You are on page 1of 1

Pagsusuri sa likha ni Waway Saway

Ang pintang ito ay napapabilang sa anyong sining na biswal na kung saan ito ay nakikita mismo
ng ating mga mata at pumupukaw sa ating damdamin dahil sa kasanayan at imahinasyong
ipinapamalas nito. Kahit na sabihin nating ang kagandahan ay nakadepende sa kung paano ito
tinitingnan ng isang manonood, may mga elemento pa din itong kadalasang sinusuri ng
nakararami na nagiging basehan ng kanilang obhetibong pagbibigay ng kanilang ideya tungkol
sa isang likhang sining. Isa sa mga elementong tinataglay ng pintang nasa itaas ay ang linyang
kurbado-- doble at kumbinado na ginamit upang magbigay ng direksyon o mosyon sa balahibo
ng ilan sa mga agila at kasali na din ang pagbibigay imahe sa isang agilang tila ay gumagalaw.
Ang sunod na elemento naman ay ang valyu o halaga na base sa pinta, ang harap o gitna ay
nagpapakita ng kaliwanagan samantalang ang likod na parte nito ay medyo may kadiliman. Ang
pagkahalo ng liwananag at kadiliman sa pintang ito ay nakakaimpluwensiya sa kulay at
aninong tinataglay nito. Ang kulay na ginamit sa pintang ito ay iba’t ibang kakulay o shade ng
kayumanggi. Ipinapakita din sa gitnang parte nito ang katingkaran ng kulay na nagpapalakas sa
intensidad nito. Ang sunod na elemento ay ang klase ng tekstura o pagkakayari na kung
pagbabasehan ang pintang ito, medyo may pagka-magaspang ang tekstura o kalidad ngunit
detalyado ang pagkakagawa lalo na ang mga balahibo. Ang volyum o solido din na ginamit sa
pintang ito ay nagpapakita ng mga organikong hugis pangkalikasan na taglay ay mga kurbado o
abstrakto. Ang panghuling elemento ay ang espasyo na kung susuriin ay binibigyang pansin ang
imahe ng mga agila na sumasakop ng higit sa pintang ito at may kakaunting espasyo ng
bulubundukin.

Ang pangunahing bagay na mapapansin sa pintang ito ay ang mga agila na kung ating iintindihin
ay isang representasyon ng pagiging malakas o matapang. Kinakatawan din nito ang kakaibang
taglay na karunungan sapagkat ito ay nakakalipad ng mataas at malayo sa iba’t ibang parte ng
isang lugar na nagbibigay ng pagkakataon upang magkaroon ng malawakang pananaw sa lahat.
Maaaring ito ay nagpapakahulugan sa buhay ng manlilikha na inirerepresenta nya ang sarili at
mga nakapaligid sa kanya bilang agila. Ang puno din na kanilang kinalalagyan ay
nagpapahiwatig na kahit saan ka man mapunta, babalik at tatanawin mo talaga ang iyong
pinanggalingan. May mga bulubundukin ding nakikita sa ibabang bahagi nito na maaaring
magpahiwatig ng kung saan matatagpuan ang agila o ang buhay ng manlilikha.

You might also like