayo, diba?" i took his arm and leaned on his shoulder.
"Hmmm.. Ang lolo mo kaya? Kailan ko makikilala? Magugustuhan kaya nya 'ko?"

"Hmm.." ang tanging naisagot ni Caleb. He wrapped his arms around my shoulder and
squeezed me against his body. "Ang bango mo naman, sweetheart."
Pinamulahan ako ng pisngi nang singhutin nya ang ulo ko. "Ano ba, Caleb! Amoy araw
ako!"

"Di naman, amoy kalabaw lang." he said, laughing.

Pabirong sinuntok ko ang braso nya. Luko luko talaga ang lalaking 'to!

"Teka, naiihi ako Caleb, CR muna 'ko ah?"

He offered na samahan ako. Kaya lang naisip kong baka maagawan kami ng upuan kaya
pinaghintay ko na lang sya doon. Nakangiting tumango lang sya at nagtatakbo na 'ko
sa CR, parang puputok na kase ang pantog ko sa dami ng nainom kong soft drinks
kanina.

Paglabas ko ng pampublikong CR ay nagulat ako nang may biglang humaltak sakin sa


gilid. I thought it was Caleb playing tricks on me but when I saw Axel, my jaw
dropped to the floor.
"Kasama ko si Lexi," aniya. "I saw you and Caleb. Magusap muna tayo, Nana, sandali
lang ito."

####################################
Chapter 25
####################################

Natalie

"A-Axel.." atubiling sabi ko nang hawakan niya ang braso ko at higitin ako sa gilid
ng hanay ng mga restrooms. Tumingin ako sa direksyon ng inuupuan namin ni Caleb,
masyado iyong malayo mula dito at hindi ko sya tanaw. "Ano bang kailangan mo?"

"Don't worry, sandali lang ito, Nana," seryosong sabi nya. "I just wanna tell you
something."

"Ano yun?"

He sighed deeply and ran his hands through his hair. He looked a little disheveled
today. Hindi ba dapat blooming sya kase malapit na syang ikasal? Ganon naman ang
mga taong inlove, diba? Unless..
"Nana, about my engagement with Heather.." he started. Pigil ang hininga na
hinintay ko ang sasabihin nya. "I don't know if I should tell you this now.."

Napahigop ako ng hangin. Syet. Di ko pala kayang pigilan ng ganun katagal ang
hininga ko. Baka magkulay asul na 'ko, hindi parin sinasabi ni Axel ang dapat nyang
sabihin! Masyado naman kaseng pasuspense! Kinunutan ko sya ng noo. "Pwede pakisabi
mo na? Naghihintay kase ang boyfriend ko eh!"

Tila ba nalungkot ng husto si Axel. "Papaano mo ba nakilala si Caleb?"

"Does it matter?" maaskad na tanong ko sa kanya. Eh nakakainis eh! Bakit ba ganoon


ang mga lalaki? Bakit kung kailan nakakamove on ka na, saka sila magkakaroon ng
interes sa lovelife na binubuo mo matapos ka nilang iwang luhaan?

"I want to know, Nana."

"Pwede bang tigilan mo na 'ko sa pagtawag mo sakin ng Nana? Call me Natalie. Hindi
na tayo close." nakaingos na sabi ko.

"Nana naman.."
"What?" singhal ko. "Tapos na tayo, diba Axel? Nakipagbreak ka sakin dahil kamo,
nainlove ka sa naka-one night stand mo! Ngayon, para saan pa 'to? Why are you
trying to talk to me now? Para ba imbitahan ako sa kasal nyo? Coz I'm telling you,
wala akong balak sumipot sa kasal ng ex ko!"

Hinawakan ni Axel ang magkabila kong balikat. "Hindi ganon yun, Natalie!"

"Then what? Ano pang dapat nating pagusapan?!" pumiksi ako sa pagkakahawak nya.
Feeling close 'tong gagong 'to! "Bitawan mo 'ko!"

"Our engagement is a hoax." aniya.

Napatanga ako ng mga oras na iyon. Anong ibig nyang sabihing hoax? Ano bang ibig
sabihin ng hoax? Peke ang engagement? Bakit?

"Even our relationship is a hoax. A charade." aniya. Bumuga sya ng hangin at


binitawan ako. "I'm not supposed to tell you this, Natalie. Pero hindi ko matiis na
makitang magkasama kayo ni Caleb. I don't know how the two of you ended up together
pero ang masasabi ko lang Natalie, babawiin na kita sa kanya. Hindi ko na kaya."
"A-Axel.." napaatras ako. "Hindi kita maintindihan."

Napayuko sya. "I don't know how to put this, Nana.." aniya. "Alam mo naman na ex-
fiancee ni Caleb si Heather hindi ba?"

"Oo, alam ko."

"Plano lahat 'to ni Heather.. Kinuntsaba nya ako nung panahon na nakulong kami sa
cabin sa palawan. She knew all about Caleb's plan on setting us up. I don't know
how, pero alam nyang ayaw sya pakasalan ni Caleb."

Kumunot ang noo ko. Anong..?

"What's her plan?"

"Naisip nya na kung palalabasin naming nagkagustuhan kami," bumuntong hininga sya
ulit at napailing ng sunod sunod. "She thought Caleb was the kind of guy who's into
challenges. Ang akala nya magseselos si Caleb pag nakita nitong may iba nang
nagmamay ari sa kanya. Clearly, that didn't happen." hinawakan ako muli ni Axel sa
balikat at bahagyang niyugyog. "Pero walang kaso iyon sa kanya.."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Tuloy parin ang kasal nilang dalawa."

Napatutop ako sa bibig ko. Ibig sabihin, engaged parin si Caleb kay Heather? Kaya
ba hindi nya sinauli ang engagement ring? Hindi parin malaya si Caleb.. Eh di
parang kabit nya 'ko ngayon, ganon ba?

Parang hindi ata ako makahinga.

"Natalie!" untag ni Axel. He took my hand off my mouth so I could breathe. Tigagal
akong napatingin sa kanya.

"Please, Nana, hiwalayan mo na si Caleb." pagmamakaawa nya. "Masasaktan ka lang sa


bandang huli dahil si Heather parin ang pakakasalan nya. Wala syang magagawa,
Natalie. Mawawalan sya ng mana pag hindi nya pinakasalan si Heather."
Naipikit ko ng mariin ang mata ko. Hindi ako makapaniwala na isang malaking joke
lang pala ang lahat! Bakit ngayon ko pa nalaman 'to? Bakit ngayon lang?

"B-bakit pumayag ka, Axel? Bakit pumayag ka sa gusto ni Heather?"

"She offered me a position in their company. Sabi nya sya daw ang bahala sakin.
Natalie, alam mo naman na marami akong pangarap. Para sa ting dalawa!"

Napatda ako sasinabi nya. Hindi ko napigilan at nasampal ko sya. "Pangarap para
sating dalawa, Axel?!" galit na tanong ko. "O pangarap mo lang?! Nakipagbreak ka
sakin para lang sa posisyon sa isang kumpanya?!"

"I thought you would wait for me, Nana.. I thought you love me-"

"Wala kang karapatan na gamitin ang salitang pagmamahal sa usapan na 'to, Axel!"
hinampas ko sya sa dibdib. "Anong akala mo sakin? Pagkatapos mo 'kong iwan at
ipagpalit sa babaeng naka one night stand mo kamo, hihintayin kita? Ano 'ko aso na
babalikan mo matapos mong iwan maghapon at ineexpect mong kakawag ang buntot ko?!"

"Natalie-"
"Shit ka, Axel!" sigaw ko. Inis na inis ako sa kanya. Sa tagal ng pinagsamahan
namin, hindi ko alam na kaya akong gawan ng ganito ni Axel. Mas maatim ko pa sana
kung talagang nahulog ang loob nya kay Heather kaya sya nakipaghiwalay sakin. Pero
yung malaman na pinagpalit nya ang relasyon namin para sa pera? Sabihin pang
pangarap nya 'yon! Eh di sana sinabi na lang nya sakin! Hindi yung ganito!

Grabe, kumukulo ng husto ang dugo ko! Gusto ko syang ingudngod sa mapanghing
inodoro sa loob ng CR!

"Para sa future natin ang ginawa ko, Natalie!"

"Wag mo 'kong idamay sa future na 'yan, Axel! Wala na tayong future! Simula ng
makipagbreak ka sakin para kay Heather, wala ka ng karapatan magkaron ng future na
kasama ako! F-ck you! F-ck you very much!"

Napaupo ako sa sobrang sama ng loob. Humagulgol ako sa mga palad ko at kahit
gustuhin ko pang murahin ng husto si Axel ay nawalan na 'ko ng lakas para gawin
iyon.

Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko? Sh-t! Lahat ng paghabol habol ko kay Caleb
noon para lang tulungan ako na mabawi ang hudas na 'to! Para lang sa wala?!
"Natalie, please, kausapin mo naman ako ng maayos. Please intindihin mo 'ko!"

Intindihin?! Ayos din talaga ang lalaking 'to! Bakit ko sya iintindihin? Ako ba
inintindi nya nung nakikipagbreak sya sakin? Alam ba nya kung gaano naging kasakit
para sakin ang ginawa nya?

Naramdaman kong hinawakan ako ulit ni Axel sa balikat pero hindi ko sya pinansin at
patuloy lang akong sumubsob sa mga kamay ko. "Bitawan mo 'ko!" singhal ko sa kanya
nang pilit nya akong itinatayo.

"Step away from my girlfriend, Axel."

Napaangat ang mukha ko at nakita ko si Caleb na papalapit sa kin. He gently guided


me to stand and took me in his arms. "Are you okay, sweetheart? Sinaktan ka ba
nya?"

Hindi ako kumibo. Alangan namang sabihin ko na hindi ako sinaktan ni Axel
samantalang ang sakit sakit ng dibdib ko ngayon. He betrayed me. Pakiramdam ko ay
niloko nya ako. At ang panloloko na 'yon ay higit pang masakit sa inakala kong
panloloko nya. Times two ang ginawa nyang panloloko sakin! Taragis!
Caleb glared at Axel. "Leave my girlfriend alone, Axel. Go back to Heather."

"Let me and Nana talk!" ani Axel na hindi natitinag sa kinatatayuan nya.

"Does she look like she wants to talk to you?" sagot naman ni Caleb. Patuloy ang
paghagod nya sa likuran ko. "You are engaged with Heather, Axel, ano pang kailangan
mo kay Natalie?"

"I am not-"

"Umalis ka na, Axel!" sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong malaman ni Caleb
na hindi naman talaga engaged ang dalawa. "Ayaw na kitang makausap, please, umalis
ka na!"

"Nana-"

"You heard her!"


Matalim ang titig na ipinukol ni Axel kay Caleb. "Pinagbigyan na kita noon, Axel."
he was talking about the incident in the coffee shop with Libby. "Hindi kita
pinatulan non, kahit binastos mo ang presensya ko. But that doesn't mean I'm not
going to punch you now."

Yumakap ako ng husto kay Caleb. Natakot akong bigla nga nyang suntukin si Axel. Sa
laki ng braso at kamao nya, baka mamatay si Axel sa isang suntok lang. Ayoko ng
gulo. Baka makulong pa ang boyfriend ko. "Caleb, wag mo na syang patulan."

"Baby, hindi ko sya sasapakin kung aalis na sya. I don't want him near you,
sweetheart." bulong ni Caleb sakin.

"Please, Axel, umalis ka na." ulit ko. Nagmamakaawa ang tingin na ipinukol ko sa
kanya. I may really hate him right now, but I don't want him hurt. Or worse, dead.

"I want her back, Caleb." buong tapang na saad ni Axel na syang nagpaasim sa mukha
ni Caleb. His face contourted with so much anger and animosity.

"I am one second from punching your sorry ass face, Axel. Please save us the trip
to the precint. Go. Away." mariing sabi ni Caleb.
Hinawakan ko ang braso nya at pinisil iyon. "Don't do anything rash, maawa ka."
bumaling akong muli kay Axel. "Sinabi ko nang umalis ka na! Ayoko nang makita pa
kahit kailan ang mukha mo. Utang na loob, umalis ka na!"

Napatiim bagang si Axel. Tumitig sya sakin ng ilang segundo bago sinabing, "It's
not over, Nana, babawiin kita sa kanya. Alam mong gagawin ko 'yan."

Nakasubsob lamang ako sa dibdib ni Caleb nang umalis si Axel. He was gently patting
my head and whispering words to me like, it's going to be alright and he's won't be
leaving me. Nang sa wakas ay mahimasmasan ako ay hinawakan ko ang kamay ni Caleb. I
looked up at him and smiled uneasily. Nagaalala ang tinging ibinigay nya sakin.
Humigpit din ng husto ang hawak nya sa kamay ko as if mawawala akong bigla.

Naglalakad na kami pabalik sa sasakyan nya. Pareho naming alam na nasira na ang
date namin at mas makakabuti na umuwi na lang kami at magpahinga.

We were already beside his R8 when he pulled me into a bone crushing hug. Hindi ko
napigilan ang luhang umalpas sa mga mata ko.

"Iniiyakan mo nanaman sya. He doesn't deserve it, Natalie. Why shed buckets of
tears for that as$hole, kung pwede namang pasayahin na lang kita?"
"Caleb.. Hindi--"

"Hindi ko mapigilang magselos dahil iniiyakan mo sya ng ganyan." bulong nya sa


tainga ko. "Kailan mo ba 'ko mamahalin ng ganyan?"

Hindi ako nakakibo sa sinabi nya. Hindi ko alam kung saan ang tinutungo ng usapan
namin.

"Natalie.. Promise me something.." bulong nya.

"A-Ano 'yun?"

"Alam ko, wala akong karapatan na hilingin 'to sayo, but I'm your boyfriend.. At
kahit papaano, may karapatan ako sayo.. Tama ba?"

"Yes.." I exhaled the word.


"Promise me whatever Axel do, hindi ka sasama sa kanya." aniya. "Promise me you'll
always be mine, Natalie. Sakin ka na lang, please? Sakin ka lang. Kase hindi ko
kaya Natalie eh. Hindi ko kaya na mawala ka pa sa akin."

"C-Caleb.. I-I.."

Halos mabingi kaming dalawa sa lakas ng tibok ng puso namin. I felt warm all over.
Tears were already brimming in my eyes, threatening to spill. Umangat ang mga kamay
ko at ipinulupot ko ang mga braso ko sa katawan nya. He felt so good against me.
Like I'm ever gonna let this man go? No freaking way! Tama si Libby, nasa akin na
ang lalaking gagawin ang lahat mapaligaya lang ako. Hindi ko na sya pakakawalan pa!

"Sayo lang ako, Caleb. Basta ipapangako mong magiging akin ka lang din." i
sheepishly said to him.

"You already have my heart, Natalie. I'm all yours." he said. "At kahit anong gawin
ng patpatin mong exboyfriend, just be reminded that I will steal your heart all
over again. I think I love you, Natzkie."

My breath got caught in my throat after hearing. OMG! Emergerd!! Totoo ba 'yun?
Napapikit ako ng mariin at hinabol ang hininga ko. Hindi ko na kaya 'to. Jusko!
Sobra sobra pa 'to sa hiniling ko! He f-cking thinks he love me! What could be more
awesome than that?!
"I-I love-"

"Don't Natalie." inilapat ni Caleb ang daliri nya sa labi ko bago ko pa matapos ang
sasabihin ko. He smiled to me so sweetly. "Sabihin mo 'yan sakin pag sigurado ka
na, okay? Baka umasa kase ako ng husto."

####################################
Chapter 26 -SPG-
####################################

Natalie

Inihatid ako ni Caleb sa condo ko matapos ang pangyayaring iyon. He kept glancing
at me and smiling. Katulad kaninang papunta kaming luneta ay nakahawak ulit sya sa
kamay ko. Leche, asa pa 'yung Heather na 'yon na basta ko na lang isusuko sa kanya
si Caleb! Nganga, boy! Magsasabunutan muna kami bago nya maagaw ang boyfriend ko!
Over my dead gorgeous body!
Ano kaya kung pikutin ko na si Caleb?

Aish. Di na kailangan, labs naman nya ako eh. Kilig much!

Pero subukan lang talaga ng Heather na 'yan, wala akong paki kung engaged parin
sila, basta ako ang mahal ni Caleb, nunca na pakakawalan ko sya!

"Anong iniisip mo, Natzkie, bakit ganyan itsura mo?" natatawang tanong ni Caleb.
Hindi ko napansing nakatingin pala sya sakin.

"Ha? Bakit? Ano bang itsura ko?"

He chuckled. "Mukha kang papatay ng tao and you look so smug about it na parang
sigurado kang you can take that person down."

"Eh talaga namang sigurado ako!" maaskad na sagot ko. Tumingin ako sa kanya saka
kumindat. Bumunghalit naman ng tawa si loko.

"Sino bang balak mong patayin, sweetheart?"

Umingos ako at tumingin sa bintana. "Basta, saka ko na sasabihin sayo."

"Daya mo."

Nilingon ko muli sya at natawa ako nang makumpirma kong nakanguso nga sya. "Kuu,
Caleb Damien Yung! 'Wag mo 'kong daanin sa pagpapacharming mo!"

"Anong pagpapacharming? Madaya ka talaga, you're supposed to share your secrets


with me!"

"That's what I have Libby for!"

He looked at me to scrutinize my face.


"Eyes on the road, Caleb." I teased.

He did what he was told. "You're seriously not gonna tell me who you're about to
kill?"

"Nope!"

"Bahala ka," he shrugged. "Just don't ever call me in the middle of the night
asking for my help in burying the body. Hindi talaga kita tutulungan."

Natawa ako sa pagaasal bata nya. "As if you can resist me!"

"Oh, I can!"

"Talaga lang ha? Kaya pala napilit kitang tulungan ako sa kalokohan kong bawiin si
Axel?" I challenged him.
He grinned at me while keeping his eyes on the road. "I did that to get you off my
back, don't be so smug, sweetie."

I grinned back at him. "Eh di uulitin ko yung ginawa ko noon hanggang mapapayag
kita. Or else bibitbitin ko yung bangkay papunta sa condo mo. I doubt if you can
resist that?"

Napailing sya at natawa. "You really are devious."

"I am!"

"Kaya mahal kita eh."

"Utot!"

Tatawa tawa ako pero deep inside, kilig na kilig ako!


Nang dumating kami sa condo ay parang ayaw pang umalis ni Caleb. Panay ang nguso
sakin ng loko at hingi ng hingi ng halik. Yun nga lang puro smack lang ang ginagawa
ko, mahirap na't baka kung saan nanaman kami mauwi. Pinamulahan ako ng pisngi nang
maalala ko ang nangyari sa amin kahapon.

"Are you thinking what I'm thinking?" mapanudyong tanong nya habang nakapulupot ang
mga braso sa katawan ko.

"Maybe."

He sniggered. "Natzkie.."

"Ano?"

"Yung.. Yung ano.." his fingers started tracing the skin of my forearm.
I looked at his face. "Ano?"

"Yung kagabi.." he cleared his throat.

"Ay nako, Caleb Damien, ha?" inalis ko ang mga braso nya sa pagkakapalibot sa
katawan ko. Umasog ako sa sofa at umupong paharap sa kanya. "Tumigil tigil ka riyan
ha? Hanggang dun lang yun! Hanggang second base ka lang!"

Inirapan ako ng hudyo. "Sus! Makatanggi ka naman! Eh kung hindi pa 'ko tumigil nun
baka naka home base na 'ko!"

"Hoy ang kapal mo ha!" I could feel my face reddening.

"It's true!" he shrugged. "Besides, hindi ko naman nahawakan ah? My fingers barely
touched your underboobs, so it doesn't count. However, sabi mo, hanggang second
base lang ako. So that means.." he looked at me and wiggled his eyebrows naughtily.

I backed off. "Oy, hindi! Tumigil ka dyan, Caleb Damien Yung, hindi ako papayag-"
napanganga na lang ako nang maramdaman kong lumapat ang kamay nya sa ibabaw ng
boobs ko.
He raised both his eyebrows at me, waiting for a reaction but I was too stunned to
even blink.

Dahan dahan syang lumapit sakin at hindi naman ako nakakilos sa kinauupuan ko. His
big hands are still on top of my breasts. Wala sa loob na hinawakan ko ang kanang
kamay nya at idiniin iyon sa dibdib ko. He groaned in response. Sinakop nya ang
labi ko at pinisil ang boobs ko.

"Caleb," his lips are on my neck now.

"Shh.." bumalik ang labi nya sa bibig ko at marahang kinagat ang pangibabang labi
ko. I felt his thumb teasing my pebbled peaks. I gasped. He chuckled against my
lips in response and continued assaulting my innocent breasts. Na ngayon ay hindi
na kasing inosente ng inaakala ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang iwan ni Caleb ang bibig ko at nagpasya itong
kagatin ang nipples ko bagamat nakasuot pa ang blouse at bra ko. "Aaahhhh!"
napasigaw ako. Sa sarap. O juice ko, lalagnatin ata ako. Ang init!

"Natzkie, pwede?" nasa laylayan ng blouse ko na ang mga kamay nya. He was pleading
at me using his gorgeous brown eyes. Paano pa 'ko makakatanggi?
Sus, dinadahilan mo pa yung mata nya, ang sabihin mo, bet na bet mo din! Landi mo!

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ako tumango. He smiled at me before he lifted
my shirt and took it off me. Bumilis ang paghinga ko. Hindi ko alam kung dala ba ng
takot o ano. Nakahubad na yung blouse ko. Baka mamaya kase hindi ko nanaman
mapigilan ang sarili ko!

"Shh. Don't be scared." inilapit nya ang noo nya sakin at hinimas ang pisngi ko.
His minty breath caressing my face.

"I-Im not scared.."

He laughed softly. "Halata nga sa mukha mo, para kang sasaksakin sa itsura mo eh."

"Sorry." i admitted sheepishly.

"It's okay, sweetheart, look at me," he tipped my chin. "If you feel uncomfortable,
tell me to stop and I'll stop, okay? Promise hanggang second base lang tayo.
Pangako 'yan."
I nodded like a good student. Although I'm kinda reluctant. Hindi naman kase yun
ang problema. I might not be able to tell him to stop. Baka bumigay ako.
Susmaryosep!

Nanatiling magkadikit ang mga noo namin at nakatitig naman sya sa mata ko. His
hands crept from my tummy to my back. Naglaro ang mga daliri nya sa likod ko. Sa
clasp ng bra ko. In one swift motion I felt my brassiere loosen. Ni hindi ko
naramdaman kung paano nya natanggal iyon! Wow! Expert!

Dahan dahan nyang tinanggal ang bra ko nang hindi tinatanggal ang mga mata nya sa
mata ko. I gasped when I felt the cold air against my bare skin, I almost shivered.
Bumigat ang bawat paghinga ko habang hinihintay ko ang susunod nyang gagawin. "C-
Caleb-"

He gently cupped my left breast and I arched my back in response. His big hand was
warm, a bit calloused but it felt so good, and my breast fits perfectly in it.

"Oh, god!" anas ko.

His fingers found the peak of my breast and gently tugged on it. Napasinghap muli
ako at napakapit sa braso nya. "Relax, sweetheart." bulong nya at minasahe ang
magkabila kong dibdib. Nanatiling nakakapit ang magkabilang kamay ko sa braso nya
at napapikit ako sa nararamdaman ko. Kumislot ang mga hita ko. I suddenly felt the
urge to wrap them around his hips, pero masyado syang malayo sakin.

My sacred place began throbbing. I feel so in need of pressure, of relief.


Nanginginig na ang mga kamay ko habang iginagapang ko ang mga iyon papunta sa batok
ni Caleb. I brought my lips to him but I couldn't concentrate on kissing him. Not
while his fingers touched my rosy peaks and began rolling it between his thumb and
forefinger.

"Hahhh! Caleb!" hindi ko na mapigilan ang nadarama ko. I want him close, I want to
feel him between my legs.

He seemed to think the same. Agad nya akong hinigit palapit sa kanya. And with one
swift motion, I was sitting astride him.

I grabbed his face and kissed him hard. Kinagat kagat ko din ang labi nya at
pagkatapos ay pinasadahan ko ng dila iyon. Hinawakan nya ang balakang ko at idiniin
ako sa kandungan nya. That's when I felt his erection against my core. "Ahhhh!"
napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Hindi ko alam kung anong lumukob sa isip ko at
idiniin ko pa ng husto ang pagkababae ko sa umbok nya.

It felt so damn good!

"Oh, jesus, Natalie!" his hands guided my every motion. Ang isang kamay nya ay
pumisil sa kaliwang dibdib ko. "Fuck!" he grabbed my waist and pressed his hard on
against my sacred place and held it in place for I think at least five seconds.
"Ahhhh!" he groaned.

Nakapikit sya ng mariin. "Damn, Natalie!" his mouth claimed one nipple and sucked
on it hard. Habang ako naman ay bumilis ang pagindayog sa ibabaw nya.

I couldn't stop moving. I grinded my hips against him while his mouth feasted on my
breasts. Napakapit ako sa balikat nya ng makaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa
puson ko at nagdilim ang paningin ko. I slammed my eyes shut at tila ba may liwanag
na sumabog sa likod niyon.

Napadukdok ako sa balikat niya. Tumigil na rin sa pagkilos si Caleb.

Then I heard him chuckling.

"Did I just..? Was that..?" i asked stupidly. Hindi parin ako nagmumulat ng mata.

"Yeah, I think so. Was that your first, baby?" he whispered against my ear.
Nagtayuan ang balahibo ko.
Tumango ako. Bigla kong naramdaman ang pagkislot ng ano nya sa ilalim ko. My eyes
flew open. "Ang tigas mo parin, hindi ka nilabasan?" hinarap ko sya agad ko ring
natutop ang bibig ko nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Oh my god, Natalie, have a
little decency, you..!

"Sh-t!" ang kamay nyang kanina ay nasa balakang ko ay napunta sa mukha nya. Piniga
nya ang pagitan ng mata nya at napapikit ng mariin.

"Okay ka lang?" kagat labi na tanong ko.

Bigla syang dumilat at ngumiti sakin. "Yes, sweetie, of course." sagot nya.

"M-masakit ba?"

"No. Yes." hinawakan nya ang magkabila kong pisngi. "Don't worry about me,
sweetie." inabot nya ang blouse ko at maingat iyong sinuot sakin.

I winced.
"Bakit, Natzkie?"

Hindi ako kumibo.

Tumawa naman sya. "Gusto mo pa, ano?"

I nodded shyly. Namula ng husto ang pisngi ko. Masisisi nyo ba 'ko? It felt so
good. Para 'kong nakarating sa ikapitong langit. Ganon pala yun ano? Ang sarap.
Agad kong sinaway ang sarili ko. Naging manyak na ba agad ako?

"Gusto ko pa din, sweetheart, kaya lang.."

"Kaya lang ano?"

"Baka hindi na kase ako makapagpigil." kinintalan nya ng halik ang labi ko. "It was
hard watching you fall apart like that. Mas lalo kita gustong angkinin. Like, right
now. I know you're wet in your panties, I wanna touch you. I wanna feel how wet you
are pero hindi pwede kase nangako ako na hanggang second base lang."

"P-pwede naman-"

Agad nyang hinalikan ang labi ko para pigilan akong magsalita. "Don't, Natzkie.
Please."

"Why?" i pouted.

Natawa sya. "Kase po, gusto ko pag ginawa natin 'yun," he again kissed my lips.
"Mahal na mahal mo na 'ko. I don't wanna sound so cheesy but.. I want your first
time to be beautiful-that sounds so gay- but.. Yeah.."

Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatitig ako sa kanya. "Naman Caleb eh!"

"Bakit?"
"Kinikilig ako!" sumimangot ako at inirapan sya. "Gusto ko pa tuloy lalo."

Ang lakas ng tawa nya. "Kailangan natin magpigil, sweetie. Dadating din naman tayo
dun. I want you to want it because you love me. Hindi yung naooverpower ka ng lust
mo para sakin."

"Sobra ka." sumimangot ako ulit.

"Pagbigyan mo na 'ko." ungot nya. "One orgasm a day lang, baby."

Sa huli pumayag na din ako. Hindi ko alam na may pagkaconservative pala ang mokong
na 'to. Pero tama din naman sya. May tamang panahon para sa bagay na 'yon. Tumayo
na kami mula sa sofa at nagayos na. Caleb kissed me before he went to the door.

"Bukas, pupunta ulit ako." aniya.

