You are on page 1of 1

SI PARULAY SA BUHAY NG MGA BATA

Halos wala nang bata sa labas. Hindi dahil sa pandemya at hindi rin sa sinabi ni Kim Chui na
“bawal lumabas” kundi dahil sa mga makabagong teknolohiyang dala ng pag-unlad ng bansa. Nariyan
ang mga android na cellphone, tablet, laptop at iba pa na bagong kinalilibangan ng mga bata.

Bago pa man naharap ang bansa sa malawakang pandemya, madalang na ang mga batang
naglalaro ng mga larong minana pa sa kanunununuan. Bihira na ang naglalaro ng teks, lastiko, tau-
tauhan, pogs, jolens at turumpo na binili sa labas ng central at sa kilalang Little SM. Iilan na lang din
ang gumuguhit ng mga linya sa piko at pagbaro at open the basket. Wala na ring gaanong tumatalon
sa Chinese garter, ten-twenty, hamburger stop at I went to California. Kakaunti na lang din ang
nababangasan at nadadapa dahil sa langit-lupa, silly-silly maanghang, bente uno, tumbang preso,
batuhan, potbol at tsi-tsu. Hindi na rin gaanong makita ang larong sipa kung saan maipapahanga mo
ang isang black magic na talagang lilipong sa taas at layo. Hayst! Kailan n’yo nga ba ulit naranasan ang
pag fall sa maling tao, este ng London Bridge kung saan ikaw ang fair lady at hindi first lady na ating
kinalakihan. Kailan nga ba ulit masisilayan ang pagbuka ng bulaklak at ang bilog-bilugan kung saan
ayon si palak na walang kaawa-awa at higit sa lahat, mabuo pa kaya ang bahay-bahayan na minsang
kang naging nanay o tatay?

Ngunit sino nga ba si Parulay?

Siya lang naman ang kinatatakutan ng lahat, iniiwasan at nilalampsan sa larong tubigan.

You might also like