You are on page 1of 8

ST.

CARMEN SALLES SCHOOL LEARNING MODULE FOR ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 2 | Week 2 1

ST. CARMEN SALLES SCHOOL


Antonio L. Go St., Brgy. 39, Bacolod City, Negros Occidental
Email Address: st.carmensalles@gmail.com
Tel. No. 434-4071 │School Number: 441001

LEARNING MODYUL
PARA SA ARALING PANLIPUNAN 8

INIHANDA NI:

Bb. Cathy P. Reloj


Guro sa Araling Panlipunan

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical,photocopying,recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
ST. CARMEN SALLES SCHOOL LEARNING MODULE FOR ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 2 | Week 2 2

MODYUL 2

v
Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
Petsa Mga Kakayahan sa Pagkatuto Mga Gawain
October 18

1. Grafittie Wall
- 23, 2021

Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang


Romano (AP8DKT-IIc-3) 2. Graphic Organizer

Kontribusyon ng mga Romano

Ang mga Etruscan na dumating sa Italy galing sa Asia Minor ang nakaimpluwensiya sa mga
Romano. Ito ay dahil sa mayamang deposito ng tanso sa Tuscany at bakal naman saisla ng Elba.
Noong 600 BCE, sinakop ng mga Etruscan ang Roma. Dito nakuha ng mga Romano ang kanilang
alpabeto, paniniwala, at kasanayan sa paggawa ng mga gusali.
Noong 509 BCE, pinatalsik ng mga Romano ang huling hari ng mga Etruscan na si Traquinis
Superbus. Itinatag ni Lucuis Junuis Brutus ang isang Republika na kung saanang lahat ng
mamamayan ay may karapatang bumuto ng kanilang gusto. Ang Republika ay galing sa salitang
Res Republican na nangangahulugang ‘’ugnayang pampubliko’’ public affairs.
Sa relihiyon, ginaya nila ang mga diyos ng mga Griyego. Binigyan lamang nila ng ibangpangalan
at karamihan ay para sa kagandahan, agrikultura, at buhay.
Ang mga Romano ay pumili ng dalawang konsul uoang mapigilan ang pang-aabuso sa
kapangyarihan ng bawat isa. Ito ay pinipili kada taon at may tungkuling kahalintulad ng sa hari.
Mayroon din silang konseho na binubuo ng 300 miyembro ng patrician.
Ang bawat konsul ay may kapangyarihang mag-veto o tumanggi sa batas. Ang Senado ang
pinakamakapangyarihan sa Republika. Ito ay binubuo lamang ng mga patrician o maharlika.
Kontrolado nila ang ingat-yaman at ugnayang panlabas. Sa oras ng krisis, maaring magtala ng
diktador ang Senado na siyang papalit sa konsul. Tatagal lamang ng anim na buwan ang
panunungkulan ng diktador. Ang mga plebeian o pangkaraniwangmamayan ay binubuo ng mga
magsasaka at mangangalakal. Sila ang mga mamamayan na walang sariling lupain. Hindi sila
maaring humawak ng pampublikong posisyon o mag-asawa ng isang patrician. Ang
pinakamamabang pangkat ay ang mga alipin. Sila ay kadalasang nahuli sa digmaan o mga
plebeian na may utang.
Noong umpisa, mga patrician lamang ang maaring magsilbi sa hukbong sandatahan. Dahil sa dami
ng kaaway, tulad ng Etruscan, Latin, at Gaul napilitan ang Senado na huminging tulong sa mga
plebeian. Tinuruan sila ng paggamit ng armas tulad ng javelin na sibat at espada. Ang pag-eensayo,
displina, at katapatan ay naging epektibo para sa hukbong Romano. Ito ay bumubuo ng 6000
sundalo na tinatawag na legion.
Unti-unting nagbago ang pamahalaang Romano sa kanilang pangangailangan. Nanatili ang
kapangyarihan at karangalan ng Senado ngunit pinalitan ng Asembleya ng Assemblia Centuries
na binubuo ng hukbong Romano at Assembly of Tribes na binubuo ng mga plebeian. Ito ay may
10 halal na tribune na siyang magsasalita para sa kanilang mga pangangailangan.