"Wala ka bang trabaho?" araw araw na lang kase sya dito sa bahay.
"Bakit, ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganun, ibig ko lang sabihin-"

Hinapit nya ang bewang ko at hinalikan ang ilong ko. "Magpapapogi points lang ako
sayo, sweetie. Gusto ko mainlove ka na ng husto sakin para maangkin ko na katawan
mo." he wiggled his eyebrows.

"Napaka loko mo!"

Nagtawanan kami. "I'll see you tomorrow, Natzkie." he kissed me again and again. "I
love you." he said before he's out of the door.

Napangisi ako ng malawak ng sumara ang pinto saka bigla akong napasigaw. "Hooooh!
Thank you lord!!" itinaas ko ang magkabila kong kamay at sumayaw sayaw. Jackpot
talaga ako sa boyfriend ko, gwapo na, sweet pa, mahal pa 'ko! San ka pa? "Thank
you! Thank you talaga!"

Nagulat pa 'ko ng bumukas muli ang pinto.


"Natzkie, okay ka lang? I heard you shouting?"

"Okay na okay lang!" sabi ko pa na kumindat sa kanya. I gave him a two thumbs up.

"'You sure?"

"Yup! Go na! Bukas ha?"

Caleb smiled again and nodded. "I love you, Natalie." he said then he left.

Nabaghan ang dibdib ko sa narinig. Hindi na yata magtatagal at mawawala na ang


virginity ko dahil sigurado ako nahuhulog na 'ko sa lalaking 'yon. Excited na ko
para bukas!

Ngunit kinabukasan, hindi si Caleb ang naging bisita ko..

####################################
Chapter 27
####################################

Caleb

"Ayoko nga!!"

I impatiently followed Ava to the kitchen. I really don't wanna beg but if it's the
only thing that I can do so she'd come with me in Natalie's condo, then so be it!
Desperado na 'ko ngayon. Sinipat ko ang relo ko, it's already past lunchtime,
sinabi ko pa naman sa girlfriend ko na maaga ako pupunta. Damn it!

"Sige na naman, Ava! Hindi naman mahirap 'yung ipapagawa ko. Pupunta ka lang dun,
ipapakilala lang kita sa kanya."

"Bakit mo pa 'ko kailangan ipakilala sa kanya? It's not like I'm interested on
meeting her." she flipped her hair and turned my back on me. Kumuha sya tubig mula
sa ref.

"Don't be such a bitch." i grumbled behind her.


Humarap sya sakin, the water sloshed everywhere. "Bah, bah, ikaw 'tong humihingi ng
pabor sakin, ikaw pa may ganang tumawag sakin na bitch?"

"You are a bitch, Ava, kailan mo matatanggap 'yon?" naupo ako sa isang stool sa
kitchen island. "Gusto ni Natalie makilala si lolo, alam mo namang imposible pa
'yon sa ngayon. But I can't disappoint her-"

"And you figured that if I stand in for lolo, mawawala na sa isip nya na gusto
nyang makilala ang pamilya mo? Right, you're a f-cking genius, Caleb." nakairap na
sagot nya at pansamantalang ibinaba ang baso sa counter top.

I sighed. "Pansamantala lang naman, Ava," I propped my elbows in front of her. "I'm
planning on talking to lolo, hindi pa lang sa ngayon, mainit ang ulo nya gawa ng
bagong tinatayong hotel sa davao."

"Seryoso ka ba talaga sa babaeng 'yan?"

I look frustratedly at her. Does she really have to ask? "Yes! Hell yes!"

Nasapo ko ang noo ko. I don't know exactly when I started falling for Natalie.
Basta nadiskubre ko na lang 'yon nung araw na sumulpot sya sa bahay matapos ng
byahe namin mula sa zambales. That was when I realized I couldn't live without that
woman. As sappy as it seems, I'm so f-cking inlove with her!
Hindi ko naman alam na sobra pa lang nakakastress ang umibig, lalo na kung naiplano
na ng lolo mo ang buong buhay mo. He wanted me to marry an heiress. And my Natalie,
admit it or not, is very far from that.

"Alam mo naman sigurong hindi papayag si lolo hindi ba? I was actually surprised na
hindi pa sya pumapagitna sa ngayon? I wonder what's up?" I shifted my eyes at her
and she was busy picking on her manicured nails.

"I told you, he's busy." sagot ko na lang kahit pa ang totoo ay nagaalala din ako
sa reaksyon ng abuelo namin. "Can you please do this for me, Ava?"

"Bakit ba bigla na lang pumasok 'to sa isip mo?" she sat on a stool in front of me.

Ikinuwento ko sa kanya ang naging date namin sa luneta. Kung paanong imbitahan si
Natalie ng kapatid ni Axel sa tahanan ng mga ito. I saw how close they are and I
feel jealous. I want Natalie to be close to my relatives, too, but that is far from
happening right now. Specially because all my relatives are elitists, I'm not sure
how they would treat her. I'm only counting on Ava right now, but this woman's a
gigantic pain in the ass.

"What's in it for me?" biglang sabi nya.


Good, now she's bargaining. "What do you want?"

'Ni hindi man lang sya kumurap. "All expense paid trip to hongkong-"

"Done!" iyon lang pala. Kung gusto nya ipatapon ko pa sya doon at hindi na
makabalik pa ng pinas. Tutal, bwisit naman sya sa buhay ko.

"Hindi pa 'ko tapos, Caleb. All expense paid, including shopping spree." she said
smirking.

Napapikit ako ng mariin. Jusko pong mahabagin, magpasalamat ang babaeng ito at
mahal ko si Natalie, kundi ay sasakalin ko na talaga sya! "Fine. All expense paid,
but you're gonna be playing nice to her. Understood?"

"Sus, yun lang pala!" hinampas nya ako sa braso at inangilan ko naman sya. "You
know how good I am at charades. Ang galing galing ko kayang magpanggap!" she winked
at me.
Napailing ako. Kung hindi ko lang naaalala kung paanong sinabi ni Natalie sa akin
na gusto nyang makilala ang pamilya ko ay hindi ko naman ihaharap sa Ava sa kanya.
Mamaya ay kung ano pang sabihin ng babaeng ito sa girlfriend ko. But I've got no
choice.

"May isa pa 'kong problema."

Pairap na tinapunan nya ako ng tingin. "Ano nanaman 'yon, Caleb?"

"Natalie's exboyfriend."

Tumaas ang kilay nya. "Oh? Akala ko ba si Heather na ang gusto ng lalaking 'yon?
Bakit pinoproblema mo pa?"

"He wants Natalie back?"

"As$holes. What a beautiful world it would be without them. What do you want me to
do, dear cousin?"
I grinned at her, happy that she was into my crap. "The usual."

"Gwapo ba 'yan? Katulad ba nung last time?" nakaismid parin sya.

"Let's just say I wouldn't mind bribing you with another trip to a country of your
choice, all expense paid."

"Hay nako! Bakit di na lang kaseng gwapo nung Wyler?"

"Ava, I think that was Tyler and not Wyler." ipinilig ko ang leeg ko at inalala ang
boyfriend ng exgirlfriend ni Zeve.

"Whatever." she snapped. "Oh sya, let's get this over with. Sabihin mo na lang
sakin kung kailan ko gagawin 'yang ex ng jowa mo."

---
Nang dumating kami sa condo ni Natalie ay inaabangan na nya kami sa ibaba. I texted
her that Ava's tagging along with us and I lied that my bitch of a cousin wanted to
meet her. Ang sabi nya ay sa ibaba na lang kami tumambay gawa ng hindi pa nya
nalilinis ang kalat mula sa pagpipinta nya.

"Seems like your girlfriend isn't a good house keeper."

I glared at my cousin who's seated on my right. "She's busy with a lot of projects.
Marami syang ginagawang paintings."

"So?"

"Pwede ba Ava? I told you to be nice to her." mariin na sabi ko. "Let's go, she's
already waiting."

"Is that her?" turo nya kay Natalie na nakatayo at kausap ang guard ng condo nila.
She was wearing a signature shirt and some cut off jeans. She looks really hot!
"She's pretty huh? In a scruffy way."

Ngali ngaling batukan ko na ang pinsan ko. Kung minsan ay sobra sya kung manlait.
Ang sarap putulan ng dila.

"Ava, please." i closed my eyes shut, I'm losing my patience with her.

"Alright, alright! Cmon, let's get this over with." bigla na lang syang bumaba ng
sasakyan.

I was left there muttering curses under my breath. Sumunod na rin ako sa kanya.
Inunahan ko sya and I greeted my girlfriend with a kiss on her lips, pero umiwas
sya at sa pisngi nya dumapo ang labi ko. Napakunot noo ako. "What's wrong,
sweetheart?"

Maang na tumingala sya sakin at ngumiti. Ngiting hindi umabot sa mga mata nya.
"Huh? Nothing!"

"Are you sure?" hinapit ko sya sa bewang. God, the feel of her body against mine!
Hindi ko maiwasang maalala ang naganap sa pagitan namin kahapon.

"Y-yeah.."
Noon biglang tumikhim si Ava. I fought the urge to slam her head across the marble
finish of the floor. Why the hell am I related to her?

"Siya ba Caleb?" bulong ni Natalie sa tabi ko. I felt her cold hands wrapped around
my arm, I could almost feel her anxiousness. Sino ba naman kasing hindi matatakot
sa presensya ni Ava? She's trouble in the making.

"Natalie," I smiled at her reassuringly. "This is my cousin, Ava. The one I was
telling you about, remember her?"

"Oo naman!"

"Ano namang kinukwento nitong pinsan ko sayo?" palihim na pinaningkitan nya ako ng
mata.

"All good things, kaya nga kita gustong makilala." my girl seemed to relax finally.
Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa labi nya, at pansamantala kong nakalimutan
ang pagaalala ko sa kanya kanina. I remembered how much she wanted too meet this
cousin of mine. Kung alam lang nya ang tunay na ugali nito ay agad nya itong
iiwasan.
But knowing Natalie, she had a way with people. I smiled at the way she was able to
get past my defenses. I wasn't able to intimidate her with my cold demeanor,
instead she was able to worm her way through my heart and thaw the ice that's been
surrounding it for the longest time. Akala ko noon ay hindi na 'ko mabibigyan ng
pagkakataon na maranasan ang magmahal. I thought I would be endlessly bound to my
duty to my family, and to my grand father.

Hindi nagtagal ay nagkapalagayang loob din ang dalawa. Hindi na rin naman ako
nagtaka, hindi ko lang inakala na ganoon kabilis na makukuha ni Natalie ang loob ni
Ava.

That or my cousin was just a gifted actress. Sana naman hindi. I really want both
of them to get along. Kahit man lang si Ava ay maging kakampi ko sa laban ko na
ito. Kahit man lang may isang tao sa pamilya ko na sumuporta sa pagmamahal ko kay
Natalie.

"Hindi ko mabuksan, oh my god, ano ba 'to?"

"Akin na, subukan ko." kinuha ni Natalie mula sa mga kamay ni Ava ang isang de
lata. "Ay, ang tigas nga."

Napangisi ako sa kanilang dalawa. Kung bakit naman kasi hindi pa nila ipaubaya
sakin ang pagbubukas niyon? Nagmamagaling pa kase. They were watching movies in the
lobby at naisipan na rin nilang mag snack doon. Malapit si Natalie sa mga bantay ng
condo kaya pinapayagan kaming tumambay dito.
"Okay, sweetie, gimme that, ako na."

Ngunit bago pa nya maiabot sa akin ay napigtal na nya ang bahaging magsisilbing
pambukas ng de lata.

"Hala, ano ba 'yan!" napangiwing sabi ni Natalie. "Kukuha na nga lang ako ng abre
lata, teka,"

Masuyong hinawakan ko ang kamay nya at hinila syang paupo muli sa sofa. "I'll go
get it, I don't want you to miss the climax of the movie."

"Akala ko kung anong climax na pinagsasabi mo dyan!" kantyaw ni Ava na pumapapak ng


sitsirya at tinapunan kami ng malokong tingin.

Palihim akong natawa nang makita kong pinamulahan ng pisngi si Natzkie. Nagawa pa
nyang magiwas ng tingin sakin. "Sige na, Natzkie, ako na lang ang aakyat,
magkwentuhan na lang kayo ni Ava."

"Yeah, hayaan mo 'yan si Caleb, let's just enjoy the movie, Natzkie." she beamed up
at her.

She just nodded meekly and went back to her seat. I ambled towards the stairs and
made my way up to her condo unit. Nagtuloy ako sa loob sa tulong ng susing inabot
nya sa akin bago ako umalis.

I went to her kitchen straightaway. I opened her wall cabinets searching for the
can opener. Saan kaya nilagay ng babaeng iyon ang abre lata? Binuksan ko ang mga
drawer na naglalaman ng mga kubyertos, hinawi ko ang dose dosenang pares ng
kutsara't tinidor bago ko nakita ang hinahanap ko. "Gotcha."

I was heading for the door when something caught my eye. A black pen looking thing
lying on the floor besides some other clutters. Dinampot ko iyon at ineksamin. The
thing looked so familiar.

Right. It was the recorder Natalie showed me that night she blackmailed me. Ito
yung recorder na naglalaman ng pagko-confess ko ukol sa pinlano kong pag set up kay
Heather at Axel upang di matuloy ang kasal namin. Ito 'yung kaisaisang bagay na
pinanghahawakan ni Natalie upang mapasunod nya ako sa mga gusto nya.

I wanted to get rid of it. Hindi na kailangan pang panghawakan iyon ni Natalie para
mapasunod ako. I'm at her beck and call. Whatever she wants me to do, gagawin ko.
'Wag lang ang tulungan syang bawiin ang ex nya dahil wala na akong balak na isauli
pa sya rito. Natalie's mine now.
Nasa akto akong ibubulsa ang recorder nang bumukas ang pinto.

"Caleb? Anong ginagawa mo? Is that..?"

I pivoted and saw her staring at me with accusing eyes. Awtomatikong napahakbang
ako patungo sa kanya ngunit kusa rin syang umatras. I saw sadness in her eyes but
most of all betrayal.

"Natalie, it's not what you think!"

"Not what I think?" She snatched the recorder from my hand and glared at me. I
winced at the way her eyes incriminated me, it lanced me right at the middle of my
chest. Mali sya ng inaakala!

"Natalie-"

"Don't come near me, Caleb!" she screamed with her eyes closed and hands curled in
her chest. "Aanhin mo 'to? Bakit mo 'to hawak?"
"I was thinking of getting rid of it-" natigilan ako nang mapagtanto ko ang sinabi
ko. "Sh-t! Natalie!"

Marahas na napailing sya. Sobrang disappointment ang nakita ko sa mukha niya.


"Paano mo nagawa 'to? Kaya ka ba nakikipaglapit sakin para lang makuha mo 'to?
Pinaglalaruan mo 'ko?"

"What?" gulong tanong ko. "I did not! Ano bang sinasabi mo?!"

She run her fingers through her hair a little roughly. Saglit syang napatalikod at
nang humarap syang muli ay may galit na sa mga mata nya. "Tama nga ang lolo mo!
Pinapasakay mo lang ako! Inuuto mo lang ako para makuha mo ang gusto mo!"

Her words struck me like a spear. Pilit kong ibinuka ang bibig ko upang magsalita
ngunit sa huli ay isinasara ko din. I don't understand what she's accusing me of.
And my lolo? He talked to her? "Paano kayo nagkausap ni lolo?" nang sa wakas ay
matagpuan ko ang dila ko ay umiiyak na si Natalie sa harap ko.

"Hindi na importante pa 'yon, Caleb." she stalked forward and threw the recorder at
me. "Oh ayan, sayo na! Wala nang makakaalam ng ginawa mong pag sira sa sarili mong
engagement! Sana hiningi mo na lang 'yan sakin nung araw na nakipaghalikan ako sayo
at alam mo nang ayoko nang makipagbalikan sa ex ko! Ibibigay ko naman eh! Pati nga
virginity ko muntik ko nang ibigay eh diba? Hindi mo na 'ko kailangang paikutin!
Hindi mo na kailangang paglaruan ang damdamin ko!"
"Natalie!" protesta ko. "Mali ka, Natzkie, ano bang sinasabi mo?! I don't get it!
Pwede bang maayos nating pagusapan 'to? What did my lolo tell you?" i tried to
reach for her but she angrily slapped me.

"Ginamit mo pa ang pinsan mo!" sinimulan nya akong bayuhin sa dibdib. "Bakit ang
sama mo?! Ang sama sama mo!" I caught her arms and she started to sob histerically
until she was sprawling on the floor.

"Sweetie, don't do this!" niyakap ko sya ng mahigpit at paulit ulit na hinalikan


ang ulo nya. "Stop crying, let's talk. Don't be like this.. Please!"

"Ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga ko! Tama ang lolo mo, hindi ka naman papatol
sa katulad ko! Sa huli si Heather parin ang pakakasalan mo kase kayo ang bagay!"

Nagitla ako sa sinabi nya. Saan ba nya napupulot ang pinagsasabi nyang ito? "Hindi
totoo 'yan, Natalie, cmon, you know me better than that!" I pulled her closer to me
and hugged her as she went thrashing like a mad woman. "Whatever my lolo told you,
hindi 'yon totoo! I love you, Natalie! Please maniwala ka sakin!"

"Tama na!" she shoved me away. "Tama na ang kasinungalingan mo! Isaksak mo sa baga
mo 'yang recorder at umalis ka na sa pamamahay ko! I don't want you in my life!
You.. You! Manloloko ka!"
Pilit nya akong tinulak palayo sa kanya palabas ng pinto ng condo. "Natalie, calm
down, please! Let me explain sweetie, 'wag ganito!"

"Damn you! Sinayang mo ang nararamdaman ko para sa yo! Akala ko matino ka, pero
hindi! Katulad ka din nila! All you cared about is yourself, you even have the guts
to tell me you love me? Pakyu! Sinungaling ka!" she slapped me again and again.
"Lumayas ka! Ayoko nang makita ang pagmumuka mo! Get out of my house! Get out of my
house! Get out of my life!"

My jaw went slack at her words. I can take the physical pain. Mas mabuti pa
sigurong sampalin nya 'ko ng paulit ulit! Ngunit ang marinig sa kanya na
sinungaling ako at pinlano ko na saktan sya? I couldn't take that. I love her at ni
minsan hindi sumagi sa isip ko na saktan sya.

"Alam ko nasasabi mo lang 'yan dahil galit ka." i said silently as I stood in front
of her door. "Pero alam kong mawawala din 'yan, babalik ako pag malamig na ang ulo
mo."

"Wala ka nang babalikan." and she slammed the f-cking door at my face.
####################################
Chapter 28
####################################

Natalie

I watched numbly as Libby wiped a damp cloth on my tear streaked face. Her
expression was torn between sympathy and annoyance. I heard her mutter about me
being stupid and all that but I could do was lie there and curl my knees to my
chest in a fetal position. Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nya at inabala ko
ang sarili ko sa pagiyak.

"Natalie naman, tama na!" she complained and sat back on the floor beside me.
"Halika na bumangon ka na dyan, please?"

"Ayoko, Libby," sabi ko at tinalikuran sya. "Iwan mo na 'ko."


Narinig ko ang mga pagkaluskos tanda ng pagtayo ni Libby ngunit imbes na umalis ay
umikot lamang ito upang muli akong makaharap. "Tumigil ka na sa paglulupasay at
bumangon ka na dyan, mapupulmonya ka sa kahihiga mo sa semento, umayos ka nga!"
hinablot nya ang braso at pilit akong pinabangon mula sa sahig. "Natalie halika
na!"

"Ayoko nga!" hiyaw ko. "Ayoko nang bumangon, hayaan mo na 'ko dito! I deserve this,
okay?"

She didn't give up on pulling me up. "Akala mo ba may maitutulong yang pagnguyngoy
mo dyan? Ikaw na nga 'tong nakipagbreak dun sa tao ikaw pa ang may ganang mag-mope?
Hello?"

My face crunched up in remorse. "'Wag mo nang ipaalala please?" i sat up ang buried
my face between my knees. Kusang tumulo ang luha at uhog ko sa sahig.

Nakukunsensya ako sa ginawa ko kay Caleb pero wala naman akong pagpipilian.
Binigyan ako ng ultimatum ng lolo nya na kung hindi ko lalayuan ang apo nya
uraurada ay guguluhin nito ang buhay ng pamilya ko. Ayokong malagay sa alanganin
sila mama. Dadaan muna ang kung sinong demonyo sa ibabaw ng bangkay ko bago nila
magalaw ang pamilya ko.

Halos isumpa ko si Frederick Yung matapos ang unang pagkikita namin. Paanong mula
sa sperm cell ng isang talipandas na katulad nya magmumula ang isang mabuting
nilalang na gaya ni Caleb? How could someone as kind hearted as him come from
someone as ruthless as his lolo? No wonder parating sinusuway ni Caleb ang mga utos
nito. Isa itong diktador na walang habas na maninira ng buhay ng iba para lang
masunod ang gusto nito!
Marahas na pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Ayoko man sanang
saktan si Caleb, kailangan ko namang gawin. Para sa kaligtasan ng sarili kong
pamilya.

"Natalie.." hinimas himas ni Libby ang buhok ko. "Tahan na, please? Ang hirap
makita na ganyan ka."

Nagangat ako ng ulo at pabirong inirapan ko sya. "Para namang hindi mo pa 'ko
nakitang mag-iiyak before?"

"Loka! Syempre nakita na!" she pouted. "Pero hindi ganito, bes, umiyak ka noon kay
Axel pero iba ngayon. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman mo nung
nakita kitang nakabaluktot dyan sa sahig."

Niyapos ako ni Libby at hinimas ang likod ko. "Bes mas matindi ang tama mo kay
Caleb kesa kay Axel."

Napangiti ako ng may tunog. Syang tunay. Hindi ko naman maiisip na ibigay ang
bataan kay Caleb kung hindi ko talaga sya mahal. It was something that I wasn't
thinking of giving to Axel. Kay Caleb ko lang talaga naramdaman yung ganitong
intensity, yung tipong makita ko pa lang syang nakangiti, tumitigil na ang pagikot
ang mundo ko. Titig palang nya kumakabog na ang dibdib ko. Boses pa lang nya,
umaawit na sa saya ang puso ko. I have been inlove before but it was nothing
compared to this. At ang sakit, wala ring katumbas!

Oo, nasaktan ako sa mga sinabi sa akin ng lolo nya. Hindi na kailangan pang sabihin
ng matandang hukluban na 'yon na wala akong binatbat kumpara kay Heather dahil alam
ko na 'yon! Alam ko ring wala akong maipagmamalaki dahil isa lang akong hamak na
artist na kung di makakabenta ay walang kakainin ng isang linggo! Oo masakit talaga
pag minamaliit ang pagkatao mo. Pero wala nang hihigit sa sakit na naramdaman ko
nang kinailangan kong saktan ang damdamin ni Caleb kanina. I saw that unimaginable
pain in his eyes, and my heart felt like it was smashed against a concrete wall.
Ayokong makitang nasasaktan si Caleb.

Totoong sinabi ng lolo nya ang mga bagay na iyon sakin. Na kesyo pinaglalaruan lang
daw ako ni Caleb at ginagawang pampalipas ng oras. Pero hindi ako naniniwala sa
kanya. I saw in his grandson's eyes that he loves me. Kung minsan ay hindi na nito
kailangan pang sabihin iyon, sadyang nararamdaman ko sa kaibuturan ng puso ko
habang nakatitig sya sa mata ko ang pagmamahal na sinasabi nya.

Hindi ako basta basta malilinlang ng lolo nya dahil alam ko ang totoo. Mas
naniniwala ako sa mga ipinapakita ni Caleb sakin kaysa sa mga mapanirang salita ng
matandang 'yon.

Isa pa, sinabi rin naman sakin ng pinsan nyang si Ava kung anong impresyon niya sa
intensyon ni Caleb sakin.

"Magkalinawan nga tayong dalawa, habang wala pa ang pinsan ko," seryosong sabi nya
sakin. "Babae sa babae, nakamove on ka na ba sa ex mo?"
"A-ano bang klaseng tanong yan?"

"Sagutin mo na lang! At bilisan mo, baka dumating si Caleb."

"Oo naman!"

"Mahal mo ba ang pinsan ko?" sinalubong nya ang mga mata ko. Nakita ko doon ang
determinasyon nyang protektahan si Caleb.

"Oo."

She smiled a little. "Ipangako mo sakin, Natalie na di mo sasaktan ang tukmol na


'yon. I may not always like that cousin of mine but I always love him. And woe to
anyone who would try to hurt him."

"Alam mong wala akong balak na saktan sya." napayuko ako dahil ang totoo ay balak
ko na talagang makipagkalas sa pinsan nya bago matapos ang araw na ito. Binigyan na
ako ng babala ng lolo nya at wala akong magagawa kundi sumunod sa gusto nito.
"Mahal ko si Caleb. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito, hindi ko alam na
maiinlove pala ako sa kanya. Sabagay, tanga lang naman ang hindi maiinlove kay
Caleb. I love your cousin, Ava, kahit anong mangyari sana maisip mo na kailanman, I
will never try to hurt him intentionally."

"Dapat lang, dahil sa oras na saktan mo sya, ako ang makakalaban mo." ngumiti sya
ngunit alam kong may babalang nasa likuran niyon. "Hindi mo pa 'ko kilala, I can be
a very good friend but trust me, I can be your worst nightmare."

Ngumiti ako pabalik. "Alam ko, sana magtiwala ka sakin, Ava."

Umingos sya. "Mahal na mahal ka ng gagong 'yon! First time nya kaya baka pumalpak
sya paminsan minsan pero wag mo sana syang sukuan." she crossed her arms in front
of her. "'Wag mong mabanggit banggit sa kanya 'tong mga sinasabi ko kundi
masasabunutan kita!"
Natawa ako. "Bakit naman?"

"Basta!" hinarap nya 'kong muli. "Uulitin ko, mahal ka nya at sana alagaan mo sya."

"Nagsisisi ka ba na nakipagbreak ka? Na tinaboy mo sya?" Libby's question brought


me back to the present time. She was still eyeing me with concern.

Umiling ako. "Hindi Libby, mahal ko sya pero kailangan kong gawin ito para sa
pamilya ko."

"Hindi ba dapat sinabi mo na lang kay Caleb na pinuntahan ka ng lolo nya? Dapat
sinabi mo sa kanya yung pinagsasabi ng amoy lupa na 'yon!"

"Sinabi ko nga.." inagaw ko ang bimpo kay Libby at suminga roon. "Alam mo, Libby,
umaasa ako na sana ipaglaban ako ni Caleb. Sabi naman nya babalikan nya 'ko eh.
Sana 'wag nya 'kong sukuan, Libs."
Hinawakan ng best friend ko ang kamay ko at pinisil iyon. "Sakaling tuluyan mo nang
maging ex si Caleb, ako naman ang tutulong sayo this time para bawiin sya.
Operation steal Caleb na ang drama natin!"

Mapait na nginitian ko na lang sya. Sana hindi na umabot.pa sa ganoon ang sitwasyon
nila. Caleb, please ipaglaban mo 'ko..

---

"Lolo!"

Ava grabbed my arm and pulled me back but I was determined to talk to my
grandfather. Hindi pwede ang ginawa nya! He talked to Natalie and planted rubbish
in her head! She's breaking up with me because of the lies lolo told her! This has
gone too far, I let him manipulate my life for so long, ngunit kung maiinvolve si
Natalie sa mga kalokohan nya ay ibang usapan na iyon!

Come hell and high water, but where Natalie is concern, I will abso-fuckin-lutely
lose my sh-t! Wala akong pakialam kung lolo ko pa sya!

"Caleb, don't do this!" Ava hissed and she pulled me back once again. "'Wag mong
kalabanin si lolo! You don't know what you're doing!"
"Ava, let go of my arm!" I snapped at her. Tila natakot naman ito at binitawan ang
braso ko. Alam ko ang ginagawa ko at ito ang isang bagay na matagal ko na dapat na
ginawa. Finally, I've found a reason to stood up against my grandfather's whim. I'm
not going to let him ruin my life. I'm not letting him take Natalie away from me!

I stalked forward to the mansion's door with Ava still flanking me. "Lolo!"

Nasalubong namin ang assistant ng lolo ko na si Honesto. He stood in front of the


great stairs defensively. He had a nervous look in his face and I f-cking knew he
had something to do with my lolo finding out about my relationship with Natalie. I
took long strides towards him and grabbed him by the collar. "What the f-ck do you
know about my lolo's visit with Natalie?" he was looking at me with fear in his
eyes but his mouth remained close. "Sumagot ka!"

