You are on page 1of 4

(#1)Lagumang Pagsusulit

Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________

I. Gamitin ang mga pangngalang nasa loob ng kahon upang mabuo ang talata. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.

pagamutan mangingisda gamot beterinaryo

mag - aaral guro baka bigas pulis

magsasaka barber baboy - ramo damit

Mga Katulong Sa Pamayanan

“Paano tayo natutulungan ng mga katulong sa pamayanan?”tanong ni Melissa sa kanyang


kaklase. “Tinutustusan tayo ng mga isda, kabibe, at hipon, ng mga
1.__________________,” sagot ni Lita. “Tinutustusan tayo ng
2._________________, mais, at gulay ng mga magsasaka ”, wika ni Merla. “Inihahatid tayo ng

drayber sa mga lugar na gusto nating puntahan tulad ng palengke at 3.____________ at

nangangalaga naman ng katahimikan at kaayusan ang mga 4.____________, ” sabad ni

Francis “Ang ating mga doktor naman ang siyang nag- aalaga sa ating kalusugan at

nagbibigay ng tamang

5._______________,”sagot ni James. “ Ang mga beterinaryo naman ay tumutulong upang


mapangalagaan naman ang ating mga alagang hayop tulad ng aso,kalabaw at 6.
___________________,” sambit naman ni Flor. “Kami bang mga 7______________________ ay
katulong din sa pamayanan?,” tanong ni Bb. Roldan sa mga
8.____________________________.”Öpo. Tinuturuan po ninyo kami,”sagot nila.

Para sa aytem 9-10. Gamitan ng tamang pangngalan ang bawat patlang upang mabuo ang
pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

A. magpuputo B. magbababoy

C.mangangaso D.maggugulay

9. Sila ay_______ gumagawa ng masarap at malambot na puto na kinakain


natin.
10. Ako ay________ nagbebenta ng mga gulay na binibili ninyo.
II. Ibigay ang tinutukoy na salita ng may salangguhit sa bawat pangungusap na nararapat
ilagay sa patlang. Piliin ang inyong sagot sa pagpipilian. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. Sumulat si Annie ng isang salaysay ng buhay ng kanyang yumaong ama.

A. awit C. tala
B. kuwento D. talambuhay
2. Si Jessa ay isang tao na mahilig makipagtalo sa ibang bata.
A. mabait C. masayahin
B. maingay D. pilosopo
3. Nakahanda na ang puting tela para sa ipapalabas na pelikula sa plasa.
A. kurtina C. telibisyon
B. pader D. telon
4. Mula sa bahagi ng bahay o gusali na nasa bungad o harapan ng munisipyo,
tanaw ang buong bayan ng San Felipe.
A. balkonahe C. pintuan
B. gusali D. teleskopyo
5. Ang aming mayor ay isang taong matalino, matalas, at mahusay sa pakikipag
unawaan.
A. diplomatiko C. matalino
B. mahusay D. politiko
6. Ito ay isang pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang araw na
karaniwang kaarawan ng mga patron ng isang lugar sa aming bayan, madaling-
araw pa lamang ay umiikot na ang banda ng musiko para salubungin ang
magandang araw ng pagdiriwang.
A. Kaarawan C. Pasko
B. Mahal na araw D. Piyesta
7. Marami ang dayuhan ; Hindi mamamayan ng bansa nagnanais makapamasyal sa
ating bansa.

