You are on page 1of 3

INTRODUCTION

Atin pong simulan ang programa ngayong gabi sa pamamagitan ng isang dasal-
awitin. Hingen at damhin po natin ang presensya ng ating panginoon ngayong gabi.
Kung naangkop sa inyong kalagayan, tayo pong lahat ay magsitayo, at sabay sabay
po nating awiting ang kantang “I SEE YOU LORD”.
Maari na po kayong magsiupo.
Ngayon pong gabi ay ang huling gabi ng ating minamahal na si Nanay
______________________________.
At ngayon po ay tayo’y naririto, nagtitipon tipon, upang samahan si Nanay
__________ sa kanyang huling gabi dito sa mundong ibabaw.
Alam ko po at ramdam ko po ang kalungkutan at pighati na inyong nararanasan,
nararamdaman sa pagkawala ni Nanay _____________. Gayunpaman, sa mga
naririto, na nagmamahal kay Nanay ________, atin pong gamitin ang pagkakataong
ito upang sariwain ang naging buhay ni Nanay _____, gunitain ang mga
masasayang karanasan at pagkakataon na nakasama natin si Nanay _______
nuong sya ay nabubuhay pa, at higit sa lahat alalahanin natin ang mga
mahahalagang aral na iniwan sa atin ni Nanay ________ bilang isang kapatid,
kaibigan, kumare, asawa, magulang, ninang, lola at kung anuman ang naging
turingan natin kay Nanay ____________ at kung ano sya sa ating buhay.
Kaya po, sana po ay ibigay natin ng kusa at taos puso ang ating oras at aktibong
partisipasyon at kooperasyon sa ating programa. Ialay po natin ito, gawin po natin ito
para po kay Nanay _____________.

ISANG ANAK, ISANG KAPATID


At upang umpisahan po ang ating eulogy o tribute para kay Nanay, atin pong balikan
ang History ni Nanay. Una ko pong tatawagin ang taong ito na magsasalaysay sa
atin sa buhay ni Nanay ________ bilang isang anak at bilang isang kapatid.
_________________________________________________
Pangalan ng mga Magulang, Ilang magkakapatid, birthplace, hobbies.
Maraming Salamat po. Salamat po sa inyong pagpapatunay ng kabutihan ni Nanay
bilang isang anak at bilang isang kapatid.
ISANG KAIBIGAN (Katrabaho, kumara, kapitbahay) – Favorite food, favorite place
________________________________________________

ISANG PANGALAWANG MAGULANG SA KANYANG MGA INAANAK – Mahilig


bang magregalo si Nana tuwing pasko? Ano yung pinakamemorable nyang regalo
sayo.
________________________________________________
ISANG TIYAHIN (PAMANGKIN) – Ano ang lageng pinapaala sa iyo ni Nanay? Ano
yung pinakamahalang turo, aral, o leksyon ang natutunan mo sa kanya?
_______________________________________________

Bago po natin ipagpatuloy ang ating pagalaala ay hayaan nyo po akong pangunahan
ang pagawit ng isa sa mga favorite songs ni Nanay. Ito daw pong kantang ito ay
itinuturo pa ni Nanay sa kanyang apo. Ang title po ng kantang ito ay Paper Roses na
orihinal na kinanta ni Anita Bryant nung 1960 at mas pinasikat ni Maria Osmond
nung 1973.

ISANG LOLA – Sino ang paboritong apo ni Lola?


________________________________________________

ISANG MANUGANG (MOTHER IN LAW) – Ano po ang pinaka hindi mo


malilimutang mensahe ang sinabi sa iyo ni Nanay?
________________________________________________
ISANG INA – Ano ang namimiss mong ulam na niluluto sayo ni Nanay? Anong
namimiss mong gawin sa iyo ni Nanay? Isang bagay na binigay sa iyo ni Nanay na
hanggang ngayon ay nasayo parin?
_________________________________________________

ISANG ASAWA
_________________________________________________

Maramimg maraming salamat po sa lahat ng nagbahagi ng kanilang kwento kasama


si Nanay. Sa lahat ng nagbigay ng mensahe, pasasalamat at pagpapatunay ng
kabutihan ni Nanay nuong sya ay nabubuhay pa. Tunay ngang naging makabuluhan
at puno ng saysay ang naging buhay ni Nanay. At ang hiling ko po, ay sana ay inyo
itong isapuso at isa-isip, at manatili ito sa inyo hindi lang bilang alaaala kundi
mahalagang pamana ni Nanay.
Hindi po matutumbasan ng kahit anong halaga o kahit anong material na bagay ang
mga ala-ala at pamanang iniwan sa inyo.
Nanay ______, Salamat po. Paalam.
At bilang pantapos na bilang sa programang ito, hayaan nyo po akong awitin ang isa
pa sa paboritong awitin ni Nanay, and Let it be me na pinasikat ng the Everly
Brothers sa kanilng rendition ng kantang ito nuong 1960. Ito pong kantang ito ay
originally a French song titled Je T’appartiens na ginawa nuong 1955.

You might also like