"Hindi ko po alam ang sinasabi nyo, Sir Caleb." mariing sagot nito na syang lalong
nagpasikdo sa dugo ko. I was about to plant my fist on his face when I heard the
familiar sound of a cane tapping on the marble floor.

"Caleb! Let go of Honesto!" came my grand father's booming voice.

I ground my molars as I released my chokehold on his assistant. I glared at the


person who raised me as he descended from the stairs. For someone who's almost
eighty years old, matikas pa si Frederick Yung. He exuded so much power that his
employees cower whenever he's near. Lahat ay takot na makausap o makatitigan man
lang sya.

Bata pa ako noong una kong makita kung paano nya patakbuhin ang kumpanya. And I
decided back then that I would never be like him.

"Lolo.."

"Anong kaguluhan ba ito Caleb? What are you doing here Ava?"

My bitch of a cousin actually wrung her fingers infront of our lolo. "I-I.." she
stammered.

"She's with me!" I quickly answered for her. "Lolo what have you done to Natalie-"

"Don't you dare raise your voice on me like that, Caleb!" dumagundong ang boses
nito.
"And why the hell not?!" galit na sagot ko. "Bakit kailangan nyong kausapin ang
girlfriend ko behind my back and feed her with your lies?!"

"I didn't lie to her, Caleb. I told her the truth!" naglabasan ang mga litid nito
sa leeg at noo. "At sino ang nagbigay ng karapatan sayo na magkaroon ng nobya na
hindi kabilang sa alta de sosyedad? I want you to marry Heather and not that poor
little-"

"Enough!" I clenched my fist on both sides and I felt Ava grab my shoulders. "I
will not let you talk about her like that! Natalie is a decent woman! Hindi man sya
kasing yaman ni Heather, disente sya, mabuti syang tao at hindi mo sya dapat
maliitin dahil sa estado nya sa buhay. Besides, si Heather ay magpapakasal na sa
iba, why would I marry her?!"

"Don't tell me what to do, boy." Tinitigan ako ng masama ni lolo at nakita kong
humigpit ang kamay nya sa kanyang tungkod. "You will marry Heather. Ipinapaayos ko
na ang kasal nyo kay Honesto. She's fitting her gown right at this moment and I
suggest that you see her after her appointment with your wedding organizer."

I was taken aback. "What the hell are you talking about?"

"Hindi kita pinalaki para maging tanga, Caleb. You heard what I said." tumalikod na
ito at nagsimula na muling umakyat sa hagdan. "Tuloy ang kasal ninyo ni Heather sa
susunod na buwan. And I suggest that you get rid of your pesky little girlfriend as
soon as possible or I will have to get rid of her for you myself."
I was taken aback. Would his grandfather really resort to that? Gaano ba
kaimportante ang merging ng pamilya nya at pamilya ni Heather upang kailanganin pa
nitong pagbantaan sya ng ganoon?

"You can't be serious."

"Try me, Caleb." sagot nito sa malamig na boses.

"No lolo! Don't do this to me!" i almost pleaded. Wala na 'kong mapagpilian.

"Sumunod ka sa gusto ko Caleb at wala tayong magiging problema. That Natalie girl
will be safe as long as you follow my orders." mariing sagot nito.

"I love Natalie!"

Napahinto ito sa kalagitnaan ng hagdan. "Walang lugar ang pagmamahal sa mundo


natin, apo. Itigil mo na ang kahibangan na 'to, alam mo kung paano ako magalit."
Tuluyan na nya kaming tinalikuran. Maging si Honesto ay umakyat na sa hagdan at
sumunod dito. I was left feeling so much hatred towards the only father I knew.
Nirespeto ko sya mula pagkabata, ngunit hindi man lang nya nagawang irespeto ang
desisyon ko. Tila sasabog ang ulo ko sa sobrang galit sa kanya at sa sarili ko
dahil wala akong magawa para kay Natalie.

"Caleb.." Ava's hands caught my arms and she spun myearound. Niyakap ako ng pinsan
ko at noon ko napagtanto na lumuluha ako. "I'm so sorry.."

"I can't let this happen, Ava.. Hindi pwede.. Hindi ko kayang layuan si Natalie.."

"I know.."

"He wants me to get rid of her like she's something replaceable. Hindi laruan si
Natalie na pwedeng basta palitan na lang! Hindi ganoon kasimple ang pinapagawa nya,
I would have to die first before I could let go of her.. I love her, Ava.. I can't
lose her.."

---
Lame update. Sorry na guys :'(
####################################
Chapter 29
####################################

Natalie

Sinikap kong magpatuloy na mabuhay na tila ba walang nangyari. Na parang walang


Caleb na dumaan sa buhay ko, pero ang hirap pala! Minuminuto sya ang laman ng isip
ko. Bawat bagay na makita ko o gawin ko, bawat lugar na puntahan ko, parang
ipinapaalala sakin ang mga pinagsamahan namin. Para bang tinutudyo ako ng tadhana.

Biruin mo, minsan mapapadpad ako sa isang convenience store, bigla na lang ako
makakarinig ng babaeng sumisigaw ng, "Caleb! Caleb!" syempre napapalingon ako dahil
akala ko andun din sya, yun pala kapangalan nya yung anak ng babae.

Twing nasa banyo ako, sya naaalala ko. Kase naman yung bugok na 'yun! Puro
references sa tae ang laman ng isip.

Minsan nga akala ko narinig ko ang boses nya na tinatawag ako. Jusko, nabe-Bella
Swan na ata ako!

Natatakot ako na baka mabaliw ako sa withdrawal ko kay Caleb kaya naman imbes na
magmukmok sa condo ko magisa, umuwi muna 'ko sa bahay nila mama. Baka sakaling
pansamatala, makalimutan ko siya dito. Aaliwin ko na lang ang sarili ko sa kambal.
Besides, namiss ko din naman si mama.

"Natalie, 'wag mo muna itapon 'yang tubig at magagamit pa 'yan pambanlaw mamaya!
Susmaryosep ka, nagaaksaya ka! Ganyan ka ba sa bahay mo? Siguro mahal ang
binabayaran mo sa tubig? Oh 'wag mo pagsamahin 'yang de color at puti!"

Pabirong inirapan ko si mama. Eto talaga ang namiss ko sa kanya. "Hindi ko kaya
pagsasamahin, tinetesting ko lang ang reaksyon mo," nakangising sabi ko. "Namiss ko
pagbubunganga mo, ma."

"Nako, eh sino ba kasing nagsabi sayong bumukod ka?" aniya habang pinipilipit ang
isang dilaw na blouse. "Dumito ka na lang at tigilan mo na pageermitanya mo sa
condo mo."

Naisip ko rin naman na bumalik na lang dito sa poder ni mama at tiyo Dennis, kaya
lang nakahiyaan ko na rin. Hindi naman kalakihan ang bahay nila at walang
pupwestuhan ang mga gamit ko dito. At kagaya nga ng sabi ko noon, para bang
kalabisan na 'ko sa pamilya nila.

"Ako na nga ang magbabanlaw nyan at kusutan mo 'tong mga puti, masakit na ang kamay
ko."
Bonding namin ni mama ang maglaba simula pa maliit ako. Dito namin napaguusapan ang
mga bagay bagay, katulad ng mga tsismis sa kapitbahay, mga bayarin sa bahay at
eskwela, mga ganyan ganyan. Kaya nga hindi ko narin napigilan magtanong sa kanya
maya maya.

"Mama.."

"Oh baket?"

"Papaano ka nakamove on kay papa?"

Biglang natigilan ang nanay ko at napatitig sa mga binabanlawang damit. Saglit na


naisip kong baka ayaw na nyang pagusapan ang nangyari sa kanila ng kano kong ama.
Kaya naman hindi na 'ko nangulit.

Ganoon na lang ang gulat ko nang sumagot sya. "Alam mo kasi, anak, kung tunay mong
minahal ang isang tao, hindi ka naman makakamove on sa kanya eh. Ang tunay na
pagmamahal hindi namamatay."
"Akala ko ba first love ang hindi namamatay?" I grinned at her.

"Kuu,ikaw nagpapaniwala ka sa ganyan! Sakin ka maniwala dahil ako, naranasan ko na


'yan!"

I giggled. "True love mo ba si papa?"

"Oo." mahinang sabi nya habang nakatitig sa mga labahin. Naaalala siguro nya ang
ama ko.

"Eh di ibig sabihin di ka pa naka move on kay papa?"

Misteryosang ngiti ang isinagot ng nanay ko sakin saka nya ipinagpatuloy ang
pagbabanlaw ng dekolor na damit.

"Hala! Isusumbong kita kay tiyo Dennis!" natatawang tudyo ko. Hindi ko alam kung
saan galing ang pagalsang naramdaman ko sa dibdib ko. I'm not exactly sure if I was
happy to know that my mother still hadn't move on from my dad. Kahit pa matagal ng
deads ang isang 'yon.
"Alam mo, anak, minsan mapipilitan ka na lang sanayin ang sarili mong mabuhay nang
wala ang taong mahal mo sa tabi mo. Sa huli, kailangan mong tanggapin na hindi
talaga pwede.."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni mama. Paano yun? Paano ko matatanggap na hindi
talaga kami pwede ni Caleb? Paano ko sasanayin ang sarili ko na wala sya? Paano ko
sasanayin ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko sa gitna ng dibdib ko?

Imposible ata 'yon!

Araw araw mong mararamdaman ang sakit. Araw araw kailangan mong kumbinsihin ang
sarili mo na kaya mo, kahit parang binibiyak ang dibdib mo sa dalawa. Araw araw
kang mangungulila sa isang parte ng sarili mo na isinama nya nang mawala sya. How
can I possibly deal with that? Incompleteness and emptiness are two impossible
things to live with.

My eyes stung and I felt tears threatening to burst. Gigil na kinusot ko ang T-
shirt na nasa kamay ko.

"Paano mo natiis yung sakit, ma?" tanong ko sa kabila ng bikig sa lalamunan ko.
"Sa umpisa lang naman 'yan, anak," aniya sa malamyos na tinig. Hindi ko magawang
tingnan si mama. Nahihiya ako sa mga luhang pumapatak sa mata ko. "Darating ang
panahon, you will be able to live with the pain. You'll get used to it. Ganoon
talaga eh, minsan kung sino pang true love mo, sya pang hindi pwede sayo.."

"Ang hirap naman n'on.." sambit ko. "Akala ko'yung true love mo ang makakatuluyan
mo."

Ngumiti ng may tunog si mama. "Minsan hindi, 'nak. Minsan ang nakakatuluyan natin,
'yung taong nakilala natin sa tamang pagkakataon. Ano nga ulit 'yun? At the right
place at the right time? Ganyan ganyan.." saka sya humagikgik na parang bata.

Pilit na ngumiti na lang ako. "Eh di ibig sabihin pala, pinagtyagaan nyo lang ang
tiyo Dennis?"

"Hindi sa ganon, ano ka ba?" maagap na sagot nya. "Mahal na mahal ko ang tiyo
Dennis mo."

"Pero si papa ang true love mo?"


"Oo."

"Olabs nu'n, ma!"

Nagtawa sya. "Sino ba kaseng nagsabi sayo na hindi malabo ang pagibig? Kung di
malabo 'yan, di sana lahat tayo nakuha ang happy ending na gusto natin?"

Napaismid ako sa sinabi nya. Tama naman. Hindi nga naman lahat nakukuha ang happy
ending na gusto nila. Hindi naman kaya 'to, fairytale! Hindi ako si Cinderella o si
Snow White. Ambisyosang froglet lang na umaaasang makakatuluyan nya ang prince
charming nya!

Sana lang, makatagpo ako ng magiging tiyo Dennis ng buhay ko, sakaling hindi ko man
makatuluyan ang true love ko.

Sh-t! Di ko ata kaya na hindi si Caleb my loves ang makatuluyan ko! Ayoko ng iba!
Naexperience ko na ang best, ba't pa 'ko magsesettle for less? Pa-choosy pa 'ko no?
Pero ganyan talaga, ayoko ng second rate! Si Caleb lang gusto ko maka chuk chak
chenes! Ayaw ko ng iba!

Eh, gaga ka pala! Try mo kaya ipaglaban 'yung tao? Baka sakaling kayo talaga ang
magkatuluyan sa huli?
Pero paano naman sila mama kung ipaglalaban ko si Caleb? Kung pwede lang ba na
maging makasarili ako, why not? Kaya lang madadamay sila mama. Hindi kaya ng
kunsensya ko ang ganon.

"Natalie!"

"Oh, kuya Nero nandyan ka pa pala? Akala ko pinapatawag ka ng amo mo?" nilingon ko
ang anak ni Tiyo Dennis na si Nero. Matangkad sya na sobrang itim na itim ang
buhok. Itim na itim na nga, sobra pa? Ang redundant ko. Ang pogi din nya, mana kay
tiyo Dennis tapos ang bait bait pa.

"Paalis na sana 'ko, kaso may naghahanap sayo kaya tinawag na muna kita."

"Sino daw?" napatayo ako at nagpunas ng kamay sa daster na hiniram ko muna kay mama
para di mabasa ang damit na suot ko.

"Si Chin chun su."


Nanlaki ang mata ko. "Sinong chin chun su?"

Natawa si Kuya Nero sa reaksyon ko. "Sikreto, walang clue. Basta intsik. Alam mo na
'yon!" aniya sabay kindat sakin.

Kagago naman nito ni Kuya. Nang mapagtanto ko ang sinabi nya ay biglang kumabog ang
dibdib ko. Instik daw? Dalawa lang ang kilala kong intsik na pwedeng maghanap sa
kin.

Si Caleb at ang lolo nya.

Si Ava naman kase ay hindi masyadong intsikin ang mukha.

So, sino kaya?

Dali dali akong pumasok sa back door at muntik pang madulas sa basahan sa pinto.
"Aba'y magingat ka nga! Dyaskeng bata 'to!" narinig kong sigaw ni mama.

"Hayaan mo na, 'nay. Gwapo kase kaya nagmamadali 'yun!" sabi naman ni kuya Nero.

Oh, sh-t!

Lalo tuloy tumulin ang takbo ko papunta sa front door. Ramdam ng puso ko kung
sinong naghihintay sa akin doon kahit hindi pa sya nakikita ng mga mata ko. Para
bang may homing device ito na nagaalarm kapag nariyan na ang may ari sa kanya.

Tila tumigil ang pag inog ng mundo nang makita ko syang nakatayo sa may pinto. He
was wearing a blue polo shirt and maong pants, his hair is slightly disheveled and
his eyes have dark shadows under it. My heart squeezed at the mere sight of him.
Hindi lang pala ako ang nahihirapan. Halata sa itsura nya na masakit din para sa
kanya ang malayo sakin!

Nangatal ang labi ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Kasabay niyon ay ang
kusang paghakbang ng mga paa ko patungo sa kanya. He extended his arms towards me
and I felt the urge to run and be wrapped against his body. Niyakap ko sya ng
mahigpit at napaiyak sa leeg nya.

"God!" he whispered fiercely into my ear. "Yakap mo lang pala ang katapat ng sakit,
Natzkie. Isang yakap mo lang, nawala na lahat."

My arms that seemed to have a mind of its own clung to him like there's no more
tomorrow. Wala akong ninais kundi ang masamyo ang amoy nya na tila tranquilizer na
nagpakalma sa utak ko. Humagulgol ako at nabasa ng luha ko ang leeg nya. But Caleb
doesn't seem to mind, he just hugged me and brought me closer to him.

"I missed you, sweetie. I missed you so much!" paulit ulit na bulong nya sakin.

Matapos ang ilang minutong magkayap kami ay naghiwalay rin kami sa wakas. Hinawakan
nya ng mahigpit ang dalawang kamay ko na para bang anumang sandali ay mawawala ako
sa harapan nya.

"It seemed like forever, baby." he said. His eyes boring into mine.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Paano mo nalaman 'tong bahay


namin?"

Ngumisi sya sakin at hinila nanaman ako palapit sa kanya. "It's easy to ask for
directions, sweetie." he answered. "True love ain't that hard to find afterall."
Putek, tumu-true love din si mokong!

"B-break na tayo, Caleb. W-wala nang dahilan para puntahan mo pa 'ko.." napayuko
ako. Ayoko na syang titigan! Di ko na keri! Baka mangunyapit nanaman ako sa
pambihirang biceps nya! Masisira nanaman ang pinaghirapan kong drama nun break-up
namin.

"Natzkie, wala akong matandaan na nakipagbreak ka sakin." lumapit sya sakin at


kinailangan kong umatras bago pa 'ko bumigay sakanya. Pero di sya nagpatalo. He
brought his right hand to my face and gently wiped the tears from it. "Breaking up
while you're spitting mad is always a bad idea. People always regret that. Gusto mo
ba 'yun?"

Dinadaan nanaman nya 'ko sa pa charming! Buset much 'tong lalaking 'to!

"Buo na ang desisyon ko, Caleb. Ayoko na." pilit kong pinatigas ang boses ko. Kahit
pa sa loob loob ko'y tunaw na tunaw na 'ko sa titig nya.

"Is that so?" he took another step closer and I have to step back. He's too near.
"Parang hindi naman ganon ang ipinakita mo kanina. You hugged me like you missed me
so damn much. Naramdaman ko 'yon, Natalie. Your heart called for me. You can't deny
that."
Napalunok ako. Putakte naman kase! May payakap yakap pa 'kong nalalaman! Kabobo ko
talaga kung minsan! Ugh!!

"I kinda like this look, Natzkie," bigla na lang na sabi nya. "You look so
domesticated."

"Ha? Ano 'ko, hayop?!" i looked pointedly at him. Mga stratehiya talaga ng lalaking
'to! Kung hindi ako idadaan sa pagpapacharming, ididistract naman nya 'ko.

Tumawa sya. "That's not what I meant, sweetie." hinapit nya 'ko sa bewang. Tumitig
sya ng husto sa mga mata ko at pakiramdam ko, hinihypnotize nya 'ko. "You look very
wifely."

Bigla ang pagragasa ng dugo sa pisngi ko. I looked away from him.

"Ang sarap mong pakasalan.." bulong nya.

"Heh! Tumigil ka nga!" sawata ko. Nagpumiglas ako upang makawala sa mga bisig nya.
"Bati na ba tayo, Natzkie?"

"Hindi!"

"Why not?" paawa ang itsura ni Caleb. Imbis na mainis ay gusto ko pang pisilin ang
pisngi nya. Wala talaga akong panalo sa lalaking ito! Ang depensa ko ay kusang
nalulusaw sa mga titig ng hudas na 'to! It's so unfair!

"Caleb, tama na-"

"No." mariing sagot nya. Hinawakan nya 'ko sa magkabilang braso at niyakap. "Hindi
ako papayag na makipagbreak ka sakin, Natalie. Tandaan mo 'to, simula nang minahal
kita, akin ka na. At hindi ako papayag na mawala ka pa sakin! It may sound clingy
and obsessive but it's true. Idinedeklara kong akin ka na, at sayo na 'ko.."

Napasigok ako sa pinipigil kong luha. "'Wag ka magbitaw ng salitang di mo kayang


panindigan, Caleb! Masasaktan lang ako!"
"Sinong nagsabing di ko paninindigan, Natalie?" hinalikan ng ng paulit ulit ang noo
ko saka ako tinitigan. "I only have two things, Natalie, my words and my balls, if
I don't have them, I'm not a man. At sinisiguro ko sayong isang daan at isang
porsyentong lalaki ako."

Ano ba naman 'yan? Bakit napunta sa usapang itlog 'to?

"Kaya please? Stop trying to break up with me." tuluyan na nya 'kong niyakap ulit.
"Nakakaulol na eh. Hindi mo 'ko basta basta mapapasuko sa mga salita mo. You'll
just end up hurting us both."

Naiyak na 'ko sa bisig nya. "Kainis ka naman eh! Alam mo bang pinagpractisan ko
maiigi yung sasabihin ko? Sinayang mo lang effort ko! Ang tigas tigas ng ulo mo!"
sinubukan ko syang bayuhin sa dibdib but he easily caught my hands.

"Oo nga, ang tigas tigas na!"

Natatawang hinampas ko sya sa balikat. "Tumigil ka dyan, bruho ka! Baka marinig ka
ni mama, pakukuluan nya kung ano man ang matigas sayo nang lumambot 'yan!"

"Kaw naman, biro lang!" ngingisi ngising sagot niya. "Nasan ba si mama pakilala mo
na 'ko."
"At bakit? Mamamanhikan ka na ba?"

"Kailangan ba mamamanhikan para makilala ang mama mo? Kung ganon magbihis ka at
bibilhan na kita ng singsing!"

"Tumigil ka nga sa mga biro mo!" salubong ang kilay na sabi ko. Paasa moves nanaman
'tong bugok na 'to!

"Seryoso 'ko.."

Minsan ang sarap na lang talagang maniwala sa mga pangako nya. Ang sarap sarap
umasa na may happy ending ako, kasama si Caleb na true love ko. Kaya lang ang hirap
naman na sa bandang huli, durugin na lang ng kung sino ang happy ending mo. Mas
masakit kapag hawak mo na yung tagumpay, tapos biglang aagawin pa sayo.

####################################
Chapter 30
####################################

Dedicated kay RussiaVini, sana hindi pa huli at mabasa mo ito! :3 Salamat sa


pagbili ng book ko (Wicked Ways). Hayaan mo, malay mo dalhin ako ng masamang hangin
sa Cebu at mapirmahan ko 'diba? :D

---
Natalie

Hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko patungkol sa relasyon namin ni
Caleb. Mahal ko sya. Hindi ko pa 'yon nagagawang sabihin sa kanya pero alam kong
nararamdaman nya. At alam kong gaya ko, hindi na rin sya papayag na mapaghiwalay pa
kami ng kung sino.

"I don't think so, Natzkie."

Umismid ako. "Wala ka nang magagawa! Kailangan nating gawin 'to, may iba ka bang
naisip na paraan?"

"Wala, but-"

"Wala ng but but, Caleb! It's the only way, ya know?"

Sumimangot sya at nagkagatla ang noo nya. "I know, it's just that.. Something about
your scheme doesn't sit well with me."

"Like I told you, we have no choice. Ayokong makalapit lapit ang lolo mo sa pamilya
ko." i crossed my arms in front of my chest and looked at him stubbornly.

Caleb still looked skeptical. "I completely understand you, baby, but isn't there
another way?"
"Wala na nga akong ibang maisip!"

Isinuhestyon ko kase na magpanggap kaming naghiwalay na para sa katahimikan ng


lahat. Wala pang permanenteng solusyon kung paano matitigil ang lolo nya sa
pagmamanipula sa buhay nya but at least this buys us time to come up with a lasting
solution.

"Are you sure about this, Natalie? Kaya mo ba?" bakas ang pangamba sa mukha nya
ngunit determinado na 'ko.

"Wala 'kong di kakayanin para sayo, Caleb, alam mo 'yan."

He stared at me for a few seconds more then he licked his lower lip. Tinaasan ko
naman sya ng kilay. "Ang sweet mo naman, pakiss nga ako?" tumango pa sya na tila
batang nangungulit ng piso tapos ay inginuso ang mapupulang labi.

Napakaloko nito.

"Heh! Makita tayo ni mama!"

Naipakilala ko na sya kanina sa nanay ko nang datnan kami nito na nagyayakapan sa


may sala. Nasigawan pa nga ako dahil hindi ko man lang daw nagawang magbihis at
naka duster akong butas butas sa harap ng bisita. Ipinakilala ko din si kuya Nero
sakanya and it turns out Caleb already knew my brother for he is working for one of
his friends.
Magiliw ang naging pagtanggap ng nanay at step brother ko sa kanya. Madaling nakuha
ni Caleb ang loob ng mga ito at kung hindi ko lang sya kinurot sa tagiliran marahil
ay nakapagbiro na ito sa kanila ukol sa kasal na sinasabi nya.

Ni hindi pa nga ayos ang problema namin sa lolo nya, chura nitong lalaking 'to!

Caleb was carressing my face and was lowering his head for a kiss when my phone
rang. Nakangising iniwasan ko ang halik nya at dinampot ang cellphone sa ibabaw ng
lamesita. Ganoon na lang ang pagkabigla ko nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.

"Who is it?" kunot noong tanong ni Caleb.

"It's Axel."

He swore under his breath and threw his head on the backrest of the sofa. Tinitigan
ko syang maigi habang hawak hawak parin ang phone na patuloy sa pag ring. He arched
a brow at me. "Sagutin mo na, baka may importanteng sasabihin ang ex mo."
pinagdiinan talaga nito ang salitang ex.

"Caleb.."

"Seriously, Natzkie, it's okay." his eyes diverted to the window.

"Magseselos ka eh." nakangusong sabi ko.


He forced a smile at me. "You're right, magseselos ako." tumingin ito sa phone na
tumigil lang saglit sa pagring ngunit after a few seconds, tumunog na ulit.
"Actually, nagseselos na 'ko ngayon pa lang. But that might be important. Sige na,
sagutin mo na't baka uminom ng racumin 'yang payatot mong ex."

Napangiti na lang ako at hinalikan sya sa pisngi. "I'll make it quick." i promise
then pressed the answer button. I didn't feel the need to get up from my seat and
find a more private place. I just thought that whatever Axel's got to say, Caleb
has to hear it too. Ayokong magsuspetsa ang boyfriend ko. "Hello?"

"Nana?"

"Axel." i acknowledged. "Sinabi ko na sayo na tigilan mo na ang pagtawag sakin ng


Nana. Anong kailangan mo?"

"I'm sorry, did I catch you in such a bad time? Mukhang mainit ang ulo mo." pabiro
pang sabi nito sa kabilang linya.

Napairap ako. I looked at Caleb and he was smiling at me. Damn, I need to kiss him
right now! "Uhh, Axel, can you make it quick? May gagawin kase ako." hahalikan ko
lang 'tong pogi kong boyfriend. Napahagikgik ako sa loob loob ko.

"Hmm. Okay. Gusto lang sana kita iinvite sa isang event sa office, wala kase akong
kadate."

"Ka date?" i repeated. Caleb's brows furrowed. "You do realize that I am your ex,
right? Matagal nang tapos ang relasyon natin. Baka lang nakalimutan mo?"
"Natalie naman.." he said. "Just give me a chance para makabawi sayo. Please?"

"Bakit nga pala ako ang niyayaya mo?"

"Balita ko kase.."

"Balita mo ano?"

"You and Caleb broke up?"

My breath hitched. Bakit tila ang bilis naman yatang kumalat ng balita? Noon eh
wala namang nakakaalam na kami ni Caleb tapos ngayon, alam ng lahat na nagbreak
kami? What the hell? "Paano mo nalaman?"

"It doesn't matter, Nana,"

"Of course it matters!" di napigilang napataas ang boses ko. Hindi nakasagot si
Axel sa kabilang linya. "I'm sorry Axel, I didn't mean to-"

"It's okay, Bumawi ka na lang sakin, at samahan mo 'ko sa event. That's on


saturday. Formal wear. 6pm. I'll pick you up. See you, Nana!"
Napanganga ako at tinitigan ang cellphone. Ano nangyari?

"Anong date pinagsasasabi ng mokong na 'yon?" maasim ang mukhang untag sakin ni
Caleb.

"He wants me to be his date in an event. Sa office daw nila?"

"Damn." he muttered.

"Why?" nagpapanic na tanong ko.

He looked at me apologetically. "It's a celebration of the merger. Our company and


Heather's dad's company. On saturday in our hotel."

"Oh." tanging naisagot ko.

"Yeah. Oh." ani Caleb. "I'm gonna be there, too. With.. Heather."

Napatungo ako. Ka-date ni Caleb sa event si Heather. Kung sasama ako kay Axel,
paniguradong makikita ko ang dalawa dun. Kakayanin ko ba?
"Nagseselos ka ba, Natzkie?"

"Oo." agad na sagot ko.

"I'm sorry." he sighed. Ngunit hindi parin ako tumitingin sa kanya. "Look, if you
feel bad about this, hindi na lang ako aattend. I'll make an excuse. Just don't be
like this, sweetie. Ayokong magisip ka ng masama sakin."

Nagaangat ako ng paningin at nguniti ako sa kanya. "Sasama ako kay Axel,
tatanggapin ko ang imbitasyon nya."

"What? No!"

