You are on page 1of 5

Please fill in the needed information to officially register for "Share-a-Story" Brigada Pagbasa

Project.
1. Last Name, First name, Middle Initial
2. Age
3. Grade level this school year
4. Gender
5. Address (Brgy, city)
6. How often do you read? A. Always (Everyday) B. Sometimes (3 to 4x a week) C. Rarely (Once or
twice a week) D. Never (I dont like reading)
7. What materials do you like reading? A. Print (books, magazines, comics, etc. printed on paper) B.
Digital (social media posts, ebooks, ecomics, etc. published online)
8. Specify your favorite material: ex. E-comics
9. What language are you confident to use in reading? A.English B. Filipino C. Others, specify ____
10. Why did you register in Brigada Pagbasa "Share-a-Story" Project? _____________________

Session 1:

Set A

Magandang umaga/hapon.

Kada linggo, Bawat isa sa inyo ay bibigyan ng tatlong babasahin na may mga nakalakip na tanong ukol
sa inyong binasa. Pag natapos ang sampung sesyon sa pagbabasa, ang bawat lumahok sa brigada
pagbasa ay makatatanggap ng sertipiko.

“pagiisip ay hasain, pagbasa laging gawin”


By khen
Happy reading

Paano Nabubuo ang Isang Batas?


May pinagdadaanang proseso ang isang panukalang-batas bago ito tuluyang maging batas para
maipatupad sa ating bansa. Ang bawat panukalang-batas na pinagtibay ng Kongreso ay dapat sumaklaw
ng isang paksa lamang na dapat nakalahad sa pamagat nito. Ang isang panukalang-batas ng anumang
kapulungan ay pinagtitibay sa tatlong pagbasa sa magkakahiwalay na araw. Tatlong araw bago
mapagtibay ito ay ipinag-uutos ang pamamahagi ng nakalimbag na kopya nito sa mga kagawad ng
kapulungan. Ang bawat panukalang-batas na mapagtitibay ng Kongreso ay ihaharap sa pangulo bago
maging batas. Lalagdaan ito ng pangulo kung sinasang-ayunan niya ito. Kung hindi naman, ipaiiral niya
ang kapangyarihang betohan ito at ibalik sa Kongreso. Kinikilala ito bilang veto power. Kalakip nito ang
kanyang mga tutol laban sa panukalangbatas upang muling talakayin ang mga ito.

Mga Tanong:

1. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa isang panukalang batas? (Literal)


a. Nilalagdaan ito ng pangulo bago ito pinagtitibay.

b. Kasama ang pangulo sa pagtitibay nito sa Kongreso.

c. Maaaaring tutulan ito ng pangulo bago maging batas.

d. Hinaharap ito sa pangulo bago pinagtitibay ng Kongreso.

2. Alin sa sumusunod ang unang nagaganap sa pagbuo ng isang batas? (Literal)

a. Hinaharap ang panukala sa pangulo upang lagdaan.

b. Ipinapamahagi ang kopya ng panukala sa mga kagawad.

c. Pinagtitibay ang panukala sa tatlong pagbasa sa Kongreso.

d. Ibinabalik ito ng pangulo sa Kongreso kung may mga tutol dito.

3. Kailan ginagamit ng pangulo ang kanyang kapangyarihang betohan ang isang panukalang-batas ?
(Paghinuha) Ginagamit ng pangulo ang veto power kapag ______________________ .

a. sang-ayon siya sa panukalang batas

b. hindi sang-ayon ang Kongreso sa panukalang batas

c. may mga dahilan siyang tutulan ang panukalang batas

d. hindi ipinagtibay ng tatlong beses ang panukalang batas

4. Ano ang salitang maaaring kasingkahulugan ng sumaklaw sa ikalawang pangungusap ng seleskyon?


(Paghinuha) a. bumanggit b. magsama c. mag-usisa d. tumalakay

5. Ano kaya ang dahilan kung bakit kinailangang makapagpatibay ng mga bagong panukalang-batas?
(Paghinuha)

a. Isinasaalang-alang nito ang ikabubuti ng Kongreso.

b. Kailangan ng batas para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

c. Pinagtitibay ang batas para sundin ang panukala ng pangulo.

d. Trabaho ng Kongreso na makabuo at makapaglimbag na batas.

6. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi napagpatibay ang isang batas sa Kongreso? (Paghinuha)

a. Ito ay hindi maaaring maipatupad.

b. Madadagdagan ang batas na susundin.

c. Ipaaalam na ito sa lahat para ipatupad.

d. Hindi ito lalagdaan ng pangulo bilang pagtutol.

7. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng pangunahing ideya ng seleksyon? (Paghinuha)

a. Sa Kongreso nabubuo ang isang batas.


b. Maraming paraan para makabuo ng batas sa Kongreso.

c. May paraang pinagdaraanan ang pagbuo ng bagong batas.

d. Ang isang panukalang batas ay dapat sumaklaw sa isang paksa.