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical,photocopying,recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
ST. CARMEN SALLES SCHOOL LEARNING MODULE FOR ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 2 | Week 2 3

Noong 494 BCE, libo-libong plebeian ang nagbantang aalis ng siyudad at tumangginglumaban sa
hukbong Romano kapag hindi dininig ng mga patrician ang kanilang hinaing. Dahil dito, unti-unti
nilang nakuha ang kanilang mga kahilingan, kabilang dito ang karapatanghumawak ng
pampublikong posisyon, pagbuwag o pagtanggal sa mga batas na nagkakasakitsa mga plebeian,
at pagpayag sa pag-aasawa ng mga magkaibang-pangkat.
Noong 451 BCE, isang grupo na binubuo ng 10 opisyal ang sumulat ng mga batas ng Roma.
Nakaukit ito sa 12 tablet at isinabit sa Forum. Nakilala ito bilang Twelve Tables. Itoang naging
sandigan ng mga batas Romano. Nalutas ang alitan sa pagitan ng mga plebeian at patrician.
Sa loob ng 200 tao mula nang maitatag ang Roma, unti-unting natalo ng mga Romanoang mga
lungsod ng Latin, Samite , at Etruscan. Ang paglakas nito ay ikinabahala ng mga kolonyang Griyego
kaya humingi sila ng tulong sa hari ng Epiris na si Phyrrus. Bumuo sila ng hukbong pandigma at
salakay sa Roma. Dalawang digmaan ang naganap ngunit halos nalipol ang kaniyang hukbo. Ang
pagkapanalo na may maraming buhay na nasawi ay tinatawag na Phyrric Victory. Nang makita
niya na hindi siya mananalo sa mga Romano minabuti niyang bumalik na lamang sa Greece.
Lalong lumawak ang teritoryo ng Roma at naman ang kalakalan sa Carthage. Sa pagitan ng 264
BCE AT 146 BCE, nagkaroon ng tatlong digmaan ang Roma at Carthage. Tinawag itong Digmaang
Punic na mula sa salitang Latin na Punicus na ibis sabihin ay Phoenician.
Kontribusyon ng mga Romano
 Batas
 Twelve tables – nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at
mgapamamaraan ayon sa batas.
 Panitikan
 Ang panitikan ng Rome ay mga salin ng mga tula at dula ng Greece
 Livius Andronicus – nagsalin ng Odyssey
 Marcus Plautus at Terrence – unang manunulat ng comedy
 Lucretius at catallus
 Cicero – manunulat at orador
 Arkitektura
 Semento
 Stucco
 Arch – Ginamit sa mga templo, aqueduct at mga gusali
 Basilica – isang bulwagan na nag silbing korte at pinagpupulungan
 Forum – sentro ng lungsod
 Pampublikong paliguan at pamilihan
 Colosseum – isang amphitheatre para sa labanan ng gladiator
 Inhinyeriya
 Nagtayo ng mga daan at tulay upang pagugnayin ang buong imperyo.
 Appian way – Naguugnay sa Rome at Italy.
 Aqueduct – Daluyan ng mga tubig sa lungsod.

 Tirahan ng Mayayaman
 Ang bahay ng mayayamang pamilyang Romano ay yari sa ladrilyo, bato at marmol.
 May malawak na atrium o bulwagan.
 May alpombra at malambot na kama.
 Pagkain – shellfish, itlog dormouse at ostrich
 Gumagamit ng kutsara at kutsilyo
 Pagkatapos kumain ang alipin ay nagdadala ng isang palanggana ng mabangong
tubigbilang hugasan ng kamay

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical,photocopying,recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
ST. CARMEN SALLES SCHOOL LEARNING MODULE FOR ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 2 | Week 2 4