"No! No!" alo ko sa kanya. "I have to be there, Caleb. Para mabantayan kita. And
para mabantayan mo rin ako. If we both show up with different dates, iisipin ng
lolo mo na break na talaga tayo and that will get him off our backs!"

Saglit na nagisip si Caleb. "Pero magseselos ako pag nakita ko kayong magkasama ni
Axel at alam ko ganun ka rin. I don't want you to get jealous. Baka awayin mo pa
'ko."

Niyakap ko ang boyfriend ko. "Okay lang, you can always reassure me na ako lang ang
mahal mo para di ako magselos."

He smiled against my head. "Can we start now?" he tilted my chin up.


"Hell yeah." bulong ko bago bumaba ang labi nya sakin.

---

I nervously wrung my fingers as the elevator ascended to the hotel's function room.
Nakangiti si Axel habang nakaakbay sakin at nakatingin sa repleksyon namin sa
salamin ng elevator.

"I missed you, Nana."

I squirmed under his touch. "Please, Axel, pinagbigyan ko lang ang imbitasyon mo
pero hindi ibig sabihin nito magkakabalikan na tayo." dumistansya ako ng kaunti sa
kanya at ineksamin ang repleksyon ko sa salamin. I was wearing a black sequined
gown, courtesy of my ever reliable best friend. Konserbatibo iyon kung ang
pagbabasehan ay ang halos close neck na yari nito at ang mahahabang manggas. Ngunit
pag tumalikod ako ay hantad ang buong likod ko.

Which is why I'm nearing hypothermia now.

Takte, ba't ba kasi pumayag ako na ito ang suotin ko? Kulang na lang manginig ang
ngipin ko sa sobrang lamig sa loob ng hotel nila Caleb.

"I'm sorry.." usal ni Axel. "I was just trying to win you back."
Nilingon ko sya at inalayan ng maliit na ngiti. "Let's just be friends, Axel. Kung
anuman ang meron tayo noon. Tapos na 'yon. Hindi na natin maibabalik pa. I'm
sorry."

"It's okay. Alam ko naman 'yun." he sighed. "Nagbabakasakali lang naman ako."

Tumango na lang ako bilang sagot. Ayokong sumagi sa isip nya na dahil kay Caleb
kaya ayoko nang makipagbalikan. Ayokong may makaalam na hindi kami totoong
naghiwalay.

Nang marating namin ang function room ay halos malula ako sa ganda ng lugar. The
place was swarmed by handsome and beautiful people. Pakiramdam ko tuloy ay OP ako.
Parang hindi ako nababagay sa ganitong lugar. Hindi ako nababagay sa ganitong
mundo.

Napailing ako. Erase! Erase! I shouldn't be thinking like this! If I wanna be a


part of Caleb's life, dapat makasanayan ko ang ganito. This is his life.

"Let's go, Natalie." ang paghawak ni Axel sa bandang likuran ko ang nagpabalik sa
akin sa ulirat. Hindi ko napansin na napatigil pala ako sa entrance ng lugar.
Niyakag nya ako patungo sa table na designated para sa kanya.

Habang naglalakad ay inilibot ko ang mata ko in search of Caleb. Nang matagpuan ko


sya ay agad na nagtama ang mga mata namin. Halos malaglag ang panga ko nang hagurin
ko siya ng tingin. He was wearing a black tuxedo and he looks so handsome! Jusko!
Ang panty ko, nalaglag yata!!

He smiled as he took on my appearance. Sinadya kong magpaganda ngayon, para sakin


ka lang titingin bugok ka! I hope my message was conveyed at the way my eyes
squinted at him. Tumango sya at bahagyang kinagat ang labi upang ipaalam sakin kung
gaano nya naappreciate ang ayos ko. Natawa naman ako dahil bigla syang niyugyog ng
kausap nya. Si CTK pala!

Nagkatawanan ang dalawa at pasimpleng lumingon si RD sa direksyon ko. Lumapad ang


ngiti nya ngunit agad syang sinuway ni Caleb. They both looked around and made sure
no one sees them. Pagkatapos ay muli akong nilingon ni RD at pasimpleng ngumiti,
tumango at bahagyang inangat ang kopita ng alak na hawak nya.

Lihim na napangiti naman ako. Mukha namang aprub ako sa kaibigan ni Caleb.

"Nana, anong gusto mo? Dadalhan na lang ba kita ng pagkain o sasama ka sa buffet?"

"Sasama ko." mahinang sagot ko kay Axel at tumayo na mula sa silya.

Muling naglandas ang mata ko patungo kay Boyfie. Ang pogi talaga nya! Napahagikgik
ako sa loob loob ko.

Gusto ko sanang ienjoy ang event ngunit agad kong nakita ang lolo ni Caleb at
sumama na ang timpla ko. Hindi nya ako napansin gawa ng sobrang daming bisita at
marami itong kahuntahang matatanda rin gaya nito. I wonder kung lahat ng mga
kaibigan nya ay matapobreng tulad nya. I scowled.

Maya maya ay inanunsyo na ng matanda ang engagement ni Caleb at Heather. Pinilit


kong 'wag makinig at nagpatay malisya na lang ako hanggang sa tapikin ako sa kamay
ni Axel. I realized I was torturing the steak on my plate. Ang sarap ng pagkain
pero nawalan na 'ko ng gana.

"Ayos ka lang ba, Natalie?"


"Ha?" pinilit kong ngumiti. "Oo naman. Ano ka ba? Ba't naman ako hindi magiging
maayos?" I speared a piece of meat and stuffed it in my mouth. "Hmm. Sarap nito
ha?"

"Hinay hinay lang baka mabulunan ka nyan?"

Nagnakaw ako ng tingin kay Caleb. He was looking at me like he wanted to apologize.
I smiled reassuringly at him. Ayokong pagsisihan nya na pinayagan nya 'kong pumunta
dito. Nakakainis lang naman kase dahil sadyang napakaharot ng Heather na 'yan! Kung
makapulupot kay Caleb, ganon na lang!

Pero sa totoo lang, naaawa rin naman ako sa kanya. Biruin mo, sa ganda nyang 'yan.
Kailangan pa nyang ipagpilitan ang sarili nya sa taong ayaw sa kanya? She's almost
perfect, and yet nobody seems to want her. Maging si Axel ayaw din sa kanya.
Patunay lang na hindi dahil maganda ka, makukuha mo ang lahat.

Naputol ang isipin ko nang may lalaking biglang lumapit sakin.

"Excuse me? Ms. Natalie?"

Napalingon ako sa kanan ko at nabungaran ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

"I hope you still remember me? I'm Dorian Jimenez?" pakilala nito sa sarili.
"Of course!" napatayo ako mula sa silya ko. "Nice seeing you again, Mr. Jimenez.
Have a seat po."

"Salamat." anito na naupo sa kanan ko. Naupo narin ako at ipinakilala si Mr.
Jimenez at si Axel. Nagkamayan ang dalawang lalaki. "Mabuti na lang nakita kita
dito. I've been meaning to talk to you. I believe my agents have been in your
place? They brought some pictures of your masterpieces."

"Ay opo, nagpunta po sila noong nagdaang araw. Nung una ayaw ko pa nga po sanang
maniwala na mga kasamahan nyo sila." sagot ko. Medyo bangenge pa kasi ako ng mga
panahon na 'yon dahil kabebreak lang namin ni Caleb. "So, kamusta po? Ano pong
balita?"

"Uhh, how do I put this?" ngumiti sya sakin at humugot ng malalim na hininga.
"Magkakaroon kasi ako ng exhibit this coming month. And uhh, I would like to
propose sana na maging bahagi ka ng exhibit na ito."

"Talaga po?" my eyes bulged out of their sockets.

Natawa ang lalaki. "Yes. You will be one of our featured artists alongside my
uncle, Mariano Diaz."

Napatanga ako sa kanya. "Is this for real?"

"I'm afraid it is." he.chuckled at my expression.


"Oh my god! Sure! It would be my pleasure!"

"Great! I'll have my agents arrange a meeting with you, Ms. Natalie."

Halos hindi ako makahinga sa magkahalong kaba at excitement ng mga sumunod na


sandali. I just realized that Axel was clapping my back and he too was smiling
broadly at me. Nakakaoverwhelm yung feeling! Hindi ko akalain na dadating pa ang
pagkakataon na ito!

"I'm so proud of you, Nana!" ani Axel nang magpaalam na si Dorian.

Napatango lang ako at sinapo ng magkabilang kamay ko ang bibig ko. Hindi talaga 'ko
makapaniwala! Sobra sobra na 'to sa hiniling ko! Agad na hinanap ng mata ko ang
boyfriend ko at hindi naman ako nabigo. He was also looking at me so proudly. He
even winked at me and gave me a thumbs up sign. As if on cue ay biglang tumulo ang
luha ko.

"Oh my god.." sambit ko. Thank you lord! Thank you po talaga! Ibang klaseng
blessing 'to at hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa nangyari.

"Natalie, umiiyak ka?" tarantang inabutan ako ni Axel ng panyo at hinimas ang likod
ko bilang pag-alo. "Shh. Shh.. Don't cry. Alam ko nakakaoverwhelm yung pakiramdam,
Natalie, congratulations."

Sunod sunod ang tango ko habang pinapahid ang luha ko. Thank god for water proof
make up!
Nang mahimasmasan ay lumingon akong muli sa direksyon ni Caleb. Wala na ito doon.
Inisip ko tuloy na baka niyaya ito ni Heather so kung saan pero namataan ko ang
babaeng nakikipagusap sa mga kaibigan nito. Where's Caleb?

Panay ang lingon ko hanggang sa may maramdaman akong kumakalabit sa likod ko.
Paglingon ko ay si RD ang naroon. "Hi, Natzkie."

"RD!" napasinghap ako. Hindi ko akalain na kakausapin nya ko.

He bent down in level of my ears and thank god Axel went to the men's room. "I'm
here to relay a message." he said. "Caleb says he'll meet you at room 7021." he
pressed a key into my palm and immediately left.

Sakto namang bumalik si Axel sa mesa at agad naman akong nagpaalam na ako naman ang
gagamit ng powder room. Tumayo ako at nang makarating sa exit ay lumingon lingon
muna ako bago ako tuluyang lumabas sa lugar.

Hindi magiging mahirap hanapin ang kwartong sinabi sakin ni RD dahil dalawang
palapag lang iyon mula sa function hall. I immediately took the elevator and
pressed for the seventh floor. Nang marating ko ang kwarto ay kabadong isinuksok ko
ang susi sa pinto at pinihit pabukas ang seradura. The door opened and a hand
quickly pulled me inside.

My breath was knocked out of me as I slammed into his rock hard body. "Damn! It's
so hard to just watch you in a distance when all I could think of the moment you
stepped into the room was to hug you and kiss you. What have you done to me,
woman?"

"Ang OA mo, Caleb." humahagikgik na sabi ko at sinuklian ko din sya ng mahigpit na


yakap. "I missed you."
"I missed you, too, sweetie." bulong nya sakin. "Pasensya na hindi na 'ko
makatiis." inangat nya ang mukha ko at agad na inilapat ang labi nya sa labi ko.

####################################
Chapter 31
####################################

Dedicated to Chinyabut! Enjoy reading my dear! :3

---

Natalie

Wala na yatang mas sasarap pa sa mga halik ni Caleb. Hinding hindi ako magsasawa
kahit ito pa ang agahan, tanghalian at hapunan ko, araw araw! Isama mo pa ang
merienda at midnight snack! Syet, labi pa lang, ulam na! His mouth tasted like wine
and I'm slowly getting addicted to it with every swirl of our tongues. He smelled
so good, too. Very manly with a small hint of perfume. I smiled against his lips.
Sana tumigil ang oras at manatili na lang kami dito sa loob ng kwartong ito habang
buhay!

"Why are you smiling, sweetheart?" his lips brushing against mine. His hands curled
in the base of my waist and his fingers are slightly grazing the skin of my back.

"May balak ba tayong gawin sa kwarto na 'to, Caleb?" agad na namula ang pisngi ko
nang mapagtanto ko ang nasabi ko. Nalasing na yata ako sa labi nya at kung anu ano
na ang sinasabi ko! "I-I mean-"
Caleb chuckled and lifted my chin using his thumb and forefinger. "Bakit, sweetie?
Gusto mo ba may gawin tayo?"

"H-Ha? H-Hindi naman-"

"Gusto mo ba may mangyari sa'tin ngayong gabi?" his eyes glinting as he spun me
around so we are both facing the king sized bed in the middle of the room. "Had I
known na gusto mong may mangyari sana kumuha man lang ako ng suite."

My insides clenched at what he was implying. I sagged against him and I felt the
fabric of his suit on my bare back. Tila nanghina ang mga tuhod ko at kinulang ako
sa hangin kaya bigla akong naliyo. Ang mga kamay nya ay mahigpit na nakahawak sa
balikat ko para alalayan ako habang hinihintay niya ang sagot ko. I gulped. My hand
instinctively reached for his hand for comfort, ngunit nalimot kong nasa mga
balikat ko nga pala iyon at iba ang nadakma ng kamay ko.

"Ow!" Caleb jumped back and I quickly turned to him.

Batid kong pulang pula ngayon ang mukha ko. "Sorry! Sorry! Juicecolored! Ano ba
'yun?!" Did I just grab his genitals? Oh God! I did not, did I? But, Oh my
goodness, he was hard!
"Natzkie?! A little warning would do!" he scolded. His face was the same color as
mine. He winced as he turned his back to adjust his crotch, muttering silent
curses.

"Sorry na nga eh." I pouted. Hindi ko naman sinasadya na mapisil iyon. Bigla na
lang talaga! Umakyat na yata sa mukha ko lahat ng dugo ko.

He looked at me and studied me for a while. Then a small smile formed in his lips.
"Oh 'wag ka nang sumimangot d'yan. Come here." he opened his arms for me.

"I promise I won't grab your.. Your thing.. Again." napayukong sambot ko.

Natawa sya ng husto at hinablot ang kamay ko. Hinigit nya akong palapit sa katawan
nya at niyakap ako. "Sorry, sweetie, are you disgusted with me now?" masuyong
bulong n'ya.

"Hindi kaya." nagsalubong ang kilay ko. "Baka ikaw, na-turn off ka na sakin? Hindi
ko talaga sinasadya, Caleb. Masakit ba?"

"Medyo lang." tatawa tawa padin nyang sagot. Naramdaman ko ang daliri nya
nanaglalaro sa likod ko. He was tracing my spine using his fingers and goosebumps
started raising on my nape and arms. "So...?"
"Anong so?" nakanguso ko pa ding tanong.

Natawa sya. "Wala." iginiya nya ako paupo sa kama at kunot noong tinitigan ako.
"You look astonishing tonight, Natzkie. But I don't really approve of this kind of
dress."

"Ano namang masama?"

"Masyadong revealing!"

Umingos ako. "Eh bakit si Heather, kulang na lang lumuwa ang dibdib nya sa suot
nya?"

"Wala akong pakialam sa kanya." dinaluhan nya ako at umupo sa tabi ko. Hinimas nya
ang nakahantad kong likod. "You look beautiful, Natzkie. Pero mas maganda ka sa
paningin ko kapag balot na balot ka. This," his palm traced the skin from my nape
down to the small of my back. "is for my eyes only."
"Ang damot! Ishare mo naman sa iba, kahit konti!" tudyo ko pa.

"Ayoko! Akin ka lang eh. Madamot talaga 'ko pagdating sa'yo."

Pa demure na ngumiti ako at ipinulupot ang braso ko sa leeg nya. "Bakit ba sobrang
sweet mo ha?"

"Sweet ako? Kiss mo nga ako kung sweet ako." hamon niya habang kumikinang ang kulay
tsokolateng mata na nakatitig sa'kin.

"'Yun lang ba?" I was about to bring my lips to his when someone knocked on the
door. "Sino 'yun?" kinakabahang tanong ko.

"I don't know." tinanggal ni Caleb ang mga braso ko sa leeg nya na syang
ikinasimangot ko.

My hand gripped his arm and prevented him from getting up. "Hayaan mo na lang-"
"Wait here, Natalie."

Tuluyan nang nawala ang ngiti ko at humalukipkip habang patungo si Caleb sa pinto.
He peaked on the peep hole and we heard someone talk. "Pare, Heather's looking for
you. Papunta na sya dito. Bakit kasi ang tanga mo? You booked this room using your
name? You're so dumb, pare!"

"Shit!" he wrenched the door open and ushered RD in. Napatayo na rin ako mula sa
kama at lumapit kay Caleb. His friend threw me an apologetic look.

"I'm really sorry for interrupting you guys but your dates are both looking for
you." anito na saakin nakaharap pagkatapos ay bumaling sya kay Caleb. "Dude, like I
said, papunta na dito si Heather. I saw her talking to the receptionist. You have
to get out of here before she sees both of you."

Napahagod si Caleb sa buhok nito. Tinapunan nya ako ng tingin. "I can't, RD."

"Alam kong kanina pa kayo sabik sa isa't isa," ani RD. "but you don't want to make
a scandal pare. Nasa party tayo. Engagement party mo!"

I winced at that. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'ya.


"I'm sorry Natalie."

Umiling lang ako kay RD at naupo sa kama. Tapos na ang fairytale ko. Oras na para
gumising sa katotohanan. "Sige na, Caleb, bumaba ka na. Susunod na din ako."

Marahas na umiling si Caleb at nilapitan ako. He cupped both my cheeks and looked
at me intently. "No, sweetie, I won't leave you here, okay? RD, can't you make an
excuse or something?"

"Dude-"

"Please, pare, I'll owe you!"

"Hindi na, Caleb!" tumayo ako at hinawakan sya sa braso. "I'll be fine, sige na
puntahan mo na si Heather. Gusto ko na din umuwi at medyo sumama ang pakiramdam
ko."
He groaned and hugged me fiercely. "I'm really sorry, sweetie. I hate to do this."

"Okay lang talaga-" naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng sunod sunod na
katok ng pinto. All three of us hurried towards the door and Caleb peaked on the
peep hole, again. Nadismaya ako sa reaksyon nya. Alam ko na agad na si Heather
iyon.

"Caleb, honey, are you in there?" she said in her irritating high pitched voice.
After that, she rattled the door knob. "Caleb, let me in! I know you're in there,
the receptionist told me."

Napapikit ng mariin si Caleb at muli akong niyakap. Si RD ay nagaalalang nakamasid


lang sa amin.

"I'm really sorry, sweetie. I'll make it up to you, okay?" he grabbed my face and
kissed me a little roughly. "I love you so much, sweetie." bulong nya sa tainga ko
bago ako pinawalan. He turned towards RD. "Stay here with her, make sure she comes
back to the party safe."

"No problem." pabulong na sagot ni RD.

Tumingin muli sakin si Caleb at kita ko kung gaano sya nahihirapang iwan ako. My
chest tightened at his pained expression. Kahit ako naman, ayoko syang umalis. Pero
tama si RD, magdudulot ng eskandalo ito kung sakaling mahuli kami ni Heather na
magkasama. Siguradong sasabog sa galit ang babae at lalung lalo na ang lolo ni
Caleb.

He took my hand and squeezed it. I mouthed the words go and he mouthed the words, i
love you, before we heard another bout of knocks and rattling of the knob. He
sighed exasperatedly and RD and I moved towards the back of the door. He casted me
another longing look and opened the door.

Hindi ko naiwasan ang pagtulo nang luha ko nang tuluyan na syang makalabas ng
pinto. RD squeezed my shoulder as we both remained flat against the wall. I know
I'm being childish. Ako naman kasi ang nakaisip nito pero bakit ganun? Ang hirap
pala kapag may ka-share ka sa true love mo. Oo, alam ko naman na mahal ako ni Caleb
at gingawa lang namin 'to para sa kaligtasan ko at ng pamilya ko. Pero hindi ko
pala kaya na may kahati sa kanya.

"Shh." bulong ni RD sa tainga ko. "Baka marinig ka nila. Tahan na."

Noon ko narealize na sisigok sigok na pala ako. Pinahid ko ang mga luha ko at agad
na sumilip sa peephole nang sumara ang pinto.

"Bakit ang tagal mo magbukas? What are you doing there ba?" I heard Heather saying
as she grabbed Caleb's hands. She's pouting and throwing herself at my boyfriend.
Nanginig ang kalamnan ko. Ganito pala ang feeling pag harap harapan nilalandi ng
iba ang boyfriend mo, nanlalaki ang ulo ko at ilang segundo na lang gigibain ko ang
pintong 'to at sasabunutan ko ang babaeng ito hanggang anit na lang ang matira sa
ulo nya. Ingungudngod ko mukha nito sa sahig hanggang mapuno ng carpet burns ang
mukha nya! Malandi! Higad! Sarap buhusan ng muriatic acid! Grrr!

"I'm tired, Heather, cmon," tatalikod na sana si Caleb nang higitin ito ng babae.

"Okay, give me a kiss first." lalong nagdilim ang paningin ko nang walang anu ano'y
sinakop ng babae ang bibig ng nobyo ko.

My hand grabbed the knob but RD was quick on snatching it. He wrapped his arms
around me, caging me. "Don't do it, Natalie, please." he whispered from behind me
as he tugged me towards the bedroom. "Natalie, stop."

Noon ko namalayan na nanginginig na pala ako. My eyes started to water as RD eased


me to the bed. Napaupo ako doon habang sya naman ay yumukod sa sahig, patuloy na
hinihimas ang ulo ko na parang bata. I slowly relaxed. "That's right. Take it easy
babe." his soothing voice calmed me.

Sunod sunod ang paghinga ko sa bibig dahil sa barado kong ilong. Naglabas ng panyo
si RD at itinapat iyon sa ilong ko. "Blow."
Tila masunuring bata na ginawa ko naman ang utos nya.

"Hindi gugustuhin ni Caleb na makita kang ganito, Natalie." he said while wiping
snot off my nose. "I'm sorry for what happened. Please, 'wag ka nang umiyak.
Sasapakin ako ni Caleb pag nakita ka nyang ganyan."

"Gusto ko nang umuwi." hikbi ko.

"Do you want me to drive you home?"

Sisigok sigok na tumango ako.

"Paano ang date mo?"

"I don't care!" nagsimula nanaman akong humagulgol at agad na naupo si RD sa tabi
ko at inalo ako.
"Hush, Natalie." he said. "Ako nang bahala. Ihahatid na kita sa iyo. Tahan na,
please?"

I grabbed his tux and cried against his neck. He awkwardly patted my back and
continued whispering reassuring words to me. Iyon na ang huli kong naalala sa
gabing iyon.

---

Caleb

I slammed RD against his Ford Expedition the next day I saw him. Hindi sinasagot ni
Natalie ang mga tawag ko and I was worried sick. Gusto ko na sana syang puntahan sa
bahay ngunit natali naman ako sa isang board meeting.

"Whoa!"

"Where's Natalie? What happened to her? Bakit hindi nya sinasagot ang mga tawag
ko?" pinitserahan ko si RD at ngali ngali nang sapakin ang mukha nitong nanatiling
nakangisi sa akin kahit pa ilang segundo na lang ay sasabog na ang ulo ko sa inis.
"Hey, easy!" aniya. "Drae and the guys are here, baka isipin nila nag e-LQ tayo."

"Tarantado ka!" i hissed as I let go of his collar.

Pailing iling na inayos nya ang sarili habang ako naman ay tinanguan ang mga
barkada naming kalalabas lang ng mga kotse nito. "Tara, Caleb! Foodtrip muna tayo,
kararating lang ni Scor!" Drae called.

Tinanguan ko lang muli sya bago bumaling kay RD. "Ano na? What happened to my
girlfriend? Simula pa kagabi hindi sya sumasagot sa tawag ko. Did something happen
when I left her last night? Hindi na rin sya bumalik sa party. Was she able to get
home safe?"

Nainis akong lalo nang pagtawanan ako ni RD. "Iba talaga tama mo, pare!"

"Tangina, pre!" napasabunot ang isang kamay ko sa buhok ko. "Hindi mo lang alam!"
"Mahal mo ba?"

"Oo!" I rubbed my face with my hands. "Mahal na mahal ko. Kaya kailangan makaisip
na 'ko ng paraan para makawala sa engagement na 'to."

Pailing iling na sumandal si RD sa sasakyan nya at pinagkrus ang mga braso at mga
paa. "Your girlfriend's upset. Apparently, nakita nyang naghalikan kayo ni
Heather-"

"Sh-t naman pare! Hindi ko hinalikan 'yon!"

"Relax!" nakangising sambit ni RD. "Alam ko. Alam din ni Natalie 'yon! Pero
magkagayunpaman, it upsets her. Ikaw kaya makita syang hinalikan ng kung sinong
lalaki d'yan, papayag ka ba?"

"Of course not!"

"See?" tinapik nya ako sa balikat. "Give her some space. Hayaan mo muna magpahinga
ang girlfriend mo, nakatulog 'yon sa hotel kakaiyak. Binantayan ko sya hanggang sa
magising sya. And don't worry, I didn't do anything! Ako na rin ang nagtext sa ex
nya na masama kunwari ang pakiramdam nya at nauna na s'yang umuwi. Ako rin ang
naghatid sa kanya kinaumagahan at kung hindi mo maitatanong, I slept on the couch
of that damned hotel room. So, you owe me big time."
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag sa narinig kong kwento ni RD. Kaya lang
ay kailangan ko paring magpaliwanag kay Natalie. I really didn't kiss Heather. Sana
nakita nya kung paano ko itinulak ang babaeng iyon at iniwan sa hallway. That
woman! Sigurado masama parin ang loob ng girlfriend ko. I wanna be with her right
now. Gusto kong ako ang magpagaan ng loob nya.

"Tara na, pre. Kikitain pa natin si Ram!" sigaw ni Liam na kasamang nakatayo ni
Drae sa gilid ng parking lot.

"Tara na, Cal." yakag ni RD.

"Gusto kong puntahan si Natalie." deklara ko.

Inirapan ako ng kaibigan ko. "If I were you, palipasin mo muna. Call her or text
her instead. Mahirap na, maraming mata." he nodded at one direction and true, i saw
Honesto standing just outside their building, eyeing me suspiciously.

I cursed under my breath.


"Sumama ka na sa'min." siniko ako ni RD. "Makakatunog na sila Drae sa pinaguusapan
natin, alam mo naman mga 'yan."

Tumango na lang ako at iniwan na sya sa kotse. Dinukot ko ang susi at cellphone ko
sa bulsa at dumiretso na din sa kotse ko. Sinalubong ako ni Liam at Drae.

"Ano 'yun ha?" ani Liam.

"'Wag nga kayong tsismoso. Tabi!" sinuksok ko ang susi ng kotse ko.

"Sus, palihim lihim pa! Bakla!" tudyo nito habang tatawa tawang umalis. Si Drae
naman ay kinunutan lang ako ng noo at lumulan na rin sa sasakyan nya.

Isinara ko ang pinto ng sasakyan ko saka ko binuhay ang cellphone. "Mga bwisit."
bulong ko habang nagtatype ng text kay Natalie. May ilang minuto din ako na
nagcompose at narinig kong binubusinahan na 'ko ni Liam bago ko isinend ang
mahabang message. Tangina talaga 'to.

"Ano? Nilalaro mo pa 'yang itlog mo?" nakangising pangaasar ni Liam nang tumapat
ako sa kanya.
I just flipped him the bird and drove to Ram's house.

---

"Like they say, a shoulder to cry on becomes a d-ck to ride on."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Liam. How could this moron say that?
Palibhasa ang tingin nya sa mga babae, nothing but h-rny b-tches. In a way, naaaawa
ako sa kanya dahil hanggang ngayon sa edad nyang 'yan, hindi nya alam kung anong
pakiramdam ng nagmamahal. And probably, he will never know. Not in this lifetime, I
suppose. "'Pag narinig ka ni Ram, bangas ang aabutin mo."

"Well, he's not here."

Umalis na kasi si Ram matapos gumawa ng eksena ang magaling kong pinsan sa harap
mismo ni Charlie. Ang babaeng dating kasama nito nu'ng minsang sumabak kami sa
isang drag race. Akala ko pa naman sila na ang magkakatuluyan! Ram was so smitten
with that Red head. But, apparently, not so. Nagkasakitan ng loob ang dalawa at
ngayon, may iba nang boyfriend si Charlie sa katauhan ng bestfriend nito na
according sa ungas na si Liam, ang shoulder to cry on na ngayon ay d-ck to ride on
na ng babae.
I winced and glanced at my friends, particularly at RD. Sh-t! Ito pa naman ang
iniyakan ng girlfriend ko kagabi! P-tangina wag na s'yang makalapit lapit sa
Natalie ko mula ngayon, mahirap na baka masulot pa ni gago! Makakapatay talaga ako
ng wala sa oras at hindi bale nang kaibigan ko sya. Natzkie's mine.

