You are on page 1of 4

LUKSANG PARANGAL AT PAGGUNITA SA MGA MAHAL NATING YUMAO 1

PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Rosario Cantada ay atin nang sisimulan. Habang
nakatayo ang lahat, ang sambayanan ay aawit ng awiting pambungad.

Matapos ang awiting pambungad, uupo o luluhod ang sambayanan. Sisimulan ang panalangin.

Pagkatapos ng Rosario Cantada, aawit ang sambayanan ay aawit ng mga awit at salmo alay kay
Hesukristo, habang pumipila ng dalawang linya.

Magpuprusiyon ang sambayanan kasama ang imahen ng kanilang (mga) Patron, patungo sa
bahay ng pamilyang nagluluksa.

Pagkarating sa bahay, iluluklok ang imahen ng Patron sa loob, ang lahat ay aawit ng awit na
“Pauwi na” mula sa Bukas Palad Music Ministry.

Sisimulan ang pagdiriwang ng Luksang Parangal.

M apagmahal naming Ama,


natitipon kami ngayong gabi
kaalinsabay ng aming pagdadalamhati,
gugunitain namin ang isa sa iyong mga anak na
naging mabuti sa amin. Si Sis./Bro. (pangalan)
na tinawag mo na pauwi sa iyo.
Nagpapasalamat po kami para sa lahat ng
panahong aming pinagsaluhan, para sa
panahon ng kasiyahan at gawain, panahon ng
kwentuhan at pagbabahagi ng buhay at sarili.
Maraming salamat po sa lahat ng ito. Hinihiling
po naming pagpalain ninyo ang kanyang
kaluluwa ng tunay na kapahingahang
matatagpuan lamang sa iyong piling. Gayundin
naman, hipuin at hilumin nyo po ang mga puso
ng kanyang namimighating pamilya at mga
mahal sa buhay, upang mapuno ito ng
kapayapaan at pagtitiwala sa iyo. Turuan nyo
po ang bawat isa sa amin na patuloy na
magtiwala at manalig sa iyo sa gitna ng aming
mga pagsubok at mga katanungan ukol sa
buhay at kamatayan. Lahat nawa kami ay
2 LUKSANG PARANGAL AT PAGGUNITA SA MGA MAHAL NATING YUMAO

makatagpo ng kapayapaan balang araw sa


iyong piling. Hinihiling namin ang lahat ng ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Namumuno:

Mahal na Birheng Maria sa Fatima


Sasagot ang mga tao:

Ipanalangin mo kami.
Namumuno:

San Juan Bautista


Sasagot ang mga tao:

Ipanalangin mo kami.

Ang lahat ay tatayo sa pagsisimula ng pagdiriwang.

M ga minamahal kong kapatid,


tayo ay magsisimula na ng ating
pagdiriwang ng Salita ng Diyos para sa ating
kapatid na si (pangalan). Ito ay isang sama-
samang panalangin, pag-awit at pakikinig sa mga
pahayag ng Mabuting Balita ng ating Panginoon.
Ang Iahat ay malugod na inaanyayahang
makibahagi. Tumayo tayo at awitin natin ang
PANANAGUTAN.

Itutuloy ang babasahin sa aklat ng bihilya.


LUKSANG PARANGAL AT PAGGUNITA SA MGA MAHAL NATING YUMAO 3

Pagkatapos basahin ang Mabuting Balita, ang sambayanan ay magbabahaginan at sasariwain ang
mga ala-ala nila kasama ang mga yumao.

Namumuno:

Sabi nga po sa isang awitin, mayroong ligaya at lumbay,


maghintay at may nakalaang bukas. Mga kaibigan, alalahanin po
natin si (pangalan) sa awitin na ito.

Namumuno:

Iyon po si (pangalan), pagmamahal sa Diyos at sa kapwa ang lagi


nyang iniisip, kaya naman po hindi lang isa, dalawa o tatlo,
napakadaming gustong magpasalamat at patuloy na
nagpapasalamat sa kanya. Sa pagkakataon pong ito, pakinggan
po natin ang isang pasasalamat mula kay (pangalan)

You might also like