 Tirahan ng mahihirap
 Nakatira sa mga bahay paupahan na umaabot sa 7 na palapag
 Ang ilaw at ang init tuwing taglamig ay nanggagaling sa isang kalan na
nagsisilbinglutuan narin ng mag – anak
 Lugaw ang karaniwang almusal at longganisa sa tanghali at lugaw uli sa hapon

 Libangan
 Gladiator – karaniwang kriminal, alipin o bihag na nakikipaglaban sa isa’t isa o
labansa isang mabangis na hayop
 Sa Colosseum din ginaganap ang pampublikong pagbitay. Ang isang
kriminal aytinatapon sa gitna upang lapain ng mabangis na hayop

 Pananamit
 Lalaking Roman
 Tunic – kasuotang pambahay na hanggang tuhod
 Toga – sinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay
 Babaeng Roman
 Stola – kasuotang pambahay na hanggang talampakan
 Palia – inilagay sa ibabaw ng stola

 Agrikultura
 Marami sa mga Romano ay magsasaka
 Tanim: Trigo, barley, gulay, prutas
 Alagang Hayop – Tupa at baka bilang kabuhayan

 Sining ng mga Pilipino na may halong Greko-romano


 Ang mga taga Roma ay may mahigpit na paniniwala sa mga kaugalian ng kanilang
mga ninuno tulad ng mga Pilipino isang pagkakahawig nito ay ang pag-aalay ng
pagkain sa mga elemento at mga engkanto na hindi nila nakikita.
 Malaki din ang impluwensiya ng kristyanismo lalong-lalo na sa Simbahang Katoliko
Romano sa kasalukuyang kultura ng Pilipina

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical,photocopying,recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
ST. CARMEN SALLES SCHOOL LEARNING MODULE FOR ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 2 | Week 2 5

GAWAIN 1: Grafitti Wall

Sulatan ninyo itong inihandang “Grafitti Wall” tungkol sa mga nalalaman ninyo sa paksang ating
tinalakay ngayong araw tungkol sa mga kontribusyon ng Romano.
Pamantayan sa paglalapat ng marka:
Kaangkupan 5
Kawastuahan ng datos 5
kabuuan 10

Grafitti Wall

Kontribusyon ng
Kabihasnang
Rome

GAWAIN 2: Graphic Organizer


Gumawa ng “Graphic Organizer” tungkol sa Kontribusyon ng kabihasnang Romano at pagkatapos
ay magbigay maikling (3-5 sentences) paliwanag para dito.

Katumbas na puntos (5 puntos) (3 puntos) (2 puntos)


CRITERIA Lubhang Kahika-hikayat Di- gaanong kahika-hikayat
Kahika-hikayat
NILALAMAN Taglay nito ang kagalingan Taglay nito ang galing sa Di-gaanong magaling ang pagsulat at hindi
at organisadong pagsususlat pagsulat organisado ang mga detalye
KAANGKUPAN Angkop na angkop sa paksa Angkop sa paksa Di-gaanong angkop ang mga napiling salita at
NG PAKSA ang napiling mga salita at tema.
tema

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical,photocopying,recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
ST. CARMEN SALLES SCHOOL LEARNING MODULE FOR ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 2 | Week 2 6

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical,photocopying,recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
ST. CARMEN SALLES SCHOOL LEARNING MODULE FOR ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 2 | Week 2 7

Unawain ng maigi ang bawat pahayag at isulat ang TITIK ng iyong sagot sa patlang na makikita
sa bawat bilang.

________1. Malaki
ang naidulot ng mga dayuhan sa kultura ng mga Romano. Alin sa mgasumusunod
na pahayag ang nagpapatunay dito.

A. Walang pagbabagong naganap sa kultura ng mga Romano sa pagdating


ng mgaEtruscans.
B. Nakuha ng mga Romano ang kanilang alpabeto, paniniwala, at kasanayan sa
paggawang mga gusali sa mga Etruscans.
C. Tinanggihan ng mga Romano ang impluwensiya ng mga Etruscans.
D. Wala sa nabanggit.