Mukhang nakahalata ata si RD na masama ang titig ko sa kanya at bigla syang namula.
Naintindihan nya siguro kung anong iniisip ko.

F-ck you, man! Don't you ever lay your hands on my woman!

Napatikhim bigla si gago. "S-so, what's the plan?"

Sasagutin ko sana sya na ang plano ko ay hugutin ang bituka nya at gamitin 'yon
pansakal sa kanya nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was Natalie!

Napansin kong nakatingin din doon ang katabi kong si Scor kaya agad akong napatayo.
"Excuse me." nagmamadali akong tumayo at sinagot ang telepono ko. "Sweetheart,
where the hell are you? Are you okay?"
"Caleb?"

"What the hell? Libby? Nasa'n si Natalie?"

"Sunduin mo nga 'tong bugak mong girlfriend! Andito kami sa bar ng kaibigan mo.
She's drunk!"

"What?!"

"Sino 'yan? Si Caleb ba 'yan?" narinig ko ang boses ng girlfriemd ko sa kabilang


linya. "Baby ko! Sunduin mo na 'ko! Miss na kita! Lasing na lasing na 'ko." anito
na humahagikgik pa kahit wala namang nakakatawa sa sitwasyon. In fact, nagsisimula
na nga akong makaramdam ng iritasyon sa kanya.

"Libby, 'wag mo muna syang iwan ha? Papunta na 'ko d'yan."

"Okay, okay. Bilisan mo, paaalisin na kami ng bouncer dito eh!"


Sh-t! "Alright, hang on. Papunta na 'ko. Tell her not to do anything stupid.
Parating na kamo ako. Lagot kamo s'ya sa'kin!"

Sunud sunod na oo lang ang isinagot ni Libby at ibinulsa ko na ang cellphone. That
woman! Makakatikim talaga ang babaeng iyon sa'kin! Sinipat ko ang relo ko at
natagpuan kong alas siete pa lang ng gabi. Alas siete pa lang, lasing na! Lagot
talaga sya sa'kin!

Agad na 'kong nagpaalam sa mga kaibigan ko sa kabila ng mga protesta nila. I typed
a quick text at RD, telling him to call his employees at huwag paaalisin ang
girlfriend ko at ang kaibigan nya. Saka ko mabilis na pinasibad ang kotse ko.

####################################
Chapter 32
####################################

Caleb
Halos paliparin ko ang R8 ko matapos kong muling makausap si Libby. Natalie's
crying. Again. Humigpit ang hawak ko sa manibela at pinaharurot ang sasakyan.
Mientras businahan ako at mamura ng mga sasakyang kina-cut ko. I just want to get
to her. If there's one thing I can't bear seeing, or hearing for that matter, it's
Natalie crying. And it sucks even more because I know it's my fault.

F-ck! Sunod sunod na busina ang inabot sakin ng isang sasakyang nahihirapan yatang
magpark.

"Dammit!" agad na minaniobra ko ang sasakyan at muntik pa akong makasagi ng isang


van.

Nang sa wakas ay maiparada ko ang sasakyan ko sa tapat ng bar ay saka lamang ako
nakahinga ng maluwag. Good thing may nakalaang paradahan para kay RD at sinabihan
n'ya akong iyon na muna ang gamitin ko. The club was jampacked tonight.

I battled my way through the crowded dance floor. My eyes scanning for a familiar
brown haired woman. Where in hell is she? May ilang minuto din akong nagikot
hanggang sa makita ko si Libby na kinakawayan ako. She was seated in a booth on the
farthest end of the club. Nagmamadaling tinungo ko ang kinauupuan nya at nakita ko
ang girlfriend ko na nakadukdok sa mesa. Her bare feet dangling on the sides of the
tall stool and her hand clamped around a bottle of vodka. Sh-t!

Agad ko s'yang dinaluhan. "Sweetheart. I'm here." bulong ko sa kanya habang


hinihimas ang bumbunan nya.
Bumaling ako kay Libby. "What happened?" I said, shrugging off my brown leather
jacket. Isinukbit ko iyon sa balikat ni Natalie na hindi parin kumikilos. Tulog na
yata.

"She called me at around six pm. She was already slurring kaya tumakas muna ako sa
photoshoot ko. Naabutan ko na s'yang ganyan!" inis na inagaw nito ang bote ng alak
sa tulog na si Natalie. "Gusto ko na s'ya ihatid kanina pa kaya lang inaaway n'ya
'ko. Muntik pa nga n'ya akong kalmutin sa mukha!"

Napangiwi ako sa sinabi n'ya saka ko pasimpleng binalingan ang girlfriend ko.
"Natzkie, cmon, sweetie wake up. Uwi na tayo." hinalikan ko s'ya sa sentido at
pilit na ibinangon ang mukha nya mula sa pagkakadukdok sa mesa. Pawisan na ang noo
nya at namumula ang mukha.

"S'an mo nga pala s'ya balak dalhin?" nakapangalumbaba na tanong ni Libby habang
sinisikap kong pabangunin si Natalie. "Coz, you know-"

"May bahay ako sa malapit, don't worry hindi 'yon alam ng lolo ko." inilabas ko ang
panyo ko at pinunasan ang mukha ng pawisan na si Natalie. "Sweetie where are your
shoes? Uuwi na tayo, gumising ka na d'yan."

Inabot sa'kin ni Libby ang isang pares ng sapatos na tinanggap ko ng hindi inaalis
ang tingin kay Natalie. Ibinaba ko muna iyon saglit bago ko iniangat ko ang ulo
n'ya upang punasan maigi ang pawisan din niyang leeg. "Wait, Caleb, I think you
should know-"

"What the actual f-ck?!" ibinaling ko ng husto ang mukha ng girlfriend ko upang
sipatin ko ang namumulang sugat sa mukha n'ya. "Is this what I think this is?
Sino'ng nanakit kay Natalie?!"

"Sa totoo lang hindi ko pa alam, she was about to tell me but she passed out."
nakangiwing sagot nito.

I cursed under my breath. Who could've done this to her? Napaaway ba s'ya bago
dumating si Libby?

"Actually.."

Mabilis na tumingin ako sa babae. "She mentioned your.. Fiancee."

Noon na tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Kung hindi lang ako nagaalala
sa kalagayan ni Natalie ay nais ko nang magwala. Humigpit ang kapit ko sa gilid ng
mesa at huminga ako ng malalim. That dumb f-ck! I pulled my girlfriend against my
chest and kissed her hair. "I'll deal with that wench. Iuuwi ko muna si Natalie.
She needs to rest."
"Mabuti pa. I have to go back to the photoshoot." tumayo na si Libby at binitbit
ang clutch bag. "Kanina pa 'ko tinatawagan ng mga organizers eh. Ikaw na ang bahala
sa bestfriend ko."

Tinanguan ko lang si Libby.

"Pano? Paunahan na lang tayo sa malanding higad na 'yon?"

"I'll deal with her, Libby." madiing sabi ko.

She shrugged. "Alright." aniya. "Pero kung magkikita kami, hindi ko maipapangakong
hindi ko ilalampaso sa sahig ang mukha nya."

Binuhat ko na si Natalie at humalik naman si Libby sa pisngi nito. "Bye, bes.


Pakabait ka ha? Andyan na si Caleb."

Tinangunan ko lang ang bartender na s'ya ring manager ng club at sabay na kaming
lumabas ni Libby sa mainit na lugar na 'yon. May mga bouncers pa na nagescort
sa'min, bilin na rin siguro ni RD.

Inihatid kami ng bestfriend n'ya hanggang sa R8 at pagkatapos ay lumulan na din ito


sa volks nito. I strapped Natalie into the passenger seat and secured the locks of
her door before starting the engine. "Caleb.." narinig kong ungot n'ya kaya
napasulyap ako sa kanya. "Caleb.. I wanna go home.."

"Shh, sweetie, I'm here.." hinawi ko ang bangs n'ya at kinintalan ng halik ang noo
nya. "I can't bring you home, baby. Baka may mga nagbabantay do'n. But I promise
I'll take you somewhere safe, alright?"

"Caleb.."

"Oo nandito ko." bigla na lang nya hinablot ang kamay ko. Nagulat ako dahil
nakapikit sya at mukhang tulog naman. "Sweetheart, what's wrong?"

"I don't wanna lose you.." she sobbed while cradling my hand against her neck.
"Please don't leave me.."

My heart broke at that. Kinabig ko ang ulo nya at muling hinalikan sya sa noo. Then
I buried my face in her hair. "I won't sweetheart.. Hindi kita iiwan, okay? Don't
ever think that.." bulong ko. "I can't even stand being away from you. Just please
be strong, baby, okay? Please be strong.. Malalampasan din natin 'to."
I drove quietly to the Marina, while plotting Heather's death in my head.
Thankfully, hindi na nagising muli si Natalie at malaya akong nakadaan sa isang
restaurant upang bumili ng makakain in case na magising na ulit s'ya. I also bought
some medicine for tomorrow. Sigurado akong magkakahangover ang babaeng ito sa dami
ng nainom n'ya.

Maingat na ipinarada ko ang R8 at binuhat palabas ng kotse si Natalie. May kalayuan


ang lalakarin bago ko narating ang di kalakihang yate na iniwan sa'kin ng ama ko
bago s'ya namatay. This boat was my parent's sanctuary when they were still
together and I honestly believe na dito rin ako nabuo. That's why I kept it all
these years inspite of it's age.

Naghire ako ng tao na magmimintina dito dahil nga sa may katandaan na ang yate.
Inilihim ko rin ito kay lolo dahil alam kong tututulan n'ya ang pagtatago ko sa
bagay na may kaugnayan sa ama ko.

Dahan dahan kong ibinaba si Natalie sa nagiisang kama sa cabin ng yate. Kumislot
s'ya ng kaunti saka s'ya namaluktot at ibinaon ang mukha sa unan ko. Napangiti ako
ng mapait at naupo sa kama. Hinaplos ko ang buhok n'ya at pagkatapos ay yumuko ako
upang kintalan ng halik ang sentido n'ya. "I'm really sorry sweetie, this isn't
supposed to happen." naalala ko ang sugat n'ya sa mukha kaya tumayo ako para kumuha
ng bimpong pamunas sa kanya.

Nagtuloy ako sa banyo at nagbasa ng towelette mula sa isa sa mga maliliit na


cabinet doon. Wala pa siguro akong limang minuto na nawawala, nakarinig na 'ko ng
malakas na mga tunog mula sa nabasag na mga bagay. And then came Natalie's screams.
Mabilis pa sa alas kwatrong nakabalik ako sa silid tulugan kung saan ko s'ya
iniwan.
What the hell?

"Mga buwisit kayong lahat! Kung kailan maligaya na 'ko saka n'yo naisipang guluhin
ang buhay ko!" she flung the lampshade across the room and it landed with a crash
against the door of the cabin. "Alam ko! Alam ko! Hindi mo 'ko kasing gandang hitad
ka! Alam ko supermodel ka pero p*tangina sh-t talaga! Hindi ako dapat mainsecure!
Maganda ka lang pero ako ang mahal n'ya! Mga matapobre kayo!" hinagis n'ya sa
bintana ang digital alarm clock. "Hindi ako kasing taas ng pinagaralan n'yo! I
don't even f-cking know what I'm going to eat tomorrow! Pero hindi ako kasing baba
ng iniisip n'yo!"

"Natalie-" hindi ako agad nakahuma nang pilasin n'ya isa isa ang mga punda ng unan.
Natauhan lang ako nang sapilitan n'yang itumba ang bookshelf sa sulok ng kwarto.
Tumakbo ako sa likod n'ya at mahigpit na niyakap s'ya sa bandang dibdib at bewang.
She kicked and thrashed and screamed at me until she successfully brought the shelf
down. It rained books and small figurines above us but Natalie was still out of
control. "For Christ sake, Natalie, calm down!"

She screamed violently and wriggled out of my grasp. Hinigpitan ko ang pagkakayakap
ko sa kanya hanngang sa maramdaman ko ang panginginig ng balikat n'ya. She's
crying. Again.

"Damn them! Ang sakit na. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Caleb!" she sobbed.
"Ayokong mawala ka sa'kin. Hindi ko kaya. Pero pinipilit nila 'ko.."
Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi n'ya dahil sa kalasingan. Some of them
doesn't even make sense. Pero isa lang ang tumimo sa isip ko. They already know
about us and they're hurting her just so she would let me go.

"Ipinakita n'ya sa'kin 'yung wedding invitation n'yo alam mo ba?" natawa ng pagak
si Natalie. Kusa na s'yang nanghina at sabay kaming napaupo sa lapag. Nanatili
akong nakayakap sa likod n'ya habang s'ya ay parang lantang gulay na napasandal
sa'kin. "She said i was invited. She said.. She said she was generous enough to
invite your mistress to your wedding.."

"Hindi ko napigilan, Caleb! Sinapak ko s'ya.." hagulgol ni Natalie. "Sinabunutan ko


s'ya tapos kinalmot n'ya 'ko sa mukha! Ang shaket ang shaket shaket!" hindi ko alam
kung matatawa ba ako o maiinis sa sinasabi n'ya. Isa lang ang alam ko, I wanted to
kill Heather for hurting my Natalie.

She started sobbing again and I couldn't do anything but hug her and bury my face
on the crook of her neck. "I'm so sorry Natalie, I'm sorry you had to hurt like
this.."

"Kasalanan ko naman kasi minahal kita. I fell inlove with you even when I'm not
supposed to.."

Nagsimulang maginit ng husto ang mga mata ko. Damn! Kailangan ba talaga masaktan ng
ganito si Natalie dahil lang minahal n'ya 'ko? She doesn't deserve this. "Will it
make you feel better if I kill Heather in front of you. Will that make up for all
these pain?"
"No."

Parang may sumuntok sa dibdib ko sa kalamigan ng boses ni Natalie. "But you can
kiss me instead." nagulat ako ng humarap s'ya sa'kin at s'ya na mismo ang humawak
sa batok ko. "Make love to me Caleb, baka ito na ang huling beses na magkasama
tayo, ayoko nang palampasin 'to.."

"Don't say that!" mariing pagalit ko. "This will never be the last-"

"But what if?" tumulo ang luha sa magkabilang mata n'ya kasabay niyon. "I can't
live not knowing what it would feel like to have you inside me. This might be our
last so I better make the most out of it-"

"Shut it, alright?!" tinakpan ko ang bibig n'ya at pinakatitigan s'ya sa mata.
"This won't be the last. Hindi ako papayag. You hear that? And because this isn't
our last, I won't-Natalie? Are you okay?"

Hindi s'ya kumibo. Bagkus ay bigla na lang s'yang sumuka sa harapan ko. "Oh, sh-t!"
---

"Natalie, stop squirming, alright?" hinubad ko ang damit ng nobya ko at hinagis


iyon sa hamper. Marahil ay hilong hilo parin s'ya gawa ng kalasingan kaya dumausdos
s'ya sa braso ko. I quickly caught her and manage to take off her brassiere. Oh for
f-ck's sake! Napapikit ako ng mariin at pinigilan ang sarili ko na titigan ang
nakahantad n'yang dibdib.

"Focus, Caleb. Focus!" mariing pagalit ko sa sarili ko.

"Are you.. Are you talking to your.. Self.. Caleb?" she slurred.

Mahinang natawa naman ako. "Yes, sweetie. I am. Ikaw kasi eh. Now stop squirming
and let me take the rest of your clothes so you can take a bath. You stink,
Natzkie."

Pareho kaming naligo sa dami ng suka n'ya kanina. Mula shirt hanggang pantalon ay
pareho kaming may bahid ng kinain n'yang hapunan. O kung hapunan man ito. Natalie
would not stop giggling as I reached for her pants. Damn! Kailangan ko pang paulit
ulit na ipaalala sa sarili ko na lasing s'ya at hindi ako dapat magpaapekto. I have
to act like an adult! Hindi ko dapat pagsamantalahan ang kalasingan n'ya. Pero sh-
t! Ang hirap lalo na ngayon na isang manipis na pink na panty na lang ang
nakatabing sa itinatago n'ya.
"Magsesex ba tayo, Caleb?" inosenteng tanong n'ya. "Bakit mo 'ko hinuhubaran?"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iuuntog ko ang ulo ko sa pader sa sinabi n'ya.
This woman will be the death of me!

"No, sweetie. I'm just going to clean you up and put you to bed. We're not having
sex." pikit matang hinubad ko ang pangibaba n'ya at tila s'ya masunuring bata na
humakbang upang upang tuluyang mahubad iyon. "Now, if you'll just stop rubbing your
tits on me, step into the shower and take a bath. Be a good girl." ang lahat ng
'yan ay nasabi ko ng halos magkadikit ang mga ngipin. Mahabaging langit! Mas kaakit
akit ang babaeng ito pag lasing!

"But Caleb!" parang bata na ungot nito.

"Natalie, please?" hinagip ko ang kamay n'ya na nagsisimula nang tanggalin ang
butones ng polo ko. "Get into the shower."

"Come with me." aniya sa mapangakit na tinig.


"No, sweetie. You are drunk." hinalikan ko ang noo n'ya. "I don't want you to
regret it in the morning. So please. Maawa ka sa'kin at maligo ka na ang asim mo."

She pouted like a cute school girl and she battled her way to the shower.
Napabuntong hininga na lang ako at nagdesisyon na isara na ang shower curtain nang
bigla na lang s'yang tumumba. Mabuti na lang at mabilis ko s'yang nahagip sa bewang
kundi ay maglilips to lips sila ng tiles sa sahig. "Jesus! Are you okay,
sweetheart?"

"N-Nahihilo ako." reklamo n'ya.

I cursed under my breath. So now, kailangan ko s'yang tulungang maligo?! Diyos ko


po! Napakahirap naman pong pagsubok nito! Sana pinatawid n'yo na lang ako sa
pintong bundok!

Walang nagawa na ako na mismo ang nagpaligo sa kanya. I didn't bother taking off my
own clothes even if I know I'll be soaked in bath water, for obvious reasons.
Natalie kept seducing me in her own drunk ways but I refused to be affected. It
took alot of self control not to kiss her when she pouts, not to grope her while
washing her breasts, and not to take her even while she's begging me to f-ck her.
Coz I know it's just the alcohol talking. No one would want to lose their virginity
in the state of drunkenness.

Hindi ako tarantado para gawin kay Natalie iyon. She deserves so much better than
that.
"Caleb sige naaaa.."

"Shh." salansa ko sa kanya. "Step into this clothes, Natalie and stop touching me.
We're not having sex. Sober up first."

"Hindi na 'ko lasheng!" protesta n'ya.

Natawa ako. "Oh really? Kaya ba hindi ka makatayo ng maayos?" isinuot ko sa kanya
ang isa sa mga t-shirt ko. "Suotin mo muna 'tong briefs ko, lalabhan ko ang
underwear mo."

"Ayaw!" parang batang nagtatantrums na sigaw n'ya. She even pouted her lips which
made me want to kiss her. But I won't. Again, for obvious reasons. "That's too big
for me!"

"Oh you would rather sleep without an underwear, ganun ba?" yumukod ako sa harap
n'ya. Thankfully umabt hanggang kalahati ng hita n'ya ang tshirt ko kaya natakpan
ang dapat matakpan. Inangat ko ng bahagya ang hita n'ya. "Cmon, sweetie. Don't be
stubborn."
"Ayoko sabi! Gamit mo na 'yan."

"Malinis 'to, Natzkie. Kinuha ko sa cabinet. Nakita mo naman diba?" muli kong
inangat ang binti n'ya. "Step into this. Now. Bago ako mainis."

Padabog n'ya isinuot ang brief na pinahiram ko at parang bata na pinagkrus n'ya ang
mga braso sa dibdib. "I hate you, you know?"

"Ngayon lang 'yan. It'll pass." ngumiti ako sa kanya at hinawakan s'ya sa balikat.
"Come, magpahinga ka na." inakay ko s'ya palabas ng banyo. "Do you mind Natalie?
Next time you wanted to get drunk, siguraduhin mo na kasama mo ako, okay? Paano
kung hindi dumating si Libby? Paano kung napahamak ka?" natigilan ako nang
matigilan din sya bigla. "What's wrong?"

""Caleb.."

"What?" kumunot ang noo ko at hinarap s'yang maigi. "Nasusuka ka ba ulit? Answer
me. May masakit ba sayo?"

"I'm aroused.."
Napamura ako ng malakas at pinikit ko ng mariin ang mata ako. "Natalie! Jusko po!
Mamatay ako sayo sa kunsumisyon!" hinawakan ko ang magkabila n'yang braso. "Uulitin
ko. We're not going to have sex. Matutulog ka na dahil lasing ka, okay? Bukas, pag
nahimasmasan ka na at sa tingin mo gusto mo parin ituloy ang kalokohan na 'yan,
pagbibigyan kita. Magsesex tayo hangga't gusto mo. Hanggang mapilay ka kung 'yan
ang gusto mo. Pero hindi ngayon, naiintindihan mo? Not now. I want our first time
to be special, to be something you will never forget. Hindi ganito na amoy suka mo
ako at parang na-yolanda ang kwarto ko."

"I don't want you to want it to happen because you are threatened and afraid that
you're losing me. I want this to be about us and not some bitch you feel threatened
to. I want you to want it because you love me so much and you can't live without me
anymore. Naalala mo 'yung sinabi ko sa'yo noon? Uhm, Natalie?"

Nakatingin lang s'ya sa'kin.

"Sweetie?"

Hindi s'ya agad kumibo. Pero maya maya ay umangat nanaman ang kamay n'ya sa damit
ko. "Basang basa 'yung damit mo, hubarin natin-"

"Jesus!" pinigil ko s'ya at marahang itinulak papunta sa kama. "Matulog ka na nga!


Nagagalit na 'ko, Natalie!"
Ngumuso nanaman s'ya. "Ikaw na nga 'tong inaalok, ikaw pa ang galit! Napakaarte mo!
Hindi na mauulit 'to, Caleb! Kahit kailan! Dahil tinanggihan mo 'ko ngayon, bahala
kang matigang buong buhay mo!" padabog na nahiga s'ya sa kama at hinila ang kumot
upang ibalot sa katawan n'ya.

Natawa na lang ako sa inakto n'ya. Sininghalan n'ya 'ko bago s'ya tumagilid ng higa
patalikod sa'kin. In a matter of a minute, naghihilik na s'ya.

"See, sweetie? You really are just drunk." bulong ko bago s'ya kintalan ng halik sa
sentudo at tumalikod pabalik sa banyo.

I sighed heavily. Natutuwa ako na napagtagumpayan ko ang pagsubok ngunit sa


kabilang banda, nanghihinayang din ako. What kind of guy in his right mind would
refuse to get laid? Ako lang 'yon. Ako lang dahil mahal na mahal ko ang siraulong
babaeng 'yon!

"Ngayon, Caleb, magdasal ka na sana gusto n'ya parin gawin 'yon bukas at hindi
totoong matitigang ka habang buhay." inis na bulong ko sa sarili ko.

Inilock ko ang pinto bago ako nagsimulang maghubad at maligo. Napayuko ako sa isang
parte ng katawan ko na naninigas at mahinang napamura ako. I fought the urge to
gratify myself. Now's not the time for such thing. Besides, I know I wouldn't be
able to fully satisfy myself, my body knows what it wants and it wants Natalie.
Anything besides burying myself inside her and making her come would be temporary
relief only.

And I won't settle for that.

Mabilisan lang akong naligo at nagsuot lamang ako ng sweatpants bago ko sinilip ang
aking nobya. Tulog na tulog na ito kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa
paglalaba ng damit namin. Mabuti na lang at may washing machine at dryer ako dito
sa cabin.

Habang nakaabang ako sa pagkatuyo ng mga damit ay nagiisip ako. And I came into a
decision. I have to do something para matapos na ito. Ayoko nang masaktan pa si
Natalie. Whatever sh-t they're doing to her has to f-cking stop. Now's the time to
finally set my foot down.

---

Author's Note: Pasensya na kung may mga mali maling grammar o spelling.
Nadidistract kasi ako sa patugtog ng lola ko. I kept singing along 'Bawal na Gamot'
while proofreading this, so, yeah.. :/

Anyway, malapit nang matapos! Wee!! Kapit lang, guys! ;)


####################################
Chapter 33
####################################

"Fred, you have to do something about that grandson of yours!" mabigat ang bawat
paghinga ni Domingo. Kanina pa s'ya palakad lakad sa harap ng mesa ni Frederick
Yung, ang matandang may ari ng samu't saring negosyo, mula sa naglalakihang hotel
hanggang sa pagbebenta ng mga mamahaling sasakyan. Hindi n'ya maaaring palampasin
ang pakikipagisa ng kompanya n'ya rito! Ang pamilya nito ay isa sa pinakamayamang
angkan hindi lamang dito sa pilipinas kundi maging sa tsina. Ang makamerge ang mga
Yung ay pangarap ng lahat ng negosyanteng kagaya n'ya.

"That's already taken cared of. Will you calm down, Domingo?" mahinahon ngunit
mariing utos nito sa kanya. Kumportable lamang itong nakaupo sa lounge chair nito
na parang walang anuman ang nangyayari. Nilalaro nito ang isang fountain pen sa
isang kamay at ang isa naman ay nakasapo sa sentido nito. Litaw na ang mga peleges
nito sa mukha ngunit wala pa raw itong balak na magretiro hanggat hindi
nagpapakasal ang tagapagmana nitong si Caleb.

Kalat na sa buong alta de sosyedad ang tangkang pag urong ng apo nito sa kasal nila
ng anak n'yang si Heather. His daughter's already freaking out! At hindi na n'ya
matiis ang pagbubunganga at pag ngawa nito sa bahay kaya naman ipinasya na n'yang
kausapin si Fred Yung. "How can I calm down? If Caleb tries to break up the
engagement with my daughter he will pay dearly for it!"

"Are you threatening me?" bakas sa mukha nito ang amusement na hindi niya
ikinatuwa. Bagkus ay lalo pa siyang nainis dito.
"No, I am threathening your disobedient grandson!" gigil na sagot n'ya. "Subukan
lang n'yang iwan sa altar ang anak ko-"

"What, Domingo?" matalim ang mga mata ng matanda. Kahit sa edad nitong iyon ay
nagagawa pa nitong manindak gamit lamang ang boses nito.

"You need to do something!" tila nabahag ang buntot na sabi n'ya rito.

Ngumiti ng matipid ang matanda. "I am doing something, Domingo, just wait."

---

Natalie

Lumulutang ako.
Para akong nasa ibabaw ng tubig at lumulutang ako.

Lumulutang ako! Pabalikwas akong napabangon matapos ang realisasyon na iyon. Ano
bang nangyayari? Bakit pakiramdam ko nasa ibabaw ako ng isang water bed? At inuugoy
ako niyon? I hate water beds!

Disoriented na iginala ko ang paningin ko sa paligid ko. Napakurap kurap ako sa


hindi pamilyar na kisame. It is sand colored at nasisiguro kong hindi ganoon ang
kulay ng kisame ko sa bahay. Holy sh-t, nasaan ako? Nasapo ko ang noo ko nang
magsimulang tumambol ang ulo ko. Ano bang nangyari sa'kin? I looked down at myself
and saw that I was wearing a man's shirt and a man's brief. Oh no! Na rape ba 'ko?!

Maiiyak na sana ako nang agawin ang pansin ko ng mahinang paghilik sa loob ng
kwarto. Mas lalo tuloy nagtitili sa takot ang utak ko. Kinagat ko ang daliri ko
habang dahan dahan na dumukwang sa gilid ng kama.

Napanganga ako nang makita ko ang boyfriend kong nakabaluktot sa sahig. Sh-t! Sh-t!
Sh-t!

Ano bang ginagawa ko sa lugar na ito? Nasan kami? Did we get kidnapped?

Kagat labing pinagmasdan ko ang himbing na himbing sa pagtulog na si Caleb. He was


gently snoring and his lips are parted in very sexy way. Magulong magulo ang buhok
nito at pinagkakasya ang sarili sa masikip na sulok na tanging isang kumot lang ang
sapin. Naawa akong bigla sa kanya. Bakit kailangan n'yang magtiis doon kung maari
naman n'ya 'kong tabihan sa kama?