Magandang umaga/hapon.
“Hiwaga ng karunungan ay matutuklasan, kung ang pagbasa ay
pahahalagahan”
Happy reading

SET B
Panahon ng Bagong Bato
Sa pagdaan ng mga panahon nagkaroon ng bagong pangangailangan ang mga sinaunang tao.
Kinailangan nila ng mga bagong kagamitang yari rin sa mga bato na lubos na pinakinis at inayos. Sa
paglabas ng mga gamit na ito ay dumating ang isang bagong panahon, ang Panahon ng Bagong Bato.
Ang mga tao ay natutong magtanim, magsaka at mag-alaga ng mga hayop. Palay ang sinasabing
pinakaunang produkto ng mga sinaunang tao na ginamitan ng ararong bato na lalong nagpaunlad ng
pagsasaka. Patuloy pa rin ang kanilang pangangaso kahit gumawa na sila ng mga sasakyang pantubig.
Bukod dito, natutong gumawa at gumamit ang mga tao ng mga kasangkapang yari sa putik
(earthenware). Isang pinakamagandang halimbawa nito ay ang Bangang Manunggul na sinasabing
ginawa noong 900 BC. Nagsimula na rin silang maniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan.
Mapapatunayan ito sa pamamagitan ng ginawa nilang pagsama ng mga gamit ng yumao sa kanilang mga
labi. Ito rin ang naging gamit ng Bangang Manunggul. May iba’t ibang paraan pang ginagawa sa mga
labi depende sa lipunang ginalawan ng yumao.

MGA TANONG:
1.Alin sa sumusunod ang nagpapatunay kung bakit Panahon ng Bagong Bato ang tawag sa panahong
tinalakay sa seleksyon? (Literal)
a. Yari sa bato ang lahat ng mga kagamitan nila.
b. Gumamit sila ng mga kagamitang gawa sa pinakinis na bato.
c. Nakahanap sila ng bago at pinakinis na bato na ginamit nila.
d. Dumating sila sa lugar na may kagamitang pinakinis na bato.
2. Alin sa sumsusunod ang HINDI nagpapakita ng naganap noong Panahon ng Bagong Bato? (Paghinuha)
a. Nakapaglakbay sila sa tubig.
b. May mga kagamitan silang yari sa putik.
c. Higit na mas mahusay ang uri ng pagsasaka nila.
d. Naniniwala sila na may buhay pagkatapos ng kamatayan.
3. Ano ang sanhi ng bagong kagamitan sa panahong ito? (Literal)
a. Nagsawa na sila sa lumang mga gamit at kasangkapan.
b. Hindi sapat sa pangangailangan nila ang mga yari sa putik.
c. Hindi na angkop ang dating kagamitan sa pangangailangan nila.
d. Mas mahusay na gamit kaysa sa yari sa putik ang natuklasan nila.
4. Ano ang kahulugan ng labi sa pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha) Ito ay
__________________ _______ .
a. isang bahagi ng katawan
b. gamit ng namatay na tao
c. katawan ng namatay na tao
d. ang yumao na isinama sa putik
5. Anong mga katangian ng mga sinaunang tao ang ipinakita sa seleksyon?(Paghinuha) Sila ay
____________________________.
a. matapang at magalang
b. masipag at maka-Diyos
c. mapamaraan at masipag
d. matulungin at mapamaraan
6. Ano kaya ang magiging bunga nang nakagawa ang mga sinaunang tao ng sasakyang pantubig?
(Paghinuha)
a. Maaari silang maglakbay sa tubig.
b. Walang pagbabago sa paglalakbay nila.
c. Makaaalis silang ligtas kapag may bagyo.
d. Magkakaroon na sila ng bago at ligtas na tirahan.
7. Ano ang naging halaga ng Bangang Manunggul sa panahong iyon? (Paghinuha)
a. Magandang pag-aari ito ng mga yumao.
b. Isinasama ito sa yumao sa kabilang buhay.
c. Ito ay tanda ng paniniwala sa kabilang buhay.
d. Magandang gamit ito na yari sa pinakinis na bato.
8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Pagsusuri)
a. Ibang Uri ng Kagamitang Bato
b. Pamumuhay ng Sinaunang Tao
c. Masisipag na mga Sinaunang Tao
d. Mga Kagamitan ng Panahon ng Bagong Bato
9. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Pagsusuri)
a. Hatid nito ang isang balita. b. Hangad nitong manghikayat.
c. Gusto nitong magbigay ng aral. d. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
10. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? (Pagsusuri)
a. Binanggit ang suliranin ng paksa.
b. Nakasaad ang mga solusyon sa paksa.
c. Tinalakay ang maraming sanhi ng paksa.
d. Inilarawan ang paksa gamit ang mga halimbawa.
Magandang umaga/hapon. Binabati ko kayo sa matagumpay na pagsasagot sa SET
A at B. nagyon naman ay dadako tayo sa Set C bilang panghuling gawain sa
linggong ito.

“Nasa pagbasa ang pag-asa”


By khen
SET C
Karapatang Sibil

Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa kalayaan nating
makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa karapatang sibil ay karapatan sa
pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay, magkaroon ng ari-arian,
maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa. May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito
sa lipunan, laban sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus
ang kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang
Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal. Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay.
Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi
napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond reasonable
doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos
ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice delayed is justice
denied.”

You might also like