A. Banyaga C. Pilipino
B. OFW (overseas Filipino worker) D. Tagalog
8. Naging maunlad ang aming lugar, ito ay ang pinakamaliit na yunit ng
pamahalaan dahil sa masinop na pamamahala ng aming Barangay Chairman.
A. bansa C. lungsod
B. barangay D. mundo
9. Kay gandang pagmasdan ang sabay-sabay na paglakad ng mga kadete.
A. pag-awit C. pagmartsa
B. pagguhit D. pagtakbo
10. Nasira ang maraming bahay dahil sa pagputok ng isang bundok na may bukana
na paibaba sa isang imbakan ng tunaw na bato sa ilalim ng balat ng lupa.
A. bulkan C. karagatan
B. bulubundukin D. sapa

III. Basahin ang mga tanong at sagutin. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa
pagpipilian at isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa mga gumaganap
sa kuwento?
A. panimula C. tauhan
B. tagpuan D. wakas
2. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang tumutukoy kung saan ito
naganap ?
A. panimula C. tauhan
B. tagpuan D. wakas
3. Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?
A. banghay C. tagpuan
B. simula D. wakas
4. Alin sa mga sumusunod ang elemento ng kuwento?
A. tauhan, tagpuan, banghay
B. tauhan, elemento, kuwento
C. pangyayari, akda, pamagat
D. tagpuan,naganap, kuwento
5. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng banghay ng kuwento?
A. simula,saglit na kasiglaan, kasukdulan, kalakasan at wakas
B. simula, banghay, tagpuan, wakas, elemento
C. pamagat, tauhan, banghay, wakas, tagpuan
D. tauhan, tagpuan, pamagat, banghay
6. Ano ang tawag sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kuwento?
A. saglit na kasiglaan C. panimula
B. kasukdulan D. wakas
7. Kung ang panimula ay nagsasabi kung saan at paano nagsimula ang kuwento, ano
naman ang wakas?
A. Ito ay bahagi ng kuwento kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
B. Ito ay nagsasabi kung paano nagwakas o natapos ang kuwento.
C. Ito ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan.
D. Dito nangyayari ang problema sa kuwento.

Para sa aytem 8-10. Basahin ang mga halimbawa ng mga elemento ng kuwento sa loob
ng kahon, Pagkatapos, ibigay ang hinihinging sagot sa pamamagitan ng pagsulat ng titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Kamila, Jose, Agos, mag- asawang magsasaka


B. Sa isang malawak na lupain,Sa tabing ilog, Sa ilalim ng dagat
C. Sa katagalan sila’y naging magkaibigan kahit saan man sila magkita. Patuloy na
nilalagay sa puso ni Kambing ang nagawang tulong sa kanya ni Kalabaw.
D. Noong unang panahon may isang batang napakabait na lumaki lamang sa Lolo at
Lola. Ang kanyang pangalan ay si Ronie, anim na taong gulang.

______ 8. Ito ang mga halimbawa ng mga tauhan sa kuwento.


_______ 9. Ito ay maituturing na wakas ng kuwento.
_______10. Masasabi itong panimula ng kuwento.
PERFORMANCE TASK

Gumamit ng mga makabuluhang pangngalan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Maging masigasig sa pagsagot sa gawaing ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (10 puntos)

Ako ay si __________. Nakatira sa __________. Nag-aaral ako sa Paaralang Elementarya


ng __________.
Ang aking ama ay si __________. Siya ay nagtatrabaho bilang isang __________. Ang
aking ina ay si __________ Siya ay nagtatrabaho sa __________.
Ang aking guro sa Filipino ay si _________. Ang paborito kong asignatura ay _________.
Ako ay may alagang __________ at ang pangalan niya ay ___________.
Tuwing umaga siya ay aking pinapakain ng __________. Sa hapon kami ay namamasyal sa
___________. Masaya siya kapag kasama ko kaya naman mahal na mahal namin ang isa’t
isa.

RUBRICS

Maayos, malinaw na nakalahad at makabuluhan ang mga ginamit 10 pts


na pangngalan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Di- gaanong maayos, di-gaanong malinaw na nakalahad at di- gaanong 7 pts


makabuluhan ang mga ginamit na pangngalan upang mabuo ang
diwa ng pangungusap.

Nailihis ang pagpapalawak sa paggamit ng makabuluhang pangngalan 5 pts


upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

You might also like