'Nako, Natalie, ayan ka nanaman sa kalandian mo!'

Muli ay binalingan ko ang buong lugar. Ano ba 'to? Motel? Imposible namang condo
'to ni Caleb dahil nakarating na 'ko dun at ang laki laki nu'n! So where are we?
Hindi parin naaalis ang pakiramdam ko na para akong lumulutang sa ibabaw ng tubig.
Nagpasya akong bumangon at lumabas upang tiyakin kung nasa ligtas ba kaming lugar
ni Caleb nang biglang umikot ang paningin ko at nagsimula nanamang kumirot ang ulo
ko. "Aww.."

Noon naman napabalikwas ng bangon ang ke gwapo gwapo kong boyfriend na kagigising
pa lang eh mukha nang model ng Axe. "Natalie, are you okay? Is something wrong?"
mabilis na dinaluhan n'ya 'ko sa kama.

"Ang sakit lang ng ulo ko." parang bata na reklamo ko habang hinihilot ang sentido.

Tumalikod s'ya at may inabot na kung ano sa bedside table. Binigyan n'ya ako ng
isang banig na aspirin at isang bote ng mineral water na agad ko namang tinanggap.
"Inumin mo na 'yan para mawala ang hangover mo."
Hangover?

Napapikit ako ng mariin nang unti unting maalala ko ang nangyari kagabi. "Naglasing
ako, nagwala ako sa kwarto mo at niyaya kitang magsex. Nangyari ba talaga 'yon?
Please, utang na loob sabihin mo sa'kin na panaginip lang lahat ng 'yon!" sabi ko
habang nakatakip ang magkabilang kamay ko sa aking mukha. Alam kong namumula na
'yon sa sobrang hiya.

"I could say that, but that would be lying, so..."

Impit na napatili ako. "Sorry, Caleb!! I'm so so sorry!!" napapadyak pa 'ko habang
inililibing ko ang mukha ko sa palad ko. Wala akong sapat na kapal ng mukha para
harapin si Caleb ngayon.

I heard him laughing. "It's okay, sweetie.."

"Hindi 'yon, okay!! Nakakahiya!" I shoved him without looking at his face. Hiniling
ko na sana bumuka ang lupa para lamunin ako at nang makaligtas ako sa kahihiyan na
ito!

"Ano ka ba? As if naman hindi pa kita nakitang nalasing?" niyapos n'ya ako at
ipinatong ang baba n'ya sa balikat ko habang sige ang pagpiglas ko. He chuckled.
"You were so funny last night, sweetie."
"Wag mo na ipaalala! Leche ka!" tinulak ko ulit s'ya pero lalo lang humigpit ang
yakap n'ya sa'kin.

He kept laughing against my shoulder. "'Wag ka nang mahiya sa'kin, Natzkie. I'm
already used to seeing you like that. Nakakatuwa ka tuwing nababaliw ka. Sobrang
totoong totoo ka. Kaya mas lalo tuloy akong nababaliw sa'yo."

"Heh! Tumigil ka!" singhal ko sa kanya kahit pa ang totoo, kilig na kilig nanaman
ako. "Hindi mo ko madadaan sa pagpapacharming, Caleb Damien Yung."

"Sa'n mo ba gusto kitang daanin? Sa dahas?" tudyo pa niya.

"Hay nako! Tumigil ka na!" kumalas ako sa kanya at tumayo mula sa kama.

"Oh bakit? Kagabi lang..." he trailed off. Ang mga mata n'yang mapanukso ay humagod
sa katawan ko. Mula ulo hanggang paa. Mas lalo tuloy namula ang pisngi ko. Mabuti
na lang at mahaba ang tshirt na suot ko kaya natakpan ang dapat takpan.
I winced as I remembered him bathing me and putting me in these clothes. 'Brief ni
Caleb ang suot ko! Para narin kaming... Ahh! Natalie, 'wag ka muna lumandi please
lang!'

Humalakhak si Caleb na tila ba nababasa ang nasa utak ko. He even rolled his lower
lip between his teeth as he checked me out. Anak ng-! Paano ka naman hindi magiging
malandi kung ganito kalandi ang boyfriend mo? Tinamaan ng magaling!

Tinaas ko ang magkabila kong kamay. "Enough! Stop-ugh! Stope teasing me! What
happened last night.. Was.. Uhh.. Basta, I don't mean what I said, alright? Lasing
lang ako-"

"Sweetie? Will you please calm down?" nakangiting lumapit s'ya sa'kin. Inay! Ang
gwapo! At bakit ngayon ko lang napansin na half naked s'ya? Tanging isang abuhing
sweat pants lang ang suot n'ya at nakahantad sa mga mata ko ang sexy n'yang
katawan. Teka, mukhang nagbago na ang isip ko. Gusto ko na ulit makipag--'Ugh!
Natalie, focus! 'Wag ka magpadala sa abs n'ya!'

"Okay ka na ba, Natalie? Are you done checking me out-I mean, freaking out?"
napakagwapo n'ya sa paraan ng pagkakaangat ng isang sulok ng labi n'ya. Para tuloy
gusto ko s'yang halikan tapos magparape na din.

Ngumuso ako. "Oo, okay na 'ko. Can you please put on some clothes?" umiwas ako ng
tingin. Nadedemonyo talaga ako sa abs at pecs n'ya.
Again, I heard him chuckle. May dinampot s'yang damit sa lapag at isinuot iyon.

"Bakit nga pala nagtyaga kang mamaluktot d'yan sa sahig? Pwede ka naman tumabi
sa'kin?" kunot noo kong tanong habang hinihintay siyang matapos magdamit.

Once fully clothed, lumapit s'ya sa akin at inakbayan ako. "Well, if you were not
trying to seduce the hell out of me, you were kicking me. Hindi ako makatulog kaya
lumipat ako sa lapag."

Napangiwi ako. "Ginawa ko 'yun?!"

"Yup!" inalalayan n'ya 'ko patungo sa pinto.

Tinakpan ko muli ang mukha ko.

"Nananadyak ka pala pag natutulog?"


Nag-init ng husto ang mukha ko. "Only when I'm so tired, and drunk!" i protested.
Lagi akong kinagagalitan noon ni Libby pag may sleep over kami. Sinisipa ko daw
s'ya kapag malalim na ang tulog ko. "Sorry talaga."

"That's fine, sweetie. I'll get used to it eventually." he said smiling as he


pressed a kiss on my head.

"Teka, nasaan ba tayo?" tanong ko pero nang makalabas kami ay napanganga ako. Nasa
dagat kami! Ay, mali! Nasa daungan kami sa loob ng isang yate! Wow! "Yate mo 'to?!"

Caleb's smlie widened. "It once belonged to my dad. Ipinamana n'ya sa'kin."

"Talaga?! Akala ko ba-" napahinto ako sa pagsasalita nang umuga ang yate at umikot
ang paningin ko.

Nagaalalang hinawakan ni Caleb ang mukha ko. "Are you okay?" aniya. "Teka, kukunin
ko ang gamot mo."

Bago pa makaalis si Caleb ay napatakbo na 'ko sa gilid ng yate at doon sumuka. Ugh!
Lecheng hangover 'yan! Hindi na talaga ako iinom ulit! Pero nang marealize kong
ilang beses ko nang nasabi 'yon sa sarili ko ay tila ba nais kong maiyak. I hate
alcohol!!

My boyfriend sneakered as he gathered my hair in his hands. "Ano ba 'yan, Natalie?


Wala pang nangyayari sa'tin, may morning sickness ka na agad? Siguro ginapang mo
ako kagabi?"

"Leche ka talaga!" singhal ko.

---

"Saan kita ihahatid?"

Panay ang paglalaro ng kamay ko sa cellphone na hawak ko. "Sa condo na lang muna,
Caleb, kailangan kong magpalit ng damit tapos pupuntahan ko sila mama. Nagaalala
kasi ako," bumuntong hininga ako. "Pagkatapos ng nangyari kahapon.."

Hinawakan niya ang kamay ko at saglit na lumingon sa akin habang nagmamaneho. "I'm
really sorry about that, Natalie. Ako nang bahala kay Heather."
"Natatakot ako, Caleb." usal ko.

"Why? What's wrong?" masuyong hinalikan niya ang likod ng palad ko. "I won't let
anyone hurt you again, Natalie. I swear, pagbabayarin ko si Heather sa ginawa niya
sa'yo. 'Wag kang matakot, alright?"

"Natatakot kasi ako sa mga pwede pa niyang gawin. You see," pumihit ako paharap sa
kanya. "Iba siya, Caleb. You should have seen her nung nagwala siya kahapon. Para
siyang.. Para siyang tigre.."

"Ikaw din naman." may gana pang manudyo ang loko.

Kinurot ko ng pino ang binti niya. "Be serious!"

"Seryoso ako!" tatawa tawang sagot niya. "You should have seen yourself last night.
Naibuwal mo 'yung malaking cabinet sa kwarto."

"Hindi nga?"
Tumango tango si Caleb. "Inayos ko lang nung nakatulog ka na kaya hindi mo na
nagisnan kaninang umaga. You were wild, sweetie." he glanced at me and winked.
Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba siya o ginugoodtime lang niya ako. Kaunti lang
kasi ang naalala ko, kasama na doon sa kaunti na iyon ang panlalandi ko sa kanya. I
couldn't remember bringing the cabinet down. It looked heavy. Kaya ko ba 'yun? Maya
maya ay napansin kong lumamlam ang mata ni Caleb. "Please, sweetie.. 'Wag ka nang
magalala, I'll go straight to Heather and then babalik ako sa condo mo, sabay na
natin puntahan si nanay."

"Baka akitin ka niya!" protesta ko.

"Wala ka yatang tiwala sakin, sweetie? Kung ikaw nga nagawa kong tanggihan, si
Heather pa kaya? Like I told you before, I'm not even a bit attracted to her."

Ngumuso ako. "I don't know if that's supposed to feed my ego, coz I'm seriously
wounded right now." tinanggihan niya ako! Nagawa niyang tanggihan ang alindog ko!
Siguro tulad ni Heather, hindi rin ako attractive para sa kanya.

Humalakhak si Caleb bilang tugon. "Babe, I'm telling you, what I did was for good
reason. One day, you'll thank me for making you wait. Coz it'll be fantastic and
I'll make sure of that."

"Aba siguraduhin mo lang! Dahil pag hindi ako nasarapan, ipagpapalit kita."
"Kanino naman?" tatawa tawang tanong niya.

"Kay RD!"

"Hindi ka niya type."

"Talaga lang? Hindi mo din naman ako type nung una tayong magkakilala ah?"
pangaasar ko.

Tumalim ang mga mata ng nobyo ko. "I will castrate him before he touches you, my
evil sweetheart. Trust me. Kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na ang pagbanggit sa
pangalan niya kung ayaw mong masaktan ang crush mong 'yon."

Panay ang hagikgik ko. "Hindi ko naman siya crush. I was just messing with you,
napaka seloso mo."
"Talaga!"

---

Hinagkan ko sa labi ang boyfriend ko bago ako bumaba ng kotse niya. Hindi na ako
nagpahatid sa loob dahil gusto kong puntahan na niya agad si Heather at nang
mabilis din siyang makabalik. Kahit pa tila ayaw niya pang pakawalan ako ay
napilitan na siya nang sabihin kong hindi ako matatahimik hanggat hindi nananagot
si Heather sa ginawa niya.

He shouted from his window that he loves me before driving off. Hindi tuloy maalis
ang ngiti sa mga labi ko habang papasok ako sa loob ng condo. Ganun na lang ang
gulat ko nang tumambad sa'kin ang mukha ni Axel.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?"

"I just wanted to talk to you." nakatayo siya noon sa labas mismo ng unit ko.

I hesitated. Sinipat ko ang nagsusumamo niyang mukha. Naisip ko naman na ito na din
siguro ang panahon para magkaliwanagan kami. Kahit naman may pagkagago ang ex kong
ito ay deserve naman niya ang isang maayos na break up. Isang bonggang closure.
Tumango ako at binuksan ang pinto ng unit ko. "Halika, sa loob na tayo magusap."

Axel asked for my forgiveness. Sinabi niya na hindi niya sinasadyang saktan ang
damdamin ko and that he really intend on coming back for me, iyon nga lang mukhang
huli na ang lahat. At tanggap na daw niya iyon.

I thought that I, too, should come clean with him so I confessed about how I tried-
and failed miserably- on getting him back. Ikinuwento ko mula umpisa kung paano ko
blinackmail si Caleb para tulungan niya ako sa misyon ko. Lahat ng mga ginawa namin
noon para mapaghiwalay sila ni Heather ay sinabi ko sa kanya. Axel was bittersweet
about it. Sinabi niyang gusto niyang matuwa sa ginawa kong pageeffort ngunit dahil
sa mga iyon ay mas lalo akong nawala sa kanya dahil sa huli ay nahulog ang loob ko
kay Caleb.

"I was so wrong, Nana. Sana pala hindi ako nagpabulag sa karangyaan. Di sana hindi
ka nawala sa'kin." malungkot na sabi niya.

I reached out and squeezed his hand. "I'm sorry din dahil niloko kita noong sinama
mo ako sa party. Hindi talaga kami nagbreak ni Caleb."

"Alam ko." isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya. "I saw how the two of
you are stealing glances at each other. Nakita ko noon kung gaano siya kainlove
sa'yo, Nana. Kaya nga ngayon magpaparaya na ako."
He smiled and I smiled back at him. Ito 'yung Axel na minahal ko noon. Iyong
mapagpakumbaba, humble. At sobrang mapagmahal.

Nagngitian pa kami ng ilang sandali pa hanggang sa alukin ko siyang kumain. Naalala


kong wala pa nga pala akong nailutong pagkain kaya sinabi kong magluluto ako.
Nagpresinta naman siyang tulungan ako na agad ko namang pinayagan.

"Just like the old times?" nakangising sambit niya habang hawak ang sangkalan at
kutsilyo at napangiti naman ako ulit.

"Just like the old times." ang sarap ng feeling na bumalik na ang best friend ko.
Noon kasing kami pa ay parati siyang nakaistambay dito sa bahay pag walang pasok,
hindi man kami sweet sa isa't isa, mahilig naman kami gumawa ng mga bagay na
magkasama. Gaya na nga nitong pagluluto.

Ang tagal naming nagkakwentuhan habang nagluluto. Nagalala siya nang mapansin ang
galos ko sa mukha at sinabi ko naman na gawa iyon ng exgirlfriend niya. Nalungkot
si Axel. Sinabi niya na hindi naman daw talagang masamang tao si Heather. Kulang
lamang ito sa atensyon.

"Maaga kasing namatay ang nanay niya and her father is always busy making money.
Kaya siguro nagkaganon siya."
Umismid ako. "Hindi naman iyon excuse para mambasag siya ng mukha, ano!"

Natawa si Axel. "Yeah, I know. I hope ginagawan ng paraan ni Caleb 'yan."

"Ay, oo naman! Sabi niya siya daw ang bahala kay Heather. Pinuntahan nga niya bago
ako hinatid dito."

"Mabuti naman."

Hanggang sa matapos kaming kumain ay panay ang kwentuhan namin sa mga nakaraang
kaganapan sa buhay namin. Natutuwa naman ako na kahit papaano hindi bitter si Axel.
Mukha namang masaya siya para sa amin ni Caleb. Maya maya ay nagpaalam na din siya
at sa tingin ko ay parating na din ang nobyo ko.

Matapos naming magpaalaman ay nakangiting tinungo ko ang banyo upang maligo. Gusto
ko pagdating ni Caleb ay mabango ako! Napahalkahak ako sa loob loob ko. Grabe na
itong kalandian ko!

Habang naliligo ay pakanta kanta pa ako sa saliw ng Walking on Sunshine. Nakakagaan


ng loob na maayos na kaming dalawa ni Axel at kahit pa may hinampo siya sa akin ay
nakuha parin niyang kaibiganin ako. Isa na lang talaga ang problema, ang nalalapit
na kasal ni Caleb. Ngunit pasasaan ba at matatapos din ang lahat ng ito at
makakamit ko din ang happily ever after ko! Isa pa, tiwala naman ako na kayang
ayusin ni Caleb ang gusot niya.

Nang matapos ako magbanlaw ay nagtapi ako ng tuwalya saka lumabas ng banyo. "I'm
walking on sunhine, whoa! I'm walking on sunshine, whoa! And don't it feel good-"

"Ang saya mo ah?"

Napatili ako nang matagpuan si Caleb na prenteng nakaupo sa sofa at halos magdikit
ang mga labi sa pagkainis sa di malamang dahilan.

"Ang bilis mo naman! Kanina ka pa ba?" sabi ko habang hindi magkandatuto sa


pagtatago ng katawan kong tanging tuwalya lamang ang takip. Hindi na ako nagtaka
kung paano siya nakapasok sa bahay ko dahil madalas naman niyang gawin iyon. Meron
ata siyang duplicate key na hindi ko nalalaman. "Akala ko matatagalan ka pa,
kakatapos ko lang maligo."

"Mabuti nga hindi ako nagtagal kundi hindi ko maaabutan ang ex mo sa lobby."

"N-naaabutan mo si A-Axel-" kandautal na tanong ko.


"Yes." tumayo siya mula sa sofa at ngayon ay bakas na ang galit sa mukha. "Care to
explain, Natalie?"

---

A/N: Bukas ng umaga 'yung kasunod! ;) Please do vote and comment! Dedicated nga
pala ito kay Justin Timberlake dahil LSS ako sa Holy Grail. *3*
####################################
Chapter 34 -SPG-
####################################

Caleb

Para akong teenager sa paraan ko ng pagkakangiti matapos kong ihatid si Natalie sa


condo niya. Hindi ko alam na ganoon pala kasarap isigaw na mahal mo ang isang tao.
Damn, I am so whipped but I am f-cking enjoying it. Kailangan kong lakipan ng mura
ang bawat salita ko para lang maramdamang lalaki parin ako. Or else, kailangan kong
manuntok ng kung sino.

Ngunit panandalian lamang ang kaligayahan ko nang maalala ko kung saan ako papunta
ngayon. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang bumalik sa balintataw ko ang galos
sa mukha ni Natalie na gawa ng matatalas na kuko ni Heather. I may have grown up
without a mother figure, but I knew for a fact that it is not acceptable to hurt a
woman.

Para sa akin ay dapat minamahal sila, nirerespeto. Ngunit sa pagkakataong ito ay


magkakasala yata ako.
Susubukan kong hindi masaktan si Heather sa abot ng makakakaya ko kaya lang sa
twing maaalala ko ang ginawa niya ay sadyang nagdidilim ang paningin ko. How could
that sweet eight year old girl from the past grow up to be this evil bitch after
just over a decade? Mabait naman si Heather noon, in fact napaka mahiyain pa nga
niya. Ngunit nang mamatay ang mama niya ay nagsimula na ring magiba ang ugali niya.
I wanted to blame his father for spoiling her, kaya siguro tinubuan ng pagkahaba
habang sungay.

Kung siguro ay hindi nagbago ang babae ay baka pumayag ako noon na makasal sa
kanya. Kahit pa hindi siya ang first choice ng lolo ko para sa akin ay matatanggap
ko. Kung hindi nga lamang siya naging kampon ni taning katulad ngayon.

My lolo's original choice, was just as bad. A spoiled socialite na ang alam lang ay
magpaganda at magshopping. Napailing ako. Maswerte akong nakakilala ako ng katulad
ni Natalie. Simple at walang arte sa katawan. She's so comical and a breath of
fresh air para sa mga katulad kong may pasak na stick sa puwitan.

Mabilis lang akong nakarating sa mansion ng pamilya ni Heather. May isang guard na
nagbabantay doon na matapos kong banggitin kung sino ako ay agad naman akong
pinapasok. Sa bulwagan ay nasalubong ko ang binabaeng PA ni Heather at tila nagalak
pa siyang makita ako. Kung alam lang niya..

"Where's Heather? I need to talk to her." i clipped. Hinawi ko ang kamay niyang
ipinatong sa dibdib ko.

"Ikaw naman loverboy, you're so sungit!" the guy pouted and it made me want to
hurl. That is one f-cked up sh-t. Nakakapanindig balahibo. "Nasa taas, sa room
niya."

Hindi ko na pinansin ang PA nitong ni hindi ko alam ang pangalan at dumiretso na sa


silid ni Heather. I've been here before. When I was ten years old, I think? Back
when she was still a nice little girl, isinama ako ng lolo ko dito sa mansion upang
makipaglaro kuno sa bata. This room was pink and frilly back then. It made me
cringe.

I didn't bother knocking. Basta na lang ako pumasok at nadatnan siyang nakatayo sa
harap ng salamin at nakasuot lamang ng puting roba. Walang nagbago sa silid, para
parin iyong kwarto ng isang sikat na pusang cartoon. She's all smiles when she saw
my reflection on the full length mirror. "Hi, honey! What a pleasant surprise!"

Nagmamadaling nilapitan niya ako at tangkang yayakap nang pigilan ko ang braso
niya. She pouted. Damn, what's with these people? "Why, baby? Are you having a
rough day? I missed you! Ngayon ka lang ulit nakipagkita sa'kin."

"Hindi ako pumunta dito para makipagplastikan sa'yo, Heather. We both know what's
going on here." ibinaba ko ang mga braso niya.

Nanlisik naman ang mata niya bilang tugon. "You know you should learn to be nice,
Caleb. Afterall, malapit na ang kasal natin." dinampot niya ang isang kulay pulang
damit mula sa kama at idinikit iyon sa katawan na tila ba isinusukat. "Actually, I
already send out the invitations. And I'll be fitting my gown later. You should
come with me, para masukat mo ang tux mo."
"There will be no wedding, Heather."

She whirled at me with her eyes burning. "What the hell, Caleb?! We've been over
this! Ayan ka nanaman! Didn't we already talk about how you cannot back on this?
Your lolo wants you to marry me."

"I don't care what my lolo wants, however," i strided towards her. I saw her
stiffen in alarm. "I do care about my girlfriend and I do not appreciate what you
did to her."

"She started it!" she shrieked. "She attacked me, I only defended myself."

"Who are you fooling, Heather?" naiiritang tanong ko. "Ikaw ang pumunta sa kanya
para ipamukhang kabit ko lang siya. You are stooping that low, huh? I was expecting
so much from you."

She shouted derogatory terms at me and pounded her fist on my chest. "Stop doing
this Caleb! Bakit ba pinapahirapan mo pa ang sarili mo? Alam nating pareho na sa
akin parin ang bagsak mo! Your grandfather would not allow you to marry that
nobody! Sa akin ka, Caleb! Akin!"
"Stop it!" pinigil ko ang magkabilang kamay niya sa pagbayo sa dibdib ko. "I will
never be yours. Never. Isa lang ang nagmamay ari sa akin at si Natalie lang 'yon.
Sa susunod na gumawa ka pa ng paraan para masaktan siya. Sisiguraduhin kong doble
nun ang mararanasan mo, Heather." banta ko. "Once again, I am warning you. Leave my
girlfriend alone."

"No! NO!!" patuloy na hiyaw niya nang talikuran ko siya at abutin ang seradura ng
pinto. "No! You hear that Caleb? NO! Hindi ako papayag na maging masaya kayo! I
swear to you! I will kill that bitch if that's what it takes to have you!"

Napailing na lang ako habang pababa ako ng hagdan. Mabilis na lumulan ako sa
sasakyan ko at nilisan ang lugar na 'yon. That was ugly. I never really wanted to
hurt Heather. Hindi ko gusto ang pakiramdam na nananakit ng babae but I needed to
do that. Kung sana noon pa niya tinanggap na hindi ko siya gusto, hindi sana niya
dadanasin ito.

Wala sa loob na nasapo ko ang pawisang noo. I wanna see Natalie. I miss her
already. So I drove back to her at once.

Gayon na lang ang pagngingitngit ko nang makita ang payatot niyang ex palabas ng
condo unit niya.

---
Natalie

Umirap ako at itinupi ang mga braso sa ilalim ng dibdib ko. Caleb stood in front of
me wearing that stern look. At ano? Akala ba niya masisindak niya ako sa kasungitan
niya? Hindi nga iyon umubra sa akin noon eh, why should it affect me now?

"I said, do you mind explaining-"

"Nagkabalikan kami ni Axel, bakit?" taas noong sabi ko na siyang ikinabigla niya.
Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ako ng may ilang segundo. I expected him to
go berserk and wreck my apartment down but he didn't, instead he just gave me a
sour face.

"Try again, Natalie, I'm not convinced."

Napanganga ako saka napailing. "Iyon nga ang totoo! Tatanong tanong ka, tapos hindi
ka maniniwala." tumalikod ako upang kumuha sana ng damit na maisusuot nang
maramdaman kong pumalibot ang mga braso niya sa bewang ko. Gumapang ang kuryente sa
balat ko nang dumaiti ang labi niya sa nakahantad kong balikat.
"Hindi ako naniniwala, Natalie."

Palihim kong tinirik ang mata ko. "Why wouldn't you?" patuloy na panunuya ko. "I am
telling the truth, Caleb. He came here to patch things up between us at
nagkabalikan kami."

"You are a lousy liar, Natalie." patuloy ang pangangarinyo niya sa balikat at leeg
ko, hindi ko na naiwasang ipilig ang leeg ko upang bigyan siya ng laya sa nais
niyang gawin sa katawan ko. He trailed soft kisses from my shoulder blades up to
the sensitive skin just below my ear. I moaned in response.

I struggled to remain focused. Naliliyo ako sa sensasyon na dulot ng labi niya.


"Bakit.. Hindi.. Ka.. Naniniwala?" i asked breathlessly as his hands went to cup my
towel clad breasts.

Napasinghap pa ako nang paglandasin niya ang dila sa batok ko, licking the tiny
drops of water from my naked skin. Dahan dahan niyang kinalas ang maliit na towel
na ibinalot ko sa buhok ko hanggang sa lumadlad iyon sa balikat at likod ko.
"Because I happen to know how much you love me. Sinabi mo iyon sa'kin kagabi at
alam kong hindi mo ako magagawang ipagpalit sa payatot na 'yon.."

"Caleb!" singhap ko nang maramdaman kong gumapang ang kamay niya sa hita ko pataas
sa.. Pataas sa..
"Now, tell me," bulong niya sa tainga ko na siyang kumiliti sa akin. "Ano'ng
ginagawa ni Axel dito?"

I whimpered when his finger brushed along my warm, creamy slit. My knees wobbled
that I had to grab his arm just to stay upright. "Caleb can we please stop
talking?" halos paanas kong sabi sa kanya. "Just continue what you're doing."

"Hindi ko itutuloy hangga't hindi ka sumasagot." mariing balik niya habang ang mga
daliri niya ay tumigil naman sa matalino nitong ekspedisyon sa ibaba ng katawan ko.

Umungol ako bilang protesta. "You're killing me."

"Am I?"

"Fine! Nakipagayos siya!" tinanggal ko ang kamay niya sa ibabang parte ng katawan
ko at kumawala sa pagkakayakap niya. "Kainis ka talaga, napakagaling mong
mambitin!" padabog na tinungo ko ang cabinet at mas lalo pa akong nabuwisit nang
marinig ko ang tawa niya.

"'Yon lang?"
"Oo! 'Yun lang! Napasarap lang ang kwentuhan namin kaya siya nagtagal dito." sagot
ko. "At pwede ba tigilan mo na ang pagtawa. Hindi ka nakakatuwa eh. Nakakayamot ka!
Akala ko pa naman magseselos ka-"

"Oh, I'm jealous alright." once again, I felt his hands on my shoulder and slowly
skimmed down my arms, still moist due to the shower. "That's why, I'm saying, no
more waiting. Kailangan mapasaakin ka na ngayon para hindi ka na maagaw ng iba."

Nalaglag ang panga ko sabay ng pagdausdos ng tuwalyang tapis ko sa sahig. My breath


got caught on my throat when Caleb hauled me towards the bed. Mabilis ang bawat
pangyayari, ang sumunod na namalayan ko ay ang hubad niyang katawan sa harap ko. He
was kneeling on the bed before me, displaying his god-like body. Magmula sa
matipunong balikat nito hanggang sa makinis na dibdib, six pack abs at pababa sa..
"Oh my god.." usal ko. His erection stood proudly between us. Wala sa loob na
napakagat ako sa labi ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang sa kanya kaya tinakpan ko ng nahagip


kong unan ang hubad kong katawan. "A-Ano kasi, kwan.." He is so damn perfect tapos
ako.. Oh my god, nakakahiya!

