Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Sa Panahon NG Isinauling Kalayaan
Panitikan Sa Panahon NG Isinauling Kalayaan
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad
noong 1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang mga namundok na gerilya nang may
higit sa tatlong taon ay kasa-kasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng mga
Amerikano. Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946
sapagkat dito isinauli ang kalayaan. Nawala ang tanikala, nawala ang gapos. Sa
unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang mga Pilipino.
KALAGAYAN NG PANITIKAN
Tila naging mapaghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat nang panahong
ito bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang
magbabayad dito ng malaking halaga.Isa sa naging kapansin-pansing pangyayari sa
Panitikang Pilipino sa panahong ito ay ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa
larangan ng panulat. Naging mga ulirang manunulat na Amerikano sina Ernest
Hemingway, William Saroyan, at John Steinbeck sa kanilang mahusay na teknesismo ng
panulat.Sila ang nagbigay ng diwang mapanghimagsik at kapangahasan sa panitikang
Tagalog at Ingles.
MGA PAKSA NG PANITIKAN
1. Tungkol sa kalupitan ng mga Hapones 2. Kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng
pamamahala ng mga Hapones 3. Kabayanihan ng mga gerilya
MGA PAHAYAGAN AT MAGASIN
1. LIWAYWAY 2. BULAKLAK 3. ILANG-ILANG 4. SINAG-TALA
MGA AKLAT NA NALIMBAG
MGA PILING KATHA ² (1947-1948) ni Alejandro G.
Abadilla; kinilala bilang ´AMA NG MALAYANG TALUDTURANµ ANG MAIKLING KWENTONG
TAGALOG (1886-1948) ni Teodoro Agoncillo AKO·Y ISANG TINIG (1952)-katipunan ng mga
tula at sanaysay ni Genoveva Edroza Matute MGA PILING SANAYSAY-(1952) ni Alejandro
G. Abadilla
MANLILIKHA, MGA PILING TULA (19611967) ni Rogelio Mangahas MGA PILING AKDA NG
KADIPAN (1965) ni Efren Abueg PITONG DULA (1968) ² ni Dionisio Salazar
MANUNULAT:MGA PILING AKDANG PILIPINO (1970) ni Efren Abueg SINING AT PAMAMARAAN
NG PAG-AARAL NG PANITIKAN (1965) ni Rufino Alejandro
MGA AKLAT KAY J.RIZAL
Nang Musmos Pa si Rizal at Ulirang Magaaral si Rizal na sinulat ni DIOSDADO CAPINO
Ang Buhay at Mga Akda ni Rizal ² BEN UNGSON Rizal, Ang Bayani at Guro at iba pa ²
DOMINGO LANDICHO Gabay sa Pag-aaral ng Noli at Gabay sa Pagaaral ng Fili ² EFREN
ABUEG
ANG MULING PAGSIGLA NG PANITIKAN SA INGLES
MGA PAHAYAGANG INGLES Philippine Free Press Morning Sun ² Sergio Osmena Sr.
Daily News- Ramon Roces Philippines Herald ² pamilya Soriano Chronicle ²pamilya
Lopez Bulletin - Menzi
MGA AKLAT SA INGLES
Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viraykalipunan ng mga tula Phil. Cross
Section(1950) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros Prose and Poems (1952) ni
Nick Joaquin Phil. Writing (1953) ² ni T.D. Agcaoli Phil. Harvest (1953) nina
Maximo Ramos at Florentino Valeros Horizon·s East (1967)Artemio Patacsil at
Silverio Baltazar
ANG TIMPALAK-PALANCA
Isa ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang pagkakalunsad ng
´Timpalak-Palancaµ o ´Palanca Memorial Awards for Literatureµ na pinamumunuan ni
Ginoong Carlos Palanca Sr. noong 1950. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa
pagbibigay gantimpala ang timpalak na ito bagama·t ang nagtatag ay yumao na. Ang
larangang pinagkakalooban dito ay ang MAIKLING KWENTO, DULA at TULA.
