Professional Documents
Culture Documents
Sino Nga Ba Si Parulay
Sino Nga Ba Si Parulay
Ni Jestone V. Pipit
Halos wala nang bata sa labas. Hindi dahil sa sinabi ni Kim Chui na “bawal lumabas” kundi
dahil sa mga makabagong teknolohiya. Nariyan ang mga cellphone, tablet, laptop at iba pa na bagong
kinalilibangan ng mga bata.
Bago pa man naharap ang bansa sa pandemya, madalang na ang mga batang naglalaro ng
mga larong minana pa sa kanunununuan. Bihira na ang naglalaro ng teks, lastiko, tao-tauhan, pogs,
jolens at turumpo na binili sa labas ng Central at sa kilalang Little SM. Iilan na lang din ang gumuguhit
ng mga linya ng piko at pakbaro. Wala na ring gaanong tumatalon sa chinese garter, ten-twenty, at
hamburger stop. Kakaunti na lang din ang nadadapa dahil sa langit-lupa, silly-silly maanghang,
tumbang preso, finish at tsi-tsu. Hindi na rin gaanong masaksihan ang larong sipa na ginamitan ng
black magic na talagang lilipong sa taas at layo.
Hayst! Kailan n’yo ba ulit naranasan ang pag-fall sa maling tao, este ng London Bridge kung
saan ikaw ang fair lady at hindi first lady na kinalakihan? Kailan ba ulit kayo nagtaguan ng feelings,
este nagtagu-taguan sa maliwanag na buwan? Kailan nga ba ulit masisilayan ang pagbuka ng bulaklak
at ang bilog-bilugan kung saan naroon si palaka na walang kaawa-awa at higit sa lahat, mabuo pa
kaya ang bahay-bahayan na minsang kang naging nanay at tatay?
Siya ang kinatatakutan ngunit inyong sinubukan. Siya ang minsan ninyong iniwasan ngunit
patuloy na nagpaparamdam. Siya ang minsang n’yong nilampasan ngunit patuloy kang susundan.
Siya si Parulay, ang tagapagbantay sa larong tubigan. Siya si Parulay, ang mga larong unti-unti n’yong
kinakalimutan ngunit patuloy kang paaalalahanan dahil minsan sa buhay mo, tinuruan kang maging
matapang para harapin ang mga pagsubok na dapat mong lampasan at pagdaanan.
1. C
2. B
3. D
4. A
5. c