Caleb snatched it away at walang anuman na hinagis niya ito sa lapag. His eyes
feasted on my nakedness. Namula ng husto ang mukha ko kasabay no'n ay parang nais
kong maluha sa nakikita kong paghanga sa mukha niya. Admiration and hunger..
"C-Caleb-"

"Shh." masuyong bulong niya matapos dumapa sa ibabaw ko. He nuzzled my cheek and
trailed soft kisses to my ear. Napapiksi naman ako dala ng kiliti. "Don't be
scared, sweetie. You are so beautiful.."

"Caleb 'yung ano mo.." alumpihit na sambit ko. I felt his hard erection pressed
between our stomach. Tila ba kay laki at sobrang.. Kinilig ako sa tinatakbo ng isip
ko.

He chuckled at my reaction. "What about it?" tanong niya.

"B-Baka di kumasya?" muntik akong mapatili nang maramdaman ko muli ang mga daliri
niya sa kaselanan ko.

He chuckled in my ear. "With how wet you are, baby? I doubt if it wouldn't fit."

"Caleb.." ungot ko.


"Shut up, Natalie. I am going to make love to you now."

His lips descended into mine and I was quick on opening up for him. Tinugon ko ang
bawat mainit niyang halik sa paraan na gusto ko. Mas mainit pa. It was the same
kisses and yet it felt so different, like it was my first time kissing him, like it
was the first time he was kissing me. More passionate, more intense as if he
coaxing my soul out of my body.

Umangat ang likod ko mula sa kutson nang madama ko ang paggapang ng labi ni Caleb
sa leeg ko pababa sa dibdib ko. My hands shoot to his hair when he took one taut
peak in his warm mouth. Hindi ko napigil ang sarili ko sa pag sabunot sa kanya
habang panay ang ungol ko. He suckled on my peaks like a hungry child, his fingers
dug deep into the skin of my waist and the slick tip of his erection poking me just
below my stomach, all making me writh and groan. "Caleb!" panay ang tawag ko sa
pangalan niya.

"Relax, sweetie." he chuckled as he moved his body south. Mabilis na nahulaan ko


ang gagawin niya at sinalakay ako ng kaba. My feeble attempts of pushing him off me
and discouraging him from what he has in mind were no match to his determination.
"Spread your legs for me, Natalie," his soft command were like magic spells,
hypnotizing me, making me do as he pleases.

Pikit mata kong ginawa ang nais niya. I just hope he would like what he see. I
certainly don't think I was beautiful down there. Ngunit ang sabi niya, "God, you
are wonder, Natalie." I felt somewhat triumphant. He still thinks i am beautiful,
even down there where... I suddenly felt his warm breath on the juncture between my
thighs and it made me shiver in anticipation.
Ang unang dampi ng labi niya sa sentro ko ay tila kuryenteng naglakbay sa gulugod
ko. His tongue followed in suit and my hips disconnected from the bed. Para akong
nasisiraan ng bait sa ginawa kong pagbiling ng leeg, ang mga kamay ko naman ay
inipon ang kobre kama sa kamao ko. "You taste so damn sweet.. Hmm.."

His moist tongue lashed back and forth my slit and his thumb circled around my
sensitive bundle of nerves. I couldn't make anything out of the noises I was making
I just knew I was calling out his name again and again until a sudden burst of
light of different colors happened behind my closed lids.

Hindi pa ako nakakarecover sa naunang orgasm ko nang maramdaman kong umangat si


Caleb at muling pumantay sa akin. He cradled my face between his hands and planted
butterfly kisses all over it until I was over my orgasm. Maliit na ngiti ang
sumilay sakin nang magmulat ako ng mata. "I love you so much my Natalie." bulong
niya. He started carressing me again, bringing me into another height. Binuhay
niyang muli ang pagnanasa ko sa bawat dampi ng matatalino niyang kamay

"Ready?" he asked sweetly.

Tumango ako ng paulit ulit. His eyes never left mine as he slowly penetrated my
barrier.

The moment our bodies became one, I hissed in pain. Pakiramdam ko ay nahiwa ako sa
gitna, kaya kumapit ako ng mahigpit sa braso niya at pumikit ng mariin. Panay ang
bulong niya sa akin ng matatamis na salita at kahit papaano ay naibsan ang sakit at
bahagya akong guminhawa sa bawat himas ng kamay niya sa maseselang bahagi ng
katawan ko.
Unti unting napalitan ng kakaibang kiliti ang hapdi sa hugpungan ng mga katawan
namin. It didn't take long before I was yearning for him to move and so I bucked my
hips and hugged him tight. "Please move.." I knew I have already gotten used to his
size.

"Are you sure? We can wait-"

"Please! Move now, Caleb!" I pleaded.

And he did what he was told. Napuno ng ungol at daing namin ang buong kwarto. He
was moving slow at first, hanggang sa pabilis ng pabilis and I was feeling another
delicious build up inside me. I chanted his name, pleading him not to stop, to pick
up pace and to go harder. He groaned loudly when I started meeting his every move.
Nagsalpukan ang mga katawan namin at sa huli ay tila ba may fireworks na sumabog sa
pagitan namin.

He called out my name and hugged me tight. I knew right then and there I was so
inlove with him.

Ngunit bago pa bumuka ang bibig ko upang magsalita ay inistorbo na kami ng tunog ng
telepono. Caleb cursed loudly. "Please don't pick that up." gigil na bulong niya sa
tainga ko.
"I can't, Caleb, si mama iyon."

Napahagikgik ako nang pumikit siya ng mariin hanggang sa huli ay hinalikan niya ako
sa labi at unti unting umalis sa pagkakadagan sa akin. We both winced as he pulled
out of me with a pop. "Wait, I'm going to clean this up first." dali dali siyang
tumayo mula sa kama at tumuloy sa banyo. Ako naman ay nanghihinang inabot ang
telepono ko sa night stand. I feel deliciously wasted.

"Hello?" masayang bati ko sa mama ko. Ngunit ang naging sagot niya ay tila malamig
na tubig na ibinuhos sa akin.

"Natalie, ang mga kapatid mo nawawala!" she shouted frantically. "Nakidnap ang
kambal!"

---

A/N: Gaahh! I really hate writing popping-the-cherry scenes. It is so not my cup of


tea. I hope you guys enjoyed that, though. Sinadya kong gawing tamed 'yan para
mapanatili ang pagiging wholesome ni Caleb at Natalie. (I struggled at writing this
guys, really. Nasanay na ako sa mga BS sa Blood and Kisses D: ) Pasensya na sa mga
nagexpect. Babawi ako sa ibang novels ko. Hindi talaga bagay dito ang masyadong
wild so... I hope you guys understand ;)

Next update will probably be next week, hindi ko pa kasi nauumpisan. Siguro mga 3
chapters to go? #ByeByeSTH na *3*
####################################
Chapter 35
####################################

Caleb
Hindi ko alam kung paano ko kakalmahin si Natalie habang nasa loob kami ng estasyon
ng pulis, eksaktong isang oras matapos niya matanggap ang tawag mula sa mama niya
na nawawala ang mga kapatid niya.

Ayon dito ay dapat susunduin niya ang mga bata sa eskwelahan nang makita niyang may
isang itim na van na huminto sa tapat mismo ng gate ng elementary school at bumaba
mula dito ang mga hindi kilalang lalaki at walang anu anong dinampot ng mga ito ang
kambal. Wala na daw siyang nagawa noon kundi umiyak, wala din namang plaka ang
sasakyan na maaari nitong pagkakakilanlan.

As soon as I heard Natalie crying hysterically for me outside the bathroom, I went
out-still in my naked glory-and she told me what happened. Mabilis kaming nagbihis
at habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Scor para tulungan ako.

Thank heavens, hindi pa siya nakakaalis ng bansa at agad din siyang sumugod sa
presinto kung nasaan nga kami ngayon.

Natalie was hugging her mother and her step dad was talking to someone over the
phone. Maya maya ay dumating si Nero, ang step brother niya at kasama nito ang boss
nitong si Scor. Tingnan mo nga naman, small world.

"Pare." agad kong bati sa kanya.


"Don't worry, man. Nagpahanda na ako ng check point sa lahat ng pwedeng lusutan ng
sasakyan." sabi ni Scor pagkatapos ay dumiretso din agad ito upang kausapin ang
hepe ng mga pulis. May ilan pang mga tauhan siyang kasama na sumunod sa kanya
habang si Nero naman ay lumapit kina Natalie.

I have a bad feeling about this. Bakit parang pakiramdam ko, may kinalaman si lolo
sa nangyaring ito? I fished my phone from my pants' pocket and called Ava. "Do you
have intels regarding lolo's activities?"

"Wala. Bakit?"

I cursed loudly. "Nawawala ang mga kapatid ni Natalie. They're kidnapped, Ava."
parang napakalayong isipin na kidnap for ransom ang nangyari. Dahil una sa lahat,
Natalie's family are not that well off. Wala silang kakayanan na magpalabas ng
malaking halagang pera kung iyon talaga ang pakay ng mga kumidnap sa bata

There's this possibility that it might be connected to child trafficking, but my


guts are pointing to another direction.

"Oh my god." Ava sounded devastated. "I'm going to call someone in lolo's office
and I'll see what I can do."
"Thanks, couz." napabuntong hininga na lang ako. Kung may kinalaman man si lolo sa
nangyaring ito, hindi ko alam kung kakayanin ko pang mapatawad siya. Hindi na niya
dapat pang idinamay ang mga bata dito, wala naman silang muwang. Wala silang
kasalanan!

Matapos kong sikaping pakalmahin ang sarili ko ay hinanap ng mga mata ko si


Natalie. Mag isa na siyang nakaupo sa nakahilerang upuan sa pasilyo ng presinto.
She's nervously wringing her fingers on her lap and her lower lip is rolled between
her teeth. Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya. "Hey, sweetheart.."
tumingin lang siya sa'kin saglit ngunit hindi siya kumibo.

I wrapped my arm around her shoulder and pressed a kiss on her head but she didn't
budge. She kept her eyes trained on her lap. "Natalie, please talk to me.."

"Not now, Caleb."

Napapikit ako. I know, now's not the time para kulitin siya. I just wanted to be
able to do something for her, whether it's moral support, I don't care! I wanted to
be a part of her life and I couldn't be if she doesn't stop acting cold and
reserved. She needed to let me in and tell me what's going on in her head!

Oh for f-ck's sake! I didn't imagine this day ending up in a freakin' disaster!
Buong akala ko ay magiging maganda ang resulta ng araw na ito, matapos may mangyari
sa aming dalawa, which is easily the most perfect moment of my life.. Biglang
ganito..

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magwawala ako dito.

"Do you want coffee? Anything?" I offered.

Umiling lang siya. Pero pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig sa ginawa
niya. "You aren't blaming this on me, right?"

"Can you please not do this now, Caleb?" her words were as frostbitten as her eyes
when she looked up at me. "Don't make this about you."

Natameme ako. "You're right, I'm sorry." nanahimik na lang ako at hinayaan siyang
ignorahin ako. Maya maya ay hindi rin ako nakatiis at tumayo ako upang kausapin na
lang si Scor. This bastard's isn't much to talk to but I'd much rather chat with
this d-ck instead of getting my ass ignored.

"'Sup with the girlfriend?" he nodded towards Natalie who's busy trying to tune out
everyone. It's so unlike her to be this quiet. Mas gugustuhin ko pa na magtatarang
siya o magwala siya o kahit ano! Kesa hindi siya kumikibo. It scares me. I don't
know what she's thinking!
"I don't know, man." slumped against the wall of the precint. "She doesn't want to
talk to me. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa'kin o ano!"

"Maybe she's just contemplating whether to hang you by your balls or stick your
dick in an incinerator?" he said it straight face while toying with his carkeys.

I looked at him pointedly. "That was really helpful, dude."

"You're welcome." Nagkibit balikat si Scor. "What can I say? Women should really
come with an instruction manual."

I have to agree with him in that. Just when I thought I've finally figured Natalie
out, things will get out of hand and I would prove myself wrong. I couldn't blame
her though. Ang akin lang, kung sa tingin niya ay kasalanan ko ito eh di sana
sigawan niya ako! Hell, I would even let her punch me or kick me if it makes her
feel better. It's so unfair that she had to give me the silent treatment! Men would
like to be confronted upfront! Not like this.. Like she's silently plotting my
murder or something.

Tumunog ang telepono ni Scor kaya agad akong napabaling sa kanya. "Okay, good job.
Bring 'em up here."
I looked at him expectantly.

"They found the twins." he clapped me behind my shoulder.

---

Matapos naming makahinga ng maluwag matapos matagpuan ang dalawang bata sa isang
parke malapit sa eskwelahan ay nagdesisyon na kaming umuwi. Apparently, the
kidnappers were trapped because of the checkpoints and got nowhere to go unless
they let go of the captives. Matalino ang mga bata dahil agad lumapit ang mga ito
sa nagpapatrolyang pulis who quickly coordinated with Scor's agents.

Although ipinakiusap ko parin sa kanila na ipagpatuloy ang paghahanap sa mga


kumidnap sa mga bata. I still want to know who's behind this sh-t. Kahit pa malakas
ang pakiramdam kong may kinalaman nga si lolo sa pangyayaring ito. Ava called me up
before we leave the precint at sinabi niyang may nakakita kay Honesto na may kausap
na mga di kilalang tao na lumulan sa isang itim na van. Nanikip ang dibdib ko sa
nalaman ko. I didn't know lolo would resort to something so vile like kidnapping
two innocent kids. This is unbelievable!

Magtutuos kami mamaya. Pinaplano ko na ang mga sasabihin ko sa kanya but for the
mean time, si Natalie muna ang aasikasuhin ko. We have a lot to talk about.
"Are you okay, sweetie?" untag ko kay Natalie na nakaupo sa passenger seat ng
sasakyan ko. Kanina pa siya walang kibo kahit pa nakita na namin ang mga kapatid
niya. She still wouldn't talk to me. "Do you want to stop over somewhere? Do you
want to eat?"

"I want us to break up."

Kumunot ang noo ko. "Excuse me? I don't think I heard that right."

Bumuga siya ng hangin na animo'y nawawalan na siya ng pasensya. "Maghiwalay na lang


tayo, Caleb."

Napapreno ako bigla kahit nasa kalagitnaan kami ng EDSA. Pareho kaming muntik
humampas sa wind shield kung hindi dahil sa mga seatbelt namin. "Tell me you didn't
just say that, Natalie."

"Ano ba'ng ginagawa mo, Caleb?! Nasa gitna tayo ng highway!" she prantically looked
around her. "Baka hulihin tayo ng pulis!"
Katakut takot na busina ang inabot namin mula sa mga pampasahero at pribadong
sasakyan ngunit hindi ko iyon inalintana. I was more bothered with the pain that's
suddenly rousing from the middle of my chest. "I don't f-cking care! Bawiin mo ang
sinabi mo, Natalie!"

"Hindi ko 'yun babawiin!" sigaw niya sakin. "Will you please start the car now?
Baka banggain tayo ng mga sasakyan!"

"I repeat, I don't f-cking care! Bawiin mo ang sinabi mo! You are not breaking up
with me!" gigil na sabi ko. Kinalas ko ang seatbelt ko saka ko siya hinarap. My
heart shattered in a million pieces as I took in the expression on her face. She
has already decided. Oh, god... "Natalie, for christ's sake, don't do this to me..
Hindi mo kailangan gawin 'to!"

"I have to, Caleb!" naihilamos niya ang palad sa mukha. "Can't you see? Hindi nila
tayo titigilan! Hindi tayo matatahimik at mapapahamak lang ang mga mahal ko sa
buhay! I cannot allow that to happen!"

"Akala ko ba matapang ka? Akala ko ba ipaglalaban mo 'ko? Nasaan na 'yung angas mo,
Natalie?" my voice thick with emotions. "Cmon, sweetie. I didn't peg you for
someone who gives up so easily. You are not a quitter. I saw how you fought for
Axel, why can't you do that for me? Ipaglaban mo din ako!"

"Not if.." humugot siya ng malalim na hininga. Bumaling siya ng tingin at noon ko
nakitang may tumulong luha sa mga mata niya. "Not if my family's at stake. Hindi ko
sila kayang idamay dito, Caleb."
"So, gano'n na lang? You're giving up just like that?"

"What do you mean just like that?!" she screamed at me. "Bakit parang pinapalabas
mong wala akong ginawa? Pinaglaban naman kita ah?!"

Hinawakan ko ang braso niya. "Pinaglaban? Eto nga sumusuko ka na, o! Naguumpisa pa
lang tayo, Natalie! Pero sumusuko ka na. Paano mo nasabing mahal mo 'ko kung
gan'yan na nakikipaghiwalay ka na sa'kin. What is this? Is this one of your
tactics? Sabihin mo naman sa'kin! Don't just break up with me!"

"This is not one of my tactics, Caleb! I'm breaking up with you for real! Coz I
can't handle this anymore!" lumingon siya sa labas. "Oh, shit! Oh sh-t! May pulis!
I-start mo na ang kotse, huhulihin nila tayo."

She tried to grab the car's key but I caught her hand easily. "We're not going
anywhere until we settle this."

"Are you serious? Makukulong tayo!"


"Wala akong pakialam! Didn't you hear me? Bawiin mo 'yung sinabi mo."

"The cops are coming, Caleb!" pinandilatan niya ako. Napatutop siya sa bibig niya
habang sinusundan ng mata ang mga papalapit na pulis. Sunod ay narinig ko ang
mahinang pagkatok ng mga ito sa salamin ng kotse ko.

"Boss, nakaharang po kayo sa daan."

No sh-t, sherlock.

Hindi ko iyon pinansin bagkus ay tumingin ako kay Natalie. "Please, sweetie. I'll
fix this alright? I'll fix this, you don't have to leave me! Aayusin ko ang gusot
ko kay lolo. I promise wala nang masasaktan sa pamilya mo."

"Ayoko na, Caleb. Tama na!" pilit niyang inaabot ang bukasan ng bintana dahil
mukhang naiinip na ang pulis. "What the f-ck are you doing?! Baka barilin niya
tayo, ano ba?!"

"Sir, kung maari lang pong lumabas kayo ng sasakyan-"


I slid the window open and gave him my ID. I looked at Natalie again. "Natzkie,
please," i pleaded. "Hindi maayos 'to kung makikipaghiwalay ka-"

"Sir-"

"Will you please let me talk to my girlfriend first?!" I snapped at the officer.
"Natalie-"

"Tama na sabi." sabi niya sa malamig na boses. "I already fought for you, Caleb.
And look where it got me. Look what it did to my family. Kung wala ang kaibigan mo
paano na? Mawawala sa'kin ang mga kapatid ko and how could I possibly live with
myself knowing it was my fault? Knowing na nawala sila dahil naging siraulo ako at
nagmahal ako ng maling tao?"

"Is that what I am to you now? Maling tao?"

She gave me a flat stare. "Yes. And I can't let any of my loved ones put their life
on the line just because of this relationship. I'll be damned if I let that happen
again, hindi ko na kayang sumugal sa'yo." she looked at me with eyes so cold it
froze my heart. "I love you. But it's not worth the fight anymore."
Natulala ako. The next thing I knew i was being hauled out of my car and the
officers were slapping a piece of metal on my wrists. All the while I was looking
at Natalie who's standing on the other side of the car.

---

"Ikaw na ang bahala sa kanya, pare." sabi ko kay Scor habang nasa kabilang panig
ako ng selda. "Ihatid mo siya sa kanila. Make sure she's safe."

"I can talk to them they'll let you out in here. Just say it." anito.

Umiling ako ng paulit ulit. "No, don't do that. I'll be fine here. Makakalabas din
naman ako-"

"Are f-cking nuts, pare?" ani RD. They're the only person I called when the
officers let me use their phone. "Sige na, Scor, kausapin mo na kung sino mang
koneksyon mo dito para makalabas na 'to-"

"I said no." pigil ko sa kanila. "I'll do my time. Basta kayo nang bahala kay
Natalie."
Bumuntong hininga si RD. Sa tingin na ibinato niya sa akin ay hindi ko alam kung
naaawa ba siya o iniisip niyang nasisiraan na talaga ako ng bait. "Nagpasundo na
siya sa kuya niya. Sigurado ka ba talagang gusto mong makulong dito? Bro, traffic
violation lang 'yon."

"I snapped at the officer."

"So? Magagawan ng paraan ni Scor 'yon!"

"Just let me be, pare.."

Tinapik ni Scor ang balikat ni RD na tila ba nakakaunawa ito sa nararamdaman niya.


"Pabayaan mo na 'yan. It's best for him to stay here for now."

RD reluctantly nod and turned his back. "If you need anything just give us a call."

"I need someone to take my car from the impound and someone to take care of
Natalie."
"Jesus, she already broke up with you! Why are you still so concerned?!"

Hindi ko na nagawang sumagot dahil naroon si Scor upang pigilan ang kaibigan namin.
"Stop being a dick, Randall. Let's go. We've got an R8 and a busty female to take
care of." bumaling siya saakin at ngumiti ng matipid. "Magingat ka dito. We're
gonna wait for you bright eyed and bushy tailed tomorrow. Prepare for some buttsex
jokes, alright, buddy?"

I rolled my eyes at him and watched them leave the precint. Nilingon ko ang mga
kasama ko sa selda at di sinasadyang napalunok ako. Damn that guy, it's not as if
I'm gonna let myself be touched in here.

Pagkatapos ng overnight napagkakakulong ay naabutan kong naghihintay nga sa akin sa


labas sina Scor at RD dala ang kotse ko gaya ng pangako nila. Wala akong sinabi
kundi tinanguan ko na lang ang mga kaibigan ko. Naiintindihan na nila 'yon.
Ihinagis sa akin ni RD ang susi ng R8 at mabilis akong lumulan doon.

"Where are you going?" he asked before I was able to shut the door close.

"I'm going to make someone pay."


Nagtuloy ako sa mansion at tamang tama na nakasalubong ko bago ako pumasok sa loob
ng opisina ni lolo si Honesto. Without a word, I punched him straight in the face
and blood spilled on the carpeted floor. Matapos iyon ay nilapitan ko si lolo na
nakupo sa lounge chair niya at initsa ang susi ng R8 at condo sa mesa.

"Caleb, what's going on?"

Dinukot ko ang wallet ko at inilabas ang mga credit cards at ATM mula roon. Initsa
ko ring lahat iyon sa mesa. "Ibinabalik ko na lahat ng binigay niyo sa'kin.
Although, technically I worked for the R8 and my condo. So, now I owe you nothing."

"What are you trying to pull?"

Huminga ako ng malalim. "I want you to stop manipulating my life. You cannot
threaten me that you'll take everything away because I'm giving everything back
including all the money in my bank accounts and trust fund. Kung pwede pati ang
apelyido ko, ibalik ko na sa inyo."

"No, Caleb. I'm sorry son-"


"Save your remorse for someone who cares." tumalikod ako sa kanya. "There's nothing
you can take away from me anymore. Natalie's gone. I already lost everything. I
hope you're happy."

Pagkatapos kong makipagharap kay lolo ay nakaramdam ako ng pagod. It has nothing to
do with my lack of sleep. I just feel tired and empty. Alam kong masakit na nawala
sa akin si Natalie but I just couldn't feel it as of now. Siguro mamaya pa iyon
magsisink in kapag nakita ko siyang muli.

Sumunod na pinuntahan ko ay ang bahay nila Natalie. Bago pa man ako makalapit ay
hinarang na ako ni Nero. He said to give his sister some space. Hindi siya galit
sa'kin dahil alam naman niyang hindi ko kasalanan nag pagkakakidnap sa mga kapatid
nila. Pero iba ang itinatakbo ng isip ni Natalie. Tumango na lang ako at lulugo
lugong pumara ng taxi.

I don't know what to do..

####################################
Chapter 36
####################################

Caleb
So this is how it felt to be brokenhearted? Ganito rin siguro ang pakiramdam ni Ram
sa ngayon. Maybe I should pay him a visit? It sucks to be drinking yourself to
death, alone. Nilaro ko ang baso kong puno ng scotch at pinaikot ang walang lamang
bote sa ibabaw ng lamesa. Damn, kahit kailan ay hindi pa yata ako nalasing ng
ganito. Wala naman kasi akong dahilan. Kahit pa noong malaman kong ipinagkasundo
akong ipakasal ni lolo sa babaeng napupusuan niya para sa'kin. I wasn't this
wrecked..

Right now I feel like I just got hit by a ten wheeler truck and was left to die in
the street. Natalie was my ten wheeler truck. Bigla na lang siyang dumating sa
buhay ko, sa tahimik na sanang buhay ko. Bumusina naman siya eh, I should have
known na masasagasaan ako, pero hindi eh. I met her head on. Sobrang tapang ko at
sinalubong ko ang pagbangga niya sa akin. At ngayon.. Heto ako.. Luray luray..
Labas utak, labas bituka.. Malapit nang mamatay.

Aw damn. Me and my stupid analogies. Does being brokenhearted make you insane? Or
maybe it's just the alcohol? Lasing lang siguro ako.

Ngunit imbis na ibaba ko ang baso ng alak at bumalik sa kama upang matulog ay
inisang lagok ko iyon. Tumayo ako at kinuha ang isa pang bote mula sa night stand
at iyon naman ang pinagdiskitahan.

Ang sarap magpakalunod sa alak pag nababaliw ka sa pagibig.

Matapos kong salinan ang baso ko ay nahagip ng mata ko ang isang bagay mula sa
pinagkunan ko ng bote ng alak. I snatched it and toyed with it. It was the keychain
Natalie gave me after I wrecked my car. Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang
mga pinagsaluhan namin ng araw na iyon. I can still remember hugging her when we
rode that blasted train. I hugged her again while we were stranded in a waiting
shed because of the rain.

That was the day I realized I was infatuated with her. That I enjoy being with her
and I never enjoyed any woman's company except for her. She made me try things my
lolo would probably burst a vein if he finds out about. That was the day I realized
that no matter what the circumstances are, siya 'yung pipiliin kong makasama. May
that be in a storm o sa siksikang train ng MRT.

How I miss her. Lahat ng mga bagay tungkol sa kanya namimiss ko. 'Yung tawa niya,
'yung pagiging baliw niya, 'yung mga walang kasing baliw na mga ideya niya. Her
tenacity. Heck! I would give anything just to be with her right now. Just to listen
to her giggling, just to see her hilarious attempts on flirting with me again.

Pero ano pa bang kaya kong ibigay? Ibinalik ko na lahat ng pagaari ko kay lolo. I
don't have anything right now except this boat. And this keychain.

God, paano ba nangyari ito sa buhay ko?

Napapaikit na ako ng mata nang biglang sumambulat ang pinto ng cabin at iniluwa
niyon ang dalawang bodyguards ng lolo ko. Pumasok si Frederick Yung sa aking kwarto
na may hawak na isang baston. Ngumiti siya ng payak sa akin habang ako naman ay
pinaningkitan ng mata.
"What are you doing here?" napatayo ako. Kapit ko parin sa isang kamay ko ang bote
ng alak at ang keychain naman sa kabila. "I thought I already made it clear that I
don't want anything to do with you or your family anymore?"

"Today's your wedding day."

Nagtawa ako ng pagak. "Ano ba sa sinabi kong hindi kong hindi na 'ko papayag na
manipulahin mo pang muli ang buhay ko ang hindi malinaw sa'yo?"

Bumuntong hininga si lolo bago muling nagsalita. "Please, Caleb. Your bride's
waiting for you-"

I threw the bottle of scotch behind him and it shattered across the cabin's wall.
"Enough lolo! I'm tired of your games! And did I hear that right? You're resorting
to pleading now? Bakit? Dahil ba hindi umubra ang pagpapakidnap mo sa mga kapatid
ni Natalie? Kaya ngayon nagmamakaawa ka na sa'kin?"

"Caleb, it wasn't me who kidnapped the kids! You know I would never do such thing!"
sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit umatras ako. Kahit galit ako ay hindi ko
magawang itulak siya. He was still the man who raised me, afterall. Sa kabila ng
pagkamuli ko ay nangibabaw parin sa akin ang respeto ko sa kanya.
Ngunit hindi ibig sabihin noon ay magpapagamit parin ako sa kanya. "I call bullsh-
t! Simula nang mamagitan kayo sa amin ni Natalie, simula nang puntahan niyo siya sa
bahay at piliting makipaghiwalay sa'kin, hindi na 'ko nagtataka kung ano pang kaya
mong gawin!"