ANG MAIKLING KATHANG NAGWAGI NOONG 1950-1951
MABANGIS NA KAMAY..MAAMONG KAMAY ² Pedro Dandan PLANETA, BUWAN AT MGA BITUIN ²
Elpidio Kapulong KWENTO NI MABUTI ² Genoveva EdrozaMatute
DULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALANG PALANCA
-HULYO 4,1954 A.D. ² sinulat ni Dionisio Salazar
Noong 1975, nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awiting Pilipino nang ang ´TL Ako sa
Iyoµ ay awitin ng pangkat Cinderella. Ang awiting ito ay naging popular sa tawag na
HIMIG-MAYNILA. Binubuo ito ng ilang ´balbalµ na Pilipino may kakaibang kumpas kaya
mabilis na tinanggap ng mga tao. Narito ang awit.
TL AKO SA µYO
Ewan ko ba kung bakit type kita/ di ka naman guwapo Kahit malabo ang pagpili ko/ TL
ako sa iyo Panay kantyaw ng mga utol ko/ Dehins ka raw bagay sa kagandahan ko/
Malabo na raw ba ang mata ko/ at TL ± kita [KORO] Kalyeng liku-liko ang takbo ng
isip ko/ Sabi ng lolo may toyo ang utak ko. Sabi ng lola ay humanap ng iba/ may
porma¶t mayaman TL wala naman. [ulitan ang unahan] at na ±TL- kita«..Ikaw ang true
love ko.
Naging tanyag din si RICO J. PUNO sa pag-awit ng himig-Maynila tulad ng kanyang
´The Way We Wereµ. Narito ang isang saknong ng kanyang awit.
Alaala/nang tayo¶y mag-sweetheart pa Namamasyal sa Luneta Nang walang pera/ So it¶s
the laughter/we will remember/ The way we were/Remember the way we were.
Sa kaligirang ito, ang ilan pang mga mang-aawit na kompositor ay nadagdag pa.
Kabilang dito sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan, at ang magkakasamang
Tito, Vic at Joey. Naging matagumpay ang ´ANAKµ ni Freddie Aguilar dahil sa dalang
diwa at damdaming ipinahahayag ng awiting ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga ito
ng salin sa Hapon at sa iba pang wika. Narito ang awit:
ANAK
No¶ng isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo. At ang kamay nila ang
iyong ilaw At ang nanay at tatay mo Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog
mo
Ngayon nga¶y malaki ka na At nais mo¶y maging malaya Di man sila payag walang
magagawa Ikaw nga¶y biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila¶y
sinuway mo.
IV. Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa¶y para sa µyo. Pagkat ang nais
mo¶y masunod ang layaw mo Di mo sila pinapansin. V. Nagdaan pa ang mga araw At ang
landas mo¶y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo.
At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha At ang tanong ³Anak, ba¶t ka
nagkaganyan?´ VI. At ang iyong mata¶y biglang lumuha Nang di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo¶t nalaman mong Ikaw¶y nagkamali [3x]
II.
Si Gat Jose Rizal noo¶y nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw
magmahal sa sariling wika Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
ANG DULA SA BAGONG LIPUNAN
Nanguna sa pagpapanibagong-buhay ng ating mga sinaunang dula ang ating Unang Ginang
ng bansa na si GNG. IMELDA MARCOS. Binuhay niya ang sarsuwela ng mga Tagalog,
Sinakulo at Embayoka ng mga Muslim na pawang itinanghal sa ipinakumpuni niyang
Metropolitan Theater at ipinatayong Folk Arts Theater at Cultural Center of the
Philippines. Lalong nakapagpasigla sa dula nang panahong iyon at maging sa
kasalukuyan ang mga sumusunod na samahang pandulaan.
1. PETA ² nina Cecille Guidote Alvarez at Lino Brocka 2. REPERTORY PHILIPPINES ²
nina Rebecca Godines at Zenaida Amador 3. UP REPERTORY ² ni Behn Cervantes 4.
TEATRO FILIPINO ² ni Rolando Tinio
Walang pinag-iba ang mga maikling kwento nang panahong ito sa mga naisulat noong
bago magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang mga nobela at dula.