Professional Documents
Culture Documents
Funeral Proram
Funeral Proram
Atin pong simulan ang programa ngayong gabi sa pamamagitan ng isang dasal-
awitin. Hingen at damhin po natin ang presensya ng ating panginoon ngayong gabi.
Kung naangkop sa inyong kalagayan, tayo pong lahat ay magsitayo, at sabay sabay
po nating awiting ang kantang “I SEE YOU LORD”.
Maari na po kayong magsiupo.
Ngayon pong gabi ay ang huling gabi ng ating minamahal na si Nanay
______________________________.
At ngayon po ay tayo’y naririto, nagtitipon tipon, upang samahan si Nanay
__________ sa kanyang huling gabi dito sa mundong ibabaw.
Alam ko po at ramdam ko po ang kalungkutan at pighati na inyong nararanasan,
nararamdaman sa pagkawala ni Nanay _____________. Gayunpaman, sa mga
naririto, na nagmamahal kay Nanay ________, atin pong gamitin ang pagkakataong
ito upang sariwain ang naging buhay ni Nanay _____, gunitain ang mga
masasayang karanasan at pagkakataon na nakasama natin si Nanay _______
nuong sya ay nabubuhay pa, at higit sa lahat alalahanin natin ang mga
mahahalagang aral na iniwan sa atin ni Nanay ________ bilang isang kapatid,
kaibigan, kumare, asawa, magulang, ninang, lola at kung anuman ang naging
turingan natin kay Nanay ____________ at kung ano sya sa ating buhay.
Kaya po, sana po ay ibigay natin ng kusa at taos puso ang ating oras at aktibong
partisipasyon at kooperasyon sa ating programa. Ialay po natin ito, gawin po natin ito
para po kay Nanay _____________.
Bago po natin ipagpatuloy ang ating pagalaala ay hayaan nyo po akong pangunahan
ang pagawit ng isa sa mga favorite songs ni Nanay. Ito daw pong kantang ito ay
itinuturo pa ni Nanay sa kanyang apo. Ang title po ng kantang ito ay Paper Roses na
orihinal na kinanta ni Anita Bryant nung 1960 at mas pinasikat ni Maria Osmond
nung 1973.
ISANG ASAWA
_________________________________________________