"Maniwala ka sa'kin, apo, please-"

"Enough!" sigaw ko. "Hindi mo na 'ko matatakot, lolo! There's nothing you can take
away from me that I haven't lost already. I already lost Natalie. I already lost my
everything! Wala na akong pakialam sa kayamanan mo. I only want Natalie! Siya lang!
But you took her away from me just like what you did to my dad and my mom." natawa
ako sa gulat na ekspresyon ng mukha niya. "Why lolo? Akala mo ba hindi ko alam?"

"Caleb-"

"You took my father away from her that's why she committed suicide! Kasalanan mo!
Kasalanan mo kung bakit lumaki akong walang mga magulang!" soon I realized I was
sobbing. I wasn't aware how much the tragic story of my parents f-cked me up until
those words poured out of my mouth.

Matagal ko nang alam ang nangyari sa mga magulang ko. Their lovestory was alot like
what Natalie and I had. Hindi nagmula sa isang buena familia ang aking ama. He had
nothing but this boat but he was willing to strive hard upang itaguyod kami ni
mama. Nang malaman ni lolo ang relasyon ng dalawa ay mahigpit niya iyong tinutulan.
Ang sabi ay pinahirapan at tinakot daw ni lolo ang tatay ko upang layuan si mama.
Matapos ako maipanganak ay nawala na ang ama ko. Hindi na niya binalikan pang muli
si mama hanggang sa magpakamatay ang huli dala ng labis na kalungkutan.
"That's not true!" paulit ulit na umiling si lolo. "You don't know the true story!
Sinong nagsabi sa'yo ng kalokohan na 'yan?!"

"Does it matter?! Ang importante alam ko na ang totoo, na sinira mo ang buhay ng
nanay ko at ngayon, ang sa akin naman ang balak mong sirain!"

"I told you that's not true!" he looked like he was about to get a stroke. "Nandito
ako para ayusin ang buhay mo, apo." nilingon nito ang mga body guard at nagsikilos
ang mga ito patungo sa kanya.

"What are you doing?!"

Ang sumunod na namalayan niya ay may ipinaamoy sa kanyang mabahong bagay at unti
unti siyang nahilo hanggang sa nawalan siya ng malay.

"I'm sorry, apo."


---

"Ano'ng ginawa niyo?! Sinaktan niyo ba siya? Oh my god! Kakalbuhin ko talaga kayong
lahat!"

Napaungol ako nang unti unting bumalik ang malay ko. Parang pinupukpok ng martilyo
ang ulo ko sa sobrang sakit at kumikirot din ang likod ko sa pagkakaupo sa one
seater sofa. Sinapo ko ang ulo ko at unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Mukha
ni RD ang unang bumungad sa akin. "Randall? Ano'ng nangyari?"

"Sa wakas naman gising ka na!" nakangising sabi niya. "Akala ko kailangan ka pa
namin buhusan ng malamig na tubig, sayang naman ang tux mo."

"What?" gulong tanong ko. I looked down at myself and saw that I was really wearing
a tux. "Oh, f-ck!"

No! No! No! Kinidnap ba ako ni lolo para matuloy ang kasal namin ni Heather? Oh, f-
ck no! Sinikap kong tumayo mula sa kinauupuan kong sofa. "No, hindi pwede. Hindi
ako pwedeng ikasal kay Heather, okay? Tigilan niyo ako. Please 'wag niyong gawin
sa'kin 'to."

"Hoy, pare, easy lang!" hinawakan ako ni RD sa magkabilang braso para pigilan ako
sa tangka kong pagtayo.
"Hindi, pre! Akala ko ba kaibigan kita?! What the hell are you doing.here? Kasabwat
ka ba ni lolo?!" nasapo ko ang noo ko nang biglang umikot ang paningin ko. I had
too many scotch kaya lasing parin ako. "Bitawan mo 'ko! Hindi ako magpapakasal kay
Heather! You know how much I love Natalie at hindi ako papayag na maikasal kanino
man, except her! You hear me? Si Natalie lang ang pakakasalan ko!"

Hindi sumagot si RD bagkus ay ngumisi lang siya sa akin. "What? Ginagago mo ba 'ko,
Randall Ferrera?!"

"Hell no!" nagtawa siya. Sinapo pa kamo niya ang tiyan niya. Isa na lang, tutuhurin
ko na ang itlog ng hayup na 'to. "Mukhang nananaginip ka pa, bro. Gusto ko sanang
patulugin ka pa kaya lang nandito na 'yung paring magkakasal sa'yo-"

"Sinabi ko nang-"

"Kay Natalie."

Natigilan ako. "What. The. F-ck."


Lumapit sa'kin si RD at bumulong, "If I were you, titigilan ko na ang pagmumura.
Kanina pa masama ang tingin sa'yo ni father." he spun me and true to his words, the
priest was eyeing me disapprovingly. Nilinga ko ang mata ko at nakita ko si Nero at
ang lolo ko sa tabi ng pari. My eyes shifted to a space behind them and saw a very
lovely woman sitting on a one seater sofa like the one I just vacated. Her hair was
neatly pinned on her nape. And she was wearing an equally lovely white dress and
holding a bouquet of red roses.

"N-Natalie?"

"Hi, Caleb." mahiyaing ngumiti siya sa'kin.

Nagsimula akong lumapit sa kanya. Tumayo din siya at sinalubong ako ng yakap. "Shi-
I mean, Oh god. Akala ko hindi na kita mayayakap ulit, Natzkie. Totoo ba 'to? Tell
me I'm not hallucinating!"

She chuckled against my neck. "Hindi ka nananaginip, Caleb. Totoo 'to. Magpapakasal
tayo. Kinausap na ako ng lolo mo, payag na siya sa relasyon natin. In fact, siya pa
nga ang nagplano nitong kasal natin."

"What?" nilingon ko si lolo na nakasuot ng amerikana at nakangiti ng alanganin sa


akin. "W-Why?" naguguluhang tanong ko.
Huminga siya ng malalim at hinawakan sa magkabila niyang kamay ang tungkod niya.
"Patawarin mo ako, apo. Patawarin mo ako kung pinangunahan kita sa mga desisyon mo
sa buhay. Patawarin mo 'ko kung ipinipilit ko sa'yo ang isang bagay na hindi mo
naman talaga gusto. You see, I just don't want you to suffer the same fate as your
mom."

My eyes narrowed in confusion. "What do you mean, lolo?"

Tumungo siya bago nagsalita. "I don't know who told you the story but I can assure
you that it's not true." tumingin siya sa akin ng diretso. "Matagal kong itinago
sa'yo ang katotohanan dahil ayokong sirain ang imahe ng ama mo sa'yo. Hindi maganda
ang pakay niya sa iyong mama, Caleb."

Hinawakan ni Natalie ang kamay ko ng mahigpit habang nakapako ang mga mata ko kay
lolo.

"Pinerahan niya ang mama mo dahil alam niyang nagiisa kong tagapagmana si
Callista." aniya. "Nang malaman ko ay galit na galit ako kay Ricardo. Tinakot ko
siya, oo. Sinabi ko na kung wala siyang magandang balak sa anak ko ay layuan niya
si Callista. Huli na nang malaman kong buntis pala ang mama mo sa'yo. Sinubukan
kong hanapin ang tatay mo at pabalikin para sa'yo at sa mama mo pero huli na.
Nagpakalayo na siya dala ang lahat ng perang nahuthot niya kay Callista."

"Caleb, apo. Gusto kong malaman mo na sinubukan ko. I did my best to get him back
for you. I don't want you to grow up thinking your father abandoned you and your
mom. I swear. I did my best." pinahid niya ang luhang umalpas mula sa mata niya.
Maging ako ay pakiramdam ko maiiyak ako. Natalie was already sobbing silently
beside me. "Nabigo ako, apo. Nabigo akong mabigyan ka ng magandang buhay at buong
pamilya. When your mother demanded that I tell her what really happened, napilitan
akong sabihin sa kanya ang lahat. She was so broken hearted. She felt betrayed.
Because of that she became really depressed until she decided to.."

"End her life.." pagpapatuloy ko sa sasabihin niya. A tear fell from my eyes.

Lahat pala ng alam ko tungkol sa mga magulang ko ay puro kasinungalingan. Isang


dating katulong ang nagsabi sa akin ng kwentong iyon. Parang naging isang malaking
joke tuloy ang buhay ko. Gold digger pala ang aking ama. How f-cked up is that?

Tumango si lolo at hinawakan niya ang braso. "I'm really sorry if I failed you,
apo. I realized I was wrong. Very wrong. Sana mapatawad mo ako. Pinuntahan ko si
Natalie, I talked to her and I realized how very wrong I was. Wala pala akong dapat
ipagalala sa'yo, apo. She is a great girl. She is perfect for you, Caleb."

Tumingin ako kay Natalie na tahimik paring lumuluha sa tabi ko. I smiled amd she
smiled back inspite of her tears. "That I know."

"So, now that everything's settled.." tumingin ito sa lahat ng nasa kwarto. "Ngayon
lang naman ito, apo. Maliit na kasalan muna, pagkatapos ay saka na kayo magplano ng
enggrande niyong kasal." nakangiting sabi ni lolo. "Makakasiguro kang wala kang
maririnig na pagtutol mula sa akin."
Sabay kaming napa-'wait' ni RD.

"Mawalang galang na po. I just have to ask," ani RD. "What happened to Heather?"

"Well," bumuntong hininga si lolo. "She was taken cared off. And her father, I,
uh.. Pinakulong namin siya."

"What? Why?"

Nero came forward. "We found out na siya pala ang may pakana sa kidnapping nila
Patricia at Patrick."

RD and I gasped. Truth to be told, hindi ko inasahan iyon. Masyado siguro akong
nabulag sa galit ko kay lolo kaya wala akong ibang pinagbintangan kundi siya.
Nakaramdam tuloy ako ng konsensya. "I'm sorry lolo kung napagbintangan kita."

"I deserve that, apo. Hindi rin naman ako naging mabuting lolo sa'yo."
"No-"

Itinaas nito ang kamay. "Really, Caleb, it's okay." ngumiti siya at niyakap ako.
"Sige na, baka naiinip na si father sa dami ng seremonyas natin." bumaling ito sa
pari. "Simulan na po natin ang kasal, father-"

"No!"

Napatingin silang lahat sa akin. Bumaba ang mata ko kay Natalie at nanlalaki ang
mata niyang nakatitig sa'kin. "Caleb-"

"I can't marry you right now, Natzkie."

Sari sari ang reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Mukhang susugurin pa nga ako ng
kuya niya kung hindi ito napigilan ni RD. "Why?" nanginig ang mga labi niya at
nagsimula nanamang tumulo ang luha niya. "Dahil ba iniwan kita? I knew it! I knew
it! Hindi ko naman sinasadyang saktan ka, Caleb. Natakot kasi ako-"

Inilapat ko ang daliri ko sa labi niya para matigil siya sa kabaliwan niya. "I
know, sweetie.."
"Ayaw mo na ba sa'kin?" she sobbed.

"Natzkie, sweetie." I cupped her face and smiled at her. "Walang kahit na ano sa
mundong 'to ang makakabawas sa pagmamahal ko sa'yo. Kahit ilang beses mo akong iwan
basta alam ko at nararamdaman kong mahal mo ako, hinding hindi ako bibitaw.
Naiintindihan mo? Mahal na mahal kita, Natalie, kahit saktan mo ako ng paulit ulit,
ang puso ko para sa'yo lang.."

"Eh bakit ayaw mo 'ko pakasalan?!" nagawa pa niyang ipadyak ang paa niya na siyang
ikinatawa ko.

Hinalikan ko siya sa labi. "Because you deserve more than a shotgun wedding,
sweetie. Gusto kong pakasalan ka sa simbahan mismo. Kapag pareho na tayong handa,
kapag natupad mo na lahat ng pangarap mo. Hindi 'yung ganito, ni hindi ka nakasuot
ng magandang gown, wala din dito ang parents mo at higit sa lahat, lasing pa 'ko!"

Nagkatawanan kaming lahat sa loob ng kwarto. Niyakap ko si Natalie at masuyong


hinalikan siya sa bumbunan. "Let me make this right for you, Natalie. Trust me.
Hindi ba sinabi ko naman sa'yo, you are beautiful, sweetie, and you deserve
something equally beautiful."

Umismid siya habang nakayakap sa akin. "Basta bilisan mo lang, ha? Kapag ako
nainip!"

"Don't worry, Natzkie, aaliwin kita ng pagmamahal ko para hindi ka mainip sa


paghihintay. Araw araw kitang pakikiligin."

A/N: I will post the last chap baka later or tomorrow :) I'm so excited!!! *3*
####################################
Chapter 37 FINALE
####################################

TWO YEARS LATER...

Natalie

Balisang balisa ako at hindi magkandaugaga sa pagaayos ng buhok ko. Hindi ko alam
kung ilulugay ko ba siya o ipupusod? Maganda kaya sa akin ang kulot? Dinampot ko
ang tissue at pinahiran ang red lipstick ko. Hindi yata bagay? Dapat yata pink
lipstick, OA na yata ang red? Baka kung anong isipin sa akin ng mga tao. Tama, pink
lang siguro para magmukhang demure!

"What on earth are you doing?!" agad na hinagip ni Libby ang kamay ko bago ko pa
tuluyang mabura ang lipstick. "Pinakialaman mo nanaman ang make up mo! Kakalbuhin
na talaga kita!"
"Bessy kasi!" maktol ko. "Parang masyadong over-the-top ang red! Baka magmukha
akong you know! Marami pa namang tao mamaya, for sure nasa akin lahat ng atensyon
nila!"

Libby rolled her eyes. Itinapon niya ang tissue sa trash bin sa sulok ng kwarto ko.
"Inaatake ka nanaman ng nerves mo, bessy ha? Kalma ka lang. OMG, para namang first
time mo?"

"Eh sa kinakabahan ako eh! Ibang level na 'to, bes!" napatayo ako mula sa harap ng
vanity mirror at nagpaikot ikot sa kwarto ng bago kong condo unit. Di hamak na mas
maganda at mas malaki ito sa dati kong tirahan. Sinabi ko kay Caleb na okay lang sa
akin na iparenovate na lang 'yung luma but he insisted na lumipat ako sa condo na
malapit sa kanya. Since ayaw ko naman daw pumayag na magmove in kasama niya, mabuti
na daw iyong limang minuto lang ang layo ko sa kanya para makita niya ako anumang
oras niya gustuhin.

"At paano mo nasabing ibang level, aber?" Libby stood at the foot of my queen size
bed with her arms folded in front of her.

"Ano ka ba? Kilala mo ba kung sino ang mga dadating, Libby?!"

She smirked. "Of course! Ako kaya ang may hawak ng guest list!" tumigil na sa
pagmomodelo si Libby at nagsimulang magtrabaho bilang events organizer.
"Ayun naman pala-"

"Ang point ko, hindi mo naman first time!" lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa
magkabilang braso. "For goodness sake, huminahon ka nga! Stop pacing! Hanggang
ngayon ba naman, Natalie? Sikat ka na and all ganyan ka padin?"

Katakut takot na irap ang natanggap niya mula sa'kin. "Hindi ako sikat!"

"Luh? Pa-humble pa ang bruha!" tumawa siya at hinala ako paupo sa kama. "Bessy,
palagi kang nababanggit ng mga tao sa art community! Ilang beses ka na din na-
feature sa Rated K! All in the span of two years? Hello? Hindi ka pa ba sikat sa
lagay na 'yan?!"

I pouted. "Sumikat lang naman ako dahil kinuha ni Caleb ang paintings ko at
ginawang display sa buong hotel nila!" bukod doon ay pinush din niya na mag aral
ako ng sculpting na siyang sinunod ko naman. Naenjoy ko ang paglikha ng kung anu
ano at nagsimula na ring kunin ni Caleb ang mga gawa ko. Heto nga't pangalawang
open gallery ko na. Iyong una ay nakafeature lamang ako sa gallery ni Dorian
Jimenez ngayon ay solong gawa ko na ang laman ng gallery.

Kaya naman abut abot ang kaba ko ngayon. Para tuloy akong matatae!
"Kung kailan naman kasi kailangan ko ang damuhong si Caleb saka pa siya busy sa
business meeting na 'yan!" inis na banggit ko sa boyfriend ko.

"Speaking of! Naku bessy! Ang swerte mo talaga dyan kay boyfie mo, ano?"
umabrisyete siya sa akin at ipinatong ang ulo sa balikat ko. "Super supportive!
Tapos ang gwapo pa!"

"Heh! Tumigil ka nga!"

"Ang sweet pa! Ano pang hahanapin mo di'ba? Bakit hindi pa kayo magpakasal?!"

Lumamlam ang mata ako at napanguso ulit ako. Gustong gusto ko na kaya magpakasal!
Atat na atat na! Ready-ng ready na! Pero si Caleb.. Napabuntong hininga ako.
Hanggang ngayon, hindi parin niya tinutupad ang pangako niyang kasal sa'kin.
Tutubuan na lang yata ako ng uban, natutuyuan na ako ng ugat at tirik na ang mata
ko hindi parin siya nagpopropose! Inip na inip na 'ko!

Sumagi pa tuloy sa isip ko na baka ayaw lang talaga niya akong pakasalan? Baka
gumawa lang siya noon ng excuse pero ang totoo.. Ah! Hindi! 'Natalie, h'wag ka mag-
isip ng ganyan kay Caleb! Mahal ka nu'n! Diba nga super sweet niya sayo at never sa
loob ng dalawang taon niya ipinadama sayo na hindi ka niya mahal? Chill ka lang
gurl! Masyado ka naman kasing atat!'
Pero paano nga kung ayaw talaga niya akong pakasalan?

"Oh ba't nakasimangot ka?" untag ng best friend ko.

Umiling lang ako. Ayoko nang isipin ang disappointment ko at baka makasira pa iyon
sa aura ko. This is my day! Weh 'no kung ayaw akong pakasalan ni Caleb? Bahala
siya! Akala naman niya.. Masyadong pa-yummy. Napaingos ako. "Handa na ba ang lahat
sa hotel, Libby?" tanong ko sa kanya kapagkuwan.

"Oo kaya! Ikaw na lang ang hinihintay!" kay lapad ng ngisi ni Libby. Sinipat niya
ang relo. "We better go, bessy. Baka mainip ang mga bisita!"

Tumango ako at inayos na ang kulay itim na cocktail dress ko. Hindi ko alam pero
parang mas excited pa ang best friend ko kaysa sa'kin. "Let's go."

---

Abala ako sa pageestima ng mga bisita pero hindi maalis ang mata ko sa entrada ng
ballroom. Sa hotel kasi nila Caleb ginanap ang open gallery ko pero hanggang
ngayon, no show parin siya. Kumpleto na lahat ng guest of honor, kabilang na sina
Dorian Jimenez at ang idolo kong si Mariano Diaz. Ang boyfriend ko na lang ang
hinihintay

"Nana, are you okay?"

Napalingon ako kay Axel na kausap ko nga pala. "I'm sorry, ano nga ulit 'yung
sinasabi mo?"

Tumawa lang si Axel at inabutan ako ng isang champagne flute. "Uminom ka nga muna,
mukhang masyado kang stressed. May problema ba?" umiling lang ako at nginitian
siya. Nakasuot ng itim na dress shirt si Axel at ang pogi pogi niya. Okay na okay
na kami ngayon, at sila rin ni Caleb ay in good terms na, kaya naman hindi ko
naiwasang matuwa.

"Nasaan nga pala si Heather?" banggit ko sa current girlfriend niya na ex-fiancee


naman ng boyfriend ko. Akalain mo nga namang sila parin ang nagkatuluyan sa huli?

"She's fine." sagot nito bago ininom ang champagne. "Pero hindi pa daw niya kayang
humarap sa inyo ni Caleb ngayon. You know, pagkatapos ng nangyari two years ago."

Napaingos ako. "Ano ba siya? Wala na sa'min ni Caleb 'yon! We would love to have
her here. Isama mo siya minsan at magdouble date tayo."
"Teka, speaking of Caleb, nasaan na nga pala ang boyfriend mong 'yon? Hindi ba
dapat nandito siya?"

Sumimangot ako. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Kanina ko pa tinatawagan hindi
sumasagot." nag aalala na tuloy ako. Ang alam ko ay mangggaling siya sa isang
business meeting kasama ang lolo niya pero dapat kanina pa siya narito. Saan na ba
nagsuot ang lalaking iyon?

"What about his friends? I can't see anyone of them either."

Lalong nagkagatla ang pagitan ng kilay ko. Oo nga ano? Wala sila. Siniguro ko
namang ang bawat isa sa mga kaibigan niya ay napadalhan ko ng imbitasyon. Ram and
Zeve's wives are here already. Maging ang bestfriend ni Liam at kapatid ni Drae ay
narito. Pero wala sila. Now, I'm curious. Ano nanaman kayang gusot ang pinasukan ng
mga iyon at kailangang wala silang lahat dito? Nakakatampo na ha?

Sana naman walang napahamak na isa sa kanila. Kakagaling lang ng sugat na tinamo ni
Caleb mula sa engkwentro nila sa kidnapper ng asawa ni Charlie. Sana naman ay hindi
sila nakahanap ng bagong gusot na kasasangkutan.

Maya maya ay lumapit sa'kin si Libby na napansin kong basa ng pawis ang noo kahit
pa airconditioned naman ang ballroom. Ginagap niya ang kamay ko at hinila ako.
"Hoy, teka! Kausap ko pa si Axel!"
"Hayaan mo nga 'yang ex mo! Sumama ka muna sa'kin at importante ito." aniya na
hinihila ako sa bandang unahan ng ballroom.

"Saan mo ba 'ko dadalhin? At bakit pawis na pawis ka? San ka galing?"

"Basta! Manahimik ka lang, okay?"

Napamaang ako. Wow! Ang sungit naman! Tumahimik na lang tuloy ako hanggang sa
mapapitlag ako nang biglang mamatay ang ilaw sa buong gallery. Napatili ang ilan
hanggang sa makarinig ako ng bulungan at tanungan. "Hey? Ano'ng nangyari, bessy?
Nagkaproblema ba ang hotel?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya may
mga teroristang nakapasok sa loob ng hotel? "Oh my god, Libby. Dapat siguro
palabasin na natin ang guests?"

"Shh. Quiet!" she hissed. "It's about to start."

"What? Ang alin?"


Biglang bumukas ang chandelier sa ibabaw ng ballroom. May mga nagbukas na spotlight
sa gilid na nakatutok sa gitna at may dalawang nakatutok sa amin ni Libby.

"What's going on, bes? Wala ito sa plano-"

"Just shut up, alright?" nakangising saway ni Libby na hindi man lang magawang
tumingin sa akin. Nakapako ang mata niya sa gitna ng ballroom kung saan nakatutok
ang spotlight. Isa isang pumasok ang mga nakatuxedong lalaki na nakilala kong mga
kaibigan ni Caleb. Sumasal lalo ang tibok ng puso ko. Anong ginagawa nila? Pumorma
sila na tila ba may isang production number silang gagawin. Napangiti tuloy ako.
Ang popogi ng mga 'to.

Nagsimulang pumailanlang ang tunog ng gitara sa background, at noon naman biglang


pumasok si Caleb at pumwesto sa pinakaharapan ng grupo. Nalaglag ang panga ko. He
looks so dashing in his own tux. Para tuloy akong nagflash back sa araw ng
supposedly ay kasal namin. I looked at him expectantly and he smiled back at me.
And then he started singing, "Imagine me and you. I do. I think about you day and
night. It's only right to think about the girl you love and hold her tight so happy
together.."

Nagsimulang kumilos ang mga kaibigan niya sa likod at ganoon din siya. Si Zeve ang
nagsilbing second voice habang back up singers slash dancers naman ang iba.
Makikitang enjoy na enjoy ang mga lalaki sa pagsasayaw lalung lalo na sina Liam,
Drae at Ram. Ngiting ngiti ang mga loko at nagawa pa ni Ram na kindatan ang asawa
nitong maumbok na ang tiyan. Tila kilig na kilig naman si Charlie na nag flying
kiss pa sa asawa.

Habang si Scor naman ay panay ang, "F-ck" at "sh-t" dahil parating nagkakamali sa
simpleng mga steps ng kanta.

Napahagikgik ako. Hindi ko pa alam kung ano talaga ang trip ng boyfriend ko dahil
parati namang may mga pakulo 'yan. Ang sabi niya baka daw kasi mainip ako sa
kahihintay sa proposal niya kaya panay ang pagpapa-yummy niya sa'kin.

"I can't see me loving nobody but you, for all my life! When you're with me baby,
the skies will be blue for all my life!!"

Napalunok ako nang biglang naglakad patungo sa akin si Caleb at unti unting
binibitawan ni Libby ang kamay ko. "Bes! 'Wag mo 'kong iwan!" nagpapanic na sabi
ko.

"Can't, bessy. Moment niyo 'to ni boyfie." nang lingunin ko siya saglit ay
kinindatan niya ako at tumalilis na.

Patuloy sa pagkanta si Caleb sa harapan ko at bahagyang lumapit na din sa amin ang


mga kaibigan niya. Panay ang pa-cute ni Liam sa crowd at kung sino sino ang
kinikindatan. Halata namang excited si Zeve at RD na nakatingin kay Caleb habang
nagsising and dance.

Nang matapos ang kanta ay isa isang nagsitabihan ang mga barkada niya. I heard Drae
hissing at Scor. "The steps are f-cking easy, I don't know how you managed to f-ck
them up!"

"Oh shut up." sagot nito na nagmamadaling nagtago sa madilim na sulok.

"Saw that, honey? Hot ko 'no?" sabi naman ni Ram sa asawa na agad ipinalibot ang
mga braso sa bewang nito.

"Yeaahh.." sagot ni Charlie. "Mamaya ka sa'kin."

Si Liam naman ay dumiretso sa bestfriend nitong si Ika na ang bungad ay, "Mukha
kang may tae sa puwit sumayaw."

"What? Kaya ba laway na laway 'yung mga chicks sa'kin?" anito sabay kaway at kindat
sa mga naghahagikgikang co-models ni Libby na inimbita din namin.

Bumaling ang mata ko kay Caleb na nakatayo sa harap ko. Siryosong siryoso siya at
tumutulo ang pawis sa noo kaya hindi ko naiwasang abutin iyon ng kamay ko.
"Natalie," umpisa niya.

Halos wala na akong marinig sa sobrang lakas ng pagtambol ng pulso ko sa tainga.


Nanlalamig ang kamay ko at nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. Parang alam ko
na.. Oh god, ito na ba?! Napatili ako sa utak ko.

"Two years ago, we faced extraordinary challenges at nalampasan natin ang lahat ng
iyon." aniya. "Two years ago, ipinangako ko sa'yo na ikaw lang ang babaeng gusto
kong iharap sa dambana. Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan at mahalin
habang buhay.. Natalie, this is me fulfulling my promise," a collective gasps and
cheers erupted in the ballroom of the hotel when Caleb went down on one knee and
produced a ring from the pocket of his tux. "Sweetie, ngayong natupad mo na lahat
ng pangarap mo at napakilala mo na sa buong mundo kung sino ni Natalie Gifford at
kung anong kaya niyang gawin, pwede bang ang pangarap ko naman ang tuparin mo?"

Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng mga luha ko at paghikbi ko habang


tinititigan ko ang kulay tsokolateng mga mata ni Caleb. Ang lalaking kay tagal kong
hinintay. Ang lalaking akala ko hanggang sa panaginip ko lang makakamtan.

"Natzkie, tonight.. Please give me the assurance na matapos kong nakawin ang puso
mo two years ago.. Na walang ibang makakabawi o makakaagaw pa nito and that you'll
be mine forever? Please, Natalie, will you marry me?"

Naghiyawan ang mga tao at may nagbagsakang mga confetti at balloons sa paligid nang
sumagot ako ng..
"YES."

THE END

--

At dito na po nagtatapos ang ka-cornyhan ko! Charot! Yey! Tapos na siya! Gusto ko
kasi sana magspeech kaya lang wala akong masabi :p Salamat na lang sa lahat ng
nagbasa, sa mga matyagang naghintay ng update, sa mga nagcomment at nagvote!
Maraming thank you guys! :) Sana nagustuhan niyo ang sobrang corny-ng proposal ni
Caleb! Love you all! :*

You might also like