_______2. Ang Kristyanismo ay isang malaking impluwensiya ng mga Romano sa mga Pilipino.
Tama ba ang pahayag na ito?
A. Opo, dahil ang Kristyanismo ay ipinamana talaga sa atin ng mga Romano.
B. Opo, dahil naging malaking impluwensiya ang Kristiyanismo lalong-lalo
na saSimbahang Katoliko Romano sa kasalukuyang kultura ng Pilipinas.
C. Hindi, dahil hindi naman laganap ang Kristyanismo sa Pilipinas.
D. Hindi, walang impluwensiya ang mga Romano sa mga Pilipino.

_______3. Itinatag ni Lucius Brutus ang isang Republika kung saan lahat ng mamamayan ay may
karapatang bumuto ng klanilang gusto. Base sa pahayag anong klaseng pinunosi Brutus?
A. Siya ay marahas at walang pakialam sa kaniyang nasasakupan.
B. Pinapahalagahan niya ang indibidwal na karapatan ng kanyang mamamayan.
C. Siya ay isang pinuno na hindi marunong makinig sa kaniyang mga tao.
D. Walang puso at huwad na pinuno.
_______4. Ang isang Romano ay nag-alay ng mga pagkain sa altar ng kaniyang yumao.
Anoang tamang konklusiyon para dito?

A. Ang mga Romano ay mapagmahal sa kanilang mga yumao.


B. Ang mga Romano ay naniniwala sa mga elemento.
C. Ispiritwal na tao ang mga Romano.
Mahilig mag-alay ang mga Romano.

_______5. Ang mga Romano ay nag-aalaga ng mga hayop kagaya ng tupa at baka bilang
Kabuhayan. Sila ay kilala din bilang magsasaka. Ano ang mahihinuha mo mula sa pahayag?
A. Ang pangingisda ay laganap sa mga Romano.
B. Ang agrikultura ay isang gawain ng mga Romano.
C. Popular ang mga taong nagsasaka noong unang panahon.
D. Wala sa nabanggit.

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical,photocopying,recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
ST. CARMEN SALLES SCHOOL LEARNING MODULE FOR ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 2 | Week 2 8

_______6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na mayroon ng pagkapantay-


pantay sa mga Romano.

A. Hindi maaring makapag-asawa ang isang plebeian sa sang patrician.


B. Maari nang maluklok sa pampublikong posisyon ang isang plebeian.
C. Nanatiling magsasaka at tagadigma lamang ang mga plebeian.
D. Wala sa nabanggit.
_______7. Naniniwala ng mga Romano sa diyos ng panimula, diyos ng kalangitan, at diyos ng
Digmaan. Ano ang tamang konklusiyon sa pahayag na ito?

A. Malapit ang mga Romano sa kanilang mga diyos.


B. Maraming diyos na pinaniniwalaan ang mga Romano.
C. Mahigpit ang mga Romano pagdating sa pagsasamba sa kanilang mga diyos.
D. Wala sa nabanggit.

_______8. Tuwing nakikipagdigma ang mga Romano ay himihingi sila ng gabay mula sa diyos
nilang nagngangalang Mars. Base sa pahayag anong diyos ng mga Romano si Mars?
A. Siya ay diyos ng kalangitan.
B. Siya ay diyos ng digmaan.
C. Siya ay diyos ng apoy.
D. Siya ay diyos ng panimula.
_________9. Ito ang tawag sa pagkapanalo ngunit maraming namatay.
A. Punic victory C. Roman’s victory
B. Phyrric victory D. Res Republican

______10. Ito ang pinakamakapangyarihan sa Republika ng mga Romano.

A. Konseho B. Senado C. Plebeians D. Patricians

 Mark Alvin M. Cruz, Mark Andrew F. Fietas, et’al. Kasaysayan ng Daigdig. Vival Publishing
house.

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical,photocopying,recording, or otherwise) without prior written permission from the school.

You might also like